Axion's POV
"Siguro yung ibibigay ni Aria ngayon ay isang helicopter." Saad ni Tris habang naglalagay ng presyo sa mga bilihin. "Ay akin pusta ko yacht. Mayaman naman iyon." Confident na sabi ni Simon. "Malabo yan mga bro. Sure ako dito, house and lot. Yan yung ireregalo. Aanhin naman niya iyong helicopter at yacht, kung wala naman siyang lugar na paglalagyan nun?" Natatawang sabi ni Samuel. Nagpupustahan kasi sila ng hula kung anong klaseng regalo ang matatanggap ko kay Aria. Ginawa na din nila itong daily basis. Tig 500 ang pusta nila, kaya instant 1 thousand agad kapag natalo ang dalawa sa kanila. Napikon din ako sa naririnig ko kaya sarkastiko akong tumawa at naki-sabat sa usapan. "Pusta ko din to. Mababawasan sweldo niyo kung di niyo yan titigilan." Napakamot nalang sila ng ulo at naka-ngusong nakatingin sa akin. "Ano? Papalag kayo? Pati yan ginagawa niyo na sugal. Hampasin ko kayo dyan, eh." Dagdag ko pa. "Napaka brutal mo naman sa amin, wala naman kaming ginagawa. Nanghuhula lang, eh. Babawasan pa talaga sweldo namin." Nagpapa-awang sabi ni Samuel. "Tigil tigilan niyo kasi ako. Akala niyo nakakatuwa, ha? Hindi nakakatuwa, nakakapikon siya. Hindi ko na gusto yung ginagawa ng babaeng iyon." Pagmamaktol ko habang tinitignan ang listahan ng inventory. I heard Samuel hummed and leaned on the table. Tinignan ko naman siya at nakita kong nag-iisip siya. Ano na naman kaya ang iniisip nito "Eh, diba, sabi mo sa kanya ay babawi ka?" Curious na tanong niya. Tinignan ko siya at nakita kong inaantay niya ang sagot ko sa kanya. "Oo, sinabi ko yun." Sagot ko sa kanya. Hinampas niya ang lamesa at tinuro ako. "Yun naman pala! Bakit hindi mo tinanggap? Para sa kanya, iyon lang yung way para bumawi ka." Tinignan ko siya ng masama at huminga ng malalim. "Seryoso ka? Gusto mong pumasok ako sa de kontratang relasyon para makabawi? Ang galing naman." Sarkastikong sabi ko. "Eh, ikaw naman nagsabi nun nababawi ka? At yun ang naging kondisyon niya sa nagawa mo. Sinasabi niya na ayos lang at ikaw pa talaga ang nagpumilit bumawi, ngayon na sinisingil ka ayaw mo din. Ang gulo mo!" He scoffed. Napa-isip din ako sa sinabi niya. Totoo nga sinabi ko iyon, pero meron naman sigurong ibang paraan para makabawi. Hindi naman siguro necessary na iyon lang talaga ang pwede kong pambawi sa kanya. Pero paano nga ba ako makakabawi? Hindi ko din naman siya pwedeng bayaran kasi mayaman naman iyon. Kaya anong pwede kong gawin? "Ahh, basta! Alam kong meron pang ibang paraan para makabawi ako. Hindi naman dapat sa ganung paraan ako dapat bumawi." Pagdadahilan ko sa kanya. "Nako, bahala ka! Hindi naman kami ang hahabolin kundi ikaw. Tsaka sinasabi ko lang naman na kung gusto mo talaga makabawi, edi iyon na yung chance mo." Sabi niya tsaka siya bumalik sa ginagawa niya. May punto rin siya. Iyon na yung chansa ko para makabawi sa kanya pero humihindi naman ako. Alam ko naman may iba pang paraan pero nawawalan na ako ng choices. Sobrang angas din kasi nitong babaeng ito. Napaka unpredictable niya gumalaw. Nagulat nga ako nung nalaman niya yung about sa buhay ko, tsaka may mga nagawa pa siya na ikinagulat ko talaga ng husto. Tulad nung nanloob siya sa apartment ko. Naputol ang pag-iisip ko nung biglang may naglapag ng mga boxes sa mesa. Napatingin ako sa kung sino nagbigay nito at nakita ko ang isang lalake. Masyadong pormal ang suot niya at halatang sa opisina nagtatrabaho. "Magandang umaga po, Sir Axion. I'm Zuko, Aria's secretary." Pagpapakilala niya. Tauhan na naman ng babaeng iyon. "Pinapadala po ito ni Miss Aria sa inyo." Tinuro niya ang mga regalong nasa harapan ko. Napabuntong hininga nalang ako at sumandal sa upuan. May inilahad din siya na isang card sa akin kaya tamad na kinuha ko iyon. Binuksan ko ito at napatawa nalang ako sa nakita doon. Isang note galing sa magaling na Architect. May you say 'yes' to these gifts. -A.A. Pambihira talaga. Hindi talaga ako tinitigilan sa mga regalo, mapupuno na yung bodega namin sa ginagawa niya at nakakapikon na. Binuksan ko ang isa sa mga regalo at nakita ko ang isang mamahaling sapatos. Napahilot nalang ako ng batok dahil sa stress na nararamdaman ko sa kanya. Sumasakit na yung batok ko sa kanya, hindi na ako magtataka kung magkakaroon ako ng high blood sa kanya. Sinusubukan kong maging kalmado at humarap sa sekretarya niya. "May pa-ayuda na naman yang amo mo? Hanep din siya. Ang dami na naman na binigay sa akin. Mga..." Binilang ko ang regalo. "Sampung regalo pa yung binigay sa akin, anong nakain niya para magbigay siya sa akin ng ganyan? Nagwawaldas lang ng pera iyang babaeng yan, eh." Iritableng sabi ko. "Gusto niya daw po kasi na um-oo ka na po daw sa offer niya. Binigay niya din ito sa akin." Ibinigay niya sa akin ang isang envelope at nagtataka naman akong kinuha iyon. Binuksan ko iyon at binasa ang contents nun. I scoffed in disbelief as I have read it. Ang laman nun ay terms and conditions about sa contracted relationship namin. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko at naisip ko na talaga na baliw siya. CONTRACTUAL RELATIONSHIP AGREEMENT (Boyfriend-Girlfriend Arrangement) This Contractual Relationship Agreement is made and entered into on this 27th day of January, 2025, by and between: Architect Aria Soraya Everheart (Hereinafter referred to as “Party A”) -and- Axion Maverick Talingting (Hereinafter referred to as “Party B”) Collectively referred to as the “Parties.” 1. PURPOSE The Parties agree to engage in a contractual romantic relationship as boyfriend and girlfriend, with the understanding that the relationship is exclusive, performative in public, and intimate in nature, solely for the duration and terms set forth herein. 2. TERM This Agreement shall commence on January 27, 2025, and shall remain in effect until January 27, 2026, unless terminated earlier by mutual agreement of both Parties. 3. RESPONSIBILITIES AND EXPECTATIONS During the term of this Agreement, both Parties agree to the following: Maintain a public display of affection and intimacy when together, especially in the presence of either Party’s family or social circle. Behave as committed romantic partners, including but not limited to: hand-holding, affectionate gestures, and sharing personal milestones. Maintain exclusivity: neither Party shall engage in romantic or intimate acts with any other individual during the term of this Agreement. Support and communicate with one another regularly to maintain the appearance and essence of a committed relationship. No Falling in Love Clause: Both Parties agree that this relationship shall remain strictly contractual and shall not evolve into genuine emotional attachment or romantic love. Should either Party feel otherwise, they must disclose it immediately, and the Agreement may be subject to review or termination. Party B should also live in to the party A's property during the contract. 4. COMPENSATION In consideration for the fulfillment of this relationship, Party B shall receive the sum of ₱50,000 (Fifty Thousand Philippine Pesos) at the end of every calendar month, paid by Party A. This amount includes all allowances for daily necessities and personal expenses. 5. CONFIDENTIALITY Both Parties agree not to disclose the nature of this contractual relationship to third parties, especially any implications of it being non-genuine, without the express consent of the other. 6. TERMINATION This Agreement may be terminated at any time by mutual written consent of both Parties. In the event of early termination, all dues up to the termination date shall be settled promptly. 7. ENFORCEMENT OF TERMS The rules and expectations listed herein must be strictly followed for the duration of the contract. Any violations may be grounds for termination and forfeiture of compensation, unless otherwise resolved between the Parties. 8. ENTIRE AGREEMENT This document represents the entire agreement between the Parties and supersedes any prior oral or written understandings. IN WITNESS WHEREOF, the Parties have executed this Agreement as of the day and year first above written. Architect Aria Soraya Everheart (Party A) Axion Maverick Talingting (Party B) Napaka unpredictable talaga ng babaeng ito, nakagawa na agad ng kontrata ni hindi pa nga niya makuha kuha yung sagot ko mula sa akin. Hindi ako makapaniwalang kayang gawin ng babaeng iyon itong klaseng bagay. Hindi ko namalayan naki-chismis na din pala yung tatlo kasi nakisilip rin sa kontratang ginawa ni Aria Soraya. "Gago, 50k a month kasali sa allowance mo. Pwede ako nalang. Aray ko!" Sinapak nila Simon at Samuel si Tris dahil sa sinabi niya. "Pucha ka talaga! Basta talaga pera, eh, nuh? Tsaka medyo gets ko na kung bakit ayaw ni Axion um-oo, medyo baliw rin tong babaeng ito, eh." Kinakilabutan na sabi ni Samuel. "Oo nga! Grabe naman sa pamimilit. Napaka extreme na nito, ginawan na talaga ng amo mo ng kontrata? Hindi niyo man lang inintindi yung rason niya bago kayo namilit." Pagsang-ayon ni Simon. "I'm just doing my job, Sirs. I'm sorry." He said in a low voice. I groaned in annoyance at tsaka ako tumayo. Kinuha ko lahat ng iniregalo pati ang kontrata ni Aria sa akin at nagmadaling lumabas. Agad akong tinawag ng apat pero hindi ako lumingon. Dire-didretso akong pumunta sa tapat, wala akong pake kung wala akong protective helmet. Kailangan ko lang mahanap si Aria. May isang building akong nakita sa may right side ng construction. Siguro iyon ang on site office nila. Agad akong pumunta doon, hindi na ako kumatok at agad agaran lang binuksan ang pinto. Nakita ko na may mga tao doon mga naka formal attire pa. Pucha, medyo napahiya ako doon, ah? May tao pala at mukhang nasa kalagitnaan ng meeting. "Who are you?! Hindi ka naman authorized person, ah! Guards!" Sigaw ng isang lalaki. "No. He's my guest. I'm expecting him." Agad ma sabi ni Aria habang nakatingin sa akin. "Leave us." She commanded. Agad naman nagsi-alisan ang mga co-workers niya at naiwan nalang kaming talaga sa office. She sat down at her table at naka dekwatro pang umupo. She smirked and looked at me from head to toe. Narinig kong hinihingal na nakalapit sa amin sila Simon. "What brings you here? Did you like my gifts?" Mayabang na tanong niya. Sarkastiko akong napatawa at pinakita ang mga regalo na dala ko ngayon. "Ito ba?" She nodded. Ngumiti ako at hinagis iyon malapit sa kanya. Nakasinghap sila Simon sa nagawa ko. "Ayan, sinasauli ko na." Pikon na sabi ko. She glanced at it uninterested and glanced back at me. "You don't like them." She calmly said. "Talagang hindi! Tapos ano ito?!" Pinakita ko sa kanya iyong kontratang dala ko. "Hindi ako um-oo pero may kontrata ka na? Nababaliw ka na ba? Hindi mo ba maintindihan yung nga rason ko? Kasi willing akong ipapaintindi sayo ang mga rason ko. Bakit napaka persistent mo?!" I roared. She stood up and walked near me. Nagkatitigan kami at sobrang chill niya lang, habang ako ay halos mag alburuto na sa galit. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya, masyadong mahirap basahin. She sinisterly smiled at me that made my heart drop. Bakit bigla akong kinabahan sa pag-ngiti niya. "Akala mo talaga that I'll give up that easily? Syempre ginawan ko na ng kontrata kasi alam kong sasakyan mo ang plano ko soon." She confidently said. "Paano ka naman makakasiguro? Kaya ko na wala ka, Aria. Kaya kong mabuhay na wala ka o ang pera mo." Seryosong sabi ko. She sighed and looked at her fingers. "That's true. Kaya mo na wala ang tulong ko kasi these past few days you survived. But the real question here is kaya ba nila?" She turned her gaze back at me. Naging seryoso na rin ang tingin niya sa akin nung sinabi niya iyon. Anong ibig niyang sabihin doon? Totoo naman, ah? Kaya kong mabuhay na wala siya, pero sinong 'nila' ang tinutukoy niya? "Anong pinagsasabi mo?" Iritableng tanong ko. "Kaya ba ng pamilya mo na wala ang pera ko?" She arrogantly smiled at me. Something inside me snapped when I heard that. Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Pati pamilya ko idadamay niya? Anong akala niya sa pamilya ko? Mga mukhang pera? Nabuhay kami sa mahirap na buhay at kinaya namin yun hanggang ngayon. Yun ba ang pinapahiwatig niya?! "Huwag yung pamilya ko, Aria Soraya!" Banta ko sa kanya. "Oh, I'm not that cruel, darling. Ang sinasabi ko lang ay paano yung utang ng pamilya mo? Bakit? Kaya mo ba talaga bayaran yung milyong-milyon na utang niyo, Axion? Can you really help them pay off their debts? Kaya mo ba talaga silang tulongan, when in fact hindi naman masyado malaki ang kinikita mo sa store mo?" There's a hint of concern in her voice. Hindi ko alam kung nagpapanggap lang ba siya or what. Pero napa-isip din ako doon, mas malaki pa ang ibibigay ni Aria Soraya sa akin kesa sa kinikita ko sa tindahan. At hindi naman talaga all the time malakas yung kita, may minsan na mahina din. "Hindi mo nga sigurado kung kahit pa-unti-unti lang ay binabayaran nila iyon? Gaano ka ba ka sigurado Axion na hindi sila mahihirapan? Talaga bang gusto mong sayangin ang opportunity nato na makatulong sa pamilya mo?" Inikotan niya habang sinasabi niya iyon. Pero meron pang ibang paraan, sure ako doon. Kaya kailangan ko lang tatagan desisyon ko dito. Hindi ako papayag magpa-alipin sa babaeng ito. "You also told me na babawi ka and ito ang naisip ko na pambawi mo. And now you're backing out. This contract relationship doesn't just benefit me, but it also benefits you. Pero alam mo kung ano ang pumipigil sayo?" Huminto siya gilid ko at bumulong. "Yung pride mo. You kept on saying you have your own principles and dignity, when in fact it was just your pride that's stopping you." Itinapon ko kontrata sa sahig. Hinawakan ko ang braso niya and pinned her to the wall. Seryoso siyang tinignan and she just calmly looked at me. "Kaya kong gawan ng paraan iyan, Aria. Masipag ako na tao at kaya kong dumiskarte, kaya hindi ko kailangan yang kontrata na yan. Hahanap ako ng paraan para mabayaran ang utang nila mama." I said with finality in my voice. She just smiled at me and that was my cue to leave. Tinalikuran ko na siya at bumalik sa store. Sumunod naman sa akin yung tatlo at pag ka upo ko sa upuan ay napasigaw nalang ako. "AHHH NAKAKABALIW!" Napatalon naman sila sa pagsigaw ko. "Napaka intense naman nun! Para kaming nanuod ng k-drama sa ginagawa niyo." Komento ni Samuel. "Oo nga, eh. Sobrang angas mo, boy! Di ka talaga nagpatinag sa intimidating aura ni Aria. Kami takot na takot na kami sa likod mo pero ikaw, loud and proud na nag stand up sa sarili!" Natutuwang sabi ni Tris. Mahabagin! Bakit ba kasi sa akin nangyari ito? Napapikit nalang ako at kinalma ang sarili ko. Ilang sandali pa ay nakatanggap ako ng tawag, kaya kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ito. "Kuya Axion! Asan ka?" Masayang salubong ni Misty. "Tindahan. Bakit?" Malumanay na sagot ko. "Punta ka sa bahay. May kainan." Napakamot ako ng ulo sa narinig ko. Magiging pulotan na naman yung ganap kanina. "Oh, sige, punta ako dyan pagkasara." Sabi ko at binaba na ang tawag. Hinarap ko sila at dahan-dahan na sumilay ang mga ngiti nila. Alam nila kapag may lakad ako ay may inaantay silang hudyat galing sa akin. "Oo na mag sasara ng maaga kasi may lakad." Anunsyo ko sa kanila kaya nag hiyawan sila sa saya at agad naman inasikaso ang store. Nung matapos kaming magsara ay umuwi naman ako agad sa apartment. Naligo muna ako para palamigin ang ulo ko, hindi pa rin kasi ako kumakalma at yung isip ko ay nandoon pa rin sa argumento namin ni Aria. Kaya ko ba talaga panindigan iyon? Kaya ko bang tulongan sila mama, mabayaran lang ang utang nila kahit hindi ko tanggapin iyong kontrata? Hindi ba ako mapapagod nun? Hindi ba ako mauubos? Kaya ko bang bayaran iyon? Kahit natapos na ako maligo, at nag-ayos ay ganun pa rin ang iniisip ko. Kahit nga papunta kila Misty yun pa rin ang iniisip ko. Nakarating nalang ako sa Del Pilar kung saan nakatira sila Misty yun pa din ang iniisip ko. Bago ako pumasok ay huminga ako ng malalim at sinampal-sampal ang sarili. Dapat maging normal ako ngayon, hindi pwede na kausapin nila ako na wala sa wisyo. Pumasok na ako sa bahay nila, hindi kaso sa kanila ang pumasok ako agad agad. Kilala na din naman nila ako, para na nga nila akong anak tito sa bahay nila Misty. "Magandang araw, mga kababayan!" Magiliw na bati ko. Agad naman nag silingunan sila Misty at dali-daling lumapit sa akin. Nagtalon talon pa kami tsaka kami nagkahiwalay. Lumapit ako kila Tito at Tita, nagmano ako sa kanila at ngumiti. "Axion! Buti nakapunta ka? Sobrang tagal na nung huli nating pagkikita. Kamusta?" Tanong ni Tita Mae. "Nako, Tita, ito gwapo pa rin. Joke lang. Di ayos lang ako tita, syempre, kumakayod pero okay lang naman." Naka-ngiting sagot ko sa kanya. Nagtawanan kami ni Tita at ginulo niya pa buhok ko. Natyempohan na lumingon ako at lumabas si Riki galing sa kwarto ni Misty. Nanlaki nag mata ko at tinawag ko siya. "Riki?!" Gulat na tawag ko sa kanya. Kinukusot ang matang lumingon ito sa akin, napa-nganga naman ako at nilingon si Misty. Nanlaki din ang mata niya at dali-daling lumapit kay Riki. "G-Gising ka na pala?" Hindi mapakaling tanong ni Misty. "Yeah." Inaantok na sagot ni Riki. "Aba! Bakit nandyan sa kwarto mo iyang japayuki na yan?!" Nang-aasar na tanong ko kay Misty. Mas lalong namula si Misty at halos hindi makapagsalita, kaya kinantyawan namin siya ng husto. Nahihiya tuloy siya tapos si Riki ay nagtataka kung bakit ganun ang inasta namin. "Hoy, Riki!" Lumingon naman si Riki sa akin. "Ito para matapos na. Sinagot ka na ba?" "Kuya Axion!" Nahihiyang suway ni Misty sa akin. "Huwag ka makinig sa kanila. Mga timang yan, eh." Pikon na sabi niya kay Riki. "Uy! Grabe ka naman! Nagtatanong lang naman kami. Bakit? May masama ba?" Pilyong tanong ko. "Alam mo ikaw. Hali ka nga dito." Lumapit siya sa amin tsaka kami nagtakbuhan nila Jillian. Naghahabulan kami sa buong bahay na ikinatawa naman nila. Matagal din kaming naghahabulan hanggang sa naabotan na niya ako. Sinabunotan niya ako at sobrang sakit nung pagkakasabunot niya. "Ikaw, inaasar mo na naman ako, ha?" Gigil na sabi niya. "Aray ko! Hoy bitawan mo ako--- aray!" Sigaw ko. "El, let go of him." Napalingon kami kay Riki na nakayapos ang nga braso. "Let go." Utos niya ulit. "Oh let go daw!" Binitawan niya naman ako at mapahimas ako ng buhok sa ginawa niya. "Ang sakit." Natatawang saad ko. "Yan sayo!" Mataray na sabi niya. "Asus, napaka brutal talaga. Mabuti pa yung Japayuki mo concerned sa akin." Inambahan niya ako ng hampas at sinangga ko lang ang braso ko. "Manahimik ka! Ikaw parang walang architect na naghahabol sayo, ha!" Maangas na sabi niya. Ayun lang. Na 'back to you' ako bigla. "Heh! Sinasali sali mo na naman yan. Na-iirita pa naman ako sa kanya." Tugon ko sa kanya. "Oh, bakit? Anyare?" Curious na tanong niya. "Kwento ko habang nasa hapag tayo. Tara kain na tayo." Inakbayan ko siya at lumapit na kami sa hapag. Umupo kami at nagdasal muna bago kumain. Nagtatawanan lang kami sa hapag at nag kukwentuhan kami. Minsan napapatingin ako kila Riki at Misty na sobrang sweet sa harapan namin. Eh paano ba naman? Naglalagayan sila ng pagkain sa bibig ng isa't-isa eh. Nawa'y lahat. Maya-maya ay biglang nagsalita si Noel. "So, Axion." Napatingin ako sa kanya habang umiinom ng coke. "Anong latest chika natin kay Aria Soraya?" He mischievously asked. I hummed at inilapag ang baso. "Pambihira. Impyerno na araw-araw yung trabaho ko sa tindahan." Sagot ko sa kanya. "Bakit? Anong nangyari, Kuya Xion?" Nagtatakang tanong ni Jillian. "Ngayon kasi, nasa tapat na nag tatrabaho si Aria. May trinabaho sa tapat ng tindahan, isang apartment complex na siya ang head architect." Nanlaki ang mata nila sa kinwento ko. "Seryoso?! Baka coincidence lang." Duda na sabi ni MJ. I scoffed and shook my head in disagreement. "Sana nga coincidence lang. Eh, alam niyo naman na alam na niya kung nasaan yung tindahan ko. Tsaka ito pa yung matindi." Uminom ako ng coke at inayos ang upo ko. "Ang babae ay nagpapadala ng mga mamahaling gamit. Kulang nalang bigyan ako ng house and lot, yate o di kaya chopper." "Ha?!" Gulat na sigaw nila. Napatakip ako ng tenga dahil sa ginawa nila. Oh diba? Mga OA talaga tong mga to. Napaka over minsan. "Oh my gosh! Seryoso nga talaga siya na mapa-oo ka." Kinakilabutan na sabi ni Misty. "Oo nga, eh. Panigurado sobrang mamahalin na naman yung binibigay sayo." Gatong pa ni Jaaruth. "Sakto! Tsaka alam mo kanina, nag away kami dahil sa kagagahan niya. Gumawa na ng kontrata, eh hindi naman ako um-oo." Pagkuwento ko pa. "Jusko! Kontrata?! Mukhang confident ata siya na mapa-oo ka, ha. In fairness sa kanya, the consistency is giving." Tumawa kami nung umaktong parang bakla si Noel pagkasabi nun. "Ayaw ko nun! Sakit lang sa ulo iyong mga yun. Hindi naman nakakatulong sa akin. Tsaka kaya ko naman mabuhay na wala siya nuh? Ano siya? Gold?" Asar na sabi ko. "Sugar mommy. It's your sugar mommy and sugar mommy are very yummy!" Kung wala lang kami sa hapag sinapak ko na to si Noel. Kung ano ano ang sinasabi ng tukmol nato eh. "Wait. Architect? Aria Soraya? Are you guys talking about the famous and the most richest architect in the city? Yung may ari ng isa sa sikat na construction firm? Si...." Sumingkit lalo ang mata ni Riki habang iniisip niya ang pangalan ng architect. "Si Aria Soraya Everheart?" Tanong ni Riki. "Oo yan! Teka kilala mo? Bakit mo kilala?" Nagtatakang tumingin ako sa kanya. "She's actually my architect sa pinagawa kong bahay sa Davao. It's still under construction but her vision was spot on. Sobrang galing niyang mag design. May one time nga nag recommend siya ng concept sa isang single ko before. We took her advice and it went off the charts." Sagot niya sa akin. Pucha! Ang liit nga naman talaga ng mundo! Kilala pa ni Riki yung babaeng iyon. Teka I can use this to gain info about her. "How did you even end up with her? I mean like, paano ka niya natali sa ganynag sitwasyon?" Tanong ni Riki. Napatingin ako sa sala kung nasaan naka-upo si Tita Mae kasama si Tito Elias at Kuya Mac. Busy naman sila sa pag-uusap kaya napahinga naman ako ng maluwag at hinarap siya. I leaned in a bit and sumulyap ulit kila Tita Mae before sinagot si Riki. "Alam na to nila Misty. Kaya ikaw please paki-usap, huwag mong sabihin sa iba to." Mahinang sabi ko and he nodded. "Na-impluwensyahan kasi kami sa alak." Nag-aalangan pa akong tumawa. "Na-impluwensyahan sa alak?" Nagtatakang tinignan niya ako pero ilang segundo lang ay na gets niya na ako. "Oh shit! So it was you? What in the world of surprises." Gulat na aniya. Tumango ako ng marahan at napatawa siya habang napapa-iling. Sumandal ito sa upuan at niyapos ang mga braso niya. "You and her had that 'moment' so what happened after that?" Nagtatakang tanong niya. "Nag insists kasi ako na gusto kong bumawi sa kanya. Tapos iyon ang gusto niyang pagbawi. De kontratang relasyon." Naka-ngusong sabi ko. He stifled a laugh and scratched the back of his neck. Tinignan niya ako and pursed his lips. Parang may gusto siyang sabihin na ayaw niyang sabihin. Eventually, he still said something. "Kaya pala. But you know, I think I should tell you this." "Ano yun?" Kinakabahan na tanong ko. "She isn't just known for her spectacular works. She is also known for being the sexiest and the wildest architect alive." Nangunot ang noon ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin doon? "There are rumors circulating that she slept with almost half of the men population in the city. Well, the decent ones to be precise, lalo na yung nasa social ladder. Pero huminto daw iyon nung may usap-usapan na may pinuruse siyang isang small business owner, which is you." Napa-nganga ako sa rinig. She's having sex with anyone?! "May one time nga na sinabi niya sa akin na kung wala lang daw siyang pinursue ngayon, malamang inaya niya na ako to get a couple of drinks." He scoffed. Nakatanggap naman siya agad ng hampas galing ka Misty pagtapos niyang sabihin iyon. "Riki Kazuto! Sinasabi ko sayo mayayari ka talaga kapag um-oo ka dyan!" Asik ni Misty. "Relax! I did not, okay? And I wouldn't have intended to do that." Pagpapakalma sa kanya ni Misty. Kaya pala. Nung gabing nalasing kami and did that thing, parang sobrang experyensado na niya. At nakakapagtaka kasi huminto siya nung nakilala na niya ako at sinuyo maging contractual boyfriend. My thoughts were cut off by one phone call. Kinuha ko naman ang phone ko at nakita kong tumatawag si Ate Chris. Sinagot ko naman ito agad at tinapat ang cellphone sa tenga ko. "Ate, napatawag ka?" Salubong ko sa kanya. Pero biglang kumunot ang noo ko nung marinig ko ang sigawan sa background. "Axion?! Asan ka?! Punta ka muna sa bahay, bilis!" Nagpapanic na sabi ni Ate Chris. "Teka, ate, anong nangyayari dyan? Bakit may nagsisigawan?" "Pumunta ka nalang. Bilis!" Binaba niya na ang tawag kaya agad naman akong napatayo at tumakbo palabas. Tinawag pa ako nila Misty pero hindi na ako lumingon pa at dire-diretsong tumakbo. Pumara ako ng tricycle at sumakay agad doon. Binigay ko naman sa driver ko yung address ko. Tinatawagan ko si Ate Chris pero hindi ko na ma contact. Kinakabahan na tuloy ako. Hindi ko alam pero sumama ang kutob ko, lalo na nung makarinig ako ng sigawan kanina. Pagkarating ko sa bahay ay nakita kong may kaaway sila papa sa tapat ng bahay. Madami pang mga kapit-bahay na naki-chismis sa nagaganap. Agad akong tumakbo papalapit sa kanila at inawat sila. Tinulak ko ang lalaki palayo kila papa. "Mga sir! Easy lang! Huwag naman po kayo maging aggresibo. Ano po bang nangyayari?" Nagugulohang pagpapakalma ko sa kanila. "Yang mga magulang mo ang laki ng atraso sa amin! Hindi pa binabayaran yung utang nila sa amin, parati nalang sinasabi na magbabayad sila pero hindi naman tinutupad!" Galit na sabi nung lalaki. Nagugulohang tumingin ako kila papa, nakita kong galit si papa sa kanila tapos si mama iyak lang ng iyak. Nilingon ko sila at huminga ng malalim. Isa ata to sa pinagkaka-utangan nila mama at papa. Hindi ko alam kung yung perang binibigay ko sa kanila ay pinangbayad nila sa utang. Pero kahit ganun pa man ay sobrang laki pa rin ng utang namin. "Mga sir. Pagpasensyahan niyo na po. Sobrang nag hirap po kami, eh. Mag kano po ba yung utabg nila mama sa inyo?" Mahinang tanong ko sa kanila. "Umabot na ng 20 million ang utang nila sa amin." Sagot niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. 20 million?! Anong klaseng utang ba ang ginawa nila mama para ganito kalaki ang utang nila? "S-Sir? 20 m-million?! G-Grabe naman p-po yun. M-magkano b-ba yung u-utang ni-nila mama sayo?" Kinakabahan na tanong ko. "Umutang sila ng 100 thousand sa akin. Eh, paano may interest rin kasi malaking halaga iyon. Hindi ko din kasalanan kung hindi nila binayaran agad ang utang nila, edi ngayon na hindi na nila kaya, tatalikuran nila?" Nanghina ako sa narinig ko. 20 million? Saan naman ako kukuha ng ganun kalaking halaga? Baka bigla nalang maisipan ko mag benta ng laman loob ko, di pa rin sasakto iyon kasi may iba pang utang sila mama aside sa 20 million nato. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang sobre na may lamang cash. Iyon ang sweldo ko galing sa pagsusulat. May pang gagamitan sana ako nito pero mas kailangan to nila mama. Pinakita ko sa kanila iyon. "Ito. 591,415 pesos to. Hahanapin ko at gagawan ko ng paraan mabigay yung 20 million mo. Kailangan ko lang ng panahon mabigay sayo iyon. Babayaran ko." Matapang na sabi ko. Biglang hinawakan ni mama at papa ang braso ko. "Xion, huwag!" Pigil ni mama pero hindi ako nakinig sa kanya. Tinignan naman ng lalake ang sobre at tumingin ulit sa akin. "Paano ako makakasiguro na hindi ka gagaya sa mga magulang mo?" Nagdududang tanong niya. "May isang salita ako. May prinsipyo at dignidad ako. Ito nga binibigay ko to sa inyo itong perang ito, almost 600k din to at binibigay ko na walang pag-aalinlangan. Ibibigay ko din ang number at kung saan ako nakatira ngayon, para sa akin na kayo dumiretso at hindi sa mga magulang ko." Sagot ko sa kanya. Nagkatinginan sila ng mga kasama niya bago nila kinuha ang pera sa akin. Binuksan niya pa ito at sinilip, napatango siya. Inilipat niya ang tingin sa akin. "Sige. Kung yun ang gusto mo." Tinapik niya ang kasama niya. "Kunin mo number at address niya." Lumapit naman sa akin ang kasama niya at binigay ang cellphone sa akin. Nilagay ko naman ang number at info ko sa notes niya at ibinalik ang phone sa kanya. Umalis na sila pagkatapos nun kaya naman kumawala na ang hininga at tinignan sila mama at papa. Malungkot ang mga mata nilang nakatingin sa akin pero yumuko lang ako at pumasok sa bahay. Ngayon ay nagtipon-tipon kami sa sala lahat. Hawak-hawak ko ang ulo ko at prinoproblema kung saan ako kukuha ng ganung halaga ng pera. "Paano na yan?! Bakit mo naman kasi sinalo iyon, Axion? Nag-iisip ka ba?!" Naiinis na tanong ni mama. "Bakit, ma? Nag-iisip rin ba kayo?" Tinignan ko sila at nakita ko ang gulat sa mga mata nila sa pagsagot ko sa kanila. "Hindi naman tayo aabot sa ganito kung naging responsible lang kayo. 20 million? Aabutin tayo ng siyam siyam niyan! Tapos idagdag pa na hindi lang yan ang utang niyo, meron pa." Napayuko sila sa sinabi ko. Galit ako pero pinipigilan ko magalit ng husto. Ayaw ko makasabi ng hindi maganda sa kanila. Mga magulang ko sila kaya hangga't maaari ay dapat respetohin ko sila. "Anong gagawin mo? Sinalo mo iyon at hindi naman ganun kalaki ang kita mo sa tindahan mo." Nag-aalalang tanong ni mama. Someone instantly popped into my head, someone that I don't even want to consider. Aria... Bigla siyang pumasok sa isip ko dahil alam ko siya lang ang makakatulong sa akin. Pero ayaw kong tumanggap nun, mali pa rin ang bagay na iyon. Tama ba siya? Pride lang ba ang nagpipigil sa akin para tulongan ko pamilya ko? Suddenly, her words played in my mind like some kind of a recorder. "This contract relationship doesn't just benefit me, but it also benefits you. Pero alam mo kung ano ang pumipigil sayo? Yung pride mo. You kept on saying you have your own principles and dignity, when in fact it was just your pride that's stopping you." Napapikit nalang ako at tumayo. Ayaw kong gawin ito, pero para sa pamilya ko ay gagawin ko. Alang-alang sa kabutihan nila. "Ako nang bahala doon." Sabi ko at agad na lumabas ng bahay. Dumiretso ako sa lugar na hindi ko inaasahan na babalikan ko. Pagkarating ko doon ay agad akong nag doorbell. Ilang sandaling pag-aantay ko ay bumukas ang pinto at nakita ko si Aria in her black nightgown. She raised a brow at me and looked at me with confused eyes. "Pipirmahan ko na ang kontrata." As soon as she heard that her lips curled into a smile. "Wise choice, Axion." Mahinang sabi niya.Axion's POV"Ano?! Umagree ka?!" Napatakip ako ng tenga dahil sa pag sigaw nila Noel.I invited them over for breakfast sa apartment ko. Gusto ko kasi malaman nila ang naging desisyon ko kay Aria. After all, I owe them an explanation. Bigla ba naman akong umalis na hindi man lang magsasabi. Syempre kailangan ko din magpaliwanag kung bakit ganun ang nangyari. Hindi kami kompleto, nakabalik na si Joshua sa military. Saglit lang din kasi siya, umuwi lang talaga para sa reunion. "Oo. Grabe makasigaw tong mga to. Hindi ako bingi baka nakakalimutan niyo. Tsaka kailangan ko na din kasing tulongan sila mama." Nagtataka silang tumungin sa isa't-isa kaya napabuntong hininga ako. "May inutangan sila mama tapos merong interest. Ngayon ang nangyari dahil hindi nababayaran ng maayos, umabot ng 20 million ang utang." Pagkwento ko.Pagkarinig nila nun ay kanya kanya na sila nagbigay ng reaksyon."Oh my gosh!" Gulat na sabi ni Jillian."That's mind blowing." Tanging nasabi ni Jaaruth."Grabe naman ya
Axion's POVNgayon ang simula ng contract namin ni Aria at tulad ng napag-usapan, dapat ay titira ako sa bahay niya. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na 'ayos lang' at 'kakayanin ko to', pero kakasimula pa lang ng kontrata. Ito agad ang nangyari sa amin."Tangina! Bakit kailangan nasa iisang kwarto lang tayo? Kalaki ng bahay mo tapos di mo ipapagamit sa akin yung ibang kwarto?!" Reklamo ko kay Aria.Pagkarating ko kasi dito, sinalubong niya kasi ako agad. Tapos dinala niya ako sa kwarto niya at sinabihan na matutulog kami sa iisang kwarto. Kaya ayun, nag away na naman kami. Kita niyo na? Hindi talaga kami magkakasundo ng babaeng ito."Well, do you want people to know that this relationship is a fake? If we have to pretend, then we might as well push it to its limits." Mataray na sagot niya sa akin."Jusko, ang daming kwarto sa bahay mo, Aria. Bakit kailangan natin pag tyagaan na mag tabi at matulog sa iisang kama?""Huwag ka nga maarte! Parang hindi mo naman ako nakasama sa kama noon
Kung may hihilingin man ako na isang bagay sa buong buhay ko, yun ay maging masaya kahit simple lang yung buhay ko. Yung tipong matiwasay ka lang magbebenta tapos magsulat nang maraming kabanata sa mga libro na sinusulat mo, tapos napapalibutan ka ng mga masasayang kasama sa buhay. Parang ganito na buhay oh."I give a second chance to cupid.... But now I'm left here feeling stupid..... Oh, the way he makes me feel that love isn't real.... Cupid is so dumb..." Sigaw na kanta namin. Wala man kami sa tono lahat hindi pa rin kami nagpatalo, after all, nasa isang pribadong kwarto naman kami sa KTV Bar. Kung itatanong niyo kung paano nangyari ito, dahil lang naman sa nakayayaan kami ng mga pinsan at tito and tita na medyo bata sa akin ng mga 2 to 3 years at kasing edad lang ko lang. Mga lasing na din kami lahat kami may tama na at wala kaming pake kahit sumakit na yung lalamunan naming kaka-kanta."Weeeeoooohhhhhaaahhhhhhh!" habang sigaw ni Tito Noel na parang ambulansya, kaedad ko lang to
Axion's POVKung nasasarapan ka sa alak nung iniinom mo ito, may sakit rin itong dala pagkatapos mong uminom. Randam na randam ko talaga ang sakit ng ulo ko kahit naka-pikit pa ako, hinawakan ko ito at hinimas ng kaunti. Literal na masarap kahit masakit. I slowly opened my eyes habang dinadamdam ang sakit ng ulo at nakatitig sa isang puting kisame, hindi pamilyar sa akin ang kisame kaya kumunot ang noo ko."You're awake."Napabalikwas ako ng makarinig ako ng tinig ng isang babae, at nagulat ako na may isang babaeng naka-upo sa isang napaka-laking single couch. My jaw dropped when I saw what she was wearing, she was only wearing long sleeve polo at masyado iyong malaki sa kanya kaya covered yun hanggang kalahati ng hita niya. Prenteng naka-upo habang pinagpapahinga ang baba niya sa palad niya."Sino ka at paano ako napunta dito?" nag-papanic kong tanong.She tilted her head before she stood up and walked near the edge of the bed. Huminga siya ng malalim at tinignan ang kabuo-an ko, she
Axion's POVTulala akong nakatitig sa kung saan dahil kagabi. Paano niya nalaman ang address ko? Wala naman siguro akong naiwan doon sa bahay nila, diba? Like yung mga ID ko, kasi kompleto naman iyon sa wallet ko. Bakit kasi nandoon siya sa labas ng apartment ko?Is she going to be persistent about her offer? Why would she want too? Tsaka may ex naman siya, bakit hindi siya yung alokin niya ng ganyan? I was so deep in my thoughts when suddenly, may humampas sa mesa na ikinatalon ko agad."Hoy! Tulala amputa!" Sigaw ni Samuel.Inambahan ko siya ng hampas at agad naman siya lumayo agad. Tumawa silang tatlo habang nakatingin sa akin. Sinamaan ko sila ng tingin tsaka naka-simangot na sumandal sa upuan."Problemado kasi masyado. Napano ka ba?" Tanong ni Tris."Wala. May naisip lang." Sagot ko tsaka ako bumuntong hininga."Share mo nalang kasi, hindi yung para kang sira dyan." Banas na sabi ni Simon.I glanced at them and tinansya ko kung dapat ko bang sabihin sa kanila yung nangyari. Wala
Axion's POVNatulala ako nung nakita ko siya sa harapan ko. Ito napaka imposible na talaga to. Wala siyang impormasyong nakuha galing sa akin nung nandoon ako sa kanila. Well, aside sa pangalan ko, of course, pero paano niya nalaman ang about sa business ko?"Ikaw?! Paano mo nalaman ito?! Hindi ko naman sinabi sayo yung tungkol sa business ko, ah!" Gulat na sabi ko sa kanya."And so? I told you last night that I know everything about you. And I also told you that I won't stop, right?" She smirked."Tanginang trip yan. Tigilan mo ako Aria, ha? Sinabi ko na sayo na ayoko, bakit hindi ka tumitigil? Tsaka 10 billion para sa lahat ng pinamili mo? Hindi naman aabot sa 10 billion itong binili mo, pero willing ka mag bayad ng ganun kalaki?" I exclaimed."Bakit kulang pa ba sayo yung 10 billion? Let's make it 30 then." Mayabang na sabi niya."Magtigil ka, Aria Soraya!" I roared.She was just enjoying every bit of my reaction. Ramdam na ramdam ko yung inis at galit dahil sa ginagawa niya. Paran
Axion's POVSimula nung nag start sila mag construction sa harapan, sobrang daming nangyayari. Dito sila bumibili ng snacks, which I'm grateful for by the way. Pero may mga malala pang mga pangyayari tulad nito."Jusko! Bibili ka lang ng canned soda, kotse yung pambayad mo?! Eh, 35 pesos lang naman yan, ha?!" Reklamo ko sa isang customer namin. Tauhan to ni Aria panigurado, naka-formal attire siya eh."Eh, sir, hindi ko nga dala yung wallet ko. Ito nalang po talaga kaya kong pambayad. Tsaka brand new pa rin naman po yan, ngayon ko lang na gamit. Sige po, thank you sa serbisyo niyo." Nagmamadaling lumabas ang babae, iniwan pa yung susi ng kotse sa counter.Kita niyo na? Susi ng sasakyan para sa isang canned soda! Hindi lang din yan ang natanggap ko last time. Ginagawa nilang 'bayad' ang mga mamahaling gamit. Alam ko naman na hindi bayad yun, panliligaw nato ni Aria.Yung mga natanggap kong 'bayad' ay napaka mahal. Minsan pinagtatawanan na ako nila Simon kasi sobrang problemado ko na da
Axion's POVNgayon ang simula ng contract namin ni Aria at tulad ng napag-usapan, dapat ay titira ako sa bahay niya. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na 'ayos lang' at 'kakayanin ko to', pero kakasimula pa lang ng kontrata. Ito agad ang nangyari sa amin."Tangina! Bakit kailangan nasa iisang kwarto lang tayo? Kalaki ng bahay mo tapos di mo ipapagamit sa akin yung ibang kwarto?!" Reklamo ko kay Aria.Pagkarating ko kasi dito, sinalubong niya kasi ako agad. Tapos dinala niya ako sa kwarto niya at sinabihan na matutulog kami sa iisang kwarto. Kaya ayun, nag away na naman kami. Kita niyo na? Hindi talaga kami magkakasundo ng babaeng ito."Well, do you want people to know that this relationship is a fake? If we have to pretend, then we might as well push it to its limits." Mataray na sagot niya sa akin."Jusko, ang daming kwarto sa bahay mo, Aria. Bakit kailangan natin pag tyagaan na mag tabi at matulog sa iisang kama?""Huwag ka nga maarte! Parang hindi mo naman ako nakasama sa kama noon
Axion's POV"Ano?! Umagree ka?!" Napatakip ako ng tenga dahil sa pag sigaw nila Noel.I invited them over for breakfast sa apartment ko. Gusto ko kasi malaman nila ang naging desisyon ko kay Aria. After all, I owe them an explanation. Bigla ba naman akong umalis na hindi man lang magsasabi. Syempre kailangan ko din magpaliwanag kung bakit ganun ang nangyari. Hindi kami kompleto, nakabalik na si Joshua sa military. Saglit lang din kasi siya, umuwi lang talaga para sa reunion. "Oo. Grabe makasigaw tong mga to. Hindi ako bingi baka nakakalimutan niyo. Tsaka kailangan ko na din kasing tulongan sila mama." Nagtataka silang tumungin sa isa't-isa kaya napabuntong hininga ako. "May inutangan sila mama tapos merong interest. Ngayon ang nangyari dahil hindi nababayaran ng maayos, umabot ng 20 million ang utang." Pagkwento ko.Pagkarinig nila nun ay kanya kanya na sila nagbigay ng reaksyon."Oh my gosh!" Gulat na sabi ni Jillian."That's mind blowing." Tanging nasabi ni Jaaruth."Grabe naman ya
Axion's POV"Siguro yung ibibigay ni Aria ngayon ay isang helicopter." Saad ni Tris habang naglalagay ng presyo sa mga bilihin."Ay akin pusta ko yacht. Mayaman naman iyon." Confident na sabi ni Simon."Malabo yan mga bro. Sure ako dito, house and lot. Yan yung ireregalo. Aanhin naman niya iyong helicopter at yacht, kung wala naman siyang lugar na paglalagyan nun?" Natatawang sabi ni Samuel.Nagpupustahan kasi sila ng hula kung anong klaseng regalo ang matatanggap ko kay Aria. Ginawa na din nila itong daily basis. Tig 500 ang pusta nila, kaya instant 1 thousand agad kapag natalo ang dalawa sa kanila. Napikon din ako sa naririnig ko kaya sarkastiko akong tumawa at naki-sabat sa usapan."Pusta ko din to. Mababawasan sweldo niyo kung di niyo yan titigilan." Napakamot nalang sila ng ulo at naka-ngusong nakatingin sa akin. "Ano? Papalag kayo? Pati yan ginagawa niyo na sugal. Hampasin ko kayo dyan, eh." Dagdag ko pa."Napaka brutal mo naman sa amin, wala naman kaming ginagawa. Nanghuhula la
Axion's POVSimula nung nag start sila mag construction sa harapan, sobrang daming nangyayari. Dito sila bumibili ng snacks, which I'm grateful for by the way. Pero may mga malala pang mga pangyayari tulad nito."Jusko! Bibili ka lang ng canned soda, kotse yung pambayad mo?! Eh, 35 pesos lang naman yan, ha?!" Reklamo ko sa isang customer namin. Tauhan to ni Aria panigurado, naka-formal attire siya eh."Eh, sir, hindi ko nga dala yung wallet ko. Ito nalang po talaga kaya kong pambayad. Tsaka brand new pa rin naman po yan, ngayon ko lang na gamit. Sige po, thank you sa serbisyo niyo." Nagmamadaling lumabas ang babae, iniwan pa yung susi ng kotse sa counter.Kita niyo na? Susi ng sasakyan para sa isang canned soda! Hindi lang din yan ang natanggap ko last time. Ginagawa nilang 'bayad' ang mga mamahaling gamit. Alam ko naman na hindi bayad yun, panliligaw nato ni Aria.Yung mga natanggap kong 'bayad' ay napaka mahal. Minsan pinagtatawanan na ako nila Simon kasi sobrang problemado ko na da
Axion's POVNatulala ako nung nakita ko siya sa harapan ko. Ito napaka imposible na talaga to. Wala siyang impormasyong nakuha galing sa akin nung nandoon ako sa kanila. Well, aside sa pangalan ko, of course, pero paano niya nalaman ang about sa business ko?"Ikaw?! Paano mo nalaman ito?! Hindi ko naman sinabi sayo yung tungkol sa business ko, ah!" Gulat na sabi ko sa kanya."And so? I told you last night that I know everything about you. And I also told you that I won't stop, right?" She smirked."Tanginang trip yan. Tigilan mo ako Aria, ha? Sinabi ko na sayo na ayoko, bakit hindi ka tumitigil? Tsaka 10 billion para sa lahat ng pinamili mo? Hindi naman aabot sa 10 billion itong binili mo, pero willing ka mag bayad ng ganun kalaki?" I exclaimed."Bakit kulang pa ba sayo yung 10 billion? Let's make it 30 then." Mayabang na sabi niya."Magtigil ka, Aria Soraya!" I roared.She was just enjoying every bit of my reaction. Ramdam na ramdam ko yung inis at galit dahil sa ginagawa niya. Paran
Axion's POVTulala akong nakatitig sa kung saan dahil kagabi. Paano niya nalaman ang address ko? Wala naman siguro akong naiwan doon sa bahay nila, diba? Like yung mga ID ko, kasi kompleto naman iyon sa wallet ko. Bakit kasi nandoon siya sa labas ng apartment ko?Is she going to be persistent about her offer? Why would she want too? Tsaka may ex naman siya, bakit hindi siya yung alokin niya ng ganyan? I was so deep in my thoughts when suddenly, may humampas sa mesa na ikinatalon ko agad."Hoy! Tulala amputa!" Sigaw ni Samuel.Inambahan ko siya ng hampas at agad naman siya lumayo agad. Tumawa silang tatlo habang nakatingin sa akin. Sinamaan ko sila ng tingin tsaka naka-simangot na sumandal sa upuan."Problemado kasi masyado. Napano ka ba?" Tanong ni Tris."Wala. May naisip lang." Sagot ko tsaka ako bumuntong hininga."Share mo nalang kasi, hindi yung para kang sira dyan." Banas na sabi ni Simon.I glanced at them and tinansya ko kung dapat ko bang sabihin sa kanila yung nangyari. Wala
Axion's POVKung nasasarapan ka sa alak nung iniinom mo ito, may sakit rin itong dala pagkatapos mong uminom. Randam na randam ko talaga ang sakit ng ulo ko kahit naka-pikit pa ako, hinawakan ko ito at hinimas ng kaunti. Literal na masarap kahit masakit. I slowly opened my eyes habang dinadamdam ang sakit ng ulo at nakatitig sa isang puting kisame, hindi pamilyar sa akin ang kisame kaya kumunot ang noo ko."You're awake."Napabalikwas ako ng makarinig ako ng tinig ng isang babae, at nagulat ako na may isang babaeng naka-upo sa isang napaka-laking single couch. My jaw dropped when I saw what she was wearing, she was only wearing long sleeve polo at masyado iyong malaki sa kanya kaya covered yun hanggang kalahati ng hita niya. Prenteng naka-upo habang pinagpapahinga ang baba niya sa palad niya."Sino ka at paano ako napunta dito?" nag-papanic kong tanong.She tilted her head before she stood up and walked near the edge of the bed. Huminga siya ng malalim at tinignan ang kabuo-an ko, she
Kung may hihilingin man ako na isang bagay sa buong buhay ko, yun ay maging masaya kahit simple lang yung buhay ko. Yung tipong matiwasay ka lang magbebenta tapos magsulat nang maraming kabanata sa mga libro na sinusulat mo, tapos napapalibutan ka ng mga masasayang kasama sa buhay. Parang ganito na buhay oh."I give a second chance to cupid.... But now I'm left here feeling stupid..... Oh, the way he makes me feel that love isn't real.... Cupid is so dumb..." Sigaw na kanta namin. Wala man kami sa tono lahat hindi pa rin kami nagpatalo, after all, nasa isang pribadong kwarto naman kami sa KTV Bar. Kung itatanong niyo kung paano nangyari ito, dahil lang naman sa nakayayaan kami ng mga pinsan at tito and tita na medyo bata sa akin ng mga 2 to 3 years at kasing edad lang ko lang. Mga lasing na din kami lahat kami may tama na at wala kaming pake kahit sumakit na yung lalamunan naming kaka-kanta."Weeeeoooohhhhhaaahhhhhhh!" habang sigaw ni Tito Noel na parang ambulansya, kaedad ko lang to