Share

Chapter 5

Mabilis kong sinenyasan ang dalawang kaibigan bago unti-unting lumayo para masagot ang tawag. I walked a little further away from them, but not that far for me to keep them around my view. Patuloy sa pagkukwentuhan ang dalawa habang tinatanaw rin ako pabalik. Lance even made a face at me from afar. Pabiro ko itong inirapan.

"Hello, Doc?" I said as soon as I swiped the answer button. "May problema ba? Si Jimin? Kumusta?"

"Mal..." bumuntong hininga ang doktor sa kabilang linya. "I'm sorry for disturbing you. I know you're at school right now but this is urgent."

Kumalabog ang aking dibdib. "A-ano pong nangyari?"

"We accidentally locked Jimin inside his room. Naiwan ng nurse niya ang susi sa loob kasama na rin ang spare keys. We kept on knocking pero hindi siya sumasagot. Can you drop by in here? I'm sure you can make him open up dahil sa'yo lang siya nakikinig..."

"S-sige po, Doc! Tapos na rin naman ang klase ko at may pupuntahan lang sana. Diyan na ako didiretso."

"Thank you, Miss Romano. We'll be expecting you." Iyon lamang at binaba ko na ang tawag. 

Isinilid ko sa bag ang telepono bago nagmartsa patungo sa mga kaibigan ko. Alanganin akong ngumiti pero sa loob-loob ko ay natutuwang makatakas para makita si Jimin. 

"Sinong tumawag?" Bungad sa akin ni Lovely. 

Napatikhim ako. "There's an emergency at home. I need to go guys, I'm sorry!" Nag-peace sign pa ako, umaasang madadala sila sa pagpapacute ko. 

Sabay na nagkatinginan ang dalawa, pagkatapos ay sumimangot. 

“Pwede ba naming malaman kung anong emergency ‘yan?” Lovely had her eyes squinted while eyeing me suspiciously. Naka-krus naman ang mga braso ni Lance. I looked away from them, unable to meet the scrutiny I’m getting from their judgmental eyes.

“Si Willow kasi, n-nakawala tapos tinangka raw tumalon sa bakod… k-kaya ayon, napilayan.” Lalong tumalas ang tingin nila sa akin. “I need to personally see the vet dahil ako ang guardian ni Willow.”

I noticed how they exchanged a knowing look. Maya-maya ay bumuntong hininga si Lovely bago marahang tumango. Gayunpaman ay ramdam ko pa rin ang pagsususpetsa nila. 

“I’ll make it up to you guys one of these days. I’m really sorry, fully booked lang talaga ang beuty ko…” nagawa ko pang magbiro bago bumeso sa kanilang dalawa. 

“Hay, naku! Siguraduhin mo, Amalthea! Konti na lang at padadalhan na kita ng spy.” Lukot ang mukha ni Lovely habang bumebeso sa akin pabalik. Mahina akong tumawa upang pagtakpan ang kaunting kaba sa aking dibdib. Sa yaman ng babaeng ‘to ay hindi ko mawari kung nagbibiro ba siya. Her family own a security company in the city at hindi man obvious ay talamak ang body guards na nakasunod sa kanya parati. Hindi lang nagpapahalata ang mga ito dahil mabilis mairita si Lovely.

“I’ll go ahead, guys! Take care. Send me some pictures while you’re out!” Kumaway ako sa kanila bago humiwalay ng landas. 

Tinungo ko ang paradahan ng tricycle. Mabuti na lang at naka-all black ako ngayong araw kaya’t hindi ako ganoon ka-stiff sa loob ng sasakyan habang nasa biyahe patungong hospital. I also took note to tie my hair tuwing sasakay ako ng tricyle dahil nakakadala ang sinapit ng high maintenance kong buhok noong nakaraan.

“Thanks, Kuya! Keep the change!” Nag-abot ako ng one hundred peso bill sa driver bago nagtatakbo papasok ng mental facility. 

Bago pa ako makarating ng second floor ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Kuya Dylan! Bumagal ang aking lakad upang maayos na masagot ang tawag.

“Hello?” Pabalang kong sagot. But of course! He’s aware I’m only kidding dahil sanay na kaming nagbabalahuraan simula nang lumipat silang magkakapatid sa bahay. 

“Nasaan ka?” seryoso nitong bungad kaya’t medyo natigilan ako.

“Bakit? Do you need something?”

“Wala naman.” Tumawa ito, nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko’y may problema dahil tunog galit siya nang sumagot kanina. Minsan talaga ang sarap tirisin ng isang ‘to!

“Wala ka nang pasok ngayong hapon, diba? Ilibre mo ako ng lunch.” Makapal ang mukhang sabi niya.

“Wala akong pera. May pamilya akong tinutustusan at dalawang anak na pinag-aaral. Pasensya na…” Sabay kaming nagkatawanan.

“Sus! Kahit buong baranggay pa ang tustusan mo ay hindi ganoon kadali mauubos ang gold bars mo sa basement,” hirit niya. “Pero nasaan ka nga? Don’t tell me binisita mo nanaman yung lalaking may tililing? Nakita ko si Lovely at Lance kanina. Hindi ba’t gumagala ka kasama nila palagi after classes?”

“Pwede bang huwag kang tsismoso? At oo, narito ako sa mental. May problem aba ‘ron?” Mapaghamon kong tugon. 

Kuya Dylan chuckled. “I’m just warning you, Mal. Hindi mo kilala at hindi natin kaano-ano ang lalaking iyan. I’m afraid you’ll get attached to him. But anyway, while you’re in there, magpatingin ka na rin sa utak dahil isa ka ring may sayad-“ umirap ako bago pinatay ang tawag. Sigurado akong nasa classroom na siya at naghahanap lang ng kadaldalan dahil wala pang professor.

“Miss Romano?”

“Ay jusko ka!” Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Nilingon ko si Doctor Toledo na mukhang nagulat din dahil sa sigaw ko. I stared at him while dramatically clutching my chest. “Grabe ka naman, Doc! Nagulat ako.”

“Pasensya na, Miss Romano. I was waiting for you to finish your call so I can finally approach you. Are you okay?”

Tumango ako, bahagyang natatawa. “Eh ikaw ba Doc, okay lang? Mukhang nagulat ka rin, eh.”

“Ayos lang ako, Mal. Shall we…?” He then gestured the hallway to me, leading to where Jimin’s room was located. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang dalawang nurse na nakatayo sa tapat ng kuwarto niya. Hindi matigil sa pagkatok ang mga ito.

Napailing ako sa pagkadismaya. I have no doubts about the facility and the service they offer pero kung ganitong unang araw pa lang ay may aberya na…

Bumuntong hininga ako. 

“Don’t worry, Miss Romano. We installed a CCTV inside his room so we can track everything. He’s safe and sound. Ayaw lang talaga niyang tumugon sa mga katok namin.”

Hindi na lang ako nagkomento. Gayunpaman, alam kong ramdam niya ang pagkadismaya ko. 

Agad na umurong ang dalawang nurse pagkakita sa akin. Hinayaan nilang ako ang kumatok sa pag-asang ako ang makakasolve ng problema nila. Leche, sino kaya sa dalawang ito ang nakaiwan ng susi sa loob? Oras na para malaman nila kung gaano kaligalig ang bunganga ko!

I knocked trice before speaking up. “Jimin? This is Mal. Are you okay?” Muli akong kumatok nang walang matanggap na response pagkatapos ng ilang segundo. 

Lumapit ang isang nurse sa akin, may hawak na tablet. She showed me the screen where the CCTV footage from the inside was playing. 

“I saw him immediately reacted nang marinig ang boses mo, Ma’am! Agad siyang bumangon nang marinig ka!” Tuwang-tuwa na sabi ng nurse. 

I looked at the screen. Jimin was standing right in front of the door, napansin kong hawak niya ang mga susi. Lihim akong natuwa. Pakiramdam ko ay napaka-VIP ko dahil sa akin lang siya nag-react. 

I knocked again. “Jimin? Please, open the door. May pasalubong ako sa’yo…” Kahit ang totoo ay wala, nataranta pa tuloy akong maghalungkat sa bag. Nakagat ko ang labi bago hiniklas sa aking bag ang strawberry keychain na galing sa Baguio. Sakto namang bumukas ang pinto.

“M-mal…” Jimin mumbled while staring at me expectantly. Narinig ko ang sabay-sabay na pagbuntong-hininga ng mga nurse at doctor sa likod ko. Pag-untugin ko kayo, eh!

“Jimin!” Hinila ko siya sa loob at pinaupo sa kama. “Exchange tayo, ha? Ibibigay ko sa’yo ang pasalubong ko pero dapat ibibigay mo rin ‘yan sa’kin.” Tinuro ko ang hawak niyang susi. Walang pag-aalinlangan naman itong tumango at mabilis na inilahad sa akin ang hinihingi ko. Agad ko iyong ibinigay sa doctor.

“Good job! Now close your eyes…” sabi ko na agad naman niyang sinunod. Hinawakan ko ang palad niya at inilapag doon ang mumurahing keychain. Humagikhik ang nurse sa aking gilid. Wow, ha? Makakaalis na kayo, pwede ba? Kung gusto niyo ay ako na ang magsusuot ng uniform at coat niyo total ako rin naman ang gumagawa ng dapat na trabaho niyo? Kaloka! Sayang ang dollars ko sa inyo mga marecakes!

“Alright, open your eyes!” 

Jimin excitedly opened his eyes. Ang kurba sa kanyang labi ay mabilis na nabura nang makita ang nasa ibabaw ng palad niya. Napangiwi tuloy ako. Nag-expect siguro siya ng pizza o burger. Di bale, sa susunod na araw ay iyon ang dadalhin ko.

Sinuri ng inosente niyang mga mata ang keychain. 

Tumikhim ako bago binalingan ang mga asungot sa aking likod. “Please, leave us. I’d like to talk to him alone.”

Tumango si Doctor Toledo habang nauna nang lumabas ang mga nurse. “Pasensya na ulit, Miss Romano. This won’t happen again.”

Tumango lang ako habang hinihintay siyang lumabas. Nang tuluyan kaming mapag-isa ni Jimin ay nagulat ako nang atakehin niya ako ng yakap. Nagdududa kong hinaplos ang likod niya.

“Ikaw, ha! Sinadya mo ba ‘yon para pumunta ako rito?” 

Agad ang kanyang pag-iling sa aking balikat. “Weh? Huwag kang nagsisinungaling sa akin!”

Kumalas siya sa yakap bago naupo pabalik sa maliit na kama. Parang bata itong nagmamaktol habang naka-krus ang braso at bahagyang nanunulis ang bibig. I couldn’t help but chuckle at him. Nilapitan ko siya at hinaplos ang malambot na buhok.

“Did you like my gift?”

Matipid itong tumango bago ipinalibot ang mga higanteng braso sa aking beywang. Parang biglang nagrebolusyon ang tiyan ko sa ginawa niya. 

“I…l-love…it…Mal…” Halos pabulong na niyang sabi at hindi ko alam kung bakit muntik na akong humagulgol sa sobrang tuwa as if ako ang nanay niya at first time ko siyang marinig magsalita.

“Oh my God! Say it again!” Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi sa sobrang excitement.

Ngumisi siya sa akin. “Mummy!”

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Demivion
Ask ko lang po kung paano po ba maka-earn ng coins dito sa GoodNovel?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status