MATAPOS makabawi si Alice sa pagkabigla ay nilapitan niya si Michael para humingi ng paumanhin sa nagawa ni Louie.“’Wag kang mag-alala at papalitan namin ang ano man nasira sa kotse mo,” ani Alice.Naihilamos na lamang ni Michael ang sariling mukha sa inis. Si Louie naman ay tumigil sa ginagawa matapos makontento at mayabang na napangisi kay Michael para inisin pa ito nang husto.Aamba naman si Michael ng suntok nang yakapin sa bewang ng kasama nitong babae para pigilan.Hinila naman kaagad ni Alice si Louie pasakay sa sasakyan. Bago sila tuluyang umalis ay muli siyang humingi ng paumanhin kay Michael.“Umalis na po tayo,” utos kaagad ni Alice sa driver sa takot na muling gumawa ng gulo si Louie.Habang nasa biyahe ay biglang natawa si Louie kaya napatingin si Alice at ang driver mula sa rearview mirror.“Tang*na, ang pangit ng babaeng kasama niya. Ang layo sa Zia ko.”Naubo si Alice saka umiling-iling. Iba talaga ang tama ng alak kay Louie.***MABILIS na lumipas ang mga araw. Nasa
MABUTI na lamang at may bukas pang Vet clinic at nadala kaagad ang tuta. Pagkatapos masuri ng doctor ay napag-alaman nilang may urinary problem ang kawawang alaga.“Kailangan niya munang manatili rito para matutukan ang kondisyon niya,” pahayag ng doctor.Wala naman problema sa kanila basta lang gumaling si Hara. Matapos makapagbayad ni Louie ay nagpaalam na sila sa tuta na matamlay pa rin.“Babalik din kami kaagad,” malungkot na wika ni Zia habang hinahaplos-haplos ang balahibo ng alaga.Nakaakbay si Louie ng mga sandali iyon. “Tara na, Zia. Sila na ang bahala sa kanya—” Saka binalingan ang doctor. “Ito nga pala ang calling card ko, Dok. In case na may mangyari ay pakitawagan na lamang ako.”Tumango naman ang doctor. Matapos ay saka sila tuluyang umalis sa lugar.“Hindi ko man lang napansin na may dinaramdam na pala siya. Akala ko’y gusto lang maglambing ‘yun pala’y…” hindi na naituloy ni Zia ang sasabihin dahil naluluha siya.“’Wag ka ng masiyadong mag-alala at sigurado namang gagal
NILINGON muli ni Lindsay ang nakatungong si Zia kaya hindi niya mabasa kung anong ekspresyon ang ipinapakita nito.“Pasensya na po, Mr. Martin pero masiyado po akong abala ngayon,” tanggi ni Lindsay sa pag-aaya nito.Nanliit ang mata ni Martin saka napa-ismid. “Bakit naman? ‘Wag mo sabihing may relasyon pa rin kayo ni Austin Lopez?”Nanlaki ang mata ni Lindsay, hindi inaasahang alam nito ang tungkol sa kanilang dalawa ni Austin.“Matagal na po kaming hiwalay.”“Kung ganoon naman pala’y walang masama kung makikipagmabutihan ka sa ibang lalake?” ani Martin. “Isang gabi lang naman, kung gusto mo’y sa Lopez hotel pa mismo tayo magpunta. Ipakita natin kay Austin na—!”Napasinghap si Lindsay, maging ang katabing table ay napalingon sa gawi nila nang bigla na lamang isinaboy ni Zia ang iniinom na kape sa pagmumukha ni Martin.“Pasalamat ka’t hindi na mainit ang iniinom ko,” ani Zia. “At anong tingin mo sa kaibigan ko, cheap na basta na lang sasama sa taong gaya mo?!”Naihilamos ni Martin ang
MULA sa labas ng coffee shop ay may nakaparadang sasakyan. Ang sakay ay nakatanaw sa masayang mukha ni Zia… na walang iba kundi si Louie.Kahit hiwalay na ay pinasusundan pa rin ito ni Louie para alamin kung anong pinagkakaabalahan ni Zia.Muntik pa nga siyang sumugod sa loob ng shop nang makitang may tumakbong lalake na sinundan ng isang babae. Buong akala niya ay may nangyayari ng hindi maganda kay Zia.Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang makitang kasama nito si Lindsay. Ilang sandali pa ay tuluyang lumabas ang dalawang magkaibigan saka pumara ng taxi. Kahit nakaalis na ay tulala pa rin si Louie kaya ang kasamang driver ay napatingin na mula sa rearview mirror. “Babalik na po ba tayo sa subdivision, Sir?”Napakurap si Louie mula sa malalim na pag-iisip. Sasagot na sana siya ng tumunog ang cellphone, tumatawag si Lucia.Hindi pa man niya sinasagot ang tawag ay tila pagod na siya. Malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago pindutin ang green button. “What it is, ‘M
MAKAILANG-BESES kumurap si Zia para lang masigurong hindi siya namamalik-mata.“L-Lindsay, ikaw na muna ang bahala rito’t sasalubungin ko lang si Lola,” ani Zia nang makumpirmang si Esmeralda nga ang nakikita ng mga mata. Lumabas siya ng gusali para salubungin ang matanda. “Anong ginagawa niyo rito, ‘La?” aniya sabay hawak sa braso nito upang alalayan palabas ng sasakyan.“Gusto kitang makausap, Zia.”“O, sige po. Sa loob tayo, ‘La,” aniya habang iniisip na baka alam na nito ang paghihiwalay nilang dalawa ni Louie. Ngunit wala siyang lakas ng loob magtanog at baka mali lang siya ng hinala?Pagpasok ng dalawang babae sa gusali ay lumayo naman si Lindsay matapos bumati kay Esmeralda ng ‘magandang araw’.Pinaupo ni Zia ang matanda sa matibay at malinis na upuan saka siya humarap. “Ano pong gusto niyong pag-usapan, ‘La?”Hindi muna sumagot si Esmeralda hangga’t hindi dumarating ang driver na kasama niya bitbit ang may kalahihang vintage jewelry box. Nakasunod ang tingin ni Zia kaya nagtat
KINABUKASAN ay nagtungo si Zia sa Rodriguez company para isauli ang jewelry box. May ibang empleyadong bumabati pa rin kahit na hindi na siya asawa ni Louie. Habang ang iba ay pinili na lamang tumingin. Pagbukas ng elevator ay direkta siyang napatingin kay Alice na nasa table. Lumingon naman ito sa gawi niya at napatayo sabay lapit. “Anong ginagawa niyo rito, Ma’am?” “Gusto ko lang sana ‘tong isauli,” ani Zia at inilabas sa dalang bag ang jewelry box. “Nasa meeting pa si Sir, kaya pwede niyong iwan ‘yan sa table niya.” “Okay, iiwan ko na lang doon.” Saka dumiretso si Zia sa office ni Louie at iniwan sa table nito ang jewelry box at sa drawer naman ang special key. Kaagad namang humarang si Alice pagkalabas ni Zia. “Hindi niyo po ba hihintayin si Sir?” “Hindi na, wala rin naman akong gustong sabihin sa kanya,” ani Zia saka tuluyang sumakay sa elevetor. Wala na ring nagawa si Alice at hinayaan itong umalis. Makalipas ang halos isang oras ay natapos na ang meeting ni Louie
BUNTONG-HININGA ang naging sagot ni Mia sa tanong ni Zia. At ilang sandali pa ay idinitalye ang nangyari, “Nagtanong ako kung bakit ganoon ang nangyari ngunit walang nakapagbigay sa’kin ng sagot o tamang sabihing ayaw nilang mangialam. Ang mas mabuti pa’y tanungin mo na lamang si Mr. Rodriguez at baka may nalalaman siya.” Pagkatapos ay binuhay ang makina ng sasakyan. “May mga bagay na hindi ko na saklaw na maaaring kaya niya kaya sa kanya ka lumapit, Zia,” payo ni Mia saka tuluyang nagmaneho paalis.Nanatili sa puwesto si Zia, hindi na gumalaw hanggang sa dumating ang kotse na maghahatid sa kanya pauwi.Ilang oras ang lumipas ay nakarating na rin sa bahay si Zia habang nakayakap sa brown envelop. Sa halip na pumasok sa loob ay natigilan lang siya sa labas ng pinto, hawak ang doorknob ngunit hindi naman magawang pihitin para buksan.Kaya nanatili siya sa labas ng bahay hanggang sa hindi na niya namalayan ang oras. Mayamaya pa ay napagdesisyonan na tawagan ang dating asawa.Sa kabilang
UMIWAS ng tingin si Zia at hindi sinunod ang demand ni Louie. Kaya ang isa nitong kamay ay humawak na sa kanyang pisngi para iharap.Pero agad kumawala si Zia saka pasinghal itong tinanong, “Ano bang ginagawa mo?! S*x ang habol mo sa’kin, ‘di ba? Bakit hindi pa natin gawin para hindi tayo nagsasayang ng oras dito?!”Nagtaas ng kilay si Louie at sa isang iglap ay tila gustong parusahan si Zia dahil sa pagtataray nito, pero agad ring nagbago ang isip. At niyakap habang nakasubsob ang mukha sa dibdib nito. Mas gusto niyang ganito kaysa gumawa ng isang ‘bagay’ na alam niyang hindi bukal sa puso nito at napipilitan lang.“Ano ba, Louie!” reklamo ni Zia saka nagpumiglas ngunit sadyang mahigpit ang kapit nito.“Madaling araw na, gusto mo bang dito na matulog?”“Ayoko, uuwi ako,” ani Zia saka kumawala sa yakap nito na nagawa naman niya.“Okay, magbihis ka na at ihahatid kita.” Hawak ang bewang ni Zia ay inalalayan niya itong tumayo mula sa pagkakaupo sa kanyang hita.“Ipahatid mo na lang ako
TUMANGO-TANGO si Chris pero hindi naman inaalis ang tingin hanggang sa muling isara ang pinto.Nagpakawala naman ng buntong-hininga si Shiela na marahan niya pang ginawa. Matapos ay tinapik-tapik ang pisngi para magising sa katotohanan, ipaalala sa sarili na hindi dapat siya nakakaramdam ng ganoon.Sa dami ng nangyari at pinagdaanan niya ay hindi pa rin ba siya natututo?Para siyang bumabalik sa nakaraan kung saan ay mahal niya pa si Chris."Tama na, Shiela. Tigilan na natin 'to," saway niya pa sa sarili saka naghanap na lamang ng damit na magagamit ni Chris.Ilang minuto ang lumipas ay muling nagbukas ang pinto ng banyo at sumilip ito mula sa loob."Nakahanap ka na ng damit?" ani Chris."Sweat pants lang ang meron ako pero wala akong mahanap na t-shirt.""Okay na 'yan at pahiram na lang ako ng towel na ipantatakip sa sarili," ani Chris.Tumango naman si Shiela, kumuha ng panibagong towel saka lumapit upang iabot ang kailangan nito.Matapos ng ilang sandali ay tuluyan nang lumabas si
HINAYAAN ni Shiela na yakapin siya ni Chris. Ngunit nang may dumaan na motor ay mabilis pa siya sa alas-kuwatro na kumawala."Kailangan ko nang pumasok sa loob para makapagpahinga na," aniya.Humakbang naman si Chris at akma pang susunod nang lingunin niya. "Sorry pero, hindi ko gustong tumanggap ng kahit sinong bisita ngayon. Bumalik ka na lang sa Manila.""Pero, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"Napabuntong-hininga si Shiela. "Matagal ko nang tanggap na darating ang panahon na matutuon sa iba ang atensyon ni Archie. Na balang-araw ay maga-asawa ka ulit at magkakaroon siya ng step-mom."Seryosong nakatitig si Chris, hindi maproseso ng utak ang sinasabi nito. Hindi niya matanggap na susukuan na lamang ni Shiela ang lahat. "Naririnig mo bang sinasabi mo? Gusto mong mag-asawa ako't magkaroon ng ibang Ina si Archie?!""Anong masama ro'n? Basta maaalagaan nang maayos ang anak ko ay walang problema--""Shiela!" biglang taas ng boses ni Chris. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa iba, dahil
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d