Share

CHAPTER 7: TRYING

Nakarating kami sa bahay ni Chrome nang walang umiimik sa aming dalawa. He took my luggage and bags out, tahimik kong binuhat iyong mga alam kong kaya ko.

"What are you doing?" hirap ko siyang hinarap.

"Ako na magdadala nito sa loob, magaan lang naman." kumunot ang noo niya ngunit hindi na niya ako pinigilan. Nagpatuloy naman ako papasok hanggang sa marating ko ang pintuan ng bahay ni Chrome. He passed by me to open it, pagkatapos ay kaagad naman siyang humarap sa akin and signed me to enter first.

I breathed in as I remembered that night that spent together.

"Ano pang tinatayo mo dyan? Sumunod ka sa 'kin." Napalingon ako kay Chrome na kunot ang noong nakatingin sa akin bago naunang umakyat. Sumunod naman kaagad ako sa kaniya hanggang sa marating namin ang guest room.

"Dito ka mag-stay." he said habang ibinababa ang mga gamit ko.

"Hindi tayo mag s-share ng room?" his eye brow raised.

"No," one word. Pero nakapagdulot na agad ng kirot. Tumango-tango naman ako at nag-iwas na ng tingin, nagkukunwaring pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng kwarto.

"That's good, mas comfortable naman kapag ganoon."

"I'm going off, bibisitahin ko ang restaurant ko. Maiwan na muna kita." Nilingon ko siya at tanging naabutan ko na lang ay ang likod niya bago siya tuluyang makalabas. Yeah he owns a restaurant aside from managing his company. Magaling din siyang magluto, may background siya sa Culinary. Gusto ko sanang humakbang at habulin siya para sabihing gusto kong sumama pero hinayaan ko na lang siya. Baka magalit pa sa akin. I don't want to piss him off.

I am planning to change myself into better version, for him to see me again. Lahat gagawin ko, kahit pa ang baguhin ang sarili ko para sa kaniya I will.

Mild the happy go lucky brat no longer exist. No more night outs, no more drinking. Bahay, trabaho na lang muna ako and I hope Zandra can understand that. I just want to prove myself to him. Baka sakaling mahalin niya ako ulit. Baka sa kaling mag-work ang marriage naming dalawa. At baka sakaling, maging proud na rin siya sa akin at maging proud na siyang ipakilala ako bilang asawa niya sa lahat, maging sa mga kaibigan niya.

Kung kulang pa ang nagawa kong pag-iwas sa relasyon o kahit flings sa loob ng six years, kung kulang pa ang pag-reject ko sa mga nagtangkang ligawan ako dahil mahal na mahal ko pa rin si Chrome, then I'll make more efforts.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko'y nagpasya akong mag-aral magluto. Sising sisi ako na hindi ako nagpaturo kay Nanang. Not that I don't really want to. I used to learn how when I was young, for my mom. Dad's was always away, si mom dati 'yong umuuwi sa bahay twice a week at kapag ganoon, ginagawa ko lahat to get her attention because I missed her. I kept on missing them my whole life. Nag-aral ako magluto pero hanggang pancake lang ang nagawa ko at hindi pa ganoon kaayos. I approached mom and asked her if she could taste it but she was too busy.

Sinubukan ko pa ulit and I end up getting scold. She threw the pancake away. She told me I wasn't even literate on doing it, I was just wasting eggs and flour.

Funny, instead of receiving a cake because it was my birthday, I tried to make a pancake instead para lang mapansin niya ako, but I end up like that. Hindi ko nga alam kung naalala man lang ba niya na birthday ko noon. A bitter smile formed on my lips.

Simula noon, huminto na ako sa pagsubok na matuto. Akala ko kasi okay lang na hindi ko na matutunan 'yon, wala namang makaka appreciate, wala namang ibang kakain, walang ibang makakakita na kaya ko. Now it's three times harder.

The stocks are in front of me but I can't do anything but stare at them. I don't know what to do or where to start. I tried to use g****e for guide pero hindi ko pa rin makuha.

Paulit-ulit kong inaral, pero palagi kong nasusunog, hindi rin sakto ang timpla ng ilan dahil may maalat, matabang, matamis, may hindi ko malaman. I scratch my head violently as I breathed out. Nag-search pa ako sa phone ko at binasa ang naroroon pilit kinakabisa at iniintindi ng makaamoy akong nasusunog. Nang tingnan ko'y nag-aapoy na ang ibabaw ng kawali. I was trying to make a steak!

I panicked.

"Omygash! Shit! Shit! Shit!" I took the pot holder and tried to get near pero natatakot ako sa apoy kaya napapatili ako at napapaatras. 

"Ano ba! Makisama nga kayo! Damn it!" I've been here for hours!

Nahawakan ko 'yong tangkay ng kawali pero biglang mas lumakas ang apoy noong i-angat ko ito palayo sa stove. Dahilan para mahulog ito sa sahig at matalsikan ako ng natitirang mantika. I screamed as I fell on the ground again, wincing. Namilipit ako sa sakit.

"O-Ouch! Fuck it!" I cried. Kaagad na namula ang napaso kong binti. Gusto ko iyong hawakan pero masyadong masakit.

"What did you do?!" galit na boses ni Chrome ang nakapagpamulat sa akin. Puno ang luha at kagat-labi, pinipiglan ang hikbi na nilingon ko siya. His eyes were enraged. Marahas ang bawat paghinga niya.

"C-Chrome..." umiiyak kong tawag sa kaniya, afraid, in pain and embarrassed.

Kaagad siyang tumakbo at pinatay ang stove. He massaged his forehead afraid he saw the disaster I made in his kitchen. Napakagulo noon. Kalat-kalat ang mga gamit ang daming basura na hindi ko pa nalilinis. Napayuko na lang ako lalo na nang makita kong mas lalo siyang nagalit at bumagsak ang tingin sa akin.

"What the heck did you do here, Mildred?!" he's mad.

"Answer me!" I flinched.

"I-I was... trying to cook. Gusto ko rin k-kasi sana na ipagluto ka ng dinner."

"Hindi ka marunong magluto!" alam ko!

"Kaya nga nag-aaral ako e."

"You should have waited for me. I can cook! Look what you have done?! Bakit kasi basta-basta ka na lang kumikilos. Ginagawa mo kung ano ang gusto mo ng hindi nag-iisip?! Paano kung hindi ako agad nakauwi?! Baka sunog na itong bahay! I don't know what to do with you anymore! Kailan ka ba titiigil sa pagiging spoiled brat mo?!" muling bumuhos ang luha ko. My chest was tightening again. Ang gusto ko lang naman ay matuto. Trying is learning. Hindi ko naman ginusto na magkaganito!

Marahan akong tumayo at kahit masakit ang binti ay ininda ko iyon at nakatungo pa rin. I cannot look at him. I was ashamed and hurt.

"I'm sorry," iyon na lang ang nakaya kong sabihin bago nagmadaling lumabas ng kitchen. I immediately went to the guest room. Dumeretso agad ako sa bathroom at doon tuluyabg inilabas ang pag-iyak. I was crying in both physical and emotional pain. It was too hard to do your best and to invest everything on things and end up failing them. When you were trying to be good enough but end up falling so short.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong umiiyak sa loob ng bathroom. Napatigil lang ako nang makarinig ng sunod-sunod na katok mula sa pinto ng bathroom.

"Mild."

I tried to dry my tears and chase it away. Nanginginig ang mga paang pumihit ako paharap sa direksyon nito.

"Mild, can I come in?" unlike kanina ay mas malumanay na ang boses ni Chrome. Noong hindi ako nagsalita, akala ko'y aalis na siya kaya halos mahigit ko ang hininga ng bumukas ang pinto at naabutan niya akong nakasandal sa sink. He stares at me before he closed the door. Napansin ko ang kit na dala-dala niya as he walked near me. Nagbaba naman ako ng tingin.

He wasn't talking at first but I could hear him taking out a deep breath for about two times.

"I'm sorry for scolding you earlier. I was just... shock to see the kitchen, and you on the floor." hindi pa rin ako umiimik.

"I can cook for us, Mild. You don't have to do that again, or if you want I can teach you." hindi pa rin ako nagsasalita. He looked down on me. Pareho sila nila mommy. They all think I wasn't capable of doing things.

"Is it still scorching? Let me see... hawakan ko ah?" tiningnan ko lang siya. Lumuhod siya sa harapan ko and checked my leg. Maya-maya ay muli siyang tumayo at walang pasabing hinawakan ako sa magkabilang bewang at kaagad akong binuhat paupo sa counter sink. I gasped when he did that at mahina pa akong napaingit. He touched my leg again and elavate it for him to see it better.

His hand were warm. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa kaniya habang ginagamot niya ang paso ko.

I saw him put petroleum-based ointment on it before he lifted his head to see my face. Hindi na ako nakaiwas kaya alam kong kita niya ang ebidensya ng pag-iyak ko. Hindi nakaligtas sa akin ang pagbutong hininga niyang muli at kumuha ng tissue bago pinunasan ang magkabilang pisngi ko.

"I'm sorry, I shouldn't have scold you."

"O-okay lang, kasalanan ko naman talaga." hindi na kami nagsalita matapos 'yon, he just helped me get down and walk out of the bathroom after.

"I'll just clean the kitchen. Magluluto na rin ako ng dinner natin, balik ako rito kapag luto na, tatawagin kita. Rest first okay?" I nodded my head. Umalis naman kaagad siya at pinili ko na lang mahiga. Nakaramdam ako ng antok kaya nagpatangay na lang ako rito hanggang sa unti-unti akong mapaidlip.

Naalimpungatan ako ng makarinig ng ingay sa baba. Kaagad akong bumangon at lumabas ng kwarto para sumilip. When I was near the staircase, I saw familiar faces.

Chrome's friends! Wala nga lang si Katherine.

Kevin, Deevan, Sought, Freida, Aisen and Rycka. Lahat sila andito ngayon. Lumabas si Chrome ng kitchen, nakangiting pinuntahan ang mga kaibigan na tila kararating lang. Nakipag man hug siya at fist bump sa mga lalaki at b****o naman sa mga babae. Si Aisen ang pinakamatagal dahil yumakap pa ito sa kaniya. Well, they've been away for six years also.

Aksidenteng napatingin sa direksyon ko si Chrome at nanlaki bigla ang mata niya. He signed me to go back to my room which clouded my mind. Why?

I mouthed it. I asked him why but he just glared at me. Mabigat ang loob na bumalik ako sa loob ng kwarto, waiting for him to come up here to explain why but he did not.

I get it. Alam ko naman na talaga kung bakit. He doesn't want them to know that I am here. Na magpapakasal kami. Ang tanga ko lang para magbakasakaling magbago isip niya. Na hayaan niya silang malamang andito ako.

Hindi ako mapakali kaya lumabas ulit ako. I heard their voices. Pero mukhang nasa likod sila ng bahay. Sumilip ako mula sa may kitchen at nakita kong nagkakatuwaan sila sa garden. They're doing some grills, habang nasa table naman at pinagkakaisahan si Chrome. Inaasar pa ito dahil sa break up nila ni Katherine. May mga alak din na naroroon.

"Gago!"

"Oh bakit? Wala ka pa ngang balak sabihin kay Kath na uuwi ka na ayan nakipaghiwalay tuloy sa 'yo." Sought teased him. Nagtawanan naman lahat.

"Hindi 'yon tungkol doon siraulo ka, may pakakasalan na siya."

"Naku! Bakit kasi 'di mo na lang binuntis. Anim na taong naging kayo imposibleng walang nangyari sa inyo kahit isang beses!" they all teased him. Natatawang napailing naman si Chrome na kinakuyom ng kamao ko.

"Dapat pinikot mo bruhh! Ang hina mo naman kaya ka laging nauunahan e!" kantyaw pa ni Freida. Aisen laughed, na sinegundahan ng iba pa.

"Eh sa ayaw nga sa akin, tigila niyo 'ko."

"Sana lang kayo na lang ang kinasal. Mas maayos pa naman 'yon si Katherine. Mas may class. Mas seryoso. Unlike your bitchy spoiled brat ex! Walang kwenta. Katherine is better than Mildred."

"Watch your mouth Rycka. Huwag mo na banggitin ang pangalan ng malanding 'yon." nandidiring sabi ni Aisen.

Hindi ko na kinaya ang pinaguusapan nila at kaagad nang napabalik sa kwarto ko. Sumisikip nanamang muli ang dibdib ko. I punched it as I hold my tears. Hindi ako iiyak. Katatapos ko lang umiyak. Pero hindi ko mapigilan. Dumapa ako sa kama at binaon ang mukha sa unan ko bago nagpakawala ng malakas na sigaw. I cried hard. Saksi ang kwartong ito kung gaano ako nasasaktan ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status