Share

CHAPTER 6: PAIN

Sobrang himbing ng tulog ko kinagabihan. Halos wala pa sana akong balak bumangon at magmulat ng mata kinaumagahan kung hindi lang paulit-ulit na tumunog ang phone ko.

Kinusot ko ang mga mata at marahang nagmulat. Nakailang pikit pa ako para mag-adjust ang paningin bago tuluyang kinapa ang phone ko sa kinalalagyan. Unang pumasok sa isip ko si Leon, ano naman kayang

kailangan pa no'n sa akin?

"Ang aga mong mambulabog Leon, natutulog pa ako! Akala ko ba okay na tayo? Malaya ka na kaya please lang patahimikin mo na ak—"

"Nasa

labas na ako ng bahay niyo, get down here, Mildred." parang tuluyang nagising ang diwa ko ng hindi boses ni Leon ang marinig. Namimilog ang matang napatingin ako sa screen ng phone ko only to see an unregistered number!

Si Chrome!

Napatakbo ako pababa sa kama at kaagad na sumilip sa bintana. Nanlalaki ang mata ko nang mapatingin sa lalaking nasa labas ng gate ng bahay namin at nakasandal sa kaniyang kotse habang naka dikit pa rin ang phone sa tainga niya. Nang makita niya ako ay kaagad na niya iyong ibinaba.

Fuck!

I cursed as I ran towards my shower. Nagmadali akong maligo at basta na lang humugot ng damit at nagmadali itong suotin. I even forgot to wear a freaking bra, pero hinayaan ko na. Nakayapak akong bumaba at tumakbo patungo sa gate para pabuksan iyon sa guard namin at sinalubong ako ng salubong na kilay ni Chrome. From my face, his eyes went down to my chest. Hindi nakaligtas sa akin ang sunod-sunod niyang paglunok.

Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko bago pasimpleng humalukipkip sa harapan niya.

"You went out without wearing a freaking bra?" mariin ngunit mahinang tanong niya, salubong pa rin ang kilay habang nakatitig na sa mukha ko.

I bit my lower lip and bowed my head a little due to embarrassment.

"L-late kasi ako nagising, mabilis lang ako naligo." I saw how his jaw clenched. Umayos na siya ng tayo at walang pasabi-sabing hinawakan ako sa braso at hinila na papasok. Nanatili akong nasa likuran niya na parang itinatago niya habang dumaan naman sa harapan namin ang guard to close our gate. Malakas ang kalabog ng dibdib ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay.

"Where's your dad?" he asked, the moon we're in.

"Uh, probably nasa library na niya."

"Nope, I'm here." kaagad sumulpot si dad mula sa kitchen, naglakad siya patungo sa amin at huminto sa harapan ni Chrome.

"Chrome," nilabanan niya ang tingin ni Chrome like they're talking using their eyes. Nilahad ni dad ang kamay kay Chrome na hindi naman natinag.

"Tito," Chrome accepted dad's hand.

"It's been a long time since, akala ko'y hindi na kayo magkakabalikan ng anak ko matapos nang mga nangyar—"

"Dad..." I interrupt. Nabitawan ni Chrome ang kamay ko, sa paraang tila napapaso kaya noon ko lamang napansin na hindi pa pala niya ako binibitawan kanina. I swallowed hard when I felt a pang in my chest. Dad cleared his throat.

"Sorry, I didn't mean to bring back the past. I just can't believe it."

"It's alright, Tito. I just can't stop loving your daughter despite what happened." mas lalo akong nakaramdam ng sakit. Dapat kinililig ako e, dapat nasisiyahan ako, nagdidiwang ako sa narinig pero hindi. Dahil alam kong it was just an act to make my dad believe this relationship is genuine. Chrome knows what he should do. Should I owe him that?

"Well then, can I have words with you in private? I have lots to say and ask." napatingin ako sa kanilang dalawa. Nauna na si dad tumungo sa library niya at naiwan kami roong nakatayo ni Chrome. Maya-maya ay bumaba ang tingin niya sa akin at sa dibdib ko bago bumalik sa mukha ko. Muli niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako paakyat. I was just silent while he was walking me towards my room. Siya pa ang nagbukas ng pinto at marahan akong pinapasok while he stayed outside with his hands on his pocket now.

"Magsuot ka ng bra," hindi ko mahanap ang tamang salita na isasagot sa kaniya kaya tumango na lang ako. Ilang segundo pa kaming nagtitigan bago siya tuluyang umalis para sumunod kay dad.

I closed my door and managed to walk towards my bed despite my trembling knees. Nangilid ang mga luha ko, pero kaagad kong naagapan 'yon. I covered my face using both of my palms as I curled myself on my bed. Tahimik kong inalala ang nakaraan at hindi ko maiwasang hindi maiyak.

"Chrome, I didn't..." he looked away from me. Tears were flooding his cheeks. His jaw clenched so hard that I could see his tendons. His hands balled into fists. I cried harder as I fell onto my knee.

I have no strength left.

Hindi ko alam kung paano ipagtatanggol ang sarili ko. Kung paano lilinisin ang pangalan ko.

His friends gawked at me with disgusts written all over their faces.

No one stood by my side.

"Minahal kita ng higit pa sa sarili ko, Mild."

I cried louder, fearing that he would leave me. Kahit ramdam ko na... ramdam na ramdam ko na ang kahahantungan. Umiling ako at nagmamakaawang nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Maniwala ka naman sa akin, please. Hear me out." I reached for his hand but he refused, hinila niya iyon pabalik dahilan para mapaupo ako ulit.

"Chrome, alam mong hindi ko magagawa 'yon sa 'yo. Kilala mo ako, I will never do that to you. Mahal na mahal kita." Ano pa bang dapat kong gawin para patunayan ang sarili ko?

"Kilala nga ba kita Mild? Akala ko rin kasi e. But you just did the exact same thing I thought, everyone thought you'd never do."

Ang mahinang iyak ko'y naging hikbi hanggang sa tuluyan na akong napahagulhol. I gripped my bedsheet as I continued weeping. Para akong batang naliligaw, nawawala at hinahanap ang daan pauwi.

The mistakes from the past were still haunting me. My heart was still broken, it was still in pieces. But still beating for the same man, the exact man from my past. What happened to me doesn't exactly broke me, it made a crack but when Chrome left, it triggered the cracks hanggang sa tuluyan na 'yong madurog.

He left with Katherine Reiss. At first I thought, rason niya lang iyon para hayaan siyang umalis ng parents nila. Pero hindi ko alam na aabot ng anim na taon.

I was in a mess when my door suddenly opened. It was too late for me to hide my tears. Paglingon ko'y kaagad na nagtama ang paningin namin ni Chrome. Tahimik siyang naglakad palapit sa akin.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong umiiyak at naabutan pa niya ako pero alam kong wala na akong magagawa kundi hayaan siyang makita ako sa ganitong kalagayan.

He stopped right beside me. Hanggang sa marinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga at naupo sa edge ng kama bago ako niyakap ng mahigpit.

Muling kumawala ang hikbi sa mga labi ko as he continued caressing my hair.

"I'm sorry," basag ang boses na sabi ko habang nakayakap ng mahigpit sa kaniya.

"I'm so sorry, Chrome." nangatal ang mga labi ko at mas lalo lamang akong naiyak.

"Shhh, hush down."

"I didn't do that. I swear, I didn't. Hindi ako gano'n. Hindi ko magagawa 'yon." My body went rigid nang maalala ko ang parteng 'yon sa nakaraan na kahit gusto kong ibaon sa limot ay gabi-gabi pa ring laman ng aking bangungot.

"Tumahan ka na," malumanay ang boses niya. Unti-unti ay nararamdaman ko na ang pagkalma ko hanggang sa tahimik na lang akong nakayakap sa kaniya at patuloy pa rin siya sa paghaplos ng buhok ko.

He slowly withdrew himself from hugging me, while his hand remained at the back of my head. Napatitig ako sa mga mata niyang hindi ko mabasa habang ang mga iyon naman ay unti-unting bumaba ang tingin sa nakaawang kong labi.

It was just a matter of time when I found myself sharing a hot and aggressive kiss. Marahas niyang s********p ang dila ko bago marahang kakagatin ang ibabang labi ko na nakapagpaungol sa akin. Mariin akong napapikit nang maihiga niya ako sa sarili kong kama, as he towered over me without breaking our kisses. Lahat ng sakit na nararamdaman ko kanina, the worries, the agony, the cries vanished as I savor the moment our lips are moving in synch.

His hand started to explore inside my shirt. He gripped my waist as it travelled up near my breast. Saglit lang ay nasa likod ko na naglilikot ang kaniyang daliri, until I felt him unclasp my bra.

"Sana pala hindi na kita pinagsuot, tatanggalin ko rin naman." he murmured, using his husky voice as he kissed my jaw down my neck.

"Chrome..." I moaned his name when I felt his other hand caressing my sensitive part between my thighs against my panty. My feet curled as I grasped on to his hair, trying to push his head deeper into my neck. I bit my lower lip as I shut my eyes when I felt his teeth graze my skin.

His hand started to squeeze my breast as the other one was making its way inside my shorts, but that was interrupted by a couple of knocks.

Pareho kaming napaayos ng pagkakaupo at napatingin sa pintuan ko. We both fixed ourselves before glancing at each other as Chrome dragged his feet toward my door and opened it. Bumulaga sa akin si Nana Oseng, pinakamatagal naming kasambahay dito na siya ring nag-alaga sa akin no'ng bata pa ako.

"Hijo, hija pinapatawag kayo ni Sir Mel."

"S-sige ho nanang, sunod po kami." hilaw akong ngumiti still not doing some movement. Nang umalis ito at isara ni Chrome ang pinto ay naibagsak ko ang katawan sa kama habang ramdam na ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis ko mula noo hanggang leeg. Chrome walked towards me after shoving his hand in his pocket. Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya bago bumangon.

"Ibalik mo pagkakakabit ng bra ko, Chrome."

"Kaya mo na 'yan, bilisan mo. Your dad's waiting." napanguso ako. I don't think I can dahil nanghihina pa rin ako. Hindi ko nga sigurado kung makakalakad ako ng maayos sa panghihina.

"C'mon, ikabit mo na lang please?" tumalikod na ako sa kaniya. Akala ko'y wala pa siyang balak sundin ang sinabi ko not until I felt his hot palm touch my back inside my shirt. Mabilis lamang niyang naikabit ang bra ko at pakiramdam ko ng mga oras na ginagawa niya 'yon ay naninigas lamang ang katawan ko. Ramdam ko rin na hindi ako humihinga kaya ng lumayo siya ay saka lamang ako nakapagbitaw ng malalim na hininga.

"Let's go," nauna na siyang lumayo sa akin at nagsimulang maglakad patungo sa pintuan. Kaagad naman akong bumaba sa kama at muling inayos ang sarili bago tahimik na sumunod.

Dad's waiting for us in the dining hall. Nakahanda na ang lunch para sa amin, habang abala siya sa pagbabasa ng diyaryo habang naghihintay. Nang sumilip siya at nakita kaming paparating ay binaba na niya ang binabasa at pinagsalikop ang kaniyang mga daliri sa ibabaw ng mesa.

"Naisturbo ko ba kayo?"nakakaloko ang tingin na binigay sa amin ni dad, kaya pakiramdam ko'y namula ang mukha ko sa sinabi niya.

"No dad, nag-uusap lang naman kami kanina. Actually, pababa na rin nga dapat kami e." hindi ko naitago ang pagiging defensive ng tono ng boses ko.

"It's okay tito, makakapaghintay naman 'yong pinaguusapan namin ni Mild, pwede kahit mamaya na lang gabi." Napasinghap ako sa sinabi ni Chrome, mabilis pa akong napalingon sa kaniyang may ngisi sa labi tila nangaasar pa.

"Well, that's good then. Maupo na kayo at nang makakain na, baka lumamig pa ang mga pagkain." I breathed out and was about to pull a chair for myself when Chrome did it for me. Halos mahigit ko ang sariling hininga at nakaramdam ng kiliti sa ginawa ko. Alam kong umaakto lang siya sa harapan ni dad pero hindi ko maiwasang kiligin.

Kagat-labi akong naupo at ikinuha na ang sarili ko ng pagkain, tahimik kami noong maunang mga minuto ngunit ng nasa kalagitnaan na kami ay huminto si dad sa pagkain at pinunasan na ang gilid ng kaniyang labi, indicating that he's already done eating.

"Anyway, sumabay ako sa inyo sa pagkain dahil gusto kong sabihin ang napag-usapan namin ni Chrome kanina." simula ni dad na nakapagpahinto sa akin sa pagkain. Sa akin nakatingin si dad pero sumusulyap siya kay Chrome na huminto rin para makinig din.

"Since magpapakasal na kayong dalawa at hindi pa naman malaki ang tiyan mo, I want you to work with Chrome for only three months. Wala raw ang sekretarya niya dahil naka-temporary leave ito kaya gusto kong ikaw muna ang maging sekretarya niya."

"What? Why? What for?" Oh no. Ayoko nga, baka kung ano-anong mangyari sa amin sa opisina niya! Shit! Bakit ba 'yon ang iniisip ko.

"I want you to experience being an employee and not a boss. Makikita mo rin at mapapag-aralan mo kung paano mag manage ng kompaniya kung magiging sekretarya ka ni Chrome. If I will assign you to our company, alam kong magiging bossy ka lang at hindi ka aakto ng naaayon sa posisyon na ibibigay ko sa 'yo, mas mabuti nang naroon ka sa kompanya ni Chrome para tumino ka." natahimik ako sa sinabi niya. It wasn't a bad idea naman, pero 'yong sinabi niya na para tumino ako... gaano ba ka-patapon ang buhay ko para pareho nilang sabihin iyon. Kailan ako titino? Para tumino ako?

Ganoon na ba talaga ako kawalang kwenta sa paningin nila?

Wala na ba talaga akong ginagawang tama.

Hindi na lang ako nagsalita at kumontra. Hinayaan ko na lang si Dad na magsalita pa. He even said, na sa bahay na ako ni Chrome titira dahil buntis na ako at dapat nagsasama na kami. Pinapadali na rin nila ang kasal and it will happen this coming Thursday. Pinagusapan na rin nila kung saan kami magpapakasal. Kokonti lamang din ang magiging bisita dahil bukod sa ayaw ni Chrome papuntahin ang friends niya, ay minamadali na talaga nila at wala nang balak magpaggawa pa ng wedding invitation. Nagkasundo sila ni dad sa bagay na 'yon, hindi ni dad alam na gusto akong isekreto ni Chrome sa mga kaibigan niya kaya wala itong ibang papupuntahin.

Sa buong oras na nag-uusap sila ay kumikirot ang dibdib ko. Tahimik akong kumakain at tumatango lang kapag tinatanong ako ni dad kung okay lang sa akin. Natapos kaming mag-lunch na tuluyan na akong nawala sa mood. Ipinaayos na ni dad ang mga gamit ko dahil isasabay na iyon pag-alis ni Chrome, kasama ako. Tahimik akong naghintay sa living room hanggang sa matanaw ko si Chrome pababa dala ang iba kong maleta, nakasunod sa kaniya si Nanang bitbit ang mas maliliit na bag.

"Let's go." Tahimik akong sumunod sa kaniya palabas. Nakapagpaalam na ako kanina kay dad, ngunit pakiramdam ko lutang ako ng mga panahon na 'yon. Pumasok kaagad ako sa loob ng kotse ni Chrome at tahimik siyang hinintay hanggang sa makasakay siya sa driver's seat.

"Are you planning to tell her that we're getting married, that you'll be having a wife?" wala sa sariling naitanong ko huli na para bawiin ko pa. He started the engine. Alam kong kilala niya kung sino ang tinutukoy ko.

"No. Walang makakaalam sa mga kaibigan ko, that's why kahit nasa kompanya kita, no one knows you're my wife. Ipinaalam ko na rin sa dad mo 'yon, ibang rason nga lang ang sinabi ko para 'di masira plano mo. He agreed, mas mabuti na raw 'yon para itrato ka ng mga empleyado ko ng naaayon sa posisyon mo." pakiramdam ko nawawalan ng hangin ang loob ng kotse niya at hindi ako makahinga.

I blinked the tears away as I diverted my eyes outside the window, trying to ease the pain in my chest. Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko sa mga oras na 'yon.

It's painful. When you're willing to make everyone know na asawa mo siya pero siya naman itong hindi magagawa iyon dahil ikinakahiya ka niya. When you're so proud to have him but he's not proud to have you. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status