Nakailang text na ako kay Kuya Dylan pero hanggang ngayon ay wala akong narereceive na reply. Hindi ako mapakali, I kept pacing back and forth on our front yard at ganoon rin si Pearl. Akala niya yata ay nakikipaglaro ako sa kanya dahil hindi ako matigil sa kakalakad. Ni hindi pa nga kami pumapasok sa loob mula nang makabalik kami.
“Mal!”
Lumingon ako at nakitang nasa hamba ng pintuan si Brandon, nakakunot ang noo sa akin habang hawak ang cellphone niya. “Pinapahatid ka sa akin ni Kuya sa hospital. Anong nangyari?”
“Really? Thank goodness! Tara na.”
“Bakit tayo pupunta sa hospital?”
Muli kong binitbit si Pearl at hindi siya sinagot. Nagmadali akong lumabas at hinintay kong maiparada niya sa harap ng gate ang kotse niya. Mabuti na lang at malaki ang garahe ng bahay kaya’t nagpagkakasya namin ang sasakyan ng bawat isa.
I slid in the passenger seat and he started driving.
“Anong nangyayari, Mal?”
Bumuntong-hininga ako. “We found a wounded, unconscious man on the lake, Dondon. Dinala siya ni Kuya sa hospital. Akala nga namin patay na.”
Suminghap ang pinsan ko. “See? Alam mo kung gaano kapanganib sa Lake Benvista, balik ka pa rin nang balik doon! Paano pag katawan mo na ang nabalitaan naming palutang lutang doon, ha? Mumultuhin kami ni Tito at Tita!”
“Wow, salamat sa concern ha? Mas takot ka pa palang multuhin ng Mom at Dad ko kaysa makitang lumulutang ako sa lawa.”
“Duh? Balak ko kasing agawin ang hacienda at bank account mo. Mangyayari lang ‘yon pag nawala ka sa landas ko.”
“Tarantado ka!” binatukan ko siya at nagtawanan kami.
Bitbit ko pa rin si Pearl nang pumasok kami sa hospital. The nurse guided us to the second floor where we found Kuya Dylan seated on the hallway bench. Prente itong nakaupo roon, nakade-kwatro pa habang umiinom ng kape. Akala mo ay nasa Starbucks lang siya at tumatambay.
Kumawala sa akin si Pearl at nagtatakbo patungo sa kanya. Doon namin naagaw ang atensyon ng hambog kong pinsan.
“Oh, thank God you’re here. Bayaran mo na ang bill para makaalis na ako rito.”
“What?” I looked at him incredulously.
“Walang magbabayad sa bill. Hindi alam ng mga nurse kung sino ang kokontakin dahil walang natagpuan na wallet o cellphone sa kanya. Walang nakakakilala doon sa lalaki.”
“Oh my God? Kumusta siya?”
“He’s stable now, sabi ng doctor. Bayaran mo na ang bill, cousin.”
I frowned at him. “Ano? Bakit ako?”
“Hindi ba’t idea mo naman na dalhin siya dito sa hospital?”
Napaatras ako. “A-ang sabi ko, tumawag tayo ng ambulansya. Ikaw kaya ang nagpumilit na dalhin iyan dito sa hospital!”
“Ganoon na rin ‘yon, ano ka ba? Syempre binanggit mo ang ambulansya so ibig sabihin gusto mo siyang madala sa hospital, sinegundahan lang kita.”
“Ano ba kayo?” lumapit si Dondon at sinita kami. “Nakakahiya! Talagang dito pa kayo sa hallway mag-aaway ng tungkol diyan? Bayaran mo na kasi, Mal.”
Lalo akong sumimangot.
“Wala kaming ipang-babayad diyan. Alam mo namang allowance lang mula kay Papa ang monthly income namin. Ikaw ang mapera dito sa ating lahat, Mal. Kung gusto mo, ibigay mo na sa akin ang bank account ng parents mo tapos ako ang magbabayad-“
“Oo na, letche! Mamaya ako magbabayad. Saan ang room niya? Gising na ba siya? Ano daw ang pangalan niya?”
Itinuro ni Kuya Dylan ang pinto na katapat lang namin. “Hindi pa siya nagigising so hindi ko alam.”
Napalunok ako bago dahan-dahang pinihit ang seradura ng pinto. Tanging ang tunog lang ng aircon at ventilator machine ang maririnig sa kuwarto. Inunahan pa nga ako ni Pearl na makapasok sa loob.
I stood on the side of the bed, examining the man lying in there. May benda ito sa ulo. Inilapit ko ang mukha at pinakatitigan ang lalaki. Ang guwapo niya! Makinis ang pisngi, matangos ang ilong, mahaba ang pilik-mata at perpekto ang pagkakahugis ng panga niya. Malaking lalaki rin ito dahil halos sakupin niya ang kama. Omg, is he a fictional character? Sino ang may gawa sa kanya nito?
Malakas na kumahol si Pearl. “Baby, huwag ka maingay! Natutulog ang prince charming.”
Hindi ito nakinig. Nagpatuloy sa pagkahol ang lintek na tuta.
“Halika nga rito. Doon ka sa labas, nandoon ang mga Tito mo.”
Akmang lalapitan ko na ito upang buhatin pero natigil ako nang may kamay na pumigil sa akin. Malakas akong napasinghap. I looked back and found the guy lying on the bed staring back at me while gripping my wrist!
“H-hi?” I muttered breathlessly. Taranta kong binawi ang kamay pero nanatili lang itong nakatitig sa akin. Kinakabahan akong napaatras.
Lumapit si Pearl sa tabi ng kama at tuwang tuwang nagtatalon doon. Lumipat ang tingin ng lalaki sa tuta mula sa akin. Nakita kong napangiti ang lalaki habang pinapanood si Pearl. Nakagat ko ang ibabang labi habang minamasdan ang maamo niyang mukha. Ang gwapo!
Pahirapan akong ma-impress pero sa lalaking ito ay halos libre kong pinamimigay ang compliments ko! This is not normal!
“A-anong pangalan mo?” I asked at muling bumalik sa akin ang mga mata ng lalaki. Hindi ito nagsalita, nakatitig nanaman siya sa akin!
“My name’s Amalthea, but you can call me Mal. Natagpuan ka namin ng pinsan ko sa Lake Benvista,” lumunok ako at itinuro si Pearl. “Actually, si Pearl ang unang nakakita sayo. Anong nangyari? Bakit ka sugatan?”
Again, no response. Is he mute?
“Pipe ka ba? Naririnig mo ba ako?” Parang tanga kong kinumpas-kumpas ang kamay at mukha siyang nalilibang na pinanood ako.
“Hello? Anong pangalan mo? Saan ka nakatira? May kabisado ka bang contact number na pwede naming tawagan?”
Hindi talaga siya nagsasalita. Nanatili itong nakatanga sa mukha ko habang hinihimas ang ulo ni Pearl.
“Hoy! Sumagot ka!” Inis na akong napasigaw. “Ano ba? Are you mute? Naiintindihan mo ba ako? Ano?!”
Maging si Pearl ay napatahimik sa sigaw ko. Kumibot ang labi ng lalaki at maya-maya pa ay bigla itong humikbi. Yumugyog ang malapad nitong balikat habang napuno ng luha ang itim nitong mga mata. Umawang ang bibig ko.
“What the..”
“M-mummy..” I heard him muttered in between his muffled sobs at lalo lang akong nataranta. Bumukas ang pinto at pumasok ang dalawa kong pinsan. Agad na nanlaki ang mga mata nila sa nasaksihan.
“Anong nangyari? Bakit mo pinaiyak ang pasyente, Mal? Napaka-maldita mo!” kinurot ako sa tagiliran ni Kuya Dylan.
“H-hindi ako…”
“Anong hindi? Rinig na rinig sa labas ang sigaw mo, Amalthea.”
Nagpalipat-lipat ang luhaang mata ng lalaki sa mga pinsan ko. Napalitan ng takot ang emosyon sa mga mata niya bago muling tumitig sa akin. Umiling-iling ito at itinaas ang mga kamay, animo’y inaabot ako.
“Mum..” patuloy ito sa paghikbi.
“What the fuck?” Brandon gasps behind me.
“Sinto-sinto pa yata ang nabitbit natin, insan.” Kuya Dylan commented and I couldn’t agree more. Mukhang maluwag nga ang turnilyo ng isang ‘to. Ang gwapo pa naman! Sayang! Kainis!
“Nagkaroon ka ng instant Baby Damulag,” nagtawanan ang dalawa at sinamaan ko sila ng tingin.
I gulped hard before finally stepping forward towards the bed. Nagulat pa ako nang mabilis akong inabot ng lalaki at ipinalibot ang matitipuno nitong braso sa bewang ko. Umiyak ito nang umiyak habang nakasubsob sa tiyan ko. Pakiramdam ko ay kulay kamatis na ang aking mukha dahil ramdam ko ang init na umakyat sa aking pisngi.
Muling humalakhak ang mga pinsan ko. Hindi ko alam ang gagawin. Nakatayo lang ako roon sa gilid ng kama habang nakakulong sa mga braso ng estrangherong lalaki.
“A-ah…sandali lang,” sinubukan kong kalasin ang pagkakayapos nito sa akin pero hindi ito nagpatinag.
“Anong pangalan mo? Nangtitrip ka lang ba, ha?” hindi talaga ito sumasagot. Patuloy lang ito sa pag-iyak at feeling ko ay sinisingahan na niya ang puti kong dress. Sinubukan kong itulak palayo ang ulo niya pero malakas itong umangal. Takte!
“Ano ba? Nasaan ba ang nanay mo, ha?” Angil ko at bigla itong nanahimik bago tumingala sa akin. “Ano?”
“M-mummy..” kumalas ang isang braso niya sa akin at itinuro ako. My lips parted at the realization. Mukhang may tililing nga ang isang ‘to at akala niya ako ang nanay niya! Punyemas!
“Naku, naging instant mommy na nga,” bubulong-bulong ang mga pinsan ko sa likod habang nagtatawanan.
“No! B-baka epekto lang ‘yan ng gamot. Diba minsan naaaning ang patients gawa ng side-effects? Baka mamaya babalik din siya sa normal,” pilit ang ngiti na hinaplos ko ang makintab at itim na itim na buhok ng lalaki. Pumungay ang mga mata nito sa haplos ko. Muli itong nagsumiksik sa aking tiyan.
“Hmm…maybe? Maybe not?” nagtawanan nanaman sila.
“Eh kung tinatawag niyo kaya ang doctor, diba? Mga pesteng yawa na ‘to!”
“Mummy..” paulit-ulit na bulong nito habang nakayakap sa akin.
Lumabas si Brandon para magtawag ng doctor. Lumapit naman si Kuya Dylan sa akin.
“Paano yan? Mukhang wala tayong choice kundi akuin muna siya.”
“Obviously. Alangan namang pabayaan natin ‘to dito? Kawawa naman.” At sayang kasi ang yummy niya.
“Bahala ka diyan. Busy ako.”
Nang makabalik si Brandon ay nakasunod na sa likod nito ang doctor. Ayaw pa rin humiwalay ng buang na lalaki sa akin. Pahirapan bago ako nakawala dahil napilitan ang doctor na turukan ito ng pampatulog.
“I don’t think this is simply a side-effect from the medicines,” panimula ni Doc. Tahimik kaming nakikinig sa kanya. “We examined his wounds at halatang sinadya ang mga iyon. Mukhang marahas ang pinagdaanan ng pasyente bago siya natagpuan.”
“Ibig bang sabihin, kaya ganyan siya umakto ngayon ay dahil sa nangyari sa kanya?”
“That’s a possibility. Maaaring may mental illness na ang patient at napagtripan lang o maaring he’s suffering in PTSD right now because of a traumatic event. He’s also regressive base sa nakita ko kanina.”
“May pag-asa pa bang bumalik siya sa dati?”
“Of course,” tumango ang doctor. “But it’s not guaranteed. Ayaw ko kayong paasahin, pero bibihira ang mga taong may ganitong case na bumalik pa sa katinuan nila.”
Nalaglag ang balikat ko. Malungkot at naaawa kong binalingan ang tulog na lalaki. Ang guwapo-guwapo niya. Ano kayang nangyari sa kanya at nagkaganito siya? Malamang ay hinahanap na siya ng kanyang pamilya.
Iniwan na kami ng doctor.
“Mas mabuti pa sigurong iwan natin siya sa mental hospital.”
Napalingon ako kay Kuya Dylan, parang gusto kong tumutol.
“Come on? Pag ayos na ang lagay niya ay pwede na natin siyang ilipat sa kabilang hospital. It is a private mental facility kaya’t mas maaasikaso siya roon, maaari pang mapabilis ang paggaling niya. Hindi naman natin yan pwedeng iuwi sa hacienda,” tumawa si Kuya. “Maluwag ang turnilyo niyan. Mamaya bigla tayong i-massacre, mahirap na.”
I sighed wearily. Tama ang pinsan ko.
Matapos kong magbayad ng bill ay umuwi na kaming tatlo. Nakokonsensya ako dahil iniwan naming mag-isa ang lalaki. Kung alam ko lang kung sinong relative niya ang tatawagan edi baka nagpadala pa ako ng chauffer para masundo sila.
“Nagbilin na ako sa hospital na ilipat siya sa katabing facility pag gumaling na ang mga sugat niya.”
Kumakain kaming magpipinsan nang gabing iyon. Medyo matamlay ako dahil hindi mawala sa isip ko ang lalaki. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Gising na kaya siya? Umiiyak nanaman kaya ang baby damulag na ‘yon? Hinahanap niya kaya ako?
“Ang tanong, handa ka bang saluhin ang monthly bills niya sa mental facility, Mal? Private ang hospital, maganda at advance ang mga equipment kaya matututukan siya roon. Pero mahal ang bayarin for sure.”
Umangat ang tingin ko mula sa kinakaing beef steak. Marami akong pera. Nang mamatay ang parents ko, ibinigay sa akin ang access sa bank accounts nila. Bukod pa roon, may sarili rin akong funds na hindi pa nagagalaw dahil malaki ang kinikita ko bilang youtuber. Malakas din ang pasok ng pera dahil sa rancho. Mayroon din kaming watermelon at pineapple plantations na halos punuin ang bank accounts namin tuwing summer.
“Hindi naman problema sayo ang pera, obviously. Pero handa ka ba talagang tustusan ang lalaking hindi mo naman kakilala at kaano-ano?” Taas-kilay na tanong ni Kuya Dylan. Tumahimik ang lamesa at sabay-sabay na nagtinginan sa akin ang triplets, naghihintay sa sagot ko.
Napainom ako ng tubig. “O-okay lang. Ano ba kayo?” awkward akong tumawa. “Hindi ko na alam kung saan pagkakasyahin ang pera ko kaya walang problema sa akin. Hindi naman pati sa masamang bagay mapupunta diba?”
“Walang kasiguraduhan ang paggaling niya. Paano kung habambuhay siyang ganoon? Edi forever mo siyang pasanin.”
“May public mental hospital sa katabing bayan, Mal. Bakit hindi na lang siya doon? Wala pang bayad,” Jon suggested pero inilingan ko siya.
“I said it’s fine. I’ll take care of him.” I’m his Mummy after all, right?
“Hindi ako makakapasok next meeting so use your vacant time wisely, guys. Mag-iiwan na rin ako ng extra tasks para pang-cover sa absent ko.”Lumilipad ang utak ko habang nasa klase. Okupado ang isip ko kaya’t hindi ako makapag-participate nang maayos sa discussions at recitations. Iniisip ko kasi si Jimin; oo yun ang ipinangalan namin sa lalaking napulot namin sa lawa. Alam kong tunog k-pop siya pero wala na kasi akong maisip.Tumawag ang hospital sa hacienda kanina at nanghihingi sila ng pangalan dahil ililipat na daw ito sa mental mamaya. Kailangan may mai-register silang pangalan dahil mahihirapan daw itong hanapin kung maisipan kong bumisita. Eh sa Jimin ang unang pumasok sa isip ko dahil ‘yon ang bukang-bibig ng best friend kong adik sa BTS!Isang linggo na ang nakakalipas, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakabisitang muli. Ang sabi ng doctor ay madalas lang itong tulala mag-isa sa kwarto o minsan ay umiiyak at naghahanap ng Mummy.
Wearing a pastel pink off-shoulder dress, I strutted the hallway on my way out of the school. Bibisitahin ko ulit si Jimin sa hospital ngayon bago siya ilipat sa kabilang pasilidad bukas nang umaga. Si Ate Sabel ang muli kong ginamit na dahilan sa dalawa kong kaibigan, mabuti at hindi na sila nagtanong pa. Sa susunod na araw ay kailangan ko nang sumama sa kanila upang hindi sila maghinala.“Ala-sais mo po ako sunduin, Kuya,” I reminded our driver who just got back this morning. Nakangiti itong tumango bago ako bumaba ng sasakyan at tinahak ang hospital.Bitbit ang isang box ng pizza at dalawang cup ng milk tea, itinulak ko pabukas ang pinto ng private room ni Jimin. Kagaya kahapon ay bukas nanaman ang telebisyon pero hindi naman ito nanonood. Nang sinilip ko ang lalaki ay nakapikit ang mga mata nito, mahimbing na natutulog. Napangiti ako at inilapag ang mga dala sa mahabang couch sa gilid ng kuwarto.Muli akong lumapit kay Jimin at naupo sa tabi nito. Ba
Mabilis kong sinenyasan ang dalawang kaibigan bago unti-unting lumayo para masagot ang tawag. I walked a little further away from them, but not that far for me to keep them around my view. Patuloy sa pagkukwentuhan ang dalawa habang tinatanaw rin ako pabalik. Lance even made a face at me from afar. Pabiro ko itong inirapan. "Hello, Doc?" I said as soon as I swiped the answer button. "May problema ba? Si Jimin? Kumusta?" "Mal..." bumuntong hininga ang doktor sa kabilang linya. "I'm sorry for disturbing you. I know you're at school right now but this is urgent." Kumalabog ang aking dibdib. "A-ano pong nangyari?" "We accidentally locked Jimin inside his room. Naiwan ng nurse niya ang susi sa loob kasama na rin ang spare keys. We kept on knocking pero hindi siya sumasagot. Can you drop by in here? I'm sure you can make him open up dahil sa'yo lang siya nakikinig..." "S-sige po, Doc! Tapos na rin naman ang klase ko at may pupuntahan
Nakakabuang. Pakiramdam ko ay tama si Kuya Dylan at kailangan ko na rin magpatingin sa doctor dahil may sayad nga yata akong talaga!I looked around the room and couldn't help but feel the surge of slight cringe and irritation at the lack of color around me. Jimin's room is white, pale, and boring. Maybe I should redecorate this room para naman magkaroon ng buhay ang paligid niya. Magrerequest din ako ng telebisyon para hindi siya mabagot dito.Bumaling ako kay Jimin. Pinahiram ko sa kanya ang cellphone ko at hayun nga, busy na sa paglalaro ng Candy Crush. Hindi ko alam kung naiintindihan ba niya ang mechanics ng game pero naririnig ko na nakakapuntos naman siya paminsan-minsan."Jimin, bibili lang ako ng meryenda, ha? Anong gusto mo? Pizza ba?" Tanong ko pero hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Talagang nalibang siya sa games. Umirap ako bago tumayo at kinuha ang wallet sa bag. Hindi pa ako nanananghalian kaya't nakakaramdam na ako
Hindi ko kayang salubungin ang matatalas na titig sa akin ng tiyahin at tiyuhin ko kaya't walang pasabi kong pinatay ang tawag. Nag-iwan na lamang ako ng mensahe kay Tita Maribeth na dadaan ako sa bahay nila mamaya para mapag-usapan ito. She then responded na silang mag-asawa na ang dadalaw sa hacienda mamaya kaya sinabihan ko si Ate Sabel na damihan ang luto for dinner.I pocketed my phone and sauntered towards the bed. Nakaabang sa akin si Jimin habang yakap-yakap ang isang paperbag ng Jollibee. Sinimangutan ko siya. I hopped on the bed and jokingly pulled his hair."Ah!" Daing nito."Bakit mo pinakealaman ang contacts ko, ha? Ila-lock ko na nga apps nito at baka kung ano pang madelete mo!"Ngumuso si Jimin at hinaplos-haplos ang buhok na hinigit ko. Gusto kong matawa dahil sa pag-iinarte nito. Hindi naman ganoon kalakas ang pagkakasabunot ko pero mukhang iiyak pa siya.I leaned towards him and caressed his hair. "
The backyard garden was spacious and lovely. May ilang pasyente at nurses na roon nang makarating kami ni Jimin. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya pero nakawala pa rin ito at excited na nagtatakbo sa makulay na hardin. The bushes and flowers looked healthy. Halatang inaalagaan at priority ng maintenance team. Tinungo ko ang swing at umupo roon habang pinapanood si Jimin na makipaghabulan sa kulay dilaw na paru-paro. Malawak ang ngiti sa kanyang labi at nangingislap pa ang mga mata. I bet he’ll be happier to see our hacienda. Mas malawak roon at siguradong mag-eenjoy siyang kalaro si Pearl. I should probably bring that dog here one of these days. ‘Yun ay kung papayagan ako ni Robb. “Mal!” Ngumiti ako nang excited itong tumakbo palapit sa akin. Jimin crouched down to level me as he proudly showed me something from his hand. Malakas akong napasinghap nang makita roon sa palad niya ang napisat na paru-paro. “What the?! Anon
I wasn’t able to visit Jimin for the past three days due to my hectic schedule and school works. Finals is nearing kaya’t halos tambakan na kami ng projects at group works ng mga professors namin. Walang patawad, naghihigpit din sa deadlines.Thankfully, I haven’t received any message from the hospital. Jimin must be behaving perfectly, and I hope to see improvements in him on my next visit… which I hope would be tomorrow.“Exams na natin in two days. Saan tayo magrereview?” Tanong ni Lance habang naglalunch kaming tatlo sa school cafeteria. May dalawang oras pa kaming klase pagkatapos nito. Gusto ko sanang bumisita sa hospital mamaya pero may tatapusin kaming research ng mga group mates ko.I shrugged as I continued munching on my chicken sandwich. We usually pull an all-nighter during finals season para magtulungan sa pagrereview… at para na rin magplano kung paano kami magtutulungan during desperate ti
Tuwang-tuwa kaming nag-apir ng mga ka-grupo ko matapos naming lisanin ang conference room kung saan naganap ang thesis defense namin. Finally! Makakahinga na rin ng maluwag. We absolutely nailed it and left the panels a superb impression.“This calls for a celebration!” Ani Diva habang tinatahak namin ang hagdan palabas ng building. Nakangiti akong umiling sa kanila para tumanggi.“I’m sorry. I need to attend a friend’s birthday after this. Kayo na lang siguro. Congrats to the four of us!” I heard them sighed in unison. Tumawa ako at isa-isa silang bineso. “Enjoy our school break! See you all next sem.”Kumaway ako sa kanila bago tinahak ang daan palabas ng campus. My best friends texted me earlier that they’ll be waiting for me in our favorite café. Ngayon kasi namin napagkasunduan na i-celebrate ang birthday ni Lovely. Bukas kasi ay flight na nila palabas ng bansa. Her family decided to