Lexie’s POV
“Bang! Bang! Bang!” Pagkatapos ng magkasunod na putok ay tumalsik ang mga lata mula sa malayo. Natutuwang humarap ako kay Quinlan at makikita sa aking mukha ang matinding confidence para sa sarili. “Did you see that? I'm a sharpshooter now.” Ang mayabang kong pahayag. Umiiling na lumapit sa akin si Quinlan, huminto ito sa aking harapan at hinawi ang buhok na kumalat sa mukha ko bago ito inipit sa aking tainga. “Yeah, I know magaling ka na talagang humawak ng baril.” Ang malumanay nitong sabi. “So it means, I can join your group now every time you have a mission?” Nagagalak kong sabi habang nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi. Nagtaka ako kung bakit hindi ito sumagot at nanatili lang na nakatitig sa aking mukha na halos hindi na kumukurap ang mga mata nito. Ilang sandali pa ay dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa aking mukha kaya naman kusang pumikit ang aking mga mata at tulad ng inaasahan ko ay lumapat ang labi nito sa aking bibig. Ito ang unang pagkakataon na hinalikan ako ng isang lalaki sa labi at ilang segundo pa ay maingat na gumalaw ang labi ni Quinlan. Kusang kumilos ang aking mga labi dahil para akong naienganyong gayahin ang bawat galaw ng labi nito. Pinutol niya ang halik at niyakap ako ng mahigpit. “Q-Quinlan...” ang nagtataka na tanong ko sa kan’ya. “I love you Lexie.” Puno ng emosyon ang tinig nito ng banggitin nito ang tatlong kataga na iyon kaya natigilan ako at hindi makapaniwala sa aking narinig. Kinalas ko ang pagkakayakap nito sa akin at hinarap ko ito. “Seryoso? M-mahal mo ako?” Tanong ko sa kan’ya na sinisigurado ko kung tama ba ang narinig ko mula sa kan’ya. Natawa itong bigla at natutuwang pinatakan ng isang magaan na halik ang labi ko. “Sinasabi ko na nga ba matagal mo nang pinagnanasaan ang ganda ko, tsk.” Nang-aasar kong sabi na siyang ikinatawa nito ng malakas. “Ibig bang sabihin nito tayo na? Seryoso kong tanong sa kan’ya habang ito naman ay tila natutuwa sa kainosentihan ng aking mukha. “Yeah, you are mine now, so it means I’m the only one who has the rights with you.” Awtoridad nitong wika. Malapad akong ngumiti rito bago ako yumakap ng mahigpit sa baywang ni Quinlan. “So, ngayong tayo na ay kailangan kasama kita sa lahat ng oras, kaya kailangan kasama na rin ako sa mga mission ninyo.” Natutuwa kong pahayag. “NO!” Mabilis na sagot nito sa akin kaya naman napasimangot ako. “Sige na,kahit isang beses lang gusto kong patunayan ang kakayahan ko. Eighteen years old na ako kahit minsan ay hindi mo ako pinahintulutan na sumama sa actual na mission n’yo kaya masyado akong minamaliit ng mga kaibigan ko.” Ang sabi ko sa kan’ya sa tonong nagtatampo. Narinig ko na huminga ito ng malalim na tila sinisikap na habaan pa nito ang pasensya dahil sa kakulitan ko. “Fine! pero huwag na huwag kang aalis sa tabi ko at huwag kang kikilos ng hindi ko nalalaman maliwanag?” Ang sabi niya sa seryosong tinig na siyang ikinalaki ng aking mga mata dahil sa wakas ay pumayag na rin ito. Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko ito ng mahigpit bago mabilis na hinalikan ito sa labi na siyang ikinangiti nito. “Thank you, babe!” Ang nagagalak kong sabi bago ito tinalikuran. “Saan ka pupunta?” Nagtatakang tanong nito sa akin. “Kay Susi, sasabihin ko sa kanya na sasama na ako sa next mission n’yo.” Ang masaya kong sagot, excited na ako na makausap ang aking best friend. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito at nagmamadali na akong umalis sa harapan nito kaya naiwan na itong mag-isa. Pinuntahan ko ang lugar kung saan madalas na tumambay si Susi at hindi nga ako nagkamali dahil kasalukuyan itong nagsasanay sa paghawak ng baril. Malakas akong pumalakpak ng makita ko na tinamaan nito ang target mula sa malayo. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod na ginawa nito ng bigla itong humarap sa akin at tinutok ang hawak na baril sa aking noo. Nanlaki ang aking mga mata dahil sa labis na pagkagulat lalo na ng makita ko ang seryoso nitong mukha na parang may malaking galit sa akin. Kalaunan ay ngumiti itong bigla na parang nang-aasar kaya alam ko na naisahan na naman ako nito. “Hindi magandang biro ‘yan Susi, pinakaba mo ako ng husto. Paano kung aksidente mong makalabit ang gatilyo n’yan? sayang ang beauty ko.” Ang naiinis kong sabi sa kanya na siyang kinatawa nito ng malakas. “May maganda akong balita, alam mo ba na pumayag na si Quinlan na sumama ako sa misyon nila.” Masaya kong pahayag. “Magandang balita nga ‘yan kasi ikaw na lang ang wala pang experience sa actual na labanan, kum baga ikaw na lang ang kulelat sa atin.” Ang tumatawa nitong sabi kaya nakaramdam ako ng inis. Dahil totoo ang sinasabi nito halos ang lahat ng kabataan dito ay nakahawak na ng sarili nilang misyon samantalang ako ay laging naka-assign sa monitoring kaya naman halos walang nakakaalam kung ano ba talaga ang kakayahan ko. “Makikita mo mas magaling pa ako sa kanila at sigurado ako na ha-hanga silang lahat sa kakayahan ko.” Mayabang kong sabi, kaya natatawa na lang ito sa akin habang naglalagay ng bala sa machine gun ng kanyang baril. “May isa pa akong balita at sigurado na matutuwa ka rito. Alam mo ba na kami na ni Quinlan.” Kinikilig kong sabi na bahagya pang kuminang ang aking mga mata. Napansin ko na bigla siyang huminto sa paglalagay ng bala at nanginginig na ang mga kamay niya. “Susi, ok ka lang?” Nag-aalala kong tanong sa kanya ng napansin ko na namumutla na ang mukha nito.Kaagad ko itong nilapitan at hinawakan sa likod upang himasin ngunit nagulat ako ng tapikin niya ang aking kamay at mabilis na tumayo. “P-Pasensya na Lex, b-bigla kasing sumama ang pakiramdam ko, sige maiwan muna kita.” Ang sabi nito bago nagmamadali na itong tumalikod sa akin at humakbang palayo. Hindi ko maintindihan ang kaibigan kong iyon halos araw-araw ay nag-iiba ang ugali nito maging ang pakikitungo niya sa akin. Nagsimula lang naman ang lahat ng ito mula ng bumalik ako galing Europe. Pakiramdam ko ay may itinatago sa akin ang kaibigan ko. Malungkot akong umuwi sa aming bahay. Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si Momma na nagluluto ng pagkain para sa aming pananghalian.” “Oh, nandiyan ka na pala. Anong nangyari sayo bakit parang namatayan ka!?” Nagtataka na tanong sa akin ni Momma.” “Momma, bakit kaya ganun si Susi? Ang laki na ng pinagbago niya parang ibang tao na siya at hindi na tulad ng dati.” Malungkot na sabi ng dalaga bago umupo sa bangkong kahoy. Natigilan ang ina at bumadha ang lungkot sa mukha nito. Dahil ang kanyang anak-anakan ay inosenti sa lahat ng nangyayari sa paligid nito. Sa kagustuhan na maprotektahan mula sa mapanakit na mga taong nakapaligid sa anak ay sinikap nitong itago ang lahat ng nalalaman at huwag ipaalam sa kanya ang mga natuklasan noong mga panahon na naninirahan ito sa siyudad. “Nag-away na naman ba kayong dalawa?” Ang malumanay na tanong nito sa kanyang anak. “Hindi naman Momma kaya lang napapansin ko na parang hindi na masaya si Susi kapag magkasama kami. Tapos nakikita ko sa kanya na parang may inililihim siya sa akin, ang laki na ng pinagbago niya.” Malungkot nitong sabi. Halata sa inosenti nitong mukha na masyado itong naapektuhan sa inasal ng kaibigan. “Alam mo Lex ikaw na lang ang bahalang umunawa sa kaibigan mo, baka hindi natin alam na may problema pala itong kinakaharap at ang tanging maitutulong lang natin ay ang unawain siya.” Ang malumanay na pahayag ng nanay Lora niya. Ang lungkot sa mukha ni Lexie ay napalitan ng pag-aalala para sa kaibigan dahil sa sinabi ng ina-inahan nito. “Thank you Momma, dahil sa sinabi mo ay naliwanagan ang isip ko.” Masaya na ang bukas ng mukha nito. Tumayo ang dalaga bago malambing na niyakap ang may katabaan nitong katawan. “Alam mo Momma may ibabalita ako sa’yo, kami na ni Quinlan.” Masayang sabi ni Lexie na siyang ikinagulat ng ina nito kaya hindi sinasadyang nabitawan nito ang plato at nabasag sa sahig. “Momma! okay ka lang?” Ang natataranta na tanong ni Lexie bago nagmamadaling kinuha ang dustpan at walis. “Mag-ingat ka Momma baka sa sunod masugatan ka n’yan!” Ang panenermon nito sa ina na nanatili pa ring tulala at hindi gumagalaw sa kinatatayuan habang si Lexie ay abala sa paglilinis sa mga bubog. “Ahm, Momma may sasabihin pa nga pala ako, sa sunod na mission nila Quinlan ay kasama na ako.” Bakas ang kasiyahan sa tinig ng dalaga. Ngunit ng lumingon ito sa ina ay nataranta ito dahil sa nakikitang pamumutla ng mukha nito na tila nahihirapang huminga. “Momma! Momma! Huwag mo akong iiwan hindi ko kaya kapag nawala ka!” Ang naluluhang wika ng dalaga bago mabilis na kinuha ang isang basong tubig ay dinala sa bibig ng ina. Pagkatapos nitong uminom ng tubig ay tila nahimasmasan ang matanda. “Papatayin mo talaga ako sa konsumisyon kang bata ka!” Galit na sigaw nito kay Lexie bago malakas na pinalo ito sa braso. Sino ba naman ang hindi aatakihin sa puso kung hindi ka pa nga nakakarecover sa unang sinabi nito ay sinundan naman nito ng nakakagimbal na balita. “Ouch! Momma naman, masakit eh,” ang reklamo nito habang hinihimas ang nasaktang braso. “Ay talagang masasaktan ka sa akin para makapag-isip ka ng matino!” Ang bulyaw ng matanda dito kaya napapakamot na lang sa ulo si Lexie. Dumating na ang araw na kinatatakutan ni aling Lora dahil ayaw niya na mapahamak ang kanyang anak. Oo, inaasahan na niya na mangyayari ang mga ito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito lubos na matanggap. Binalot ng matinding takot at pag-aalala ang puso ng matanda kaya malungkot niyang pinagmasdan ang magandang mukha ng anak. Sa totoo lang ay hindi nababagay ang kanyang anak sa ganitong klase ng buhay ngunit wala siyang kakayahan na mailayo ito. Marami na kasi ang sumubok na tumiwalag sa kanilang grupo ngunit kahit isa ay walang nagtagumpay. Iisa lang ang kinahinatnan nilang lahat, kamatayan. Labis na nahihirapan si Aling Lora ngunit wala siyang magawa para sa anak. Minsan na siyang umasa na sana balang araw ay makaalis ang dalaga sa magulong pamumuhay na kanilang kinasasadlakan. Noong una ay ok lang sa kanya ang ganitong klaseng buhay ngunit simula ng dumating sa buhay niya si Lexie ay biglang nagbago ang pananaw niya sa buhay. At ang isa pang problema na kinakaharap ay ang kasunduan nila ng kanilang kumander. Upang huwag lang magalaw si Lexie ng kanilang mga kasamahan ay pumayag si Aling Lora na ipakasal ang kanyang anak-anakan sa anak ng kanilang pinuno at iyon ay si Quinlan. Labis siyang nababahala dahil mukhang mapapaaga na mangyari ang mga kinatatakutan niya. Nakaramdam ng pagsisisi si Lexie ng makita ang malungkot na mukha ng ina habang nakatulala na naman ito na parang wala sa sarili. Lumapit siya rito at niyakap ito ng mahigpit. “I’m so sorry, Momma, promise po hindi na ito mauulit.” Malambing na wika nito sa ina. Tuluyan ng naiyak ang matanda at mahigpit na niyakap ang anak. “Wala kang kasalanan, basta lagi mong tatandaan mag-iingat kang mabuti at huwag kang magtiwala kahit kanino dahil alam mo kung anong klaseng buhay ang mayroon tayo. Kapag dumating ang panahon na hindi mo na kaya ang lahat at sa tingin mo ay mali na ang lahat huwag kang mag-alinlangan na lisanin ang lugar na ito. Bata ka pa Lexie at malayo pa ang mararating mo.” Madamdaming pahayag nito na siyang ikinaluha ni Lexie bago niyakap nila ng mahigpit ang isa’t-isa.Susi POV “Hindi ako makapaniwala na nagawa mo kaming pagsabayin ng kaibigan ko?” Matinding galit ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Labis akong nasaktan ng malaman ko mula kay Lexie na may relasyon na sila ni Quinlan.Kaya ngayon ay nandito ako sa kwarto ni Quinlan at kinukumpronta ito tungkol sa relasyon nilang dalawa ng kaibigan ko. “Enough Susi, alam mo naman na sa simula pa lang ay mahalaga na sa akin si Lexie, at wala pa ring magbabago sa ating dalawa kahit kami na ni Lexie.” Balewala nitong sagot sa akin bago umupo sa gilid ng kama. Para akong sinampal sa sinabi nito at ng mga sandaling ito ay parang naninikip ang dibdib ko ng marinig sa mismong bibig nito kung gaano niya kamahal si Lexie. Hindi makapaniwala na tumitig ako sa kan’yang mukha at makikita sa mukha ni Quinlan na talagang desidido ito na mamangka sa dalawang ilog. Masakit ito para sa akin dahil mahal ko ang kaibigan ko ngunit mahal ko rin ang boyfriend ko. Oo, matagal na kaming may relasyon ni Quinlan na
Chloe’s POV“Bakit ganyan ang itsura mo? Sinong may gawa sa’yo niyan?” Galit na tanong ni Emerzon sa akin.Madilim ang awra ng mukha nito habang sinusuring mabuti ang aking kabuuan, tiim-bagâng ito habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay.Marumi kasi ang suot kong bestida at mayroon pang naka dikit na chewing gum sa likurang bahagi ng aking damit.“Tsk, hindi lang kita nasundo ngayong araw ganyan na kaagad ang inabot mo?Bakit ba hindi ka marunong lumaban? Hanggang kailan mo sila hahayaan na apihin ka?” Magkasunod na tanong nito sa akin.Nanatili akong walang imik habang tahimik na umiiyak nagmukha tuloy akong bata na sinisermunan ng kan’yang ama.Ayokong magtaas ng tingin dahil alam ko naman na awa lang ang makikita ko sa mga mata ni Emerzon.Kinabig ako nito sa kan’yang dibdib saka mahigpit na niyakap, naramdaman kong hinalikan ako nito sa bunbunan habang masuyong hinahaplos ang aking likod.Biglang gumaan ang pakiramdam ko ng makulong sa mga bisig nito, dahil nakasumpong ako ng
Lexie’s POVKasalukuyan akong naghahanda para sa mission na isasakutaparan ngayong araw.Ito ang unang pagkakataon na sasabak ako sa actual na laban.Ang mission namin ngayong araw ay ang pasabugin ang isang gusali kung saan magaganap ang pagpupulong ng mga ilang corrupt na politiko.Sila ang Dahilan kung bakit hindi umuunlad ang aming bansa at mas marami pa ang naghihirap dahil sa pagiging gahaman ng mga ito sa kapangyarihan.“Fix yourself Lexie dahil sa pagkakataong ito ay hindi biro ang mission na ito, alalahanin mo na buhay nating lahat ang nakataya dito.” Seryoso na paalala sa akin ni Quinlan na siyang ikinatango ko.Hinalikan niya ang aking noo bago ako tinalikuran nito. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang matalim na tingin ni Susi sa akin kaya hinarap ko ito. “Parang may galit ka sa mundo ah? Let me guess hindi ka na naman ba pinakain? kaya ba masama ang loob mo?” Pang-aasar ko sa kan’ya kaya lalong tumalim ang tingin niya sa akin. “Kasi kinakabahan ako kapag
Lexie’s POV Matinding pagdadalamhati ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito dahil sa pagkamatay ni Uncle Relly.Hindi ko matanggap na nagawa niyang isakripisyo ang buhay at pasabugin ang sarili upang magtagumpay lang ang mission na ito. Maging si Momma ay nalungkot mula sa nangyari ngunit wala kaming nagawa kung hindi ang umiyak at tanggapin na lang ang lahat. Kapalit ng pagsasakripisyo nang buhay ni Uncle ay isang malaking halaga para sa kanyang pamilya, bago pa maganap ang mission ay natanggap na ng mga ito ang pera.Labis akong naaawa sa matanda dahil namatay na lang ito na hindi naka-piling ang kanyang pamilya.“Momma, umalis na tayo dito, magpakalayo-layo na tayo, hm? Ayoko na pati ikaw ay mawala sa akin, Momma.” Pagsusumamo ko sa aking ina, pinipilit ko ito na lumayo na lang kami at magsimula ng bagong buhay ngunit nanatili lang itong tahimik at walang kibo.“Momma, parang-awa mo na! Makinig ka naman sa akin, oh.” Anya na patuloy na nakikiusap sa kanya.“Tumigil ka
“Dad, pwede ba tayong mag-usap?” Tanong ni Alona sa kanyang Ama, ang tumatayong pinuno ng kanilang grupo.“Importante ba ang sasabihin mo? Dahil busy ako ngayon.” Nakaramdam ng lungkot si Alona dahil mula sa malamig na tinig ng ama ay ramdam niya na wala itong gana na makipag-usap sa kanya.Simula ng maliit pa lang siya ay malamig na ang relasyon nila bilang mag-ama.Hinawi niya ang kanyang sarili at pilit na itinago ang nararamdamang emosyon. Isa kasi sa kanilang tuntunin ay bawal ang magpakita ng kahinaan.“Nais ko lang imungkahi na bigyan ninyo ng isang misyon si Lexie upang masubukan ang kan’yang kakayahan at katapatan sa ating hukbo.Dahil nakikita ko na masyadong mahina at malambot ang puso nito para sa kalaban.” Seryosong sabi ni Alona habang diretsong nakatingin sa ama.Biglang nag-taas ng tingin si Commander Dulah at tumitig sa mukha ng anak. “Alam mo na si Lexie ang nakatakda na maging asawa ni Quinlan at isa sa napagkasunduan namin ng kapatid mo ay ang hindi pagbibigay ng
Lexie’s POV “Honey, are you okay?” Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng muli kong marinig ang tanong na ito mula kay Quinlan.“Look honey, ilang beses mo na bang tinanong sa akin ‘yan? relax, okay? And take a breath.” sabi ko sa kanya bago sinundan ng isang mahinang tawa. Narinig ko ang nang-aasar na tawa ni Susi mula sa kabilang linya. Natatawa na lang kami sa inaasal ngayon ni Quinlan, ako ang may misyon ngunit ito ang mas kinakabahan kaysa sa akin.Samantalang ako ay matinding excitement ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito.I am so happy to have him kasi for me he's the perfect boyfriend. Napaka-sweet at mapagmahal na kasintahan si Quinlan.Isa rin sa nagustuhan ko sa kan’ya ay ang pagiging overprotective nito sa akin, ni katiting na galos ay ayaw akong magalusan nito. Mas matanda siya sa akin ng anim na taon kaya matured na siyang mag-isip.Hindi katulad ko na walang pakialam sa paligid kaya ang mga kasamahan ko ay masyadong napi-preasure sa a
Lexie’s POV “Don’t just stand there! Get after her!” I heard from Mr. Hilton in an angry tone, while holding his injured forehead because it was hit there earlier when I hit him on his face using my gun.Halos bumangga na ako sa mga taong nagkakagulo dahil sa pagmamadali ko na makalayo sa kanilang lahat.Tulad ko ay nag-uunahan din ang mga ito na makahanap ng mapagtataguan upang hindi matamaan ng bala.Nang mga sandaling ito ay pakiramdam ko wala na akong kakampi at lahat na lang ng tao sa aking paligid ay nais akong patayin.Hinihingal na ako ngunit patuloy pa rin akong tumatakbo na kung minsan ay kumukubli sa mga pader na aking nadadaanan, upang makaiwas sa mga bala mula sa mga kasamahan ko. Natigilan ako ng isang lalaki ang nakatayo sa aking harapan at nakatutok ang baril nito sa akin, pakiramdam ko ay huminto sa pag-ikot ang mundo ko at kailangan ko ng harapin ang aking kamatayan.Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay na bumaon sa katawan ko ang bala ng baril
Lexie’s POV “Q-Quinlan? May problema ba? Si Momma? Nakausap mo ba s’ya? Ipinaliwanag mo ba na wala akong kasalanan? sigurado ako na nag-aalala na iyon sa akin.” Magkasunod na tanong ko sa kan’ya na may bahid ng pag-aalala, ngunit kapansin-pansin ang pagiging seryoso at tahimik nito.Kinabahan akong bigla at kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ko ng mga sandaling ito.Natigilan akong bigla ng napagtanto ko ang mga posibleng mangyari. “H-hindi! Si Momma! kailangan ako ni Momma.” Mabilis kong tinakbo ang hagdan upang puntahan ang aking Ina.Ngunit hindi pa ako naka-kalapit sa hagdan ay naramdaman ko na pumulupot ang braso ni Quinlan sa aking baywang saka niyakap ako nito ng mahigpit.“Tama na Lexie, wala na tayong magagawa.” Malungkot na pahayag ni Quinlan.“Hindi! Hindi ako papayag! Hindi ang Momma ko, wala siyang kasalanan! Ako ang may kasalanan ng lahat dapat ako ang parusahan nila!” Galit kong sigaw na pilit kumawala sa mahigpit na yakap ng aking nobyo. “Ano ba! Bitawan mo ako
Zaci Hilton’s Point of view“Sir, everything is ready, and you have thirty minutes before your meeting with the client starts.” Magalang na saad ng aking secretary, halata ang pagiging malambing nito sa tuwing nakikipag-usap siya sa akin.Hindi ko alam kung sinasadya ba nito o natural na sa kanya ang ganung tono.Isang mabilis na sulyap sa direksyon nito ang ginawa ko bago marahang tumango bilang tugon. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan at matamang naghihintay sa aking paglabas, kaya inayos ko na ang aking sarili bago dinampot ang cellphone na nasa ibabaw ng table.Tumayo na ako mula sa aking swivel chair at tuwid na naglakad palabas ng opisina. Ang bawat empleyado na madaanan ko ay yumuyuko, tanda ng kanilang paggalang sa nakatataas sa kanila.Nanatiling seryoso ang aking mukha habang naglalakad sa hallway ng lobby, halos nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga kababaihan.Makikita sa mukha nila ang labis na paghanga at halatang kinikilig ang mga ito habang nakatitig sa aking mu
“Shit!” Pagkatapos magpa-kawala ng isang malutong na mura ay sinundan ito ng isang tunog ng hangin mula sa isang sipa na pinakawalan ng kalaban, “Swoop!” Gahibla na lang ang layo nito sa kanyang mukha. Mabuti na lang ay mabilis siyang napaatras ng isang hakbang, kung hindi ay siguradong nabangasan na ang maganda niyang mukha.Malakas na hiyawan ng mga manonood ang bumasag sa katahimikan ng buong paligid. Ang kanilang mga mukha ay kababakasan ng matinding kasiyahan dahil sa magandang laban na ipinapakita ng dalawang manlalaro.Pagkatapos magpa-kawala ng isang malakas na sipa ay sinundan pa ito ng isa pang sipa ngunit hindi siya nagpa-sindak sa kalaban bagkus ay nakipagsabayan pa siya dito. Gamit ang pinatigas na kamao ay matapang na sinalubong ng isang suntok ang paparating na sipa ng kalaban.“Yeahh!” “Ahhhh!” Halos sabay na sigaw nilang dalawa, parehong pawisan at halata na ang matinding pagod sa kanilang mga mukha ngunit ni isa sa kanila ay walang nais magpatalo.“Aughhh…” ungol ng
Lexie’s POVNaalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking baywang, bukod pa doon ay may isang malaking hita na nakahambay sa aking mga hita habang sa tagiliran ko ay ramdam ko ang isang matigas na bagay na nakaipit sa pagitan ng aming mga katawan.Sa pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa aking paningin ang balahibuhin na katawan ng aking asawa habang nakakulong ako sa mga bisig nito.Napangiwi ako ng makaramdam ng sakit ng ulo at hapdi particular na sa pagitan ng aking mga hita. Saglit na natigilan ako at pilit na inaalala ang mga nangyari ng nagdaang gabi.Sinuri kong mabuti ang aming mga katawan at nanlaki ang aking mga mata ng maalala ko ang lahat ng mga nangyari sa pagitan naming mag-asawa kaya mabilis na lumingon sa kaliwang bahagi ko, kung saan ay payapang natutulog ang aking asawa.“Cedric.” Naiinis na tawag ko sa pangalan nito ngunit ang magaling na lalaki ay umungol lang bago kumilos ang kaliwang kamay nito at lumipat sa kanang dibdib ko, nag-init ang aking pa
Kararating lang ni Cedric galing trabaho, labis siyang nagtataka ng hindi man lang siya sinalubong ng asawa at tanging ang limang anak lang nila ang nadatnan niya sa sala’s. Pagpasok ni Cedric sa kwarto ay nadatnan niya ang asawa sa may veranda na nakatulala sa kawalan. Nakaupo ito sa silya habang nakapatong ang mga paa sa ibabaw ng lamesa. Nakasandal ito sa silya at mula sa veranda ng kwarto ay nakatanaw lang ito sa magandang tanawin. Mag tatakipsilim na kasi kaya kay sarap pagmasdan ang nagkukulay kahel na kalangitan.Napansin niya na malalim ang iniisip ng kanyang asawa dahil hindi man lang nito naramdaman ang kanyang presensya. Nakalapit na siya’t lahat sa likuran nito ay nanatili pa rin itong nakatulala sa hangin.Kinabahang bigla si Cedric dahil alam niya na sa oras na nasa ganoong posisyon ang asawa ay siguradong may pinagpa-planuhan itong gawin.Nagulat pa ito ng bigla niya itong halikan sa pisngi.“Honey, may problema ba? Kanina ka pa tulala d’yan? hindi mo man lang ako na
Lexie’s POVKay sarap pagmasdan ang naggagandahan na kasuotan ng mga kababaihan sa aking harapan, habang ang mga kalalakihan ay nagmukhang kagalang-galang mula sa suot nilang barong na kulay crema. Hindi mapaknit ang mga ngiti sa kanilang mga labi at kababakasan mo ng matinding paghanga ang kanilang mga mukha habang nakatutok sa aking direksyon ang mata ng lahat.Napakaaliwalas ng panahon at ang kalangitan ay tila nangangako ng isang kapayapaan para sa okasyong ito. Napapalibutan ang buong paligid ng mga halamang hitik sa naggagandahang mga bulaklak dito sa hardin.Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang simoy ng sariwang hangin na yumayakap sa aking katawan. Sa pagmulat ng aking mga mata mula sa malayo ay natanaw ko ang isang makisig na Ginoo na matiyagang naghihintay sa dulong bahagi ng pulang carpet. Napakatikas ng tindig nito at nangingibabaw sa lahat ang katangiang taglay nito mula sa suot niyang itim na americana ay higit itong naging kagalang-galang. Kakaiba ang dating n
“Guillermo, laya ka na!” Hindi makapaniwala si Gaston ng marinig ang malakas na sigaw ng Pulis habang binubuksan ang pinto ng selda. Nagmamadali siyang tumayo at lumabas ng pintuan. Tahimik na nakasunod lang ito sa likuran ng pulis habang naglalakad patungo sa table kung saan ay kailangan niyang pirmahan ang kanyang release paper.Maraming katanungan ang naglalaro sa kan’yang isipan kung paano siya nakalaya. Sa pag-angat ng kan’yang mukha ay ang nakangiting mukha ni Agatha ang bumungad sa kanyang paningin.Bakas sa mukha ng babae ang matinding kasiyahan ng makita nito si Gaston, namamangha na tumitig si Gaston sa mukha ni Agatha at hindi talaga niya lubos maisip kung paanong nahulog ang loob nito sa kanya pagkatapos ng mga paghihirap na naranasan nito sa piling niya.Sabik na nagyakap ang dalawa at halos maluha-luha si Gaston dahil sa pagmamahal na ipinapakita sa kanya ng dalaga.“Thank you, Sweetheart, thank you.” Madamdaming pasasalamat niya kay Agatha habang yakap ito ng mahigpit
Cedric’s POV“Huwag kang magkakamali na itusok sa akin ‘yan, kundi tatamaan ka sa akin!” Galit na sigaw ng aking asawa. Pilit pa itong lumalayo at ayaw magpahawak.“Honey naman, hindi naman ito masakit parang kagat lang ito ng langgam.” Ani ko na may halong pakiusap, bago sinubukan ko siyang yakapin.“Huwag mo akong hahawakan lumayo ka sa akin!” Nanggagalaiti niyang wika, hindi na maipinta ang mukha nito at kung minsan ay napapangiwi pa ang mukha nito halatang nakakaramdam na ng sakit.Matinding kabâ ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito ngunit wala akong magawa sa tapang nito.“Mrs. Hilton, sa karayom nga ng asawa mo hindi ka natakot, tapos, maliit na karayom lang takot na takot ka na?” Anya ng doctor habang hawak ang isang syringe, halatang nililibang lang nito si Lexie.“Ibang karayom naman ‘yun, pero sa inyo wala akong tiwala, kung gusto mo kay Tanda mo itusok ‘yan siya ang kuhaan mo ng dugo total siya naman ang may gusto n’yan!” Naiinis na saad nito. Napatingala na lang ako d
Agatha’s POVNaalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas na sinundan pa ng isang putok ng baril. Bigla akong napabalikwas ng bangon at nagmamadaling inayos ang aking damit saka nagmamadaling lumabas ng bahay.Ganun na lang ang pagkagimbal ko ng makita kong nakadapa si Gaston sa lupa habang nilalagyan ng posas sa likod ang mga kamay nito.“Oh, my Ghod! Ang anak ko! Agatha!” Naghi-hysterical na sigaw ni Mommy, bago sinugod ako nito ng yakap. Humagulgol ito ng iyak bago sinuring mabuti ang aking kabuuan, matinding pagkahabag para sa akin ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Naging mabagsik ang awra ng mukha nito at galit na humarap kay Gaston na ngayon ay nakatayo na ngunit nakaposas sa likod ang dalawang kamay nito habang hawak ng dalawang Police sa magkabilang braso nito.“Ikulong n’yo ang lalaki na ‘yan! Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan dahil sa ginawa ko sa anak ko! Hindi kita mapapatawad!” Nanggagalaiti na sigaw ng aking ina, nataranta akong bigla at
Agatha’s POVBigla akong napalingon sa pintuan ng padabog itong bumukas at pumasok ang lasing na si Gaston. Sa loob ng walong buwan na lumipas ay laging na lang itong lasing, halatang may kinakaharap itong problema.Nagsimula lang ito dalawang buwan na ang nakalipas, nagmatured na ng husto ang mukha niya dahil sa mahaba nitong buhok at balbas.Nakamasid lang ako sa bawat kilos niya hanggang sa naghubad ito sa aking harapan at ni isang saplot ay wala siyang itinira.Sa totoo lang ay halos mabingi na ako sa malakas na kabog ng dibdib ko dahil iba ang awra niya ngayon.Hinila niya ang isang silya saka umupo sa bangko, napalunok akong bigla habang nakatingin sa malaking alaga nito na nakabuyanyang sa aking harapan.Lumipat ang aking mga mata sa mukha nito kaya para akong nabato balani sa aking kinatatayuan habang magkahinang ang aming mga mata.Nauunawaan ko kung ano ang nais niyang mangyari, hindi ko alam kung bakit, ngunit paano niyang nagagawa na kontrolin ako sa pamamagitan lang ng mg