JAEL'S POINT OF VIEW
"Ross kasi! Parang tanga naman 'to!"Tinawanan nya lang ako at inulit-ulit na sinipa ang upuan ko. Kanina pa ako pikon na pikon sakanya hindi ba sya marunong makiramdam?"Nangyan, tatanggalan na kita ng paa sinasabi ko sayo." Akala ko madadala ko sya sa pag babanta ko pero mas lalo lang itong tumawa. Halatang sobrang enjoy sa pinag gagawa.Huminga ako ng malalim. Pinipilit kong pinapa kalma ang sarili ko. Yung pasensya kong pang bente katao nauubos lang sakanya.Sinamaan ko ng tingin si Ross. "John! Pwede bang palit tayo upuan?" Tawag ko sa lalaking nasa pinaka likod naka pwesto. Pinag saklop ko ang kamay ko para mag makaawa talaga sakanya. Hindi ko na talaga matiis 'to si Ross. Hindi kaya ng pag titimpi 'to. Baka bigla kong mabasagan ng mukha."Eh, ano kase..." Ngumuso ito sa likuran ko at bumungad saakin ang mukha ni Ross na parang gusto makipag suntukan. I took a deep breath trying to calm my self.Halos mag diwang ako nung tumigil sya sa pang gugulo saakin. Nakita ko sa gilid ng mata ko na natutulog na si Ross. Sana lagi nalang syang tulog. Hindi sya mukhang masarap tupiin sa walo at gawing punching bag dahil sa sobrang amo ng kanyang mukha.Pumasok na rin ang guro namin sa General Mathematics. Nag labas ako ng kwaderno para mag notes. Hindi na rin nag abala pa si Ma'am Jamaica na gisingin si Ross. Bakit kaya? Lagi nalang may special treatment sa mga kagaya ni Ross. Parang sya yung may ari ng school sa sobrang special."Pst, hey," I choose to ignore him.Kinuha ng lalaki ang notebook ko. I clenched my fist in anger."What's the point of taking all these notes?" He asked."Look, Ross. I'm trying to concentrate. Can you please respect that?!" Nagulat ito sa naging pag taas ko ng boses. "Naka english na, baka hindi mo pa rin maintindihan!""Come on, lighten up! It's not like you're going to use this stuff in real life anyway." Walang katuturang depensa nya."Tsk," hinablot ko kay Ross ang notebook ko. "Pukpok ko sa ulo mo 'to pag di ka tumigil."Hindi sya tumigil sa pag bubulong-bulong nya at pag sasalita kaya hindi ako makapag focus. Hindi ko na nasusundan ang bawat formula at wala na rin pumapasok sa utak ko.Halos mag halumpasay na ako sa inis. Hindi ko maintindihan si Ross, gusto lang ba mang inis, mag papansin o wala lang magawa sa buhay kaya ako ang pinag didiskitahan."Yamot much?" Bulong ni Ivy. Tumaas ang gilid ng labi ko. "Bukas ayoko na umupo dito. O di kaya mag shift na ko ng strand para di ko na makita pag mumukha ng taong 'to sa bawat sulok ng classroom.""Tama yan, ganyan, backstabbin mo lang ako. Masyadong mahina, pwede paki-lakasan? Parinig mo kay Ma'am. Pakita mo kung sino ka." Sabat ni Ross habang pinapa ikot-ikot ang ballpen sa daliri."Ross, naranasan mo na ba tanggalan ng kamay? Mukha? O buhay?""No, bu--"Pinutol ko na agad ang sasabihin nya. "Mabuti. Gusto mo paranas ko sayo ngayon?""Woah, woah. Ang aggressive naman," Tinaas nito ang mag kabilang kamay na parang inaaresto.Naawa na siguro saakin si Ivy kaya pinag bigyan nya akong mag palit muna kami ng upuan. Halos umabot sa langit ang ngiti ko. Nag make face ako kay Ross na naka busangot na ang mukha. Sa wakas nakaramdam din ako ng katahimikan kahit sa isang subject lang. Pakiramdam ko parang nasa impyerno ako kapag nasa tabi nya ako tapos si Ross ang demonyo na nag papahirap saakin."Okay class, review what we discussed today because we have a long quiz tomorrow.""What?" Nangibabaw ang nakaka irita at masakit sa tengang reklamo ni Ross na halos pinag bagsakan ng langit at lupa nang marinig na may long quiz bukas. Mga napapala kase ng mga 'di nakikinig, puro tulog at walang ibang ginawa kundi mang inis.Kukunin ko sana ang cellphone ko sa bag kaso hindi ko makapa. Nataranta ako. Halos itaktak ko na ang bag ko pero hindi ko pa rin makita ang cellphone. Tinulungan na ko hanapin nila Ivy at Cypress pati na rin ang iba ko pang mga kaklase."Nandito lang 'yon kanina eh..." My tears are almost falling. "Dito ko lang nilagay kanina 'yon...""Hindi mo ba naiwan sainyo? Or nalaglag sa sinakyan mong jeep, Jael?" Tanong ni Cypress habang iniisa-isa ang mga librong nasa bag ko. Nag babaka sakali na naka ipit lang."Hindi... d-dala ko pa yon pag dating ko rito," sagot ko habang patuloy sa pag hahanap.Hinanap na rin namin sa buong classroom baka na lagay ko lang sa kung saan na mukhang imposible dahil hindi naman ako nag lalagay ng mga gamit sa kung saan-saan. Imposible rin naman siguro na kuhanin iyon ng mga kaklase ko. Luma na 'yon at sira-sira."Mendeleev, baka may nakita kayong cellphone?"They shake their heads, clueless. "How about you, Ross? Nakita mo ba?" Cypress asked.He smirked. "Oh, you mean this one?" He shows the cellphone he's holding which is mine."Akin yan. Give it back.""I thought it was a toy," he laughs. "Look how broken it is.""Hindi yan laruan, antipatiko. Amina nga! Palibhasa kase," Hinablot ko sakanya ang telepono ko."Palibhasa kase, ano? Say it," Pang hahamon ni Ross habang dinuduro-duro ang balikat ko."Palibhasa mayaman ka kaya hindi ka marunong mag pahalaga ng gamit! Tumabi nga, baka 'di ako makapag timpi sayo mabasag ko yang mukha mo."Bahagya ko itong tinulak para maka upo sa upuan ko na hinaharangan nya. Chineck ko ng mabuti ang teleponong hawak. Naka hinga ako ng maluwag. Pinindot ko ang app na gallery at tiningnan ang mga larawan. It's not just a phone. It's my memory of my parents who left us 5 years ago.Birthday gift saakin ito ng mga magulang ko nung nag 12th birthday ako kaya kahit luma na at sira-sira hindi ko pa rin ma-let go dahil parang hawak nito ang mga memoryang iniwan saamin ng mga magulang ko. Kahit na iniwan nila kami, isa to sa mga gamit na pinapa halagahan ko dahil alam kong pinag hirapan din nilang mabilhan ako ng ganitong klase ng cellphone."Guys, wala raw si Sir Molino ngayon pati si si Ma'am Josephina. May biglaang meeting daw." Anunsiyo ng secretary na si Kyline.Lumabas muna ako ng classroom para maka langhap ng hangin. Kahit na sobrang lamig sa loob parang kulang pa rin ako sa hangin. Katabi ko ba naman yung ka isa-isang mapaniwala ng araw eh."Girl, ang intense na ng away nyo ni Ross lately, what happened ba?" Cypress asked. Nag taka ako sa biglaang pag sulpot nito."Ewan ko, nagulat nalang ako bigla nalang nya sinisira araw ko." I sighed. "Hindi naman kami close... feeling close lang sya.""Baka crush ka," Biglang umasim ang mukha ko. Nakaramdam ako ng kilabot sa katawan sa sinabi ni Cypress. "Ew, imposible," humarap ako sa classroom namin at hinanap ang lalaki. Nakita ko itong palabas ng classroom dala-dala ang bag.Tsk. Naka bukas pa yung polo n'ya. "Akala nya kina-cool nya, ang asim nya tingnan.""Hoy! Anong maasim, ang pogi kaya." She defended Ross. "Parang ano... amoy baby powder na masarap amuyin mag damag.""Masarap kamo tanggalan ng mata. Kung alam mo lang kung gaano nakakainis yung mata nya, tingnan mo palang nakaka-sar na, lalo na yung mga ngiti nya! Sa tuwing ngumingisi sya, sarap itabingi yung mata tapos gawin syang barbecue!""Jael naman, grabe naman. Hindi ako si Ross pero while hearing you, i feel sorry for Ross. Kulang nalang pati laman-loob nya laitin mo. Harsh, girl."Tumikhim ako. Parang below the belt nga yung mga pinag sasabi ko tungkol sakanya. Pero kase naman, kung hindi ganon pakiki-tungo nya edi hindi ganon kasama yung impression ko sakanya, diba? It makes sense."Narinig ko si Bishop, kelan nga ba yon..." she look at the sky, trying to remember what day she's talking about. "Ah, nung isang araw. Bumisita kase ako sakanila that day and i overheard them talking about Ross.""Oh, tapos?" Bakas sa boses ko ang kuryusidad."Teka nga, ba't naging interesado ka? Akala ko ba nakakainis sya tapos masarap gawing barbecue?" Asar nitong tanong saakin habang sinusundot ang tagiliran ko."I'm... i'm just curious.""Sus, sige. Eto na nga, tapos 'yon. They are talking about Ross' father..." she stopped for a minute. "And His Mother." Cypress look so tense ng sabihin nya ang tungkol sa Mama ni Ross.Kumunot ang noo ko. What's with his mother?"Hanggang don lang narinig ko eh. They are talking about his mother."My lips parted. Kung kelan invested na ko sa pakikinig at punong-puno na ng kuryusidad ang utak ko."Pero feeling ko, he's going through something." Sinukbit niya ang kanyang kamay sa braso ko para mas mapalapit saakin."STEM 1! Nakikipag away si Ross sa mga lalaki sa GAS 3!" Agad kaming naalarma nang biglang sumigaw ang isa sa mga lalaki sa kabilang building.Hinila ko si Cypress para agad na makababa, sumunod naman ang iba ko pang mga kaklase.Tinahak namin ang daan papunta sa mga estudyanteng nag kukumpulan sa gilid ng building. Nakisiksik kami para makita ang nangyayare. We saw Ross together with his friend. May mga lalaki rin na mga naka sibilyan at naka tshirt na kulay asul, their shirt represent the GAS strand."Gago 'to eh, napaka yabang! Ano, palag! Para kang tuta d'yan!" Sigaw nung lalaking naka mullet haircut. Hindi gumagalaw si Ross. Naka tayo lang ito habang naka naka halukipkip. Sabog na rin ang labi nya pati ang taas ng kilay."Tangina! Hawakan n'yo nga!" Utos ng lalaki doon sa dalawa nyang kasamang lalaki. Akma nila itong lalapitan ngunit hinarangan kaagad sila ni Roscoe. Umamba pa ang dalawang lalaki na sasapakin ito pero agad nang inunahan ni Elmore.Wala man lang umaawat sakanila. Yung ibang mga estudyante ay kumukuha pa ng larawan at video, ang ilan ay natutuwa pa. Tila'y isang normal na kaganapan lang ang nangyayare ngayon."Matapang ka lang Ross pag nandyan mga kaibigan mo!" Nung maramdaman kong susuntukin nito si Ross ay agad na akong gumitna.Tinulak ko si Ross at hinarang ang dalawa kong mga kamay sakanya para protektahan. Tiningnan ko sila Elmore at Roscoe. Inilingan ko sila kaya pinakawalan nila yung dalawang lalaki.Hinarap ko ang lalaki. Napangisi ito at dumura. Putok na rin ang labi nito at dumudugo na ang bibig."Knight in shining armor ka ng gagong 'yan? Tumabi ka d'yan!" Hinila nito ang kwelyo ng uniform ko pero hindi ako nag patinag."I'm their Class President. Responsibilidad ko sila. Umalis na kayo rito or else mag rereport ako sa pinag gagawa n'yo rito." Banta ko pa. Tumawa lang ang tatlong lalaki sa mga sinabi ko na parang biro lang ang sinabi ko sakanila."Ang kapal din naman pala ng mukha mo. Hindi mo ba ako kilala? Daddy ko isa sa mga share holders nito," lumapit ito saakin at hinila ang buhok ko. "Wala kang magagawa kahit mag sumbong ka! Scholar ka lang namin dito. Pwedeng-pwede kitang patalsikin agad dito.""Ang yabang, kung makapag salita ka parang ikaw ang may ari ng school na 'to. Mayaman ka nga pero ugali mo dinaig pa mga nasa squatter." Bulong ko sakanya."Jael!"Napapikit ako at naramdaman ko nalang na may mabigat na kamay ang dumampi sa pisngi ko. Agad akong napa hawak doon, halos matumba ako sa pag kakatayo. Parang humiwalay sa katawan ko ang kaluluwa ko.Mabilis ang pangyayari naramdaman ko na may mga kamay na umalalay saakin. Isa na rito si Cypress at ang kararating lang na si Bishop. Kasabay non ang pag kalas ni Ross sa pag hawak ko sakanya. Nilayo ako ni Cypress sa mga nag kukumpulang estudyante."Ano ba pumasok sa isip mo, Jael! Hindi ka super hero!" Sermon saakin ni Cypress. Hindi ko ito pinansin at binalik ang atensyon kay Ross. Kahit may kalayuan na ang pwesto ko sa mga estudyanteng nag kukumpulan, kita ko pa rin mula rito ang lalaki na naka higa habang naka patong sa ibabaw nya si Ross. Wala itong tigil at walang amor na sapak-sapakin ang lalaki."Tangina mo, Apollo! Hayop ka!" Inaawat na sya ng ibang mga estudyante pati na rin ng mga kaibigan nya. Parang nawawala sa sarili si Ross. Parang may kung anong sumapi sakanya sa sobrang pang gagalaiti. Halos hindi na rin gumagalaw ang nag ngangalang Apollo.May dahas na ring hinila ni Bishop si Ross. "Mag isip ka nga, Ross! Mapatay mo pa yan!" Lalapit pa ulit sana si Ross kay Apollo ng itulak na sya ni Bishop pa layo.Napa upo nalang ito at napa sabunot sa kanyang buhok. Umikot ang kanyang tingin na parang may hinahanap. Ang mata nitong halos umapoy sa galit ay biglang kumalma ng mag salubong ang tingin naming dalawa. Para na naman akong na kuryente sa mga titig na binabati ni Ross. Napalitan ng pag aalala ang mga mata n'ya."Are you okay?" He mouthed. I nodded. Nag thumbs up ako sakanya to indicate if he's okay. Ngumiti ito ng tipid saakin."Jael. Kanina pa ko nag sasalita dito hindi ka naman pala nakikinig." Seryosong sabi ni Cypress kaya napunta sakanya ang tingin ko. Humingi ako ng sorry sakanya. Tumango lang ito.Nag paalam ito sandali para kumuha ng ice. Sinilip ko ang pisngi ko sa salamin ng cellphone ko. Namumula ito at posibleng mag ka pasa sa sobrang sakit ng pag kakasampal saakin ng Apollo na 'yon. Ngayon ko lang naramdaman na pag buhatan ng kamay.Nag si alisan na ang mga estudyanteng nanonood lang kanina. Pati sila Ross at ang mga kaibigan nya ay wala na. Tanging si Apollo at ang mga kaibigan nya pati na rin ang guard ang nandito para alalayan ang lalaki. Naging pala isipan saakin ang nangyare. Hinahayaan lang ng mga opisyal na may mag bugbugan sa loob ng eskwelahan?Inantay ko maka balik si Cypress dala-dala ang ice compress. "Bakit ganon? Hindi man lang inawat sila Ross?" I asked.Nag kibit balikat ito bago ako sagutin. "Walang nag tatangka. Ang mag tatangka kase pwedeng matanggalan ng trabaho." Paliwanag nito."Huh? Nanonormalize dito na mag bugbugan? Kahit mag patayan mga estudyante dito, okay lang? At saka, bakit parang mga barumbado mga 'yon? Porket anak ng share holders pwede na umasta bilang Diyos?"Umiling si Cypress. "30% ng shares dito galing sa pamilya ni Apollo Zhang. Tatlong pamilya nag hahati sa shares ng Azure. Unknown yung dalawa na may share na 50% at 20% kaya kung umasta yung mga Zhang na 'yan lalo na si Apollo parang hari. Sobrang kinokontrol yung eskwelahan.""Ang toxic naman dito. Bakit ang dami pa rin mga estudyante na gusto mag aral dito kung ganito ang sistema?" Kahit ako na scholar hindi ko alam na may ganito pala dito sa loob na nangyayare. Sobrang ganda raw kase ng mga facilities and system ng Azure sabi sa mga article. Sobrang unexpected na may ganito pala."Yung mga journalist kase dito pati na rin mga students, hindi sila inaallow na mag produce ng article and news about what's happening inside. At saka, top 1 ang Azure Southridge College sa buong Pilipinas. Tinitingala ka kapag naka pag tapos ka rito but they don't know na halos daigin pa nito ang impyerno. Kaya di na ako mag tataka kung bakit pati kayong mga scholar hindi alam to.""Bakit dito ka pa rin nag aaral kung alam mo na ganito pala ang sistema rito?" Tanong ko sakanya. Natahimik ito bigla. "It's okay, di mo kailangan sagutin. Tara na pasok na tayo sa room."JAEL'S POINT OF VIEW"Ate Jael!" Napa balikwas ako sa pag kakahiga ng may biglang sumigaw sa tenga ko. Halos pumutok yung eardrums ko sa lakas ng boses ni Rhys. "Gising, Ate! May dalang pagkain si Kuya Levi!" Tinaas nito ang mga supot na sigurado akong laman ay pagkain. Bumangon na ako at tiningnan ang orasan. Mag aalas dose na, tinanghali na ako ng gising. Nag overtime kase ako sa convenience store kagabi. Late na rin ako naka uwi. Buti nalang sabado. "Saan galing 'to?" Tanong ko sakanya. Kinuha ko sa maliit nyang kamay ang mga supot. Nag kibit balikat ito bilang sagot saakin. May pancit, kare-kare, menudo at fried chicken. "Wow! Ang sarap!" Parang nag niningning ang mga mata ni Rhys sa mga ulam nang ihain ko na ito. "Nasaan si Kuya Levi mo, Rhys?" Tanong ko sakanya habang kumukuha ako ng mga plato. Lumapit naman sya saakin para tulungan akong ilagay ang mga kutsara. Napangiti ako dahil inayos nya ito ng pantay-pantay. Napaka OC talaga."Ay, Ate. Gising ka na po pala." Napa li
JAEL'S POINT OF VIEWThe classroom is hushed as the teacher announces the debate on same-sex marriage. Two groups are assembled. As the leader advocating for same sex marriage, I stand confidently next to Ross, who leads the opposing side. Buryong-buryo ito habang naka tingin saakin. Parang sa kilos n'ya palang alam ko nang walang substance mga isasagot n'ya saakin. Wala pa namang kwenta kausap etong tao na 'to. Ewan ko ba sa mga 'to bakit kami pinili ang mag debate, hindi ba nila alam na baka mag sabong lang kami dito sa harap? "Jael, you may begin." I step forward, eager to present my perspective. "Same-sex couples deserve the same rights and recognition as heterosexual couples. Love knows no gender, and denying someone the right to marry the person they love is a violation of their basic human rights." I step backwards. Nag stretch pa si Ross ng kanyang ulo bago pumunta sa harapan. Parang sasabak sa gulo. "But, Ms. Jael, the bible clearly states that marriage is between a man
JAEL'S POINT OF VIEW Tinapos lang namin ang break time at agad din kaming pumunta ni Ross sa gymnasium. Nag bigay lang si Bishop ng excuse letter kina Cypress para sa mga sususnod na subject na hindi namin mapapasukan ngayon.Hindi ako maka paniwala na kailangan ko 'to gawin. Wala naman akong experience sa ganitong bagay, baka nga mag kalat lang ako. Dala-dala ko pa naman ang pangalan ng STEM-1.The school gymnasium buzzes with excitement as students from different grades gather for the representative selection. We are the last ones to arrive, and everyone is staring at us. I feel like crawling into a hole and disappearing."Sorry, we're late." Ross says, as we approach the stage. He doesn't seem to be bothered by the attention. Biglang nag bulungan ang mga estudyante habang naka turo at binibigyan ng kakaibang tingin si Ross. Iniisip siguro na gagawin laro lang 'to. Kahit ako rin kapag nakita sya dito eh. One of the teachers, who is in charge of the contest, greets us with a smile.
JAEL'S POINT OF VIEWPasuray-suray akong naglakad papasok sa classroom namin. Wala pa akong tulog, ginagambala ng isip ko yung mga nakita at nabasa ko kagabi. Para akong zombie na nag lalakad. "Hoy, 'te! Ang aga-aga ang haggard mo na para kang nakipag digmaan sa labas!" Tawang sabi ni Ivy nang makita. Binagsak ko ang bag ko sa upuan at yumuko, gusto kong umidlip! Bwisit. "Jael, nakapag review ka ba sa Gen-Bio?" Napa balikwas ako at agad na hinarap si Ivy. "May quiz ba?!" Tumango ito. Natatatanta naman akong nilabas ko ang handouts namin para mag simula nang mag basa. Second subject namin 'yon! Paano ko nagawang kalimutan?Masyado nang sinakop ng mga Alaric ang utak ko. Nanlumo ako habang nag babasa, kaya ba 'to ng dalawang oras i-review? Gusto kong mag halumpasay sa inis na nararamdaman. Pinilit ko munang alisin sa isip ko yung mga hindi ko naman dapat isipin at kinalma ang sarili. Tahimik lamang ako sa pag babasa at pilit na inaabsorb yung mga naka sulat kahit hindi ko naman naiin
JAEL'S POINT OF VIEWMay kaba sa dibdib ko habang nag lalakad ako papasok ng room. Ngayon na gaganapin ang first exam namin this quarter at sobra ang kaba ko. Nag sunog ako ng kilay kaka-aral at review sa nag daang tatlong araw kaya medyo kumpyansa akong makaka-pasa ako. Pag pasok ko nang room hiwa-hiwalay na ang mga upuan, two seats apart na yata 'to. Kaya siguro hindi na kami pinag dala ng folder pang takip dahil ganito kalayo ang pagitan ng mga upuan. Umupo na ako sa tabi ni Ross. "Nag review ka?" tanong ko. Hindi ito sumagot kaya inulit ko ang tanong pero hindi man lang ako nililingon. Gising na gising naman pero ayaw lang mamansin. Sa mga nag daang araw din hindi ako kinikibo ni Ross, hindi ko alam kung bakit. Sila Cypress at Ivy pinapansin nya ako lang ang hindi. "Edi 'wag." Kung ayaw nya ako pansinin, edi hindi ko rin sya papansinin. Madali lang naman ako kausap. Ano s'ya gold? Hindi ko naman ikakamatay pag hindi n'ya ako pinansin. "Good Morning, class." Pumasok na ang adv
JAEL'S POINT OF VIEWKina-umagahan wala akong tulog na pumasok sa school. Biglang taas ang lagnat ni Rhys at panay suka ito kaya buong gabi ko syang inasikaso. Hindi ako nakapag review para sa mga subject na kailangan i-take ngayon. Dapat hindi na ako sana papasok dahil hanggang ngayon mataas pa rin ang lagnat ni Rhys. Hindi ko sila maiwan ni Levi pero nag insist ang asawa ni Mang Goyo para alagaan muna si Rhys habang wala ako. The air in the classroom grew tense as our teacher walked in, clutching the test papers tightly in her hands. "Good morning, class. This is the last day of our exams, and I hope you are all prepared. This will be harder than yesterday so don't expect any easy questions. You have one hour and 30 minutes to complete the exam," Ma'am Keith walks around the room and hands out the test paper. "No cheating, no talking and no looking at your seatmate. If I catch anyone doing any of these, you will get a zero. Understood?" "Yes, Ma'am Keith." Anxiety crawled over m
JAEL'S POINT OF VIEWI had just received an announcement that I had to go to gymnasium for my practice as a representative for Grade 11. I was nervous because this would be the first time I would meet my partner. Kung hindi ako nag kakamali, ABM ang strand n'ya. Katulad ng sinabi saakin ni Cypress nung nakaraan, may coach daw kaming mag tuturo saamin para manalo sa competition. Actually, lahat naman ng grade level may coach. Sana lang she would be nice. The exam was over and the school was buzzing with excitement for the upcoming intramurals. Lahat ng teachers and students busy, they are busy preparing for the various events. Bago ako lumabas kanina ng room, nag assign na ako sa mga kaklase ko ng mga task para tumulong sa preparations. Three days preparation lang kase ang binigay saaming palugit at after 'non, intrams na. Babalik din ako para tumulong kung sakaling maaga kaming matapos sa practice. I couldn't help but feel a sense of responsibility for ensurimg everything ran smooth
JAEL'S POINT OF VIEW"Ano kamusta? Masarap 'no?" "Hindi lang masarap, sobrang sarap!" ninanamnam ko bawat subo ko ng pork curry. "Sabi sayo eh... sa lahat ng luto ni Mommy, pork curry pinaka favorite ko. Ang sarap kasi ng mga ulam na may gata," aniya. I agreed. "Oh," umamba ako na makipag apir sakanya. "Favorite ko rin yung mga ulam na may gata.""Ayos, edi mag kakasundo pala tayo sa mga ulam. Eto oh... sayo na 'to," binigay nya saakin yung mga natitirang sabaw para ilagay sa kanin ko. "Thank you." "Lagi ka bang pinapa baunan ng Mommy mo?" tanong ko, tumango naman si Elkayne. "Yup, si mama lagi nag p-prepare ng baon ko, ayaw ko kase ng mga pagkain sa cafeteria, mahal na nga, hindi pa masarap..." Natawa kaming parehas dahil lahat ng mga sinabi nya, totoo. Yung mga pagkain sa cafeteria, sobrang mahal pero yung lasa, kung hindi matabang, hindi naman masarap. "Hindi siguro niluluto yung mga pagkain don with love," tinaas nya ang baunan nito. "Eto, punong-puno 'to ng pagmamahal ni Momm
JAEL'S POINT OF VIEWHanggang makarating kami nang sasakyan hindi pa rin tumitigil si Ross kakasabi saakin na ang ganda ko, hindi ko na mabilang sa sampung daliri ko sa kamay pati sa paa dahil maya't maya nya iyon sinasabi. "Baka dumating yung araw na mag sawa ka na sabihin saakin 'yan." I said out of nowhere. Agad iyong kinontra ni Ross. "No. Never. Never in my life, baby. I will never get tired of telling you how beautiful you are," he said firmly. Ngumuso ako. "Eh, paano kapag naka hanap ka pa ng iba?" Tanong ko. Parang nanikip yung dibdib ko nang masabi ko iyon. "Mas maganda? Mas sexy? Mas better?"The car came to a stop at a red light. Ross turned to look at me. The way he looked at me made it seem like I had just asked the dumbest question ever, with a hint of hurt in his eyes. "I'm hurt that you said that, baby. But, d*mn. From the start, it's always been you. How could I look at anyone else? No one is more beautiful or better than you. No one," he said, his voice husky."I d
JAEL'S POINT OF VIEWI remember the first time I saw Tita Elayne. At first, I thought I was just imagining things when I said she looked familiar, but it turned out she really did resemble Ross. Ross inherited their mixed heritage from Artemio, with fair skin and a somewhat American look, while Rio took after Tita Elayne with her freckles and rosy cheeks. Elkayne, on the other hand, looked more like Maximus Jueravino but had Tita Elayne's round eyes and nose. This is where Elkayne and Rio's appearances intersect. I rolled over on the bed. Three days had passed, but this mystery still bothered me. Para na tuloy akong si detective conan. The more I researched, the more confused I became. If Rio, Ross, and Elkayne were siblings, then Ephraim must be their brother too? I found out that Ephraim is turning 23 this month, Ross is 19, Elkayne is 17, and Rio is only 5 years old. The age gap between Elkayne and Rio is very big."Hmm?" I snapped back to reality when I heard Ross's voice. He wa
JAEL'S POINT OF VIEWIsang buwan na ang naka lipas simula nung pag amin saamin ni Ross. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilan kiligin sa tuwing bumabalik sa isip ko ang bagay na 'yon, para bang kahapon lang nangyari ang lahat.Sobrang laki na rin nang improvement ni Ross. He's getting better day by day. Pati nang career nang banda nila sa industriya nang musika dahil pag labas palang nila nang mga album nila dati, agad itong nag trending. Nanatili pa rin ang tensyon kina Ross at Rio pero kahit papaano naman kinakausap na rin s'ya nang kanyang kapatid kahit puro tango at iling lang ang sinasagot. Isang buwan na rin kaming nandito sa condo ni Ross, ilang beses ko na s'yang kinausap na kung pwede ay bumalik na kami sa San Lorenzo dahil nahihiya na ako sakanya. Nakikitara kami sa kanya nang libre. Though, wala naman daw iyon problema sakanya. Hindi pa rin daw kasi safe bumalik saamin dahil hindi pa nahahanap si Apollo at kahit anong oras pwede ako balikan.We've also returned to sch
Para akong binubuhusan nang napaka lamig na tubig habang naka tingin kay Ross na patuloy pa rin sa pag iyak. Naka luhod na ito habang hawak ang mga kamay ko. As if he was begging for his life. "Am... I so hard to love?" he murmured. I shook my head immediately. "No! Hindi ka mahirap mahalin..."And it was true. Hindi mahirap mahalin si Ross. He was the kindest person I'd ever meet. Oo, minsan masungit s'ya pero hinding hindi sya mahirap mahalin. Kaya nga mahal ko s'ya...Ngumiti nang malapad si Ross habang naka tingala saakin. "Ever since we were kids, all I ever wanted was to protect you..." hinawi nito ang buhok ko. "I love you so much, Jael. I want you to know that this man loves you deeply." " He looked very pale and scared, and a little...hopeful.I sniffled. "I love you too, Ross..." I whispered back. "Mahal din kita."Bakas ang pag ka gulat nito dahil sa kanyang ekspresyon. Nag hahalo ang gulat at takot pero nag uumapaw ang bakas nang saya. I cupped both of his cheeks. "...
JAEL'S POINT OF VIEWKamot ulo akong nag pa alalay kay Ross pabalik nang silid tulugan ko habang sya naman ay nag pipigil nang mga ngiti. "Wag mo kasi ako ginugulat!" reklamo ko. Tuluyan nang lumabas ang mga ngiti na kanina nya pa tinatago. "I'm sorry, you're spacing out po kasi." aniya. Pabiro ko syang sinamaan nang tingin pero lalo lang syang tumawa. Kanina pa 'to masaya eh."Have you ever had a girlfriend?" I blurted out unexpectedly. Nahinto kami saglit sa pag akyat ng hagdan. Ross looked at me with a grin. "No...""Weh? Eh bakit sabi ni Apollo ikaw din daw dahilan kung bakit nag hiwalay sila ng girlfriend nya?" Bakas sa tono ko ang pag ka tampo. Hindi ko mapigilan!Ross chuckled. "If you only knew, Jael...""Huh?" I didn't catch that. He shook his head, and we continued going upstairs. He seemed to notice I was waiting for his answer, so he playfully messed up my hair. "So, you think Apollo's ex and I had a thing?"I hesitated for a moment. Sinabi ko ba yon? "So, hindi?" Ross
JAEL'S POINT OF VIEWDahil sa nangyari kahapon pinakansela ang exam at pasok ngayong linggo para imbestigahan ang nangyari. Talamak na raw ang ganoong pangyayari pero hindi nakaka labas sa publiko dahil pinapanatiling tikom ng eskwelahan na iyon ang bawat estudyante na naka ranas at naka kita nang pangyayari. Pero hindi na ngayon.Pinag hahanap na si Apollo dahil nag tatago na raw ito. Napag alaman din namin na isang linggo na rin na nag mamatyag iyon saamin dahil nakita sa cctv ng school. Ilang beses na rin n'ya ako muntik pag tangkaan lalo na't nung unang beses beses akong lumabas ng classroom para mag hatid ng activity namin sa faculty, may hawak s'yang hand knife nung araw na 'yon. Mabuti na lamang ay naka salubong ko si Elmore 'non at sinamahan ako papuntang faculty at pabalik ng classroom.Sa dumaang linggo kasi lagi nang naka buntod saakin silang dalawa ni Bishop maliban kahapon kaya 'yon siguro ang kinuha nyang pag kakataon para atakihin ako dahil wala sila Elmore at Bishop.
JAEL'S POINT OF VIEWAyan na, exam day na. Nanlalamig na naman ako at para na namang pag papawisan ako kahit ang lamig lamig na rito sa room. Nakapag review naman ako, hindi ko lang maiwasan na kabahan. "Patay na talaga ako nito, 'di na naman ako naka review," lugmok na sabi ni Ivy. Her eyes were sunken and you could clearly see her eye bags. Sigurado akong nag binge watch na naman 'to ng k-drama nung weekend imbes na mag review. Si Cypress at Clarence naman nag rereview together, ano 'yan? Ganyan ba requirement para maka-pasa? May study buddy? Wews! Ang sakit sa mata. Yung iba kong kaklase may sarili na namang mundo, may nag m-make up lang tapos natutulog. Iba talaga pag natural nang matalino, hindi na kailangan mag last minute review. Naramdaman ko na may naka tingin sakin kaya agad kong hinanap. Namatahan kong naka titig saakin si Quintanna, she had a mischievous smile on her lips as if she was teasing me. Ang creepy ah! Ano kayang trip ng babaeng 'to?Nitong mga nakaraang araw k
JAEL'S POINT OF VIEW"J-jael... can you cook sopas for me?" Iyon ang una kong narinig pag dilat ng mga mata ko kaninang umaga. Nang marinig ko iyon agad akong bumangon para mag toothbrush at mag hilamos. Sinong mag aakala na mag rerequest ng pagkain si Rio saakin?Kaya kahit sobrang aga pa agad akong bumangon para mag luto. Heto ako ngayon, nag hihiwa ng mga sangkap para sa sopas habang pinapanood ni Rio. Na c-concious tuloy ako dahil titig na titig s'ya sa mga pinag gagawa ko.Nandito naman si Manang Beth para mag luto ng sopas pero ayaw nya raw dahil iba ang lasa ng luto ko. Mas masarap para sakanya. Simula kasi nung nag luto ako ng sopas nung nakaraang araw hindi na sya tumigil kakakain 'non. Almusal, merienda, at hapunan, sopas ang nilalantakan. Si Rio lang ata ang kumakain 'non o di kaya sila Elmore pag nandito sila dahil hindi naman paborito nila Levi at Rhys ang sopas. "I can also cook champorado, you know what champorado is?" I ask him. Umiling si Rio. "No. It sounds bad."
JAEL'S POINT OF VIEWNaalimpungatan ako sa mahimbing kong pag kakatulog nang may maramdaman akong mabigat na naka dagan sa bandang tiyan. Kumunot ang noo ko at una kong tiningnan ang oras. Alas tres na ng madaling araw hanggang sa dumapo iyon sa banda kong tiyan. Nagulantang pa ako nang makita kong may kamay na naka pulupot sa bewang ko at naka hawak sa mga kamay ko. Napa-upo ako sa gulat at kahit papikit-pikit pa ang mata ko kitang kita ng dalawang mga mata ko kung sino ang taong 'yon.Gumalaw din s'ya at tiningnan ako. Napuno nang pag aalaa ang mukha ko nang makita ko ang kabuohan ng kanyang mukha. Sobrang daming galos ng mukha n'ya tapos may band aid pa sa kanang pisngi. Bumaba ang tingin ko sa kamay nyang naka hawak saakin. May naka pulupot doon na bandage."Did... I wake you up?" Marahan n'yang sabi habang naka tingin saakin. Yung boses n'ya pang bagong gising. Nangingilid ang mga luha ko habang naka tingin sakanya. Dahan dahan syang tumayo at upo sa kama na agad ko namang sinun