Home / Romance / EX WITH BENEFITS (TAGALOG) / CHAPTER 1: HER SCHEME

Share

EX WITH BENEFITS (TAGALOG)
EX WITH BENEFITS (TAGALOG)
Author: Luna

CHAPTER 1: HER SCHEME

Author: Luna
last update Last Updated: 2023-03-15 14:39:37

"Girl, looks like someone's trying to get your attention," Napahinto ako sa pag-inom nang may ituro si Zandra sa likuran ko.

Paglingon ko'y nakita ko ang isang lalaki na titig na titig sa akin. He even has the audacity to wink at me. Hindi man lang nagiwas ng tingin! He's handsome but not my type. Alak lang naman ang ipinunta ko sa bar na ito at hindi makipaglandian sa kung sinong hindi ko naman kilala. Napailing ako at binalik ang attention sa pag-inom. Wala akong pakialam sa kahit na sinong lalaki ang magkaroon ng interest sa akin.

"God! Kailan ka ba mamamansin ng admirers mo girl, ilang taon ka na single ka pa rin?" She sounds concerned when, in fact, she's just teasing me.

"I can live without them."

"Ow? Baka naman kasi hanggang ngayon, may pagtingin ka pa rin sa ex mong 6 years ng taken?" malakas kong naibagsak ang shot glass na hawak saka matalim ni tiningnan si Zandra.

"Kahit kailan talaga napakagaling mong manira ng mood ko!" I hissed, completely losing my appetite to drink again.

"Kasi ayaw mong maging honest, hayst." pinaypayan niya ang sarili at napainom na lang sa shot glass niya. I shook my head and bit my lower lip couple of times while staring the the floor.

"Mild, why don't you try to contact him?" I laughed sarcastically lifting my stares on the dance floor.

"Really Zandra? After six-fucking-years?" Napairap ako sa hangin bago siya nilingon, staring at her with a smug on my face.

"What do you want me to say to him? Hi babe! Long time no see? Let's go back together...is that what you want me to say?" napailingiling ako at humalukipkip.

College years pa 'yon, we're college when we had a relationship. I'm already twenty-six! Anim na taon na kaming wala. Akala ko nga ay wala na siyang balak bumalik, but I heard he's back.

"At least seek for closure?" My body becomes rigid. Bumigat ang dibdib ko at marahang umiling.

"Cut it off, uwi na ako."

"Ano?! Hindi pa nga tayo nakakahanap ng lalaki e! Woy!" Hinabol niya ako pero hindi ko na siya pinansin at derederetso na akong tumungo sa parking lot.

"Mild! C'mon!" she screamed under her throat, but I just started the engine of my car and drove off.

Habang nasa kalagitnaan ng biyahe ay humigpit ang hawak ko sa manibela, remembering the old days. His laugh. His smile. His kisses and touches are I won't deny that I missed all of that. He's my first love, after all. But shits happened and everything's fucked up. Hindi naging maganda ang paghihiwalay namin at alam kong nasaktan ko siya, pero mas nasaktan ako.

Sa pag-alala sa nakaraan ay hindi ko napansing may nagbabadya na pa lang luha sa mga mata ko, I blinked thrice to hold back. Agad naman itong nawala at mas dumiin ang tingin ko sa unahan.

Fuck! Why do I have to remember him?!

He already has a girlfriend. Six years na sila, tinalo ang tatlong taong naging kami.

Pagkarating sa bahay ay pinagbuksan ako ng guard namin. Pagkapasok ko ng kotse ay derederetso ako sa loob ngunit kaagad nahinto ng madatnan ko si dad na nakaabang pala sa akin.

"It's already midnight, Mildred."

"I know, dad." My head throbbed. Gusto ko nang matulog.

"You're already twenty-six, kailan ka ba titino? You were supposed to work for my company to prepare to take over my position, but you refused! Para saan? Maglustay ng pera? Mangolekta ng mga mamahaling sasakyan, bags, shoes at mga damit? Mag-bar gabi-gabi! Pumunta sa iba't ibang bansa?! Wala ka na bang ibang maisip na gawin? Don't you have a dream for your life?! Your future?!"

"Dad, kahit naman anong gawin ko hindi mauubos ang pera mo. Para saan ba mga 'yan? 'Di ba para rin sa akin? I can do whatever I want with your money. And don't worry, I can manage our company. Kahit naman hindi ka magtrabaho, kikita pa rin ang kompanya mo. And yes, I do have a dream, of course...pero mababaw lang kasi lahat naman nakukuha ko e."

Napahilot siya sa sintido tila hindi nagustuhan ang sagot ko. I shrugged my shoulder and was about to go upstairs when he started talking about something I didn't expect to hear from him.

"I don't want to do this to you, but you're being too much. Siguro ay kung magkakaroon ka na ng asawa titino ka na at matututo..."

"What do you mean?" my brows shot up. Kahit namumungay ang mga mata at kating-kati nang tumungo sa kwarto ay pinilit kong manatili to hear what he said.

"Tomorrow, the son of my friend will come here. Mamanhikan sila at pag-uusapan na rin ang engagement party niyo ng anak nila. You're not going to leave this house because you will prepare yourself and wait for them." Pakiramdam ko hindi agad iyon naproseso ng isip ko.

W-What?! Ang ibig sabihin...I am going to marry someone?! O c'mon! Uso pa ba ang arrange marriage ngayon?! Holy fuck?!

"Dad, I don't need that. I can't marry someone I don't know." I growled. Mabilis ko siyang tinalikuran at tumungo na sa kwarto ko bago padabog na sinara ang pinto.

Lasing lang ako at mali ako ng narinig.

Relax Mild, hindi ka pa magpapakasal.

I chose to sleep, na hindi naman naging mahirap sa akin. Kinabukasan ay nagising ako ng mag a-alas diyes na ng umaga. I groaned and squeeze my eyes before getting up from my bed. That's when I realized I slept naked. Pinagmasdan ko ang sarili sa full length mirror bago humugot ng malalim na hininga at kinuha ang night robe ko na nakasampay sa couch bago 'yon sinuot.

I love sleeping naked, nakasanayan ko na 'yon at palagi rin akong nag l-lock ng pinto. Walang sinuman ang allowed na pumasok sa kwarto ko or I will scold them. After fixing myself, I chose to go down so I could get myself a breakfast...pero kumunot ang noo ko ng makitang, nagkakagulo ang mga kasambahay namin.

"Ate Chess, what's happening?"

"Ma'am naghahanda po kami para sa dinner mamaya."

"Huh? Dinner? Why? Uuwi ba sila Granny?" t'wing uuwi lang kasi sila Granny nagkakaganito sa bahay. Usually dad and mom are busy. Ako lang ang kumakain dito, minsan ay sa hotel na lang namin sila nag i-stay, since mayroon sila roong room na para sa kanila lang talaga.

"Darating daw po ang mapapangasawa niyo, young lady. Ipinaguutos po ng dad niyo na maghanda para mamaya."

Mapapangasawa?

Kumirot ang ulo ko kaya nasapo ko iyon bago napahilamos sa mukha. I remembered what my dad told me last night. So that was real?! Akala ko panaginip lang, shit!

Ayoko magpakasal! Hindi ako magpapakasal! No fucking way!

I stepped back, planning to run away, but dad's figure upstairs stopped me.

"You're not planning to escape, are you?"

"I am just going to meet Zandra," Tinaasan niya ako ng kilay bago naglakad pababa.

"You're not going to leave, darating ang pamilya ng mapapangasawa ko." My chest tightened as my fist clenched.

"I don't want to get married!" I screamed, completely losing my patience.

"You have no right to talk about marriage, Mild. I gave you chances to fix your life, but you wasted the chances I gave you. Now it's my turn to discipline you."

"By pushing me to marry someone?! Really?"

"Fix yourself, mamayang gabi darating sila."

"Hindi ako magpapakasal!"

"Then say goodbye to your cards, bags, shoes, and cars, Mild... I will sell them all."

"No way! You can't do this to me, dad!" Nagpupuyos sa galit na sigaw ko pero malamig lang niya akong tiningnan.

"I can, sa akin nanggaling ang mga perang ginastos mo para sa mga 'yan Mild. Now choose, get married and continue living your fancy life? Or say goodbye to your whims."

Wala akong naisagot ng tuluyan siyang tumungo sa dine hall. My breathing becomes heavy. I was so upset but have no power to do anything about this! God, I feel like losing my sanity. This can't be happening!

Galit akong tumungo sa kwarto at nagkulong. Kinausap ko si Zandra pero wala rin siyang maibigay na magandang advice sa akin. Damn it!

I didn't eat lunch. Mas pinili kong itulog na lang ang inis hanggang sa nagising ako sa sunod-sunod na katok. I groaned before attending to it, and I saw one of our maids standing in front of my door.

"What is it?" She bowed to me with her hands in front of her.

"Young lady, pinapasabi po ng daddy niyo na mag-ayos na raw po kayo at padating na ang mga bisita." I rolled my eyes and closed my door. Marahas akong bumuntong hininga at halos mapasigaw sa inis!

Bullshit! I can't do this!

Kumirot ang dibdib ko ng may imaheng pumasok sa isip ko. I shut my eyes firmly. No...hindi ko siya dapat maisip sa mga oras na ito. I have my own problem to fix, and thinking about him won't do any good.

Para akong lantang gulat na nag-ayos pero mas inisip kong asarin ang mga bisita lalo na si dad. I wear my very revealing mini dress. Like I was going to the bar. Kita ang dibdib ko at likod at mayroon din sa bewang ko.

Pagkatapos kong maglagay ng makapal na make up ay bumaba ako. Napatingin sa akin ang ilang maids namin na yumuyuko sa t'wing madadaanan ko sila.

"Young lady, andiyan na po ang mga bisita...ikaw na lang po ang hinihintay." ngumisi ako at nilagpasan na siya.

We'll see.

I step inside the dining hall and all eyes pierce me. Napaawang ang mga labi nila pero wala na akong pakialam. Dad glared at me, but I didn't give a damn about it.

"Good evening, everyone!" I greeted. Tumikhim si Dad at nahihiyang tumingin sa parents ng mapalangasawa ko, while the guy wasn't even looking at me.

"Napakagandang dalaga naman talaga ng anak mo kumpadre."

"Thank you, kumpadre, manang mana 'yan sa mommy niya."

"Oh speaking of, where's Milianna?"

"Well, she's outside the country, she can't make it tonight."

"I see. How are you, hija?" baling nito sa akin pero peke lang akong ngumiti.

"Fine," Tumango naman ito at binaling ang tingin kay dad para mag-usap tungkol sa negosyo habang ako naman ay napatingin sa mapapangasawa ko.

Gwapo, pero mukhang antipatiko.

"Son, why don't you introduce yourself to your fiancé?" The guy looked at me boredly.

"Leon, and you're not my type." Everyone fell silent after Leon said that. Kahit ako ay nagulat pero sa likod ng isip ko'y natuwa ako.

Leon walked out, and I chose to run after him.

"Hey wait!" naabutan ko siya sa may living room and he stopped. Kaagad ko siyang hinarang at humalukipkip.

"I like what you did."

"I didn't do that for you."

"Yeah, I know, but I want you to know that the feeling is mutual. I'm Mild by the way."

"Okay," He was about to leave when I stopped him again.

"Help me to stop this marriage." Kumunot ang noo niya.

"Do it yourself."

"Hindi ba ayaw mo naman?"

"Yeah, but my dad blackmailed me. I have no choice."

"Likewise! But we can do something. Para...para hindi na nila ituloy." tinaasan niya ako ng kilay pero hinila ko na lang siya palabas at pinasakay sa kotse. I let him drive us away and we stopped in the middle of nowhere.

"So what's the plan?"

"Make someone pregnant."

"What?! Are you crazy?!"

"Well, that's the only way!"

"Hell no! I still love my freedom, I don't want to have a child yet."

"Pero 'yon na lang kasi ang pinakamabisang paraan. To tell them you have a girlfriend already won't make them stop, sasabihin pa nila na makipaghiwalay ka, so make someone pregnant."

"No way! Why don't you get yourself pregnant? Tutal idea mo 'yan?" namutla ako sa sinabi niya and he sarcastically chuckle.

"I will send you back." He was about to drive back when I stopped him. Nagpadala ako sa malapit na bar at kaagad naman siyang umalis, ni hindi man lang nag volunteer na samahan ako. Tsk!

I am so fucked up!

Should I really get someone to impregnate me?! Crazy!

I tried to drown myself until I saw a guy who was trying to seduce me. I just shook my head and looked away as he licked his lips before taking his shot.

Damn! I can't see myself having sex with someone I don't know.

Tumayo na ako at lumabas ng bar, as the night wind envelops me.

I should do something.

I can't be married.

I don't know what came into my mind... but I found myself on someone's front door. Yakap ang sarili na pinapadyak ko paminsan minsan angnisang paa, mahina lang iyon. Habang hinihintay na bumukas ang pintong ilang beses na akong kumatok.

Mayamaya lang ay naramdaman ko na ang pagbukas noon at bumulaga sa akin ang lalaking matagal kong hindi nakita ng personal at nakausap.

My lips part. Walang salitang mailabas sa mga labi ko. I don't know what to say... napatitig ako sa mga mata niya and I almost fell of the floor when my knees trembled.

"Chrome."

"Mild..."

What should I say next?

"Why are you here? At this hour?" malamig pa sa yelo ang boses n'ya. Sa mga oras na 'yon, parang gusto ko na lang umatras... but no! Kung mayroon man akong gugustuhin na samahan at mapangasawa, siya na lang. Siya lang.

"Anakan mo ako, Chrome."

Related chapters

  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 2: STAY

    If I can recall those memories of me doing shameful things, walang wala ang mga 'yon sa ginawa ko ngayon. Or maybe there is something that until now I cannot forget.Is it really what I want or just the effect of alcohol?Should I leave and tell him I was just drunk?Gosh! Ano ba itong pinasok ko?He never lifted his gaze from me, eyeing me suspiciously. I couldn't speak anymore. Nakaupo ako sa harapan niya ng maayos, tila napakatino kong babae sa kabila ng kapirasong tela na suot ko. He was sitting in front of me with his ripped arms folded over his chest. I can see that he has changed a lot. From his dark brown hair, his aristocratic nose, and thick eye brows that complemented his eyes."You reek of alcohol. I'm sure you're drunk," I swallowed hard and bit my lower lip."Since it would be rude for me to chase you away at this hour, and considering that you're under the influence of alcohol, I'll let you sleep here for tonight, "there's a finality in his voice that sends chills down

    Last Updated : 2023-03-15
  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 3: AFTER YEARS

    Warning R-18. Read at your own risk.—Hindi ako mapakali sa loob ng bahay ni Chrome. Halos hindi ako mapahinto sa isang sulok dahil sa kaba na nararamdaman ko. God, I must really have gone insane for doing this, pero hindi ako mapipilit ni Daddy na magpakasal kay Leon.I am still thinking, kung paano malulusutan ang sasabihin ko kay dad, pero as much as possible I want it real, dahil baka pagkalipas ng ilang buwan at wala akong naipresentang anak sa kaniya ay maulit lang ulit at ipilit na talaga niya akong ipakasal at kahit anong dahilan ang sabihin ko ay hindi na niya ako paniwalaan.Kumain ka ng lunch. He cooked for us. Hindi man lang niya ako kinausap o binilinan. Para akong pusa na hinayaan niyang manatili sa bahay niya at maglaro. Buong araw siya'ng nasa kung saang lupalop ng bahay niya.Nang sumapit ang gabi ay doon mas dumoble ang kaba ko. Tinawag niya ako patungo sa kwarto niya at halos alangan pa akong sumunod.Come on, Mild, you asked for this. Huwag ka nang maduwag! Mataga

    Last Updated : 2023-03-15
  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 4: LOSING

    Nagising ako na parang binugbog ang katawan sa sakit. Groan escape my lips as I forced myself to get up. Nang lumingon ako sa direksyon ng bintana ay may sumisilip doon na liwanag, kaya natitiyak kong umaga na at sikat na ang araw."Fix yourself, nagluto na ako ng breakfast... Kumain ka na muna bago ka umalis. " I almost jumped out of shock when I heard Chrome's voice behind me. Iba pa rin talaga ang epekto niya sa akin, hindi nagbabago.Binalewala ko ang presensya niya at hindi nagpahalatang naaapektuhan pa rin niya ako. I entered his bathroom, only for him to confirm that I temporarily held my breath when he was near. Saka lamang ako nakapagbitaw ng malalim na hininga nang maisara ko na ang pinto.God, I am freaking damned.Ngunit alam kong wala akong magagawa kung hindi pakatawanan ang mga padalos-dalos kong desisyon. Isa pang bagay na dapat kong makasanayan... Ay masaktan ng lihim sa tabi ni Chrome.Dahil... Dahil may hinala ako na, may nararamdaman siya para sa ex niya. Nakita ko

    Last Updated : 2023-03-21
  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 5: SECRET

    Matapos manggaling sa unit ni Zandra ay bumalik na rin ako sa bahay. Sakto na naroroon na rin si dad kaya hindi na ako nagdalawang isip na kausapin siya.Nagbihis muna ako, matapos mag-shower bago tumungo sa private office kung saan siya naroroon at abala sa pag t-trabaho. Hanggang dito'y trabaho pa rin talaga siya. Kahit si mommy kapag andito ay walang inatupag kundi ang pag t-trabaho."Dad," Kinuha ko ang attention niya bago ako tuluyang pumasok. Kaagad namang bumaling sa akin ang tingin niya."Mild, bakit hindi ka pa natutulog?""We need to talk, dad." Napaayos ito ng upo at hinintay akong makaabot sa harapan niya."What is it?" he asked, curiously."I... I don't want to marry Leon, dad." nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko."We already talked about this Mild. Nakausap na rin natin ang dad ni Leon. Nagkasundo na tayo hindi ba? Susuwayin mo nanaman ba ako?" Umilingiling naman ako at marahang ipinatong ang isang brown envelop at dalawang pregnancy test na nakalagay sa plati

    Last Updated : 2023-03-21
  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 6: PAIN

    Sobrang himbing ng tulog ko kinagabihan. Halos wala pa sana akong balak bumangon at magmulat ng mata kinaumagahan kung hindi lang paulit-ulit na tumunog ang phone ko.Kinusot ko ang mga mata at marahang nagmulat. Nakailang pikit pa ako para mag-adjust ang paningin bago tuluyang kinapa ang phone ko sa kinalalagyan. Unang pumasok sa isip ko si Leon, ano naman kayang kailangan pa no'n sa akin?"Ang aga mong mambulabog Leon, natutulog pa ako! Akala ko ba okay na tayo? Malaya ka na kaya please lang patahimikin mo na ak—""Nasa labas na ako ng bahay niyo, get down here, Mildred." parang tuluyang nagising ang diwa ko ng hindi boses ni Leon ang marinig. Namimilog ang matang napatingin ako sa screen ng phone ko only to see an unregistered number!Si Chrome!Napatakbo ako pababa sa kama at kaagad na sumilip sa bintana. Nanlalaki ang mata ko nang mapatingin sa lalaking nasa labas ng gate ng bahay namin at nakasandal sa kaniyang kotse habang naka dikit pa rin ang phone sa tainga niya. Nang makita

    Last Updated : 2023-03-22
  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 7: TRYING

    Nakarating kami sa bahay ni Chrome nang walang umiimik sa aming dalawa. He took my luggage and bags out, tahimik kong binuhat iyong mga alam kong kaya ko."What are you doing?" hirap ko siyang hinarap."Ako na magdadala nito sa loob, magaan lang naman." kumunot ang noo niya ngunit hindi na niya ako pinigilan. Nagpatuloy naman ako papasok hanggang sa marating ko ang pintuan ng bahay ni Chrome. He passed by me to open it, pagkatapos ay kaagad naman siyang humarap sa akin and signed me to enter first.I breathed in as I remembered that night that spent together."Ano pang tinatayo mo dyan? Sumunod ka sa 'kin." Napalingon ako kay Chrome na kunot ang noong nakatingin sa akin bago naunang umakyat. Sumunod naman kaagad ako sa kaniya hanggang sa marating namin ang guest room."Dito ka mag-stay." he said habang ibinababa ang mga gamit ko."Hindi tayo mag s-share ng room?" his eye brow raised."No," one word. Pero nakapagdulot na agad ng kirot. Tumango-tango naman ako at nag-iwas na ng tingin,

    Last Updated : 2023-03-22
  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 8: WILL IT BE WORTH IT?

    Nagising ako na halos kumalam ang tiyan. I forgot that I didn't eat anything last night. Hindi ko alam kung anong oras umalis ang mga kaibigan ni Chrome.Marahan kong iminulat ang mga mata ko only to shut it again when a ray of sunlight hurt my eyes. Hinayaan kong mag-adjust muna ang mga mata ko sa liwanag bago muling nagmulat at bumangon. My eyes were on the outside of the open window as I averted it accidentally to the coffee table. Napasinghap ako ng makitang may mga pagkain na nakaayos doon at may takip. Marahan akong bumaba at lumapit doon, halatang bagong luto ang mga iyon kanina, mainit pa kasi."Ubusin mo 'yan," my heart pound fast the moment that voice roared inside the room. Kahit hindi ako lumingon ay alam kong si Chrome 'yon."Ang dami," I mumbled."Hindi ka kumain kagabi, umakyat ako rito para magdala ng dinner mo, naabutan kitang himbing na himbing ang tulog." he stated. Sumulyap ako sa kaniya bago muling binaling sa pagkain. Nakaramdam ako ng konting kilig dahilsa ginag

    Last Updated : 2023-03-22
  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 9: DENIED

    "Where do you want to eat dinner?"Kumain kami kanina kasama ni Bonie ng lunch sa katabi na restaurant ng boutique. But now that he's asking that while we're alone inside his car, it feels different. Kung dati nagagawa kong sabihin sa kaniya ang pangalan ng mga mamahaling restaurant na gusto ko, ngayon ay natatahimik na lang ako. I feel like I lost my confidence over things and ended up a woman who always doubts the words inside her head, so she can't voice them out. Ayoko lang na isipin niya na tulad pa rin ako ng dati, I want him to see me as a changed person, a better woman who's deserving of a second chance."I-Ikaw, where do you want us to eat? We can just take it out, sa bahay na lang tayo kumain, what do you think?" bumaling siya sa akin saglit, kunot ang noo at patuloy na nagmamaneho. Binalik din naman n'ya ulit sa unahan ang attention at hindi na nagsalita kaya pinili ko na lamang din manahimik. Maya-maya lang ay huminto na rin kami at nagulat akong dinala niya ako sa restaur

    Last Updated : 2023-03-22

Latest chapter

  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 23: Losing Hope

    Antok na antok ako pagkadating namin sa bahay ni Ai, kaya naman nagpaalam muna ako na matutulog muna bago laruin si Maeve. Maging si Chrome ay hindi ko na rin naintindi nang sandaling makapasok kami sa guest room. I dived in the bed immediately, burying myself on the pillow and doze off. Maybe it's because of our flight dahil medyo matagal ang naging biyahe namin at hindi naman ako nakatulog ng maayos, and also maybe the fact that I am pregnant. Until now I don't know how to handle this pregnancy, wala pa rin kasi akong lakas ng loob na sabihin kay Chrome, hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa kaniya. Natatakot ako. Nagising ako na walang kasama sa kwarto. I groaned and realize it was already evening here in LA. Kaagad akong bumangon at piniling maligo muna at magpalit ng damit, pagkatapos ay lumabas na rin ako only to see Chrome cheerfully playing with Maeve. Halatang halata na magkasundo ang dalawa, I wonder where's Ai.Napansin naman ako kaagad ni Maeve kaya agaran itong t

  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 22: LOS ANGELES

    I zipped my bag as I prepared my outfit. Inihanda ko na rin ang regalo ko for Ayi. Chrome's inside the shower room. Dinig na dinig ko pa ang lagaslas ng tubig habang pabalik-balik from the walk-in-closet to my bed. Dito siya natulog sa kwarto na ginagamit ko and he even told me na rito na talaga siya tutulog lagi. I don't know what's up with him, naninibago ako sa treatment niya sa akin. Tila bumabalik siya sa Chrome na naging boyfriend ko noon. Mas lalo lamang nagulo ang isip ko at sa mga plano ko. He even placed his things inside my closet. Kaya ito at ako na rin ang nag-pack nang mga damit niya. I told him last night ang binabalak kong pag-alis papunta sa Los Angeles, and he told me he'll come with me. Noong una ay hindi ako makapaniwala at siniguro ko pa. Pero pinilit niya ako na sasama siya at perfect time na rin daw iyon para makapagbakasyon kami. I was currently picking some set of clothes when a thing from the closet—under his shirt rather fell off the floor. Yumuko ako para

  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 21: KISS

    Nagising ako na may naramdamang mabigat na bagay na tila nakadantay sa mga hita ko. Pakiramdam ko ang hirap huminga dahil nakasubsob ang mukha ko sa kung saan at may matigas na bagay ang nakapulupot sa bewang at likod ko.I groaned as I tried to move. Konti lang ang distansya na nagawa ko dahil hinapit akong muli nito. I found Chrome still peacefully sleeping, habang nakadantay ang isang hita niya sa akin, parehong nakayakap ang dalawang niyang kamay at sa dibdib niya pala nakasubsob ang mukha ko kanina. My hand was hugging his waist, ang isa naman ay nanatiling namamagitan sa katawan naming dalawa.Bahagyang nakaawang mga labi niya and he's sleeping soundly. Lumamlam ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang gwapo niyang mukha pababa sa maputi at matipuno niyang braso at dibdib. Chrome has a lean body. Hindi kalakihan, hindi rin payat. He has muscles, may abs, dahil sa pag w-work out niya siguro and he has really fair skin. Inilapit ko ang mukha ko at marahang nilapatan siya ng halik s

  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 20: HOME

    Si Chrome rin ang nasunod sa huli. Hindi na niya ako pinapasok and told me to just stay here. Kaya naman daw niya at alam na niya ang schedule niya sa araw na 'to. Hindi na ako nagpasaway at sumunod na lang dahil baka magalit pa siya sa akin.Ngunit eto at pinapatay naman ako ng pagkaburyo. Naiinip ako at may gusto akong gawin kahit na may parte sa akin ang gusto na lamang matulog.Dahil maaga pa naman ay nag-shower ako saglit at nagpalit ng damit. I just wear something comfortable. A baggy pants paired with my skin-tone croptop. Pinuyod ko lamang ang buhok at nag-suot ng puting sapatos. Saka kinuha ang susi ng kotse, wallet at phone ko at umalis na rin.I texted Zandra, and told her I was going to her condo. Nakatanggap din naman ako ng reply mula sa kaniya and she told me okay. Naroon naman daw siya at hindi umaalis. Namimiss na rin niya kasi ang bonding namin, lalo pa't pinagbawalan na ako ni Chrome na uminom ng alak. Pagkarating sa unit ni Zandra ay kaagad ako nitong pinapasok. Na

  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 19: ASSUMPTION

    "Buti pumayag ang asawa mo, Mai?" kalalabas ko lang ng kwarto ni Ayi rito sa condo ni Aivah, ay dumeretso na kaagad ako sa kusina kung nasaan siya a nagluluto ng gabihan."I told him na uuwi rin ako bukas ng umaga." pinanood ko siyang kumilos at magluto. Unlike me, she knows better. Napangiwi ako sa naisip. I just realized how useless I was before. Kahit magluto ay wala akong alam. Ano bang ginagawa ko buong buhay ko?"Bakit hindi mo sinabi na bibisita kayo rito? I am planning to visit next week.""Eh kasi iyaknang iyak, gustong gusto ka na raw makita. Alam mo naman ang batang 'yon sobrang mahal ka. Kahit si Andreh ay hindi kayang patahanin kaya sabi ko, madali lang kami." natawa ako sa huli niyang sinabi."Ano 'to, parang mall lang sa inyo ang pagpunta rito ah? Parang ang lapit ng LA." maging siya'y natawa sa sinabi ko ngunit agad din kaming natahimik."Gear... Why was he with you earlier? Balit hawak-hawak niya si Ayi?" mula kanina ay ngayon ko lang nabakas ang kaba niya, mukhang ka

  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 18: MAEVE

    Simula nang mag alas dos ay hindi ko na maiwasang hindi mapatingin sa wall clock. Mabilis ko ring inasikaso ang trabaho ko para sa araw na 'to dahil balak kong umalis agad kapag nag alas sinco na kung saan oras na para umuwi ang mga empleyado.Iyon nga lang ay wala akong balak na umuwi kaagad dahil may balak akong gawin at puntahan.I was fixing the folders na magkakapatong sa mesa ko ng mapasulyap ako sa opisina ni Chrome where I saw Gear entered. Nakaramdam ako ng biglang kaba. Sinubukan ko silang silipin. Gear remained formal and unbothered in front of my husband, discussing something—maybe connected sa project na pinagpaplanuhan. It was one of the biggest projects Chrome had, kaya hands-on na hands-on sila.I admire how they can stay formal and professional despite the fact that they're dealing with their inner silent battles inside of them. Gear's in pain, and so is Chrome. Pareho sila, pareho kaming tatlo. Pero kung titingnan mo silang dalawa ngayon ay parang hindi sila parte ng

  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 17: HOPE

    Wala ako sa sarili nitong mga nakalipas na linggo. I've been absent-minded off-work. Kapag nasa trabaho naman ay abala ako. Busy din si Chrome nitong mga nakaraan kaya hindi halos kami magkadikit.Isama pa'ng madalas si Aisen sa office ni Chrome, like she's guarding him. Minsan ay kasama pa niya si Rycka. At hindi ko maiwasang mahuli ang mga pasiring nilang tingin sa akin and if I know I am their topic.Well, I thanked them for giving attention to me, kahit hindi naman ako nagpapapansin sa kanila. Pero dahil inaabala ko ang sarili ko sa mga ginagawa ay hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin.I suddenly felt a head ache, so I chose to drink water from my hydroflask. Pagkatapos ay binalik ko nang muli ang attention sa laptop, checking emails."May dinner mamaya sa bahay ni Sought, punta ka Chrome huh?" natigil ako saglit sa narinig. Wala naman ako noong unang pakialam kung pumayag si Chrome, desisyon niya 'yon at mga kaibigan niya 'yan. Okay lang sa akin kung pumunta siya. I cannot

  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 16: CALL

    Hindi ako ginambala ni Chrome maghapon. Natulog ako sa kwarto pagkapasok ko at nagising ako ay gabi na. It's almost a month after we married each other. I was now staring at my reflection inside the bathroom, holding my stomach.Nang makaramdam ng gutom ay bumaba ako. Hindi ko alam kung nasaan si Chrome, or maybe he's inside his room. Binalak kong dumeretso sa kusina and I saw a man busy cooking. I yawned and squeezed my eyes before walking near him. I sniffed. Kumunot ang noo ko ng hindi 'yong pabangong madalas niyang gamitin ang naaamoy ko. He smells good tonight, pero mas prefer ko 'yong dati."Did you change your perfume? I like the previous one, Chrome. Pero ang bango ng niluluto mo ah? New recipe? Nagutom tuloy ako." I held his waist para makagilid ako to get a cup. I am planning to make myself a cup of milk. Ngunit ng mag-angat ako ng tingin sa kaniya ay halos mabitawan ko ang cup at nanlalaki ang matang napatitig sa mukha niya. I automatically withdrew my hand from gripping hi

  • EX WITH BENEFITS (TAGALOG)   CHAPTER 15: UNACCEPTED REASON

    Matapos ibaba ang telepono ay binalingan ko naman ang ilang documents na pinadala ni Chrome rito after meeting.Napasapo ako sa noo ng maalala ang nangyari kanina. Halos hiyang-hiya ako noong bumalik kami sa conference room. Lalo pa't nasa amin ang tingin ng lahat tila nagtataka kung bakit magkasunod kami at kung bakit tila natagalan kami. Some of them are looking at us suspiciously at isa na roon si Gear na sobrang mapanuri ang titig sa akin.I swear! Huling beses na iyon at hindi na mauulit dito! I can't bear the embarrassment I felt. Kahit wala naman talaga silang alam pero 'yong pakiramdam na parang may meaning ang mga tingin ay hindi nakakatuwa.Tinapos ko ang trabaho ko sa umagang iyon. Tumayo na rin ako to grab lunch. Saktong paglabas ko ng office ay ang paglabas ng pamilyar na babae sa elevator. Hindi pa ito nakatingin sa akin. She's looking for something in her pouch, ngunit napahinto rin ng nasa tapat na siya ng opisina ni Chrome at sa harapan ko. It was too late for me to g

DMCA.com Protection Status