Share

CHAPTER 4: LOSING

Nagising ako na parang binugbog ang katawan sa sakit. Groan escape my lips as I forced myself to get up. Nang lumingon ako sa direksyon ng bintana ay may sumisilip doon na liwanag, kaya natitiyak kong umaga na at sikat na ang araw.

"Fix yourself, nagluto na ako ng breakfast... Kumain ka na muna bago ka umalis. " I almost jumped out of shock when I heard Chrome's voice behind me. Iba pa rin talaga ang epekto niya sa akin, hindi nagbabago.

Binalewala ko ang presensya niya at hindi nagpahalatang naaapektuhan pa rin niya ako. I entered his bathroom, only for him to confirm that I temporarily held my breath when he was near. Saka lamang ako nakapagbitaw ng malalim na hininga nang maisara ko na ang pinto.

God, I am freaking damned.

Ngunit alam kong wala akong magagawa kung hindi pakatawanan ang mga padalos-dalos kong desisyon. Isa pang bagay na dapat kong makasanayan... Ay masaktan ng lihim sa tabi ni Chrome.

Dahil... Dahil may hinala ako na, may nararamdaman siya para sa ex niya. Nakita ko 'yon, ano mang pilit niyang pagtago, nakita ko 'yon. At masakit sa akin ang katotohanan. Para ako nitong sinampal.

Oo nga pala, hindi lang ako ang babae sa mundo at hindi lang ako ang babaeng daraan o dumaan sa buhay niya.

Natural lang na bukod sa akin, ay matutunan niya ring magmahal ng iba. Matapos magmumog at maghilamos ay lumabas na rin ako habang pinupunasan pa ang mukha at naabutan ko siyang may kausap on phone.

Bumigat nanaman ang pakiramdam ko, ngunit ng sumulyap siya at sinuot ko nanaman ang maskara na nagpapakitang hindi ako apektado... Ngunit hanggang kailan ko ba 'to mapaninindigan?

Imbes na abalahin siya'y nauna na akong bumaba at kumain ng niluto niya. Tulad ng kung paano ako umakto, ay umarte akong walang pakialam ng maramdaman kong pumasok na siya sa kusina. Nagsalin siya ng juice sa baso at inusog 'yon sa harapan ko bago siya naupo to eat his share.

"Leave your contacts to me, in case. Don't forget to call me, kapag pinatawag ako ng daddy mo." Sabi niya sa tonong nag-uutos and I just nod my head.

"Argh! Shit, I forgot! Bawal na pala akong uminom at mag-bar? I'm doomed. " Nanlulumo na sabi ko, nakalimot na hindi na pala kami 'yong dati na makakapagakto ako ng ganito.

Napansin kong natigilan siya at kunot-noong nag-angat ng tingin sa akin.

"Of course, gusto mong mabuntis 'di ba? And for Pete's sake, Mild, hanggang ngayon hindi ka pa rin nagsasawa sa night life mo? Hindi ka pa rin ba nagbabago? " Pinakatitigan ko siya dahil sa tono niyang nanenermon. Gusto ko siyang patulan at awayin pero sinubukan kong kontrolin ang sarili. Hindi ko siya pwedeng awayin sa ngayon.

Hindi pa rin ako nagbabago?

Kung sasabihin ko kayang siya ang dahilan, kaya kahit ayoko nang uminom, magpakalasing ay patuloy kong ginagawa dahil sa gano'ng paraan ko lang naiwawala ang mga bagay na pumapasok sa isip ko? Sa ganoong paraan lang ako nakakatakas sa mga bagay na ayoko maalala o isipin? Sa ganoong paraan ko lang nakakalimutan ang nakaraan namin? Ano kayang sasabihin niya sa akin?

Maybe, I was the same old Mild. His ex. The one he used to be with.

Pero may mga bagay sa akin na nabago na pero hindi niya 'yon makikita.

Siguro, hindi naman gano'n kalaki ang pinagbago ko para mapansin niya. Tahimik akong nagpatuloy sa pagkain at ganoon din siya. Walang may gusto sa amin magsalita pa hanggang sa matapos. Nagpresenta akong maghugas ng pinagkainan pero pinigilan niya ako.

"You should go home, may trabaho ka pa 'di ba?"

"Kahit hindi ako mag trabaho kikita pa rin naman kami, Chrome." napailing siya at halos may bumara sa lalamunan ko ng makita ang pagkadismaya sa mukha niya. I swallowed hard and looked away. Naglaho ang ngiti sa labi ko at nangilid ang mga luha ko.

Bakit pakiramdam ko, habang kasama ko siya kailangan ko nang piliin ang mga sasabihin ko? Kasi baka hindi niya magustuhan? Bakit noon, kahit kalokohan pa ang sabihin ko, tatawa pa siya o susuportahan ako, o 'di kaya naman ay gagalitan ako pero yayakapin pa rin niya ako at hahalakhak pa siya habang nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko. But now, pakiramdam ko kapag sinasabi ko sa kaniya ang mga bagay na 'yon... Hinuhusgahan niya ako. That it seems like whatever I say will just disappoint me.

Wala talaga akong kwenta 'no?

"Katherine's mindset was too far from yours. Kalat ka, wala ka pa rin sa focus... wala ka pa ring direksyon, hindi ka pa rin talaga nagbabago...hanggang ngayon, hindi mo pa rin alam kung anong gusto mo." Nanginig ang mga kamay ko sa sinabi niya at mas dumoble pa ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa mga mata ko.

Well, I only want a life with you. Simula pa noon.

I have a comfortable life. Pareho kaming mula sa mayamang pamilya. Wala na akong ibang mahihiling pa. I could get what I wanted. Ano pa ba ang gusto niya?

Totoo na hanggang ngayon bukod sa sinabi ko ay hindi ko pa alam kung ano pa ba ang gusto ko, pero bakit bigla akong nanliit ng marinig ko 'yon mula sa kanya mismo?

"You're not even as great as she is... not even half." umiling pa siya at mabilis nang tumalikod.

"Close the gate when you leave," That was the last word I heard from him before he went back inside and closed his door. Nanginig ang tuhod ko at muntikan na akong mabuwal sa kinatatayuan. Masyadong mabigat ang dibdib ko at sobrang sakit ng nararamdaman ko. Lahat ng sinabi niya parang mga kutsilyong tumusok sa puso ko.

Somehow, I missed the old him.

Ngayon ko lang napatunayan na marami na ngang nagbago sa kaniya. Kaya na niya akong saktan with his words, na kung dati ay hindi naman niya makayang gawin sa akin. Namimiss ko na kung paano niya ako alagaan at iningatan noon. Namimiss ko na kung paanong, kahit magbitaw ng salitang makakasakit sa akin ay hindi niya kailanman ginawa.

He really loves that girl. Katherine. Pakiramdam ko, wala talaga akong laban kapag siya ang ihaharap. Talo ako sa kaniya. I wasn't great like her, not even half. Kay Chrome na mismo nanggaling 'yon.

Para akong patay na naglakad palabas ng gate at tulad ng utos ni Chrome ay isinara ko 'yon. I walk, lifeless. Not until someone held my arms and I jolted away.

"L-Leon!"

"Bakit namumula ang mata mo? Did you cry?" was about.

"N-No!" depensa ko.

"Kumusta? Solve na ang problema mo?" He asked, and I nodded my head.

"Pumayag na siya, hindi na matutuloy ang kasal natin." ngumisi naman siya at tumango.

"So hatid na kita? For the last time? Kasi baka ito na rin ang huli na makasama kita as my fiancé." Tumango na lang ako at kaagad na sumakay sa kotse niya.

Habang nasa biyahe kami ay napansin kong pasulyao-sulyap siya sa akin.

"Nagtalo ba kayo?"

"Narinig mo?" hindi ko alam kung bakit natanong ko 'yon.

"No... ang alam ko lang nag-uusap kayo because of the noise coming from the inside. I don't know if you're having an argument."

"Hindi naman kami nagtalo, I just realized. Masyado na palang matagal simula no'ng magkawalaan kami and I didn't notice. Marami na talaga ang nagbago." Tumingin ako sa labas ng bintana matapos sabihin 'yon.

Sa anim na taon, hindi na malabong mangyari 'yon.

Lalo na't sa isip ni Chrome... Malaki ang nagawa kong kasalanan sa kaniya. Kaya siguro hindi malabong, hanggang ngayon, naroroon pa rin ang galit niya sa akin at kailanman hinding hindi na iyon mawawala.

He hates me.

"Are you really sure, ayaw mo sa offer ko?" May halo nang kalokohang tanong niya kaya na-distract ako at sinamaan s'ya nang tingin.

"Gwapo ka at tiyak nga, na maganda o gwapo ang magiging anak ko sa 'yo pero hindi kita type." Taas kilay na sabi ko, habang siya naman ay napahalakhak.

Napairap ako sa hangin dahil sa reaksyon niya. Parang no'ng unang beses naming magkita, ang sungit niya sa akin a? Kung makaakto pa, ayaw niya sa akin tapos ngayon... Tsk.

"Oo na, huwag mo nang ipamukha na ayaw mo talaga sa akin. Ikaw lang ang babae na tumanggi kahit nag g-gwapuhan sa akin. Loyal a?"

"Alam ko naman na hindi rin ako ang tipo mo."

"Sigurado ka?" Kunot-noo ko siyang nilingon pero ngumisi lang siya at umiling, tutok pa rin ang tingin sa daan. Hindi ko na lang 'yon pinansin at hindi na muling umimik.

Pagkarating sa bahay ay kaagad akong nagpaalam sa kaniya na papasok na. I was planning to tell my dad already, pero medyo nawalan ako ng gana sa mga oras na ito kaya inisip ko na mamaya na lang. Zandra inviting me for a dinner, mag-isa lang siya sa unit niya kaya madalas na niya talagang ayain akong sa unit niya mag dinner kapag hindi kami nagbabalak lumabas at mag bar.

Pinaunlakan ko naman iyon. The rest of the day, I spent it inside my room, thinking how I will tell dad about Chrome and the pregnancy. Kahit hindi pa naman ako buntis. May mga naipon na rin akong fake results na inihanda ko na in case na humingi siya ng ebidensya. Ang kailangan ko na lang ay mga salita, paliwanag at sagot sa kanya.

Kinagabihan ay nagsuot lang ako ng simpleng brown top and denim shorts with my sneakers. I let my short hair as it is. Nagpaalam ako sa bahay na aalis in case na dumating si dad at wala ako. Tiyak hahanapin niya ako sa mga maids namin.

Nang makarating sa unit ni Zandra ay kaagad ako nitong inaya sa loob. Nakapagluto na rin siya at nagulat pa akong may ilang beer din siyang inihanda.

"Bitch, I'm not going to drink alcohol starting today. Sa mga malls na lang kita masasamahan, pag mag s-shopping." I said in a bored tone.

"W-What?! Bakit? Are you kidding me?!"

"I will be having a child soon, at bawal sa akin ang alak." Naibuga nuya ang iniinom na tubig sa sinabi ko. Napangiwi naman ako sa pandidiri.

"Ew!"

"Ugh! Stop with your disgusted look! Ginugulat mo ako! You have a guts to crack jokes on me now, huh?" halatang hindi pa rin makapaniwalang singhal niya na kinailing ko habang umuupo sa harap ng mesa.

"I am not joking. Dad wants me to marry someone I don't love. Ang tanging naisip ko na lang ay mabuntis. Willing naman si Chrome na panagutan ako."

"Ha?!" mas malakas na sigaw niya sa gulat.

"Hoy! Pipikutin mo 'yong ex mo?! Gaga! Huwag gano'n!"

"Hiwalay na sila ng jowa niya tanga!" singhal ko pabalik at padarag na kumuha ng pagkain. Interesado naman siyang napaupo tila excited na marinig ang susunod pang kwento. Chismosa.

"Talaga? So may pag-asa ka na?! Ang gaga kayo rin naman pala, magkakaanak pa a****a ikaw na girl grabe! Nagugulat ako sa mga balita mo!"

"Ang kaso, sperm lang niya ang mapupunta sa akin, hindi ang pagmamahal. He's not in love with me. He's in love with his best friend, slash his childhood friend, slash his ex-girlfriend." Biglang napasimangot si Zandra at bumagsak ang balikat.

"My God, akala ko naman iyon na 'yon. Iba pala ang mahal. Hindi na pala ikaw. Iyak ka na."

"Gaga!"

"Pero sinabi talaga niya na pananagutan ka?"

"Oo, nagalit pa nga no'ng sabihin kong ang gusto ko lang talaga ay magkaanak. Shempre mamahalin ko naman ang anak ko, I am not just going to use her or him as an excuse. Isa pa, gusto ko rin naman na magkaanak kay Chrome. Siya lang naman ang gusto kong maging tatay ng anak ko."

"Wala ito, sa ginagawa mong 'yan sakit lang kapalit niyan e! Halatang mahal na mahal mo pa."

"Tanga! Hindi naman nawala ang nararamdaman ko para sa lalaking 'yon."

"I know, bitch! I know! Kaya nga hindi ka nag-jowa kasi ang totoo hinihintay mo pa rin siya. Ang kaso may iba nang hinihintay noong bumalik. Tapos ito na nga at gagawa na kayo ng bata ng hindi naman ikaw ang mahal, lugi ka beh. Saksakin mo na lang sarili mo." Kumagat siya sa chicken na tila gigil kaya nailing na lang ako at napabuntong hininga.

Hindi naman talaga ako sigurado kung mag w-work. Hindi ako sigurado sa desisyon ni Chrome pero ako, sigurado ako sa kaniya.

Kung ito rin ang way para maayos ang nasira naming relasyon, kung ito rin ang way para malinis ko ang pangalan ko sa kaniya, kung ito lang ang way para magkaroon ako ng chance sa puso niya ulit...gagawin ko. Gagawin ko pa rin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status