Share

Chapter 1

Author: Solarayyy
last update Huling Na-update: 2025-03-18 15:10:07

Axion's POV

Kung nasasarapan ka sa alak nung iniinom mo ito, may sakit rin itong dala pagkatapos mong uminom. Randam na randam ko talaga ang sakit ng ulo ko kahit naka-pikit pa ako, hinawakan ko ito at hinimas ng kaunti. Literal na masarap kahit masakit. I slowly opened my eyes habang dinadamdam ang sakit ng ulo at nakatitig sa isang puting kisame, hindi pamilyar sa akin ang kisame kaya kumunot ang noo ko.

"You're awake."

Napabalikwas ako ng makarinig ako ng tinig ng isang babae, at nagulat ako na may isang babaeng naka-upo sa isang napaka-laking single couch. My jaw dropped when I saw what she was wearing, she was only wearing long sleeve polo at masyado iyong malaki sa kanya kaya covered yun hanggang kalahati ng hita niya. Prenteng naka-upo habang pinagpapahinga ang baba niya sa palad niya.

"Sino ka at paano ako napunta dito?" nag-papanic kong tanong.

She tilted her head before she stood up and walked near the edge of the bed. Huminga siya ng malalim at tinignan ang kabuo-an ko, she crossed her arms and umiling.

"I can't believe that I had a very spicy night with a hot and sexy stranger under my roof." She mumbled, mas lalong nanlaki ang mata sa sinabi niya. A very spicy night? Under her roof?

"P-Pinagsasabi mo?!" nauutal kong tanong. She just signaling me to look down and so I did, nakita ko nga na wala akong saplot pang itaas, sinilip ko din ang baba kong binabalot ng kumot at nakita kong naka boxers lang ako. Shit! Very spicy night nga! Paano nangyari yun?!

She smirked while looking at my reaction and made her way towards the door.

"Fix yourself and go down for breakfast." She went out of the room and napahilamos nalang ako ng mukha ko.

Tanginang yan, nakipagtalik ba talaga ako? Inalala ko ang nangyari kagabi kahit masakit pa yung ulo ko, pinukpok ko pa ng kaunti ang ulo ko hanggang sa nag-flashback ang nangyari kagabi. Parang isang film strip ang memoryang naganap kagabi lang, naalala ko ang kababoyang ginawa ko sa babae kagabi. Ginawa namin sa sala, kusina, balcony at kahit sa kwarto. Napapikit ako at isinubsob ang mukha ko sa unan at sumigaw.

Hayop, ba't ko ba ginawa yun?! Hinanap ko ang mga damit ko at nakita ko itong nakalatag sa bed side table kasama ang iba ko pang gamit. Bumuntong hininga nalang ako at bumakod na para ayosin ang sarili ko, sinigurado ko din na maayos ang itsura at bango ko. Nakakahiya ikinama ko na nga, di pa ako magiging decent sa paningin niya kahit kunti.

When I was satisfied with my appearance, I went downstairs and went straight to the dining room. I saw her placing all of the foods on the table gracefully. Naglakad ako papalapit sa table at hangga't maaari ay hindi ko siya tinitignan. Kung gaano ako katapang nung naka-inom ako, ganun naman ang kahihiyang naramdaman ko ngayon.

"Why don't you sit down? Walang lason yang mga niluto ko, so it was safe to eat." I looked at her full of shame and she was just signaling me to sit.

Nakakahiya talaga! Ikinama ko na nga may libre pa akong almusal? Ayos din talaga! Nag-aalangan man ay umupo ako habang kinakamot ang batok ko at iniisip ang mga naging desisyon ko sa buhay.

Nagkatinginan kaming dalawa ng matagal before she took a sip of her coffee while smirking. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya at naramdaman ko nalang ang pamumula ng pisnge ko. Pinagdasal ko na sana ay hindi mahalata, kahit moreno ako ay kapag namumula ako nakikita pa din daw sabi ng iba.

"Let's eat?" she casually asked. I just gave her a small nod and with that we started eating in silence. Kahit na nag-aalangan man ay nagsalita ako para basagin ang katahimikan sa pagitan namin.

"Yung kagabi nga pala." She glanced at me while eating, waiting for my next sentence. "Pasensya na sa nangyari kagabi. Pareho tayong wala sa wisyo, pero dapat kahit wala ako sa wisyo nun ay alam ko dapat ang ginagawa ko at napakamali ng ginawa ko sayo kagabi. Kaya I'm sorry talaga."

She stopped eating and leaned her back, raising a brow looking at me like I said something offensive. But I didn't mind it and continued explaining myself to her.

"Anyways, I'm willing na managot, if ever I got you pregnant. Pero for now gusto ko malaman kung paano makabawi sa ginawa ko? Para mabawasan naman kahit kaunti yung guilt na nararamdaman ko."

She sexily chuckled at me and pointed a finger at me.

"What's your name?" she asked while giving me a small smile.

"Axion. Axion Maverick Talingting." I immediately said.

"Axion Maverick. What a handsome name. First of all, it was all fine with me. Walang sabit since I don't have a boyfriend, I actually am feeling great at the moment." She winked at me. "Pangalawa, are you really that willing to do anything? Cause I have an offer for you then." She did a big gulp of her coffee.

"Oo, willing ako, sabihin mo lang kasi nakakahiya yung ginawa ko talaga. So please tell me, anong offer ba yan?" I eagerly said to her. Gagawin ko lahat makabawi lang sa binibini na to.

She gave me a sly smile and leaned on the table.

"Be my contract boyfriend for a year."

Saktong-sakto ang tiyempo dahil umiinom ako ng juice nung sinabi niya iyon kaya naibuga ko ito dahil sa gulat. Anong sabi niya? Contract boyfriend? Ginagago ba ako nito? Pinunasan ko ang bibig ko at tinignan siya na puno ng gulat.

"Ginagago mo ba ako? Contract boyfriend?! Hindi ba pwedeng bayaran nalang kita o pagsilbihan kita ng isang buwan? Sa lahat talaga na naisip mo, boyfriend pa talaga? Yung malala de-kontrata pa ng isang taon." Padabog kong inilagay sa table ang table napkin.

"Yun na nga. Pagsisilbihan mo ako, but the difference is that it will be for a year and you'll do it as my boyfriend." Pagpapaliwanag niya.

"I will reject that offer, Miss... whoever you are. May offer ka pang nalalaman, boyfriend lang pala kailangan mo." Mataray na sabi ko sa kanya.

"It's Aria. Aria Soraya Everheart, and I thought you were willing to do anything para makabawi sa akin?" Nagtataka niyang tanong sa akin.

"Oo nga, Miss Aria, gagawin ko lahat huwag lang yan. De-kontratang relasyon? Ayos ka din, lasing ka pa ba kasi kung oo, ipagtitimpla kita ng isang timba ng kape."

"That's exaggerated. Isang taon lang naman, besides throughout the contract you'll still gain something." Tinaasan ko siya ng isang kilay at inantay ang susunod na sasabihin niya. "You'll receive 30k a month, 20k allowance every week, and you'll be living here which means free na yung pagkain mo, wifi, kuryente, tubig and everything you need. So I guess hindi ikaw yung lugi kundi ako, mas madami ka pang benefits sa akin. I'll only gain a boyfriend, while you on the other hand, do not only gain a girlfriend, but also gain a sugar mommy."

Sugar mommy a****a!

"Tanginang offer yan. Sugar mommy pa nga." I mumbled. "Tsaka saan ka ba nakakakuha ng ganun kalaking pera?!" gulat na tanong ko sa kanya.

"Well, I'm a successful architect in the city and malaki ang sweldo ko and I also owned a construction firm. So, deal?" she seriously asked. Inirapan ko siya at tumayo.

"No deal. Bahala ka dyan, ayos ng tama mo. Salamat sa almusal." Umalis na ako doon at naghanap ng masasakyan pauwi.

Grabeng offer yun, sa lahat pa talagang naiisip na offer yung magkaroon pa talaga ng jowa. Ni hindi ko nga binibigyang konsiderasyon ang pumasok sa isang relasyon tapos magbibigay siya ng ganung offer? Napaka-angas nga naman!

Pumara ako ng masasakyan, agad naman ako sumakay. Binigay ko sa driver ang address at nilabas ang phone ko para i-check ito. Sandamakmak na messages ang natanggap ko pati tawag meron, galing sa mga kasama ko kagabi at sa pamilya ko.

I checked all of them and sinabing pauwi na ako. Malalagot talaga ako nito sa kanila tsaka yung mini grocery store ko doon baka di pa nabubuksan ng mga tauhan ko. Nasa kalagitnaan ako ng byahe nang tumawag si Noel, sinagot ko naman ito agad.

"Hello, tito best boy." Bati ko sa kanya.

"Hoy gago ka! San ka ba kasi nagpunta? Nagpa-umaga ka talaga di ka pa umuwi tawag ng tawag yung mama mo sa mama ko." Napakamot ako ng ulo at huminga ng malalim.

"Oo nga eh, pasensya na. Available ba kayo mamaya? Ayain ko sana kayo sa apartment ko, may sasabihin ako." Kinagat ko ang mga labi ko at palihim nagdadasal na sana ay sumang-ayon siya.

"Oh yes, ako bahala magsabi umuwi ka muna pucha ka talaga. Sige na, see you later!" Binaba na niya ang tawag at napapikit nalang ako habang isinandal ang ulo ko sa headrest ng upuan.

Nung nakarating na ako sa apartment ko ay hindi ako nagsayang ng oras at naligo agad ako para makapunta na sa mini grocery store ko. Dali-dali akong nag-ayos, kinuha ang mga gamit ko at nagmamadaling umalis. Pagkadating ko sa store ay nakahinga ako ng maluwag na makita kong nakabukas na ito at masipag na nagtrabaho ang mga tauhan ko. Tumakbo ako at pumasok sa loob, masaya ko rin binati ang mga tauhan ko.

"Isang magandang morning sa inyong lahat!" Sigaw ko at dumiretso sa table ko para ilagay ang mga gamit ko.

"Uy, boss! Ba't ngayon ka lang? For the first time in forever, hindi ikaw ang nagbukas nitong tindahan natin. Napaka-magandang milagro naman nito baka magpapahanda kami dahil late ka." Sabi ni Tris sa akin habang nag-fill in ng mga stock sa liquor section.

"Ahh, nagkatuwaan kasama sila Noel, alam niyo naman siguro kapag kasama ko mga yun panigurado wasak yung gabi mo." Tugon ko habang tinitignan ang listahan ng inventory.

"Pero iba yung glow mo ngayon eh. Parang may nadiligan."

Sumaktong umiinom ako ng tubig nang sinabi ni Samuel yun kaya nabulonan ako sa sinabi niya. Nagsimula silang kumantyaw sa akin habang umuubo ako. Agad ko naman pinunasan ang bibig ko at umaktong babatohin si Samuel ng mug na iniinoman ko. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako nagsalita.

"Kung ano-ano sinasabi mo, nadiligan ka dyan! Baka gusto mo bawasan ko sweldo mo magtigil ka dyan." Banas na sabi ko sa kanya, they all just laugh at my statement at pinagpatuloy ang pagtatrabaho.

Nagstart na rin ako sa parte ko dito at nagcheck na ng inventory. Habang nag-iinventory ako ay biglang dumating si mama habang pasigaw na tinatawag ako. Nararamdaman ko na ang bagsik ng isang dragon, naaamoy ko na ang isang malaking delubyong paparating.

"Axion Maverick!" napahinto ako sa ginagawa ko at huminga ng malalim bago nag-sign of the cross. Naka-ngiting hinarap ko si mama at lumapit sa kanya.

"Ma! Nako, napakaganda talaga oh! Ba't ka napabisita?" kinuha ni mama yung listahan ng inventory at hinampas sa akin. Napa-aray naman ako sa ginawa niya at hinimas ang braso ko.

"Ikaw, hindi ka man lang nag-text kung uuwi ka ba o hindi. Nag-apartment ka lang tapos ganyan gagawin mo?"

"Mama, kumalma ka naman. Ayos lang ako wala namang nangyari tsaka nakaka-usap mo pa naman ako, edi maayos ako." Inambahan ako ni mama ng hampas habang masamang nakatingin sa akin kaya umilag ako.

"Puro ka kalokohan! Oh ito." May nilagay na tupperware si mama na may lamang pagkain sa table. "Kainin mo yan! Ikaw dami mong kalokohan sa buhay, umuwi ka ng maaga sa apartment mo sinasabi ko sayo."

Niyakap ko si mama at kunwaring naglalambing sa kanya.

"Nako, mama, ang sweet mo talaga. Promise uuwi ako ng maaga pagkasara ko dito sa tindahan." Hinamapas ni mama ang kamay ko na nakapulopot sa katawan niya kaya napatalon ako palayo ng kaunti dahil sa ginawa niya.

"Umayos ka dyan, oh, alis na ako. Pupuntahan ko pa sila Mommy Susan mo." Binigay niya sa akin ang listahan ng inventory at tinuro niya muna ako bago siya umalis. I waved at her and told her to take care on the way.

"Ayan na-sermonan pa nga. Hahahaha!" napakamot nalang ako sa ulo dahil sa kantyaw ni Simon sa akin.

Hindi man medyo maayos ang relasyon namin ni mama pero palagi niya pa rin akong inaalagaan, gipit kami sa pera at minsan ay nabubuntong iyon sa amin. Nakapagtapos naman ako ng pag-aaral sa kursong business administration, pero hindi ako nagtagal sa mga pinapasokan kong trabaho dahil nakakapagod minsan.

Kaya naman kahit makatulong ng kaunti ay nagtayo ako ng mini grocery store, at maayos naman yung takbo. May mga pagkakataon nga lang na hindi maayos ang benta kaya minsan ay nagigipit.

Isa rin akong paid writer, doble kayod ang ginagawa ko makatulong lang. Tatlo kami magkakapatid, 2 babae at isang lalaki which is ako. Ako yung bunso. Yung panganay is nurse, yung pangalawa naman ay isang IT Professional. Naging chef sa barko ang papa ko noon pero huminto nung highschool ako, bumalik lang siya nung nagdecide akong huminto sa pag-aaral.

Kinapos kasi kaya nagparaya ako pero huminto din naman si papa nung makatapos ako. Kahit graduate na kaming lahat kinakapos pa rin dahil sa utang, kaya nagsusumikap ako para makatulong kahit papaano. Alam ko naman na hindi permanent ang lahat to, dahil naniniwala ako na balang araw ay makaka-ahon rin kami sa kahirapan.

Nung matapos ako sa inventory ay kinain ko na rin ang pagkain na binigay ni mama sa akin nung lunch, binigyan ko din sila Simon dahil marami ang niluto ni mama. As soon as I finished my meal, I opened my laptop to start a draft for my writing. Mahirap na baka ma-terminate ang contract ko kapag hindi ako nakapag-publish nito. I focus on creating a perfect plot for my novel, at yun lang ang ginawa ko for the rest of the day.

When we called it a day, sinirado na namin ang tindahan at nagpasalamat ako sa serbisyong binigay nila sa araw na to and ibinilin sa kanila na mag-ingat pag-uwi. Umuwi na rin ako dala-dala ang mga snacks at inumin na kinuha ko sa tindahan para kila Noel. Pagkadating ko sa apartment ay sumakto kasi nakarating din sila, kompleto kami minus nga lang si Joshua dahil nasa military pa. Pinapasok ko sila at inihanda ang mga binili ko.

"So, bakit mo ba kami pinapunta dito? At saan ka nanggaling?" Tinignan ko si Noel at uminom ng mogu-mogu.

"Eh, kasi kagabi, diba lasing tayo?" tinignan ko silang lahat at tumango naman sila. "May nangyari kasi pagka-alis niyo." Ma-ingat na sabi ko sa kanila. Nagtaka naman sila at nagkatinginan silang lahat sa isa't-isa.

"Ohh, iniwan ka namin. Mga lasing na din kasi kami, pero ano bang nangyari?" puno na kuryosidad na tanong ni Misty.

Nag-aalangan ko pa silang tinignan at huminga ng malalim.

"Huwag kayo mabibigla, ha?" tumango silang lahat sa akin. "May na-ikama kasi ako kagabi sa sarili niyang bahay." Mabilis na sabi ko.

Napa-ubo silang lahat sa sinabi ko at nagsiliparan ang mga iniinom at kinakain nila sa sinabi ko. Kahit di sila pala-mura ay napa-mura sila sa sinabi ko at hinawakan ko nalang ang ulo ko habang nakayuko.

"Tangina ka, kaya pala wala kaming contact sayo kasi nagliwaliw ka ng solo kagabi! Ang malala pa doon ay sa sarili pang bahay nung naka-love making mo." I groaned loudly on Jaaruth's remark and faced them feeling annoyed.

"As if naman ginusto ko yun, nadala kami ng alak kasi lasing din siya. Malay ko bang ganun ang trip niya kapag lasing." Naiinis kong saad.

"Wait, may naka-love making ka. Ito yung curious ako." Nag-abang kami sa sasabihin ni Noel. "Ilan ang binayad sayo ng bakla?" mabilis kong kinuha ang mogu-mogu ko at umaktong hahampasin siya nun habang tumatawa ang iba sa kasamahan namin.

"Hayop ka! Alam mo naman na straight ako, tinatanong mo pa talaga yan. Tsaka hindi bakla, okay? Isang babae. Mayamang babaeng architect." I ate a chip after saying that, nagulat sila sa sinabi ko at nag 'ohh' pa sila sabay.

"Ayos din yan, bro. Sayang wala ako kagabi. Babae? Maganda ba, Axion?" huminga ako ng malalim at inaalala ang mukha ni Aria pagkatapos sabihin ni MJ yun. Hindi ko din ipagkaka-ila na maganda din ang binibini na iyon.

"Sobra. Sobrang ganda." Sabi ko habang tumatango. "Pero nakaka-putangina siya." I furiously took a sip of my mogu-mogu and chewed the jelly.

"Ha? Bakit? Ano bang nangyari, Kuya Axion?" Binigyan ko ng isang seryosong tingin si Jillian.

"Eh, may binigay na offer na nakakabaliw kung iisipin natin." Kinamot ko ang batok ko bago ako nagpatuloy. "Mali na yung ginawa ko at aminado ako doon, at gusto kong bumawi syempre kaya tinanong ko kung paano ba ako makakabawi sa kanya. Pero iba siya eh, natuwa pa ampucha sa ginawa ko pagkatapos nagbigay ng offer sa akin."

"Swerte mo na doon. Ikaw pa may kasalanan pero binigyan ka ng offer. Anong offer ba yan?"

"Gusto niya akong maging contract boyfriend for a year."

"HA?!" malakas na sigaw ko kaya napatalon ako at sinenyasan ko sila na manahimik kaya napatakip sila ng bibig.

Ginulo ko ang buhok ko at problemadong nakatingin sa kanila.

"T-Teka, t-teka, tama b-ba y-yung narinig n-namin? Contracted b-boyfriend?" hindi makapaniwalang tanong ni Misty sa akin.

"Oo, sabi niya pa may 30k a month ako, 20k allowance per week, tapos tititra ako sa bahay niya at libre na lahat. Yun lang ang sabi niya, ewan ko kung may kondisyones pa siya." Sabi ko habang iniisip ko kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.

"What if seryoso talaga siya dun? Baka naman may dahilan talaga siya bakit niya ginawa yun." Sumang-ayon silang lahat sa sinabi ni Jaaruth pero umiling ako.

"Hindi pa rin ako convinced. Tsaka kung yun man ang gusto niya edi sa ibang lalaki niya gawin iyon at hindi sa akin, hindi nga ako invested sa love, relasyon pa kaya. Kaya kahit maghanap pa siya ng paraan para mapa-oo ako, pwes ako na magsasabi sa inyo kahit anong gawin niya ay hinding-hindi ako bibigay. Kahit gumawa pa siya ng paraan para mapa-oo ako, hindi ako bibigay."

"Weee? Di nga? Never?" paniniguradong sabi ni Noel.

"Never!" matigas na sabi ko.

"Never? Never enough for her and me and the whole world?" lumingon ako sa kanya at sinamaan siya ng tingin pero tumawa naman kaming lahat kinalaunan.

"Para kang ewan. Pero oo, hindi ako bibigay." Determinadong sabi ko sa kanya.

We raised our drinks and created a toast about what I said. Tinapos namin ang gabi ng puno ng tuwa at kwentuhan. Ganitong buhay ang meron ako at kuntento na din ako dito dahil naniniwala naman ako na hindi naman lahat ng kasiyahan ay dahil sa pera.

Minsan dahil ito sa mga mahal mo sa buhay na palaging nandyan tuwing gusto mo na magsaya o kalimutan ang problema. Maswerte ako na pinalaki ako bilang average guy, kasi hindi ako palaging naghahabol sa pera, kapag kinakailangan lang doon lang ako naghahabol pero kapag hindi ay ayaw ko ito pagtuonan ng pansin.

Hinatid ko sila sa labas ng apartment ko at pinasalamatan ko sila sa pagpunta nila sa apartment. Sinabihan ko pa sila na mag-ingat sa daan dahil gabi na. Kumaway lang ako habang pinagmamasdan ang kotse papalayo, pero dumapo ang tingin ko sa isang sasakyan na naka-park sa hindi kalayuan.

It was an expensive car at kulay balck ito, tinted ang sasakyan kaya hindi ko makita kung sino ang nasa loob. Naka-andar ang makina kaya aminado ako na may tao doon. I tilted my head and stared at it for a minute, hanggang sa magkibit-balikat at pumasok na sa loob. Pinagpatuloy ko ang pagsusulat ko at nung natapos ko ito ay agad ko ito pinost sa platform kung saan nakapublish ang story ko.

As a writer, kailangan focus ka sa lahat ng plot mo at dapat maayos ang story plot or yung flow ng story. Doon kasi magkakaroon ng madaming mambabasa kapag maganda ang plotting mo, ayos din naman kung medyo hindi maganda lalo na kapag bagohan ka pa.

Pero kapag matagal ka ng writer edi mas sisiw na iyon sayo at alam mo na ang mga errors at tamang gawin sa pagsusulat. I shut down the laptop and prepare myself to sleep, humiga ako nung matapos ako at iniisip ang ginawa ko kagabi at pinag-usapan namin ni Aria kaninang umaga.

Nakakahiya talaga yung ginawa ko at nakakabastos yun sa part ng babae, pero parang ginusto niya nga talaga siguro yun mangyari kasi ayos lang daw sa kanya ang nangyari sa amin. Pero para sa akin ay mali pa rin yun at dapat hindi kami nagpadala sa tukso o sa alak sa sistema naming dalawa.

Tapos nagbigay pa ng napaka-absurd na offer, at para wala lang din sa kanya ang pera. 130,000 pesos ang matatanggap ko a month kapag tinanggap ko ang offer na yun, hindi na basta-basta yun. Kaya na nun buhayin pamilya ko ng mga isa't kalahating taon siguro.

Dumapa ako at niyakap ang unan ko. Pero kung iisipin ko, malaki na din yun at makakatulong din yun sa pamilya ko kapag nakataon. As tempting as it was, nakakahiya naman yun sa pride ko. Para lang din ako binili ng isang makapangyarihang tao sa mundo, tsaka hindi ko nga kilala ang babaeng yun tapos gusto niya pa tumira ako sa bahay niya. Ayos din siya. Bahala na magkakanda-hirap ako hindi lang ako tumanggap nun kasi kaya ko naman sipagan makakuha lang ng ganun kalaking pera. I let my thoughts drown me to sleep and wished that tomorrow will be a good day for all of us.

Kinabukasan ay maaga naman ako nagising at nag-ayos para pumunta ng maaga sa tindahan. Nagpamusic ako habang nag-aayos at kumakain, nung matapos ako ay kinuha ko na ang mga gamit ko at naglakad na papaunta sa tindahan. Habang naglalakad ako ay binabati ko ang lahat na nakakasalubong ko sa daan, peaceful din kasi dito sa amin at friendly din ang neighborhood.

When I arrived at my shop, ay binuksan ko na ito at agad ko nilagay ang gamit ko sa table. At sinumulan ko na agad ang trabaho ko, inuna ko ang pagkuha ng mga boxes mula sa storage room at inilabas para ma-display ito. Tapos after niyan ay nilagyan ng mga presyo, chineck ko na rin ang inventory while doing that. Isa-isa na rin dumating sila Simon at tinulongan na din ako dito sa tindahan, may dumating din na mga delivery kaya dali-dali ko naman inasikaso yun.

"Ganda ng mood natin, Axion." naka-ngiting sabi ng delivery man. Tumawa lang ako sa sinabi niya at pinirmahan ang transaction papers.

"Maganda lang ang naging gising, kuya. Lahat naman tayo merong ganyan. Salamat sa delivery, sa susunod ulit." Nag-fist bump kami at umalis na din sila, pina-asikaso ko naman agad ang mga pinadeliver at nilagay sa storage room.

Kaya naman umupo na ako sa table at sinimulan sulatin ang novel ko, ganito lang naman palagi yung magiging routine ko eh. Minsan kapag kailangan ko ng break sa pagsusulat yung store naman pagtutuonan ko ng pansin. Habang nagsusulat ako ay bigla akong nagtataka dahil nagsasalita itong na parang asong ulol si Tris, nagsasalita siya na parang na-stroke.

"H-Hello, m-miss beautiful, y-you n-ne-need anything?" parang lasing a****a, kaya naman ay tumayo ako at lumapit sa kanila para tignan kung bakit ganun ang inaakto ni Tris.

Paglapit ko ay nakita ko si Amara na nagtitingin sa mga paninda namin, umiling nalang ako at hinampas ang ulo gamit ang listahan. Tinuro ko ito at sinermonan habang kamot-kamot ang ulo niya.

"Para kang baliw, si Amara lang yan pero para kang asong ulol sa ginagawa mo. Umayos ka nga!" sermon ko sa kanya at ngumuso lang siya sakin, hinarap ko si Amara at ngumiti. "Pasensya na, Amara. May tama kasi to sayo, alam mo na, pero ano ba ang bibilhin mo ngayon?" naka-ngiting tanong ko sa kanya.

She blushed while fixing her hair and looked at me shyly.

"Some snacks lang, Axion. Para sa mga friends ko na nasa bahay, gumagawa kasi kami ngayon ng project sa bahay." Tumango naman ako habang sabay kami naglakad papunta sa counter. Inasikaso ko naman agad ang mga gusto niyang bilhin pagkadating doon.

"Mabuti kung ganun, basta kapag kinulang punta ka lang dito. Kami na bahala sayo, malakas ka sa amin." Sabi ko habang nilalagay sa paperbag ang lahat na pinamili niya at binigay sa kanya pagkatapos.

"Salamat, Axion. Ang bait mo talaga sa akin, kaya nahuhulog ako sayo eh." I genuinely laughed at her while scratching the back of my neck. Ngumiti siya sa akin sa huling pagkakataon at umalis na.

"Salamat, sa susunod ulit!" I shouted while waving at her.

Lumapit naman ang mga boys sa akin at tinignan ko naman sila habang nakatitig sila daan na tinahak ng dalaga.

"Lahat ng babaeng pumupunta dito iba ang pakay kapag bumibili." Simon said while nodding. Nabigla nalang ako nung sabay-sabay silang lumingon sa at pabirong sinamaan ako ng tingin.

"Pucha na yan, kasalanan ko na naman! Wala nga akong ginagawa, tsaka ano naman ngayon kung iba ang pakay nila, at least diba may binili. May kita tayo, yun ang importante." Paliwanag ko sa kanila, the three of them shook their heads in unison.

"Ay hindi talaga. Huwag mo kami idaan sa ganyan kasi kahit anong gawin mo mag-mukha ka mang dugyot dyan gwapo ka pa din sa paningin ng mga babae. I mean, look at you! Gwapo, macho, business minded, writer, masipag, napakabuting tao! In short, total package ka na, kaya sinasabi namin sayo lugi na kami!" Reklamo ni Simon.

"Ang dami niyong satsat, tsaka kung gusto niyo sa inyo na yang mga babae. Wala akong plano mag jowa at hindi ko rin gusto magkajowa, maayos na ako sa set-up na meron ako. Kaya I'm telling you, wala akong pake sa mga relasyon na yan." Bumalik na ako sa table ko at pinagpatuloy ang pagsusulat, naririnig ko pa rin ang mga sigaw nila and I could really hear the bitterness in their voices.

Umiling nalang ako at nag-focus sa pagsusulat. Hindi ko alam bakit obsessed ang mga tao about sa love life na yan at parang napaka-big deal para sa kanila ang magkaroon ng nobya o nobyo. I mean, wala naman masama kung yun ang gusto nila, magkaroon ng sariling pamilya kasama ang taong mahal mo. Pero for me, it would be better to just live alone, lalo na kung hindi ka naman talaga masyadong stabilized sa buhay. Okay na yung ako lang yung iisipin ko at wala ng ibang tao, aside sa pamilya ko of course.

Nung time na para mag-sara kami ay tinulongan ko na sila para masirado na namin yung tindahan at maka-uwi. Alam ko din kasi na mga pagod na kaming lahat at kailangan na namin magpahinga para bukas ay kakayod na naman. Sinirado na namin ang tindahan pagtapos at naglakad na ako pauwi, iba ang daan nila sa daan ko kaya nagpaalam na kami sa isa't-isa.

Pagkarating ko sa bahay ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Ate Chris, kaya nilagay ko muna ang mga gamit ko sa sala at sinagot ang tawag.

"Te Chris, napatawag ka po?" bati ko sa kanya.

"Asan ka ngayon?" tanong niya sa akin.

"Nasa apartment, kakarating lang, may kailangan ka?" kumuha ako ng tubig at ininom iyon.

"Pumunta ka dito bukas sa bahay, mag dinner tayo." Ngumiti ako at tumawa ng kaunti bago magsalita.

"Bakit? Sweldo mo ba?" magiliw kong tanong sa kanya.

"Oo, kaya sumipot ka bukas. Kapag di ka pumunta dito mayayari ka sa akin." Huminga ako ng malalim at tumango kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Copy, Nurse Chris. Sige na magbibihis pa ako, kakarating ko lang eh."

"Sige, ingat." She simply said.

Binaba niya na ang tawag kaya naman ay naglinis na ako ng katawan at nagbihis. Umupo ako sa kama at binuksan ang laptop ko. Sinandal ko ang likod ko sa headrest ng kama at nagsimula na naman magsulat ng story. Pinost ko naman ito agad matapos kong isulat ito, kaya lang may sumagi sa isip ko ang dalagang nakasiping ko nung isang gabi. Dahil na-curious ako sa buhay niya I searched her name on the internet at madaming article ang lumabas na about sa kanya.

"Aria Soraya Everheart is a rich licensed architect. She was known to have very creative insights about designing infrastructures and uses unique designs for every interior and exterior design." Pagbabasa ko sa binuksan kong article about sa kanya. "Oh, creative insights, taray niya naman." Tinignan ko ang mga pictures doon sa article at tama nga sila, napakaganda ng mga designs niya.

Isa rin siyang painter, at madami rin siyang hobbies tulad ng ice skating, reading, singing. Ngunit wala pa rin daw itong nobyo simula nung naghiwalay sila nung ex niya 5 years ago, hindi din nilagay ang detalye bakit sila naghiwalay.

Diyosmio marimar, may ex naman pala, bakit hindi doon sa ex niya ibigay yung deputang kontrata na inoffer niya sa akin. Iba talaga ang mga tama nitong mga babaeng to, kung ano-anong trip ang naiisip.

"Mahabagin, may ex naman pala, edi doon ka. Jusko naman!" I mumbled.

Habang sinasamaan ko ng tingin ang picture niya ay biglang may nag message sa cellphone ko kaya tinignan ko at nagtataka ako dahil may natanggap akong text galing sa isang unknown number.

From: Unregistered Number

You should think about it and make a choice. I won't stop until you give in and beg me to take you already.

Nanlaki ang mata ko sa nabasa kong message. Gago, sino to? Lumingon-lingon ako sa kwarto pero alam ko naman na ako lang mag-isa. Binasa ko ng maigi ito hanggang sa pumasok sa utak ko si Aria.

No. She wouldn't, right?

Dali-dali akong pumunta sa binatana and my jaw dropped on what I saw, there she was leaning in her black big bike, smirking and looking straight at me. Shit, paano niya nalaman ang address ko?! Ni hindi ko nga binigay sa kanya ang info ko aside sa pangalan ko.

She waved at me and sumakay na siya sa big bike niya and sped off.

Simula nun ay alam ko na hindi ako titigilan ng babaeng yun, she will do whatever the cost is. She'll hunt me down. Big time.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Entering The Tigress' Den   Prologue

    Kung may hihilingin man ako na isang bagay sa buong buhay ko, yun ay maging masaya kahit simple lang yung buhay ko. Yung tipong matiwasay ka lang magbebenta tapos magsulat nang maraming kabanata sa mga libro na sinusulat mo, tapos napapalibutan ka ng mga masasayang kasama sa buhay. Parang ganito na buhay oh."I give a second chance to cupid.... But now I'm left here feeling stupid..... Oh, the way he makes me feel that love isn't real.... Cupid is so dumb..." Sigaw na kanta namin. Wala man kami sa tono lahat hindi pa rin kami nagpatalo, after all, nasa isang pribadong kwarto naman kami sa KTV Bar. Kung itatanong niyo kung paano nangyari ito, dahil lang naman sa nakayayaan kami ng mga pinsan at tito and tita na medyo bata sa akin ng mga 2 to 3 years at kasing edad lang ko lang. Mga lasing na din kami lahat kami may tama na at wala kaming pake kahit sumakit na yung lalamunan naming kaka-kanta."Weeeeoooohhhhhaaahhhhhhh!" habang sigaw ni Tito Noel na parang ambulansya, kaedad ko lang to

    Huling Na-update : 2025-03-17

Pinakabagong kabanata

  • Entering The Tigress' Den   Chapter 1

    Axion's POVKung nasasarapan ka sa alak nung iniinom mo ito, may sakit rin itong dala pagkatapos mong uminom. Randam na randam ko talaga ang sakit ng ulo ko kahit naka-pikit pa ako, hinawakan ko ito at hinimas ng kaunti. Literal na masarap kahit masakit. I slowly opened my eyes habang dinadamdam ang sakit ng ulo at nakatitig sa isang puting kisame, hindi pamilyar sa akin ang kisame kaya kumunot ang noo ko."You're awake."Napabalikwas ako ng makarinig ako ng tinig ng isang babae, at nagulat ako na may isang babaeng naka-upo sa isang napaka-laking single couch. My jaw dropped when I saw what she was wearing, she was only wearing long sleeve polo at masyado iyong malaki sa kanya kaya covered yun hanggang kalahati ng hita niya. Prenteng naka-upo habang pinagpapahinga ang baba niya sa palad niya."Sino ka at paano ako napunta dito?" nag-papanic kong tanong.She tilted her head before she stood up and walked near the edge of the bed. Huminga siya ng malalim at tinignan ang kabuo-an ko, she

  • Entering The Tigress' Den   Prologue

    Kung may hihilingin man ako na isang bagay sa buong buhay ko, yun ay maging masaya kahit simple lang yung buhay ko. Yung tipong matiwasay ka lang magbebenta tapos magsulat nang maraming kabanata sa mga libro na sinusulat mo, tapos napapalibutan ka ng mga masasayang kasama sa buhay. Parang ganito na buhay oh."I give a second chance to cupid.... But now I'm left here feeling stupid..... Oh, the way he makes me feel that love isn't real.... Cupid is so dumb..." Sigaw na kanta namin. Wala man kami sa tono lahat hindi pa rin kami nagpatalo, after all, nasa isang pribadong kwarto naman kami sa KTV Bar. Kung itatanong niyo kung paano nangyari ito, dahil lang naman sa nakayayaan kami ng mga pinsan at tito and tita na medyo bata sa akin ng mga 2 to 3 years at kasing edad lang ko lang. Mga lasing na din kami lahat kami may tama na at wala kaming pake kahit sumakit na yung lalamunan naming kaka-kanta."Weeeeoooohhhhhaaahhhhhhh!" habang sigaw ni Tito Noel na parang ambulansya, kaedad ko lang to

Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status