Chloe’s POV
“Bakit ganyan ang itsura mo? Sinong may gawa sa’yo niyan?” Galit na tanong ni Emerzon sa akin.Madilim ang awra ng mukha nito habang sinusuring mabuti ang aking kabuuan, tiim-bagâng ito habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay.Marumi kasi ang suot kong bestida at mayroon pang naka dikit na chewing gum sa likurang bahagi ng aking damit.“Tsk, hindi lang kita nasundo ngayong araw ganyan na kaagad ang inabot mo?Bakit ba hindi ka marunong lumaban?Hanggang kailan mo sila hahayaan na apihin ka?” Magkasunod na tanong nito sa akin.Nanatili akong walang imik habang tahimik na umiiyak nagmukha tuloy akong bata na sinisermunan ng kan’yang ama.Ayokong magtaas ng tingin dahil alam ko naman na awa lang ang makikita ko sa mga mata ni Emerzon.Kinabig ako nito sa kan’yang dibdib saka mahigpit na niyakap, naramdaman kong hinalikan ako nito sa bunbunan habang masuyong hinahaplos ang aking likod.Biglang gumaan ang pakiramdam ko ng makulong sa mga bisig nito, dahil nakasumpong ako ng kaligtasan at kapanatagan loob mula sa kan’yang mga bisig.“Sorry, hindi kaagad kita nasundo kasi may part time job pa ako, halika na malelate ka na sa practice mo.” Masuyo niyang sabi bago kinalas ang mga braso nito sa aking katawan.“Okay lang, basta ang importante ay nandito ka na, salamat.” Nakangiti kong pasalamat sa kanya bago inabot ang kamay nito at masuyong hinawakan.Isang matamis na ngiti ang tugon niya sa akin saka pinatakan ng isang banayad na halik nito ang aking noo.Pagkatapos ng sampung hakbang ay huminto kami sa tapat ng motor nito, kinuha ang helmet mula sa loob ng compartment ng motor at saka isinuot sa aking ulo.Nauna siyang sumakay sa motor bago ako inalalayan nito na umangkas sa kanyang likuran.Tanging si Emerzon lang ang taong malapit sa akin, at bukod tanging siya lang ang nagbibigay importansya sa akin. Ewan ko ba kung bakit ayaw sa akin ng lahat at kung bakit ako ang paboritong bulihin ng mga kabataang tulad ko.Wala naman akong masamang ginagawa sa kanila, kung ano ang gusto nila ay maayos ko namang binibigay ngunit sa tuwina ay hindi pa rin sila makuntento.“Sa tingin mo, bakit ayaw sa akin ng lahat?” Wala sa loob na tanong ko kay Emerzon habang nakayakap sa likod nito ngunit patuloy sa marahang pagtakbo ang motor.“Because your so beautiful not only in outside but also inside, dahil sa labis na inggit nila sa ganda mo ay idinadaan nila ang lahat sa pang-aapi sa’yo.” Malumanay na sagot niya sa akin.Humigpit ang yakap ko sa katawan nito bago isinandig ang ulo ko sa likod nito.“Ikaw, hindi ka ba naiinggit sa ganda ko?” Wala sa loob na naitanong ko kay Emerzon.“Hahaha, nope, because I love you.” Natawa ito sa tanong ko bago malambing na sumagot, napangiti ako at mas hinigpitan pa ang yakap sa katawan nito.Huminto kami sa tapat ng isang malaking gusali, ang A&Z modeling agency, Saturday ngayon at may practice kami para sa isang sikat na kumpanya na magrirelease ng mga bago nilang produkto at isa ako sa mga napili para irampa ang kanilang mga mamahaling collection.Lagi akong sinasamahan ni Emerzon sa bawat lakad ko kaya kampante ang loob ko.Matiyaga itong naghihintay sa labas ng dressing room habang nagbibihis ako ng damit.Abalâ ang lahat sa pag-aayos habang ang mga kasamahan ko ay may kanya-kanyang grupo, samantalang ako ay mag-isang inaayusan ang aking sarili.“Chloe, sweetheart, ikaw na ang susunod na sasalang, you still have 10 minutes so, be ready.” Napalingon ako mula sa pintuan ng marinig ko ang sinabi ng aking manager.Nagmamadaling inayos ang sarili, kahit na baguhan pa lang ako ay napakarami ng project ang iniooffer sa akin ngunit mas prioritize ko pa rin ang aking pag-aaral.Habang naglalakad patungo sa pintuan ay hindi nakaligtas sa akin ang mga matang mapanuri.Ang ilan naman ay matalim ang tinging ipinupukol sa akin.Hindi ko na lang sila pinansin at nagmamadaling lumabas ng dressing room.“Wow! Perfect, Chloe, I think hindi mo na kailangan pang magpractise dahil nagawa mo ng maayos ang lahat.” Nakangiting puri sa akin ng aming manager, isa itong bakla kaya medyo malandi itong magsalita gayun pa man ay napakabait nito sa akin.“Maraming salamat po,” nakangiti kong sagot, bumaling ako sa direksyon ni Emerzon at napangiti ako ng kumaway ito sa akin.“Hmm, alam ko ang mga ngiti na yan, boyfriend mo na ba ang lalaking iyon?” Tanong ng manager ko habang nakatingin sa nakatayong si Emerzon.“O-Opo.” Nahihiya kong sagot.“Infairness ang gwapo, pero huwag munang ibibigay ang bataan, hmm?” Anya na bahagya akong pinandilatan ng mga mata nito.Lumalim ang gatla ng aking noo dahil sa sinabi nito, at kahit hindi ko lubos na nauunawaan ang sinasabi nito ay tumango na lang ako bilang tugon.Nagpaalam na ako sa kanya at tumungo na sa dressing room upang magpalit ng damit.“Chloe, pwede mo ba akong tulungan, hindi ko kasi maabot ang zipper ng damit ko.” Nakangiti naman akong lumapit kay Melinda at izinipper ang damit nito sa likod.“Pakitapon na rin ito sa basurahan kailangan ko na kasing lumabas, thank you.” Utos niya sa akin pagkatapos kong izipper ang kan’yang damit.“Pasuyo na rin ako nito, total tapos ka naman na, thank you.” Sabat ng isa sa kanila na sa pagka-tanda ko ay kaibigan ito ni Melinda.Inilagay niya ang isang plastic na basura sa kamya ko bago ako tinalikuran nito.Maayos kong pinulot ang mga basura sa gilid upang itapon ngunit sa pagharap ko ay napasinghap ako ng may biglang nagtapon ng isang basong juice sa aking dibdib.Nabitawan ko ang mga basura na hawak ko kaya nagsabog ito sa sahig. Kaagad na inilayo ang damit sa aking katawan.Halos manginig ang katawan ko sa sobrang lamig ng juice.“Oh my, Jasper! Look nabasa na si Chloe.” Saad ni Melinda ngunit kapansin-pansin ang pasimpleng pagngiti nito habang nakataas ang kaliwang kilay.“Ops sorry, hindi ko sinasadya,” Nakangiting sagot ni Jasper, isa rin siya sa mga modelo dito at sa pagkakaalam ko ay boyfriend siya ni Melinda.Hindi nakaligtas sa aking paningin ang malagkit na tingin nito sa dibdib ko na bumakat sa manipis na tela ng suot kong blouse.Halos nasa akin na ang lahat ng atensyon at hindi ko na alam kung ano ang gagawin.“Blag!” Nagulat ang lahat ng biglang bumagsak si Jasper sa sahig, sa pag-angat ng aking mga mata ay ang galit na mukha ni Emerzon ang sumalubong sa akin.“Akala mo hindi ko nakita ang lahat! Hayop ka sinadya mong buhusan ng juice ang girlfriend ko! Bakla kang hayop ka! Tumayo ka d’yan para malaman mo kung sinong binabastos mo!” Galit na bulyaw ni Emerzon dito.Natataranta na lumapit ako sa kan’ya at mahigpit na niyakap ang katawan nito.“T-tama na, please, Emerzon umalis na tayo dito.” Naluluha kong sabi na pilit itong hinihila palabas ng dressing room.“Kaya ka pinagsasamantalahan ng mga ‘yan dahil hinahayaan mo na ginaganyan ka nila.” Galit ng singhal niya sa akin, nagsimula ng manginig ang katawan ko dahil sa matinding nerbiyos at nagmamakaawa na tumitig sa kan’yang mga mata.Naramdaman yata nito ang matinding tensyon sa aking katawan kaya humigit ito ng isang malalim na hininga at sinikap na kalmahin ang sarili.“Tumawag kayo ng Guard at palayasin n’yo dito ang tagasquater na yan!” Nanggigigil na sigaw ni Melinda, namumula na ng husto ang mukha nito habang matalim na nakatitig kay Emerzon.“Hindi pa tayo tapos,” baling ni Emerzon kay Jasper na kasalukuyang nakaupo sa sahig.Nakita ko na marahas na dinampot ni Emerzon ang aking bag habang nakayakap ang kanang kamay nito sa akin.Iginiya ako nito palabas ng dressing room, halos hindi na maipinta ang mukha ng lahat habang masama ang tingin sa aming dalawa.“Okay ka lang?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Emerzon, tipid akong ngumiti sa kan’ya bago kinuha ang isang kamay nito.Kasalukuyan na kaming nandito ngayon sa tapat ng Mansion, hinatid na ako nito pagkagaling namin sa A&Z company.“Nang dahil sa akin napaaway ka, pasensya ka na kung pati ikaw ay nadadamay sa mga gulong kinasasangkutan ko.” Naiiyak kong wika habang mahigpit na hawak ang kanang kamay nito.Inilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan ako sa labi.“Hindi ko hahayaan na saktan ka ng iba, mananatili ako sa tabi mo habang buhay, Mahal ko.” Malambing nitong saad habang hinahaplos ng hinlalaking daliri nito ang kaliwang pisngi ko.“Salamat, maraming salamat.” Puno ng kasiyahan ang puso ko dahil sa lalaking handa akong ipagtanggol kahit kanino.“Pumasok ka na sa loob ng bahay n’yo, saka na lang ako magpapakita sa daddy mo, nakakahiya kasi ang ayos ko.” Nakangiti niyang sabi, isang banayad na halik ang aming pinagsaluhan bago ko ito iniwan at pumasok na sa loob ng aming tahanan.Papasok na sana ako sa aking kwarto ng mapansin ko ang isang bulto ng tao mula sa veranda. Kahit madilim ay kilala ko kung sino ito kaya nilapitan ko siya at niyakap ito sa baywang.“Mukhang malalim na naman ang iniisip ng daddy ko, ah.” Malambing kong wika, kumilos ito at niyakap ako, saka masuyong hinalikan sa ulo,.“Iniisip ko lang kung nasaan na kaya ang kapatid mo, sana buhay pa s’ya, at dumating ang panahon na makita ko man lang siya bago ako mawala sa mundong ito.” Malungkot na saad niya.“Dad, nararamdaman ko na buhay pa si Alisha, maging ako ay umaasa rin na balang araw ay makita na natin siya.” Mahigpit na niyakap ako ng aking ama at ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin.Natigilan ako saglit at napahawak sa aking dibdib, bigla akong hiningal at kusang pumatak ang mga luha ko.“C-Chloe, Anak? Anong nangyayari sayo?” Nag-aalala na tanong ng aking Ama.“Dad, hindi ko alam pero bakit ang bigat ng dibdib ko, parang nasasaktan ako sa hindi ko malamang dahilan.” Anya sa pagitan ng pagluha.“Si Alisha, Dad, nararamdaman ko s’ya.” Anya sa malungkot na tinig.”Binalot ng matinding pag-aalala ang puso ni Elias para sa nawawala niyang anak ngunit wala silang magagawa at tanging dasal na lang ang maaari nilang gawin para sa kaligtasan ni Alisha.Lexie’s POVKasalukuyan akong naghahanda para sa mission na isasakutaparan ngayong araw.Ito ang unang pagkakataon na sasabak ako sa actual na laban.Ang mission namin ngayong araw ay ang pasabugin ang isang gusali kung saan magaganap ang pagpupulong ng mga ilang corrupt na politiko.Sila ang Dahilan kung bakit hindi umuunlad ang aming bansa at mas marami pa ang naghihirap dahil sa pagiging gahaman ng mga ito sa kapangyarihan.“Fix yourself Lexie dahil sa pagkakataong ito ay hindi biro ang mission na ito, alalahanin mo na buhay nating lahat ang nakataya dito.” Seryoso na paalala sa akin ni Quinlan na siyang ikinatango ko.Hinalikan niya ang aking noo bago ako tinalikuran nito. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang matalim na tingin ni Susi sa akin kaya hinarap ko ito. “Parang may galit ka sa mundo ah? Let me guess hindi ka na naman ba pinakain? kaya ba masama ang loob mo?” Pang-aasar ko sa kan’ya kaya lalong tumalim ang tingin niya sa akin. “Kasi kinakabahan ako kapag
Lexie’s POV Matinding pagdadalamhati ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito dahil sa pagkamatay ni Uncle Relly.Hindi ko matanggap na nagawa niyang isakripisyo ang buhay at pasabugin ang sarili upang magtagumpay lang ang mission na ito. Maging si Momma ay nalungkot mula sa nangyari ngunit wala kaming nagawa kung hindi ang umiyak at tanggapin na lang ang lahat. Kapalit ng pagsasakripisyo nang buhay ni Uncle ay isang malaking halaga para sa kanyang pamilya, bago pa maganap ang mission ay natanggap na ng mga ito ang pera.Labis akong naaawa sa matanda dahil namatay na lang ito na hindi naka-piling ang kanyang pamilya.“Momma, umalis na tayo dito, magpakalayo-layo na tayo, hm? Ayoko na pati ikaw ay mawala sa akin, Momma.” Pagsusumamo ko sa aking ina, pinipilit ko ito na lumayo na lang kami at magsimula ng bagong buhay ngunit nanatili lang itong tahimik at walang kibo.“Momma, parang-awa mo na! Makinig ka naman sa akin, oh.” Anya na patuloy na nakikiusap sa kanya.“Tumigil ka
“Dad, pwede ba tayong mag-usap?” Tanong ni Alona sa kanyang Ama, ang tumatayong pinuno ng kanilang grupo.“Importante ba ang sasabihin mo? Dahil busy ako ngayon.” Nakaramdam ng lungkot si Alona dahil mula sa malamig na tinig ng ama ay ramdam niya na wala itong gana na makipag-usap sa kanya.Simula ng maliit pa lang siya ay malamig na ang relasyon nila bilang mag-ama.Hinawi niya ang kanyang sarili at pilit na itinago ang nararamdamang emosyon. Isa kasi sa kanilang tuntunin ay bawal ang magpakita ng kahinaan.“Nais ko lang imungkahi na bigyan ninyo ng isang misyon si Lexie upang masubukan ang kan’yang kakayahan at katapatan sa ating hukbo.Dahil nakikita ko na masyadong mahina at malambot ang puso nito para sa kalaban.” Seryosong sabi ni Alona habang diretsong nakatingin sa ama.Biglang nag-taas ng tingin si Commander Dulah at tumitig sa mukha ng anak. “Alam mo na si Lexie ang nakatakda na maging asawa ni Quinlan at isa sa napagkasunduan namin ng kapatid mo ay ang hindi pagbibigay ng
Lexie’s POV “Honey, are you okay?” Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng muli kong marinig ang tanong na ito mula kay Quinlan.“Look honey, ilang beses mo na bang tinanong sa akin ‘yan? relax, okay? And take a breath.” sabi ko sa kanya bago sinundan ng isang mahinang tawa. Narinig ko ang nang-aasar na tawa ni Susi mula sa kabilang linya. Natatawa na lang kami sa inaasal ngayon ni Quinlan, ako ang may misyon ngunit ito ang mas kinakabahan kaysa sa akin.Samantalang ako ay matinding excitement ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito.I am so happy to have him kasi for me he's the perfect boyfriend. Napaka-sweet at mapagmahal na kasintahan si Quinlan.Isa rin sa nagustuhan ko sa kan’ya ay ang pagiging overprotective nito sa akin, ni katiting na galos ay ayaw akong magalusan nito. Mas matanda siya sa akin ng anim na taon kaya matured na siyang mag-isip.Hindi katulad ko na walang pakialam sa paligid kaya ang mga kasamahan ko ay masyadong napi-preasure sa a
Lexie’s POV “Don’t just stand there! Get after her!” I heard from Mr. Hilton in an angry tone, while holding his injured forehead because it was hit there earlier when I hit him on his face using my gun.Halos bumangga na ako sa mga taong nagkakagulo dahil sa pagmamadali ko na makalayo sa kanilang lahat.Tulad ko ay nag-uunahan din ang mga ito na makahanap ng mapagtataguan upang hindi matamaan ng bala.Nang mga sandaling ito ay pakiramdam ko wala na akong kakampi at lahat na lang ng tao sa aking paligid ay nais akong patayin.Hinihingal na ako ngunit patuloy pa rin akong tumatakbo na kung minsan ay kumukubli sa mga pader na aking nadadaanan, upang makaiwas sa mga bala mula sa mga kasamahan ko. Natigilan ako ng isang lalaki ang nakatayo sa aking harapan at nakatutok ang baril nito sa akin, pakiramdam ko ay huminto sa pag-ikot ang mundo ko at kailangan ko ng harapin ang aking kamatayan.Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay na bumaon sa katawan ko ang bala ng baril
Lexie’s POV “Q-Quinlan? May problema ba? Si Momma? Nakausap mo ba s’ya? Ipinaliwanag mo ba na wala akong kasalanan? sigurado ako na nag-aalala na iyon sa akin.” Magkasunod na tanong ko sa kan’ya na may bahid ng pag-aalala, ngunit kapansin-pansin ang pagiging seryoso at tahimik nito.Kinabahan akong bigla at kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ko ng mga sandaling ito.Natigilan akong bigla ng napagtanto ko ang mga posibleng mangyari. “H-hindi! Si Momma! kailangan ako ni Momma.” Mabilis kong tinakbo ang hagdan upang puntahan ang aking Ina.Ngunit hindi pa ako naka-kalapit sa hagdan ay naramdaman ko na pumulupot ang braso ni Quinlan sa aking baywang saka niyakap ako nito ng mahigpit.“Tama na Lexie, wala na tayong magagawa.” Malungkot na pahayag ni Quinlan.“Hindi! Hindi ako papayag! Hindi ang Momma ko, wala siyang kasalanan! Ako ang may kasalanan ng lahat dapat ako ang parusahan nila!” Galit kong sigaw na pilit kumawala sa mahigpit na yakap ng aking nobyo. “Ano ba! Bitawan mo ako
“Gov, bigyan mo ako ng pangalawang pagkakataon at itatama ko ang lahat, pangako hindi na ako uulit!” Nagmamakaawang pakiusap ng isang lalaki na nasa edad forty five, ngunit ang taong kaharap niya ay hindi mo kakikitaan ng awa o ng anumang expression.Lumapit ang isa sa kan’yang tauhan at sinalinan ng alak ang wine glass nito na nakapatong sa ibabaw ng mesa.“Ang lakas ng loob mo na nakawan ako? Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko sa mga taong katulad mo?” Seryosong tanong nito bago dinampot ang isang mamahaling stick ng sigarilyo, mabilis na lumapit ang kanyang tauhan at kaagad na sinindihan ito. Humithit ito bago ibinuga ang usok mula sa kanyang bibig.“Kunin n’yo ang lahat ng kanyang ari-arian at ito na rin ang huling pagkakataon na makikita ko ang mukha mo dito sa Montenegro.” Galit niyang utos sa kanyang mga tauhan. Namutla ang mukha ng lalaki at hindi makapaniwala na tumingin ito sa kanya.Kilala ng lahat ang Governor ng Montenegro bilang malupit at walang puso lalo na pagdating
Chloe’s POV “Umamin ka nga sa akin, may relasyon ba kayo ng lalaking iyon?” Galit na tanong sa akin ni Emerzon. “Wala! Maniwala ka sa akin, Babe, hindi ko talaga kilala ang lalaking iyon!” Umiiyak kong sabi sa kanya bago lumapit sa aking nobyo at niyakap ito ng mahigpit. “Alam mo naman na ikaw lang ang lalaki sa buhay ko at hindi ko magagawang ipagpalit ka dahil mahal na mahal kita.” Halos pumiyok na ang boses ko sa pagsasalita, naramdaman ko ang mga kamay nito sa aking likuran hanggang sa yakapin ako nito ng mahigpit. “Hindi ko kaya kapag nawala ka sa akin Chloe, mangako ka na hindi mo ako iiwan o ipagpapalit sa ibang lalaki.” Masuyo nitong sabi habang hinahalikan nito ang ulo ko.“Pangako mahal ko, ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko dito sa mundo.” Mga katagang binitawan ko sa kanya mula sa kaibuturan ng aking puso bago ngumiti ng matamis sa aking nobyo.Bumaba ang mukha nito upang ako ay hagkan sa labi kaya pinikit ko ang aking mga mata at nilasap ang ma
Zaci Hilton’s Point of view“Sir, everything is ready, and you have thirty minutes before your meeting with the client starts.” Magalang na saad ng aking secretary, halata ang pagiging malambing nito sa tuwing nakikipag-usap siya sa akin.Hindi ko alam kung sinasadya ba nito o natural na sa kanya ang ganung tono.Isang mabilis na sulyap sa direksyon nito ang ginawa ko bago marahang tumango bilang tugon. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan at matamang naghihintay sa aking paglabas, kaya inayos ko na ang aking sarili bago dinampot ang cellphone na nasa ibabaw ng table.Tumayo na ako mula sa aking swivel chair at tuwid na naglakad palabas ng opisina. Ang bawat empleyado na madaanan ko ay yumuyuko, tanda ng kanilang paggalang sa nakatataas sa kanila.Nanatiling seryoso ang aking mukha habang naglalakad sa hallway ng lobby, halos nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga kababaihan.Makikita sa mukha nila ang labis na paghanga at halatang kinikilig ang mga ito habang nakatitig sa aking mu
“Shit!” Pagkatapos magpa-kawala ng isang malutong na mura ay sinundan ito ng isang tunog ng hangin mula sa isang sipa na pinakawalan ng kalaban, “Swoop!” Gahibla na lang ang layo nito sa kanyang mukha. Mabuti na lang ay mabilis siyang napaatras ng isang hakbang, kung hindi ay siguradong nabangasan na ang maganda niyang mukha.Malakas na hiyawan ng mga manonood ang bumasag sa katahimikan ng buong paligid. Ang kanilang mga mukha ay kababakasan ng matinding kasiyahan dahil sa magandang laban na ipinapakita ng dalawang manlalaro.Pagkatapos magpa-kawala ng isang malakas na sipa ay sinundan pa ito ng isa pang sipa ngunit hindi siya nagpa-sindak sa kalaban bagkus ay nakipagsabayan pa siya dito. Gamit ang pinatigas na kamao ay matapang na sinalubong ng isang suntok ang paparating na sipa ng kalaban.“Yeahh!” “Ahhhh!” Halos sabay na sigaw nilang dalawa, parehong pawisan at halata na ang matinding pagod sa kanilang mga mukha ngunit ni isa sa kanila ay walang nais magpatalo.“Aughhh…” ungol ng
Lexie’s POVNaalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking baywang, bukod pa doon ay may isang malaking hita na nakahambay sa aking mga hita habang sa tagiliran ko ay ramdam ko ang isang matigas na bagay na nakaipit sa pagitan ng aming mga katawan.Sa pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa aking paningin ang balahibuhin na katawan ng aking asawa habang nakakulong ako sa mga bisig nito.Napangiwi ako ng makaramdam ng sakit ng ulo at hapdi particular na sa pagitan ng aking mga hita. Saglit na natigilan ako at pilit na inaalala ang mga nangyari ng nagdaang gabi.Sinuri kong mabuti ang aming mga katawan at nanlaki ang aking mga mata ng maalala ko ang lahat ng mga nangyari sa pagitan naming mag-asawa kaya mabilis na lumingon sa kaliwang bahagi ko, kung saan ay payapang natutulog ang aking asawa.“Cedric.” Naiinis na tawag ko sa pangalan nito ngunit ang magaling na lalaki ay umungol lang bago kumilos ang kaliwang kamay nito at lumipat sa kanang dibdib ko, nag-init ang aking pa
Kararating lang ni Cedric galing trabaho, labis siyang nagtataka ng hindi man lang siya sinalubong ng asawa at tanging ang limang anak lang nila ang nadatnan niya sa sala’s. Pagpasok ni Cedric sa kwarto ay nadatnan niya ang asawa sa may veranda na nakatulala sa kawalan. Nakaupo ito sa silya habang nakapatong ang mga paa sa ibabaw ng lamesa. Nakasandal ito sa silya at mula sa veranda ng kwarto ay nakatanaw lang ito sa magandang tanawin. Mag tatakipsilim na kasi kaya kay sarap pagmasdan ang nagkukulay kahel na kalangitan.Napansin niya na malalim ang iniisip ng kanyang asawa dahil hindi man lang nito naramdaman ang kanyang presensya. Nakalapit na siya’t lahat sa likuran nito ay nanatili pa rin itong nakatulala sa hangin.Kinabahang bigla si Cedric dahil alam niya na sa oras na nasa ganoong posisyon ang asawa ay siguradong may pinagpa-planuhan itong gawin.Nagulat pa ito ng bigla niya itong halikan sa pisngi.“Honey, may problema ba? Kanina ka pa tulala d’yan? hindi mo man lang ako na
Lexie’s POVKay sarap pagmasdan ang naggagandahan na kasuotan ng mga kababaihan sa aking harapan, habang ang mga kalalakihan ay nagmukhang kagalang-galang mula sa suot nilang barong na kulay crema. Hindi mapaknit ang mga ngiti sa kanilang mga labi at kababakasan mo ng matinding paghanga ang kanilang mga mukha habang nakatutok sa aking direksyon ang mata ng lahat.Napakaaliwalas ng panahon at ang kalangitan ay tila nangangako ng isang kapayapaan para sa okasyong ito. Napapalibutan ang buong paligid ng mga halamang hitik sa naggagandahang mga bulaklak dito sa hardin.Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang simoy ng sariwang hangin na yumayakap sa aking katawan. Sa pagmulat ng aking mga mata mula sa malayo ay natanaw ko ang isang makisig na Ginoo na matiyagang naghihintay sa dulong bahagi ng pulang carpet. Napakatikas ng tindig nito at nangingibabaw sa lahat ang katangiang taglay nito mula sa suot niyang itim na americana ay higit itong naging kagalang-galang. Kakaiba ang dating n
“Guillermo, laya ka na!” Hindi makapaniwala si Gaston ng marinig ang malakas na sigaw ng Pulis habang binubuksan ang pinto ng selda. Nagmamadali siyang tumayo at lumabas ng pintuan. Tahimik na nakasunod lang ito sa likuran ng pulis habang naglalakad patungo sa table kung saan ay kailangan niyang pirmahan ang kanyang release paper.Maraming katanungan ang naglalaro sa kan’yang isipan kung paano siya nakalaya. Sa pag-angat ng kan’yang mukha ay ang nakangiting mukha ni Agatha ang bumungad sa kanyang paningin.Bakas sa mukha ng babae ang matinding kasiyahan ng makita nito si Gaston, namamangha na tumitig si Gaston sa mukha ni Agatha at hindi talaga niya lubos maisip kung paanong nahulog ang loob nito sa kanya pagkatapos ng mga paghihirap na naranasan nito sa piling niya.Sabik na nagyakap ang dalawa at halos maluha-luha si Gaston dahil sa pagmamahal na ipinapakita sa kanya ng dalaga.“Thank you, Sweetheart, thank you.” Madamdaming pasasalamat niya kay Agatha habang yakap ito ng mahigpit
Cedric’s POV“Huwag kang magkakamali na itusok sa akin ‘yan, kundi tatamaan ka sa akin!” Galit na sigaw ng aking asawa. Pilit pa itong lumalayo at ayaw magpahawak.“Honey naman, hindi naman ito masakit parang kagat lang ito ng langgam.” Ani ko na may halong pakiusap, bago sinubukan ko siyang yakapin.“Huwag mo akong hahawakan lumayo ka sa akin!” Nanggagalaiti niyang wika, hindi na maipinta ang mukha nito at kung minsan ay napapangiwi pa ang mukha nito halatang nakakaramdam na ng sakit.Matinding kabâ ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito ngunit wala akong magawa sa tapang nito.“Mrs. Hilton, sa karayom nga ng asawa mo hindi ka natakot, tapos, maliit na karayom lang takot na takot ka na?” Anya ng doctor habang hawak ang isang syringe, halatang nililibang lang nito si Lexie.“Ibang karayom naman ‘yun, pero sa inyo wala akong tiwala, kung gusto mo kay Tanda mo itusok ‘yan siya ang kuhaan mo ng dugo total siya naman ang may gusto n’yan!” Naiinis na saad nito. Napatingala na lang ako d
Agatha’s POVNaalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas na sinundan pa ng isang putok ng baril. Bigla akong napabalikwas ng bangon at nagmamadaling inayos ang aking damit saka nagmamadaling lumabas ng bahay.Ganun na lang ang pagkagimbal ko ng makita kong nakadapa si Gaston sa lupa habang nilalagyan ng posas sa likod ang mga kamay nito.“Oh, my Ghod! Ang anak ko! Agatha!” Naghi-hysterical na sigaw ni Mommy, bago sinugod ako nito ng yakap. Humagulgol ito ng iyak bago sinuring mabuti ang aking kabuuan, matinding pagkahabag para sa akin ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Naging mabagsik ang awra ng mukha nito at galit na humarap kay Gaston na ngayon ay nakatayo na ngunit nakaposas sa likod ang dalawang kamay nito habang hawak ng dalawang Police sa magkabilang braso nito.“Ikulong n’yo ang lalaki na ‘yan! Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan dahil sa ginawa ko sa anak ko! Hindi kita mapapatawad!” Nanggagalaiti na sigaw ng aking ina, nataranta akong bigla at
Agatha’s POVBigla akong napalingon sa pintuan ng padabog itong bumukas at pumasok ang lasing na si Gaston. Sa loob ng walong buwan na lumipas ay laging na lang itong lasing, halatang may kinakaharap itong problema.Nagsimula lang ito dalawang buwan na ang nakalipas, nagmatured na ng husto ang mukha niya dahil sa mahaba nitong buhok at balbas.Nakamasid lang ako sa bawat kilos niya hanggang sa naghubad ito sa aking harapan at ni isang saplot ay wala siyang itinira.Sa totoo lang ay halos mabingi na ako sa malakas na kabog ng dibdib ko dahil iba ang awra niya ngayon.Hinila niya ang isang silya saka umupo sa bangko, napalunok akong bigla habang nakatingin sa malaking alaga nito na nakabuyanyang sa aking harapan.Lumipat ang aking mga mata sa mukha nito kaya para akong nabato balani sa aking kinatatayuan habang magkahinang ang aming mga mata.Nauunawaan ko kung ano ang nais niyang mangyari, hindi ko alam kung bakit, ngunit paano niyang nagagawa na kontrolin ako sa pamamagitan lang ng mg