“Discharge Jimin as soon as possible. Magsasampa rin ako ng kaso sa nurse. Alam kong hindi siya makakalaban dahil selfe-defense ang nangyari at may sakit sa pag-iisip ang pasyente.” I demanded while sitting in Doctor Toledo’s office again.
Nanlaki ang mga mata ng Doctor. “D-discharge? Are you planning to transfer him to another facility, Miss Romano?”
I shook my head, unsmiling. “Hindi, Doc. Iuuwi ko na siya sa amin.”
Mas lalong nanlaki ang mata niya. “A-are you sure about that?”
Mariin ko siyang tinitigan. Doctor Toledo sighed but nodded his nevertheless. He looked disappointed and a bit embarrassed.
“I’d like to apologize since the hospital failed to give you and Jimin an amazing service. Sana ay matutunan mo ulit kaming pagkatiwalaan sa hinaharap.”
Bumuntong-hininga ako. “I just want the best for him. Kahit hindi ko siya kaano-ano, I learned to car
Tinawid ko ang espasyo sa pagitan ko at ng bintana ng kuwarto ni Jimin matapos makarinig ng pagbusina sa labas. Nang makita ang papasok na sasakyan ni Kuya Dylan sa gate, nakagat ko ang ibabang labi dahil sa kaba.Nilingon ko si Jimin na abala sa pagnguya ng chicken sandwich na hinanda ng kasambahay. Bukas rin ang flat screen TV at nanonood siya roon ng local basketball game. Pansin ko ang mahina niyang pagpadyak tuwing nakaka-score ang mga naka-itim na jersey.Umupo ako sa tabi niya at ngumiwi. “Dito ka muna, ha? ‘Wag ka munang lalabas hangga’t hindi ko sinasabi o hindi kita tinatawag. My eldest cousin just arrived at baka mabatukan ako n’on ‘pag bigla ka na lang magpagala-gala sa labas. I’ll talk to him first, hmm?”He looked at me and pouted. Maya-maya ay marahang tumango habang kumakain pa rin ng meryenda. I chuckled softly before playing with his hair. Mabuti na lang talaga at nakakaintindi siya kahit
Vintage dress. Pastel colors. Polaroids.“Say, cheesecake!” I took a mirror shot of my cute mini white dress before posting it on my IG account. My feed looks so aesthetically pleasing to the eyes. Iniingatan ko talagang hindi masira ang hitsura nito at pinagiisipan ko ang bawat posts ko.Ah, aestheticism! I live for it, religiously. And I am forever grateful cause I have all the privilege to be able to live this life. Nakangiti kong muling pinasadahan ng tingin ang sarili mula sa floor to ceiling na salamin. Nang mapansin ko ang isang pirasong buhok na nakatikwas ay hinuli ko iyon at inis na binunot. Mahina akong napaigik. Well, it’s called tiis ganda. In order to achieve something, a sacrifice is needed.“Miss Mal, andito na ho yung inorder nyong donut at cupcake!” I heard Ate Sabel shouted outside of my room and it was followed by a short knock. Bumukas ang pinto at sumungaw doon ang matandang dalaga naming kasambahay. Bitbit nito ang mga ino
Nakailang text na ako kay Kuya Dylan pero hanggang ngayon ay wala akong narereceive na reply. Hindi ako mapakali, I kept pacing back and forth on our front yard at ganoon rin si Pearl. Akala niya yata ay nakikipaglaro ako sa kanya dahil hindi ako matigil sa kakalakad. Ni hindi pa nga kami pumapasok sa loob mula nang makabalik kami.“Mal!”Lumingon ako at nakitang nasa hamba ng pintuan si Brandon, nakakunot ang noo sa akin habang hawak ang cellphone niya. “Pinapahatid ka sa akin ni Kuya sa hospital. Anong nangyari?”“Really? Thank goodness! Tara na.”“Bakit tayo pupunta sa hospital?”Muli kong binitbit si Pearl at hindi siya sinagot. Nagmadali akong lumabas at hinintay kong maiparada niya sa harap ng gate ang kotse niya. Mabuti na lang at malaki ang garahe ng bahay kaya’t nagpagkakas
“Hindi ako makakapasok next meeting so use your vacant time wisely, guys. Mag-iiwan na rin ako ng extra tasks para pang-cover sa absent ko.”Lumilipad ang utak ko habang nasa klase. Okupado ang isip ko kaya’t hindi ako makapag-participate nang maayos sa discussions at recitations. Iniisip ko kasi si Jimin; oo yun ang ipinangalan namin sa lalaking napulot namin sa lawa. Alam kong tunog k-pop siya pero wala na kasi akong maisip.Tumawag ang hospital sa hacienda kanina at nanghihingi sila ng pangalan dahil ililipat na daw ito sa mental mamaya. Kailangan may mai-register silang pangalan dahil mahihirapan daw itong hanapin kung maisipan kong bumisita. Eh sa Jimin ang unang pumasok sa isip ko dahil ‘yon ang bukang-bibig ng best friend kong adik sa BTS!Isang linggo na ang nakakalipas, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakabisitang muli. Ang sabi ng doctor ay madalas lang itong tulala mag-isa sa kwarto o minsan ay umiiyak at naghahanap ng Mummy.
Wearing a pastel pink off-shoulder dress, I strutted the hallway on my way out of the school. Bibisitahin ko ulit si Jimin sa hospital ngayon bago siya ilipat sa kabilang pasilidad bukas nang umaga. Si Ate Sabel ang muli kong ginamit na dahilan sa dalawa kong kaibigan, mabuti at hindi na sila nagtanong pa. Sa susunod na araw ay kailangan ko nang sumama sa kanila upang hindi sila maghinala.“Ala-sais mo po ako sunduin, Kuya,” I reminded our driver who just got back this morning. Nakangiti itong tumango bago ako bumaba ng sasakyan at tinahak ang hospital.Bitbit ang isang box ng pizza at dalawang cup ng milk tea, itinulak ko pabukas ang pinto ng private room ni Jimin. Kagaya kahapon ay bukas nanaman ang telebisyon pero hindi naman ito nanonood. Nang sinilip ko ang lalaki ay nakapikit ang mga mata nito, mahimbing na natutulog. Napangiti ako at inilapag ang mga dala sa mahabang couch sa gilid ng kuwarto.Muli akong lumapit kay Jimin at naupo sa tabi nito. Ba
Mabilis kong sinenyasan ang dalawang kaibigan bago unti-unting lumayo para masagot ang tawag. I walked a little further away from them, but not that far for me to keep them around my view. Patuloy sa pagkukwentuhan ang dalawa habang tinatanaw rin ako pabalik. Lance even made a face at me from afar. Pabiro ko itong inirapan. "Hello, Doc?" I said as soon as I swiped the answer button. "May problema ba? Si Jimin? Kumusta?" "Mal..." bumuntong hininga ang doktor sa kabilang linya. "I'm sorry for disturbing you. I know you're at school right now but this is urgent." Kumalabog ang aking dibdib. "A-ano pong nangyari?" "We accidentally locked Jimin inside his room. Naiwan ng nurse niya ang susi sa loob kasama na rin ang spare keys. We kept on knocking pero hindi siya sumasagot. Can you drop by in here? I'm sure you can make him open up dahil sa'yo lang siya nakikinig..." "S-sige po, Doc! Tapos na rin naman ang klase ko at may pupuntahan
Nakakabuang. Pakiramdam ko ay tama si Kuya Dylan at kailangan ko na rin magpatingin sa doctor dahil may sayad nga yata akong talaga!I looked around the room and couldn't help but feel the surge of slight cringe and irritation at the lack of color around me. Jimin's room is white, pale, and boring. Maybe I should redecorate this room para naman magkaroon ng buhay ang paligid niya. Magrerequest din ako ng telebisyon para hindi siya mabagot dito.Bumaling ako kay Jimin. Pinahiram ko sa kanya ang cellphone ko at hayun nga, busy na sa paglalaro ng Candy Crush. Hindi ko alam kung naiintindihan ba niya ang mechanics ng game pero naririnig ko na nakakapuntos naman siya paminsan-minsan."Jimin, bibili lang ako ng meryenda, ha? Anong gusto mo? Pizza ba?" Tanong ko pero hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Talagang nalibang siya sa games. Umirap ako bago tumayo at kinuha ang wallet sa bag. Hindi pa ako nanananghalian kaya't nakakaramdam na ako
Hindi ko kayang salubungin ang matatalas na titig sa akin ng tiyahin at tiyuhin ko kaya't walang pasabi kong pinatay ang tawag. Nag-iwan na lamang ako ng mensahe kay Tita Maribeth na dadaan ako sa bahay nila mamaya para mapag-usapan ito. She then responded na silang mag-asawa na ang dadalaw sa hacienda mamaya kaya sinabihan ko si Ate Sabel na damihan ang luto for dinner.I pocketed my phone and sauntered towards the bed. Nakaabang sa akin si Jimin habang yakap-yakap ang isang paperbag ng Jollibee. Sinimangutan ko siya. I hopped on the bed and jokingly pulled his hair."Ah!" Daing nito."Bakit mo pinakealaman ang contacts ko, ha? Ila-lock ko na nga apps nito at baka kung ano pang madelete mo!"Ngumuso si Jimin at hinaplos-haplos ang buhok na hinigit ko. Gusto kong matawa dahil sa pag-iinarte nito. Hindi naman ganoon kalakas ang pagkakasabunot ko pero mukhang iiyak pa siya.I leaned towards him and caressed his hair. "