(Monina POV)
Di ako tinitigan ni Rhoa. Inabala ang sarili na pulutin ang nagkalat sa sahig. Ngunit…
“Kailangan mo magbihis.” lapit nito sa akin. Umiling ako sa kanya. Narinig kong napabuntong hininga ito. “Kakampi mo ako Monina, kaya wag mo na ako pahirapan.”
Di na ako makapagsalita.
Lumapit siya sa akin. Siya mismo itong umalalay sa mga kamay ko na mabihisan nga ako nito.
Napabuntong hininga na siyang napapabotones.
“Para ka nang baliw Monina. Umayos ka nga. Ganyan ka ba haharap sa mga kapatid mo?”
Di ko siya naririnig. Hangang sa namalayan ko na lang nabihisan nga niya ako. Inilalayan na makahiga ako.
Sobra nang pagod ang nararamdaman ko ngayon. Kung bangungot man na wala na ang isa sa mga kapatid ko… Sana magising na ako.
Isinara ko ang aking mga mata. Nagbabakasakali na panaginip lang to. Ngunit napabalikwas
(Secretary Lee POV)Lumabas ako nang dumating na nga ang sasakyan ni Master Cedrick. Binuksan ko ang pinto at siya nga ito na lumabas. Halatang wala parin siyang pahinga.Sumunod ako sa kanya. Inilahad kung nasaan nga ang kapatid ni Miss Monina.“Naipaliwanag mo na ba sa kanila.”“Well done, Master Cedrick.”Di man lang nito itinanong kung ano ang naging reaction nila. Di sila naniwala sa akin. Sa mahirap nga paniwalaan ang nangyayaring ito.Until nagpakita na nga siya sa mga kapatid ni Miss Monina. Kagaya nang reaction ni Miss Monina, umiyak din ito sa harapan niya. Di mo sila masisi dahil normal na nga na magkaganyan ang mga taong namatayan.“Asaan si Ate?”“Pupunta siya dito mamaya lang. Again, I am sorry.” Ikinayuko ni Master Cedrick sa kanila. Heto ang una kong pagkakataon na makitang Yumuko si Mast
(Monina POV)Napamulat ako nang aking mga mata. Sa pagmulat kong yun ang maliit na ilaw galing sa labas ang agad na umaninag sa aking paningin.Nasa pamamahay ako ni Cedrick. Ibig sabihin totoo ang lahat.Parang rumaragasang bumalik sa aking isipan ang itinulog kong katotohanan. Hindi. Di ako natulog. Pinilit nila ang katawan ko.Pagod na pagod ang katawan ko. Ramdam ko yun. Parang wala akong lakas na bumangon ulit. Muli na naman tumulo ang aking mga luha.“Unlimited ba yang luha mo Monina?” Siyang bungad pambati sa akin ni Rhoa. Umilaw nga ang boung silid.Nasaktan ang aking mata. Ang hapdi…“Di ko man maintindihan kung ano ang pakiramdam nang namatayan. Pero isipin mo, di na natin maibabalik kung ano pa ang nangyari sa mga nagdaang oras. Kung dumaan na ang oras nay un, sana naman tumigil ka nang tumingala sa likuran. Nagugulo lang ang kinabu
(Monina POV)Bumangon ako at sumunod sa kanya. Bukas ang pinto. Sa kabilang silid, abala bigla ang lahat. Anong nangyayari?Saka nakita ko nga si Rhoa na abalang may tinatawagan.Nalaman ko na lang na … Ang anak ni Cedrick, may masamang nangyayari dito.Napayakap na lamang ako sa aking sarili.Kung iisipin ang katayuan ngayon ni Cedrick… ang gulo nga nang buhay niya.“We need a hand here Miss Rhoa!” sigaw nang isang doctor.“Excuse me! Tinatawagan ko si Secretary Lee para—.”Ako na itong kumuha nang phone ni Rhoa.“Ako na ang tatawag. Tulungan mo na sila.”“Ikaw na ang tumulong.” Walang lingon niya.Inutusan na nga ako nang doctor na maaring maitulong ko.Hangang sa makapasok nga ako sa silid ng anak ni Cedrick. Abala ang lahat at hawak ko ang lalagyan nang gamut na kailangan n
(Monina POV)Nakita kong parang nahihilo na si Cedrick. Napapikit ito bigla, ngunit muli niyang ipinagpatuloy ang ginagawa.“Naisahan siya Miss Monina. Hindi siya ang dapat sisihin sa nangyari. Isa lang siyang ama na handang isakripisyo ang lahat para sa anak niya.”“Naiintindihan ko yun Mike. Pero bakit kapatid ko pa? Anong kinalaman nang kapatid ko sa problema niya sa kanyang…” natigilan ako.“Kinuha ni Master Cedrick ang puso nang kapatid mo. But to tell you honestly. We are not aware, na ang kapatid mo ang ibenenta sa amin nang taong gusto kaya pahirapan Miss Monina.”“May… kinalaman na naman ito kay Papa?!” Napatango si Mike sa akin.“Kukumpletuhin ko ang kwento. Si Matthew na kaibigan mo Miss Monina, at pinatuloy mo sa inyong tahanan kung bakit nangyayari ang kaguluhang ito.”Di ako makasagot kay Mike… kundi isang
(Monina POV)Inilayo ko ang aking paningin kay Cedrick. Di ako makapaniwala sa narinig ko kay Mike. Namatay si Carolina para lang sa amang gustong ma-iligtas ang kanyang anak. At kagagawan ito ni Haiden, mas kilala ko na si Matthew.Nanghihina ang katawan ko.Tinatanong ang sarili kung kailangan ko pa ba talaga magtiwala sa mundong ito. Pakiramdam ko ilang ulit akong nasampal dahil sa mga narinig ko.Ito ang paliwanag na gusto kong marinig kay Cedrick diba? O ano? Kaya ko bang tangapin?Habang iniisip ni Cedrick na kailangan ko muna ihanda ang aking sarili ko para harapin ang unos na naghihintay sa akin.Nakatulog ako kahit nga sapilitan, at mayroong laman ang sikmura ngayon.Talaga palang mawawalan ako nang ganang mabuhay dahil sa natuklasan ko na ganito umiikot ang mundo ko. Di ko napigilan na umiyak.Hangang sa nakasalubong ko si Rhoa. Natigilan ito. Kaya nang lumapit ak
(Secretary Lee POV)Nailigtas ni Master Cedrick ang kanyang anak. Mas minabuti nga na manatili ito sa silid na inooperhan kung sakali mang atakuhin muli ito.Nauna siyang lumabas sa akin.Nang maayos ko ang lahat lalo na sa magbabantay sa bata, napatitig ako sa orasan. Wala na nga akong oras sa aking sariling pamilya. Napabuntong hininga na lamang ako.Paglabas ko, nakahinga ako dahil naabutan kong hinila na ni Master Cedrick si Miss Monina palabas nang bahay. Papunta sila sa dalampasigan.Nagkatitigan kami ni Rhoa.“Mag-aaminan na ata yung dalawa.” Napangiti na lang din ako.“Mabuti. Pero kailangan mong paghandaan nang makakain silang dalawa at nang maalala ni Master Cedrick na kailangan niya kumain kahit paano.”“Dapat pala sinabi ko yun kay Monina.” na ikinatalikod ni Rhoa sa akin.Naupo na ako at muling binuksan ang laptop.
(Monina POV)Tahimik akong naiyak. Nakatayo lang sa tabi ko si Cedrick. Hindi siya lumilingon sa akin. Akala ko talaga wala na akong luhang iiyak. Pero ano to?Hangang sa napasinghot na ako. Hindi parin siya sa akin lumilingon. Napapunas na ako sa aking pisngi.“Ubos na ata Cedrick.” sagot ko sa kanya. Napabuntong hininga siya.Saka humarap ito sa akin. Inilapit niya ang kanyang kamay sa mukha ko at marahang pinunasan ng daliri niya ang pisngi ko.“From now on, kapag sinabi kong wag kang iiyak… wag na wag.”Masuyo niyang sinabi sa akin. Kumalma din ang pakiramdam niya.“Bakit? Kapag sinabi ko ba Cedrick na maari kang umiyak… Iiyak ka din?”“Bakit di mo ako subukan Monina? Marami akong dahilan para umiyak.” Kaya lalo kong sinilip sa mga mata niya ang mga dahilan na yun. Binitiwan niya ang mukha ko at ibinalik ang paningin sa dagat.Malayo ang
(Monina POV)Gusto niya akong ipa-ubaya sa iba.“No. I'm serious.”“Bakit kailangan mo pang tanungin?” Siyang natatawa akong umiiyak. Di ba niya maramdaman?Napabuntong hininga siya ulit.“Honestly, natatakot ako na magmahal ulit Monina. Baka kasi may magawa akong di maganda sayo. In case na… niloko mo ako o iwan mo. Kaya hangang ngayon, di ko parin tinatangap sa sarili ko na mahal kita.”Yun ang kinakatakot niya? Questionable pa ba itong nararamdaman ko sa kanya?“Alam mo… ang sarap mong lunurin!” Sabay titig sa kanya. Nagtama ang paningin namin. Ipinikit ang mata kasi nga umiiyak na naman ako. Napamulsa at napatitig sa kalangitan.Ayaw niya akong nakikitang umiyak.“Ako si Monina, di ko alam ang salitang manloko. Di ko yan alam. Wala yan sa bukabularyo ko.”Ngumisi ito na ibinalik ang titig sa karagatan a