NANDOON siya ngayon sa harap ng bahay ni Niña ngunit kanina pa siya kumakatok o nag dodoorbell ngunit walang lumalabas sa kaniya. Impossible iyon dahil sigurado siya by that moment malaki na dapat ang anak niya at tatakbo ang mga ito palapit sa kaniya.
Well, yan ang imagination niya.
“Sino po kayo?”
Nagulat si Sarah ng may marinig siya na maliit na boses mula sa kaniyang tabi. Pag harap niya dito ay natigilan siya ng makita niya ang isang batang babae na kamukang kamuka niya!
“K-kamuka kita?” muling sabi nito sa kaniya.
“I-ikaw na ba ang bunso ko?”
Napakunot ang noo ng bata at maya maya lang ay bigla nalang itong tumakbo palayo.
“Sandali!”
Ngunit hindi niya ito nahabol pa dahil sa bilis nito. Muli siyang himarap sa bahay ni Niña at sumigaw doon.
“Niña! Niña bukasan mo to!”
“Miss wala ng nakatira jan,”
Natigilan siya ng sabihin iyon ng napadaan na matanda sa bahay na iyon.
“Wala na po? Pero andito ang kaibigan ko, pati ang mga anak ko!”
“Baka si tisay, yung bata na pagala gala dito. Hindi siya mahuli huki ng DSWD sa bilis niya tumakbo hanggang sa hinayaan nalang. Maraming nagbibigay sa kaniya ng pagkain dahil natutuwa sa kaniya pero wala siyang maayos na tuluyan. Sandali, magkamuka nga kayo!”
Dahil sa narinig ay agad na nagpasalamat si Sarah dito at hinanap ang anak niyang babae. Madungis ito pero malusog naman ang katawan at maliksi. Tulad ng sabi ng matanda kanina ay hindi niya ito mahanap dahil sa galing mag tago at bilis kumilos.
Nagpunta nalamang siya sa malapit na prisinto doon at nagtanong kung anong nangyari sa kaibigan. Nagulat siya sa nalaman na ninakawan ang bahay na iyon ni Niña. At simula nun ay hindi na nila ito nakita pa.
Matagal na ngang abandunado ang lugar pero ang batang ‘tisay’ na kamuka niya ang tanging naiwan doon. Tatlong taong gulang daw ang bata ng mangyari, sa pagkaka-alam nila ay mayroon itong kasama ngunit wala na silang nabalitaan pa sa natitirang bata.
Hindi napigilan ni Sarah na mapaiyak dahil doon. Napahamak ang mga anak niya ng dahil sa kaniya. Dahil sa kapabayaan niya bilang ina ay napariwara ang buhay ng mga ito.
Ngayon nawawala ang dalawa niyang anak na lalaki.
“Bakit ka umiiyak?”
Napaangag ng tingin si Sarah ng marinig ang familiar na boses na iyon. Nakita niya ang anak, iba na ang suot nito at bagong ligo na siya dahil hindi madumi. Iyon na ata ang sinasabi ng matanda sa kaniya na may tumutulong sa bata na mga nakatira doon.
Mas lalo siyang naiyak dahil doon.
“Eto pagkain baka gutom ka kaya ka naiyak.”
May iniabot sa kaniya ang bata na isang tinapay na mula sa goldil*cks.
“S-saan galing to?” tanong niya dito.
“Dun sa bahay na malaki, lagi nila akong pinapakain at binibihisan. Maganda ba ang damit ko?”
Malaking ngiti na sabi nito at umikot pa sa harap niya dahil dress ang suot ng bata.
Matatas na itong magsalita at hindi mo aakalain na anim na taong gulang lang ito. Pero dahil doon mas lalo lang siyang naging emosyonal sa mga naririnig mula dito.
“Bakit umiiyak ka nanaman? May pagkain ka naman ah? Mukang maayos naman suot mo. Sabi sakin ni mama kapag umiyak daw ako kukunin ako ng masasamang tao kaya di ako umiiyak, tumatakbo lang ako. Gusto mo ba tumakbo?”
Natigilan siya sa sinabi ng bata at doon na siya nakaramdam ng kirot sa puso. Ang mama na tinutukoy nito ay sigurado na ang kaibigan niya na si Niña. Ito ang kinikilala niyang ina hindi siya, sabagay kapapanganak niya palang dito ng iwan na niya ito.
“N-nasaan ang mama mo?”
Natigilan ito sa tanong niya at sumagot din agad.
“Hindi ko alam, sabi niya babalikan niya ako kaya inaantay ko siya dito.”
Mas lalong gustong maiyak ni Sarah sa narinig. Ilang taon ng naghihintay ang anak niya doon. Ni hindi nga niya alam kung buhay pa si Niña.
“Nasaan ang mga kambal mo? Hindi ba dapat magkakasama kayo?” agad na tanong niya dito.
“Kambal? Wala akong maalala na may kambal ako.”
“Anong wala?! Meron kang kambal! Dalawang lalaki! Alam ko dahil anak kita! Anak ko kayo!”
Hindi napigilan ni Sarah ang emosyon niya dahil sa narinig. Impossible na makalimutan nito ang tungkol sa mga kakambal nito dahil malalaki na sila ng manakawan. Pero dahil sa pag sigaw niya ay napaatras ang bata sa kaniya na tila natakot.
“Hindi ikaw ang mama ko! Isa lang ang mama ko at wala akong kakambal!”
Pagkasabi ng anak niya na iyon ay tumakbo na ito palayo doon na siyang ikinatigil ni Sarah. Tila sinaksak siya ng kutsilyo harapharapan dahil sa sinabi na iyon ng anak. Iisa lang daw ang mama niya at hindi siya.
Nanghihina siyang napaupo sa sahig at muling umiyak.
‘Ano ba talaga ang nangyari?’
***
NASA harap siya ngayon ng ospital na pinag tatrabahuhan ni Doctora Venice. Kung nawawala si Niña malamang na makakakuha siya ng sagot mula sa kaibigan na doctor.
“Miss, nandito ba si Dra. Venice?”
“Si Dra. Venice Shawna?”
“Yes,” tango na sabi niya dito.
“Two years ng umalis dito si Dra. Hindi na siya dito nagtatrabaho,”
Nagulat siya sa nalaman pero kaagad niya ring tinanong kung baka alam nila kung saan ito nag tatrabaho. Ang sabi nito ay tanungin niya ang dating assistant ni Dra kaya pumunta siya sa Obygyn na floor.
“Miss,” tawag niya dito.
“How can I help you—miss Sarah?!”
Nakikilala niua ang babae, iyon ang nakikita niya lagi na kasama ni Venice noong nag papa check up siya!
“Jess! Mabuti at ikaw ‘yan! Hinahanap ko si Dra. Venice alam mo ba kung san siya lumipat at bakit?”
Pagkatanong niya na iyon ay agad na lumungkot ang muka ng babae. Inaya siya nito sa canteen ng ospital at doon sila nagkape habang nag-uusap.
“Three years after mong manganak Miss Sarah nagkagulo sa pamilya ni Dra. Venice. Ang sabi niya sakin ninakawan daw ang bahay ng pinsan niya na si ma’am Niña at nawawala ito, pati ang mga anak nito nawawala daw! Sobrang stress ni Dra. Ilang buwan siyang wala sa sarili hanggang sa nag resign siya at sinabing lilipat siya ng ospital sa probinsya.”
Mas lalong naguluhan si Sarah dahil sa nalaman. Tingin niya ay hindi simpleng nakaw lang ang nangyari sa bahay ni Niña, alam niya na mayroon pang malalim na dahilan dahil kung hindi di naman aalis si Venice sa pinag tatrabahuhan niya.
Nagpasalamat siya kay Jess lalo na at nabigay niya ang bagong workplace nito. Nag kwentuhan lang sila ng ilan pang sandali bago tuluyang umalis doon.
NASA harap na siya ngayon ng bahay ni Venice at dahil gabi na ay di niya ito inabutan sa workplace niya. Mabuti nalang at public hospital iyon kaya nalaman niya ang address nito dahil nagpanggap siyang buntis na mag papa-check up dito.
Nag doorbell na siya at maya maya ay bumukas ang pinto.
“Hello, ikaw ba yung buntis—” hindi natuloy ni Venice ang sasabihin niya ng makilala si Sarah.
Tila nakakita ito ng multo ng makita siya.
“Dra. Venice!” tuwang sabi niya at kaagad itong niyakap ng mahigpit.
Ngunit nagulat siya ng bigla siya nitong itulak palayo sa kaniya.
“Anong ginagawa mo dito?! Ang kapal ng muka mo para magpakita sakin! Matapos ng ginawa ng asawa mo sa pinsan ko magpapakita ka pa sakin?! Hindi ka pa ba masaya?! Tigilan mo na ako!”
Pagkasabi niyon ng babae ay kaagad nitong sinarado ang gate at galit na pumasok sa loob. Habang si Sarah ay nagulat sa narinig. Ginawa daw ng asawa niya? Ibig sabihin ba niyon si Kenneth ang may kagagawan kung bakit ninakawan si Niña?!
Ibig sabihin alam nito na may anak siya at binalak na pagtangkaan ang buhay nila para mabura sa mundo?!
Umakyat ang galit sa puso ni Sarah pero pinigilan niya iyon dahil gusto niyang malaman ang totoo. Sakto na nag ring ang cellphone niya at si Kenneth iyon.
“Let’s have dinner, naihanda ko na ang divorced papers na gusto mo.”
“Okay.”
Saktong sakto, gusto niyang malaman ang totoo mula dito mismo.
“TAKE a seat,”Ngumiti ng bahagya si Sarah ng paghilahan siya mismo ni Kenneth na magiging ex-husband na niya ngayon. Sino nga bang mag-aakala na asawa niya ang pinakang sikat at pinakang mayaman na business man sa mundo na si Kenneth Adams.Sa halos anim na taon nilang pagkakakasal ay walang ibang nakaalam sa katotohanan na iyon dahil na rin sa kagustuhan niya na ilihim ang lahat. Noong una hindi niya kilala si Kenneth, kaya nga pumayag agad siya maging bride nito pero ng makilala niya ito ay doon siya nabahala.Alam niya na maraming tagahanga ang lalaki na halos baliw na baliw sila. Example na jan nung panahon na nagtatrabaho palang siya. Naririnig na niya ang pangalan nito sa mga katrabaho, kaya talagang hindi niya inaasahan na ang ina-admire nila ang napangasawa niya.Pero hindi katulad ng mga nagpapakasal na mahal nila ang isat-isa, sila hindi. Nagpakasal sila dahil kailangan ni Kenneth ng bride while her? Kailangan niyang mabuhay para maipanganak ang mga anak.Na ngayon ay nawaw
“Yes, gusto ko ng makipag divorced.”Labas man sa ilong ay deretsyo na sinabi iyon ni Sarah kay Kenneth habang nakatingin ng seryoso dito. Buo na ang desisyon niya at wala ng makakapigil pa sa kaniya lalo na ngayon na nawawala ang dalawa pang anak niya.“Okay then, let’s finish our dinner so you can sign the papers.”Tumango lang si Sarah sa sinabi ng lalaki at hindi na tumingin dito. Habang si Kenneth ay palihim na tinitignan ang babae. Minamasdan bawat kilos nito na tila mayroong gustong malaman mula dito.Nang matapos kumain ay pinirmahan na ni Sarah ang papel na sandali niyang ikinatitig dito. Ilang taon din sila na nagsama at sa ilang taon na yun ay nahulog na rin ang loob niya sa lalaki ngunit hindi siya ang para dito.Para sa kaniya ay isa siyang sinungaling na asawa at pabayang ina.Bumalik siya sa katinuan at inabot na sa ex-husband niya ang papeles.“Sorry for a sudden notice, Kenneth. Throughout our marriage I’ve been happy. I hope naging mabuti akong asawa sayo,” pagkatapo
“I don’t know that I was wrong. I’m really sorry Sarah, if I knew it from then I should have told you what happened earlier.” Hinging paumanhin ni Dra Venice bago niya marinig lahat ng kwento ni Sarah dito. Nagsisisi tuloy ito na itinago niya ang totoo kay Sarah sa loob ng mahabang panahon. “No, Dra. Kung may dapat mang sisihin dito ay ako. Ako ang ina ng triplets… p-pinabayaan ko silang tatlo. Ngayon, hindi ko na alam kung nasaan ang dalawa o kung b-buhay pa ba sila.” “Don’t say that Sarah!” Hindi napigilan ni Sarah ang maging emosyonal dahil sa usapan na iyon. Kahapon pa niya pinipigilan ang pag iyak dahil gusto niyang magpakatatag at umisip ng paraan. Pero ngayon na mayroon na siyang masasandalan at kasangga sa problema at inilalabas na niya ito ngayon. Si Dra Venice naman ay niyakap si Sarah at hinagod ang likuran nito upang iparamdam dito na hindi siya nag-iisa. Maging sa sarili niya ay alam niyang may kasalanan din siya lalo pa at silang dalawa ni Niña ang inaasahan ni Sara
“I can’t believe it ang laki laki mo na!”Hindi maipaliwanag ni Dra Venice ang nararamdaman niya. Masaya siya na malungkot nang makita na si Scarlett. After all those years akala niya lahat ng mga bata ay nawawala iyon naman pala ay naiwan ang bunso at nagpalaboy laboy doon.“Saan ka nakatira?”“Doon po,” sabay turo ni Scarlett papunta sa tabing kalsada kung saan mayroon doong isang bahay na tila kasing laki na ng tao ngunit ang totoo ay tirahan iyon ng aso.“Malapit sa bahay ko ipinalagay ang binigay saakin ng bahay na iyon.” Tinuro muli nito ang bahay na laging nagbibihis sa kaniya at nag papakain.Kilala ni Dra Venice ang bahay na iyon, kaibigan ni Niña ang nakatira doon at alam niya na ang alam nito ay anak ni Niña ang tatlong bata. Mabuti nalang at andoon ito kahit papaano lalo na nalaman niya mula kay Sarah na ayaw nitong tumira sa kahit na anong bahay.Dahil doon naalala niya si Sarah, napalingon siya sa kotse nilang dala at doon ay nakita niya si Sarah at umiiyak. She must be
-Armstrong Group of company-Mula sa napakataas na building, sa tuktok niyon ay naroron si Kenneth na busy sa pag aasikaso ng kaniyang negosyo. Kasisimula lang ng bagong hotel na pinapatayo niya kung kaya busy siya sa mga panahon na iyon isama mo pa na nakipaghiwalay ang asawa niya.Nawala man sa sarili ay pinilit ni Kenneth na ibalik ang sarili para makapag trabaho siya. Since pinapagalitan na rin siya ni Ghill kaya tuloy pa rin siya sa trabaho. Maya maya ay pumasok na ang kaniyang sekretarya na si Ghill na hindi lang basta sekretarya niya dahil matalik din na kaibigan. “I have news about your ex-wife,”Napahinto sa kaniyang ginagawa si Kenneth at sinamaan ng tingin si Ghill. “It’s wife not ex-wife. Sarah is still my wife you know that!” tila gigil pa nitong sabi na ikinatawa ng kaharap.Binibiro kasi ni Ghill ang kaibigan, hindi niya kasi ito maintindan kung bakit kailangan pa nitong magpanggap na hiwalay na sila pero ang totoo ay hindi.“I’m just kidding. So back to the main topic
KINABUKASAN maagang umalis si Sarah para mamili ng kaunting grocery sa kaniyang condo. Kailangan niya ng maraming ingredients sa bahay niya para kapag magluluto siya ng pagkain sa anak ay mabilis niya itong maluluto.Malaki ang ngiti niya sa labi at kung minsan nga ay napapangiti ng kusa kapag naaalala ang pinky promise nila ng anak kagabi. Iyon din ang unang beses na nakita niyang may concern ang anak sa kaniya. Kaya nga ng umuwi sila ni Dra Venice ay di na niya maitago ang ngiti.Dra Venice said na ipupursue niya si Scarlett na sumama sa kaniyang bahay upang di na ito nakatira sa tabing kalsada. Wala namang problema kay Sarah iyon, keysa naman na doon manuluyan ang anak sa tabing kalsada lalo pa at hindi pa siya tanggap ng anak.Sa oras na matanggap siya nito ay sisiguraduhin niyang mamahalin niya ito ng sobra sobra. Isa pang problema niya? Ang nawawalang dalawang anak at si Niña. Nagiging busy man siya ngayon sa pag pursue sa anak ngunit sisiguraduhin niyang hindi niya makakalimut
Mahigpit na yakap ang handog ng mga ito sa isat-isa at kapwa lumuluha ng sila ay makarating sa bahay nila. Walang pinagbago, iyon pa rin ang bahay na iniwn niya noon. Mas dumami lang ang mga bagong gamit at halata mo na ang ganda niyon ngayon.“Saan ka ba nanggaling anak? Ang tagal ka naming hinanap ng tita mo. Nagpatulong pa kami sa pulis para lang mahanap ka pero wala talaga,”Napatitig si Sarah sa kaniyang ama. Ibang iba na ang itsura nito simula ng umalis siya pero maaliwalas na ito hindi tulad ng huli. Dahil nga may sakit ang stepmother ng iwan niya ay parehong matamlay ang dalawa, ngayon kay lakas lakas na nila at tila mas lalong bumabata dahil sa pagmamahalan sa isat-isa.“Mahabang kwento pa, sobrang namiss ko kayong dalawa!”“Hija, handa kaming makinig. Hindi biro ang anim na taong pangungulila namin sayo. Nakalaya nga ang papa mo, na alam namin na ikaw ang nag piyansa sa kaniya at natulungan mo akong mabuhay muli pero ikaw naman tong nawala. Utang na loob namin sayo ang lahat
MATAPOS kumain ni Sarah sa bahay ni Lucia ay umuwi din siya agad. Gusto niyang magpahinga ng maaga dahil bukod sa pagod siya ay gusto niya ring maagang umalis bukas para makita ang pagdating nila Dra Venice. On the other side, gusto niya din muling bumalik sa kanilang bahay at mas makapiling ang ama.Masyadong maraming nangyari ng araw na iyon kaya hindi siya makapaniwala at walang mapagsidlan ang tuwa sa kaniyang puso. Hindi niya akalain na makikita niyang muli ang ama at tiya sa loob ng napakahabang panahon habang ang anak ay maninirahan na sa totoong bahay hindi na sa tabing kalsada.Syempre mas gusto niya kung ano ang makakabuti sa anak at ganoon din sa magulang. Tama nga na kahit anong pagsubok o hirap ang nararanasan ay mayroon at mayroon iyong solution. Kaya bago siya natulog ay nag dasal siya sa Dios ama at humingi ng pasasalamat dito.Samantalang, sa isang silid na walang ibang bulas kundi ang lamp shade niya ay pumasok doon si Ghill. Pasado alas dyes na ng gabi at dapat ay h
“IBIG sabihin ikaw talaga ang tunay na kuya Samuel namin?”Kumalma na ang triplets sa loob ng silid na pinag iwanan ni Kenneth sa mga anak. Uminom na rin sila ng bottled water na nasa mini ref na naroroon. Kumain na rin ng tinapay kahit papaano at nagpahinga roon.“Yes, katulad niyo syempre nawala din ala ala ko tungkol sa inyo. Hindi ko alam hindi pala mababait ang kasama ko noon pa man,”“Speaking of that, kwentuhan mo naman kami sa nangyari sayo doon.” Curious na tanong ni Khalil na ikinatango ni Scarlett bilang pag sang ayon dito.Ngumiti si Samuel at nag isip kung ano ang makukwento sa mga ito.“Ano nga ba? Hindi kasi ako lapit sa tumayo kong magulang. Pero yung mama ko doon, mabait siya. While ang papa ko doon di kami close. Ilag ako sa kaniya kasi palaging mainit ang ulo.”Tila bumalik ang ala ala ni Samuel noong naroroon pa siya. Ni minsan hindi naman siya pinagbuhatan ng kamay ng mga ito kaya nagpapasalamat siya doon. Ang kaso ramdam niya na hindi siya mahalaga.Well, nasanay
“IBIG sabihin ikaw talaga ang tunay na kuya Samuel namin?”Kumalma na ang triplets sa loob ng silid na pinag iwanan ni Kenneth sa mga anak. Uminom na rin sila ng bottled water na nasa mini ref na naroroon. Kumain na rin ng tinapay kahit papaano at nagpahinga roon.“Yes, katulad niyo syempre nawala din ala ala ko tungkol sa inyo. Hindi ko alam hindi pala mababait ang kasama ko noon pa man,”“Speaking of that, kwentuhan mo naman kami sa nangyari sayo doon.” Curious na tanong ni Khalil na ikinatango ni Scarlett bilang pag sang ayon dito.Ngumiti si Samuel at nag isip kung ano ang makukwento sa mga ito.“Ano nga ba? Hindi kasi ako lapit sa tumayo kong magulang. Pero yung mama ko doon, mabait siya. While ang papa ko doon di kami close. Ilag ako sa kaniya kasi palaging mainit ang ulo.”Tila bumalik ang ala ala ni Samuel noong naroroon pa siya. Ni minsan hindi naman siya pinagbuhatan ng kamay ng mga ito kaya nagpapasalamat siya doon. Ang kaso ramdam niya na hindi siya mahalaga.Well, nasanay
PAGBABA ni Kenneth ay naabutan niya ang mga tauhan niya na nakapalibot kay Sarah at sa magulang niya. Pero kahit ang magulang niya ay si Sarah ang iniingatan dahil sa kanilang lahat ay ito ang hindi sanay sa ganong uri ng buhay.“Mom, dad!”Napatingin sila kay Kenneth na pababa ng hagdan. Huminto na rin ang malakas na tunog ng alarm na tanda na mayroong nakapasok sa loob.“Anak! Nasan ang mga bata?!” Agad na tanong ng ina nito.“They are safe mom.” At tumingin siya kay Sarah. “Don’t worry okay? Hindi sila magagalaw kung nasan man sila. Are you okay?”Tumango si Sarah kay Kenneth, naniniwala siya sa lalaki kaya walang rason para pagdudahan niya ang sinabi nito.“O-okay lang ako, pero sino ang nakapasok sa loob?”Sakto pagkatanong ni Sarah niyon ay nagsalita ang isa sa tauhan niya.“Boss, nasa taas sila!”Nakuha nito ang information na iyon mula sa suot nilang earpiece kung saan mayroong naka monitor sa CCTV. Sila ang nagsisilbi mata ng mga ito sa buong bahay ni Kenneth.Iilan palamang
“NAKU wag ka naman ganiyan ‘daddy’ naririnig ng mga kapatid ko oh,”Muling pang aasar na sabi ni Dario kay Kenneth at tumawa pa ito. Ngunit hindi na papa apekto si Kenneth sa lalaki, ang kailangan niyang gawin ngayon ay mailigtas ang anak.Palihim na sumenyas si Kenneth kay Ghill na agad naman nitong nakita dahil nasa likuran siya ni Kenneth.“Who are you.” Madiin na tanong ni Kenneth sa lalaki.“Ako? Isa lang naman ako sa mga gustong magpabagsak sayo,”“Really? Kalabanin niyo ako ng patas kung gusto niyong pabagsakin ako.” Ngising sabi ni Kenneth dito.“Patas? Walang ganon sa underworld alam mo yan.”Tama ang lalaki, kapag ginusto nila ang isang bagay gagawin at gagawin nila ang kanilang makakaya. Bukod sa mga illegal na transactions ay kaya nilang gumawa ng mga bagay na hindi mo lubos maiisip na mayroon na pala sa tunay na buhay.Iyon ang naiisip na explanation ni Kenneth sa nangyari. Kung paano naging malaki ang batang kamukang kamuka ng anak niya. Isa iyon sa experiment ng kanilan
“HINDI ko akalain na malalaman mo ang totoo. Paano mo nga ba nalaman ang totoo?”Mas lalong itinago ni Samuel ang kambal sa likuran niya bago sumagot sa lalaking kaharap.“Nakita ko sa files si papa—I mean ng tumayo kong ama.”Napatango ang kaharap nila at napahawak sa baba nito.“Kung ganon pano mo nalaman na andoon ako sa event. Alam king andoon ka sa kasaln.”Hindi nagawang sumagot ni Samuel sa tanong na iyon dahil narinig niya ang paghikbi ng kambal sa kaniyang likuran. Doon natuon ang atensyon niya at nawala sa lalaking kaharap nila.“Scarlett okay ka lang ba? Hush, andito lang si kuya hindi kita pababayaan.”“Ah! Alam ko na, matalino ka nga pala sa computers, malamang yun ang ginawa mo ano?”Walang nanamang nakuhang sagot si Dario kung kaya napatingin siya sa gawin ni Samuel at tinignan kung bakit hindi siya nito pinapansin. Kaagad na sumama ang muka nito lalo na ang ayaw niya pa naman sa lahat ay ang hindi pakikinig sa usapan nila.Hababg abala si Samuel sa pag papatahan sa kam
WALANG kaalam alam ang triplets kung bakit bigla nalang bumagsak at nangisay ang pekeng Samuel na kaharap nila.Dahil sa gulat ay hindi sila nakagalaw sa kanilang kinatatayuan at tinignan lamang ito.Matapos ang ilang sandali ng tumigil ito sa pangingisay ay tyaka lang natauhan ang mga bata.“K-kailangan natin ito masabi kila mommy at daddy!” kumento ni Samuel na siyang unang natauhan sa kanila.“Ako na ang nagsasabi! Bantayan mo si Scarlett dito,”Tumango si Samuel sa sinabi ni Khalil at dali dali itong tumakbo papunta sa pinto. Naiwan ang dalawa na natatakot at parehong hindi alam ang gagawin.“K-kuya siguro dapat sumunod na tayo kay kuya Khalil.”Dahil sa sinabi ni Scarlett ay natauhan din si Samuel na tumango dito.“T-tama ka Scarlett, tara na.”Hinawakan ni Samuel ang kamay ng kapatid at aalis na sana doon ng biglang hilahin ni Scarlett ang kamay nito pabalik.“Scarlett kailangan na nating umalis!” lingon na sabi ni Samuel dito ngunit may tinuro lang si Scarlett kaya maging ito ay
NANG umalis si Scarlett at Khalil ay nag handa na ang mga ito para hulihin ang nagpapanggap na Samuel. Wala pa silang idea kung sino ito o kung ano ang tunay na katauhan nh nangpapanggap na Samuel pero isa lang ang sigirado nila, mas naunang malaman ng mga ito ang totoo kaya paano iyon nangyari?May hinuha na si Sarah lalo na at iisang tao lang din naman ang may pasimuno ng pagkawala ng kaniyang mga anak. Si Iya, ngunit ang tanong ay nasaan na nga ba ito dahil sa nakalipas na mga araw ay natuon ang atensyon niya sa mga anak at sa kaniyang negosyo.Kailan ba ang huling kita nila ng kaniyang ex? Ayon dito ay hiwalay na sila ni Iya.Napakibit balikat nalang si Sarah sa kaniyang naiisip dahil wala naman na siyang pakialam kung ano pa ang relasyon ng dalawa. Kapag nakuha na nila ang pekeng Samuel sasabihin niya sa asawa ang naiisip na iyon.Si Kenneth at Ghill ang siyang nagpunta sa silid kung saan naiwan ang pekeng Samuel. Si Oscar ay nakahanda na sa ano mang pwedeng magyari lalo na at on
NAGISING si Niña dahil ginising siya ng isa sa tauhan ni Daniel, ang lalaking kumuha sa kaniya at kay Samuel. Binigyan siya nito ng pagkain at sinabing aalis na siya pagkatapos niyon. Mayroon daw maghahatid sa kaniya pauwi.Kapag may kailangan talaga sa kaniya ang lalaking iyon ay maganda ang trato dayo. Parang nung time na namamalimos pa siya, ang kaibahan lang ay muka silang kawawa at mahirap ngunit ang totoo ay balat anyo lang iyon.Kada aalis sila ng kanilang based, sa lugar kung saan sila pinapatuloy ni Daniel, pinapagmuna muna silang pulubi bago manlimos. Sa ganong paraan ay nakakapag bigay sila ng pera sa lalaki.They are forced to do it, kung hindi buhay nila ang kapalit. Sa situation naman niya wala siya sa sarili that time. Para nga siyang baliw kung tutuusin, nakalimutan na ‘rin niya ang tungkol kay Samuel na siya g pinamuka ni Daniel na anak niya.Alam niya na mapapakinabangan niya si Samuel kung kaya inako niya ang bata at pinamuka na tunay niya itong pamilya. It was a su
HABANG kumakain ay palihim ang pagtingin ni Khalil kay Samuel. Para hindi siya mahalaga ay sumasali siya sa usapan ng mga ito at nakikitawa. Nang matapos kumain ay nakita niya na umakyat ito sa taas, syempre susundan niya ito.Sa kwarto nila ito dumeretsyo para maligo, akala niya mayroon siyang malalaman muli dito ngunit wala pala. Dahil dun ay lumabas nalang siya at hinanap ang kambal. Ang hindi alam ni Khalil ay napansin ng pekeng Samuel na may nasunod sa kaniya.Dapat ay kakausapin niya sina Daniel mabuti at nakaramdam siya.“Nakakutob saakin si Khalil, gagawin ko ang best ko para mawala ang hinala niya.”Alam nito na rinig siya ng mga kasama niya kaya tinuloy nalang niya ang paliligo sa loob.Ngunit natigilan siya ng mayroon siyang marinig nula sa labas.Samantalang si Scarlett ng mga oras na umakyat ang dalawang kuya niya ay naglibot sa buong bahay. Iyon ang unang beses na nakapunta siya sa kanilang bahay kaya susulitin niya lalo pa at pabalik na siya sa clinic bukas.Papasama sa