Share

Enchanted (Tagalog)
Enchanted (Tagalog)
Author: Augusta Cornelius

Chapter 1

Vintage dress. Pastel colors. Polaroids.

“Say, cheesecake!” I took a mirror shot of my cute mini white dress before posting it on my IG account. My feed looks so aesthetically pleasing to the eyes. Iniingatan ko talagang hindi masira ang hitsura nito at pinagiisipan ko ang bawat posts ko.

Ah, aestheticism! I live for it, religiously. And I am forever grateful cause I have all the privilege to be able to live this life. Nakangiti kong muling pinasadahan ng tingin ang sarili mula sa floor to ceiling na salamin. Nang mapansin ko ang isang pirasong buhok na nakatikwas ay hinuli ko iyon at inis na binunot. Mahina akong napaigik. Well, it’s called tiis ganda. In order to achieve something, a sacrifice is needed.

“Miss Mal, andito na ho yung inorder nyong donut at cupcake!” I heard Ate Sabel shouted outside of my room and it was followed by a short knock. Bumukas ang pinto at sumungaw doon ang matandang dalaga naming kasambahay. Bitbit nito ang mga inorder ko at akma nang papasok pero sinimangutan ko siya at umiling.

“Leave it in the kitchen, Ate. And do you see that color?” Maarte akong ngumuso bago umikot ang mga mata sa kabuuan ng kwarto ko. “Like omg? They wouldn’t fit to my bright room. It’s nakakairitang tingnan, please.”

The boxes were painted in dark red, contrasting my bright-colored pastel bedroom. It would stand out easily and it would irritate the hell out of me so I’d rather not have them here.

“Ah, sige po Miss. Ilalagay ko na lang sa ref.”

“No need! Paalis na rin ako.”

“A-ah, okay po Miss..”

It is a Sunday morning! Tuwing araw ng Linggo ay pumupunta ako sa Lake Benvista para magpicnic. Hindi ito ganoon kalayo mula sa hacienda namin pero ayoko ngang mapagod at marumihan ang sapatos ko! I demand a car ride! Pero wala akong choice ngayon dahil umuwi sa probinisya nila ang driver namin. Namatayan yata ito ng kamag-anak at sa isang linggo pa ang balik. Kainis naman!

Bitbit ang wicker basket, taas noo akong naglakad pababa ng hagdan. Nakalagay doon ang picnic mat na gagamitin ko mamaya at ang white instax na bagong bili lang two days ago. Nasira kasi ang dati kong camera dahil ginamit ko iyon pambugbog sa nangbastos sa akin sa school last week. Ang mahal pa naman noon. Oh well, he deserved it. Base on what I heard, mukhang nasira ko ang ilong ng lalaki.

Naabutan ko sa sala ang mga pinsan ko na naglalaro ng playstation. Nagsisigawan sila at nag-aagawan ng game controller. Umirap ako. They’re all big men pero talo pa nila ang mga paslit na bubwit. Pero ayos na iyan kaysa ako nanaman ang pagtripan nila.

“Hey, cousin!” kumaway sa akin si Kuya Dylan, prente itong nakaupo sa mahabang couch at hindi nakikisali sa mga kapatid. Siya ang panganay sa apat kong pinsan at lahat sila ay puro lalaki.

“What are you eating?!” nanlaki ang mga mata ko. Is that my cupcake?!

Nakangisi itong nagpatuloy sa pagnguya. “Isa lang naman, Mal. Ang damot neto, para namang mauubos mo lahat ang laman ng box?”

“Whatever! Ihatid mo ako sa Lake, wala si Kuya Waldo.”

“Sure. Nga pala, bumawas din ako ng isang donut.”

“Kuya?!”

“Ang sarap. Saan mo inorder iyon? Bibili rin ako.”

Lumapit ako sa kanya at sinabunutan siya. “Ihanda mo na nga ang kotse. Kukunin ko lang ang cupcakes tapos ay dadaanan ko si Willow sa likod.”

Agad na nagtawanan ang mga kapatid niya. The triplets. I know, it’s crazy! Having twins is already mind-blowing, tatlo pa kaya? Hanga ako kay Tita Maribeth dahil kinaya niyang dalhin sa sinapupunan niya ang tatlong ugok na ‘to. Kaedad ko lang din sila pero mas close talaga ako kay Kuya Dylan. May sariling mundo kasi ang tatlo.

“What the fuck, Amalthea? Hindi pwede!”

“At bakit hindi?”

“Kapag nagpumilit kang isakay ang kambing na iyon sa kotse ko ay hindi kita ihahatid!”

“Bagong ligo si Willow! Huwag ka ngang maarte, Kuya! Isinasakay mo nga si Rosie sa kotse mo, bakit si Willow ay hindi pwede?”

“Rosie is a cat!”

“And your point is? Pareho lang naman silang hayop.”

“Mal! I said no!”

Hindi ko siya pinakinggan. Dumiretso na ako sa kusina at inayos ang mga dadalhin kong pagkain. Kumuha ako ng maliliit na tupperwares at inilipat doon ang donuts at cupcake para magkasya sa basket ko. Nagulat pa ako dahil habang nag-aayos ako ay may dumila sa aking paa.

“Pearl!”

Kumahol sa akin ang black na shih tzu. Kinarga ko naman ito at pinugpog ng halik. She’s still a puppy. Bagong bili siya ni Robb, isa sa mga triplets.

“Hello wittle girl! Are you my pumpkin, hmm? Are you the boba to my milk tea?” pinanggigilan ko ang cute na tuta. Nakapuyod ang balahibo nito upang hindi matabunan ang mata. Nang mapansin kong hindi magkakaparehas ang kulay ng pang-ipit nito ay napangiwi ako. Agad kong hinalungkat ang basket na dala at kinuha roon ang pouch ko. Buti na lang at may dala akong rubber bands.

“Wag ka malikot Pearl, ha? I’ll just fix your hair..”

Mabuti pa ang isang ‘to at malambing sa akin. Ang pusa kasi ni Kuya Dylan ay halos punuin na ng kalmot ang binti ko. Masunurin din si Pearl kaya’t hindi ako nahirapan na ayusin ang hair tie niya.

“Hmm…ikaw na lang kaya ang dalhin ko, baby? What do you think? Would you like to come and join me on my picnic?”

Tumahol ang tuta kaya’t napabungisngis ako. “Alright. Let’s go, magpaalam muna tayo kay Daddy Robb mo.”

Nang masigurado kong nakahanda na lahat sa basket ang mga kakailanganin ko ay nilisan ko na ang kitchen. Nakabuntot sa aking likod si Pearl na kakawag-kawag ang buntot. Napakalambing talaga niya, parang si Willow.

“Hey, Robb. Pahiram muna ako kay Pearl, ha? Isasama ko siya sa Lake.”

Tumango lang ang pinsan kong busy sa paglalaro.

“Thank goodness. ‘Yan na lang ang isama natin at huwag na ang lintek na kambing na iyon.”

Sinamaan ko ng tingin si Kuya Dylan. “How dare you talk about Willow that way? Parang hindi mo pinanggigilan iyon dati kung makapagsalita ka, ah?”

“Dati ‘yon nung baby pa siya! Ang cute cute kasi niya dati tapos ngayon mukha na siyang matandang engkanto.”

“Shut up! Willow is forever my baby!”

Favorite niya rin naman dati ang kambing ko pero nang dumumi ito sa kotse niya ay halos isumpa na niya si Willow.

“Tara na, akin na si Pearl.”

Umiling ako. “Ikaw ang magdala ng basket ko, akin si Pearl.”

“Whatever,” pikon nitong inagaw ang basket sa akin. Natatawa ko namang kinarga ang tuta na mabilis akong dinilaan sa mukha. “No Pearl! You’re going to ruin my makeup! Isa!”

Nakaparada na sa harap ng gate ang itim na G Wagon ni Kuya nang malabas kami ni Pearl. Sa backseat kami umupo kaya’t simangot na simangot ang mukha ng pinsan ko habang nagdadrive. Ayaw niya talagang pinagmumukha siyang driver pero wala siyang laban sa akin. Alam niyang hindi na niya ako mapapababa rito kaya’t nagdrive na lang siya para hindi na tumagal pa ang usapan.

Wala pang five minutes ay nakarating na kami sa Lake Benvista. Excited na nagtatakbo si Pearl sa malawak at maberdeng damuhan ng lugar. Walang katao-tao. Hindi kasi ideal na pasyalan ang Lake kahit gaano ito kaganda at kaaliwalas. Marami na kasing naitalang kaso ng murder sa lugar na ito. Ilang beses na rin may nakitang palutang-lutang na bangkay sa lawa kaya’t kahit ilang beses na akong nagawi rito ay hindi ako lumalapit sa tubig. Ang sabi ay marami rin buwaya sa Lake kaya’t nakadagdag iyon sa takot ko.

Still, kahit gaano ka-spooky ang mga kwento about sa lugar, hindi ko pa rin mapigilan ang balik-balikan ito. I had so many amazing memories here with my deceased parents noong bata pa ako at napupunan lang ang pangungulila ko sa kanila kapag naririto ako. Noong hindi pa nasasangkot sa patayan ang lugar ay lagi kaming nandito tuwing Linggo for family day.

Inilatag ko ang picnic mat at nagsimula nang kumuha ng pictures. Akala ko ay iiwan na kami ni Kuya Dylan pagkahatid pero nakisali na rin ito sa picnic. Napairap ako. Gusto lang niyang ubusin ang dala kong donuts kaya’t narito siya.

“Magtira ka naman nang para sa akin, please?” I said sarcastically pero umirap lang ito. Ang vain kong pinsan ay nagsimula na rin magselfie nang magselfie at ilang minuto pa ay nakita kong tadtad nanaman ang IG story niya.

“My God? Ginawa mo nanamang powerpoint presentation ang IG mo?”

“Wag ka ngang pakialamera. Gumaya ka kung gusto mo,” inirapan nanaman ako nito.

“Napakapangit mo,” I commented, swiping on his pictures while angry reacting at each one of them.

“Tumigil ka nga, Mal! Number one basher ka talaga kahit kailan!”

“At ikaw ay hindi? Puro hate comments ang iniiwan mo sa mga vlogs ko, bwiset ka!”

Malakas itong tumawa. “Ano naman? Kumikita ka pa rin dahil sa akin. Mag-unsubscribe kaya ako nang makita mo ang hinahanap mo?”

“I have two million subscribers, hindi ka kawalan. Duh!”

“Kapal ng mukha mo. Hoy, hindi ko makakalimutan na pinilit mo kaming gumawa ng tag-lilimang account para ipang-subscribe sa channel mo!”

Ako naman ang natawa. “Well, pwede ka nang mag-unsubscribe. Nakuha ko na ang gusto ko, wala ka nang silbi.”

Halos malukot ang mukha ng pinsan ko.

I started doing vlogs on my youtube channel two years ago. When my parents died, I tried everything to keep myself busy so I wouldn’t drown myself in sadness. Sobrang liit lang ng pamilya namin, wala akong kapatid. Halos mabingi rin ako sa malaking mansyon na iniwan sa akin ng parents ko.

Mabuti na lang at mabait ang Tito Ronaldo at Tita Maribeth ko dahil ipinahiram nila sa akin ang mga anak nila. Sa hacienda na tumutuloy ang apat kong pinsan para may makasama ako araw-araw. Si Tito Ronaldo rin ang namamahala sa rancho namin ngayon dahil wala pa akong kakayahan na hawakan iyon. Second year college pa lang ako, halos wala pang alam sa pagnenegosyo.

Mabuti na lang at halos magkapitbahay lang ang mga hacienda namin kaya hindi ganoon ka-hassle para sa mga pinsan ko na magpalipat lipat ng bahay.

“Nasaan si Pearl?” Tumayo ako at binitiwan ang camera. Nalibang ako kakakuha ng pictures at ngayon ay hindi ko na matanaw ang tuta. I panicked.

“Kuya? Si Pearl?”

Nangunot ang noo nito at napalingon-lingon na rin. “I don’t know. Akala ko ay binabantayan mo?”

Lalo akong nag-panic. Baka mamaya ay bumaba na pala iyon sa Lake nang hindi namin nalalaman! Omg marami pa naman buwaya rito ayon sa mga kwento.

“Pearl?” I started shouting as I walked around the place. Tumulong na rin si Kuya Dylan sa paghahanap.

“Sa baba, i-check natin..”

Binuksan namin ang gate pababa ng lake. Tama nga ang hinala namin, naroon sa may boardwalk si Pearl. May kinakahulan ito sa nakaparadang fishing boat sa baba. Mukhang may tao roon!

“Pearl!”

Nagmadali kami ni Kuya. Hindi tumitigil sa pagtahol ang tuta kahit noong sinubukan ko itong kargahin. Nagpupumilit itong kumawala sa hawak ko.

“Kuya?

Tuluyang nakawala si Pearl. Mabilis nitong tinakbo ang dulo ng boardwalk kung saan nakatali roon ang fishing boat. Malakas ang kahol ng tuta kaya’t nagkatinginan kami ng pinsan ko. Sinilip namin ang bangka.

“Stay back, Mal!”

Nanlaki ang mga mata ko. “Kuya, what is that?” Muli akong nakisilip. Oh my God?! May patay!

Para akong hihimatayin sa kaba. The stories circulating about the lake are very unsettling, paano pa kaya ngayong nakikita talaga ng dalawang mga mata ko ang pangyayari? Mukhang hindi na ako babalik dito kahit kailan!

Hindi matigil sa pag-iingay si Pearl. Lumapit naman si Kuya Dylan para kumpirmahin ang hinala ko. Nasa likod niya ako at nakikisilip, kinakabahan at bahagyang nanginginig.

“Shit, someone’s on the boat, unconscious!”

Napalunok ako. “Patay ba?”

“Ewan ko. Malay ba natin, baka mangingisda lang iyan at hindi sinasadyang nakatulog dito.”

Lumapit ako lalo at nakisilip rin. Hindi ko masyado maaninag ang mukha pero lalaki iyon!

“Mangingisda?!” pinanlakihan ko siya ng mata. “Nakikita mo ba ang suot niya? Branded ang leather jacket niya, Kuya! Mukhang mayaman!”

Mahina kong itinulak ang pinsan ko at pinalitan siya sa puwesto niya. “Kuya, may sugat siya sa ulo! Omg, baka patay na nga siya. Tumawag tayo ng pulis!”

“Titingnan ko, tabi diyan.”

Nanginginig ako habang pinapanood si Kuya Dylan na bumaba sa boat. Sinipa-sipa niya ang lalaking naroon sa bangka bago nag-aalangan na hinawakan ang pulsuhan nito.

“Buhay pa siya, Mal! Mainit pa at nararamdaman ko ang pulso niya.”

“Oh, thank God!”

“Tulungan mo ako rito! Dalhin natin siya sa hospital!”

“T-tumawag na lang tayo ng ambulansya, Kuya?”

“Matatagalan pa iyon! Mamatay na lang ang pasyente, sila nagpapagasolina pa lang! Halika na, tayo na ang magdala sa kanya.”

Pinagtulungan naming hilahin paalis sa bangka ang sugatang lalaki. Halos sumakit ang likod ko dahil sa bigat niya. Nang mapagmasdan ko ang estranghero ay nakumpirma kong mayaman nga ang isang ‘to. Puro galos at sugat siya pero halatang makinis at alagang alaga ang kutis!

“Kunin mo na si Pearl. Papasanin ko ang isang ‘to.”

“Kaya mo ba, Kuya?”

Malaki ang katawan ng pinsan ko pero di hamak na mas malaki ang papasanin niya. Baka mamaya mabalian siya ng buto!

“Kaya ‘yan,” mayabang niyang sabi pero halos lumawit ang dila niya nang pasanin niya ito sa likod.

Kinarga ko si Pearl at mabilis na tumakbo patungo sa sasakyan. Binuksan ko ang backseat at hinintay na maibaba roon ni Kuya ang lalaki.

“Kukunin ko lang ang mga gamit ko, Kuya!”

“Dadalhin ko na ‘to sa hospital. Balikan mo ang gamit mo roon at umuwi na kayo ni Pearl.”

“Kuya, sasama ako!”

“Hindi na. Kailangan na siyang maitakbo sa hospital. Tatawagan na lang kita mamaya.”

Napipilitan akong tumango. Mabilis na pinaandar palayo ni Kuya ang sasakyan at naiwan kami roon ni Pearl na nakatanga. I looked at the puppy with a faint smile.

“Good job, Pearl. You save someone’s life.”

She barked on my face.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Chris Tine
cno po May full chapter nito
goodnovel comment avatar
Hannikaʚĭɞ Walang Kwentaʚĭɞ
so wonderful story
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status