PAGMULAT ng mata ay kaagad nilingon ni Louie ang puwesto ng asawa sa kama, ngunit unan at kumot na lamang ang naroon, wala si Zia.Kinusot-kusot niya ang mga mata at saglit pang tumitig sa kisame ng suite. Mayamaya pa ay nagpasiya na siyang bumangon at nagtungo sa banyo sa pag-aakalang naroon si Zia pero wala.Nagtaka si Louie hanggang sa mapuna na wala na ang gamit sa side-table maging ang luggage ni Zia.Ibig sabihin ay iniwan siya nito ng mag-isa!Mariing naikuyom ni Louie ang dalawang kamay habang nakatanaw sa labas ng floor-to-ceiling window. Papasikat pa lang ang araw at kay gandang pagmasdan ng tanawin sa labas ngunit hindi niya makuhang matuwa o ma-appreciate ang magandang view.Hanggang sa tinawagan niya si Zia, “Nasaan ka ngayon?”“Nasa airport na ‘ko pabalik ng Manila.”“Bakit hindi mo ‘ko ginising? Ano ‘yung nangyari kagabi, wala lang?"“At ano namang nangyari kagabi, Louie? ‘Di ba wala naman?” saad ni Zia saka tinapos ang tawag.At makalipas ang mahigit dalawang oras ay n
NAGING mabigat ang atmosphere sa loob ng apartment. Parehong mataas ang emosyon ng dalawa ngunit mas higit na naapekto si Louie sa binitawang salita ni Zia kaysa sa pinadapo nitong sampal sa kanya.Napaatras siya at napasandal sa pader. Habang inaayos naman ni Zia ang butones sa suot na damit.“Hindi ka na talaga magbabago pa kahit anong gawin mo, Louie… Ang mas mabuti pa’y umalis ka na’t napapabayaan mo na ang trabaho mo bilang CEO.” Sabay turo ni Zia sa pinto.Nanliit ang mga mata ni Louie sa tinuran nito.“Pagtuunan mo na lang ng pansin ang kompanya. May importante kayong proyekto, ‘di ba? Kung hindi ako nagkakamali ay dalawang taon niyo ng pinaplano ‘yun. Hindi hamak na mas higit ‘yung importante kaysa sa relasyon nating tapos na,” dagdag pa ni Zia.Huminga nang malalim si Louie saka dinukot sa bulsa ang pakete para manigarilyo. Nabalutan kaagad ng usok ng sigarilyo ang paligid. “What do you mean?” ani Louie. “You’re still my wife, never magtatapos ang relasyon nating dalawa at hi
NAPATINGIN si Zia sa likod ni Louie na nakaharap pa rin sa labas ng bintana kaya hindi niya makita kung anong klaseng ekspresyon ang mababanaag sa mukha nito.“Anong klaseng kondisyon, Louie? ‘Wag mo sabihing pahihirapan mo pa ako bago tayo tuluyang maghiwalay?”Nanatiling nakatalikod si Louie ng magsalita, “Simple lang naman ang kondisyon ko, Zia… na hindi mo gagamitin laban sa’kin ang pagiging shareholder mo, pwede ba ‘yun?”Napailing si Zia, akala niya ay mahirap na kondisyon ang ipapagawa nito, hindi pala.Binuksan ni Louie ang bintana at pumasok ang simoy ng hangin sa loob. “Ililipat ko sa pangalan mo ang dalawang villa at apartment na nasa akin. As long as hindi ka magpapakasal sa iba at bibigyan pa ng eighty million alimony every year.”Hindi hahayaan ni Louie na mapunta ito sa iba ng ganoon kadali. Ituturing pa rin asawa si Zia kahit na nagkahiwalay na silang dalawa.“Hindi mo na kailangang magbigay sa’kin ng kahit ano, Louie. Mas ikalulugod kong tuluyang mawalan ng koneksyon
MATAPOS makabawi si Alice sa pagkabigla ay nilapitan niya si Michael para humingi ng paumanhin sa nagawa ni Louie.“’Wag kang mag-alala at papalitan namin ang ano man nasira sa kotse mo,” ani Alice.Naihilamos na lamang ni Michael ang sariling mukha sa inis. Si Louie naman ay tumigil sa ginagawa matapos makontento at mayabang na napangisi kay Michael para inisin pa ito nang husto.Aamba naman si Michael ng suntok nang yakapin sa bewang ng kasama nitong babae para pigilan.Hinila naman kaagad ni Alice si Louie pasakay sa sasakyan. Bago sila tuluyang umalis ay muli siyang humingi ng paumanhin kay Michael.“Umalis na po tayo,” utos kaagad ni Alice sa driver sa takot na muling gumawa ng gulo si Louie.Habang nasa biyahe ay biglang natawa si Louie kaya napatingin si Alice at ang driver mula sa rearview mirror.“Tang*na, ang pangit ng babaeng kasama niya. Ang layo sa Zia ko.”Naubo si Alice saka umiling-iling. Iba talaga ang tama ng alak kay Louie.***MABILIS na lumipas ang mga araw. Nasa
MABUTI na lamang at may bukas pang Vet clinic at nadala kaagad ang tuta. Pagkatapos masuri ng doctor ay napag-alaman nilang may urinary problem ang kawawang alaga.“Kailangan niya munang manatili rito para matutukan ang kondisyon niya,” pahayag ng doctor.Wala naman problema sa kanila basta lang gumaling si Hara. Matapos makapagbayad ni Louie ay nagpaalam na sila sa tuta na matamlay pa rin.“Babalik din kami kaagad,” malungkot na wika ni Zia habang hinahaplos-haplos ang balahibo ng alaga.Nakaakbay si Louie ng mga sandali iyon. “Tara na, Zia. Sila na ang bahala sa kanya—” Saka binalingan ang doctor. “Ito nga pala ang calling card ko, Dok. In case na may mangyari ay pakitawagan na lamang ako.”Tumango naman ang doctor. Matapos ay saka sila tuluyang umalis sa lugar.“Hindi ko man lang napansin na may dinaramdam na pala siya. Akala ko’y gusto lang maglambing ‘yun pala’y…” hindi na naituloy ni Zia ang sasabihin dahil naluluha siya.“’Wag ka ng masiyadong mag-alala at sigurado namang gagal
NILINGON muli ni Lindsay ang nakatungong si Zia kaya hindi niya mabasa kung anong ekspresyon ang ipinapakita nito.“Pasensya na po, Mr. Martin pero masiyado po akong abala ngayon,” tanggi ni Lindsay sa pag-aaya nito.Nanliit ang mata ni Martin saka napa-ismid. “Bakit naman? ‘Wag mo sabihing may relasyon pa rin kayo ni Austin Lopez?”Nanlaki ang mata ni Lindsay, hindi inaasahang alam nito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Austin.“Matagal na po kaming hiwalay.”“Kung ganoon naman pala’y walang masama kung makikipagmabutihan ka sa ibang lalake?” ani Martin. “Isang gabi lang naman, kung gusto mo’y sa Lopez hotel pa mismo tayo magpunta. Ipakita natin kay Austin na—!”Napasinghap si Lindsay, maging ang katabing table ay napalingon sa gawi nila nang bigla na lamang isinaboy ni Zia ang iniinom na kape sa pagmumukha ni Martin.“Pasalamat ka’t hindi na mainit ang iniinom ko,” ani Zia. “At anong tingin mo sa kaibigan ko, cheap na basta na lang sasama sa taong gaya mo?!”Naihilamos ni Martin ang
MULA sa labas ng coffee shop ay may nakaparadang sasakyan. Ang sakay ay nakatanaw sa masayang mukha ni Zia… na walang iba kundi si Louie.Kahit hiwalay na ay pinasusundan pa rin ito ni Louie para alamin kung anong pinagkakaabalahan ni Zia.Muntik pa nga siyang sumugod sa loob ng shop nang makitang may tumakbong lalake na sinundan ng isang babae. Buong akala niya ay may nangyayari ng hindi maganda kay Zia.Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang makitang kasama nito si Lindsay. Ilang sandali pa ay tuluyang lumabas ang dalawang magkaibigan saka pumara ng taxi. Kahit nakaalis na ay tulala pa rin si Louie kaya ang kasamang driver ay napatingin na mula sa rearview mirror. “Babalik na po ba tayo sa subdivision, Sir?”Napakurap si Louie mula sa malalim na pag-iisip. Sasagot na sana siya ng tumunog ang cellphone, tumatawag si Lucia.Hindi pa man niya sinasagot ang tawag ay tila pagod na siya. Malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago pindutin ang green button. “What it is, ‘M
MAKAILANG-BESES kumurap si Zia para lang masigurong hindi siya namamalik-mata.“L-Lindsay, ikaw na muna ang bahala rito’t sasalubungin ko lang si Lola,” ani Zia nang makumpirmang si Esmeralda nga ang nakikita ng mga mata. Lumabas siya ng gusali para salubungin ang matanda. “Anong ginagawa niyo rito, ‘La?” aniya sabay hawak sa braso nito upang alalayan palabas ng sasakyan.“Gusto kitang makausap, Zia.”“O, sige po. Sa loob tayo, ‘La,” aniya habang iniisip na baka alam na nito ang paghihiwalay nilang dalawa ni Louie. Ngunit wala siyang lakas ng loob magtanog at baka mali lang siya ng hinala?Pagpasok ng dalawang babae sa gusali ay lumayo naman si Lindsay matapos bumati kay Esmeralda ng ‘magandang araw’.Pinaupo ni Zia ang matanda sa matibay at malinis na upuan saka siya humarap. “Ano pong gusto niyong pag-usapan, ‘La?”Hindi muna sumagot si Esmeralda hangga’t hindi dumarating ang driver na kasama niya bitbit ang may kalahihang vintage jewelry box. Nakasunod ang tingin ni Zia kaya nagtat
SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i
BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy
SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p
SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang
BAGO pa makapag-react si Archie ay may dumaan na babaeng customer patungo sa restroom. Kaya nagpigil siya, mariin kinuyom ang kamay. Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nagawa pa rin huminahon. "Sa bahay na natin 'to pag-usapan." Pagkatapos ay nauna nang umalis.Si Chantal naman ay pumasok sa restroom, naghugas ng kamay kahit hindi naman kailangan. Wala lang, gusto lang niyang mapag-isa kahit sandali."Ayos ka lang?" tanong ng babae kanina na dumaan.Tiningnan ito ni Chantal saka malungkot na nginitian, hindi alintana na naluluha siya ng sandaling iyon."Magkakaayos din kayo ng boyfriend mo," patuloy pa ng babae."Salamat." Pagkatapos ay umalis na siya. Pagbalik sa table ay ang malawak na ngiti agad ni Edward ang sumalubong."Ayos ka lang ba?"Natigilan si Chantal dahil pangalawang beses ng may nagtanong sa kanya, ibig sabihin ay mahahalata talaga sa mukha niya na hindi siya totally fine.Pagkatapos ay nilingon niya ang table kung saan nakaupo ang Ina saka si Archie, na masama ang
NABIGLA at napakunot-noo pa si Chris habang nakatingin sa anak. Nagtataka kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito. "Ba't parang gulat na gulat ka?"Kumurap-kurap ang mata si Archie, biglang natauhan. "W-Wala lang po, nabigla lang. Ito ang unang beses na ginawa niyo 'to. Masiyado pa naman kayong over-protective kay Chantal."Naging relax ang ekspresyon ni Chris sa sinabi ng anak. "Well, ayoko rin sa ideya na 'to. Para sa'kin ay walang sinong lalake ang nababagay para sa anak ko."Napalunok ng laway si Archie sa narinig ngunit pinanatiling walang reaksyon ang mukha. "Totoo, walang sino man ang nararapat kay Chantal--"'Dahil akin lang siya.'Iyon ang isinisigaw ng isip ni Archie. "Pero bakit niyo hinayaan, 'Pa?""Iyong isang kaibigan ng Mama mo, nakiusap dahil 'yung tarant*do-- Well, hindi naman talaga siya gano'n, ang sabi pa nga ay matino naman na binata--" Saka umakto na parang nasusuka. "Ang sabi ay nagustuhan ng anak ng kaibigan ni Shiela si Chantal kaya gustong makipag-date."
TUMANGO-TANGO si Chantal sa hiling ng bata. Hindi niya gustong masira ang wish nito. “Hmm… Oo naman, magiging happy family tayo. Forever.” Pag-angat ng tingin kay Archie ay nakatitig din pala ito sa kanya.Ilang segundo silang ganoon hanggang siya na ang unang umiwas ng tingin. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na sila sa labas ng bahay.Si Shiela agad ang unang nakapansin sa kanila. “Kanina pa kita hindi nakikita, sa’n ka galing?” aniya habang nakahawak sa balikat nito. “Umiyak ka ba?”“Kasalanan ko, ‘Ma,” agap ni Archie.“Nag-away kayo?”“Wala lang po ‘yun, ‘Ma,” si Chantal ang nagsalita para hindi na lumalim ang usapan. “May fireworks po kayong hinanda?” pag-iiba niya pa ng topic.Tumango lang si Shiela at hindi na masiyadong inalam ang pinagtatalunan ng dalawang anak.Hindi nagtagal ay inaabangan na nila ang fireworks hanggang sa nagsimula na nga.Lahat ay nakatingala sa madilim na langit at pinagmamasdan ang makukulay na paputok. Napapahiyaw pa nga si Amber sa tuwa at pagkabigla sa sunod