Share

Chapter 6

JAEL'S POINT OF VIEW

"Ate Jael!"

Napa balikwas ako sa pag kakahiga ng may biglang sumigaw sa tenga ko. Halos pumutok yung eardrums ko sa lakas ng boses ni Rhys.

"Gising, Ate! May dalang pagkain si Kuya Levi!" Tinaas nito ang mga supot na sigurado akong laman ay pagkain.

Bumangon na ako at tiningnan ang orasan. Mag aalas dose na, tinanghali na ako ng gising. Nag overtime kase ako sa convenience store kagabi. Late na rin ako naka uwi. Buti nalang sabado.

"Saan galing 'to?" Tanong ko sakanya. Kinuha ko sa maliit nyang kamay ang mga supot. Nag kibit balikat ito bilang sagot saakin.

May pancit, kare-kare, menudo at fried chicken.

"Wow! Ang sarap!" Parang nag niningning ang mga mata ni Rhys sa mga ulam nang ihain ko na ito.

"Nasaan si Kuya Levi mo, Rhys?" Tanong ko sakanya habang kumukuha ako ng mga plato. Lumapit naman sya saakin para tulungan akong ilagay ang mga kutsara. Napangiti ako dahil inayos nya ito ng pantay-pantay. Napaka OC talaga.

"Ay, Ate. Gising ka na po pala." Napa lingon ako sa nag salita. Napa kunot ang noo ko. Si Levi ito na punong-puno ng grasa sa katawan.

"Saan ka nang galing, Jasper Levi?" Lumapit ako sakanya. "Bakit ganyan ang itsura mo?" Parang sumabak kase sa gera ang kapatid ko sa sobrang dumi.

"Ah. Nag patulong po kase si Mang Goyo sa talyer, Ate. Umalis daw po kase si Kuya Makoy kaya wala syang katulong kanina. Binigyan n'ya po ako ng mga ulam galing sa karinderya nila para raw po saatin sabi ng asawa nya, tapos..." kinapa nito ang bulsa nya. "Eto po, bayad po saakin 'to ni Mang Goyo sa pag tulong ko sakanya. Sabi ko nga po hindi ko na tatanggapin kase tulong naman po 'yon. Hindi naman po ako nag papabayad kapag may nang hihingi saakin ng tulong."

Napa-kamot ito sa kanyang ulo. Nilabas nya ang mga perang naka lagay sa bulsa. "Makulit talaga si Mang Goyo, Ate kaya tinanggap ko nalang. Mag tatampo daw sila kapag hindi ko tinanggap."

Inabot nya saakin ang mga pera. Naka labas na ang tela ng bulsa sa suot nyang short. "Sayo na 'yan, Ate. Isama mo po sa budget natin. Ikaw po muna mag budget.... hindi pa po kase ako marunong."

Halos maluha ako sa sobrang tuwa. Hindi dahil sa binigyan ako ng pera ng kapatid ko kundi dahil sa kabutihang pinapakita nya sa ibang tao. Bukal talaga sa loob nya ang tumulong. Pakiramdam ko wala na akong nagawang tama sa mundong ito pero meron pala, yung makitang nagiging mabuting tao yung mga kapatid mo bilang tumatayong magulang sakanila.

"Wait lang po, Ate. Mag huhugas lang po ako ng katawan saglit," ani ni Levi. "Kamusta pala tulog mo, Ate? Hindi ka na po namin ginising ni Rhys kase alam naming pagod ka. Sana nakapag pahinga ka ng mabuti." Dagdag nya bago pumasok sa palikuran.

"Bakit ka umiiyak, Ate ko?" Naramdaman ko ang maliit na kamay na pumupunas sa mukha ko. Niyakap ko si Rhys, "Hindi umiiyak si Ate, masaya lang po sya." Sagot ko. I'm so blessed because i have them.

Hindi rin nag tagal, lumabas na si Levi sa banyo kaya nag simula na kaming kumain. Nag lead ng prayer si Levi.

Hinihimay ko ng medyo maliit ang friend chicken para hindi mahirapan si Rhys na nguyain 'to. Hindi ko na sya sinusubuan dahil kaya naman na nya. Sinasanay ko kase sya na kumain mag-isa. Makalat pero ayos lang.

Iniisip ko kung anong mga gagawin ko ngayong araw pag tapos ko mag hugas. Nakapag laba na kase ako at nakapag linis ng bahay. Mamaya pa ang trabaho ko.

"Ate, pwede po ba kami mag laro ni Rhys sa labas mamaya?" Paalam ni Levi. Tumango ako. Hindi ko naman sila pinag babawalan na mag laro lalo na kapag weekend. Ayokong may ma miss silang chilhood.

Nang matapos kami kumain, nag ligpit na ako ng pinag kainan. Tinulungan ako ni Levi. Sya ang taga lagay ng mga hugas na plato sa lagayan para patuyin habang si Rhys naman ay nag lalaro ng mga laruan nya.

"Laro ka na doon, Levi. Kaya na ni Ate 'to. Ako na bahala." Ani ko sakanya.

Tumango ito at inaya ang kapatid na lumabas para makinood ng telebisyon sa kapit-bahay. Wala kase kaming tv kaya wala mapag lilibangan ang mga bata dito sa bahay kaya sa kapit-bahay sila nakikinood. Buti nalang talaga mababait yung kapit-bahay namin dahil hinahayaan nila yung mga kapatid kong makinood sakanila.

Hindi ko pa kase kaya bumili ng tv, masyadong mahal. Pinag iipunan ko na rin naman, sakto dahil malapit na kaarawan ni Levi. Sa susunod na buwan na 'yon kaya tv ang balak ko sanang iregalo.

Pag tapos ko sa nga gawain nag pahinga na ako. Umikot ang aking tingin sa bahay. Ngayon ko lang napansin na wala kami masyadong mga litrato, ang mahal naman kasi mag pa frame. Di bale, sa susunod mag papa-frame ako.

Isa pa sa napansin ko ay wala rin kaming litrato ng mga magulang ko. Halos limot ko na ang itsura nila. Hindi ko tuloy kung makikilala ko pa sila kung nag kita kami. Pero parang imposible na rin 'yon. Kung mag kikita kami sana di na umabot ng limang taon.

Hindi rin kalakihan ang bahay namin. Actually, squatter area kami. Balita ko nga baka i-demolish na 'to dahil tatayuan ang lugar na 'to ng mga buildings kaya may pangamba ang mga naka tira dito sa San Lorenzo kung sakaling nag kataon ang usapin na 'yon.

Sinilip ko ang mga bata sa kabilang bahay. Nasa may pinto sila naka dungaw.

Kinuha ko ang telepono ko at nag scroll sa social media. Tanging mga message lang nila Ivy at Cypress sa messenger ang bumungad saakin.

Theodora Cypress Lucenzo:

Jael, busy ka ba today?

I replied.

Emrys Jael Travieso

Hindi naman, Cy. Bakit?

Binuksan ko rin ang chat box namin ni Ivy.

Hazel Ivy Castillio:

May napkin ka ba dyan, Jael? Meron ako. HEHE.

Sineen ko na lamang ito dahil nakaraang araw nya pa 'to chat.

Nag bukas na rin ako ng F******k Account ko.

15 Friend Request

10 Notification

Chineck ko ang mga friend request ko. Inaccept ko ang mangakilala ko at pamilyar saakin.

Bishop Grey Rios sent you a friend request.

Elmore Kai Sandoval sent you a friend request.

Roscoe Ford Medina sent you a friend request.

Hindi naman halatang sabay-sabay nila akong inadd dahil pare-parehas lang yung request nila na 1 day ago. Inaccept ko silang tatlo.

Nag scroll pa ko pababa ng mga friend request ko ng may makita akong pamilyar na pangalan.

Percival Ross set you a friend request.

1 month ago

Napa kunot ang noo ko. Paanong inadd n'ya ako? 1 month ago na, ang tagal nya ng naka friend request saakin. Napindot ba n'ya 'to? Imposible namang inadd nya lang ako, hindi naman kami close lalo na't 1 month ago pa.

Chineck ko ang f******k account nya. Walang profile at cover photo, ni isang litrato wala. Wala rin kahit isang post. Napaka linis ar organized ng social media nya. Bigla naman akong nahiya saakin. Wala man lang syang ka-jejehan na picture or post. Wala sigurong childhood etong tao na 'to.

I accepted his friend request bago ako nag log out.

Mag o-off na sana ako ng data nang may biglang may notif galing sa i*******m.

itspercbalross, who you might know, is on I*******m.

Clinick ko ang notification. Bumungad saakin ang profile ni Ross.

@itspercbalross

Percival Ross Valdemar

2 Timothy 4:17

Three days, three autums.

16 post 6,892 followers 0 followings

Kung may competition sa pinaka organized na i* feed, ilalaban ko 'to si Ross.

Tiningnan ko ang mga photos na naka post isa-isa.

"Marunong pala sya mag paint." May nakita kase akong photo na nag papaint s'ya. Halos lahat ng pictures more on arts and music instrument. May mga picture naman s'ya kaso puro naka talikod.

Hindi na sana ako mag s-scroll pa pababa kaso nakita ko yung pinaka unang post nya. A mesmerizing family photo taken five years ago catches my eye. The picture of happiness. Nabanggit saakin ni Cypress na may kuya at naka babatang kapatid pa si Ross.

His older brother looks so serious and stern, while Ross is grinning from ear to ear showing his perfect teeth and dimples. He looks so lively and happy. Parang halos walang nag bago sa mukha ni Ross, para pa rin gagawa ng kasamaan. Charot.

I also see a woman in the picture, who I assume is their mother. Dahil sa bump n'ya alam ko nang buntis ito sa ikatlo nyang anak. She looks radiant and proud. They look very nice, para silang isang masayang pamilya na punong-puno ng pagmamahal.

I zoom in on the picture, trying to see more details. I noticed that something is missing. They are only three in the picture. My detective instinct kick in.

Ross' family seems incomplete. There's no sign of their father in the picture. My curiosity piqued. Where could he be?

Naalala ko tuloy yung kinwento saakin ni Cypress nung nakaraang araw, pinag uusapan daw ng mga kaibigan ni Rosa yung tungkol sa pamilya nya. I can't help but wonder about the untold story behind the seemingly perfect family photo.

Isinawalang bahala ko na ang nakita ko nang nakaramdam na ng antok kaya napag desisyunan ko munang umidlip. Hapon na kaya masarap matulog. Tinawag ko sila Levi at Rhys para matulog kaya naman pumasok na sila ng bahay.

Nilatag ko ang kutchon namin para maka higa kami

Sanctuary by Joji now playing

Lumabas muna ako ng convenenient store at umupo sa isa sa mga naka laang chairs and table dito. Iilan nalang din ang mga sasakyang dumadaan. I look up at the sky and see the stars.

They are beautiful and bright, they make me feel calm and peaceful. I wish I could be one of them, free and shining.

I yawned. "Antok na ko."

Suddenly, I hear a car approaching the store. I look down and see a mercedez-benz parking in front of the store. Mukhang bigatin 'to. Ganda ng sasakyan.

I watch as the driver gets out of the car. My eyebrows furrowed. Parang pamilyar.

Takte, s'ya na naman? He is wearing a shirt and short. Gulo-gulo pa ang buhok nito, parang kaka-gising lang. Infairness, ngayon ko lang na appreciate na ang gwapo nya. Pero ano na naman kaya ginagawa ng taong 'to dito?

Layo raw ng San Lorenzo sakanila, ah?

Our eyes meet as he passes by me. He smiles and nods at me. I smiled back. Ano na kain 'non?

Nakita ko syang pumunta sa bar section ng convenience store and get the same beer he bought last time. Kumuha rin sya ng mga chichirya at snacks. Na curious tuloy ako sa mga cravings n'ya.

As Ross rounds the corner, our eyes meet again but I quickly avert my gaze, pretending not to notice. Baka may makuha pa syang bala sakin na pang asar, sabihin iniistalk ko sya.

I heard the door creak open, I assume he's leaving. But to my shock, he appears in front of me, cracking open a beer and starting a conversation.

"How are you?" He casually asked.

"I'm fine, Ross. How are you?" Sobrang awkward!

"I'm good, thanks. Just enjoying the night." He sipped from his beer.

Natahimik na kaming dalawa. The distant of passing cars is the only sound breaking the silence.

"So, you work here?"

"Oo," sagot ko. Inalok nya ko ng chichirya. "Matagal na."

"Cool."

Ang weird, parang bumabait sya ngayon. Parang di sya nang bubully sa school kung kumilos. Pa-softie!

Tumikhim ako para sirain ang katahimikan. "Sa Rockwell ka pa diba?"

"Yeah, why?" Nag bukas sya ng isa pang beer at inalok ako. Tumanggi ako, ano ba nasa utak nito, kala nya ba ka-edaran nya ko?

"Wala bang convenience store don? Bat ka pa bumabyahe ng 30 minutes para lang bumili ng beer at snacks." Para akong nanay na nag sesermon sa anak na gumagala kung saan-saan.

Tumawa ito bago sumagot. Labas na labas tuloy yung dimples n'ya.

"Nandito yung paborito kong... tao."

"Ha? Hindi ko narinig sorry, paboritong kong ano?" Humina kase yung boses n'ya sa bandang huli.

"Paborito kong beer," tinaas nya ang hawak na beer. "Walang ganito sa Rockwell."

"Ah," I nodded. Wala bang smirnoff sa Rockwell?

Akala ko talaga nung una hindi marunong mag tagalog 'to si Ross, ingles kase ng ingles. Parang hindi nasa Pilipinas. Kung mag tagalog man, may accent pa pero atleast nag tatagalog sya. Nakaka-nose bleed kaya makipag away sakanya!

Yung marami ka pa gustong i-rebutt sakanya pero ubos na english mo kaya aayaw ka nalang.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status