“Ang daming ginawa ni Pey para sa atin. Isa talaga siyang napakabait at napakabuting babae.”Patuloy pa rin si Bryenne sa pagtatanggol kay Pey. Habang si Pey naman ay nahihiyang yumuko.“Wala naman akong masyadong ginawa, Bryenne. Tama na 'yan.”Tila manipis ang ang mukha nito kapag nahihiya.Agad namumula ang kanyang pisngi.Kaya't mas naging kapansin-pansin ang kaputian ng kanyang balat.At lalong nagmukha siyang mahina at inosente.Pero sa pagkakataong iyon, pinutol ni Bryson ang kanilang drama at diretsong sinabihan si Bryenne.“Tinawagan mo pa talaga si Pey mula sa ospital. Alam mo naman ang kalagayan niya. May nangyari ba? May gulo ka na namang pinasok?”Sumagot si Bryenne na may hindi mapigilang inis.“Ba’t hindi ako ang tinawagan mo?”“Kuya, ano bang ibig mong sabihin? Na ako pa ang may kasalanan? Eh yang magaling mong dating asawa ang nanggugulo sa akin!”“Si Rana?” agad na tumaas ang tono ng boses ni Bryson. “Ginulo mo na naman siya?”“Bry..” mahinang tawag ni Pey dahil bah
Sa bawat kibot ng labi ni Bryenne ay nakatutok lang si Pey sa mukha ni Bryson.Tinitignan niya kung anong magiging reaksyon nito sa mga naririnig kay Bryenne.At nang mapansin ni Pey na tila may hindi magandang reaksyon si Bryson ay lihim siyang natuwa.Pero sa itsura niya, puno pa rin ng pag-aalala habang tinanong si Bryson.“Bry, sa tingin mo dahil sa galit ni Rana sa akin kaya siya lumapit sa kuya ko? Sinadya niya kaya iyon para maghiganti sa akin? Nalaman niya sigurong galing ako sa pamilya ng Santiago. Kaya ngayon ay ginagamit niya ang kuya ko para..”Sinadyang hindi ituloy ni Pey ang sinasabi upang umiyak.Pinagmukha niyang kawawa ang sarili sa sariling iniisip.Hindi sumagot si Bryson.Kalahating naniniwala, kalahating hindi.He was torn about his own idea.He knew Rana. Halos isuka na nga sila nito.Ayaw na silang makita o maamoy man lang.But, on the other hand, baka palabas lang ito ng dalaga para mas convincing ang gagawin nitong paghihiganti.Hindi na niya alam kung sino a
Hinawakan ni Bryson ang ulo sa walang kwentang ibinalita sa kanya ni Moss.Wala pa rin itong contact kay Hara.“Promise. I did everything para ipagtanong siya noong fashion gala. Kahit natapos na yung catwalk hindi ko pa rin siya nakita."“Sa buong gabing iyon wala kang nakuhang kahit ano?”“Pumunta na ako sa lounge area, bumaba na ako ng ground floor ng hotel. Ultimo mga maintenance doon ipinagtanong ko na siya, kaso wala. Nakaalis na raw.”“Ang bagal mo kasi. Puro ka naman yata chismis doon.”Umirap si Moss.“Excuse me, hagardo verzosa na nga ako doon kahit full blast ang aircon mahanap ko lang ‘yang Hara na ‘yan!”“Kanino ka ba nagtanong?”“Sa mga kakilala kong negosyante. Nakapagtanong na nga ako kahit dun sa mga construction ang business.”“Hindi ka pumunta kay Andy?” inis na tanong ni Bryson.Kumamot si Moss sa kanyang ulo. “Ayaw yata sa akin ‘non?”“Bakit?”Nag-krus ang braso ni Moss at tumaas ang kilay.“Ang weird ng tingin niya sa akin. Parang sarcastic pa ang mga sagot niya.
Sa wakas, hindi nabigo si Bryson sa pagkakataong ito.Ipinatawag niya agad si Moss nang matanggap niya ang lahat ng detalye ng meeting.Mabilis silang dumating sa opisina o studio ni Andy.Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon.Agad silang in-assist ng sekretarya nito papunta doon.Matagumpay niya namang nakita si Andy.May nakapulupot na medida sa leeg nito at may inaayos sa mannequin na nasa harap nito.Inilibot ni Bryson ang paningin ng mabilisan.Iba’t-ibang klase ng mga damit, ball gown, evening gown ang naroroon.Kahit saan ka tumingin ay salamin.Nagkalat ang malalaking plastic na siguro’y mga tela o kung anuman.“Ms. Andy Aboitiz.” tawag pansin nito dahil nakatalikod ito sa kanila.Sinulyapan sila ni Andy at nginitian.May ibinilin ito sa assistant na katabi saka ibinigay ang medidang hawak.Magiliw niyang sinalubong si Bryson ngunit nang lumipat ang tingin nito kay Moss ay panunuyang tingin lang ang iginawad niya roon.Inilahad ni Bryson ang kamay. Nasa dibdib ang isang kama
Pagkatalikod ni Bryson ay agad siyang umalis ng silid na iyon.Si Moss naman ay tila nag-lag.Matapos niyang matigilan nang ilang sandali ay saka pa lang siya natauhan at sumunod na rin palabas. Pagkalabas ng opisinang iyon, pakiramdam ni Moss ay parang lumiwanag ang buong paligid.“Ang astig mo naman, Bry. Parang nasupalpal mo si Andy roon ha.” puri nito.Ngunit nanatiling seryoso ang mukha ni Bryson hanggang sa tuluyan na silang makalabas ng building na iyon.Niluwagan niya ang necktie.“Mukhang mahirap na talagang maisakatuparan ang kolaborasyong ito.”“Bakit naman?”“Sa palagay mo? Kitang-kita naman sa ugali ni Andy kanina na malaki ang galit ng Hara na ‘yon sa atin. Hindi madaling ayusin ang ganitong klase ng hindi pagkakaunawaan.”Napabuntong-hininga rin si Moss.Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Talagang lalagari sila ng kanyang team.At nahahalata na rin niyang tila nga may galit sa kanila ang Master Hara na iyon.Mabilis silang sumakay muli sa sasakyan.Sinarado agad nila
"Bry."Sinalubong na ni Froilan ang dalawa sa entrance palang ng building.Mabilis ang lakad ni Bryson paakyat sa opisina nito kaya agad na sumabay si Froilan.Habang halos lakad-takbo ang ginawa ni Moss upang makahabol sa dalawa.Nang makita ni Froilan ang seryosong mukha ni Bryson hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba.Hindi ito nagsasalita at mukhang magbubuga ito ng apoy pagdating nila sa opisina.Tahimik silang tatlo habang nakasakay sa elevator. Si Moss lang ang gumagalaw.Sina Froilan at Bryson ay tila mga robot na nakatingin lang sa pinto ng elevator.Pagkarating nila sa tamang floor ay agad na binuksan ni Bryson ang kanyang opisina.Tinanggal niya ang coat na suot. Inihagis niya iyon sa sofa at niluwagan ang necktie.Humarap siya kay Froilan na nakatayo lang sa may pintuan.Marahang lumakad si Moss papunta sa sofa. Inayos ang coat ni Bryson na nakakalat doon. Umupo siya doon at idinipa ang dalawang braso sa backrest ng sofa."Alam mo ba ang Star Moon Legend?"Mabilis namang
Narinig ni Bryson ang sinabi ni Moss kaya't agad siyang lumingon dito.Inakala pa ni Moss na nainis ang kaibigan sa kanyang sinabi kaya agad niyang tinakpan ang bibig niya.Ngunit iniabot lang ni Bryson ang kamay nito sa kanya.“Cellphone mo.”“Bakit?” tanong ni Moss habang iniaabot ang kanyang cellphone.Tinapat ni Bryson ang cellphone sa mukha ni Moss at agad itong na-unlock.Gamit ang account ni Moss ay pinuntahan ni Bryson ang story ni Bryenne sa instagram.Hindi pa man naiintindihan ni Moss kung anong ginagawa ni Bryson ay narinig na nilang nagtanong si Froilan na nakakunot-noo.“Anong story? Bakit hindi ko ‘yan nakita kailanman?”Bilang assistant ni Bryson ay natural lang na kaibigan din ni Froilan sina Bryenne at Pey sa mga social media accounts nito.Dahil paminsan-minsan ay nagmemensahe ang mga ito para magtanong ng balita tungkol kay Bryson.Pero sigurado si Froilan na hinding-hindi pa niya nakita ang mga stories na iyon.Kung nakita niya man, agad niya itong ipinaalam kay B
Ipinadala ni Moss kay Bryson ang lahat ng screenshot.Tumunog ang telepono ni Bryson ng halos limang minuto bago tuluyang maipadala lahat ng larawan.Nanatiling tahimik ang lalaki ng limang minuto.He sighed and coldly stare at his phone."Hahanapan ko ng oras para tanungin si Bryenne nang maayos."Hindi lang ito tungkol sa pag-aari ng mga regalong iyon.Marami pa siyang gustong linawin.Gustuhin man niyang magalit sa ngayon ay wala namang magagawa ang galit niya.Kaya susubukan muna niyang kausapin ito sa maayos na paraan.Alam nina Froilan at Moss na masama ang timpla ni Bryson sa mga oras na iyon.Kaya hindi na sila nagsalita pa. Wala silang balak na masali sa init ng ulo nito.“Thank you, Froi. You can go back to your office.” kontrol ang boses ni Bryson.Yumuko lang ng bahagya si Froilan saka lumabas ng office ni Bryson.Tumingin ito kay Moss. “You too.”Ngumuso si Moss at tumayo. Tinapik nito ang balikat ni Bryson.“Kung mag-oovertime ka ay sabihan mo ako. Sasabay ako.” saka tul
“Hah!”Namumula na ang tenga ni Bryenne sa galit.Sa isip niya ay nagtawag na si Rana ng kakampi dahil hindi na siya nito kaya.Napangisi siya sa sariling imahinasyon.“Sino ka ba ha? Pumapayag kang maging tuta ng babaeng ‘yan? O baka naman pareho kasi kayong social climber?!”“Alam mo Bryenne, sayang ka.” sabi ni Rana.Tumaas ang kilay ni Bryenne ngunit hindi na rin nagsalita.“Apelyido mo lang tanging maipagmamalaki mo. But, the rest of you?”Ni- head to foot ni Rana si Bryenne.Kitang-kita ang pandidiri sa kanyang mukha.“All of it. Are trash.”“Ikaw ang dapat ilagay sa basurahan!”Susugod na sana si Bryenne ngunit mabilis siyang pinigilan ni Pey.Nabitin sa ere ang kanyang kamay.“Ano ba, Bryenne. Stop acting like a kid! My gosh.” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang daming nakatingin!”Muli ay natauhan si Bryenne.Nilingon niya ang mga taong nagbubulugan na ngayon.Ang iba ay may hawak pang cellphone.“That’s right. Ipakita mo kung gaano ka kababa, Bryenne. Hayaan mo silang i-re
Nang makita ni Pey na seryoso si Froilan sa pag-asikaso ng kanyang mga papeles para makalabas ng bansa at pati ang tirahan nila ng kanyang ina sa ibang bansa ay inayos na.Nataranta siya.Nauna na niyang kinausap ang ina nina Bryson at Bryenne.Ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi rin mabuti ang ugali ng pamilya Deogarcia.Sa halip ay puro paghingi lang sila ng kung anu-anong bagay sa kanya.Bawat buka ng kanilang bibig ay kailangan may kapalit kang ibibigay sa kanila.Kung hindi niya maibigay ang mga hinihingi ng ginang na Deogarcia, tiyak na ni katiting na tulong ay hindi niya pwedeng asahan.Galit na galit si Pey halos pumutok ang kanyang ngipin sa inis.Ngunit wala na siyang malalapitang iba.Habang siya'y puno ng poot at kaba, bigla niyang nakita sa balita na sinubukan ni Bryson na makipagbalikan kay Rana.Ngunit tinanggihan ito ng huli.Sa sandaling iyon ay parang nalaglag si Pey sa kailaliman ng tubig na puno ng yelo.Nanlamig ang kanyang buong katawan.Ang dami na niyang ginawa
“Sa madaling salita, isa lamang itong malaking hindi pagkakaunawaan.”Ni hindi alam ni Bryson kung paano ipapaliwanag ang ginawa niya.Kaya't nakaramdam siya ng matinding kawalang pag-asa.Ayaw niyang aminin na sinusundan nga niya ang dalaga.Dahil na rin sa pag-aalala.Gabi na at hindi dapat ito lumalabas ng mag-isa.Ngunit sa puso ni Rana ay malamang halos wala na siyang natitirang magandang imahe.Kaya hindi na rin niya pinilit ipaliwanag ang sarili.At sa pagtrato palang ni Rana sa kanya ngayon ay mukhang wala na rin siyang pakialam.Talagang ayaw na ayaw na siya nito.Hindi na rin nais ni Rana na makipagtalo pa.Kaya't magaan lamang siyang nagsalita.“Bilang tao, dapat may konsiderasyon ka. Huwag basta-bastang magtapon ng basura kung saan-saan.”Wala nang nagawa si Bryson kundi damputin muli ang maliit na kahon at ipasok ito sa kanyang bulsa nang walang emosyon.Nang makita ni Rana na pinulot niya ang kahon ay hindi na siya nag-aksaya pa ng salita.Agad na siyang lumakad palayo.
Sandaling natahimik si Froilan.Hindi inasahan na seryoso si Bryson sa pagkakataong ito.Kaya't tumugon na lamang siya.“Naunawaan ko.”“Mm, may iba ka pa bang sasabihin?”“Ah, bukas may isang charity auction. Nabalitaan ni Sir Moss na posibleng dumalo si Master Hara.”Dumilim ang paningin ni Bryson.Dahil sa dalawang bagay.Una ang muling marinig ang pangalan ni Moss.Pangalawa ay dahil nakita niyang bumaba si Vern mula sa itaas ng building.Kasunod si Rana na mukhang maghahatid sa kanya.Kaya’t hindi na niya nasundan ang mga sinasabi ni Froilan sa kabilang linya.Basta na lamang siyang sumagot nang hindi ito pinag-iisipan.Hindi na niya hinintay ang sagot ni Froilan at direktang binaba ang tawag.Nakita niyang si Vern ay sumakay na ng kotse at umalis.Paalis na rin sana siya dahil kahit papano’y kumalma na ang kanyang dibdib.Natigilan lang siya sa pagmamaniobra ng sasakyan dahil nakita niyang hindi pa pumasok agad si Rana sa tinutuluyan nito.Nakasuot lamang ito ng tsinelas at papu
Walang sabi-sabi ay kinuha ni Bryson ang kamay ni Rana saka pilit na inilagay ang maliit na kahon sa palad nito.At walang anu-ano’y umalis nalang.Hindi na rin nag-abalang lumingon upang magpaalam.Susugurin pa sana siya ni Vern ngunit pinigilan na siya ni Rana.Titig na titig siya sa kahon na iyon.Hindi niya alam kung bakit mas lumakas pa ang kabog sa kanyang dibdib.Her throat was suddenly blocked by something.Kunot-noong tinitigan din iyon ni Vern.Pinaglaruan niya ang maliit na kahon sa kamay.Pinag-iisipan niya kung bubuksan niya ba o hindi.Vern noticed Rana’s silence.Hindi niya iyon nagustuhan.Tila ba naguguluhan agad ang dalaga sa isang galaw ni Bryson.Kaya naman agad niyang inagaw ang kahon para itapon sana sa labas.Pero mabilis din itong nabawi ni Rana."Ano ka ba?! Sa akin 'yan. Bakit mo itatapon ang gamit ko?"Nabingi si Vern.Halos gusto niyang sugurin si Bryson at suntukin.“Nakakainis. Ano na naman kaya ang plano ng lalaking iyon?” sa kanyang isip."Siguradong ma
Paglabas nila ng ospital, si Rana at Vern ay dumiretso sa RR Group.Halatang hindi maayos ang estado ni Vern.Nakatitig lang siya sa hawak niyang kwintas at matagal na hindi nagsalita.Alam ni Rana na iniisip niya ang kanyang ina.Maaaring nasabi niya ang lahat ng masasakit na salita sa mag-ina, ngunit hindi sapat iyon.Sigurado siyang tumagos rin sa puso ni Vern lahat ng sinabi ni Eliza patungkol sa kanyang ina.Kaya hinayaan niya itong lumubog muna sa sarili nitong emosyon.Dahil alam niyang sa kalaunan ay maiintindihan at matatanggap din nito ang lahat.Nang medyo bumuti ang kalagayan ni Vern ay saka lamang siya nagsalita."Sa susunod na araw, may banquet ang Lopez family. Kailangan kong maghanda. Puwede ba kitang imbitahan na maging kasama ko?"Nagulat si Vern.Tinitigan niya si Rana na para bang puzzle pieces.Pero hindi na hinintay ng babae ang sagot niya.Kahit tumanggi pa siya ay kailangan pa ring sumama siya.Kaya mataray na niyang pinindot ang elevator papunta sa design depa
Muli pa sanang ipapatak ni Pey ang kanyang luha.Ngunit nang mag-angat siya ng tingin kay Bryson ay natigilan siya.Hindi niya inasahang matalim ang tingin nito sa kanya.Hindi niya maiwasang matakot.Lalong bumagsak ang damdamin ni Pey.Parang nauuyam pa ito sa kanya.Hindi pa niya kailanman nakita ang ganitong tingin mula kay Bryson.Malamig, walang emosyon at parang nakatingin sa isang bangkay.Siguradong iniisip ni Bryson na niloko sila nina Pey at ng kanyang ina.Sa kanilang mga kwento noon sila ay laging biktima ng pang-aabuso ni Vern.Hindi kailanman sila nakatikim ng awa sa lalaki.Ang naging reaksyon ng kanyang ina kanina dahil sa galit ay malayong-malayo sa mga kasinungalingang sinabi nila noon. Pati ang problema sa kanilang pamilya ay nalaman na nito.Tila nahubaran sila sa harap ni Bryson.Siniwalat ang kanilang baho kung kailan hindi nila iyon napaghandaan.Kaya naman alam na ni Bryson ang kanilang tunay na pagkatao.At ngayon ay nais na silang talikuran.Ayaw na niyang
Nang ilabas ang footage ng CCTV ay agad na naunawaan ni Bryson na naloko siya.Hindi si Rana ang nambully sa kanila.Kundi sina Eliza at ang kanyang bodyguard.Hindi na kailangan ni Rana na ipaliwanag ang nangyari.Kahit sino ay makikitang malinaw kung sino talaga ang nang-aapi at nagmamalaki gamit ang koneksyon nila."‘Yan ba ang sinasabi n'yong hinimatay dahil kay Rana? Nagdala kayo ng bodyguard para pilitin sirain ang pintuan ng bahay ng iba. Tapos bawal pang ipagtanggol ang sarili at tumawag ng pulis?"Asik ni Vern.Nag-iinit na ang kanyang mata sa galit.Halos manginig na siya sa inis para sa mag-ina.Kahit kailan ay wala itong ginawanag tama."At dahil tinawagan kayo ng mga pulis, nagkunwari pa kayong hinimatay. Pagkatapos lahat ng sisi ay isinisi kay Rana!”Malamig ang tono ni Bryson habang malamig ding nakatingin kina Eliza at Pey.Hindi na mapakali ang dalawang babae.Hindi na alam kung paano pang lulusutan ang gusot na ito.Wala nang lakas ang mag-ina para magsalita.Nakayuk
“Wala kang karapatang magsalita dito, Rana. Pwedeng tumahimik ka na lang?! Mas lalo mong pinapagulo ang sitwasyon.”Natatakot si Pey na magsabi pa ng hindi kontroladong bagay si Rana, kaya agad niya itong pinigilan.Tumawa si Rana ng may pang-iinsulto.Halos itulak niya si Vern na sa kanyang harapan para lang mas maharap ang mag-ina.“Ginagawa niyo na tapos hindi niyo kayang aminin? Parang ngayon lang. Klarong klaro na ang nanay mo ang unang naghanap ng gulo sa akin. Siya ang pumunta sa lugar ko. Sumubok pang pwersahang pumasok mismo sa bahay ko. Tapos ako pa ang pinapalabas na may kasalanan?”Napayuko si Bryson.Inilagay niya ang nakakuyom na kamao sa kanyang bulsa.Nagtatagis ang kanyang panga dahil sa mga naririnig.At sa nagiging tahimik na response ng ginang.If they are innocent they would react.“Ang mga kasinungalingan niyong mag-ina ay talagang nakakabilib! I-KMJS na ‘yan!”Sinubukan pa ni Rana na magbiro habang nagtatagis ang panga sa galit para sa mag-ina.They never learn