Pagkatalikod ni Bryson ay agad siyang umalis ng silid na iyon.Si Moss naman ay tila nag-lag.Matapos niyang matigilan nang ilang sandali ay saka pa lang siya natauhan at sumunod na rin palabas. Pagkalabas ng opisinang iyon, pakiramdam ni Moss ay parang lumiwanag ang buong paligid.“Ang astig mo naman, Bry. Parang nasupalpal mo si Andy roon ha.” puri nito.Ngunit nanatiling seryoso ang mukha ni Bryson hanggang sa tuluyan na silang makalabas ng building na iyon.Niluwagan niya ang necktie.“Mukhang mahirap na talagang maisakatuparan ang kolaborasyong ito.”“Bakit naman?”“Sa palagay mo? Kitang-kita naman sa ugali ni Andy kanina na malaki ang galit ng Hara na ‘yon sa atin. Hindi madaling ayusin ang ganitong klase ng hindi pagkakaunawaan.”Napabuntong-hininga rin si Moss.Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon. Talagang lalagari sila ng kanyang team.At nahahalata na rin niyang tila nga may galit sa kanila ang Master Hara na iyon.Mabilis silang sumakay muli sa sasakyan.Sinarado agad nila
"Bry."Sinalubong na ni Froilan ang dalawa sa entrance palang ng building.Mabilis ang lakad ni Bryson paakyat sa opisina nito kaya agad na sumabay si Froilan.Habang halos lakad-takbo ang ginawa ni Moss upang makahabol sa dalawa.Nang makita ni Froilan ang seryosong mukha ni Bryson hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba.Hindi ito nagsasalita at mukhang magbubuga ito ng apoy pagdating nila sa opisina.Tahimik silang tatlo habang nakasakay sa elevator. Si Moss lang ang gumagalaw.Sina Froilan at Bryson ay tila mga robot na nakatingin lang sa pinto ng elevator.Pagkarating nila sa tamang floor ay agad na binuksan ni Bryson ang kanyang opisina.Tinanggal niya ang coat na suot. Inihagis niya iyon sa sofa at niluwagan ang necktie.Humarap siya kay Froilan na nakatayo lang sa may pintuan.Marahang lumakad si Moss papunta sa sofa. Inayos ang coat ni Bryson na nakakalat doon. Umupo siya doon at idinipa ang dalawang braso sa backrest ng sofa."Alam mo ba ang Star Moon Legend?"Mabilis namang
Narinig ni Bryson ang sinabi ni Moss kaya't agad siyang lumingon dito.Inakala pa ni Moss na nainis ang kaibigan sa kanyang sinabi kaya agad niyang tinakpan ang bibig niya.Ngunit iniabot lang ni Bryson ang kamay nito sa kanya.“Cellphone mo.”“Bakit?” tanong ni Moss habang iniaabot ang kanyang cellphone.Tinapat ni Bryson ang cellphone sa mukha ni Moss at agad itong na-unlock.Gamit ang account ni Moss ay pinuntahan ni Bryson ang story ni Bryenne sa instagram.Hindi pa man naiintindihan ni Moss kung anong ginagawa ni Bryson ay narinig na nilang nagtanong si Froilan na nakakunot-noo.“Anong story? Bakit hindi ko ‘yan nakita kailanman?”Bilang assistant ni Bryson ay natural lang na kaibigan din ni Froilan sina Bryenne at Pey sa mga social media accounts nito.Dahil paminsan-minsan ay nagmemensahe ang mga ito para magtanong ng balita tungkol kay Bryson.Pero sigurado si Froilan na hinding-hindi pa niya nakita ang mga stories na iyon.Kung nakita niya man, agad niya itong ipinaalam kay B
Ipinadala ni Moss kay Bryson ang lahat ng screenshot.Tumunog ang telepono ni Bryson ng halos limang minuto bago tuluyang maipadala lahat ng larawan.Nanatiling tahimik ang lalaki ng limang minuto.He sighed and coldly stare at his phone."Hahanapan ko ng oras para tanungin si Bryenne nang maayos."Hindi lang ito tungkol sa pag-aari ng mga regalong iyon.Marami pa siyang gustong linawin.Gustuhin man niyang magalit sa ngayon ay wala namang magagawa ang galit niya.Kaya susubukan muna niyang kausapin ito sa maayos na paraan.Alam nina Froilan at Moss na masama ang timpla ni Bryson sa mga oras na iyon.Kaya hindi na sila nagsalita pa. Wala silang balak na masali sa init ng ulo nito.“Thank you, Froi. You can go back to your office.” kontrol ang boses ni Bryson.Yumuko lang ng bahagya si Froilan saka lumabas ng office ni Bryson.Tumingin ito kay Moss. “You too.”Ngumuso si Moss at tumayo. Tinapik nito ang balikat ni Bryson.“Kung mag-oovertime ka ay sabihan mo ako. Sasabay ako.” saka tul
Mabilis na nakabawi si Rana."Bryson?" tanong niya.Tumango si Andy at isinalaysay ang lahat ng sinabi ni Bryson noong araw na kinausap siya.Biglang napangisi si Rana."Sa sampung porsyento lang ng bahagi, inaasahan niyang magbabago ang isip ko? Masyado naman niyang minamaliit si Rana Esquivel."Nang marinig ni Andy ang tono ng babae ay alam niyang sarado na ang pinto para sa usapan.Kahit medyo nakahinga siya ng maluwag, may kaunting pag-aalala pa rin."Talagang desidido kang huwag nang makipagtulungan sa kanila? Though you didn’t breach any contract with them, parang tama nga naman ang sinabi niyang pwedeng maaapektuhan ang career mo? At unprofessional kung hindi mo na sila kakausapin manlang?"Pakiramdam ni Rana ay parang isang nanay na masyadong nag-aalala si Andy.Napatawa siya habang iniisip ito."Walang problema, ate. Hindi ito malaking dagok para sa akin. At sa pagiging unprofessional, I don’t think so. I emailed them ahead of time. Sila lang ang hindi makatanggap ng desisyon
Napaisip si Rana saglit sa inosenteng na tanong na iyon ni Andy.Tapos ay bigla siyang humawak sa tiyan at humalakhak nang malakas.Nagulat si Andy sa kanyang tawa sa umpisa pero kalaunan ay napailing na lang.Puno ng pagkaaliw at pagkabighani.“Pinagti-tripan mo na naman ako ha.” nakalabing sabi niya kay Rana."Hay nako, Andy. Ang cute mo talaga." sabi ni Rana habang pinagmamasdan si Andy.Hinaplos ni Andy ang pisngi ni Rana nang may lambing at ngumiti. "Dati sinasabi ko masyado kang matured para sa edad mo. Pero ngayon habang tumatawa ka, na-realize kong ang bata mo pa pala talaga."Pinunasan ni Rana ang kanyang naluluhang mga mata.Unti-unti na siyang tumigil sa pagtawa.Pero namumula pa rin ang kanyang pisngi at namumungay pa ang mata sa luha.Kaya’t lalong naging kaakit-akit ang kanyang anyo.Hindi na napigilan ni Andy ang kanyang damdamin."Ayos lang 'yan, bata ka pa. Dapat madalas kang tumawa. Ang ganda mong tingnan kapag masaya ka." sabi ni Andy.Sobrang nasisiyahan siya sa b
Hindi nagtagal ang pag-uusap nina Rana at Andy.May trabaho pang kailangang tapusin si Andy at si Rana naman ay kailangang bumalik para asikasuhin ang mga preparasyon para sa bago niyang studio.Paglabas niya mula sa kompanya ni Andy ay naglakad si Rana papunta sa bago niyang sasakyan.Ang pink na porsche na sinasakyan niya ngayon ay regalo sa kanyang pagbabalik ng kanyang kuya at talagang hindi niya nahindian ito.Alam ng kuya niya kung paano siyang hindi makakatanggi sa inaalok nito.Pagkaakyat pa lang niya sa kotse ay napansin niyang may tila isang taong nakatitig sa kanya mula sa malayo.Napakunot ang noo ni Rana at tiningnan ng matalim ang direksyong iyon.Ngunit pagkatapos ng ilang sandali ng pagmamasid, wala naman siyang nakita.Inakala niyang guni-guni lamang ito.Sumibat siya gamit ang kanyang mamahaling sasakyan.Lingid sa kanyang kaalaman ay totoo ang kanyang hinala.May isang anino ang lumabas mula sa likod ng poste matapos siyang umalis.Ipinadala ng taong iyon ang mga li
"Si Mr. Deogracia ay nasa meeting ngayon at hindi siya makakatanggap ng tawag." malamig at pormal ang tono ni Froilan.Wala sa loob niyang nasagot ang tawag.Kaya ngayon ay kailangan pa niyang pag-aksayahan ng oras si Pey.Nagulat si Pey.Pero mahinahon pa rin siyang sumagot."Ayos lang, hindi ko na muna siya istorbohin. Pagkatapos ng meeting niya, puwede mo ba siyang sabihang tawagan ako?""Hindi pa rin puwede."Hindi inakala ni Pey na tatanggihan siya ni Froilan nang ganoon kasimple.Dati-rati, magalang ito sa kanya.Kaya’t talagang ikinabigla niya ang biglang pagbabago ng ugali nito.May kutob siyang may mali.Pero nagkunwaring kalmado pa rin at ngumiti pa kahit hindi naman siya nito nakikita."Medyo abala nga pala sa opisina kaya naiintindihan ko. Siguro kapag tapos na ang trabaho ninyo ngayong araw, puwede mo na lang akong sabihan?""Ms. Feia" tamad na tamad ang boses nito.Naririnig din ni Pey sa kabilang linya ang sunod-sunod na tunog ng keyboard.Halatang nagtitipa ito ng kung
Walang silbi ang mga sinasabing paliwanag o realization ni Bryson para kay Rana.Hindi lang ito walang kwenta, kundi nakakadagdag pa sa kanyang inis at pandidiri.Mas lalo lang lumala ang pagkamuhi niya sa lalaki.Namutla ang mukha ni Bryson.Bahagya na rin siyang naiinis.Hindi niya inasahan na ang paghingi niya ng tawad, na pinaghirapan pa niyang ihanda ay babalewalain lang ni Rana nang ganoon kabigat.Mariin siyang napapikit.“Kailangan mo ba talagang maging ganito kababaw? Hindi mo manlang ako pakinggan ng mabuti.”Umalpas ang galit sa puso ni Rana.Napaayos siya ng upo.“Ano bang gusto mo? Na makisalo ako kay Pey sa isang asawa? Na patuloy kong lunukin ang lahat ng sakit at paninilbi sa pamilya mo na parang alipin?”Napabuga ng malalim na hininga si Bryson.Habang lalong nagagalit si Rana.“Bryson, huwag mo akong subukang dalhin sa sukdulan.”Gusto lang sana niya ng maayos na paghihiwalay.Pero kung patuloy pa rin ang mga ito sa panggugulo ay baka may magawa siyang hindi na niya
Hindi natutuwa si Rana na makita si Bryson.Sa tuwing makikita niya ito ay naaalala niya ang kanyang hangal na desisyon sa pagpapakasal rito.Bumabalik sa kanyang alala ang lahat ng masasakit na pinagdaanan niya sa kamay nito.Ang magandang mood niya ay agad nawala.Kaya gusto niyang paalisin agad ang lalaki para makabalik siya at makatulog muli.Bumalik sa ulirat si Bryson at naglabas ng isang dokumento.Iniabot ito kay Rana.Hindi na sana tatanggapin ng dalaga ngunit nakikita niyang nababasa na ito sa kamay ni Bryson.Tinanggap niya iyon at bahagyang sinulyapan.Isang listahan pala ito ng mga bagay.May nakasaad na mga item at mga petsa.“What is this?” mataray niyang sabi kay Bryson.Ngunit hindi agad sumagot ang binata.Inangat niya ang tingin rito.He was struggling to massage his hand.“‘Wag mo na kasing galawin! Mamaya mas lalong mamaga ‘yan.”Umangat ang tingin ni Bryson.Malambot at tila pagod ang mga mata nito.“Namamanhid kasi eh.”“Eh bat’ ang tagal mo kasing binabad?! Jus
Nakalimutan niyang naka-pambahay pa siya.Ang paborito niya pang pajama!Ang pajama niyang suot ay bigay ni lolo butler.Gawa sa purong bulak at may cartoon na disenyo.Medyo pambata ang itsura pero sobrang komportable.Gustong-gusto ito ni Rana.At sa isip niya mag-isa lang naman siyang nakatira sa bahay na ito.Wala namang makakakita kung ano ang suot niya.Kaya pinili niyang gamitin ito.Hindi niya inasahan na sa araw na magsusuot siya nito ay saka pa siya matatagpuan ng dating asawa.Napakamot nalang siya sa ulo.Nabangga pa niya ang kamay nito.Na parang talong na ngayon.Napakamalas talaga.Gusto na sana ni Rana na isarado ulit ang pinto para magpalit.Pero nakaharang pa rin si Bryson doon.Ayaw paawat kahit kalahating hakbang.Wala siyang nagawa kundi papasukin na muna ito.Kailangan na rin niyang lagyan ng yelo ang kamay nito.Pinag-iisipan pa niya kung sasamahan pa niya ito sa hospital.Pero mas pinili niyang lagyan nalang muna ito ng yelo tapos ay bahala na siya sa buhay niy
Nang matapos ang tawagan nila ni Vern ay agad na nagpahinga si Rana.Di na niya tinapos ang ginagawa dahil nawalan na rin siya ng gana.Uminom siya ng kaunting pampatulog, red wine.Gusto niyang itulog muna ang lahat.Pero naalimpungatan siya sa ingay sa labas.Badtrip na badtrip siya. Gusto niyang takpan ng kumot ang ulo niya.Akala niya ay makakatulong iyon para hindi marinig ang ingay.Pero manipis ang soundproofing ng apartment.Kaya kahit nasa ilalim siya ng kumot ay rinig pa rin niya ang walang tigil na katok.“Ang bastos at istorbo talaga. Walang konsiderasyon sa taong natutulog!” inis na sabi niya.Napabangon si Rana at galit na galit na naglakad papunta sa pintuan niya.Hila-hila niya pa ang kumot.Nakasuot pa ng pajama at antok na antok ay binuksan niya ang pinto.Pagkabukas pa lang ay sumigaw na siya.“Sino ka bang siraulo ka? May sayad ka ba?”Nakapikit pa halos ang mga mata niya.Hindi agad rumehistro sa kanya ang kung sino mang nasa labas.Pero si Bryson ay parang napak
"Ang pulserang Flower Shadow. ‘Yung napag-alaman kong naibenta sa isang auction ng mahigit limampung milyon. Binili ‘yon ng kuya ko at ibinigay kay Rana."Biglang kumabog ang dibdib ni Bryson.Naalala pa niya ang pulserang ‘yon.Noon pa niya gustong makipag-collab kay Suey pero hindi niya mahanap ang tamang koneksyon.Hindi niya inakalang ganoon kalawak ang koneksyon ni Vern.Na kaya pa niyang bilhin ang Flower Shadow bracelet.At higit pa roon ay binigay pa niya ito sa kanyang dating asawa.Ito ba ang dahilan kung bakit pumayag si Rana na makipagrelasyon sa lalaking iyon?Dahil mayaman si Vern?Na handa itong gumastos para sa kanya?Ganon rin naman siya.Tama rin naman.Sa paningin ni Rana, malamang ang dating asawa niyang si Bryson ay kuripot.Ni minsan ay hindi siya nabigyan ng matinong regalo.Sa panahon ng kanilang paghihiwalay, si Rana pa ang piniling umalis nang walang kinuhang kahit ano.Habang iniisip niya ito ay lalong dumilim ang mukha ni Bryson at mas bumigat ang kanyang p
Nang makatanggap ng tawag si Bryson kay Pey ay agad siyang nakaramdam ng sakit ng ulo.Napahinga nalang siya ng malalim nang sagutin ito.Kahit paano kasi ay nakakakuha siya ng impormasyon tungkol kina Rana at Vern dahil sa mga ito.Ayaw na talaga niyang makisawsaw pa sa mga gulo ng pamilya nito.Hanggang sa muli niyang marinig ang pangalan ng dating asawa.Agad na lumaki ang tenga para doon.“Napaka sama talaga ng Rana na iyan! Paano niya nagawang ganunin ang mama ko?”Umiiyak na sumbong ni Pey habang pinalalaki pa ang kwento kung paano nawalan ng malay si Eliza sa sobrang galit.“Ang mama ko ay buong pusong nilapitan si Rana para payuhan siya. At binigyan pa siya ng pera. Pero hindi lang siya tumanggi. Talagang ininsulto pa niya ang mama ko. At sa huli, tumawag pa siya ng pulis para palabasin na masama ang mama ko. Parang gusto niya pang ipakulong!”Nanlamig ang mukha ni Bryson matapos marinig lahat.“Sigurado ka bang si Rana lang ang may kasalanan dito?”“Ano naman ang dahilan ng m
“Lintek talagang mag-ina ‘yan!” sigaw ni Vern sa kabilang linya. “Talagang nahanap ka ng madungis na Eliza na iyon? Bakit hindi mo man lang ako sinabihan agad?”“Bakit pa kita sasabihan? Kaya ko naman itong ayusin mag-isa.”Hindi gaanong pinansin ni Rana ang sama ng tono ni Vern.Tila natatawa pa siya. “Ewan ko kung saan niya nakuha ang balita na magkasintahan na tayo. Pero pumunta siya mismo para sabihing makipaghiwalay ako sa’yo.”Muli ay humalakhak siya habang nakahiga sa kama niya.Tila tuwang-tuwa pa sa mga sinasabi sa kanya ng mga taong iyon.“Binigyan pa nga ako ng pera. Limang milyon!” she giggled. “Oh, tingnan mo ‘yan, limang milyon ang halaga mong unggoy ka!”Para sa isang karaniwang tao ay hindi maliit na halaga ang limang milyon.Pero dahil si Rana ay hindi naman gipit sa pera at hindi rin talaga sila ni Vern ay hindi siya natukso.Sa tingin din naman niya kung sila nga ni Vern.Hindi pa rin siya kakagat sa offer.Kahit pa naghihirap na siya sa buhay ay hinding-hindi niya
Napaka-angas ng grupo ni Eliza.Hindi iniisip ang ginagawa.Nilamon na ng inggit at galit para sa babaeng wala namang masamang ginagawa sa kanila.Tiyak na napakalaking gulo ang ginawa nila.Agad itong nakaabala sa mga kapitbahay sa parehong palapag.Maraming tao ang nagbukas ng kanilang mga pinto at nagsimulang magbulungan habang nakatingin sa grupo ni Eliza.Kitang-kita na ang pula sa mukha ni Eliza.Matindi ang naging epekto nang pang-iinis ni Rana rito. Kaya nang makita niya ang dumadaming mga tao ay dali-daling nagsuot siya ng sunglasses.Pinalo na rin ang bodyguard na sumisira sa pinto nito.Umayos siya at sumigaw ito sa pinto nang may malambing na boses.“Rana, hija. Naiintindihan ka ni Tita na iniwan ka lang ng lalaki. Hindi mo kasalanan ang ma-divorce. Pero yung susubukan mong akitin na si Vernon at ang pagnanakaw ng bracelet niya, at panunulsol ng masasakit na salita para saktan ako ay hindi na yata tama iyon.”Tumingin siya sa madla at muling tumingin sa pintuan ni Rana.“
Matamang tinitigan ni Rana si Eliza sa loob ng ilang sandali.Napansin niya ang pagkabulag nito sa kanyang sinabi.Na malaki ang nakukuhang sweldo ni Vern.Halos masuka siya sa ugali ng ginang.Dahil doon ay ipinakita niya ang kanyang pulso.Nakangisi niyang ininggit lalo ang matanda.Makikita sa maputing pulsong iyon ang isang bracelet na may mga diyamante.Kumikislap pa ang mga ito kapag nasisikatan ng araw. Ang buong bracelet ay binubuo ng tatlumpung maliliit na diyamanteng nakapalibot dito.Bawat isa'y may mataas na halaga.Bukod sa mga diyamante ay may isang matingkad na pulang hiyas sa gitna.Isang batong halatang hindi karaniwang alahas.“Pinakabagong koleksyon ng Suey, ang Flower Shadow bracelet Tinatayang nasa tatlumpung milyong piso ang halaga. Siguro naman alam niyo na ’yan?”Napanganga si Eliza.Siyempre alam niya.Hindi lang basta alam.Noong una itong lumabas sa auction ay personal pa siyang pumunta para makita ito nang malapitan.Ang disenyo at halaga nito ay sadyang t