“I can’t believe it ang laki laki mo na!”Hindi maipaliwanag ni Dra Venice ang nararamdaman niya. Masaya siya na malungkot nang makita na si Scarlett. After all those years akala niya lahat ng mga bata ay nawawala iyon naman pala ay naiwan ang bunso at nagpalaboy laboy doon.“Saan ka nakatira?”“Doon po,” sabay turo ni Scarlett papunta sa tabing kalsada kung saan mayroon doong isang bahay na tila kasing laki na ng tao ngunit ang totoo ay tirahan iyon ng aso.“Malapit sa bahay ko ipinalagay ang binigay saakin ng bahay na iyon.” Tinuro muli nito ang bahay na laging nagbibihis sa kaniya at nag papakain.Kilala ni Dra Venice ang bahay na iyon, kaibigan ni Niña ang nakatira doon at alam niya na ang alam nito ay anak ni Niña ang tatlong bata. Mabuti nalang at andoon ito kahit papaano lalo na nalaman niya mula kay Sarah na ayaw nitong tumira sa kahit na anong bahay.Dahil doon naalala niya si Sarah, napalingon siya sa kotse nilang dala at doon ay nakita niya si Sarah at umiiyak. She must be
-Armstrong Group of company-Mula sa napakataas na building, sa tuktok niyon ay naroron si Kenneth na busy sa pag aasikaso ng kaniyang negosyo. Kasisimula lang ng bagong hotel na pinapatayo niya kung kaya busy siya sa mga panahon na iyon isama mo pa na nakipaghiwalay ang asawa niya.Nawala man sa sarili ay pinilit ni Kenneth na ibalik ang sarili para makapag trabaho siya. Since pinapagalitan na rin siya ni Ghill kaya tuloy pa rin siya sa trabaho. Maya maya ay pumasok na ang kaniyang sekretarya na si Ghill na hindi lang basta sekretarya niya dahil matalik din na kaibigan. “I have news about your ex-wife,”Napahinto sa kaniyang ginagawa si Kenneth at sinamaan ng tingin si Ghill. “It’s wife not ex-wife. Sarah is still my wife you know that!” tila gigil pa nitong sabi na ikinatawa ng kaharap.Binibiro kasi ni Ghill ang kaibigan, hindi niya kasi ito maintindan kung bakit kailangan pa nitong magpanggap na hiwalay na sila pero ang totoo ay hindi.“I’m just kidding. So back to the main topic
KINABUKASAN maagang umalis si Sarah para mamili ng kaunting grocery sa kaniyang condo. Kailangan niya ng maraming ingredients sa bahay niya para kapag magluluto siya ng pagkain sa anak ay mabilis niya itong maluluto.Malaki ang ngiti niya sa labi at kung minsan nga ay napapangiti ng kusa kapag naaalala ang pinky promise nila ng anak kagabi. Iyon din ang unang beses na nakita niyang may concern ang anak sa kaniya. Kaya nga ng umuwi sila ni Dra Venice ay di na niya maitago ang ngiti.Dra Venice said na ipupursue niya si Scarlett na sumama sa kaniyang bahay upang di na ito nakatira sa tabing kalsada. Wala namang problema kay Sarah iyon, keysa naman na doon manuluyan ang anak sa tabing kalsada lalo pa at hindi pa siya tanggap ng anak.Sa oras na matanggap siya nito ay sisiguraduhin niyang mamahalin niya ito ng sobra sobra. Isa pang problema niya? Ang nawawalang dalawang anak at si Niña. Nagiging busy man siya ngayon sa pag pursue sa anak ngunit sisiguraduhin niyang hindi niya makakalimut
Mahigpit na yakap ang handog ng mga ito sa isat-isa at kapwa lumuluha ng sila ay makarating sa bahay nila. Walang pinagbago, iyon pa rin ang bahay na iniwn niya noon. Mas dumami lang ang mga bagong gamit at halata mo na ang ganda niyon ngayon.“Saan ka ba nanggaling anak? Ang tagal ka naming hinanap ng tita mo. Nagpatulong pa kami sa pulis para lang mahanap ka pero wala talaga,”Napatitig si Sarah sa kaniyang ama. Ibang iba na ang itsura nito simula ng umalis siya pero maaliwalas na ito hindi tulad ng huli. Dahil nga may sakit ang stepmother ng iwan niya ay parehong matamlay ang dalawa, ngayon kay lakas lakas na nila at tila mas lalong bumabata dahil sa pagmamahalan sa isat-isa.“Mahabang kwento pa, sobrang namiss ko kayong dalawa!”“Hija, handa kaming makinig. Hindi biro ang anim na taong pangungulila namin sayo. Nakalaya nga ang papa mo, na alam namin na ikaw ang nag piyansa sa kaniya at natulungan mo akong mabuhay muli pero ikaw naman tong nawala. Utang na loob namin sayo ang lahat
MATAPOS kumain ni Sarah sa bahay ni Lucia ay umuwi din siya agad. Gusto niyang magpahinga ng maaga dahil bukod sa pagod siya ay gusto niya ring maagang umalis bukas para makita ang pagdating nila Dra Venice. On the other side, gusto niya din muling bumalik sa kanilang bahay at mas makapiling ang ama.Masyadong maraming nangyari ng araw na iyon kaya hindi siya makapaniwala at walang mapagsidlan ang tuwa sa kaniyang puso. Hindi niya akalain na makikita niyang muli ang ama at tiya sa loob ng napakahabang panahon habang ang anak ay maninirahan na sa totoong bahay hindi na sa tabing kalsada.Syempre mas gusto niya kung ano ang makakabuti sa anak at ganoon din sa magulang. Tama nga na kahit anong pagsubok o hirap ang nararanasan ay mayroon at mayroon iyong solution. Kaya bago siya natulog ay nag dasal siya sa Dios ama at humingi ng pasasalamat dito.Samantalang, sa isang silid na walang ibang bulas kundi ang lamp shade niya ay pumasok doon si Ghill. Pasado alas dyes na ng gabi at dapat ay h
Mabilis na nag prepare si Ghill ng alak na iinumin nila at hindi pa nakakaisang oras ay lasing na si Kenneth at umiiyak. Ghill knew na iiyak ang kaibigan kaya hinayaan niya lang ito sa kaniyang harapan.“I-I still love her…”Ilang minuto lng ay nagsalita si Kenneth.“Then win her back Kenneth. The good news is walng ama ang mga anak ni Sarah. Doctor na mismo nagsabi na sabi sa kaniya ng asawa mo na wala ang ama ng mga bata.”Napatingin si Kenneth kay Ghill sa sinabi nito at naibaba ang alak na dapat ay iinumin niya. Gulo gulo ang buhok nito kakasabunot sa sarili kanina pa. Habang ang mata niya ay nanunubig pa dahil sa mga luha na hindi mapigilan.“W-walang ama?” tila lasing na tanong nito.“Yes.”“Eh gvgo pala yun e! Duwag siya! Walang bàyag! A-ang ganda ganda at bait ng asawa ko tapos di niya pinanagutan ang anak nila?! Gàgo siya!”Iwinagawayway pa ni Kenneth ang baso na hawak sa ere na tila sumusuntok kaya natatapon ang alak sa mamahalin niyang carpet.“Kenneth itigil mo yan ang carp
PAGKABABA ni Sarah sa kaniyang kotse ay kita niya agad ang busy na lugar na kaniyang pinuntahan. Naglakad siya papasok sa loob at rinig niya ang ingay ng ibang mga preso na nasa loob niyon. Nasa pulis station siya ngayon para kitain ang detective na siyang humawak sa kaso ni Niña.“Hi! I’m here for detective Sanchez and I have an appointment with him.” Malaking ngiti na sabi niya sa front desk.Napatingin sa kaniya ang matabang lalaki na may katandaan na. Sumilay ang ngiti sa labi nito. Mayroon pa siyang katabing lalaki na mas bata sa kaniya at kitang kita niya ang pagkatulala nito.“Naku ma’am pasensya na pero wala pa si Detective —oh! Anjan na pala hinahanap mo ma’am !”Napalingon si Sarah ng timingin sa likuran niya ang pulis at doon nakita niya ang isang lalaki na maputi, matangos ang ilong, matangkad at mayroong bigote. Seryoso ang muka nito na tila bad trip sa umagang iyon.Nilampasan siya nito at nagsulat sa log book sa front desk.“Detective, hinahanap ka ng babaeng magandang
DUMATING si Sarah sa subdivision nila Niña mag tatanghali na. Sigurado siya na naroroon na sila Dra Venice at ang anak niya. Sa huli, ang napag usapan nila ni Detective Sanchez ay kokontakin niya ito kapag pwede ng kausapin ang anak. Kailangan muna nilang makausap si Scarlett bago nila ito ma-interview.Hindi naman siya nagkamali dahil bukas ang pinto ng bahay ni Niña at naririnig niya mula sa labas ang boses ni Lucia at Dra Venice.“Anjan na si Sarah!”Sigaw iyon ni Lucia kaya natawa siya at naglakad papasok sa gate.“Sarah!”Sumalubong sa kaniya ang dalawa kasama ang anak na nakasuot ng baby pink na dress na ikinagulat niya dahil pareho sila ng suot. Ang kaibahan walang belt ang sa anak niya while sa kaniya ay meron.“Wow! Hindi halatang nag usap kayonh dalawa ah! Mas lalo kayong naging magkamuka!” tawang sabi ni Dra Venice sa kanila.“Hindi noh, nagkataon lang na magkapareho kami diba Scarlett?” ngiting tanong niya na ikinatango naman ng bata.“Nagkataon sus, tayo na nga sa loob pa
“HI, nandito ba si Florence?”Napatingin ang sekretarya ni Florence kay Sarah at ngumiti dito. Kahit na seryoso lang ang muka no Sarah dahil sa inis ngayon ay nginitian pa rin siya ng babae.“Do you have any appointment ma’am?”“No, I just wanted to know if he’s here.” Mabilis na sagot ni Sarah.“He’s here ma’am but you cannot meet him unless you have an appointment lalo na po maya maya au may meeting na siya—ma’am? Ma’am!”Nagsasalita pa ang sekretarya habang inihahanda na ang laptop para sa pag papa apportionment nito kaso pag angat niya ng tingin ay wala na ito doon. Naglalakad na ito papasok sa office ng amo. Siguradong malalagot siya sa oras na malaman nitong nagpapasok siya ng walang appointment.“Ma’am you’re not allowed here po!”Huli na ang lahat, nabuksan na ni Sarah ang pinto dahilan para marinig ni Florence ang ingay. Napatingin siya sa may pintuan at magagalit na sana dahil doon ngunit agad niyang nakilala si Sarah.“S-sir nagpumilit po pumasok si ma’am! Hindi ko po siya
TUMINGIN muna sa paligid si Manny kung mayroon bang nakakita sa pag kuha niya kay Sarah bago ito muling humarap dito. Nasilayan ni Sarah ang paglabas ng makahulugang ngiti nito sa labi. Doon palang alam na niya na mayroong kakaiba at dapat na siyang lumayo dito, ang kaso tungkol na iyon sa mga anak niya.Gagawin niya ang lahat para lang magkaroon ng clue tungkol sa nawawalang anak niya.“Magsalita ka!” mahina ngunit madiin na sabi ni Sarah dito.“Wala ng libre ngayon Sarah, may kailangan ka sakin syempre may kapalit ‘yun.”Sinasabi na nga ba ni Sarah. Tuso ang lalaki, hindi nito hahayaan na wala itong makuha sa kaniya. Gusto niya itong sigawan dahil sa inis lalo na at gusto na niyang malaman ang information tungkol sa anak niya ngunit kinalma nalang niya ang sarili.“Okay, what do you want?” seryosong tanong niya dito.“Unang una, gusto ko na hindi ako madadamay sa galit mo dahil inutusan lang akong gawin ‘yun.”Napakunot ang noo niya sa sinabi ng lalaki. Bumuntong hininga siya at tum
Pinagpahinga na rin ni Sarah ang mga ito. Doon nalang siya matutulog sa tabi ng anal since na miss niya ito. Parang umidlip nga lang siya dahil pag dilat niya ay may araw na at naalala niya na mayroon pa siyang pupuntahan.Maingat siyang bumangon at naabutan ang magulang na naghahanda ng umagahan.“Anak kumain ka na, maya maya gigising na si Scarlett.”“Pa, tita aalis po muna ako. May kailangan pa akong asikasuhin e. Babalik ho ako agad kapag natapos… probably not” ngiwi na sabi niya at naalala na may meeting siya with the marketing team. “Gabi na ho pala, may meeting pa ako.”“Hija, natutuwa kami at malayo na ang narating mo pero wag mong kalimutan ang sarili mo. Heto, dalhin mo ito sa byahe at kainin mo.”Iniabot ng kaniyang step mother ang isang sandwich na may kasamang hotdog at bacon sa loob. Naalala noya tuloy noong nag aaral pa siya, ganoon na ganoon ang trato nito sa kaniya.“I feel nostalgic tita, thank you.” Niyakap niya ang ginang ng mahigpit pagkasabi niyon.Napangiti nama
“WAG mong kakalimutan na umattend sa kasal namin ah!”Pag papa-alala na sabi ni Karylle kay Sarah. Paalis na sila ngayon ni Niña dahil tapos na ang kanilang dinner. Nag usap lang sila ng halos isang oras pagkatapos ay napaalam na sila. Wala ng balak pa mag stay ng matagal si Sarah lalo pa at mayroon siyang gustong malaman tungkol sa kasal nila.“Don’t worry Karylle isa pa rin ako sa may ari ng Photobloom kaya pupunta talaga ako,” nakangiting sagot ni Sarah.“Hindi yun, abay ka sa kasal namin! Aasahan kita ha!”Walang nagawa si Sarah kundi ang tumango dito. Ayaw niya sana pero wala siyang magagawa personal na request ng bride mismo. Napaalam na rin sila kay Jerome at matapos yun ay tumalikod na siya para umalis.Di niya pinansin si Kenneth dahil naiinis siya dito, mayroon ito g alam na hindi niya alam. Ayaw pa naman niya na naglilihim sa kaniya.“Hindi ka pinansin kuya sad,” pang aasar na sabi ni Karylle ngunit hindi na iyon pinatulan ng kapatid.Nang maakapasok naman sa loob ng kotse
“It’s nice to meet you Ms. Adams? Iisa lang pala ang apilyido natin,”Nakipag kamay si Karylle kay Sarah at hindi niya alam kung ramdam nito ang panlalamig ng kamay niya. Agad niya ring iyong binitawan at tumawa ng awkward sa kanila at pinakilala si Niña.“Nice to meet you too, Niña. So, paano kayo nagkakilala ni kuya?” Malaking ngiti na sabi ni Karylle.“Ahh…” hindi alam ng dalawa kung ano ang sasabihin.Gusto na nga lang ni Sarah maglaho sa harapan ng mga ito kung pwede lang. Ramdma niya ang titig ni Kenneth kanina pa.“Karylle ask her what’s her name,”Biglang nagsalita si Kenneth kaya mas lalong kinabahan si Sarah. Napakapit din siy kay Niña at hindi alam ang gagawin. Havang ang dalawang couple naman ay nagtataka sa mga ito at pabalik balik ang tingin.“Name? What’s your name Ms. Adams?”Hindi nakasagot agad si Sarah sa tanong ni Karylle ngunit bumuntong hininga nalang siya at tumayo ng ayos. Andoon na rin naman sila wala na siyang magagawa. Isa pa, divorced na sila kaya walang pr
NASA Batangas ngayon sila Sarah at Niña upang i-meet ang kanilang mga ka-meeting ng araw na yun. Sakto na naroroon din ang isa sa nag book ng kaniling Photobloom kung kaya isa din iyon sa imemeet nila lalo pa at doon ang venue ng event.Hindi mapigilan ng dalawa na mamangha sa magandang tanawin sa dagat lalo pa at aby the beach ang kinalalagyan nila ngayon. Doon din pinili ng ka negotiate nila dahil on leave ito pero siningit ang kanilang meeting.“Ms. Romero, how are you?”Napatingin sa kanila ang isang babae na nakasuot ng white dress na abot sa kaniyang paanan at naka sunglasses. Nang ibaba nito ang sunglasses ay doon nila nakita ang maganda at maamong muka nito. Tila isa siyang manika sa ganda! Maliit pa ang muka niya at malalantik ang pilik mata.“Ms. Adams! It’s nice to meet you finally!”Tumayo ito at nakipag beso sa kaniya. Katulad ng itsura nitong maamo at mala barbie ay mahinhin din ang boses nito.While si Sarah gustong mapangiwi dahil Adams pa rin ang apilyido niya. Hindi
“AMNESIA? Paano naman kaya mababalik yun Dra,” tanong ni Sarah sa psychiatrist na doctor ni Scarlett ngayon.“We still don’t know if that is permanent but based sa behavior niya lately it has chance. Ang kaso she has to bare the pain within since what happened when she was three was unexplainable experience. Imagine being on that kind of situation, naaawa ako sa bata. I will do my best to treat her mas maganda ng maaga tayo.”Pagkasabi niyon ng dortor ay nagpaalam na rin ito kaya nagpasalamat si Sarah. Pagpasok niya sa loob ay naroon si Scarlett at inaantay siya. Ngumiti siya ng malaki dito at naupo sa tabi nito.“Mommy ano daw po, gagaling po ba ako?”Walang alam si Scarlett sa sakit niya basta ang alam lang nito ay may sakit siya ngunit hindi sa trauma nito. Ayaw nman niyang banggitin sa anak ang tungkol doon dahil baka ma trigger ang trauma nito at magwala siya. Sabi ni doktora ay sila na daw ang bahala kaya nagtitiwala siya sa mga ito.“Syempre naman anak, magaling si Dra kaibigan
NANG matapos kausapin ni Iya si Manny at bigyan ito ng pera ay kaagad itong umalis upang pumunta sa office ni Florence. Gusto niya itong makausap o tamang mas sabihin na kailangan niya itong makausap. Siguradong alam nito ang pinagawa niya tungkol kay Sarah at malaki ang chance na iwanan siya nito kaya hindi siya papayag.“Hello ma’am Iya, how’s your day.” Malaking ngiti na sabi ng secretary ni Florence na nakasalubong niya sa lobby ng kumpanya nito.“Good thank you, I’m here for my boyfriend is he busy?”“Uhmm he has a meeting started an hour ago,”“Good probably tapos na sila.”Sumang ayon kay Iya ang secretary ni Florence at sabay na silang umakyat papunta sa top floor. Habang sa loob ng office ni Florence ay nagaganap naman ang intimate intercourse nila ng babae na sinasabing ‘ka meeting’ ng lalaki.Well, they are business partners with benifts. Maraming ka-business partners si Florence na hindi lang negosyo ang inaatupag nila kundi pati ang init ng kanilang mga katawan. After ng
NAKAALIS na sa tagaytay sina Iya at Florence. Simula ng magising si Iya ay wala siyang maalala sa nangyati at kung paano siya nakatulog. Basta ang ssbi ni Florence ay nalasing siya, which is nakakapanibago dahil di naman siya lasingin. Isama mo pa na hindi niya makontak si Manny, ang inutusan niya tungkol kay Sarah.Wala naman siyang ibang balita kay Sarah kung buhay pa ba ito o hindi na. Pero pinapanalangin niya na sana wala na ito. Kalalabas niya lang sa kanilang kumpanya ng mayroong humila sa kaniya sa may parking lot papunta sa gilid.“Who are you?!” gulat na tanong niya habang nagpupumiglas “Manny?”“Maam wag kang maingay baka isipin nila ano ginagawa ko ssyo.”Dahil naaninag naman niya ang muka ng lalaki ay hindi na siya nagpumiglas at humiwalay dito. Tumingin muna sila pareho sa paligid bago tuluyang nagsalita si Iya sa lalaki.“Bakit nawala ka?! Hinahanap kita para sa update kay Sarah! Ano patay na ba?!”“Ayun na nga ma’am, buhay pa si Sarah. Hindi mo naman sinabi na asawa niy