Matanda
Nang nasa mismong baryo na kami ni Letty ay para bang nakahinga ako. Ang iilang mga bata doon ay naglalaro ng moro-moro at ang iba naman ay nagtatago sa puno.
Ang grupo ng matandang naghanay sa tindahan habang humalakhak sa kanilang pinag uusapan ay napatigil sa kasiyahan. May mangilan-ngilan sa kanilang masama akong tinignan at iba naman ay ngumiti sa akin.
"Tara na. Baka pati bahay natin angkinin din niya. Anak pa naman siya ni Don Emilio", bulung-bulungan ng ilang kababaihan na may hawak na basket ng mga gulay at kanya-kanyang pumulas sa kanilang mga bahay.
Hindi ko sila pinansin bagkus ay tuwid pa rin akong naglakad habang si Letty naman ay patakbong hinabol ako.
"Will you please faster, Letty? Baka mapatay ako ng mga tao rito", pumantay siya ng lakad sa akin. Akala ko kaya niya ginawa iyon ay para makasabay pero nais niya lang palang magpaalam.
"Bibili lang ako ng kandila. Minsan kasi ay nawawalan ng kuryente dito", sumaglit kami sa isa mga tindahan doon na kahanay ng mga bahay na yari sa pawid at ang ilan ay pinagtagpi-tagping kahoy. Nilibot ko ang aking paningin habang nakatayo ako't iniintay si Letty.
Napansin kong kaunti lamang ang mga bahay doon na yari bato. Ang iba sa mga bata ay sira-sira ang maduming mga damit. Ang ilang kabataang babae ay may hawak na sanggol at nagpapasuso sa maliit na bakuran ng kanilang bahay. Ang isang batang babae ay lumapit din sa kanya at pinunasan niya ang sipon nito gamit ng maliit na tela nitong hawak.
"Pabili na rin ng yelo", sabi ni Letty na hindi pa tapos sa pagbili.
Buti na lamang at naisip niya iyon. Hindi niya ko mapapainom ng hindi malamig na tubig.
Sinamantala ko ang pagbili niya kaya't lumapit ako sa isa sa mga batang naglalaro doon. Nadapa siya dahil sa malaking batong nakaharang sa kanyang dinaanan.
Tinulungan ko siyang tumayo. "Are you okay?"
Sa tagiliran ng aking mga mata isang lalaking iika-ika ang lakad ang lumapit sa amin. Napansin kong may sugat ang kanyang noo. Nang bumaba ang tingin ko sa kanyang tuhod ay balot iyon ng isang tela.
"Opo. Ayos lang po ako. Di ba Ate ikaw yung artista sa TV?", magiliw na tanong ng batang babae. Pinagpag ko ang likuran niyang nadumihan dahil sa pagkakadapa nito.
"Oo. Sinusubaybayan mo ba ang mga teleserye ko?", napakamot siya sa kanyang ulo. Nahihiyang siyang tumango.
"Opo. Pero minsan lang. Wala kasi kaming sariling TV sa bahay. Pinagbili kasi ni Itay"
Niyakap niya ang kanyang ama. "Tay, hindi ba dapat ay nagpapahinga ka sa bahay", batid ng bata ang sakit ng sugat na iniinda ng kanyang ama. Nakakatuwang sa murang edad ay naiintindihan niya ang kalagayan nito.
"Anak, umuwi ka muna sa bahay nang makaligo ka na", agad namang sumunod ang anak sa sinabi nito at patakbo itong umuwi.
Mabilis na nakauwi ang bata dahil ilang hakbang lamang ang layo ng bahay nila sa aming pwesto.
"Mawalang galang sayo, Ineng. Ikaw ba ang anak ni Don Emilio?", tumango naman ako saka ngumiti.
"Opo. Ako nga po"
"Ineng, alam mo ba kung anong klaseng tao ang iyong ama?", malumanay nitong tanong. Nakatingin ako sa mga mata niya. Bakas ang paghihirap at kalungkutan.
"Mang Pedring!", nagulat ako ng hinawakan ni Letty ang braso ko.
"Get off your hands, Letty", pagkasabi ko ay ginawa niya naman iyon. Nalamigan ako sa ginawa niya dahil siguro sa yelong hawak nito.
"Pwede po bang mag usap tayo sandali?", lumayo sila ng bahagya sa aking pwesto kaya't hindi ko rinig kung ano ang pinag uusapan nila. Sumenyas naman si Letty ng sandali lang kaya't tumango naman ako.
Pinagmasdan ko silang mag usap at hindi naman iyon nagtagal.
"Alis na kami Mang Pedring. Salamat po!", tumango naman ang matanda sa amin.
I wonder kung anong pinag usapan nilang dalawa.
"Teka lang po. Ano po bang gusto niyong sabihin sa akin kanina?"
Nagkatinginan sila ni Letty.
"Nais kong sabihin na sana'y maaliw ka sa pag bakasyon mo dito", alam kong hindi iyon ang gusto niyang sabihin. Pakiramdam ko ay may dapat akong malaman. Pero sa kabilang banda ng isip ko ay baka praning lamang ako.
"Let's go. Pakiramdam ko, kanina pa sinusunog ng araw ang balat ko. Sige po, Mang Pedring uuna na po kami", tumawa naman si Letty sa sinabi ko at hinigit ako ng may tricycle na tumigil sa harap namin. Hindi naman ako nag atubili na sumakay. Sa loob ng tricycle pinagmasdan ko ang matandang iniwan namin na nakatanghod sa sa aming dalawa.
Pagkababa ay nagbayad agad ako at tumanggi pa si Letty sa panlilibre ko sa kanya pero sa huli wala din siyang nagawa.
Nang umalis ang tricycle ay agad na nasabuyan ako ng gabok ng tuyong lupa at inubo ako.
"Nako! Piper! Baka magkasakit ka niyan bawal ka pa naman magabukan", inalalayan niya kong makapasok sa loob ng kanilang bakuran.
"You're over reacting!", tumawa naman siya sa sinabi ko. Alam niyang noon ay ayaw kong magabukan ako pero dahil nagbabago ang tao ay ayos na ito sa akin ngayon. Lalo pa't ang lugar na ito ang naging takbuhan ko noong panahong malungkot ako.
Nang nasa terrace na kami ng kanilang bahay ay agad niya kong pinaupo saka binitbit ang gamit ko sa loob ng kanilang bahay. Habang nakaupo sa mahabang upuang kahoy ay pinagmamasdan ko ang kanilang bakuran. Marami pa rin silang tanim na gulay at nandito pa rin ang paborito kong puno ng bayabas.
Nagawi naman sa pinakalabas nila ang aking mga mata. Kumpara noon ay maraming bahayan dito ngunit ngayon ay tila kokonti na lamang.
"Senyorita Piper!", bulalas ng nakakatanda niyang kapatid. Kasing edad ko lamang ang isang ito. Nakasuot siya ng simpleng puting sando at nakashorts na kulay berde. Magulo ang buhok nito at may hawak na sandok.
"How are you Abel? Parang gumawapo ka yata", ang dating mukhang palaboy ay naging lalaking-lalaking tignan. Malaki ang pinagbago niya dahil bukod sa pumuti ito ay naging maskulado ang kanyang katawan.
"Don't you call me Senyorita again. Wala tayo sa mansyon and I'm staying here for months", laglag ang panga niya sa sinabi ko. Tumayo ako saka nilagpasan siya. Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig sa pitcher.
Malaki ang pinagbago ng kanilang bahay mula sa labas hanggang sa pinakaloob. Kung dati ay yari ito sa pawid. Ngayon ang kalahati nito ay naging sementado na. Ngunit wala pa rin kisame kaya lampasan pa rin ang hunab ng araw.
"Wow? Hindi ka na pala maarte. Anong nangyari sayo?", hindi ko namalayan na nakasunod pala siya sa likod ko at pinaghila niya ko ng upuan. Sa sulok ng aking mga mata habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng kanilang bahay ay kita kong naghahanda si Letty ng makakain.
Buti naman at nakaluto na siya ng para sa tanghalian. Ramdam ko na rin kasi ang pagkalam ng aking sikmura.
----#ESTA GUERRA----
Puberty Hits"Wow? Hindi ka na pala maarte. Anong nangyari sayo?"Natawa ako sa kanyang tanong. Hinampas siya ng kapatid nitong nakaupo sa kanyang tabi."Sabihin na nating natuto ako sa community service namin noong first year college ako", pagsagot ko ng pag may malalaki sa aking tono.It was challenging. Iyon bang gigising kami ng maaga ng mga groupmates ko para maipaghanda ng makakain ang mga bata sa lansangan at turuan sila. Hindi naman dapat ganon ang aking community service. Nahuli lamang ako sa pagregister kaya imbis na ka-department ko ang kasama ko. Sa education students ako napabilang. I have no choice that time lalo pa't my cousins are watching every actions and decisions that I made.
Lecio"Paano naman nangyari iyon?", kanina pa ko pabalik-balik sa paglalakad habang hawak ang aking baba at nakapatong ang isa kong kamay sa aking braso.Si Letty na abalang inaayos ang gamit ko sa may cabinet ay nakapokus lamang sa kanyang ginagawa. Kanina niya pa ko hindi iniimik. Marahil ay napagod siya sa paglalakad naming dalawa. Idagdag pang inaayos niya ang gamit ko.Nang makitang nakaupo na siya sa malaking papag na may foam ay tumabi ako sa kanya. Tatlo lang ang kwarto nila at hindi kasing laki ng kwarto. But the space is fine with me. Makakagalaw pa rin naman ako ng ayos. Sabi ni Abel ang pangatlong kwarto ay para sa kanyang mga magulang na minsan lang umuwi lalo na si Mang Ben dahil abala siya sa pagiging driver ko.
Silip"Mas gusto ko ang pagiging guro noon pa man. Dahil kailangan ng mga bata ng wastong edukasyon", napatunganga ako sa sinabi niya.Gusto ko ang prinsipyo niya sa buhay. Sa kanyang sinabi sa palagay ko hindi siya makasariling tao. Gusto niyang ang mga ginagawa niya ay may kabuluhan."Ayan na naman ang prinsipyo mo magkatulad kayo ng namatay mong ama. Sigurado akong maagkapareho kayo ng tatahakin", sabi ni Abel sa kanyang kaibigan na dahilan kung bakit napakunot ang noo nito.Tumayo si Letty at inagaw sa akin ang platong naglalaman ng sukmani."Itatabi ko lang ito sa loob", Letty said awkwardly.Ano bang nangyari
Pissed offAng kanyang mga unan niyang ginamit ay nakasalansan ng maayos sa may pader. Before I finally got up from my bed. I stretched my body.Nang lumapat ang aking paa sa sahig I just realize that I don't have any slippers. Nakalimutan kong magdala ng tsinelas na panloob. Baka magkaroon ng kalyo itong paa ko. Damn! Ang hirap pa namang tanggalin ang isang yon.Nasa may patuto pa lamang ako ng pintuan ay amoy ko na agad ang kape na mula sa kusina. It smells so aromatic na para bang hinahalina akong uminom nito. But I have to refuse dahil alam ko'y nahawa iyon sa balat.Si Abel na nagsasalin ng tubig mula sa takore ay nakangiting tumingin sa akin. Nagmwestra siyang inalok ako ngunit pag iling
AbarquezNagpaliwanag si Abel kung bakit hindi siya nakasunod sa akin. Tumawag daw kasi si Manang Eve sa kanya. Napahaba ang kanilang usapan. Humingi din siya ng tawad dahil kung may nangyaring masama sa akin ay dahil sa kapabayaan niya.Ako naman na ngayon na naghihintay sa maliit nilang sala para sa hapunan ay abalang kausap ang aking ina."Yes, Ma? Don't worry about me"Nalaman kasi ni Mama na may armadong lalaki na galing dito kanina kaya agad siyang napatawag ng mabakantehan siya ng oras. Ilang beses niya kong kinukulit na umuwi na lamang sa mansyon at dun aliwin ang sarili ko."Hindi nga. Where's Papa is he okay or busy with our business?"
Cade'sPOVApelyido"Anak, sinabi ko naman sayong ayos lang ako", sabi ng aking Ina habang ginagamot ang sugat niya.Nakaupo kaming dalawa sa labas ng bahay habang pinagmamasdan ko ang nakababata kong kapatid. Mukhang handa na siyang magsaka ngayong araw. Sinabi niyang siya muna ang papalit kay Inay para may tumulong sa akin.Si Cazue kasi ay maagang pumunta ng kabundukan upang kumuha ng kahoy na gagamitin panggatong."Inay, ilang beses ko ng sinabi na wag ka ng sumali sa protesta ng mga magsasaka", muli kong tinignan ang mga sugat niya sa braso at tuhod nito.Kita ko kung paanong pinagtabuyan sila ng mga
KasintahanMaaga kaming pinatapos ni Mang Gracio sa bukid dahil dumating ang asawa nito kasama si Don Emilio.Nagkunwari pa siyang nagtatanim sa ilalim ng sikat ng araw kaya't tuwang-tuwa naman sa kanya ang gobernardor.Nang makauwi kasama ang aking bunsong kapatid ay agad kong napansin si Cazue. Kitang-kita ang pagpatak ng butil ng pawis mula sa kanyang buhok pati na rin ang iilang tuyong dahon na dumikit sa kanyang buhok. Halatang bagong dating ang isang ito dahil hindi pa siya nakakapag ayos ng buhok. Kahit ang suot nitong sira-sirang damit at pantalon pang bundok ay hindi pa napapalitan."Panabay lang tayo, Kuya", sabi niya ng makita akong pumasok sa loob kasama ni Dero.
Katanggap-tanggapKagagaling ko lamang sa sakahan upang kunin ang naiwang tubigan ni Dero sa kubo. Kinabukasan ko na sana kukunin iyon ngunit nagtotopak aking kapatid. Mahalaga iyon sa kanya dahil bigay yun ng aking Itay bago nangyari ang gabing iyon.Hindi na ko nagtricyle kaya't sa hindi ako sa mismong kalsada dumaan kundi sa likod ng mga bahay. Dapit-hapon na kaya't panay abala ang mga tao sa pagluluto ng kanilang hapunan. Kita ko kasi ang usok mula sa maliliit na bahay pataas sa bubong nito.Habang naglalakad sa madamong daanan ay kita ko kung paanong pumulas ang mga tao sa kani-kanilang mga pwesto. Kanya-kanya silang pasok sa loob ng tahanan. Ang mga bata naman ay sinuway ng isang matandang lalaki na may hawak ng pamatpat. Hindi k
Someone's POVSa wakas...Simula ng nangyari ang insidente ay hindi na muling makausap si Piper. Parang wala siya sa sarili.Palaging nakakulong sa kwarto at nagmumukmok. Minsan pang nadatnan ito ni Letty na tumatawa mag isa habang kausap ang larawan ni Cade, o hindi kaya naman larawan ng tunay niyang mga magulang.Kasalukuyan may dalang tray si Letty upang mananghalian si Piper. Pag bukas niya ng pinto ay hawak nito ang gunting at ginugupit ang sariling buhok.Ang mahabang buhok ni Piper ay gulo-gulo. Ilang araw na kasing hindi naliligo dahil nagwawala siya sa tuwing inaaya siya na maglinis ng katawan. Ang mga mata niya ay malalim at maitim ang ilalim. Halos wala na siyang pisngi at payat ang mga braso niyang puro sugat. Paano ay kinakalmot minsan ang kanyang sarili kapag nakikita niya si Donya Leonora."Piper! Wag mong gawin yan! Pa-panget ang buhok mo!" ma
Apong's POVPinabayaan"Gracio, nahihibang ka na ba!? Parang wala kayong pinagsamahan ni Presigo" galit kong sabi sa kanya ng makita siyang sinasaktan nito si Cazue.Kilala ko ang mga taong may kauganayan kay Presigo. Alam ko kung anong klase siyang tao."Himala at nagpakita ka ulit, Apong?" aniya nito sa natatawang boses.Kasalukuyan kaming nasa bahay niya. Alam kong mapagkakatiwalaan siya kahit nagbago ang pakikitungo nito sa halos lahat ng magsasaka.Kitang-kita kung gaano binago ni Don Emilio ang buhay niya mula sa sahig hanggang sa kasuluk-sulukan ng bahay na ito."Hindi naman ako mamatay tao kahit taga sunod ako ng gobernador. Alam ko ang limitasyon ko. Magtiwala ka" sinindihan niya ang sigarilyong hawak.Hinagis niya sa akin ang kaha na galing sa sarili niyang bulsa."Ewan ko ba sayo bakit ka nag r
Don Emilio's POVMamaalam"Don Emilio!" nakaupo ako sa swivel chair habang hinihigop ang aking kupita.Umikot ako para harapin kung sino ang nagsalita. Isa iyon sa mga tauhan ko.Hawak nito ang dibdib niya habang naghahabol ng hininga."Bakit biglaan yata ang pag dalaw mo sa akin Mang Garber?" isa sa pinagkakatiwalaan kong tauhan."Nagkakaroon na ng progreso sa binabalak ni Cade. Usap-usapan iyon kanina sa bukid"Lumisik ang mga mata ko sa sinabi niya. Iniisa isa kong binato ang mga bagay na nasa mesa.Lumapit ako sa kanya at kinuwelyahan. "Hindi ba't sabi ko bantayan mo ng igi ang batang 'yon!"Nanginginig ang mga mata niya."D...don... E...milio... G...ginawa ko ang lahat ng makakaya ko!"Mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kanya. Unti-unti siyang lumiyad dahil sa g
Galit"Gago ka! Hayop ka!!!" agad na bumungad ang mga salitang iyon ng makita ni Karlos ang pag panhik ni Mang Hermano sa bahay niya.Dahil sa mabilis niyang pagkilos namataan na lang namin na ilang beses niyang sinuntok ang matanda."Awat na!!!" sigaw ni Abel. Dahil sa paghigit nito kay Karlos ay muntikan pa niyang mapunit ng husto ang damit nito.Si Mang Hermano ay hindi mapigilang maluha. Pilit ko siyang hinawakan sa magkabilang braso pero gusto niyang kumawala doon."Lalapit ako! Bugbugin mo na ko hanggang sa mamatay ako!" aniya.Si Karlos na tila nahimasmasan dahil ay tinitigan lang siya."Ano pang hinihintay mo!?" kinuwelyuhan ni Mang Hermano si Karlos pero nagbalik na ito sa katinuan niya.Kahit hindi naimik ay ramdam ang galit sa mga mata nito. Kung paano ang paghinga niyang may intesidad at ang kamao niya na
NagsisisiPinatuloy kami ni Mang Hermano sa nagsisilbi nitong bahay. Maliit iyon na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood"Opo, Inay. Uuwi rin ako kinabukasan", sabi ko bago binaba ang tawag.Nagpaalam akong may kailangan akong gawin. Hindi ko detalyadong sinabi dahil alang-ala ito sa kaligtasan ng matandang nasa harap ko."Kain na kayo" alok niya.Tinulungan siya ni Abel sa paghahain ng pagkain. Ako naman ay tinitignan ang mga picture frame sa maliit nitong cabinet. Larawan ng masayang pamilya kasama ang pumanaw na si Fr. Kule. May larawan pang kasama ang aking Itay."Magkakilala po ba kayo ni Itay?"Naghila siya ng upuan pagkatapos magsalin ng tubig sa aming baso. Ako naman ay nakisalo sa pagsisimula ng kumain."Oo, kakilala ako ng Itay mo pero hindi kami gaanong malapit sa isa't-isa"T
Cade's POVMagtagoSa maghapon kong paghahapon sa bayan ng Gurabo ni-anino ni Mang Hermano ay hindi ko makita. Wala pa rin balita na galing kay Abel. Gusto niya rin tumulong sa paghahanap kaya nagsabi ako ng ilang detalye.Pero uugatin na yata ako sa paghihintay ng tawag galing sa kanya.Dumiretso ako ng pamilihang bayan pumasok kasi sa isip ko na wala ng pagkain sa bahay. Hindi kasi makapamili ang Inay dahil sa rayuma nito. Ilang araw na rin siyang hindi nagsasaka kaya kami ni Cazue ang palaging nasa palayan.Samu't-saring amoy ang tumambay sa aking ilong habang namimili."Bili ka na pogi" sabi ng isa sa mga iyon. Nagpupunas siya ng pawis habang nakangiti sa akin. Matandang babae na halos kasing edad ni Inay."Kahit hindi po ako bumili. Gwapo pa rin ako"Awtomatikong nagtinginan ang ilang mamimili sa akin. Natawa naman ako s
Sa Muling PagkikitaAng araw ay unti-unti ng tinatakpan ng bulubundukin pero wala akong pakialam kung anong oras ako makakarating doon."Cade!" tambad ko sa kanya ng sinagot ang tawag ko.Ilang segundo bago niya sinagot."Nasaan ka?!""Hindi ko pwedeng sabihin, Liyag""Kailangan mong makipagkita sa akin! Tutulungan kita. Tutulungan ko kayo!""Ayokong madamay ka""Matagal na kong damay dito!"Ilang lunok ang laway ang ginawa ko."Cade. Tutulungan kita. Pero kailangan natin magkita!""Alalahanin mo ang sarili mo, Liyag. Kaya ko na ito""Hindi, Cade. Kailangan mo ng tulong ko. Pupuntahan kita dyan. Please?"Parang nagdalawang-isip pa siya sa sinabi ko."Magkita tayo sa sakayan ng bus"
Trahedya"Showbiz ka kasi, Piper!" humalakhak si Aria. Akala mo ay nakakatuwa ang kanyang biro.Ilang minuto palang ang nakakalipas ay para bang oras iyon para sa akin. Hindi ko kinakaya ang tanong ni Pixie lalo pa at nilagay sa gitna ang kinauupuan ko. Kulang na lang tali para magmukha akong may kasalanan."Sinasabi ko na nga ba. Kailan ka pa natutong maglihim sa akin?" ang hawak niyang pamaypay ay tinututok sa akin.Kinuwento ko kay Pixie ang nangyari pero hindi naman gaanong detalyado. Tama ng sinabi ko sa kanya na niligawan ako ni Cade at ayon nakuha niya ang loob ko. Takang-taka pa siya sa nangyari dahil alam niya kung gaano kapili sa lalaki. Pero si Cade yon may kakaiba sa kanya.Ang tawag kanina ni Letty ay hindi na nasundan. Hindi ko naman nasagot kaya nag aalala ako para kasing urgent iyon dahil sa ilang beses niyang pag tawag."Hindi naman sa naglih
Picture Frame"This is super elegant!" aniya Aria nasa tabi ko. Nauna na si Pixie dahil sa mga kaibigan niyang Manager din ng ibang artista.Naghihiyawan ang mamahalin nilang suot dahil sa kintab nito. Almost all of the woman are exposing their skin. Pahabaan din ng dyamanteng hikaw. Walang magpapahuli sa pataasan ng kanilang heels."Gorgeous! The queen is here!" isa siya sa batikang direktor na kilala ko. He's wearing a cream tuxedo. Talaga namang kitang-kita ang pagiging gastador nito dahil sa mamahaling F.P Journe watch nito."Thank you!" nahihiya kong sabi. Si Aria ay siniko pa na para bang inaasar ako.Anyways, thanks to her. I love what I'm wearing. It's a Charlize Theron Gucci cream dress. I have a simple earings that matched to it.While Aria is wearing a light pink dress that has a side slit and a knot.May ilan din na nakipagkamay sa kanya dahi