Chloe’s POV “Umamin ka nga sa akin, may relasyon ba kayo ng lalaking iyon?” Galit na tanong sa akin ni Emerzon. “Wala! Maniwala ka sa akin, Babe, hindi ko talaga kilala ang lalaking iyon!” Umiiyak kong sabi sa kanya bago lumapit sa aking nobyo at niyakap ito ng mahigpit. “Alam mo naman na ikaw lang ang lalaki sa buhay ko at hindi ko magagawang ipagpalit ka dahil mahal na mahal kita.” Halos pumiyok na ang boses ko sa pagsasalita, naramdaman ko ang mga kamay nito sa aking likuran hanggang sa yakapin ako nito ng mahigpit. “Hindi ko kaya kapag nawala ka sa akin Chloe, mangako ka na hindi mo ako iiwan o ipagpapalit sa ibang lalaki.” Masuyo nitong sabi habang hinahalikan nito ang ulo ko.“Pangako mahal ko, ikaw lang ang mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko dito sa mundo.” Mga katagang binitawan ko sa kanya mula sa kaibuturan ng aking puso bago ngumiti ng matamis sa aking nobyo.Bumaba ang mukha nito upang ako ay hagkan sa labi kaya pinikit ko ang aking mga mata at nilasap ang ma
Chloe’s POVIsang buwan na ang lumipas mula ng makausap namin si Mr. Hilton at hanggang ngayon ay hindi na ito muling nagpakita pa sa amin, kaya naging panatag na ang loob ko.Kasalukuyan akong nag-aayos ng aking sarili dahil may pasok ako ngayon sa school. Third year college na ako sa kursong Fashion design dahil talent ko ang lumikha ng mga iba’t -ibang disenyo ng damit. Marami rin akong collection ng mga mamahaling damit na nagmula pa sa iba’t-ibang bansa, iyon ang kinahiligan ko simula ng bata pa lang ako.Kapag weekdays ay sumasabak ako sa pagmomodelo kaya kahit papaano ay may sarili akong income, hindi pa naman ako ganun ka-sikat dahil baguhan pa lang ako sa mundo ng modeling.Nang makuntento na ako sa aking ayos ay lumabas na ako ng kwarto, napahinto ako sa paghakbang ng marinig ko ang mataas na boses ni Daddy mula sa nakaawang na pintuan ng library. “My God! Gumawa ka ng paraan para makakuha ng appointment upang makausap ko si Mr. Henz, hindi siya pwedeng umatras sa co
Mr. Tanner’s POV“Mr. Welsh, matagal na tayong magbusiness partner, ngunit bakit ngayon mo pa ako iiwan kung kailan kailangan kita? Baka pwedeng pag-usapan natin ito, alam mo naman na fifty percent ng shares sa kumpanya ay pag-aari mo, at halos na sayo ang pondo ng malaking project ng kumpanya ko kapag nag pull-out ka ay tuluyan ng babagsak ang mga negosyo ko! Wala akong maalala na naging kasalanan ko sa’yo para talikuran mo ako sa ganitong sitwasyon.” Galit kong tanong sa kan’ya, gusto ko ng sumabog sa matinding galit ngunit sinisikap ko pa rin na magpakahinahon.“P-Pasensya ka na Mr. Tanner ngunit humaharap sa matinding crisis ang kumpanya ko, at iyon lang ang naiisip kong paraan para maisalba ito. Hindi ko na kakayanin pang pondohan ang mga project ng kumpanya mo, subukan mo na lang muna na maghanap ng bagong investor.May alam ako na pwedeng makatulong sa iyo at sigurado ako na hindi ka mabibigo kapag lumapit ka sa kan’ya.Pasensya ka na Pare, iyon na lamang ang kaya kong gaw
Chloe’s POV“Chin up Chloe! And try to smile. Okay, there you go.” Pagkatapos ng ilang shot ay tiningnan ng photographer ang mga kuha ko saka ito lumapit sa akin.“May problema ka ba? Halos nakailang take tayo puro walang buhay ang mga kuha mo.” Nag-aalala na tanong niya sa akin.“P-pasensya na masama kasi ang pakiramdam ko.” sagot ko sa kanya.“Mabuti pa ay ituloy na lang natin ito bukas at magpahinga ka na lang muna,” sabi nito sa akin bago siya tumalikod at humakbang palayo.Photoshoot kasi namin ngayon at dahil sa problemang kinakaharap ay tila wala ako sa aking sarili. Dahil nakatuon ang isip ko sa mga negosyo ng aming pamilya na nanganganib ng mawala sa amin at ang nalalapit na kasal ko kay Mr. Hilton.Natigilan ako ng biglang nagkagulo ang mga kasamahan kong modelo at halos hindi magkandaugaga sa paglalagay ng kanilang mga make-up ang mga ito, sinisigurado na presentable ang kanilang mga ayos. Lumapit ako sa baguhang modelo na si Myrna upang magtanong.“Anong meron at nata
Chloe’s POV “And now, you may kiss the bride,” the Judge said after a long ceremony he declared that we are officially married and now I’m Mrs. Hilton, the Governor’s wife.We have a civil wedding at tanging ang aking ama at ilang witness ang nakasaksi ng aming kasal.Hindi pumayag si Mr. Hilton na maging engrande ang kasal dahil gusto niya na maging pribado ang lahat ng tungkol sa kan’yang buhay may asawa at pabor naman ito sa akin.Kilala kasi sa buong bansa si Mr. Hilton at sigurado na kami ang magiging laman ng mga headline kung sakali at iyon ang pinaka-iiwasan ko rin.Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin alam ni Emerzon na ikinasal na ako at nang huli kaming nagkita ay nakipaghiwalay na ako sa kanya.Nang mga sandaling iyon ay para akong mamamatay sa matinding sakit ngunit alang-alang sa aking ama ay pinilit kong maging matapang.Halos hindi matanggap ng binata ng makipag-break ako sa kanya, lumuhod pa ito sa aking harapan at nagmakaawa na huwag ko siyang iwan ngunit tinalikur
Cedric’s POV Dapat ay matuwa ako dahil ikinasal na sa akin ang babaeng kinababaliwan ko ng ilang buwan ngunit bakit nakakaramdam ako ng pagsisi?Sa tuwing nasa harapan ko si Chloe ay wala akong makapa na kahit na anong damdamin para sa kanya ngunit kapag tumitig ako sa magandang mukha nito ay dagling nawawala ang mga alalahanin ko.Pakiramdam ko ay naging obsessed lang ako sa mukha ng dalaga ngunit ang presensya nito ay walang epekto sa akin.Hindi ko alam pero bigla na lang akong nawalan ng gana sa babaeng iyon.Oo, maganda si Chloe at ang gandang iyon ang pumukaw sa atensyon ko ngunit malayo na ito ngayon sa unang Chloe na nasilayan ko.Pumikit ako at muling sinariwa ang alaala ng una kaming nagkita, kailanman ay hindi ko makakalimutan ang inosenti nitong mukha na may matigas na expression.Lalo na ang mga labi nitong natural na mapula, at sa tingin ko ni minsan ay hindi man lang yata nabahiran ng lipstick ang mga labi nito. At ang brown niyang mga mata na kapag tumitig ay paran
Chloe’s POVHalos mag-isang buwan na rin simula ng ikasal kami ni Cedric ngunit kahit minsan ay hindi man lang ako kinakausap nito.Maging sa pagtulog ay magkatabi nga kami ngunit wala namang nangyayari sa pagitan naming dalawa. Pakiramdam ko ay para itong nandidiri sa akin na hindi ko maunawaan, uuwi ito ng bahay galing trabaho kung kailan tulog na ako at sa umaga naman ay hindi ito sumasabay sa akin sa almusal dahil sa opisina na ito kumakain.Hindi ko alam kung bakit pwersahan akong pinakasalan pero kung itrato naman ako nito ay para akong isang bagay na pang display lang sa bahay. Tulad ngayon alas-onse na ng gabi ngunit hindi pa rin ito dumarating hanggang sa nakatulog na lang ako sa paghihintay. Malalim na ang tulog ko ng bigla akong napabalikwas ng bangon at mabilis na tumakbo papunta ng banyo. Kulang na lang ay ingudngod ko ang aking mukha sa inidoro dahil sa labis na pagsusuka.Nagtataka ako kung bakit biglang sumamâ ang pakiramdam ko.Pagtayo ko ay nakaramdam ako ng hil
One Year later...“Ano ba, ang ingay ng batang ‘yan!” Galit na sigaw ni Agatha bago malakas itong kumatok sa pintuan ng kwarto ni Chloe.Pagbukas ni Chloe ng pintuan ay malakas na itinulak ni Agatha ang dahon ng pintuan kaya kamuntik ng matumba si Chloe habang karga ang tatlong buwan niyang sanggol.“Labas! Doon kayo sa labas dahil ayoko ng maingay!” Bulyaw nito sa mag-ina habang nakaturo ang hintuturo nito sa direksyon ng hagdan, nanlilisik ang mga mata nito sa galit.Mas lalong lumakas ang iyak ng sanggol dahil sa lakas ng boses ni Agatha.“Pwede ba, hindi mo kailangan na sumigaw.” Malumanay na sabi ni Chloe habang pilit na pinapatigil sa pag-iyak ang kanyang anak.“Aba’t sumasagot ka na ngayon sa akin?” Ang galit nitong sabi bago sinabunutan ang buhok ni Chloe, nataranta naman ang mga katulong at hindi malaman kung paano aawat.Labis silang nag-aalala para sa sanggol at the same time ay naaawa sila para kay Chloe ngunit wala silang lakas ng loob na awatin si Agatha dahil sa ta
Zaci Hilton’s Point of view“Sir, everything is ready, and you have thirty minutes before your meeting with the client starts.” Magalang na saad ng aking secretary, halata ang pagiging malambing nito sa tuwing nakikipag-usap siya sa akin.Hindi ko alam kung sinasadya ba nito o natural na sa kanya ang ganung tono.Isang mabilis na sulyap sa direksyon nito ang ginawa ko bago marahang tumango bilang tugon. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan at matamang naghihintay sa aking paglabas, kaya inayos ko na ang aking sarili bago dinampot ang cellphone na nasa ibabaw ng table.Tumayo na ako mula sa aking swivel chair at tuwid na naglakad palabas ng opisina. Ang bawat empleyado na madaanan ko ay yumuyuko, tanda ng kanilang paggalang sa nakatataas sa kanila.Nanatiling seryoso ang aking mukha habang naglalakad sa hallway ng lobby, halos nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga kababaihan.Makikita sa mukha nila ang labis na paghanga at halatang kinikilig ang mga ito habang nakatitig sa aking mu
“Shit!” Pagkatapos magpa-kawala ng isang malutong na mura ay sinundan ito ng isang tunog ng hangin mula sa isang sipa na pinakawalan ng kalaban, “Swoop!” Gahibla na lang ang layo nito sa kanyang mukha. Mabuti na lang ay mabilis siyang napaatras ng isang hakbang, kung hindi ay siguradong nabangasan na ang maganda niyang mukha.Malakas na hiyawan ng mga manonood ang bumasag sa katahimikan ng buong paligid. Ang kanilang mga mukha ay kababakasan ng matinding kasiyahan dahil sa magandang laban na ipinapakita ng dalawang manlalaro.Pagkatapos magpa-kawala ng isang malakas na sipa ay sinundan pa ito ng isa pang sipa ngunit hindi siya nagpa-sindak sa kalaban bagkus ay nakipagsabayan pa siya dito. Gamit ang pinatigas na kamao ay matapang na sinalubong ng isang suntok ang paparating na sipa ng kalaban.“Yeahh!” “Ahhhh!” Halos sabay na sigaw nilang dalawa, parehong pawisan at halata na ang matinding pagod sa kanilang mga mukha ngunit ni isa sa kanila ay walang nais magpatalo.“Aughhh…” ungol ng
Lexie’s POVNaalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking baywang, bukod pa doon ay may isang malaking hita na nakahambay sa aking mga hita habang sa tagiliran ko ay ramdam ko ang isang matigas na bagay na nakaipit sa pagitan ng aming mga katawan.Sa pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa aking paningin ang balahibuhin na katawan ng aking asawa habang nakakulong ako sa mga bisig nito.Napangiwi ako ng makaramdam ng sakit ng ulo at hapdi particular na sa pagitan ng aking mga hita. Saglit na natigilan ako at pilit na inaalala ang mga nangyari ng nagdaang gabi.Sinuri kong mabuti ang aming mga katawan at nanlaki ang aking mga mata ng maalala ko ang lahat ng mga nangyari sa pagitan naming mag-asawa kaya mabilis na lumingon sa kaliwang bahagi ko, kung saan ay payapang natutulog ang aking asawa.“Cedric.” Naiinis na tawag ko sa pangalan nito ngunit ang magaling na lalaki ay umungol lang bago kumilos ang kaliwang kamay nito at lumipat sa kanang dibdib ko, nag-init ang aking pa
Kararating lang ni Cedric galing trabaho, labis siyang nagtataka ng hindi man lang siya sinalubong ng asawa at tanging ang limang anak lang nila ang nadatnan niya sa sala’s. Pagpasok ni Cedric sa kwarto ay nadatnan niya ang asawa sa may veranda na nakatulala sa kawalan. Nakaupo ito sa silya habang nakapatong ang mga paa sa ibabaw ng lamesa. Nakasandal ito sa silya at mula sa veranda ng kwarto ay nakatanaw lang ito sa magandang tanawin. Mag tatakipsilim na kasi kaya kay sarap pagmasdan ang nagkukulay kahel na kalangitan.Napansin niya na malalim ang iniisip ng kanyang asawa dahil hindi man lang nito naramdaman ang kanyang presensya. Nakalapit na siya’t lahat sa likuran nito ay nanatili pa rin itong nakatulala sa hangin.Kinabahang bigla si Cedric dahil alam niya na sa oras na nasa ganoong posisyon ang asawa ay siguradong may pinagpa-planuhan itong gawin.Nagulat pa ito ng bigla niya itong halikan sa pisngi.“Honey, may problema ba? Kanina ka pa tulala d’yan? hindi mo man lang ako na
Lexie’s POVKay sarap pagmasdan ang naggagandahan na kasuotan ng mga kababaihan sa aking harapan, habang ang mga kalalakihan ay nagmukhang kagalang-galang mula sa suot nilang barong na kulay crema. Hindi mapaknit ang mga ngiti sa kanilang mga labi at kababakasan mo ng matinding paghanga ang kanilang mga mukha habang nakatutok sa aking direksyon ang mata ng lahat.Napakaaliwalas ng panahon at ang kalangitan ay tila nangangako ng isang kapayapaan para sa okasyong ito. Napapalibutan ang buong paligid ng mga halamang hitik sa naggagandahang mga bulaklak dito sa hardin.Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang simoy ng sariwang hangin na yumayakap sa aking katawan. Sa pagmulat ng aking mga mata mula sa malayo ay natanaw ko ang isang makisig na Ginoo na matiyagang naghihintay sa dulong bahagi ng pulang carpet. Napakatikas ng tindig nito at nangingibabaw sa lahat ang katangiang taglay nito mula sa suot niyang itim na americana ay higit itong naging kagalang-galang. Kakaiba ang dating n
“Guillermo, laya ka na!” Hindi makapaniwala si Gaston ng marinig ang malakas na sigaw ng Pulis habang binubuksan ang pinto ng selda. Nagmamadali siyang tumayo at lumabas ng pintuan. Tahimik na nakasunod lang ito sa likuran ng pulis habang naglalakad patungo sa table kung saan ay kailangan niyang pirmahan ang kanyang release paper.Maraming katanungan ang naglalaro sa kan’yang isipan kung paano siya nakalaya. Sa pag-angat ng kan’yang mukha ay ang nakangiting mukha ni Agatha ang bumungad sa kanyang paningin.Bakas sa mukha ng babae ang matinding kasiyahan ng makita nito si Gaston, namamangha na tumitig si Gaston sa mukha ni Agatha at hindi talaga niya lubos maisip kung paanong nahulog ang loob nito sa kanya pagkatapos ng mga paghihirap na naranasan nito sa piling niya.Sabik na nagyakap ang dalawa at halos maluha-luha si Gaston dahil sa pagmamahal na ipinapakita sa kanya ng dalaga.“Thank you, Sweetheart, thank you.” Madamdaming pasasalamat niya kay Agatha habang yakap ito ng mahigpit
Cedric’s POV“Huwag kang magkakamali na itusok sa akin ‘yan, kundi tatamaan ka sa akin!” Galit na sigaw ng aking asawa. Pilit pa itong lumalayo at ayaw magpahawak.“Honey naman, hindi naman ito masakit parang kagat lang ito ng langgam.” Ani ko na may halong pakiusap, bago sinubukan ko siyang yakapin.“Huwag mo akong hahawakan lumayo ka sa akin!” Nanggagalaiti niyang wika, hindi na maipinta ang mukha nito at kung minsan ay napapangiwi pa ang mukha nito halatang nakakaramdam na ng sakit.Matinding kabâ ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito ngunit wala akong magawa sa tapang nito.“Mrs. Hilton, sa karayom nga ng asawa mo hindi ka natakot, tapos, maliit na karayom lang takot na takot ka na?” Anya ng doctor habang hawak ang isang syringe, halatang nililibang lang nito si Lexie.“Ibang karayom naman ‘yun, pero sa inyo wala akong tiwala, kung gusto mo kay Tanda mo itusok ‘yan siya ang kuhaan mo ng dugo total siya naman ang may gusto n’yan!” Naiinis na saad nito. Napatingala na lang ako d
Agatha’s POVNaalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas na sinundan pa ng isang putok ng baril. Bigla akong napabalikwas ng bangon at nagmamadaling inayos ang aking damit saka nagmamadaling lumabas ng bahay.Ganun na lang ang pagkagimbal ko ng makita kong nakadapa si Gaston sa lupa habang nilalagyan ng posas sa likod ang mga kamay nito.“Oh, my Ghod! Ang anak ko! Agatha!” Naghi-hysterical na sigaw ni Mommy, bago sinugod ako nito ng yakap. Humagulgol ito ng iyak bago sinuring mabuti ang aking kabuuan, matinding pagkahabag para sa akin ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Naging mabagsik ang awra ng mukha nito at galit na humarap kay Gaston na ngayon ay nakatayo na ngunit nakaposas sa likod ang dalawang kamay nito habang hawak ng dalawang Police sa magkabilang braso nito.“Ikulong n’yo ang lalaki na ‘yan! Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan dahil sa ginawa ko sa anak ko! Hindi kita mapapatawad!” Nanggagalaiti na sigaw ng aking ina, nataranta akong bigla at
Agatha’s POVBigla akong napalingon sa pintuan ng padabog itong bumukas at pumasok ang lasing na si Gaston. Sa loob ng walong buwan na lumipas ay laging na lang itong lasing, halatang may kinakaharap itong problema.Nagsimula lang ito dalawang buwan na ang nakalipas, nagmatured na ng husto ang mukha niya dahil sa mahaba nitong buhok at balbas.Nakamasid lang ako sa bawat kilos niya hanggang sa naghubad ito sa aking harapan at ni isang saplot ay wala siyang itinira.Sa totoo lang ay halos mabingi na ako sa malakas na kabog ng dibdib ko dahil iba ang awra niya ngayon.Hinila niya ang isang silya saka umupo sa bangko, napalunok akong bigla habang nakatingin sa malaking alaga nito na nakabuyanyang sa aking harapan.Lumipat ang aking mga mata sa mukha nito kaya para akong nabato balani sa aking kinatatayuan habang magkahinang ang aming mga mata.Nauunawaan ko kung ano ang nais niyang mangyari, hindi ko alam kung bakit, ngunit paano niyang nagagawa na kontrolin ako sa pamamagitan lang ng mg