Share

Chapter 7

JAEL'S POINT OF VIEW

The classroom is hushed as the teacher announces the debate on same-sex marriage. Two groups are assembled. As the leader advocating for same sex marriage, I stand confidently next to Ross, who leads the opposing side.

Buryong-buryo ito habang naka tingin saakin. Parang sa kilos n'ya palang alam ko nang walang substance mga isasagot n'ya saakin. Wala pa namang kwenta kausap etong tao na 'to.

Ewan ko ba sa mga 'to bakit kami pinili ang mag debate, hindi ba nila alam na baka mag sabong lang kami dito sa harap?

"Jael, you may begin."

I step forward, eager to present my perspective.

"Same-sex couples deserve the same rights and recognition as heterosexual couples. Love knows no gender, and denying someone the right to marry the person they love is a violation of their basic human rights." I step backwards. Nag stretch pa si Ross ng kanyang ulo bago pumunta sa harapan. Parang sasabak sa gulo.

"But, Ms. Jael, the bible clearly states that marriage is between a man and a woman. We should adhere to our religious beliefs and traditions."

"I respect religious beliefs, Ross, but our laws are not based solely on any one religious text. In a secular society, we must consider the rights of everyone, regardless of their beliefs. It's about allowing individuals the freedom to make their own choices without imposing one specific set of beliefs on everyone."

"We can't ignore the foundations of our society. The traditional family structure is what has held us together for centuries. A family is meant to be a father, a mother, and children."

Napa-ismid ako. Wala na ba 'tong masabi kaya puro tungkol sa bible nalang pinag sasabi? Di ba nya alam na hiwalay ang batas sa bibliya?

"Actually, Ross, many studies have shown that children raised by same-sex couples fare just as well emotionally, socially, and academically as those raised by heterosexual couples. What matters most is a loving and supportive environment, not the gender of the parents. The Bible also says that you should not wear clothes made of two different fabrics, or eat shellfish, or cut your hair. Do you follow those rules too?"

He smirked. "That's different."

Napa-irap ako. Walang sense! That's different daw pero wala namang masabi kung ano kina-iba.

"See? You just pick and choose what you want to believe from the Bible, and ignore the rest. That's not how it works, Ross. You can't use the Bible as a weapon to oppress and discriminate against people who are different from you."

The debate becomes more intense, our classmates starts to interject making playful comments and teasing remarks.

"Umiinit na!"

"Sa pula, sa puti!"

"Parang si Ross yung demonyo tapos nakikipag away sa isang anghel!"

"You're going down, Ross!"

Ross and I remain focused on presenting our arguments.

"I'm not oppressing or discriminating anyone. I'm just stating the truth. Same-sex marriage is unnatural, immoral, and sinful. It goes against God's design and purpose for human sexuality. It will lead to the destruction of the family, the society, and the soul." Ani nito.

"That's nonsense, Ross. Same-sex marriage is natural, moral, and loving. It is based on the mutual consent and affection of two adults who want to share their lives together. It will strengthen the family, the society, and the spirit."

Nag kakalampagan na ang mga upuan at parang tuwang-tuwa pa silang nag babatuhan kami ng mga argumento ni Ross.

Sa kada sagot ni Ross, sinasabayan nya ng nakaka asar na facial expression kaya mas lalo akong nag iinit na birahin s'ya.

"You have failed to provide any valid or logical arguments against same-sex marriage. You have only relied on your personal beliefs, prejudices, and fears. You have ignored the facts, the evidence, and the reality. You have shown no respect, no empathy, and no compassion for the people who are affected by this issue. You have shown no understanding, no tolerance, and no acceptance for the diversity of human nature." Kumunot ang kanyang noo sa mga sinabi ko. "You claim to speak for God, when you clearly don't know His heart?"

Ross seems unmoved but he still manage to add a more personal touch to his argument.

"I do know His heart, You. And I know that He hates sin, and that He will punish those who practice it."

Napaka religious naman ni Ross.

"No, Ross. You don't know His heart. You only know your own. And your heart is full of hate, not love. Your heart is full of darkness, not light. Your heart is full of fear, not faith." Ross became speechless.

Natahimik ang buong silid at napa hilamos na lamang si Ross ng kanyang mukha. Debate lang 'to diba? Walang personalan. Pero bakit mukhang na personal ko yata sya?

As the debate concludes, Ross leans in with a mischievous grin. The classroom erupts in a mix of laughter and applause, signaling the end of the debate. Natapos din sa wakas.

"Thank you for your powerful and passionate speech. Ross, do you have anything to say?" Ross shake his head. "Well, then. Congratulations, you have done a great job. Good bye, class." Lumabas na ang guro at inayos na rin namin ang aming mga upuan.

"You really worked up about this, huh?" Ross whispered. Natawa ako ng bahagya. Sakto lang naman.

"I'm passionate about equality, Ross." I can't help but to smile at him.

Umupo na sya sa kanyang upuan para na naman siguro matulog. Parang nag bago talaga ang ihip ng hangin simula nung nag kita kami sa convenience store. Parang naging warm s'ya. Hindi maaalis yung kagaspangan ng ugali n'ya pero may mga kaunting improvement sakanya.

Hindi na nga nya ako masyadong inaasar at binibwisit pero kapag talagang nasa mood sya mang bwisit, todo-todo at sagad-sagaran.

Maya-maya lang ay pumasok na ang guro namin sa pre-calculus at nag iwan ng activity namin na kailangan sagutan bago sya lumabas. Checking daw pag balik nya.

Iniscan ko ang papel na binigay saamin. Hyperbola at Ellipse. Wala akong nagawa kundi makamot nalang ang batok ko, wala akong naiintindihan!

Wala rin kaming notebook dahil kinuha saamin para i-check. Malapit na yung first grading exam namin para sa first sem at computation na ng grades kaya wala akong magayahan ng problem.

Nag try ako mag graph, sinusubukan ko alalahanin yung tinuro saamin pero wala talaga, hindi ko alam kung anong unang gagawin. Basta ang alam ko mahirap 'to panigurado.

Nilingon ko si Ross. Ang buong atensyon nya at nasa isang buong papel, himala. Nag solve.

Tumikhim ako at kinalabit sya pero hindi man lang ito lumingon. "Ano kase, may notes ka ba ng precal?" Hiya kong sabi sakanya. Binaba nya ang hawak na ballpen at binigyan ako ng hindi makapaniwalang tingin.

"Sana tinanong mo man lang kung nag susulat ako ng notes diba."

"Tsk, oo nga naman. Ano pa ba ineexpect ko, eh puro tulog ka lang naman." Inirapan ko sya. "Sana ginawang bahay mo nalang 'to 'no."

"Ang dami mong sinasabi," tiningnan nya ang papel ko na tanging pangalan at section palang ang naka-sulat. "Wow, scholar."

Inambahan ko si Ross ng sapak. Minamaliit ba naman ako! Hindi naman porket scholar ako alam ko na lahat!

Tusukin ko mata n'ya ng ballpen, eh.

"Oh, formula." Inabutan nya ako ng papel.

Ha? May formula pala? Bakit hindi ko alam?

a= c to v

b = c to cv

c = c to f

Ano gagawin ko dito?

"Formula 'yan ng Ellipse, sa Hyperbola, ganyan din ang iba lang is b, b equals to congruent axis." He explained. Nag sasalita ito habang nag sasagot.

I sighed. Wala pa rin akong naiintindihan.

"Wala ka pa rin bang naiintindihan?"

Umiling ako. "Sayang naman pag papa-aral sayo."

Ouch? I'm so offended?! Sa Math lang naman ako nahihirapan! Kung makapag salita parang lahat ng subject lagapak ako.

"Here's my notes. Hindi ko alam kung maiintindihan mo sulat ko pero kaya mo na yan, malaki ka na."

Pa balibag nya pang binigay saakin ang isang pirasong yellow paper.

"Walang thank you, ungrateful."

"Edi, thank you! Bulong-bulong ka pa dyan, rinig na rinig naman." Anas ko.

"Edi mabuti."

May mga example sa notes nya na gaya lang din ng iba na nasa activity. Hindi na ako nag tanong kay Ross dahil parang bubuga na ako ng apoy sakanya. Independent woman ako 'no. Ginaya ko lang kung ano yung mga naka lagay sa yellow pad at sinunod yung steps para makuha yung final answer. Maiinis pa sana ako kase hindi ko maintindihan yung sulat nya, parang kinahig na manok.

C(-10,10)

V(-10,20)

CV(-1,10)

C to V = | -10(-)-10 | = 0

C to V = | 10 - 20 | = 10

"Stupid. That's wrong."

Dahan-dahan kong nilingon si Ross. Naka kunot ang kanyang kilay habang pinapanood akong mag sulat. Sinilip ko ang papel nya at nakita kong tapos na sya. Edi sya na magaling!

"Turuan mo na kase ako para matapos na." Pag mamaka-awa ko sakanya. Umiling sya.

"You're smart diba? Kaya nga naka pasok ka rito ng walang binabayaran kaya kaya mo sagutan 'yan by your self."

Tch. Sama ng ugali, porket tapos na s'ya.

"Fine," halos pumalakpak ang tenga ko ng marinig ko ang boses n'yang may bahid ng pag ka-yamot pero atleast tuturuan nya ako.

"To write the standard form of this ellipse, you should graph this first, the center, vertex and co-vertex. A and B lang naman hahanapin mo d'yan basta alam mo yung formula ng distance form. Alam mo naman diba?" He looked at me, waiting for my answer. I nodded. Sa arm seat ko sya nag sosolve kaya sobrang lapit ng mukha nya saakin. Kuhang-kuha ng mga mata ni Ross ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Pag nakuha mo na yung orientation if it is vertical or horizontal, gagamitin mo yung formula 'non. Here, this is vertical. Sa Center and Vertex ka lang mag babase. Dapat mag ka-line ang C and V. Check this."

C (-10,10)

CV (-1, 10)

Cancel same number (10)

B |-1+10| = 9

9²= 81

"Kahit ano dyan sa dalawa kasi may squared naman kaya magiging positive parin sagot. Do you understand?"

Manghang-mangha ako habang naka tingin sa papel na sinulatan nya pati kay Ross. Mas naiintindihan ko pa yung paliwanag nya kaysa sa paliwanag ng guro namin sa precal.

"Salamat, Ross." Walang halong pag ka sarkastiko kong sabi. Ngumiti naman ito saakin. Nag simula na kong mag solve, pangiti-ngiti ako dahil parang nagiging proud ako sa sarili ko.

Tinatanong ko rin si Ross kapag meron akong hindi alam at hindi sigurado sa isasagot ko. Hindi sya nag papakita ng inis at iritableng mukha pati na rin sa boses n'ya.

Tapos na ako sa ellipse at nasa parabola na ako, kakalabitin ko sana si Ross pero nakita kong naka pikit na ito. Kanina ko pa napapansin na gusto nya nang matulog pero hindi nya magawa dahil tanong ako ng tanong sakanya. Hindi na ako nag abalang gisingin s'ya. Nakakahiya naman.

Tatayo na sana ako para mag tanong kay Cypress nang maramdaman kong may humawak sa braso ko. Ilang beses ako napa kurap. Para na namang nasa karera ang puso ko sa bilis ng tibok.

"Sabi ko sayo, gisingin mo ako pag may tanong ka diba? Saan ka na?" Lumambing ang boses nya.

"D-dito na, sa parabola..." Dahan-dahan akong umupo. Umayos din ng upo si Ross.

"Lahat ng naka parenthesis na Vertices at Foci kailangan mo i-orient muna para makuha mo yung c, tapos dalawang yung vertices mo diba? Bibilangin mo yung pagitan ng dalawang yan para maging Center mo. Ganito," pinakita ni Ross saakin yung sagot nya. "Medyo mahirap kase 'to eh, pero sundan mo nalang. Basta orient mo muna para malaman mo yung center tapos sunod-sunod nalang 'yan."

"Ah," kinuha ko sakanya ang papel nya. Hindi ko kinopya pero ginawa kong guide hanggang sa nakuha ko na rin kung paano i-solve. Binalik ko kay Ross ang papel n'ya. Wala akong balak i-take advantage yung pag bibigay nya ng papel saakin. Kailangan ko rin matuto, malapit na exam at ayaw kong makulelat.

Tuwang-tuwa ako nung natapos ko na sagutan. Pina-double check ko kay Ross ang papel ko.

"Tama naman. Kulang lang ng squared dito," binigay nya na saakin ang papel ko at nilagyan ko na rin ng squared yung number na wala raw akong cube.

"Galing mo pala mag turo eh." Asar ko sakanya habang sinusundot ang tagiliran n'ya. Nag pipigil sya ng ngiti gamit ang pag kagat nya ng labi na ikinatawa ko.

"Stop it, Jael." Halos mamula na ang kanyang mukha sa pag pipigil. Bigla akong nahinto sa pag sundot sa tagiliran nya nang bigla nyang hawakan ang kamay ko. Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko.

Agad kong hinablot ang aking kamay sa pag kakahawak nya dahil sa biglaang pag haharumintado ng puso ko.

Naramdaman ko nalang na tumahimik na si Ross kaya nilingon ko sya. He's peacefully sleeping.

"Close na kayo?" Bulong saakin ni Ivy.

"Hindi ah!" Ang defensive masyado ng sagot ko kaya napa halakhak ang babae. Napa lingon tuloy ang lahat sakanya maliban sa natutulog na si Ross.

Tulog mantika pala 'to.

Hindi ko na pinansin ang mga pang-aasar ni Ivy. Hindi naman kase talaga kami close ni Ross. Casual talk lang 'yon, binibigyan agad ng meaning.

Hindi na pumasok ang guro namin sa Pre-Cal at pinapasa nalang ang papel para sya nalang daw ang mag check. Ako na ang nangolekta para ihatid sakanya sa faculty. Break time naman na.

"Nagugutom na ako, parang gusto ko ng chicken alfredo or Pizza." Ani ni Cypress habang hinihimas-himas ang kanyang tiyan.

Lalabas na sana kami ng classroom ng biglang nag salita si Ross.

"Do you mind if we join you?"

Nag katinginan kaming tatlo. He's getting weirder, but in a good way? Medyo approachable sya.

"Sure!" Si Cypress na ang sumagot. Wala na akong nagawa kaya pumayag na rin ako. Sinamahan muna nila akong apat pumunta sa faculty para ipasa yung mga activity namin bago kami pumunta sa building ng humss at abm.

Si Roscoe at Elmore pati na rin si Bishop ay HUMSS ang strand. Si Ross lang ang naiiba. Balita ko nga balak nilang tatlo lumipat ng STEM sa susunod na semester. Kaya lang naman daw sila nag HUMSS ay 'yon ang pinaka maikli ang pila nung enrollment. Saka maganda raw pakinggan kapag Humanista ang tawag.

But i beg to disagree, mas maganda kaya pakinggan kapag STEM student, lakas maka-talino at maka superior.

Pag dating namin sa building ng HUMSS may klase pa ang HUMSS-1, sinilip ko ang tatlong ulupong. Hindi na ako nag tataka, yung pinuno nga nila natutulog lang sa klase, sila pa kaya. May kanya-kanya pa silang pwesto sa likod. Parang walang nag tuturo na guro sa harapan.

Kumaway saamin si Elmore ng makita kami. Ginising nya ang dalawa. Natutulog din pala si Bishop sa klase, akala ko sya yung pinaka lulong at matino sakanila. Bad Influence siguro mga 'to.

Kumaway ako sakanya pabalik at umupo na sa hagdan para antayin sila.

"Sir, time na, sir!" Sigaw ng isa sa estudyanteng nasa loob. Boses palang alam ko na kung sino, Elmore. Napaka tining, eh.

Maya-maya ay lumabas na ang guro na galing sa silid ng HUMSS-1, pailing-iling pa ito habang naka tingin sa relo. Kasunod n'ya ang tatlo at ang ibang mga estudyante.

Bukas ang mga uniporme, may kulay ang buhok, hindi naka proper uniform. Studyante pa ba ang mga 'to?

"Kinikilig naman ako! First time lang tayo puntahan ni Ross dito, dude!" Sigaw ni Elmore habang naka amba ng yakap kay Ross. Si Ross naman natatawa na may halong pandidiri.

"Back off, Kai." Kumalas ng yakap si Elmore kay Ross at kinayawan kami. "Yow, Jael, Ivy..." bumaling ang tingin nya kay Cypress sabay kindat. "Cy."

Umaktong nasusuka si Cypress. Natawa kami. Kunyare pa 'to si Cypress, deep inside naman kilig na kilig na. Crush nya raw kaya si Elmore!

Binati rin kami nila Roscoe at Bishop. Sabay-sabay na kaming pumunta ng cafeteria. Si Roscoe na ang nag order para saamin dahil libre nya raw. Napansin ko na si Roscoe ang pinaka galante sakanilang apat.

"Who's your representative sa upcoming Mr. and Ms. Sportfest for Intramurals?" Tanong ni Bishop.

"Si Cypress at Ross." Sagot ko.

"Huh? Anong ako?" Takhang tanong ni Cypress. "Ikaw sinulat ko tapos si Ross 'no!"

Nabulunan ako sa sarili kong laway. "Ayoko! Hindi ako marunong! Saka," tiningnan ko si Ross. "Ah, basta ayaw ko! Pwede pa naman mag back out diba?" Aligaga ko sakanilang tanong. Hindi ako interesado sa mga pageant saka hindi ako marunong rumampa at wala akong pang costume, baka pag tawanan lang ako don at saka, hello? mukha akong basura!

"Ang OA naman, Jael. Selection palang naman, hindi naman isasabak kayo agad. May chance pa na di ka mapili. Pero feeling ko mapipili ka, sa ganda mong 'yan." Bola saakin ni Cypress. "If ever din naman na mapili ka, may coach na mag tuturo sayo. Wala ka dapat alalahanin."

"Kahit na, ayaw ko pa rin."

"Andyan naman si Ross eh, di ka papabayaan n'yan." Ani naman ni Elmore.

"Sorry for interupting, dear students. Calling for representative of STEM-1 Mendeleeve, Ms. Emrys Jael Travieso and Percival Ross Alaric, please come to Gymasium. ASAP. Thank you."

Nag katinginan kaming lahat. Don't tell me ngayon mangyayari yung selection?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status