Share

CHAPTER 5: SECRET

Matapos manggaling sa unit ni Zandra ay bumalik na rin ako sa bahay. Sakto na naroroon na rin si dad kaya hindi na ako nagdalawang isip na kausapin siya.

Nagbihis muna ako, matapos mag-shower bago tumungo sa private office kung saan siya naroroon at abala sa pag t-trabaho. Hanggang dito'y trabaho pa rin talaga siya. Kahit si mommy kapag andito ay walang inatupag kundi ang pag t-trabaho.

"Dad," Kinuha ko ang attention niya bago ako tuluyang pumasok. Kaagad namang bumaling sa akin ang tingin niya.

"Mild, bakit hindi ka pa natutulog?"

"We need to talk, dad." Napaayos ito ng upo at hinintay akong makaabot sa harapan niya.

"What is it?" he asked, curiously.

"I... I don't want to marry Leon, dad." nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko.

"We already talked about this Mild. Nakausap na rin natin ang dad ni Leon. Nagkasundo na tayo hindi ba? Susuwayin mo nanaman ba ako?" Umilingiling naman ako at marahang ipinatong ang isang brown envelop at dalawang pregnancy test na nakalagay sa platic. That was all fake, pero magiging totoo rin naman soon.

"No dad, I am not. H-hindi lang talaga si Leon ang gusto ko. M-May gusto akong iba d-dad... Kilala mo siya." His eyes were still fixed on the things I showed him.

"W-What's the meaning of this Mild?!" Lumakas at medyo tumaas na ang tono ng boses niya. And I am starting to tremble. Minsan lang magalit si dad sa akin. 'Yong seryoso. Sanay ako na binabalewala ang sermon niya pero iba na kapag galit na talaga siya.

"D-Dad... I'm pregnant." everything fell in silence. Hindi ko na alam kung ano na ang sunod niyang gagawin o sasabihin.

"Who's the father?"

"Chrome... Kilala mo siya 'di ba? Dad?"

"Your ex?" Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at hindi sa akin nakaligtas ang pagdaan ng pagkamanghang emosyon sa mga mata niya.

"Iisa lang naman ang naging ex ko dad, at iisa lang din naman si Chrome na pinakilala ko sa 'yo." Nanginig ang boses ko, ng maalala ko ang nakaraan. Dad likes him... Chrome. He likes him for me. He gave us his blessing before.

Mabilis kasing nakuha ni Chrome ang tiwala ni daddy.

"Did he know? What's his plan?"

"Y-Yes he knows. Sinabi n-niya rin na pananagutan niya ako." Tumango-tango naman si dad at kinuha pa ako envelop at tiningnan. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagkislap ng mga mata niya habang binabasa 'yon.

"Finally, I'm having a cute little Mildred. I'm excited to meet my granddaughter, Mild. Matagal na akong naghihintay." Namilog ng bahagya ang mata ko sa sinabi niya at umahon ang kakaibang kaba sa dibdib.

"Y-You mean... Hindi mo na ako pipiliting pakasalan si Leon?"

"Hindi na... Kung kakausapin ako ni Chrome at sasabihin niyang pakakasalan ka ay wala na akong magiging pagtutol." nabuhay ang pag-asa sa loob ko, lalo na nang marinig na gusto niyang makasal kami ni Chrome. I was like hitting two birds with one stone, dahil sa mga nangyayari.

It is not my intention to... Pero hindi ko ikakaila na nagustuhan ko rin ang pinili kong katangahan.

Sa akin pa rin si Chrome... Sa akin pa rin ang bagsak niya, and I will become his wife.

Napatakbo ako sa kwarto matapos ng paguusap namin ni dad. Excited kong kinuha ang phone ko at malawak ang ngiti na tinawagan si Chrome. At first I was really excited... Ngunit unti-unti 'yong humupa ng nakailang tunog na ay hindi niya pa rin sinasagot. I bit my lower lip and heaved a sigh.

Chrome.

Tumingin ako sa orasan at nakitang alas nuebe pa lang ng gabi.

I took my car key and wallet, as well as my phone and jacket before I went out of my room. Dumeretso ako sa labas at sumakay sa kotse ko bago binuhay ang makina at nagmaneho patungo sa bahay ni Chrome.

I don't know. I have this feeling that I have to be there... in his house right now.

Kahit pwede namang bukas ko na lang siya kausapin. Gusto ko siyang makita ngayon, malaman kung okay lang siya.

Basta, pakiramdam ko kailangan niya ako ngayon.

Pagkarating sa bahay n'ya ay kaagad akong bumaba sa kotse.I took my key and wallet with me, together with my phone, bago nagmadaling pumasok. The door wasn't locked. Medyo dim na ng pumasok ako pero may sumisilip na liwanag from the kitchen so I think, andoon siya.

Kaagad akong tumungo roon and I was surprised to see, him there. Sa mini bar niya. He was drinking. Balak ba niyang lunurin ang sarili sa alak?

"Chrome?" Lumapit ako at naupo sa tabi niya. Hindi man lang niya ako pinansin o tinapunan ng tingin. I was about to join him, pero binawi niya ang alak mula sa akin.

"You want to get pregnant, right? Starting from now, you're not allowed to drink alcohol."

"I just want to join you."

"I don't need you to join me, Mild." I swallowed hard.

"A-Are you okay?"

"Okay or not, none of your business." muli siyang lumagok ng alak at nakita kong may tumakas na luha mula sa mga mata niya. I saw how his hand clenched as his jaw moved tightly. Parang pinipiga ang bagay na nasa dibdib ko sa nakikit ako sa kaniya at sa naiisip kong dahilan.

It's her.= right? Is it because of her?

Mahal niya talaga ang ex niya?

Hindi na ba talaga ako?

I waited for 6 years. He came back with a girlfriend, and now he loves her.

'Yong lalaking hinintay ko ng matagal, hindi na ako ang mahal.

'Yong lalaking gusto ko makasama habang buhay, may iba nang hinihintay.

May gumuhit na sakit mula sa lalamunan ko tungo sa dibdib ko at gusto kong mamilipit. I wanted to cry but I stopped myself.

Ikakasal naman na siya, wala nang habol si Chrome. I have a chance already. I will make sure ikakasal talaga kami at ako ang magiging asawa niya. I will be a good wife. Aalagaan ko siya at mamahalin, hanggang sa ako ulit ang mahalin niya. Mamahalin niya ako ulit, tulad ng dati.

I will stay with him. I will become his pillow, a shoulder to lean on... I will mend his heart... A glue for his broken pieces... a thread to go through his hole... Bubuoin ko siya at aangkinin. Dahil ako ang totoong nagmamahal sa kaniya.

Tumayo ako at tumungo sa kabilang part ng kitchen kung nasaan ang cupboard. Nagtimpla ako ng gatas bago bumalik sa tabi niya at nakita ko pang pinasadahan pa niya ako ng tingin.

"Bakit? Bawal na sa akin ang alak 'di ba? Gatas na lang iinomin ko, pero tabi pa rin tayo." Napailing siya at muling uminom bago tumayo.

"Pagkatapos mo, umuwi ka na. Kung ayaw mo, doon ka matulog sa guest room. Bukas na tayo mag-usap tungkol sa problema mo." Malamig na sabi niya at mabilis nang lumabas ng kitchen.

Napakagat ako sa sariling labi at tumungo.

My hands trembled. And I don't like the feeling of my heart clenching painfully right now.

Well, you're strong, right Mild? You are. This is just a piece of cake for you.

Okay lang... Okay lang talaga.

Okay lang ako.

Kaya ko pa. Nagawa ko ngang makaya for 6 years. Nagawa ko ngang magpanggap na ayos lang... Ngayon pa kaya na eto na siya. May pag-asa na ulit ako kasi wala na sila.

Inubos ko lang ang gatas at tumayo na rin para tumungo sa guest room. Doon ko piniling mag-stay ngayong gabi hanggang sa unti-unti na akong makatulog.

Nagising ako kinabukasan ng mas late kaysa sa nakasanayan ko. I squeezed my eyes first, bago piniling mag-shower na muna. Mabuti na lang may mga damit pala rito si Chrome kaya pinili kong iyon na muna ang suotin. Hindi na rin ako gumamit pa ng bra at panty dahil nilabhan ko ang akin, next time magdadala na talaga ako rito.

Okay lang naman, si Chrome naman ang kasama ko. Wala naman na akong dapat itago. Mas mabuti nga ito 'di ba? Para madali akong mabuntis. Not that I am rushing. Ayoko lang na maghinala si Dad. Ready na rin naman ako na magkaanak.

Pababa pa lang sa hagdan ay nakakarinig na ako ng ingay sa kusina. Anong mayroon?

May bisita si Chrome?

Boses babae.

Tuloy-tuloy akong pumasok at una kong nakita si Chrome... The next one na tiningnan ko'y walang iba kundi si Katherine Reiss. His ex.

Hindi sa akin nakaligtas ang pagbabago ng expression ni Chrome. Kanina ang saya pa niya, tapos noong makita ako'y naging blanko ang mukha niya.

Napalunok ako at hindi makapagsalita. Pinasadahan ako ng tingin ni Katherine tila kinikilala ako at mayamaya'y tumayo na rin at nagpaalam.

"U-Uwi na rin ako." I said after ko itanong if siya 'yong ex niya kahit alam ki namang oo ang sagot.

Tinalikuran ko na siya at handa nang umuwi when he held my wrist to stop me.

"Hindi ka pa nag-aalmusal. Sabi ko mag-uusap tayo ngayon hindi ba?" Pwede bang bukas na lang? Wala na ako sa mood. Papahinga lang ulit ako... Naiiyak na ako e.

Pero hindi ko iyon kayang sabihin kaya muli akong nagpanggap na okay lang ako.

"Nasabi ko na kay Dad. Naniwala siya na buntis ako. Sinabi ko rin na handa kang panagutan ako at sabi niya, gusto ka raw niya makausap." Tumango siya at patuloy na nilapag ang hinahain niyang breakfast.

"Bukas, pupunta ako sa inyo."

"Huh? B-Bukas na agad?"

"I am a busy person, kaya gusto ko gagawin agad ang mga bagay.Hindi ako pwedeng magsayang ng oras kung pwede namang gawin na agad." masungit na sabi niya kaya tumango ako at nagsimula nang kumain.

"Since I know this will end in matrimony, I just want you to know that after our wedding, you'll remain secret until I am ready to announce that I already have a wife. Tatapatin kita, ayaw kitang ipakilala bilang asawa ko, lalo na sa mga kaibigan ko... Dahil alam kong alam na alam mo kung bakit..."

So we'll be having a secret wedding?

"Paano kung magtanong si Dad kung bakit gusto mong secret wedding lang muna." Your dad knows me, and he'll understand. Hindi niya malalaman na ayaw kong ipakilala kang asawa ko.

Nawalan na ako ng gana na kumain.

Tumigil ako sa pagsubo at pinili na lang na inumin ang gatas na sinalin niya sa baso ko.

"Okay, that's fine with me."

Kahit na gustong-gusto kong ipagsigawan sa mundo na asawa kita... Hindi pala pwede.

Oo nga pala. Bakit ka ba magiging proud na asawa mo ako?

Nakakahiya ako hindi ba? Ikinakahiya mo ako sa lahat. Bukod doon, hindi mo pa rin ako napapatawad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status