“TAKE a seat,”
Ngumiti ng bahagya si Sarah ng paghilahan siya mismo ni Kenneth na magiging ex-husband na niya ngayon. Sino nga bang mag-aakala na asawa niya ang pinakang sikat at pinakang mayaman na business man sa mundo na si Kenneth Adams.
Sa halos anim na taon nilang pagkakakasal ay walang ibang nakaalam sa katotohanan na iyon dahil na rin sa kagustuhan niya na ilihim ang lahat. Noong una hindi niya kilala si Kenneth, kaya nga pumayag agad siya maging bride nito pero ng makilala niya ito ay doon siya nabahala.
Alam niya na maraming tagahanga ang lalaki na halos baliw na baliw sila. Example na jan nung panahon na nagtatrabaho palang siya. Naririnig na niya ang pangalan nito sa mga katrabaho, kaya talagang hindi niya inaasahan na ang ina-admire nila ang napangasawa niya.
Pero hindi katulad ng mga nagpapakasal na mahal nila ang isat-isa, sila hindi. Nagpakasal sila dahil kailangan ni Kenneth ng bride while her? Kailangan niyang mabuhay para maipanganak ang mga anak.
Na ngayon ay nawawala ang dalawa at hindi siya kilala ng bundo.
Sa totoo lang hindi niya alam kung bakit napunta sa ganon ang sitwasyon. Ibang iba ito sa kaniyang naiisip at pinapangarap na mangyari. Though alam niya na hindi siya basta basta matatanggap ng mga anak sa tagal ng panahon na wala siya, pero hindi sa ganitong paraan.
“Where is the divorce papers?”
Yan agad ang tanong ni Sarah ng makaupo siya sa upuan. Habang si Kenneth namam ay natigilan sandali at napakapit ng mahihpit sa upuan na hinila niya para sa asawa.
Kadarating lang nila at ito agad ang hanap sa kaniya ng babae. Naiinis siya, hindi niya iyon nagugustuhan. Pero kahit ganon ay kinalma niya ang sarili lalo na at paulit ulit na nag eeco ang boses ni Ghill sa kaniyang isip.
‘Kumalma ka at wag pairalin ang init ng ulo!’
Napailing siya doon at naupo sa kaniyang upuan.
“Let’s talk about that later, let’s eat first.”
Wala ng nagawa si Sarah dahil sumenyas na si Kenneth sa mga waiter na naroroon. Actually, nirentahan ng lalaki ang buong restaurant kaya sila lang ang nasa loob. Naiilang nga si Sarah dahil alam niyang nasa kanilang dalawa ang atensyon ng mga sumalubong sa kanila kanina.
Alam kong may katanungan sa mga isip nila pero sa ilang years na nilang pagsasama ni Kenneth sanay na din siya. Wala naman na leaked na photos sa mga nakalipas na taon kaya walang problema.
Hangga’t walang nakaka-alam na may relasyon sila ni Kenneth safe siyang makakakilos ng maayos.
Maraming pagkain na tila ba’y huling pagkain na nila iyon sa gabing iyon.
“Bakit naman ang dami? Di ka ba kumain? Kasi alam ko nag mamadami ka lang na pagkain kapag gutom ka.”
Napahigpit ang kapit ni Kenneth sa kutsara at tinidor na hawak niya. Katulad ng nakagawian nilang mag asawa ay paghahainan siya ni Kenneth habang di Sarah naman ang nagluto ng pagkain nila.
“This might be our last meal together,” medyo mahinang sabi nito.
Natahimik si Sarah dahil doon at hinayaan ang lalaki. Ngunit ang totoo ay tama ang sinabi ni Sarah kay Kenneth. Hindi pa talaga siya kumakain simula ng sabihin nito na makikipaghiwalay na siya.
Bukod sa sanay siyang kumain na kasama si Sarah ay nawalan siya ng gana sa lahat kaya hindi siya nakapag trabaho ng maayos at nag isip ng mga paraan na kaya niyang gawin para lang matigil ang divorced papers.
Katulad ngayon, susubukan niyang ipapigil ang gusto ni Sarah. Kung tututol si Sarah, syempre marami pa siyang paraan na naisip. Hindi siya papayag na mag hiwalay silang dalawa ng ganon ganon lang.
Habang kumakain ay hindi alam ni Sarah kung paano sisimulan ang pagtatanong kung may alam ba ito sa anak niya o wala. Iyon ang unang beses na kumain sila na wala siyang masabi. Malamang dahil iyon sa atmosphere na kakaiba dala ng pakikipaghiwalay niya.
Napabuntong hininga siya at nagsalita.
“I’m sorry,”
“Sorry for what?” Tanong ni Kenneth na ineenjoy lang ang kaniyang pagkain.
“Kasi makikipaghiwalay ako sayo. Well, sa contract naman talaga natin two years lang, pero dahil nagkasakit si mama—na hindi ko ginusto at walang may gusto, tumagal tayo ng ilang taon.”
Yes, tama ang nabasa mo dahil tumagal lang sila ng anim na taon pa dahil nagkasakit ang kaniyang ina. Pareho nila na ayaw ma stress lalo ang ina ni Kenneth kaya nag agree sila na hanggang sa gumaling ito.
Last year pa sana iyon kaso kita niyang tuwang tuwa pa ang mama ni Kenneth sa kaniya kaya hinahayaan niya. Sobrang bait kasi ng mga ito kay Sarah kaya tunay na magulang na rin ang turing niya sa mga ito.
Kaya nga ng magkasakit ang ina ni Kenneth ay nalungkot siya ng sobra sobra.
“Marami pa akong bagay na gustong magawa at alam kong ganoorin ka rin. Baka this time mahanap mo na rin ang para sayo hindi ba?”
Hindi alam ni Sarah kung bakit siya biglang nakaramdam ng kirot ng sabihin niya ang bagay na iyon. Napailing nalang siya sa naisip at muling tumingin kay Kenneth.
“We both know that our marriage was fake and I have to thank you for everything that you’ve done for me. I will treasure that and bury at the deepest part of my heart. Besides six years was no joke, nasanay na rin ako sa inyo… sa mama mo, papa mo, kay Ghill syempre lalo na sayo.”
Hindi maiwasan ni Sarah na mapangiti habang sinasabi niya iyon. Tila nag flashback sa kaniya lahat ng ala-ala na mayroon sila. Kung maibabalik niya lang ang kahapon ay hindi siya nag sisisi na nakilala niya ang mga ito.
Pero ang pinag sisisihan niya lang ay ang pag iwan niya sa mga anak. Natakot kasi siya na madamay ang mga ito pero kahit ano palang protekta ang gawin niya ay mapapahamak pa rin sila. Mas lumala pa nga e.
Samantalang si Kenneth naman ay naalala din ang kanilang nakaraan. Yung mga panahon na bago palang si Sarah sa kanila at hindi nagbago ang ugali nito mula umpisa hanggang sa ngayon.
Habang tumatagal nga ay nahulog ang loob niya sa asawa. Yes, mahal niya si Sarah kaya nga ng sabihin nito ang tungkol sa divorced ay nawala na siya sa kaniyang sarili. Hangga’t kaya niya ay gagawa siya ng paraan wag lang ito mahiwalay sa kaniya.
“Paano si mom?”
Napabuntong hininga si Sarah sa tanong na iyon ni Kenneth. Alam niya na mababanggit nito ang ina, syempre pareho silang may care para sa ginang. Ayaw nila pareho na ma stress ito at muling magkasakit.
“Don’t worry I will remain to be friends with your mom. Ayaw ko din naman maulit ang nangyari noon kaya hindi ko na hahayaan ‘yon.”
Nang magkasakit ito ay lahat sila naging matamlay. Lahat sila nahirapan, mabuti at andoon si Sarah. Si Sarah ang nag tyaga mag alaga at mag aruga dito. 24/7 siyang nasa tabi ng ina ni Kenneth, hindi niya ito iniwan sa lahat ng okasyon lalo na kaarawan nito.
“Are you really sure you wanted a divorce?”
Napahigpit ang kapit ni Sarah sa kaniyang kutsara at tinidor.
“Yes, gusto ko ng makipag divorced.”Labas man sa ilong ay deretsyo na sinabi iyon ni Sarah kay Kenneth habang nakatingin ng seryoso dito. Buo na ang desisyon niya at wala ng makakapigil pa sa kaniya lalo na ngayon na nawawala ang dalawa pang anak niya.“Okay then, let’s finish our dinner so you can sign the papers.”Tumango lang si Sarah sa sinabi ng lalaki at hindi na tumingin dito. Habang si Kenneth ay palihim na tinitignan ang babae. Minamasdan bawat kilos nito na tila mayroong gustong malaman mula dito.Nang matapos kumain ay pinirmahan na ni Sarah ang papel na sandali niyang ikinatitig dito. Ilang taon din sila na nagsama at sa ilang taon na yun ay nahulog na rin ang loob niya sa lalaki ngunit hindi siya ang para dito.Para sa kaniya ay isa siyang sinungaling na asawa at pabayang ina.Bumalik siya sa katinuan at inabot na sa ex-husband niya ang papeles.“Sorry for a sudden notice, Kenneth. Throughout our marriage I’ve been happy. I hope naging mabuti akong asawa sayo,” pagkatapo
“I don’t know that I was wrong. I’m really sorry Sarah, if I knew it from then I should have told you what happened earlier.” Hinging paumanhin ni Dra Venice bago niya marinig lahat ng kwento ni Sarah dito. Nagsisisi tuloy ito na itinago niya ang totoo kay Sarah sa loob ng mahabang panahon. “No, Dra. Kung may dapat mang sisihin dito ay ako. Ako ang ina ng triplets… p-pinabayaan ko silang tatlo. Ngayon, hindi ko na alam kung nasaan ang dalawa o kung b-buhay pa ba sila.” “Don’t say that Sarah!” Hindi napigilan ni Sarah ang maging emosyonal dahil sa usapan na iyon. Kahapon pa niya pinipigilan ang pag iyak dahil gusto niyang magpakatatag at umisip ng paraan. Pero ngayon na mayroon na siyang masasandalan at kasangga sa problema at inilalabas na niya ito ngayon. Si Dra Venice naman ay niyakap si Sarah at hinagod ang likuran nito upang iparamdam dito na hindi siya nag-iisa. Maging sa sarili niya ay alam niyang may kasalanan din siya lalo pa at silang dalawa ni Niña ang inaasahan ni Sara
“I can’t believe it ang laki laki mo na!”Hindi maipaliwanag ni Dra Venice ang nararamdaman niya. Masaya siya na malungkot nang makita na si Scarlett. After all those years akala niya lahat ng mga bata ay nawawala iyon naman pala ay naiwan ang bunso at nagpalaboy laboy doon.“Saan ka nakatira?”“Doon po,” sabay turo ni Scarlett papunta sa tabing kalsada kung saan mayroon doong isang bahay na tila kasing laki na ng tao ngunit ang totoo ay tirahan iyon ng aso.“Malapit sa bahay ko ipinalagay ang binigay saakin ng bahay na iyon.” Tinuro muli nito ang bahay na laging nagbibihis sa kaniya at nag papakain.Kilala ni Dra Venice ang bahay na iyon, kaibigan ni Niña ang nakatira doon at alam niya na ang alam nito ay anak ni Niña ang tatlong bata. Mabuti nalang at andoon ito kahit papaano lalo na nalaman niya mula kay Sarah na ayaw nitong tumira sa kahit na anong bahay.Dahil doon naalala niya si Sarah, napalingon siya sa kotse nilang dala at doon ay nakita niya si Sarah at umiiyak. She must be
-Armstrong Group of company-Mula sa napakataas na building, sa tuktok niyon ay naroron si Kenneth na busy sa pag aasikaso ng kaniyang negosyo. Kasisimula lang ng bagong hotel na pinapatayo niya kung kaya busy siya sa mga panahon na iyon isama mo pa na nakipaghiwalay ang asawa niya.Nawala man sa sarili ay pinilit ni Kenneth na ibalik ang sarili para makapag trabaho siya. Since pinapagalitan na rin siya ni Ghill kaya tuloy pa rin siya sa trabaho. Maya maya ay pumasok na ang kaniyang sekretarya na si Ghill na hindi lang basta sekretarya niya dahil matalik din na kaibigan. “I have news about your ex-wife,”Napahinto sa kaniyang ginagawa si Kenneth at sinamaan ng tingin si Ghill. “It’s wife not ex-wife. Sarah is still my wife you know that!” tila gigil pa nitong sabi na ikinatawa ng kaharap.Binibiro kasi ni Ghill ang kaibigan, hindi niya kasi ito maintindan kung bakit kailangan pa nitong magpanggap na hiwalay na sila pero ang totoo ay hindi.“I’m just kidding. So back to the main topic
KINABUKASAN maagang umalis si Sarah para mamili ng kaunting grocery sa kaniyang condo. Kailangan niya ng maraming ingredients sa bahay niya para kapag magluluto siya ng pagkain sa anak ay mabilis niya itong maluluto.Malaki ang ngiti niya sa labi at kung minsan nga ay napapangiti ng kusa kapag naaalala ang pinky promise nila ng anak kagabi. Iyon din ang unang beses na nakita niyang may concern ang anak sa kaniya. Kaya nga ng umuwi sila ni Dra Venice ay di na niya maitago ang ngiti.Dra Venice said na ipupursue niya si Scarlett na sumama sa kaniyang bahay upang di na ito nakatira sa tabing kalsada. Wala namang problema kay Sarah iyon, keysa naman na doon manuluyan ang anak sa tabing kalsada lalo pa at hindi pa siya tanggap ng anak.Sa oras na matanggap siya nito ay sisiguraduhin niyang mamahalin niya ito ng sobra sobra. Isa pang problema niya? Ang nawawalang dalawang anak at si Niña. Nagiging busy man siya ngayon sa pag pursue sa anak ngunit sisiguraduhin niyang hindi niya makakalimut
Mahigpit na yakap ang handog ng mga ito sa isat-isa at kapwa lumuluha ng sila ay makarating sa bahay nila. Walang pinagbago, iyon pa rin ang bahay na iniwn niya noon. Mas dumami lang ang mga bagong gamit at halata mo na ang ganda niyon ngayon.“Saan ka ba nanggaling anak? Ang tagal ka naming hinanap ng tita mo. Nagpatulong pa kami sa pulis para lang mahanap ka pero wala talaga,”Napatitig si Sarah sa kaniyang ama. Ibang iba na ang itsura nito simula ng umalis siya pero maaliwalas na ito hindi tulad ng huli. Dahil nga may sakit ang stepmother ng iwan niya ay parehong matamlay ang dalawa, ngayon kay lakas lakas na nila at tila mas lalong bumabata dahil sa pagmamahalan sa isat-isa.“Mahabang kwento pa, sobrang namiss ko kayong dalawa!”“Hija, handa kaming makinig. Hindi biro ang anim na taong pangungulila namin sayo. Nakalaya nga ang papa mo, na alam namin na ikaw ang nag piyansa sa kaniya at natulungan mo akong mabuhay muli pero ikaw naman tong nawala. Utang na loob namin sayo ang lahat
MATAPOS kumain ni Sarah sa bahay ni Lucia ay umuwi din siya agad. Gusto niyang magpahinga ng maaga dahil bukod sa pagod siya ay gusto niya ring maagang umalis bukas para makita ang pagdating nila Dra Venice. On the other side, gusto niya din muling bumalik sa kanilang bahay at mas makapiling ang ama.Masyadong maraming nangyari ng araw na iyon kaya hindi siya makapaniwala at walang mapagsidlan ang tuwa sa kaniyang puso. Hindi niya akalain na makikita niyang muli ang ama at tiya sa loob ng napakahabang panahon habang ang anak ay maninirahan na sa totoong bahay hindi na sa tabing kalsada.Syempre mas gusto niya kung ano ang makakabuti sa anak at ganoon din sa magulang. Tama nga na kahit anong pagsubok o hirap ang nararanasan ay mayroon at mayroon iyong solution. Kaya bago siya natulog ay nag dasal siya sa Dios ama at humingi ng pasasalamat dito.Samantalang, sa isang silid na walang ibang bulas kundi ang lamp shade niya ay pumasok doon si Ghill. Pasado alas dyes na ng gabi at dapat ay h
Mabilis na nag prepare si Ghill ng alak na iinumin nila at hindi pa nakakaisang oras ay lasing na si Kenneth at umiiyak. Ghill knew na iiyak ang kaibigan kaya hinayaan niya lang ito sa kaniyang harapan.“I-I still love her…”Ilang minuto lng ay nagsalita si Kenneth.“Then win her back Kenneth. The good news is walng ama ang mga anak ni Sarah. Doctor na mismo nagsabi na sabi sa kaniya ng asawa mo na wala ang ama ng mga bata.”Napatingin si Kenneth kay Ghill sa sinabi nito at naibaba ang alak na dapat ay iinumin niya. Gulo gulo ang buhok nito kakasabunot sa sarili kanina pa. Habang ang mata niya ay nanunubig pa dahil sa mga luha na hindi mapigilan.“W-walang ama?” tila lasing na tanong nito.“Yes.”“Eh gvgo pala yun e! Duwag siya! Walang bàyag! A-ang ganda ganda at bait ng asawa ko tapos di niya pinanagutan ang anak nila?! Gàgo siya!”Iwinagawayway pa ni Kenneth ang baso na hawak sa ere na tila sumusuntok kaya natatapon ang alak sa mamahalin niyang carpet.“Kenneth itigil mo yan ang carp
[DRAFT] NOTE: Not yet edited KAGAYA ng plano nila Kenneth ay ianntay nila na matapos ang event bago tuluyang umaksyon sa nangyari. Dyempre, siniguro din nila na walang ibang mapapahamak during that time at laking pasasalamat naman nila at wala ngang napahamak na kahit na sino.Ngunit hindi nila mahanap ang tunay na Samuel, ang Samuel na kasama nila ay ang peke pa ‘rin. Si Sarah ay hindi mapakali sa nakalipas na mga oras at panay ang tingin sa paligid kung may makikita ba siyang kamuka ng anak ngunit wala.Naging masaya at successful ang kasal nila Karylle at Jerome na kitang kita naman sa muka ng bagong mag asawa na sila ay masaya. Sa ngayon nga ay paalis na ‘rin ang mga ito dahil flight na nila papunta ibang bansa upang doon mag honeymoon.“Thank you, mom and dad.”Niyakap ni Karylle ang kaniyang magulang at hinalikan sa pisnge. Alam niya na nakasuporta ang mga ito una palang lalo na sa kaniya na siya ang nangligaw kay Jerome. Basta kung saan masaya ang kanilang anak ay doon silang
[DRAFT] NOTE: Not yet editedHindi nagtagal ang isang oras niya doon at hinimatay siya, ilang oras din siyang tulog dahil sa sobrang takot. Imagine being alone in the darkness habang siya ay takot na takot at nanginginig dahil ano mang oras ay mahuhuli siya.Hindi niya alam kung may babalikan pa siyang pamilya sa tumayong magulang o kung pamilya nga ba ang turing sa kaniya ng mga ito. Kaya naman pala ganon ang trato sa kaniya, naiintindihan na niya ngayon.Habang siya ay walang malay, mayroong mga ala ala ang bumalik sa kaniya noong siya ay tatlong taong gulang. Noong panahon na dinukot siya. Kaya siya takot sa dilim ay dahil dinala siya sa madilim na lugar at kinulong.Lahat nang nangyari years ago ay bumalik sa kaniya, ang pag bura ng mga ito sa ala ala niyang yun at ang pag papanggap ng mga ito na magulang niya. Ang pag gamit sa kaniya!Lahat iyon ay naalala niya ng siya ay magising. Umiiyak na binuksan niya ang pintuan, naalala na niya ang lahat. Kinuha siya sa kaniyang mama na
“K-KASALANAN ko kung bakit nakuha si mama. Niligtas niya alo, itinago niya ako. Ako dapat ang sisihin.”Nagsimulang umiyak ang batang si Samuel ng malaman ang totoo kung nasaan si Niña. Isinama nila ang bata sa loob ng silid kung nasaan sila kanina. Lahat sila ay hindi pa rin makapaniwala na kasama na nila ang totoong Samuel ngunit hindi nga lang masaya.Lalo na at ramdam na ramdam nila ang lungkot na nararamdaman ng mag asawa. Si Sarah hindi makapaniwala na naranasan nanaman nito ang naranasan niya noon kay Scarlett habang si Kenneth ay pinipilit na magpakatatag para kay Sarah.“N-no, don’t say that Samuel. Ginawa lang ‘yun ni Niña kasi mahal ka niya,”Totoo naman ang sinabi ni Sarah dahil napamahal na kay Niña ang mga anak niya. Tumango ang bata sa sinabi niya at pinunasan ang luha nito. Kinalma niya ang sarili at umupo ng maayos.Kitang kita nila kung paano pakalmahin nito ang sarili at umasta na tila walang nangyari. Sa point na yun ay nakita nila ang katauhan ni Kenneth na siyang
[DRAFT] NOTE: Not yet edited NANG umalis si Scarlett at Khalil ay nag handa na ang mga ito para hulihin ang nagpapanggap na Samuel. Wala pa silang idea kung sino ito o kung ano ang tunay na katauhan nh nangpapanggap na Samuel pero isa lang ang sigirado nila, mas naunang malaman ng mga ito ang totoo kaya paano iyon nangyari? May hinuha na si Sarah lalo na at iisang tao lang din naman ang may pasimuno ng pagkawala ng kaniyang mga anak. Si Iya, ngunit ang tanong ay nasaan na nga ba ito dahil sa nakalipas na mga araw ay natuon ang atensyon niya sa mga anak at sa kaniyang negosyo. Kailan ba ang huling kita nila ng kaniyang ex? Ayon dito ay hiwalay na sila ni Iya. Napakibit balikat nalang si Sarah sa kaniyang naiisip dahil wala naman na siyang pakialam kung ano pa ang relasyon ng dalawa. Kapag nakuha na nila ang pekeng Samuel sasabihin niya sa asawa ang naiisip na iyon. Si Kenneth at Ghill ang siyang nagpunta sa silid kung saan naiwan ang pekeng Samuel. Si Oscar ay nakahanda na sa a
[DRAFT] NOTE: Not yet edited “NAKU wag ka naman ganiyan ‘daddy’ naririnig ng mga kapatid ko oh,” Muling pang aasar na sabi ni Dario kay Kenneth at tumawa pa ito. Ngunit hindi na papa apekto si Kenneth sa lalaki, ang kailangan niyang gawin ngayon ay mailigtas ang anak. Palihim na sumenyas si Kenneth kay Ghill na agad naman nitong nakita dahil nasa likuran siya ni Kenneth. “Who are you.” Madiin na tanong ni Kenneth sa lalaki. “Ako? Isa lang naman ako sa mga gustong magpabagsak sayo,” “Really? Kalabanin niyo ako ng patas kung gusto niyong pabagsakin ako.” Ngising sabi ni Kenneth dito. “Patas? Walang ganon sa underworld alam mo yan.” Tama ang lalaki, kapag ginusto nila ang isang bagay gagawin at gagawin nila ang kanilang makakaya. Bukod sa mga illegal na transactions ay kaya nilang gumawa ng mga bagay na hindi mo lubos maiisip na mayroon na pala sa tunay na buhay. Iyon ang naiisip na explanation ni Kenneth sa nangyari. Kung paano naging malaki ang batang kamukang kamuka ng ana
[DRAFT] NOTE: Not yet edited “HINDI ko akalain na malalaman mo ang totoo. Paano mo nga ba nalaman ang totoo?”Mas lalong itinago ni Samuel ang kambal sa likuran niya bago sumagot sa lalaking kaharap.“Nakita ko sa files si papa—I mean ng tumayo kong ama.”Napatango ang kaharap nila at napahawak sa baba nito.“Kung ganon pano mo nalaman na andoon ako sa event. Alam king andoon ka sa kasaln.”Hindi nagawang sumagot ni Samuel sa tanong na iyon dahil narinig niya ang paghikbi ng kambal sa kaniyang likuran. Doon natuon ang atensyon niya at nawala sa lalaking kaharap nila.“Scarlett okay ka lang ba? Hush, andito lang si kuya hindi kita pababayaan.”“Ah! Alam ko na, matalino ka nga pala sa computers, malamang yun ang ginawa mo ano?”Walang nanamang nakuhang sagot si Dario kung kaya napatingin siya sa gawin ni Samuel at tinignan kung bakit hindi siya nito pinapansin. Kaagad na sumama ang muka nito lalo na ang ayaw niya pa naman sa lahat ay ang hindi pakikinig sa usapan nila.Hababg abala si
[DRAFT]NOTE YET EDITED! “MAY anak ka pala hindi mo sinabi samin?!”“Huy, hinaan mo boses mo Lucia marinig ka ng mga bata.” Puna na sabi ni Sarah dito.“Ikaw kaya hinaan mo laptop,”Natawa sila sa sinabi ni Lucia at muling tumahimik para makinig sa sasabihin ni Dra Venice. Naroroon sila ngayon sa Clinic, kumpleto sila pwera kay Lucia na nasa out of town kung kaya nakikinig lang ito mula sa laptop.Ayon kay Dra Venice, nagkakilala sila ni Detective Sanchez o sa pangalan nito na Neil, noong nawala sila Niña at ang triplets. Madalas silang magkasama, mula umaga hanggang gabi dahil sa paghahanap sa mga ito.Hindi na nga nag tatrabaho si Venice sa clinic niya at kay Detective Sanchez na ito lagi nakabuntot. Naroroon pa na magkasama silang natutulog dahil inaantay niya na magkaroon ng balita na maganda. Until one day nalasing silang dalawa, nagising nalang siya na may nangyari sa kanila at simula nun iniiwasan na niya ang lalaki.Nakikipag usap siya dito pero iniiwasan niya pag usapan ang
[DRAFT] NOTE: not yet edited “IBIG sabihin ikaw talaga ang tunay na kuya Samuel namin?”Kumalma na ang triplets sa loob ng silid na pinag iwanan ni Kenneth sa mga anak. Uminom na rin sila ng bottled water na nasa mini ref na naroroon. Kumain na rin ng tinapay kahit papaano at nagpahinga roon.“Yes, katulad niyo syempre nawala din ala ala ko tungkol sa inyo. Hindi ko alam hindi pala mababait ang kasama ko noon pa man,”“Speaking of that, kwentuhan mo naman kami sa nangyari sayo doon.” Curious na tanong ni Khalil na ikinatango ni Scarlett bilang pag sang ayon dito.Ngumiti si Samuel at nag isip kung ano ang makukwento sa mga ito.“Ano nga ba? Hindi kasi ako lapit sa tumayo kong magulang. Pero yung mama ko doon, mabait siya. While ang papa ko doon di kami close. Ilag ako sa kaniya kasi palaging mainit ang ulo.”Tila bumalik ang ala ala ni Samuel noong naroroon pa siya. Ni minsan hindi naman siya pinagbuhatan ng kamay ng mga ito kaya nagpapasalamat siya doon. Ang kaso ramdam niya na hin
HINDI mapakali si Sarah habang nasa play room kung saan andoon ngayon si Vincent kalaro si Scarlett. Kasama nila doon si Dra Venice habang ang iba ay busy sa pagliligtas pagligtas kay Niña. Noong una ay ayaw pumayag ni Venice at Sarah na hindi sila tutulong sa paglitas sa kaibigan ngunit mas pinili nila na mag bantay ang mga ito sa kanilang mga anak. Since wala din silang alam sa mundong mayroon sila Kenneth ay walang nagawa ang dalawa kundi pumayag. Si Khalil at Samuel ay kasama ang magulang ni Kenneth sa monitor room upang maging mata sila sa lugar ng kanilang kalaban. Si Ghill Napahawak si Ghill sa leeg niya at naging alerto sa paligid. Hindi manlang siya dumaing sa pagkakaturok ng bagay na iyon. Parang kagat nga lang ng langgam sa kaniya at inalis ang matulis na bagay sa leeg.Nakita niya na mayroong likido na tumutulo at alam na niya agad kung ano iyon. Hindi dugo kundi pampatulog. Kailangan niyang kumilos agad bago pa siya mawalan ng ulirat.Inantay niya na mayroong lumabas