Lexie’s POV
Natigil ako sa paglalakad ng makita ko ang aking kaibigan na si Susi, nakatanaw ito sa magandang tanawin na makikita mula dito sa itaas ng burôl.Isa sa mga nakaugalian naming magkaibigan sa tuwing may problema o nalulungkot kami, ang pagmasdan ang natural na ganda ng kalikasan.Kaya alam ko na may pinagdadaanan ito ngayon.“Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala.” Malumanay kong saad.Alam kong narinig ako nito ngunit ni hindi man lang siya nag-abalang lingunin ako at nanatili lang itong nakatingin sa kawalan. “Okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong sa kanya bago umupo sa tabi nito. “Ano ang gagawin mo kung nalaman mo na ang lalaking minahal mo ng buong buhay mo ay may ibang babae na napupusuan?” Narinig kong tanong niya ng hindi lumilingon sa akin.Napabuntong hininga ako sa tanong nito, kasi naman, hindi ko alam ang isasagot.Okay lang sana kung ang tanong niya ay tungkol sa Math or English madali lang sagutin, pero kapag tungkol na sa pag-ibig? Hayts! ang hirap kaya nun. “Hm, ano nga ba? Honestly hindi ko alam ang sagot, kasi hindi ko pa naranasan ang umibig, pero kung sakaling dumating ang panahon at ang lalaking mahal ko ay may mahal ng iba, siguro hahayaan ko na lang muna siyang magdesisyon at mamili kung sino talaga ang totoong mahal nito.Mahirap naman kasi kung itatali ko siya sa akin tapos hindi naman pala siya masaya sa piling ko.” Tapat kong sagot sa tanong nito na siyang ikinatahimik niya.“Wait a minute! Don’t tell me you're in love?” Namamangha kong tanong sa kan’ya na siyang ikinalingon nito sa akin. “Oh my gosh! My best friend was in love!” Naibulalas ko na sinamahan ng tawa. “Kayo na ba ni Mikoy? My gosh, finally you gave him a chance.” Nakita kong bigla itong sumimangot at pinukol ako ng isang matalim na tingin.Ayaw kasi nito kay Mikoy ang masugid na manliligaw ni Susi na may bingot, kaya galit na tumayo ito at lumapit sa akin.Mabilis naman akong tumayo at kumaripas ng takbo na halos madapa pa ako. “Lexie! Bumalik ka dito!” Galit na sigaw ni Susi, kaya natatawa akong tumakbo palayo upang hindi abutan nito.Sa pagtakbo ko ay nakarating ako sa isang kubo na kung saan ay inaayos ang mga armas ng aming grupo. Hinihingal na huminto ako sa may pintuan at nakangiting bumati sa mga tao na naroroon kasama na si Quinlan. “Hello Guys!” Masaya kong bati sa kanilang lahat ngunit imbis na tumugon ang mga ito ay nagmamadali silang lumapit sa isang lamesa kung saan nakalagay ang mga baril at granada saka mabilis na itinago, upang hindi ko ito mahawakan. Kung titingnan mo ang mga itsura nila ay parang nagkaroon sila trauma sa akin. Sino nga ba namang hindi matatakot ng dahil sa katangahan ko ay kamuntikan na silang mamatay. “Flashback” “Quinlan!” Nilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng kubo ngunit wala kahit isang tao sa loob ng kubo. Huminto ang aking paningin sa isang malaking lamesa, puno ito ng mga baril at iba’t-ibang klase ng armas.Nimilog ang mga mata ko dahil sa labis pagkamangha, Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na makakahawak ako ng baril.Masyado kasing mahigpit sa akin si Quinlan na halos ayaw akong pahawakin nito dahil bata pa raw ako.Nagtataka ako kung bakit ang mga kaedaran ko na fifteen years old ay malayang nakakahawak ng baril samantalang ako ay bawal pa rin.Luminga-linga muna ako sa paligid, nang masigurado ko na wala si Quinlan ay mabilis akong lumapit sa lamesa at kaagad na dinampot ang pinakamaliit sa kanilang lahat. “Smaller is easier to hide.” Anya ng inosente kong utak habang nakangiti. Nagmamadali na akong tumakbo palabas ng kubo habang hawak sa kanang kamay ang isang maliit na parang bola na mayroong palawit sa dulo. Ngunit nahinto ako sa pagtakbo ng masalubong ko ang grupo ni Quinlan. “Lexie! Where have you been? I’m looking for you anywhere.” Seryosong tanong sa akin ni Quinlan habang sa likod nito ay nakasunod ang mga kasamahan niya na may dalang mga baril.Mabilis kong ikinubli sa aking likuran ang hawak na maliit na bola upang hindi ito makita ni Quinlan.Ngunit mukhang nahalata yata ako nito dahil lumalim ang gatla nito sa noo kasabay ng pagtaas ng kaliwang kilay nito.Sa hilatsa ng mukhang ni Quinlan ay mukhang nabasa na niya ang tumatakbo sa utak ko. “Ano ‘yan?” Ang seryosong tanong niya sa akin habang ang mga kasamahan nito ay nagtataka sa aming dalawa. “May kapangyarihan ba ang lalaking ito na basahin ang isip ng ibang tao? Bakit ba lagi na lang nitong nahuhulaan kung ano ang tumatakbo sa utak ko?” Naiinis kong tanong sa aking isipan.” Pinagmasdan ni Quinlan ang kabuuan ng dalaga kahit na ang suot nito ay isang kupas na maong at isang brown t-shirt ay napakaganda pa rin nito. Lalo na ngayon na nakalugay ang mahaba at kulot niyang buhok na lalong bumagay sa malakastila nitong mukha. Sa tuwing tinititigan niya ang inosente nitong mukha ay parang natutunaw ang kan’yang puso. Maraming naghahangad na maangkin ang dalaga kaya naman binabantayan niya ang bawat kilos nito upang maprotektahan. Lalo na karamihan sa kanilang grupo ay mga halang ang kaluluwa. Mula sa mga mata ng dalaga ay mabilis niyang malaman kung may tinatago ito sa kanya. Dahil hindi marunong magsinungaling ang dark brown nitong mga mata. Masyado kasing malikot ang mata nito kapag may ginawa itong labag sa kanyang kagustuhan. “Wala! Sige aalis na ako may gagawin pa kami ni Susi.” Ang nagmamadali nitong sagot at akma na sanang aalis ng muli itong tawagin ng binata. “LEXIE...” tawag ni Quinlan sa seryosong tono, nais matawa ng binata ng nanulis ang nguso nito na tila naiinis. “Bola lang naman ang kinuha ko, ibabalik ko rin mamaya.” Naiinis na sagot ni Lexie. “Anong bola?” Nagtataka na tanong ni Quinlan sa dalaga, nangingiti na nagkatinginan naman ang mga kasamahan nito sa likuran na tila natutuwa sa itsura ng dalaga.Naiinis na inilabas ni Lexie ang tinutukoy nitong bola mula sa kan’yang likuran, ngunit aksidenteng sumabit ang pin nito sa daliri ng dalagita bago pa niya ito mailahad sa harapan ni Quinlan. Nanlaki ang mata ng lahat ng masilayan nila ang hawak ng dalagita. “Oh my God! Lexie!” Halos magimbal ang lahat ng makita nilang natanggal na ang pin ng granada na hawak ni Lexie.Namutla silang lahat at hindi makagalaw sa kanilang mga kinatatayuan. Nakadama ng takot ang dalagita dahil sa pag sigaw ni Quinlan sa kanya. “Para bola lang nagagalit ka na, hindi ko naman ito kukunin hihiramin ko lang! Oh ayan, sa’yo na!” Galit na sigaw ng dalagita bago hinagis ito sa direksyon ng grupo nina Quinlan at mabilis na tumakbo palayo dahil naiinis siya sa binata. “Shit! Ang malakas na sigaw ni Quinlan bago mabilis na nagdive palayo, maging ang mga kasamahan nito ay nagkanyanan ng takbuhan huwag lang masabugan ng granada. Hindi pa nakakalayo si Lexie ay nagulantang na siya mula sa isang malakas na pagsabog na halos ikabingi niya.Nagtataka na muling lumingon sa kanyang likuran ang dalagita at nagulat siya kung bakit mga nakadapa sa lupa si Quinlan at ang mga tauhan nito.Saka lang niya narealize ang malaking pagkakamali ng makita niya na masama ang tingin sa kanya ng lahat.Napalunok siya dahil sa matinding kabâ. “LEXIE!” Galit na tawag ni Quinlan sa kan’yang pangalan na siyang ikinaputla ng mukha ni Lexie. Dahil sa takot ay mabilis itong tumakbo palayo. “Momma!!!” Ang malakas na tawag nito sa ina habang tumatakbo papasok ng kanilang kubo.” End of flashback” “Kung makareact naman kayo parang si kamatayan ang dumating.” Ang naka-ngisi kong saad. “Talagang kamatayan ang aabutin naming lahat kapag ikaw ang kasama namin!” Sabat naman ng isa sa kanila na siyang ikinatahimik ko.Aminado naman talaga ako na madalas talaga na magkamali ako na siyang ikinapapahamak nila, pero hindi ko naman sinasadya ang mga bagay na ‘yon. Lumapit ako kay Quinlan at umupo sa tabi nito, naramdaman ko naman ang kaliwang braso nito na umakbay sa akin at kinabig ang ulo ko saka dinampian ng isang halik.Napangiti ako sa ginawi nito.Kung titingnan kami ni Quinlan ay mukha na kaming mag boyfriend dahil napakasweet namin sa isa’t-isa.Napalingon ako sa pagpasok ni Susi kaya ngumiti ako sa kanya ngunit hindi nakaligtas sa akin ang lungkot na bumalatay sa magandang mukha nito.Ibinaling ko ang tingin kay Quinlan bago bahagyang inilapit ang bibig sa tapat ng tainga nito. “Sa tingin ko may problema si Susi.” Ang bulong ko sa kanya na siyang ikinatigil nito sa ginagawa.“Don’t worry mamaya kakausapin ko siya.” Ang seryosong sagot niya sa akin.Naging panatag ang loob ko dahil alam ko na matutulungan ni Quinlan si Susi, tulad ko ay malapit din ito sa kanya. “May mission kayo?” Ang tanong ko sa kanila. “Oo at hindi ka kasama!” Ang magka-panabay na sagot ng mga kaibigan ni Quinlan na siyang ikinatawa ng binata. “Grabe naman kayo sa akin, parang ang laki ng kasalanan ko sa inyo ah...” ang sabi ko sa kanila sabay kamot sa aking ulo.Napansin ko na pinagtatawanan ako ni Quinlan kaya hinampas ko ito gamit ang aking kamay. “Sasama ako.” Ang sabi ko sa kanila. “HINDI!” Ang sabay na wika nilang lahat na siyang ikinasimangot ko. “Okay Guy’s, standby,” ang narinig kong utos ni Quinlan sa mga tauhan mula sa headset na suot ko. Nandito ako ngayon sa loob ng isang lumang van naka-monitor sa bawat galaw ng kanilang grupo.Habang ngumunguya ng chewing gum ay nakatutok ang mga mata ko sa screen ng computer.Nakikita ko ang mga red dot na gumagalaw papasok sa loob ng isang gusali at iyon ay ang grupo nina Quinlan.Ako ang nagsasabi sa kanila kung may kalaban ba sa kanilang location. Sa huli ay wala naman silang nagawa kung hindi ang isama ako, ngunit labis naman akong nababagot sa mission na’to.Dahil nakatanga lang ako sa harap ng monitor, hindi katulad ng sa kanila na talagang sumasabak sila sa laban. “Tsk’ masyadong minamaliit nila ang kakayahan ko.” Ang naiinis kong bulong sa aking sarili. “Nakasimangot ka na naman.” Puna sa akin ni Susi bago umupo ito sa tabi ko saka inilapag ang dala nitong beer at chips sa gilid ng computer. Hanga ako sa kaibigan kong ito malakas uminom, samantalang ako ay hindi man lang makatikim ng alak dahil laging nakabantay si Quinlan.Nilagay ko muna sa mute ang aking microphone bago magsalita upang hindi nila marinig ang aming pinag-uusapan. “Naiinip na kasi ako dito, ang gusto kong misyon ay yung may thrill hindi katulad nito nakakaantok.” Walang gana kong sagot sa kanya, kinuha nito ang beer bago dinala sa kanyang bibig at sinimulan itong inumin. “Ano ba ang lasa niyan?” Curious kong tanong habang nakamasid sa aking kaibigan na tahimik lang na umiinom.Ilang sandali pa ay ngumiti ito sa akin. “Tikman mo, masarap ‘yan nakakaalis ng stress, lalo na kapag marami ka ng nainom ang sarap sa pakiramdam.” Masaya nitong sagot.Nag-alinlangan naman akong tanggapin ang inaalok nito sa akin, dahil lumitaw mula sa aking isipan ang galit na mukha ni Quinlan.Isa ito sa ipinagbabawal niya sa akin ang uminom ng anumang klase ng alcohol. “Subukan mo lang wala naman si Quinlan, ako ang bahala sa isang ‘yon.” Nakangiti nitong sabi habang tumataas-baba ang kaliwang kilay nito. Dahil sa panghihikayat ni Susi ay napilitan akong tanggapin ang isang beer can. Sumamâ ang hilatsa ng mukha ko dahil sa pait nito kaya pinagtawanan ako ni Susi. “Sa una lang ‘yan sa huli magugustuhan mo rin ang lasa.” Anya, habang nakatutok ang aming mga mata sa monitor ay patuloy kami sa pagku-kwentuhan ni Susi kaya hindi na namin namalayan na marami na pala kaming nainom na beer. “Malinis ang dadaanan ninyo diretso lang.” Anya sa grupo ni Quinlan, nakita kong gumalaw ang mga pulang tuldok, ibig sabihin ay kumikilos na sila Quinlan. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagtataka ako kung bakit biglang dumami ang tuldok na pula sa screen. Pumikit ako ng mariin at muling tinitigan ang monitor. Naalarma ako kaya hinila ko si Susi upang ipakita sa kanya dahil baka dinadaya lang ako ng aking paningin. Lumapit naman si Susi at pinipilit na imulat ang dalawang mata. “Shit! bakit bigla silang dumami kanina wala ang mga ‘yan.” Ang naibulalas ko. “What do you mean Lexie!?” Seryosong tanong ni Quinlan sa akin mula sa kabilang linya. “May mga kalaban sa paligid malapit lang sa inyo pabago-bago sila ng puwesto.” Anya na bhagya pang nabubulol. Tumayo si Susi at pasuray-suray na humakbang upang kunin ang kanyang baril.” Nagtaka si Quinlan sa tono ng pananalita ni Lexie dahil ngayon lang niya narinig ito na ganoon kung magsalita kaya kinabahan ang binata. Sumenyas siya sa kanyang mga kasamahan iatras ang misyon, dahil iniisip niya na baka nasa panganib ang dalaga at maaaring hawak na ito ng mga kalaban. Habang ang kanyang mga kasamahan ay alerto sa paligid dahil sa mga kalaban na nagkalat sa paligid tulad ng sinabi ng dalaga. Ilang minuto ang lumipas ay tahimik pa rin ang paligid at kahit isang kalaban ay walang nagpapakita sa kanila kaya naman nagdesisyon na silang kumilos. Mabilis na tinalunton ni Quinlan ang daan pabalik kung saan naroroon si Susi at Lexie. Parang tinatambol ng malakas ang kanyang dibdib dahil sa matinding kaba. Habang ang mga kasamahan niya ay hindi magkandatuto sa pagsunod sa kanyang likuran, iniisip ng mga ito na may masamang nangyari dahil sa matinding pag-aalala na nakikita nila sa mukha ng kanilang pinuno. Pagdating sa lokasyon ng dalaga ay mabilis na binuksan ni Quinlan ang pintuan ng van.Kinakapos na siya ng hininga dahil sa matinding pagtakbo ngunit hindi na siya nag-aksaya pa ng oras kaagad na pinasok ang van. Natigilan siya dahil sa tumambad sa kanyang paningin, nakaupo sa harap ng computer si Lexie habang binibilang ang mga pulang tuldok sa screen na nakaipon sa lokasyon kung nasaan ang van. “LEXIE!” Galit na tawag ni Quinlan dito, nang humarap ang dalawa sa direksyon ni Quinlan at tumitig ang mga namumungay nilang mata ay saka lang napagtanto ng binata na lasing ang mga ito.Frustrated na lumapit si Quinlan sa dalawa at hindi maintindihan kung ano ang gagawin sa mga ito. “Q-Quinlan! B-buti nandito ka na, halika tingnan mo dumarami pa silang lalo at nasa paligid lang sila.”Umuusok sa galit ang binata habang nakatingin sa nagsasalitang si Lexie na ang tinutukoy nito ay ang pito niyang mga tauhan na dahil sa kalasingan ang tingin nito ay Fourteen.Sa tabi nito ay panay naman ang tawa ni Susi.Masama ang tingin ng mga tauhan ni Quinlan kay Lexie dahil dito ay pumalpak na naman ang misyon nila.Walang nagawa ang lahat kung hindi ang sumakay na lang sa loob ng sasakyan, wala ni isa sa kanila ang makapag-reklamo dahil alam nila na special si Lexie sa kanilang leader. “Sinong may sabi sa inyo na uminom kayo?” Pagalit na singhal nito sa dalawa na tahimik lang sa tabi. “Tumikim lang... hik” ang sabi ni Lexie sabay sinok. Habang si Susi ay nakasandig ang ulo sa balikat ni Lexie at naghihilik na. “Sabi ko na nga ba, kaya tutol talaga ako na isama ‘yang dalawa na ‘yan, tsk.” Saad ng isa sa tauhan ng binata habang umiiling.Walang nagawa si Quinlan kung hindi ang yakapin at isandig ang dalawang babae sa kanyang dibdib.Lexie’s POV “Bang! Bang! Bang!” Pagkatapos ng magkasunod na putok ay tumalsik ang mga lata mula sa malayo. Natutuwang humarap ako kay Quinlan at makikita sa aking mukha ang matinding confidence para sa sarili. “Did you see that? I'm a sharpshooter now.” Ang mayabang kong pahayag. Umiiling na lumapit sa akin si Quinlan, huminto ito sa aking harapan at hinawi ang buhok na kumalat sa mukha ko bago ito inipit sa aking tainga. “Yeah, I know magaling ka na talagang humawak ng baril.” Ang malumanay nitong sabi. “So it means, I can join your group now every time you have a mission?” Nagagalak kong sabi habang nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa aking mga labi. Nagtaka ako kung bakit hindi ito sumagot at nanatili lang na nakatitig sa aking mukha na halos hindi na kumukurap ang mga mata nito. Ilang sandali pa ay dahan-dahang bumaba ang mukha nito sa aking mukha kaya naman kusang pumikit ang aking mga mata at tulad ng inaasahan ko ay lumapat ang labi nito sa aking bibig. Ito ang una
Susi POV “Hindi ako makapaniwala na nagawa mo kaming pagsabayin ng kaibigan ko?” Matinding galit ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Labis akong nasaktan ng malaman ko mula kay Lexie na may relasyon na sila ni Quinlan.Kaya ngayon ay nandito ako sa kwarto ni Quinlan at kinukumpronta ito tungkol sa relasyon nilang dalawa ng kaibigan ko. “Enough Susi, alam mo naman na sa simula pa lang ay mahalaga na sa akin si Lexie, at wala pa ring magbabago sa ating dalawa kahit kami na ni Lexie.” Balewala nitong sagot sa akin bago umupo sa gilid ng kama. Para akong sinampal sa sinabi nito at ng mga sandaling ito ay parang naninikip ang dibdib ko ng marinig sa mismong bibig nito kung gaano niya kamahal si Lexie. Hindi makapaniwala na tumitig ako sa kan’yang mukha at makikita sa mukha ni Quinlan na talagang desidido ito na mamangka sa dalawang ilog. Masakit ito para sa akin dahil mahal ko ang kaibigan ko ngunit mahal ko rin ang boyfriend ko. Oo, matagal na kaming may relasyon ni Quinlan na
Chloe’s POV“Bakit ganyan ang itsura mo? Sinong may gawa sa’yo niyan?” Galit na tanong ni Emerzon sa akin.Madilim ang awra ng mukha nito habang sinusuring mabuti ang aking kabuuan, tiim-bagâng ito habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay.Marumi kasi ang suot kong bestida at mayroon pang naka dikit na chewing gum sa likurang bahagi ng aking damit.“Tsk, hindi lang kita nasundo ngayong araw ganyan na kaagad ang inabot mo?Bakit ba hindi ka marunong lumaban? Hanggang kailan mo sila hahayaan na apihin ka?” Magkasunod na tanong nito sa akin.Nanatili akong walang imik habang tahimik na umiiyak nagmukha tuloy akong bata na sinisermunan ng kan’yang ama.Ayokong magtaas ng tingin dahil alam ko naman na awa lang ang makikita ko sa mga mata ni Emerzon.Kinabig ako nito sa kan’yang dibdib saka mahigpit na niyakap, naramdaman kong hinalikan ako nito sa bunbunan habang masuyong hinahaplos ang aking likod.Biglang gumaan ang pakiramdam ko ng makulong sa mga bisig nito, dahil nakasumpong ako ng
Lexie’s POVKasalukuyan akong naghahanda para sa mission na isasakutaparan ngayong araw.Ito ang unang pagkakataon na sasabak ako sa actual na laban.Ang mission namin ngayong araw ay ang pasabugin ang isang gusali kung saan magaganap ang pagpupulong ng mga ilang corrupt na politiko.Sila ang Dahilan kung bakit hindi umuunlad ang aming bansa at mas marami pa ang naghihirap dahil sa pagiging gahaman ng mga ito sa kapangyarihan.“Fix yourself Lexie dahil sa pagkakataong ito ay hindi biro ang mission na ito, alalahanin mo na buhay nating lahat ang nakataya dito.” Seryoso na paalala sa akin ni Quinlan na siyang ikinatango ko.Hinalikan niya ang aking noo bago ako tinalikuran nito. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang matalim na tingin ni Susi sa akin kaya hinarap ko ito. “Parang may galit ka sa mundo ah? Let me guess hindi ka na naman ba pinakain? kaya ba masama ang loob mo?” Pang-aasar ko sa kan’ya kaya lalong tumalim ang tingin niya sa akin. “Kasi kinakabahan ako kapag
Lexie’s POV Matinding pagdadalamhati ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito dahil sa pagkamatay ni Uncle Relly.Hindi ko matanggap na nagawa niyang isakripisyo ang buhay at pasabugin ang sarili upang magtagumpay lang ang mission na ito. Maging si Momma ay nalungkot mula sa nangyari ngunit wala kaming nagawa kung hindi ang umiyak at tanggapin na lang ang lahat. Kapalit ng pagsasakripisyo nang buhay ni Uncle ay isang malaking halaga para sa kanyang pamilya, bago pa maganap ang mission ay natanggap na ng mga ito ang pera.Labis akong naaawa sa matanda dahil namatay na lang ito na hindi naka-piling ang kanyang pamilya.“Momma, umalis na tayo dito, magpakalayo-layo na tayo, hm? Ayoko na pati ikaw ay mawala sa akin, Momma.” Pagsusumamo ko sa aking ina, pinipilit ko ito na lumayo na lang kami at magsimula ng bagong buhay ngunit nanatili lang itong tahimik at walang kibo.“Momma, parang-awa mo na! Makinig ka naman sa akin, oh.” Anya na patuloy na nakikiusap sa kanya.“Tumigil ka
“Dad, pwede ba tayong mag-usap?” Tanong ni Alona sa kanyang Ama, ang tumatayong pinuno ng kanilang grupo.“Importante ba ang sasabihin mo? Dahil busy ako ngayon.” Nakaramdam ng lungkot si Alona dahil mula sa malamig na tinig ng ama ay ramdam niya na wala itong gana na makipag-usap sa kanya.Simula ng maliit pa lang siya ay malamig na ang relasyon nila bilang mag-ama.Hinawi niya ang kanyang sarili at pilit na itinago ang nararamdamang emosyon. Isa kasi sa kanilang tuntunin ay bawal ang magpakita ng kahinaan.“Nais ko lang imungkahi na bigyan ninyo ng isang misyon si Lexie upang masubukan ang kan’yang kakayahan at katapatan sa ating hukbo.Dahil nakikita ko na masyadong mahina at malambot ang puso nito para sa kalaban.” Seryosong sabi ni Alona habang diretsong nakatingin sa ama.Biglang nag-taas ng tingin si Commander Dulah at tumitig sa mukha ng anak. “Alam mo na si Lexie ang nakatakda na maging asawa ni Quinlan at isa sa napagkasunduan namin ng kapatid mo ay ang hindi pagbibigay ng
Lexie’s POV “Honey, are you okay?” Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan ng muli kong marinig ang tanong na ito mula kay Quinlan.“Look honey, ilang beses mo na bang tinanong sa akin ‘yan? relax, okay? And take a breath.” sabi ko sa kanya bago sinundan ng isang mahinang tawa. Narinig ko ang nang-aasar na tawa ni Susi mula sa kabilang linya. Natatawa na lang kami sa inaasal ngayon ni Quinlan, ako ang may misyon ngunit ito ang mas kinakabahan kaysa sa akin.Samantalang ako ay matinding excitement ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito.I am so happy to have him kasi for me he's the perfect boyfriend. Napaka-sweet at mapagmahal na kasintahan si Quinlan.Isa rin sa nagustuhan ko sa kan’ya ay ang pagiging overprotective nito sa akin, ni katiting na galos ay ayaw akong magalusan nito. Mas matanda siya sa akin ng anim na taon kaya matured na siyang mag-isip.Hindi katulad ko na walang pakialam sa paligid kaya ang mga kasamahan ko ay masyadong napi-preasure sa a
Lexie’s POV “Don’t just stand there! Get after her!” I heard from Mr. Hilton in an angry tone, while holding his injured forehead because it was hit there earlier when I hit him on his face using my gun.Halos bumangga na ako sa mga taong nagkakagulo dahil sa pagmamadali ko na makalayo sa kanilang lahat.Tulad ko ay nag-uunahan din ang mga ito na makahanap ng mapagtataguan upang hindi matamaan ng bala.Nang mga sandaling ito ay pakiramdam ko wala na akong kakampi at lahat na lang ng tao sa aking paligid ay nais akong patayin.Hinihingal na ako ngunit patuloy pa rin akong tumatakbo na kung minsan ay kumukubli sa mga pader na aking nadadaanan, upang makaiwas sa mga bala mula sa mga kasamahan ko. Natigilan ako ng isang lalaki ang nakatayo sa aking harapan at nakatutok ang baril nito sa akin, pakiramdam ko ay huminto sa pag-ikot ang mundo ko at kailangan ko ng harapin ang aking kamatayan.Ipinikit ko ang aking mga mata at hinintay na bumaon sa katawan ko ang bala ng baril
Zaci Hilton’s Point of view“Sir, everything is ready, and you have thirty minutes before your meeting with the client starts.” Magalang na saad ng aking secretary, halata ang pagiging malambing nito sa tuwing nakikipag-usap siya sa akin.Hindi ko alam kung sinasadya ba nito o natural na sa kanya ang ganung tono.Isang mabilis na sulyap sa direksyon nito ang ginawa ko bago marahang tumango bilang tugon. Nanatili siyang nakatayo sa may pintuan at matamang naghihintay sa aking paglabas, kaya inayos ko na ang aking sarili bago dinampot ang cellphone na nasa ibabaw ng table.Tumayo na ako mula sa aking swivel chair at tuwid na naglakad palabas ng opisina. Ang bawat empleyado na madaanan ko ay yumuyuko, tanda ng kanilang paggalang sa nakatataas sa kanila.Nanatiling seryoso ang aking mukha habang naglalakad sa hallway ng lobby, halos nasa akin ang lahat ng atensyon ng mga kababaihan.Makikita sa mukha nila ang labis na paghanga at halatang kinikilig ang mga ito habang nakatitig sa aking mu
“Shit!” Pagkatapos magpa-kawala ng isang malutong na mura ay sinundan ito ng isang tunog ng hangin mula sa isang sipa na pinakawalan ng kalaban, “Swoop!” Gahibla na lang ang layo nito sa kanyang mukha. Mabuti na lang ay mabilis siyang napaatras ng isang hakbang, kung hindi ay siguradong nabangasan na ang maganda niyang mukha.Malakas na hiyawan ng mga manonood ang bumasag sa katahimikan ng buong paligid. Ang kanilang mga mukha ay kababakasan ng matinding kasiyahan dahil sa magandang laban na ipinapakita ng dalawang manlalaro.Pagkatapos magpa-kawala ng isang malakas na sipa ay sinundan pa ito ng isa pang sipa ngunit hindi siya nagpa-sindak sa kalaban bagkus ay nakipagsabayan pa siya dito. Gamit ang pinatigas na kamao ay matapang na sinalubong ng isang suntok ang paparating na sipa ng kalaban.“Yeahh!” “Ahhhh!” Halos sabay na sigaw nilang dalawa, parehong pawisan at halata na ang matinding pagod sa kanilang mga mukha ngunit ni isa sa kanila ay walang nais magpatalo.“Aughhh…” ungol ng
Lexie’s POVNaalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking baywang, bukod pa doon ay may isang malaking hita na nakahambay sa aking mga hita habang sa tagiliran ko ay ramdam ko ang isang matigas na bagay na nakaipit sa pagitan ng aming mga katawan.Sa pagmulat ng aking mga mata ay bumungad sa aking paningin ang balahibuhin na katawan ng aking asawa habang nakakulong ako sa mga bisig nito.Napangiwi ako ng makaramdam ng sakit ng ulo at hapdi particular na sa pagitan ng aking mga hita. Saglit na natigilan ako at pilit na inaalala ang mga nangyari ng nagdaang gabi.Sinuri kong mabuti ang aming mga katawan at nanlaki ang aking mga mata ng maalala ko ang lahat ng mga nangyari sa pagitan naming mag-asawa kaya mabilis na lumingon sa kaliwang bahagi ko, kung saan ay payapang natutulog ang aking asawa.“Cedric.” Naiinis na tawag ko sa pangalan nito ngunit ang magaling na lalaki ay umungol lang bago kumilos ang kaliwang kamay nito at lumipat sa kanang dibdib ko, nag-init ang aking pa
Kararating lang ni Cedric galing trabaho, labis siyang nagtataka ng hindi man lang siya sinalubong ng asawa at tanging ang limang anak lang nila ang nadatnan niya sa sala’s. Pagpasok ni Cedric sa kwarto ay nadatnan niya ang asawa sa may veranda na nakatulala sa kawalan. Nakaupo ito sa silya habang nakapatong ang mga paa sa ibabaw ng lamesa. Nakasandal ito sa silya at mula sa veranda ng kwarto ay nakatanaw lang ito sa magandang tanawin. Mag tatakipsilim na kasi kaya kay sarap pagmasdan ang nagkukulay kahel na kalangitan.Napansin niya na malalim ang iniisip ng kanyang asawa dahil hindi man lang nito naramdaman ang kanyang presensya. Nakalapit na siya’t lahat sa likuran nito ay nanatili pa rin itong nakatulala sa hangin.Kinabahang bigla si Cedric dahil alam niya na sa oras na nasa ganoong posisyon ang asawa ay siguradong may pinagpa-planuhan itong gawin.Nagulat pa ito ng bigla niya itong halikan sa pisngi.“Honey, may problema ba? Kanina ka pa tulala d’yan? hindi mo man lang ako na
Lexie’s POVKay sarap pagmasdan ang naggagandahan na kasuotan ng mga kababaihan sa aking harapan, habang ang mga kalalakihan ay nagmukhang kagalang-galang mula sa suot nilang barong na kulay crema. Hindi mapaknit ang mga ngiti sa kanilang mga labi at kababakasan mo ng matinding paghanga ang kanilang mga mukha habang nakatutok sa aking direksyon ang mata ng lahat.Napakaaliwalas ng panahon at ang kalangitan ay tila nangangako ng isang kapayapaan para sa okasyong ito. Napapalibutan ang buong paligid ng mga halamang hitik sa naggagandahang mga bulaklak dito sa hardin.Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang simoy ng sariwang hangin na yumayakap sa aking katawan. Sa pagmulat ng aking mga mata mula sa malayo ay natanaw ko ang isang makisig na Ginoo na matiyagang naghihintay sa dulong bahagi ng pulang carpet. Napakatikas ng tindig nito at nangingibabaw sa lahat ang katangiang taglay nito mula sa suot niyang itim na americana ay higit itong naging kagalang-galang. Kakaiba ang dating n
“Guillermo, laya ka na!” Hindi makapaniwala si Gaston ng marinig ang malakas na sigaw ng Pulis habang binubuksan ang pinto ng selda. Nagmamadali siyang tumayo at lumabas ng pintuan. Tahimik na nakasunod lang ito sa likuran ng pulis habang naglalakad patungo sa table kung saan ay kailangan niyang pirmahan ang kanyang release paper.Maraming katanungan ang naglalaro sa kan’yang isipan kung paano siya nakalaya. Sa pag-angat ng kan’yang mukha ay ang nakangiting mukha ni Agatha ang bumungad sa kanyang paningin.Bakas sa mukha ng babae ang matinding kasiyahan ng makita nito si Gaston, namamangha na tumitig si Gaston sa mukha ni Agatha at hindi talaga niya lubos maisip kung paanong nahulog ang loob nito sa kanya pagkatapos ng mga paghihirap na naranasan nito sa piling niya.Sabik na nagyakap ang dalawa at halos maluha-luha si Gaston dahil sa pagmamahal na ipinapakita sa kanya ng dalaga.“Thank you, Sweetheart, thank you.” Madamdaming pasasalamat niya kay Agatha habang yakap ito ng mahigpit
Cedric’s POV“Huwag kang magkakamali na itusok sa akin ‘yan, kundi tatamaan ka sa akin!” Galit na sigaw ng aking asawa. Pilit pa itong lumalayo at ayaw magpahawak.“Honey naman, hindi naman ito masakit parang kagat lang ito ng langgam.” Ani ko na may halong pakiusap, bago sinubukan ko siyang yakapin.“Huwag mo akong hahawakan lumayo ka sa akin!” Nanggagalaiti niyang wika, hindi na maipinta ang mukha nito at kung minsan ay napapangiwi pa ang mukha nito halatang nakakaramdam na ng sakit.Matinding kabâ ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito ngunit wala akong magawa sa tapang nito.“Mrs. Hilton, sa karayom nga ng asawa mo hindi ka natakot, tapos, maliit na karayom lang takot na takot ka na?” Anya ng doctor habang hawak ang isang syringe, halatang nililibang lang nito si Lexie.“Ibang karayom naman ‘yun, pero sa inyo wala akong tiwala, kung gusto mo kay Tanda mo itusok ‘yan siya ang kuhaan mo ng dugo total siya naman ang may gusto n’yan!” Naiinis na saad nito. Napatingala na lang ako d
Agatha’s POVNaalimpungatan ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas na sinundan pa ng isang putok ng baril. Bigla akong napabalikwas ng bangon at nagmamadaling inayos ang aking damit saka nagmamadaling lumabas ng bahay.Ganun na lang ang pagkagimbal ko ng makita kong nakadapa si Gaston sa lupa habang nilalagyan ng posas sa likod ang mga kamay nito.“Oh, my Ghod! Ang anak ko! Agatha!” Naghi-hysterical na sigaw ni Mommy, bago sinugod ako nito ng yakap. Humagulgol ito ng iyak bago sinuring mabuti ang aking kabuuan, matinding pagkahabag para sa akin ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Naging mabagsik ang awra ng mukha nito at galit na humarap kay Gaston na ngayon ay nakatayo na ngunit nakaposas sa likod ang dalawang kamay nito habang hawak ng dalawang Police sa magkabilang braso nito.“Ikulong n’yo ang lalaki na ‘yan! Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa kulungan dahil sa ginawa ko sa anak ko! Hindi kita mapapatawad!” Nanggagalaiti na sigaw ng aking ina, nataranta akong bigla at
Agatha’s POVBigla akong napalingon sa pintuan ng padabog itong bumukas at pumasok ang lasing na si Gaston. Sa loob ng walong buwan na lumipas ay laging na lang itong lasing, halatang may kinakaharap itong problema.Nagsimula lang ito dalawang buwan na ang nakalipas, nagmatured na ng husto ang mukha niya dahil sa mahaba nitong buhok at balbas.Nakamasid lang ako sa bawat kilos niya hanggang sa naghubad ito sa aking harapan at ni isang saplot ay wala siyang itinira.Sa totoo lang ay halos mabingi na ako sa malakas na kabog ng dibdib ko dahil iba ang awra niya ngayon.Hinila niya ang isang silya saka umupo sa bangko, napalunok akong bigla habang nakatingin sa malaking alaga nito na nakabuyanyang sa aking harapan.Lumipat ang aking mga mata sa mukha nito kaya para akong nabato balani sa aking kinatatayuan habang magkahinang ang aming mga mata.Nauunawaan ko kung ano ang nais niyang mangyari, hindi ko alam kung bakit, ngunit paano niyang nagagawa na kontrolin ako sa pamamagitan lang ng mg