Share

Chapter 2

JAEL'S POINT OF VIEW

Tapos na ang klase namin para sa araw na 'to. Nag paalam na ako kina Ivy at Cypress para mauna nang umuwi. Tiningnan ko ang orasan, malapit na mag alas kwatro, may trabaho pa ako sa convenient store malapit saamin ng ala sais ng gabi.

Nag uumpisa ng alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon ang pasok namin, buti na lang maaga kaming na dismissed ngayon kaya maaga akong makakauwi. May oras pa ako para gawin yung mga assignments ko bago pumasok. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay namin dito maliban na nga lang kung may traffic inaabot ako ng halos isang oras sa byahe.

"Sigurado ka ba na ayaw mong sumabay saakin, Jael? Para maka tipid ka sa pamasahe." Tanong nito nung dumating na yung sundo nya.

Umiling ako. "Okay lang, hindi na, kaya ko naman na. Salamat, Cy. Ingat ka pauwi."

Ibang gawi kase ang daan nila, hassle pag mag papahatid pa ako. Sayang sa gas.

Inantay ko muna dumating yung sundo nya bago ako tuluyang umalis at lumihis ng daan. Kinuha ko ang earphones ko para makinig ng tugtog habang nag lalakad.

Napa hikab ako ng makaramdam ako ng antok. Sa umaga studyante ako pag dating naman sa gabi ay janitress. Pag uwi ko ay inaasikaso ko muna ang mga kapatid ko saka ako papasok sa trabaho.

Hanggang ala una ng madaling araw ang shift ko, pag uwi ko naman ng bahay hindi pa ako nakaka tulog dahil ginagawa ko pa yung mga assignments ko at yung isa ko pang sideline. Tumatanggap ako ng assignments ng mga kaklase ko kapalit non ay binabayaran nila ko kaya madalas wala talaga akong tulog at puyatan talaga sa pag gawa.

Ang presyo naka depende sa kung anong pinapagawa saakin, minsan ay nakaka-kuha pa ko ng tip mula sakanila kaya kahit tulog at kalusugan ko ang na peperwisyo.

Napa tigil ako sa pag lalakad ng may makita akong pamilyar na tao hindi kalayuan saakin. Tatlong kalalakihan at ang isa doon ay siguradong kilala ko. Ross.

Nag tatawanan ang mga kasama nya habang sya ay naka tulala sa kawalan. Nagulat ako nang bigla itong nag nag labas ng sigarilyo at sumamyo mula rito.

Naninigarilyo pala sya.

Kinakausap sya nung isang morenong lalaki pero hindi man lang ito nag bibigay ng atensyon naka tingin lamang si Ross sa hawak na sigarilyo.

"Ross! Tara na, nag aabang na sila!"

Nakuha ang atensyon nila Ross ang pag sigaw ng lalaking nasa likod ko, nag kasalubong ang tingin namin ni Ross. Kumunot ang noo niya.

"What are you doing here?" Basa ko sa pag galaw ng labi ng lalaki.

Sasagot sana ako ng biglang lumapit yung lalaking sumigaw sakanila. Matangkad ito kaya natakpan ang naka-upong si Ross. Tinanggal ko ang earphones sa tenga ko, nag babaka sakaling marinig ko kung ano ang pinag uusapan nila.

Yumukom ang kanyang kamao habang nag sasalita ang lalaking kadarating lamang. Hindi ko rinig mula sa kinakatayuan ko ang pinag uusapan nila pero base sa galit na ekspresyon ni Ross at ng mga kasama nya mukhang masamang balita ang sinabi ng lalaki.

Hindi rin nag tagal ang pag uusap nila dahil agad din silang umalis. Nilingon pa ako ni Ross bago sya sumunod sa tatlong lalaking kasama nito kanina.

May nabuo tuloy na kuryosidad sa isip ko kung ano ang pinag uusapan nila na naging dahilan ng pag guhit ng galit sa mukha ni Ross.

Bumalik ako sa wisyo nang may bumangga sa braso ko. Tiningnan ko ang kanina ay pwesto nila Ross, wala na sila at hindi ko na rin matanaw ang apat na lalaki. Nag kibit balikat ako saka nag patuloy na sa pag lalakad. Nag mamadali na ako maka sakay ng jeep dahil malapit na mag rush hour.

"Isang San Lorenzo po, estudyante." Ani ko nang makita kong nakarating na ang bayad kong bente pesos sa driver.

Sa sobrang daming nag abot ng bayad hindi na siguro natandaan ni kuya na may sukli pa ako.

"Manong, yung sukli po ng bente pesos galing Southridge," paalala ko kay Manong. Malapit na kase ang bababaan ko pero wala pa rin yung sukli ng ibinayad ko.

Kinse ang pamasahe mula Southridge hanggang San Lorenzo kaya may limang piso pa akong sukli at hindi ko pwedeng mapalampas iyon kahit ni singkong duling. Pang bili rin kaya iyon ng KFC.

Kantong Fried Chicken.

Pag baba ko ng jeep ay nag lakad pa ako, may kalayuan pa ang babaan ng jeep sa bahay namin. Pwede naman mag tricycle kaso mas gugustuhin ko pang mag lakad para maka tipid. Exercise na rin 'to para saakin.

Ineenjoy ko lang ang pag baba ng araw sa kalangitan sa pag lalakad ko. Isa rin ito sa dahilan kung bakit mas pinipili kong mag lakad nalang, nakikita ko yung makulay na kalangitan. Pumasok na kase ang buwan ng ka paskuhan at tag-lamig kaya nadadama ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa balat ko.

Huminto ako sandali at kinuhanan ng larawan ang langit.

Katatapos lang ng ulan kanina kaya medyo basa ang kalsada pero hindi problema iyon sa mga taong nag hahanap-buhay. Maraming mga street vendors ang nasa bungad ng San Lorenzo kaya bumili na rin ako ng mauulam na pwedeng maluto pag dating ko sa bahay.

Bumili ako ng limang pirasong talong para itorta saka itlog para sa agahan namin bukas at limang kilo rin ng bigas.

"Magandang gabi, Jael, kanina ka pa nag aantay sayo ang kapatid mo." Ani ng matandang lalaki nang maka salubong ko.

"Ay, magandang gabi rin po. Sige po, salamat po."

Dito sa pinaka dulo ng San Lorenzo ako naka-tira, halos lahat ng naka tira dito ay mga nawalan ng bahay. Squatter ang tawag dito sa lugar namin.

Anim na taong gulang palang ako dito na kami naka tira kaya mag kakakilala na rin kami ng mga taong taga rito. Simula nang iwan kami ng mga magulang namin ng walang pasabi, sila ang tumayo saamin bilang ka-anak. Kahit masakip at magulo dito ang turingan naman ng bawat isa ay pamilya.

"Ate Jael!"

Agad na yumakap saakin ang bunso kong kapatid.

"Miss na po kita, Ate!"

Niyakap ko ng mahigpit ang bunso kong kapatid.

Nang kumalas ito sa pag kakayakap, saka ko hinalikan ang matataba nitong pisnge. Napaka cute.

"Miss ka na rin ni Ate, Rhys. Nasaan po si Kuya Jasper mo?" Tanong ko sakanya nang hindi ko makita yung kuya nya.

Nag kibit-balikat ito bago ituro ang cr namin na kurtina lang ang nag sisilbing pinto.

"Dyan po Ate, nag tatae si Kuya," humagikgik ito bago tumakbo.

"Bulaga!" Gulat ni Rhys sa kapatid nang bigla itong pasukin ang palikuran. Napa kamot nalang ng ulo ang Kuya niya pero sinabayan pa rin sa pag tawa ang bunsong kapatid sa kalokohan na ginawa.

Natawa ako sa nakikita ko. Kahit anong pagod ko talaga basta naka-uwi ako at nakita ko ang mga kapatid ko na may ngiti sa mga labi at masayang nag tatawanan na papawi lahat ng pagod ko. Sila ang nag sisilbing lakas ko sa nakaka-pagod na mundo.

Limang taon na ang naka lipas noong iwan kami ng mga magulang namin. Dose palang ako noon habang pitong taong gulang pa lamang ang kapatid kong sumunod saakin, si Jasper Levi habang isang taong gulang pa lamang si August Rhys sa mga panahon na 'yon.

Noon sobrang hirap dahil wala naman akong ka alam-alam sa pag aalaga ng bata at sanggol sa murang edad ngunit wala akong choice kase iniwanan ako ng responsibilidad ng mga magulang ko na hindi ko na matatakasan.

Hanggang ngayon, mahirap pa rin pero na tatawid na kahit papaano. Akala ko dati magiging mabuting anak at kapatid saka pag-aaral lang ang kailangan ko gawin pero hindi ko naman alam na kailangan ko rin palang maging ama't ina sa mga kapatid ko dahil tinakasan kami ng mga iresponsable naming mga magulang.

Dose palang ako noon pero nag tatrabaho na ako, kung ano-ano ang pinasok kong trabaho para lang kumita ng pera at maka bili ng gatas at laman tiyan naming mag kakapatid. Pinag sasabay ko ang pag aaral, pag tatrabaho at pag aalaga sa mga kapatid ko. Minsan pa nga'y hindi sumasapat ang perang kinikita ko sa pag tatrabaho para may pang gastos kami sa bahay kaya madalas wala kaming kinakain.

May mga pag kakataon na gusto ko na rin silang takasan kase sobrang bigat at hindi ko na kinakaya pero hindi ko magawa dahil sobra ko silang mahal at hindi ko sila kayang pabayaan. Galit na galit ako sa mga magulang namin dahil hindi naman siguro namin deserve para iwan nalang at tumakas sa responsibilidad nila saamin.

But now as I see my two siblings teasing each other, I feel relieved because even though we don't have parents, I know that many people love us, especially my siblings. All my sacrifices were not wasted. I am so blessed because they became my siblings.

"Ate, ako na po mag luluto ng ulam. Pahinga ka po muna, pagod ka po eh."

Kinuha ni Jasper ang mga plastic na bitbit ko at saka sinimulan na ang pag sasaing. Hindi ko maiwasan maluha sa tuwing nakikita ko ang mga kapatid ko.

Nag bihis muna ako ng pambahay at saka sinimulan na gawin yung mga asignaturang binigay saamin. Mabuti nga'y hindi kami tinambakan ng gawain ngayong araw.

Marami pa naman akong oras kaya nang matapos ko agad ang asignatura ko, nakipag kulitan na ko kina Rhys, tinulungan ko na rin si Jasper para mapabilis at makakain na kami kaagad.

"Ate, naka perfect ako sa dalawang quiz namin kanina," pinakita saakin ni Jasper ang papel nya sa Math at Science. 15/15 at 10/10.

Ginulo ko ang buhok ni Jasper. "Very good naman ang baby ni Ate. Anong gusto mong reward? Gusto mo Ice Cream?"

Umiling ito. "Wala po Ate, tabi nalang po natin 'yan baka po magamit natin sa mas importanteng bagay po."

Niyakap ko silang dalawa ni Rhys. "I love you, Ate ko. Thank you po." Sabay pa nilang sabi.

"I love you both." Hinalikan ko ang noo nilang dalawa, "thank you, para saan po?"

"Para po sa lahat, Ate. Mahal ka namin sobra ni Rhys."

Mas humigpit ang yakap ko sakanila dahil sa narinig. "Para sainyong dalawa, gagawin ni Ate ang lahat, okay?"

Matapos ang naging eksena ay kumain na rin kami.

Saaming mag kakapatid si Jasper talaga ang pinaka vocal sa nararamdaman habang si Rhys naman ang pinaka malambing.

Inaya na ni Jasper si Rhys para maligo at makapag pahinga na dahil may pasok pa sila ng maaga bukas habang ako naman ay nag hugas ng pinag kainan namin at saka nag linis na rin ng mga kalat.

Pag tapos ko sa gawaing bahay, naligo na rin ako at inayos ang mga kailangan ko dalhin sa trabaho. Wala naman ako masyang dalahin kundi panyo at kape, nag babaon din ako ng tig otso na biscuit kung sakaling gutumin ako. Ang mahal kase ng bilihin sa convenient store kaya para makatipid nag babaon nalang ako.

Bago ako umalis sinilip ko muna ang dalawa kong kapatid na naka higa na habang nanonood ng cartoons sa cellphone ni Jasper. Kahit medyo pricey pinag ipunan ko talagang mabilhan sila ng kahit mumurahin lang na cellphone basta may pang libangan sila at may magamit para ma contact ako kung sakaling may emergency.

"Rhys, Jasper, dito lang kayo ah. 'Wag na kayong lalabas, papasok na sa work si Ate. Pag tapos nyan matulog na kayo, maaga pa ang pasok n'yo bukas. Ingat kayo." Paalala ko. Tumango sila at humalik sa pisngi ko bago ako umalis.

"Manang Celia, paki tingnan-tingnan po yung dalawa. Papasok na po kase ako sa trabaho." Suyo ko sa katabi naming tindahan na bente kwatro bukas kaya kampante ako na kahit papaano may titingin sakanila habang wala ako.

"Oo naman, Jael. Ako na bahala sa mga kapatid mo, gumayak ka na sa trabaho baka ika'y ma-late pa."

"Salamat po, Manang Celia."

Marami akong naka salubong at nadaanan na bumabati saakin. Kahit yung mga nag susugal at umiinom ay binabati ako sa tuwing nag tatagpo kami.

Dito saamin, bilang nalang ang mga kabataan na nag-aaral. Karamihan kase ay nag hahanap buhay na lamang dahil sa hirap ng buhay habang ang iba naman ay hindi na nakapag aral at huminto na kaya sobrang suportado ang mga naka tira dito sa bawat estudyanteng nag aaral pa.

Naalala ko tuloy nung nakaraang taon, graduation ko sa highschool tapos maraming kailangan bayaran, akala ko hindi na ako makakapag martsa dahil wala akong pera pambayad kahit man lang sa pictorial at toga. Nagulat nalang ako isang araw na may kumakatok sa pinto namin at pinapa gayak ako na pumunta ng school para humabol sa graduation picture. Inabutan nila ako ng pera, nag ambagan daw sila para kumpletuhin ang bayarin ko dahil minsan lang daw sa buhay ang makapag martsa ng may medalya.

Sobrang laki ng utang na loob ko sa mga tao rito dahil sila yung handang tumulong saamin kapag kailangan namin ng tulong mag kakapatid.

Nabalik ako sa kawalan ng maka rating na ko sa convenient store, sakop pa rin ito ng San Lorenzo dahil isang kalsada lang ang pagitan.

"Good Evening, Ate Cath." Bati ko sa Cashier ng Convenient Store.

"Good Evening din, Jael. Kumain ka na?"

"Katatapos lang 'te."

Pumasok na ako sa staff room para mag bihis ng uniporme. Binati ko ang ilan sa kasamahan ko dito sa trabaho. Halos anim na buwan na rin akong nag tatrabaho rito at okay naman ang sahod.

Akala ko nga'y hindi ako matatanggap sa trabaho na ‘to dahil minor pa ako at baka raw hindi kayanin ng katawan ko pero nag insist ako na kakayanin ko. Nung una nag dadalawa isip pa ang may-ari ng convenient store pero nang masiguro ko na magiging ayos lang ako, hinayaan nya na rin ako mag trabaho. Basta pag hindi ko raw kayanin pwedeng pwede ako umalis.

Nag simula na ko mag mop at ayusin yung mga produktong naka display para maayos tingnan. Nang matapos ko lahat ng kailangan gawin at wala pa namang mga customer ay nag pahinga muna ako, umupo ako sa bench at nilabas ang libro ko para mag review. May quiz kase kami bukas sa Biology.

"Jael, buksan ko speaker, ayos lang ba?" Tanong saakin ni Ate Cath. Tumango ako. Mas gusto ko namang mag review kapag may pinapakinggan akong music.

Ilang oras na ang naka lipas ay naka tapos na rin ako sa pag rereview. Tiningnan ko ang orasan, 11:55 na ng gabi. Ilang oras nalang matatapos na ang shift ko. Ramdam ko na rin ang pag bigat ng talukap ko sa antok.

I heard the door chime and looked up. I someone walking in. He was wearing a jacket and a cap. He looked around and headed to the fridge section.

Gulat ang bumalot sa mukha ko nang makilala ko ang lalaking kakapasok lang.

I watched him as he grabbed a 3 bottles of beer and walked to the counter. He put the beer on the counter area and reached for his wallet. Mukhang hindi nya pa ko napapansin.

Pero ano bang ineexpect ko, makilala nya ko? As if naman. Tumayo ako at pumunta sa counter. Nag banyo kase si Ate Cath kaya walang tumatao sa cashier.

I cleared my throat. "Bawal mag purchase ng beer pag minor," ani ko. Kita ko ang pag kunot ng kanyang noo.

"You look familiar, ma'am. Do i know you?"

"Kotang-kota na ko sa ingles mo. Hindi ka ba nag tatagalog?" napa-awang ang kanyang labi at bahagyang natawa.

"Ah! You're the girl kanina, but to answer you, I'm not a minor," Binuksan nito ang kanyang pitaka at may nilabas na id. "Here's my driver's license."

He handed me his driver’s license. I took it and examined it. It looked real. It had his name, his photo, his date of birth, and his signature. It said he was born on November 19, 2005. I did the math in my head. He was 18.

I scanned the beer.

"I didn't recognize you. You look different." He said.

"Different ka d'yan, paanong different?" Tanong ko habang nilalagay sa plastic ang mga bote ng beer.

"456, sir."

"I don’t know. You just do. Maybe it’s the uniform. Or the lighting. Or the fact that you’re working at a convenience store at midnight."

"Shempre, kelangan ko ng pera."

Inabot nya saakin ang isang libo at saka ko binigay ang plastic sakanya na may lamang tatlong bote ng smirnoff kasama ang driver's license nito at resibo.

"Keep the change," sinilip nito ang name pin ko sa uniporme. "Jael. Have a good night. See you tomorrow."

He winked at me before he left. Napahawak ako sa dibdib ko nang bigla itong nag harumintado dahil lang sa pag kindat ni Ross.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status