“Swoosh…”
Malakas na ihip ng hangin.Ang paligid ay nababalot ng kadiliman, wala kang ibang makikita kung hindi pawang mga nagtataasang puno at ang masukal na daan na kanilang tinatahak.Sumasabay sa huni ng mga kulisap ang malakas na paghinga ng mag-asawang Tanner.Walang katapusan na pagtakbo ng mga oras na ito habang kipkip sa kanilang mga bisig ang dalawang sanggol.Mga puso’y puno ng pangamba at takot para sa kaligtasan ng buong pamilya, hindi alintana ang mga sanga na sumusugat sa kanilang mga balat.Wari mo’y nakauunawa sa kanilang sitwasyon ang dalawang paslit, dahil kapwa tahimik at hindi man lang gumagawa ng anumang ingay.Ilang sandali pa ay huminto sa pagtakbo ang Ginang, pakiramdam niya ay pinangangapusan na siya ng hininga, habang ang Ginoo ay halos mabingi dahil sa lakas ng kabog ng kan’yang dibdib.“Huh! Huh! E-Elias, h-hindi ko na yata kaya…” anya sa kanyang esposo, habang sinisikap na mahabol nito ang kan’yang hininga.Mukha nito’y namumutla na at hindi na rin maampat ang mga luha nito na patuloy sa pagpatak.“Kayanin mo, Mahal ko, Pakiusap…” anya sa nagsusumamo na tinig, kahit anong pagsisikap na maging matatag sa paningin ng kanyang pamilya ay tuluyang humulagpos ang luha ng kahinaan.Paano ba sila napunta sa ganitong sitwasyon gayong sa pagkatandan nila ay masaya silang nagba-biyahe pabalik ng lungsod.Isang grupo ng mga bandido ang humarang sa kanilang tinatahak na landas.Sa kagustuhang mailigtas ang pamilya ay nilampasan ni Mr. Tanner ang mga bandido at doon ay nagsimula ang walang katapusang habulan.“Huwag titigil hanggat hindi ninyo nakikita ang dalawang ‘yun!” Nangibabaw ang malakas na sigaw ng isang mabagsik na boses ng lalaki sa katahimikan ng gabi.Matinding pangamba ang lumarawan sa magandang mukha ng Ginang, at kahit pagod ay sinikap pa rin nitong tumakbo habang yakap ang isang munting sanggol.“Ahhhh!” Isang sigaw ang pinakawalan Mrs. Tanner ng mahulog ito mula sa isang bangin, dahil sa kadiliman ay hindi na nila napansin na nasa gilid na pala sila ng bangin.Nagpagulong gulong ito pababa ngunit sinikap pa rin na protektahan ang anak na nasa kan’yang mga bisig na huwag itong masaktan.“Melissa!” Malakas na tawag dito ni Elias, halos takasan na ito ng kaluluwa dahil sa matinding takot na bumabalot sa kanyang pagkatao.“Nandito sila!” Narinig niyang sigaw ng isang lalaki, walang nagawa si Elias kung hindi ang unahin muna ang kaligtasan ng sanggol na hawak.Pigil ang hininga habang nakakubli mula sa makapal na damuhan.Kinabahan bigla si Mr.Tanner ng biglang umingit ang sanggol, kaagad niya itong ipinaghele upang hindi tuluyang magising.Makapigil hininga ang bawat sandali at tanging impit na dalangin lang kayang gawin ni Mr. Tanner ng mga oras na iyon.“Doon!” Turo ng isang lalaki na may matapang na mukha, nang makarinig sila ng mga kaluskos mula sa di kalayuan.Sadyang napakabuti ng Maykapal dahil itinaboy niya ang mga bandido palayo, na may isang hakbang na lang ang layo mula sa mag-ama.“M-Melissa…” humagulgol ng iyak si Mr. Tanner ng makitang nakahandusay ang asawa sa lupa, wala na itong buhay dahil sa malakas na pagkabagok ng ulo nito mula sa isang malaking bato.“A-Ang anak kong si Alisha, hanapin n’yo! Ang anak ko…” umiiyak na wika nito, habang nakikiusap sa mga taong rumescue sa kanila ngunit may dalawang oras na silang naghanap sa buong paligid ay bigo sila na mahanap ang sanggol.——————————“Sa susunod na tawagin n’yo pa akong Ampon hindi lang iyan ang aabutin ninyo sa akin.” May bantang saad ng isang kinse anyos na batang babae habang pinapagpagan nito ang nadumihang uniporme.Hindi nakaimik ang dalawang binatilyong lalaki na nanatiling nakatungo sa harapan nito.“Lumayas na nga kayo sa harapan ko at baka hindi ako makapagpigil ay balian ko pa kayo ng buto.” Nanggigigil na wika nito bago tinalikuran ang dalawang lalaki na nangbully sa kanya.Ngunit natigilan itong bigla ng sa pagpihit ng kan’yang katawan ay ang seryosong mukha ng Teacher nila ang sumalubong sa kan’ya.“In my office, Ms. Zimmerman.” Seryoso nitong wika na siyang nagdulot ng kabâ sa dibdib ng dalagita.“Good Afternoon po Ma’am,” nakangiting bati ni Ginang Lora pagdating niya sa bungad ng opisina nang guidance counselor.“Please, come in, Mrs.” anya ng guro kay Ginang Lora.“Ipinatawag kita dahil sa problema sa iyong anak, Mrs. Zimmerman.” Nagtataka ang Ginang at saka lang niya napansin ang dalawang binatilyong lalaki na nakatayo sa gilid, halos kaedaran lang ito ng kanyang anak. Isang payat at isang mataba.Putok ang labi ng isa habang ang matabang bata ay namamaga ang kabilang pisngi nito, gusot din ang mga suot nilang uniform.Hindi pa man nagsimulang magsalita ang Guro ay nahuhulaan na niya kung ano ang nangyari kaya isang matalim na tingin ang ipinukol niya sa magaling na anak.Mukha naman itong pinitpit na luya dahil nawala ang tapang na ipinakita nito kanina.“Bumalik kang bata ka dito! Wala ka ng ginawa kung hindi ang pumasok sa gulo! Pati ako ay napahiya sa ginawa mo!” Nanggagalaiti na sigaw ni Lora sa kanyang anak habang bitbit nito ang mahabang sinturon panghapyut sa pasaway na anak.“Sorry na Momma, hindi ko naman po sinasadya, nambubully kasi sila!” Pangangatwiran ng anak nito habang tumatakbo sinisikap na huwag abutan ng ina. Nang makarating sa kanilang bahay ay kaagad na umikot siya sa kanilang kubo saka mabilis na pumasok sa loob ng may kaliitang banyo.“Shit! Lexie, ano ba, naliligo ako!” Naibulalas ng binatang si Quinlan dahil sa biglaang pagpasok ng dalaga sa loob, puno pa ng sabon ang katawan nito.“Sssshhh…” anya ng dalagita bago sumenyas na huwag maingay. Bigla naman ang pagdating ng ina nito kaya naunawaan na ng binata kung ano ang nangyayari.“Quinlan, nakita mo ba ang batang ‘yon?” Hinihingal na tanong ni Ginang Lora sa binatang naliligo, tanging ang ulo lang nito ang nakalitaw mula sa loob ng paliguan na napapalibutan lang ng dingding ngunit walang bubong.“Hindi po, Tita.” Tipid nitong sagot bago hinilamusan ang mukha na may sabon.“Humanda ka sa akin kang bata ka! Paluluhurin kita sa buhangin!” Nanggigigil na sabi nito habang naglalakad palayo.“Ano na naman ba ang ginawa mo?” Galit na tanong ni Quinlan sa dalagita ngunit nagtaka siya kung bakit nanahimik ito habang nakayuko.Saka lang niya naalala na n*******d nga pala siya.“A-ano yan?” Inosenting tanong nito habang nakaturo ang daliri sa alaga ng binata.“Bastos kang bata ka! Tumalikod ka nga!” Namula ang buong mukha ng binata dahil sa hiya at mabilis na tinakpan ang kanyang alaga gamit ang tabo.“Kung makareact naman akala mo kukunin sa kanya, eh, ang pangit nga ng hitsura n’yan! Hmp, makaalis na nga.” Anya ng dalagita bago inismiran ang binata at tuluyan na itong lumabas ng banyo.Lexie Zimmerman, isang babae na ma-prinsipyo sa buhay at palaban, hindi basta nagpapatinag kahit gaano pa kahirap ang buhay na kanyang kinamulatan.Siya ang isa sa kambal na nawawalang anak ni Mr. Elias Tanner, at kasalukuyang ampon ni Lora Zimmerman, ang kanang kamay ng pinuno ng mga Terorista.——————————-“Hi Chloe, meron ba tayo d’yan?” Anya ng isang estudyante sa dalagitang naglalakad sa pasilyo ng eskwelahan.Mabilis na dumukot mula sa bulsa ang dalagita at inilabas ang isang libong papel na pera bago nagmamadaling inabot sa estudyante na humarang sa kanyang dinadaanan.“Bakit ito lang? Ang yaman ng pamilya mo tapos ito lang ang ibibigay mo sa amin?” Naiirita na tanong nito sa dalagita, hindi na rin maipinta ang mukha ng mga kasamahan nito.“P-pasensya na nakalimutan ko kasing mag withdraw.” Mahinang sagot ng dalagita ramdam ang matinding takot nito para sa mga kaharap. Sumenyas ang babae sa kan’yang mga kasamahan kaya kinaladkad ng mga ito ang dalagita patungo sa loob ng rest room.Hinablot ng isa sa kanila ang bag nito bago hinalungkat ang loob, labis na kasiyahan ang lumarawan sa mukha nila ng makita ang ilang mamahaling gamit sa loob ng bag nito.“T-Teka hindi n’yo pwedeng kunin ‘yan, importante sa akin ang mga gamit na ‘yan.” Umiiyak na wika ng dalaga habang pilit na inagaw ang kanyang gamit mula sa kamay ng mga estudyanteng nambubully sa kanya.“Pak! Masyado kang madamot, eh, barya lang naman ito sa tatay mo!” Anya pagkatapos itong sampalin ng malakas, napaupo siya sa sahig bago sinapo ng palad ang nasaktang pisngi.“P-pakiusap, ibalik n’yo sa akin ang kwintas, nag-iisang ala-ala sa akin ‘yan ng Mommy ko.” Patuloy ito sa pagmamakaawa ngunit hindi na ito pinansin pa ng mga estudyante.“Ibalik n’yo sa kan’ya ‘yan kung ayaw ninyong ipatawag ko kayo sa Guidance.” Anya ng isang binatilyo bago humakbang ito palapit sa dalagitang umiiyak.Tinulungan niya itong makatayo bago dinampot ang mga nagkalat na gamit nito.Walang nagawa ang mga nambully sa dalagita kung hindi isauli ang kwintas nito habang matalim ang tingin ang ipinupukol sa kanila.“Bakit hinahayaan mo sila na apihin ka?” Naaawa na tanong ng binata sa dalagita.“N-natatakot kasi ako,” mahina nitong sagot, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng binata bago inilahad ang kamay sa harap nito.“Emerzon, anong pangalan mo?” Malumanay na tanong nito sa dalagita.“C-Chloe,”Chloe Tanner, isang babae na may mahinang personalidad kaya madalas makaranas ng pambubully mula sa ibang tao.Siya ang kakambal ng nawawalang si Alisha Tanner/ Lexie Zimmerman.Magkapatid na pinaghiwalay ng tadhana, si Chloe na lumaki sa marangyang buhay at sagana sa pagmamahal ng isang ama.Si Lexie na lumaki sa poder ng mga Terrorista, dumanas ng kahirapan at maagang namulat sa karahasan.May pag-asa pa kayang mabuo ang kanilang pamilya?Lexie’s POV Habang naglalakad ako sa isang maliit na eskinita ay may biglang humigit sa aking braso na siyang ikinagulat ko. Ang sana’y sigaw ko ay nakulong sa aking bibig, nang isang malaking kamay ang mahigpit na tumakip sa bibig ko. Lumapat ng husto ang aking likod sa matigas na katawan ng lalaki dahil sa mahigpit na pagka-kayakap nito sa akin, ngunit ng maamoy ko ang pabango nito ay biglang nawala ang tensyon sa buong katawan ko. “Huwag kang maingay,” mahinang bulong sa akin ni Quinlan, maingat akong tumango saka pa lang niya tinanggal ang palad sa aking bibig. Nanatili pa rin itong nakayakap sa akin mula sa likuran, ngunit ng maramdaman ko na merong kumagat na langgam sa aking binti ay pasimple kong inangat ang isang paa ko bago ikiniskis ito sa parte kung saan makati. Nakaramdam ako ng ginhawa ngunit nagtaka ako kung bakit imbis na ako ang umungol ay si Quinlan ang umungol. Ilang sandali pa ay naramdaman ko ang isang matigas na bagay na tumutusok mula sa ak
Lexie’s POVNatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang aking kaibigan na si Susi, nakatanaw ito sa magandang tanawin na makikita mula dito sa itaas ng burôl.Isa sa mga nakaugalian naming magkaibigan sa tuwing may problema o nalulungkot kami, ang pagmasdan ang natural na ganda ng kalikasan.Kaya alam ko na may pinagdadaanan ito ngayon.“Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala.” Malumanay kong saad.Alam kong narinig ako nito ngunit ni hindi man lang siya nag-abalang lingunin ako at nanatili lang itong nakatingin sa kawalan. “Okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong sa kanya bago umupo sa tabi nito. “Ano ang gagawin mo kung nalaman mo na ang lalaking minahal mo ng buong buhay mo ay may ibang babae na napupusuan?” Narinig kong tanong niya ng hindi lumilingon sa akin.Napabuntong hininga ako sa tanong nito, kasi naman, hindi ko alam ang isasagot.Okay lang sana kung ang tanong niya ay tungkol sa Math or English madali lang sagutin, pero kapag tungkol na sa pag-ibig? Hayts! ang hirap
Lexie’s POV “Bang! Bang! Bang!” Pagkatapos ng magkasunod na putok ay tumalsik ang mga lata mula sa malayo. Natutuwang humarap ako kay Quinlan at makikita sa aking mukha ang matinding confidence para sa sarili. “Did you see that? I'm a sharpshooter now.” Ang mayabang kong pahayag. Umiiling na lumapit sa akin si Quinlan, huminto ito sa aking harapan at hinawi ang buhok na kumalat sa mukha ko bago ito inipit sa aking tainga. “Yeah, I know magaling ka na talagang humawak ng baril.” Ang malumanay nitong sabi. “So it means, I can join your group now every time you have a mission?” Nagagalak kong sabi habang nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi. Nagtaka ako kung bakit hindi ito sumagot at nanatili lang na nakatitig sa aking mukha na halos hindi na kumukurap ang mga mata nito. Ilang sandali pa ay dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa aking mukha kaya naman kusang pumikit ang aking mga mata at tulad ng inaasahan ko ay lumapat ang labi nito sa aking bibig. Ito ang una
Susi POV “Hindi ako makapaniwala na nagawa mo kaming pagsabayin ng kaibigan ko?” Matinding galit ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Labis akong nasaktan ng malaman ko mula kay Lexie na may relasyon na sila ni Quinlan.Kaya ngayon ay nandito ako sa kwarto ni Quinlan at kinukumpronta ito tungkol sa relasyon nilang dalawa ng kaibigan ko. “Enough Susi, alam mo naman na sa simula pa lang ay mahalaga na sa akin si Lexie, at wala pa ring magbabago sa ating dalawa kahit kami na ni Lexie.” Balewala nitong sagot sa akin bago umupo sa gilid ng kama. Para akong sinampal sa sinabi nito at ng mga sandaling ito ay parang naninikip ang dibdib ko ng marinig sa mismong bibig nito kung gaano niya kamahal si Lexie. Hindi makapaniwala na tumitig ako sa kan’yang mukha at makikita sa mukha ni Quinlan na talagang desidido ito na mamangka sa dalawang ilog. Masakit ito para sa akin dahil mahal ko ang kaibigan ko ngunit mahal ko rin ang boyfriend ko. Oo, matagal na kaming may relasyon ni Quinlan na
Chloe’s POV“Bakit ganyan ang itsura mo? Sinong may gawa sa’yo niyan?” Galit na tanong ni Emerzon sa akin.Madilim ang awra ng mukha nito habang sinusuring mabuti ang aking kabuuan, tiim-bagâng ito habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay.Marumi kasi ang suot kong bestida at mayroon pang naka dikit na chewing gum sa likurang bahagi ng aking damit.“Tsk, hindi lang kita nasundo ngayong araw ganyan na kaagad ang inabot mo?Bakit ba hindi ka marunong lumaban? Hanggang kailan mo sila hahayaan na apihin ka?” Magkasunod na tanong nito sa akin.Nanatili akong walang imik habang tahimik na umiiyak nagmukha tuloy akong bata na sinisermunan ng kan’yang ama.Ayokong magtaas ng tingin dahil alam ko naman na awa lang ang makikita ko sa mga mata ni Emerzon.Kinabig ako nito sa kan’yang dibdib saka mahigpit na niyakap, naramdaman kong hinalikan ako nito sa bunbunan habang masuyong hinahaplos ang aking likod.Biglang gumaan ang pakiramdam ko ng makulong sa mga bisig nito, dahil nakasumpong ako ng
Lexie’s POVKasalukuyan akong naghahanda para sa mission na isasakutaparan ngayong araw.Ito ang unang pagkakataon na sasabak ako sa actual na laban.Ang mission namin ngayong araw ay ang pasabugin ang isang gusali kung saan magaganap ang pagpupulong ng mga ilang corrupt na politiko.Sila ang Dahilan kung bakit hindi umuunlad ang aming bansa at mas marami pa ang naghihirap dahil sa pagiging gahaman ng mga ito sa kapangyarihan.“Fix yourself Lexie dahil sa pagkakataong ito ay hindi biro ang mission na ito, alalahanin mo na buhay nating lahat ang nakataya dito.” Seryoso na paalala sa akin ni Quinlan na siyang ikinatango ko.Hinalikan niya ang aking noo bago ako tinalikuran nito. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang matalim na tingin ni Susi sa akin kaya hinarap ko ito. “Parang may galit ka sa mundo ah? Let me guess hindi ka na naman ba pinakain? kaya ba masama ang loob mo?” Pang-aasar ko sa kan’ya kaya lalong tumalim ang tingin niya sa akin. “Kasi kinakabahan ako kapag
Lexie’s POV Matinding pagdadalamhati ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito dahil sa pagkamatay ni Uncle Relly.Hindi ko matanggap na nagawa niyang isakripisyo ang buhay at pasabugin ang sarili upang magtagumpay lang ang mission na ito. Maging si Momma ay nalungkot mula sa nangyari ngunit wala kaming nagawa kung hindi ang umiyak at tanggapin na lang ang lahat. Kapalit ng pagsasakripisyo nang buhay ni Uncle ay isang malaking halaga para sa kanyang pamilya, bago pa maganap ang mission ay natanggap na ng mga ito ang pera.Labis akong naaawa sa matanda dahil namatay na lang ito na hindi naka-piling ang kanyang pamilya.“Momma, umalis na tayo dito, magpakalayo-layo na tayo, hm? Ayoko na pati ikaw ay mawala sa akin, Momma.” Pagsusumamo ko sa aking ina, pinipilit ko ito na lumayo na lang kami at magsimula ng bagong buhay ngunit nanatili lang itong tahimik at walang kibo.“Momma, parang-awa mo na! Makinig ka naman sa akin, oh.” Anya na patuloy na nakikiusap sa kanya.“Tumigil ka
“Dad, pwede ba tayong mag-usap?” Tanong ni Alona sa kanyang Ama, ang tumatayong pinuno ng kanilang grupo.“Importante ba ang sasabihin mo? Dahil busy ako ngayon.” Nakaramdam ng lungkot si Alona dahil mula sa malamig na tinig ng ama ay ramdam niya na wala itong gana na makipag-usap sa kanya.Simula ng maliit pa lang siya ay malamig na ang relasyon nila bilang mag-ama.Hinawi niya ang kanyang sarili at pilit na itinago ang nararamdamang emosyon. Isa kasi sa kanilang tuntunin ay bawal ang magpakita ng kahinaan.“Nais ko lang imungkahi na bigyan ninyo ng isang misyon si Lexie upang masubukan ang kan’yang kakayahan at katapatan sa ating hukbo.Dahil nakikita ko na masyadong mahina at malambot ang puso nito para sa kalaban.” Seryosong sabi ni Alona habang diretsong nakatingin sa ama.Biglang nag-taas ng tingin si Commander Dulah at tumitig sa mukha ng anak. “Alam mo na si Lexie ang nakatakda na maging asawa ni Quinlan at isa sa napagkasunduan namin ng kapatid mo ay ang hindi pagbibigay ng
Zaci Hilton’s Point of view“Sir, everything is ready, and you have thirty minutes before your meeting with the client starts.” Magalang na saad ng aking secretary, halata ang pagiging malambing nito sa tuwing nakikipag-usap siya sa akin.Hindi ko alam kung sinasadya ba nito o natural na sa kanya ang ganung tono.Isang mabilis na sulyap sa direksyon nito ang ginawa ko bago marahang tumango bilang tugon. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan at matamang naghihintay sa aking paglabas, kaya inayos ko na ang aking sarili bago dinampot ang cellphone na nasa ibabaw ng table.Tumayo na ako mula sa aking swivel chair at tuwid na naglakad palabas ng opisina. Ang bawat empleyado na madaanan ko ay yumuyuko, tanda ng kanilang paggalang sa nakatataas sa kanila.Nanatiling seryoso ang aking mukha habang naglalakad sa hallway ng lobby, halos nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga kababaihan.Makikita sa mukha nila ang labis na paghanga at halatang kinikilig ang mga ito habang nakatitig sa aking mu
“Shit!” Pagkatapos magpa-kawala ng isang malutong na mura ay sinundan ito ng isang tunog ng hangin mula sa isang sipa na pinakawalan ng kalaban, “Swoop!” Gahibla na lang ang layo nito sa kanyang mukha. Mabuti na lang ay mabilis siyang napaatras ng isang hakbang, kung hindi ay siguradong nabangasan na ang maganda niyang mukha.Malakas na hiyawan ng mga manonood ang bumasag sa katahimikan ng buong paligid. Ang kanilang mga mukha ay kababakasan ng matinding kasiyahan dahil sa magandang laban na ipinapakita ng dalawang manlalaro.Pagkatapos magpa-kawala ng isang malakas na sipa ay sinundan pa ito ng isa pang sipa ngunit hindi siya nagpa-sindak sa kalaban bagkus ay nakipagsabayan pa siya dito. Gamit ang pinatigas na kamao ay matapang na sinalubong ng isang suntok ang paparating na sipa ng kalaban.“Yeahh!” “Ahhhh!” Halos sabay na sigaw nilang dalawa, parehong pawisan at halata na ang matinding pagod sa kanilang mga mukha ngunit ni isa sa kanila ay walang nais magpatalo.“Aughhh…” ungol ng
Lexie’s POVNaalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking baywang, bukod pa doon ay may isang malaking hita na nakahambay sa aking mga hita habang sa tagiliran ko ay ramdam ko ang isang matigas na bagay na nakaipit sa pagitan ng aming mga katawan.Sa pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa aking paningin ang balahibuhin na katawan ng aking asawa habang nakakulong ako sa mga bisig nito.Napangiwi ako ng makaramdam ng sakit ng ulo at hapdi particular na sa pagitan ng aking mga hita. Saglit na natigilan ako at pilit na inaalala ang mga nangyari ng nagdaang gabi.Sinuri kong mabuti ang aming mga katawan at nanlaki ang aking mga mata ng maalala ko ang lahat ng mga nangyari sa pagitan naming mag-asawa kaya mabilis na lumingon sa kaliwang bahagi ko, kung saan ay payapang natutulog ang aking asawa.“Cedric.” Naiinis na tawag ko sa pangalan nito ngunit ang magaling na lalaki ay umungol lang bago kumilos ang kaliwang kamay nito at lumipat sa kanang dibdib ko, nag-init ang aking pa
Kararating lang ni Cedric galing trabaho, labis siyang nagtataka ng hindi man lang siya sinalubong ng asawa at tanging ang limang anak lang nila ang nadatnan niya sa sala’s. Pagpasok ni Cedric sa kwarto ay nadatnan niya ang asawa sa may veranda na nakatulala sa kawalan. Nakaupo ito sa silya habang nakapatong ang mga paa sa ibabaw ng lamesa. Nakasandal ito sa silya at mula sa veranda ng kwarto ay nakatanaw lang ito sa magandang tanawin. Mag tatakipsilim na kasi kaya kay sarap pagmasdan ang nagkukulay kahel na kalangitan.Napansin niya na malalim ang iniisip ng kanyang asawa dahil hindi man lang nito naramdaman ang kanyang presensya. Nakalapit na siya’t lahat sa likuran nito ay nanatili pa rin itong nakatulala sa hangin.Kinabahang bigla si Cedric dahil alam niya na sa oras na nasa ganoong posisyon ang asawa ay siguradong may pinagpa-planuhan itong gawin.Nagulat pa ito ng bigla niya itong halikan sa pisngi.“Honey, may problema ba? Kanina ka pa tulala d’yan? hindi mo man lang ako na
Lexie’s POVKay sarap pagmasdan ang naggagandahan na kasuotan ng mga kababaihan sa aking harapan, habang ang mga kalalakihan ay nagmukhang kagalang-galang mula sa suot nilang barong na kulay crema. Hindi mapaknit ang mga ngiti sa kanilang mga labi at kababakasan mo ng matinding paghanga ang kanilang mga mukha habang nakatutok sa aking direksyon ang mata ng lahat.Napakaaliwalas ng panahon at ang kalangitan ay tila nangangako ng isang kapayapaan para sa okasyong ito. Napapalibutan ang buong paligid ng mga halamang hitik sa naggagandahang mga bulaklak dito sa hardin.Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang simoy ng sariwang hangin na yumayakap sa aking katawan. Sa pagmulat ng aking mga mata mula sa malayo ay natanaw ko ang isang makisig na Ginoo na matiyagang naghihintay sa dulong bahagi ng pulang carpet. Napakatikas ng tindig nito at nangingibabaw sa lahat ang katangiang taglay nito mula sa suot niyang itim na americana ay higit itong naging kagalang-galang. Kakaiba ang dating n
“Guillermo, laya ka na!” Hindi makapaniwala si Gaston ng marinig ang malakas na sigaw ng Pulis habang binubuksan ang pinto ng selda. Nagmamadali siyang tumayo at lumabas ng pintuan. Tahimik na nakasunod lang ito sa likuran ng pulis habang naglalakad patungo sa table kung saan ay kailangan niyang pirmahan ang kanyang release paper.Maraming katanungan ang naglalaro sa kan’yang isipan kung paano siya nakalaya. Sa pag-angat ng kan’yang mukha ay ang nakangiting mukha ni Agatha ang bumungad sa kanyang paningin.Bakas sa mukha ng babae ang matinding kasiyahan ng makita nito si Gaston, namamangha na tumitig si Gaston sa mukha ni Agatha at hindi talaga niya lubos maisip kung paanong nahulog ang loob nito sa kanya pagkatapos ng mga paghihirap na naranasan nito sa piling niya.Sabik na nagyakap ang dalawa at halos maluha-luha si Gaston dahil sa pagmamahal na ipinapakita sa kanya ng dalaga.“Thank you, Sweetheart, thank you.” Madamdaming pasasalamat niya kay Agatha habang yakap ito ng mahigpit
Cedric’s POV“Huwag kang magkakamali na itusok sa akin ‘yan, kundi tatamaan ka sa akin!” Galit na sigaw ng aking asawa. Pilit pa itong lumalayo at ayaw magpahawak.“Honey naman, hindi naman ito masakit parang kagat lang ito ng langgam.” Ani ko na may halong pakiusap, bago sinubukan ko siyang yakapin.“Huwag mo akong hahawakan lumayo ka sa akin!” Nanggagalaiti niyang wika, hindi na maipinta ang mukha nito at kung minsan ay napapangiwi pa ang mukha nito halatang nakakaramdam na ng sakit.Matinding kabâ ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito ngunit wala akong magawa sa tapang nito.“Mrs. Hilton, sa karayom nga ng asawa mo hindi ka natakot, tapos, maliit na karayom lang takot na takot ka na?” Anya ng doctor habang hawak ang isang syringe, halatang nililibang lang nito si Lexie.“Ibang karayom naman ‘yun, pero sa inyo wala akong tiwala, kung gusto mo kay Tanda mo itusok ‘yan siya ang kuhaan mo ng dugo total siya naman ang may gusto n’yan!” Naiinis na saad nito. Napatingala na lang ako d
Agatha’s POVNaalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas na sinundan pa ng isang putok ng baril. Bigla akong napabalikwas ng bangon at nagmamadaling inayos ang aking damit saka nagmamadaling lumabas ng bahay.Ganun na lang ang pagkagimbal ko ng makita kong nakadapa si Gaston sa lupa habang nilalagyan ng posas sa likod ang mga kamay nito.“Oh, my Ghod! Ang anak ko! Agatha!” Naghi-hysterical na sigaw ni Mommy, bago sinugod ako nito ng yakap. Humagulgol ito ng iyak bago sinuring mabuti ang aking kabuuan, matinding pagkahabag para sa akin ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Naging mabagsik ang awra ng mukha nito at galit na humarap kay Gaston na ngayon ay nakatayo na ngunit nakaposas sa likod ang dalawang kamay nito habang hawak ng dalawang Police sa magkabilang braso nito.“Ikulong n’yo ang lalaki na ‘yan! Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan dahil sa ginawa ko sa anak ko! Hindi kita mapapatawad!” Nanggagalaiti na sigaw ng aking ina, nataranta akong bigla at
Agatha’s POVBigla akong napalingon sa pintuan ng padabog itong bumukas at pumasok ang lasing na si Gaston. Sa loob ng walong buwan na lumipas ay laging na lang itong lasing, halatang may kinakaharap itong problema.Nagsimula lang ito dalawang buwan na ang nakalipas, nagmatured na ng husto ang mukha niya dahil sa mahaba nitong buhok at balbas.Nakamasid lang ako sa bawat kilos niya hanggang sa naghubad ito sa aking harapan at ni isang saplot ay wala siyang itinira.Sa totoo lang ay halos mabingi na ako sa malakas na kabog ng dibdib ko dahil iba ang awra niya ngayon.Hinila niya ang isang silya saka umupo sa bangko, napalunok akong bigla habang nakatingin sa malaking alaga nito na nakabuyanyang sa aking harapan.Lumipat ang aking mga mata sa mukha nito kaya para akong nabato balani sa aking kinatatayuan habang magkahinang ang aming mga mata.Nauunawaan ko kung ano ang nais niyang mangyari, hindi ko alam kung bakit, ngunit paano niyang nagagawa na kontrolin ako sa pamamagitan lang ng mg