INAMOY-AMOY ni Louie ang leeg ng asawa. Gustong-gusto niya ang natural nitong bango maging ang ekspresyon sa tuwing tinitingnan niya.
Kahit wala siyang nararamdaman para kay Zia ay hindi niya maiwasang makalimot dahil sa ganda nitong taglay. Maliban doon ay asawa niya ito kaya may karapatan siyang angkinin ang kung ano mang pag-aari niya. Hinubaran niya ito at walang tinira kahit na anong saplot sa katawan. Matapos ay isinunod niya ang sariling damit saka muli itong hinalikan. Pinaliguan niya ng halik sa katawan si Zia. Ang kinakapos nitong hininga ay parang musika sa pandinig ni Louie. Kaya mas lalo siyang nasasabik. Kung kanina ay itinutulak-tulak pa siya… ngayon naman ay nakayapa na sa kanyang batok. “Louie… hindi ‘ko pa naiinom ang contraceptive pills. Kung ipagpapatuloy natin ‘to ay paniguradong mabubuntis ako,” bulong ni Zia. Agad naman siyang natauhan. Kahit gaano pa siya kasabik ay hinding-hindi niya gugustuhing mabuntis si Zia. Wala sa plano niya ang magkaanak dito. "Mukhang marami ka atang pinagkakaabalahan ngayon na maging sa pag-inom ng pills ay hindi mo pa magawa,” ani Louie saka umalis sa kama para kunin ang isang maliit na box sa drawer. Kumuha siya ng isang prophylactic at nang isusuot na niya ay eksaktong tumunog ang cellphone. Pero walang pakialam si Louie at pinagpatuloy ang ginagawa. Nang matapos ay muling pumuwesto sa ibabaw ni Zia para lang muling magambala ng pagtunong ng cellphone. Dito ay tuluyan na niyang sinagot ang tawag, “Hello, ‘Mmy?” aniya sa Ina na si Lucia. “Louie, masama ang pakiramdam ni Mama,” tukoy nito sa Lola niyang si Esmeralda. “Bumisita ka naman para makita siya at isama mo na rin ang asawa mo. Gusto ni Mama na matikman muli ‘yung b-in-ake na cookies ni Zia.” Napatingin siya sa asawa nang akma itong babangon kaya agad niyang pinigilan at pinahigang muli sa kama. “Sige po, magpupunta kami riyan.” Matapos ang tawag ay muli niyang binalingan si Zia. “Masama raw ang pakiramdam ni Lola at gusto kang makita. Kaya magbihis ka na’t aalis agad tayo. At ayokong mapansin nilang may mali sa’ting dalawa kaya umayos ka,” babala pa niya. Mabilisang pagbibihis ang ginawa ni Louie. Matapos ay lumabas ng kwarto at iniwan si Zia sa loob. Sa kotse na siya naghintay habang naninigarilyo. Ilang sandali pa ay dumating ito suot ang isang white silk dress. Ang ganda nito sa suot na damit na mas lalong pinaganda sa pagtama ng sikat ng araw na malapit nang lumubog. Tila kumikinang ito sa paningin niya. Naglakad ito palapit at akmang sa likod ng sasakyan uupo kaya sinita niya, “Dito ka sa tabi ko. Pinagmumukha mo ‘kong driver,” ani Louie. Pagsakay ni Zia sa passenger-seat ay pinaharurot niya paalis ang kotse. Tahimik lang silang dalawa kahit panaka-naka siyang lumilingon sa gawi nito. Nakapaling naman ang tingin ni Zia sa labas ng kotse. Sa apat na taong pagsasama ay bihira lang itong nakasakay sa kotse ni Louie kaya hindi maiwasang mapaisip. Kung kailan nais makipaghiwalay ni Zia ay saka naman tila bumabait ang pakikitungo ni Louie. *** KALAHATING ORAS ang biniyahe nila makarating lang sa mansion ng pamilya Rodriguez. Bago lumabas ng kotse si Zia ay muli siyang pinaalalahanan ni Louie, “Tandaan mong hindi maganda ang kondisyon ni Lola kaya hangga’t maaari ay umakto ka lang ng natural.” At saka hinawakan ang kamay niya upang magmukha silang malambing sa isa’t isa. Pagpasok sa loob ay inabangan sila ni Lucia na agad napalis ang ngiti nang makita ang magkahawak nilang kamay. “Kaaalis lang ng Doctor kaya pwede na kayong tumuloy sa kwarto ni Mama,” anito saka tiningnan si Zia. Agad naman siyang nagbigay galang pero tumango lang ito. Hindi na bago kay Zia ang ganitong pangyayari. Masakit man pero nasanay na siya sa malamig na pagtrato ni Lucia. Nagtungo sila sa kwarto ni Esmeralda at naabutan itong nakahiga sa kama, halatang hindi maganda ang pakiramdam. Ngunit nang makita si Zia ay agad umaliwalas ang mukha at saka ngumiti. “Mabuti naman at nandito na kayo.” Bahagya siyang hinila ni Louie para makalapit kay Esmeralda. “Nabalitaan ko pong masama ang pakiramdam niyo, ‘La,” saad nito. “Ganito talaga kapag matanda na… kaya nga bago ko lisanin ang munod ay isa na lang ang mahihiling ko. Ang magkaanak kayo ni Zia.” Nagkatinginan ang dalawa at parehong walang masabi. Ilang sandali pa ay nagpasiya si Zia na umpisahan na ang pag-bake ng cookies. Nang makaalis ay saka naman pumasok si Lucia at hinila si Louie palabas sa kwarto para kausapin. “Ano ‘yung kumakalat na balita tungkol sa inyo ni Bea? Hindi ba nagselos si Zia? Inaalala kong baka may gawin siyang hindi maganda na ikasisira ng reputasyon mo.” Nagpaliwanag naman si Louie ngunit hindi na masiyadong idinetalye ang lahat. Ilang minuto pa ang lumipas nang matapos si Zia sa bini-bake at bumalik sa kwarto. Nagustuhan nang husto ni Esmeralda ang cookies. “Louie, apo. Magte-trenta ka na sa susunod na taon. Kailan mo ba ako mabibigyan ng apo sa tuhod?” Napaiwas naman ito ng tingin sabay dampot ng cookies ngunit hindi naman ito kumain. “Pinagpaplanuhan pa lang namin, ‘La. Saka, hindi pa handa si Zia na magkaanak.” Napatingin siya rito. Nagtataka kung bakit sa kanya isinisisi ang hindi pagkakaroon ng anak? Nang balingan siya ni Esmeralda ay hindi niya kinaya ang titig nito at napaiwas na lamang ng tingin. *** DOON na sila sa mansion naghapunan at nagpasiyang umuwi nang masiyado nang lumalalim ang gabi. Habang nagmamaneho si Louie ay hindi niya maiwasang panaka-nakang mapasulyap kay Zia. Bumubuwelo siyang kausapin ito, “Naisaayos ko na nga pala ang paglipat ni Papa sa Rodriguez hospital. Doon ay mas matututukan siya ng mga magagaling na doctor. At kung kailangan mo ng pera ay dumiretso ka na sa'kin,” saad ni Louie sa mahinahong tono upang hindi lumala ang sitwasyon. Hindi man niya mahal ang asawa ay ayaw naman niya itong mawala. Dahil siguradong maaapektuhan ang reputasyon niya. Malaking kawalan din sa kanya kahit papaano kapag tuluyang nawala si Zia. Sa taglay nitong ganda at alindog ay marami ang naiinggit sa kanyang kalalakihan noon hanggang ngayon. Maganda sa paningin si Zia… magandang pang-display. “Pansamantalang wala si Alice kaya kung may kailangan ka’y magsabi ka lang,” patuloy pa niya. Ngunit nanatiling tahimik si Zia. Hindi naman kasi iyon ang gusto nitong marinig mula sa kanya. Ang gusto nito ay ang magpaliwanag siya tungkol sa kanilang dalawa ni Bea. Pero hindi na ito nagtanong dahil paniguradong lalala lang ang sitwasyon. “Hindi na kailangang ilipat si Papa. Mabait at magaling ang doctor sa ospital kaya ‘wag ka ng mag-abala pa.” “Talaga bang magmamatigas ka pa rin, Zia? Baka gusto mo na walang makuha sa’kin kahit singkong-duling kapag nakipaghiwalay ka,” babala niya. “Alam ko at wala akong pakialam!” matapang nitong saad. Nabigla si Louie nang magtaas ito ng boses kaya nairita siya at binilisan ang pagpapatakbo sa kotse. Nang makarating sa bahay at mai-park sa garahe ang sasakyan ay awtomatiko niyang ni-lock ang pinto para hindi ito agad makalabas.PININDOT ni Zia ang button para sa bintana ng kotse. Ramdam niya ang bigat ng atmosphere habang nasa loob ng sasakyan kaya kailangan niya ng hangin. Habang si Louie naman ay mahigpit ang hawak sa manibela. Napapahilot pa nga sa noo dahil sa iritasyon. “Hanggang kailan ka ba magmamatigas?” anito. Pakiramdam kasi ni Louie na nagpapapansin na lang siya. “Hanggang sa ibigay mo na ang gusto ko. Ayoko nang makasama ka,” ani Zia. Napatiim-bagang si Louie at tumagal ang titig sa kanya. At kahit naiirita sa asawa ay naaapektuhan pa rin si Zia dahil ilang taon niyang kinahumalingan ito. Sa puntong nao-obsess siya ngunit kung ikukumpara ang noon at ngayon ay tila hindi na ganoon katindi ang nararamdaman niya para rito. Sa narinig ay dumilim pang lalo ang ekspresyon ni Louie. “Baba sa kotse… bumaba ka na!” hiyaw nito nang alisin ang automatic lock sa pinto. Kinabahan si Zia at ilang sandali pa ay lumabas ng kotse para pumasok sa bahay. Naiwan sa sasakyan si Louie na nakuha pang manigarilyo
NAPADAING si Zia at pilit itong itinutulak. “Ano ba, nasa ospital tayo!” “Wala akong pakialam,” saad ni Louie na patuloy pa rin siyang iniipit sa pader at nakuha pang ilapit ang mukha. “Kilala mo ba kung sino ‘yun?” anito. Nang una ay hindi maintindihan ni Zia kung bakit ito nagkakaganito ngunit tuluyan na rin niyang naunawaan na dahil pala sa doctor. “Louie, sa dinami-rami ng kinakaharap kong problema ngayon… iniisip mo pang lalandi ako sa iba? At kung gagawin ko man iyon, sisiguraduhin ko munang tapos na tayo,” matapos iyong sabihin ay tinulak niya nang ubod lakas si Louie para bumalik sa kwarto. Ngunit sumunod pa rin ito at natigilan nang makita na may ibang tao sa loob ng kwarto. Napatayo agad si Maricar nang makita si Louie at nag-alok pa ng mauupuan. “Maupo ka muna. Zia, anak, ipagbalat mo ng prutas ang asawa mo. Pagkatapos ay sabay na kayong umuwi na dalawa at ako nang bahala sa Papa mong magbantay,” saad pa nito. Naupo naman si Louie at nakipag-usap kay Arturo. Malamig man
ILANG ARAW ang lumipas ng ibenta ni Zia ang kanilang bahay, ang Cruz mansion.Tinatayang nasa mahigit forty-million ang halaga ng naturang bahay ngunit nakipag-negotiate ang buyer para mapababa ang presyo.Siyempre hindi pumayag si Maricar. Ngunit dahil kailangan na kailangan ni Zia ng malaking halaga ay napilitan siyang tanggapin na lamang ang nais ng buyer.Naibenta ang bahay sa halagang twenty-five million.Tutol man ay hindi na kumontra si Maricar dahil una sa lahat ay karapatan iyon ni Zia bilang anak. May kapatid itong nasa kulungan na hindi maaaring pabayaan na lamang.Pagkatapos ng transaksyon ay agad namang binigay ang perang pinagkasunduan.Nang magkaroon ng pagkakataon ay nagtungo si Zia sa kulungan upang dalawin si Chris. Sa non-visiting booth siya dinala kahit gusto niyang mahawakan at mayakap ang kapatid.Muntik pa nga siyang maiyak nang makita si Chris. Ang laki ng ipinagbago sa itsura at pangangatawan nito. Nang ngumiti ito ay agad napawi ang lungkot na nararamdaman niy
HINDI LANG basta nabastos kundi nakaramdam din ng pandidiri si Zia. Bukod sa natanggal ang butones ng damit ay napunit din ang laylayan dahil sa pagpupumiglas.Ngunit si Louie ay hindi man lang makikitaan ng kahit katiting na pagsisisi.Nanginginig si Zia sa galit. “W-Wala kang kuwentang tao, napakahay*p mo!” aniya saka tuluyang umalis.Nanatiling nakasunod ang tingin ni Louie mula sa glass window ng opisina habang nakangisi. Iiling-iling pa nga niyang inayos ang kurbata bago naupo sa swivel chair.Dahil hindi magtatagal ay matatauhan rin Zia. Nagmamatapang lang ito ngayon pero alam niyang hindi nito kayang mawala siya.***SAMANTALANG kahit nakalabas na sa building ay nanginginig pa rin si Zia sa sobrang kaba.Ramdam pa rin niya sa balat ang pambabastos sa kanya ni Louie. Paulit-ulit ding sumasagi sa isip niya ang sinabi nitong bumalik na siya at kakalimutan nito ang lahat. Lalong-lalo na ang galit nito sa kanya at sa pamilya niya.Nakakapanghina ang nangyari kaya hindi na muna siya u
NABIGLA man ngunit inasahan na rin ni Zia na malalaman ng kanyang biyenan ang totoo.Kilala siya ng karamihan sa alta-siyudad kaya hindi kataka-taka na makarating ang balita kay Lucia na tumutugtog siya sa restaurant, club, party at kung saan-saan pa na kailangan ng kanyang serbisyo.Nang araw na iyon habang nasa isang mall at tumutugtog ay napansin niya si Lucia sa kumpol ng mga taong nanunuod. Hindi man mababakasan ng kahit anong ekspresyon sa mukha ay pansin pa rin ni Zia ang kakaibang tingin nito sa suot niyang mumurahing damit.Nang matapos siyang tumugtog ay lumapit si Lucia. “Kung hindi ka na busy ay sumunod ka sa’kin,” anito.At iyon naman ang ginawa ni Zia. Sinundan niya ito sa malapit na coffee shop matapos na sandaling magpaalam sa kasamahang musician.Nang makuha ang order ay saka lang siya kinausap ni Lucia, “Alam kong magaling ka sa violin, ngunit hindi ko akalaing may talent ka rin pala sa pagtugtog ng piano.”“Substitute lang po ako ngayong araw dahil hindi makakasipot
NAKAUWI naman si Zia nang makahanap ng masasakyan. Bumaba siya sa may kanto at naglakad kung saan ay tanaw na niya si Maricar na may hawak na payong at inaabangan siya.“Bakit po kayo nandito, ‘Ma?”“Umuwi muna ako para makapagpahinga, Zia. Tara sa loob at basa ka.”Pumasok sila sa apartment at agad kumuha si Maricar ng towel para tulungan siyang tuyuin ang basang buhok.“Nahirapan ka bang makasakay ng bus? Nag-taxi ka sana, Zia.""Wala ring taxi sa daan, ‘Ma,” palusot niya na lang.“Mas mabuti pa’y maligo ka na lang at may sabaw pa sa kusina, ipaghahain kita.”“Nilalamig ako, ‘Ma. Gusto ko munang humigop ng mainit-init na sabaw,” ani Zia.Umalis naman si Maricar upang kumuha ng pagkain. Pagbalik ay napatanong, “Zia, kamusta na pala ang tungkol sa inyong dalawa ni Louie. Nagkausap na ba kayo ulit?”Naibaba ni Zia ang hawak na mangkok saka napabungtong-hininga. “Ayaw niya pa ring makipaghiwalay. Saka, wala pa rin akong nahahanap na lawyer para sa divorce namin. Pero ‘wag kayong mag-alal
SA APAT NA TAON nilang pagsasama ay kabisado na ni Louie kung sa paanong paraan hahawakan si Zia. Kung saan ang kiliti nito upang tuluyang bumigay sa kanya.Naging mas mapangahas pa nga si Louie nang magpatay sindi ang ilaw sa labas ng apartment. Marahan at puno ng init ang bawat haplos niya sa hita ni Zia habang ang isang kamay ay minamasahe ang malulusog nitong dibdib.Nanghina ang tuhod ni Zia at tuluyang napasandal sa katawan ni Louie. Sa malalim at tahimik na gabi ay maririnig ang kinakapos niyang hininga na kahit anong kagat niya sa ibabang labi ay kusa pa ring kumakawala ang ungol.At nang humaplos ang kamay ni Louie sa undergarments ni Zia ay tila natauhan naman ito.“T-Tama na!” Ngunit masiyadong mahina si Zia para itulak ito. Kaya mas idiniin pa siya ni Louie sa pader.Kilabot ang naramdaman ni Zia nang dumampi ang labi nito sa kanyang tenga. “Umamin ka nga. Ipinagpalit mo na ba ang doctor na ‘yun sa’kin?” ani Louie.Na
HABANG naglalakad pabalik sa apartment ay hindi maiwasang manginig ng tuhod ni Zia. Sandali siyang tumigil at kinalma ang sarili hanggang sa muling nagpatuloy pauwi. Hindi pa umaalis ang kotse ni Louie at ayaw niyang mapansin nitong kabado siya. Kinikilabutan man dahil sa haplos nitong nanunuot pa rin sa kanyang balat ay nagpakatatag si Zia. Nang makarating sa pinto ay sakto namang may tumawag sa kanyang pangalan. Paglingunin ay nabigla siya nang makita ang kaibigan, si Lindsay. “P-Pa’no mo nalaman ang lugar na ‘to?” ani Zia. “Nagpunta ako sa ospital at nakausap si tita Maricar. Sinabi niya ‘tong address sa apartment.” Tumango-tango si Zia at binuksan ang pinto. Ngunit bago pumasok ay tinanaw niya muna kung naroon pa ba ang kotse ni Louie. Nakahinga siya nang wala na sa puwesto ang sasakyan. “Dumiretso kaagad ako sa ospital pagkagaling ko sa airport. May makakain ka ba riyan, gutom na kasi ako,” ani Lindsay saka sumunod dala ang luggage. Nang tuluyang makapasok ay natigilan si L
SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i
BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy
SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p
SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang
BAGO pa makapag-react si Archie ay may dumaan na babaeng customer patungo sa restroom. Kaya nagpigil siya, mariin kinuyom ang kamay. Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nagawa pa rin huminahon. "Sa bahay na natin 'to pag-usapan." Pagkatapos ay nauna nang umalis.Si Chantal naman ay pumasok sa restroom, naghugas ng kamay kahit hindi naman kailangan. Wala lang, gusto lang niyang mapag-isa kahit sandali."Ayos ka lang?" tanong ng babae kanina na dumaan.Tiningnan ito ni Chantal saka malungkot na nginitian, hindi alintana na naluluha siya ng sandaling iyon."Magkakaayos din kayo ng boyfriend mo," patuloy pa ng babae."Salamat." Pagkatapos ay umalis na siya. Pagbalik sa table ay ang malawak na ngiti agad ni Edward ang sumalubong."Ayos ka lang ba?"Natigilan si Chantal dahil pangalawang beses ng may nagtanong sa kanya, ibig sabihin ay mahahalata talaga sa mukha niya na hindi siya totally fine.Pagkatapos ay nilingon niya ang table kung saan nakaupo ang Ina saka si Archie, na masama ang
NABIGLA at napakunot-noo pa si Chris habang nakatingin sa anak. Nagtataka kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito. "Ba't parang gulat na gulat ka?"Kumurap-kurap ang mata si Archie, biglang natauhan. "W-Wala lang po, nabigla lang. Ito ang unang beses na ginawa niyo 'to. Masiyado pa naman kayong over-protective kay Chantal."Naging relax ang ekspresyon ni Chris sa sinabi ng anak. "Well, ayoko rin sa ideya na 'to. Para sa'kin ay walang sinong lalake ang nababagay para sa anak ko."Napalunok ng laway si Archie sa narinig ngunit pinanatiling walang reaksyon ang mukha. "Totoo, walang sino man ang nararapat kay Chantal--"'Dahil akin lang siya.'Iyon ang isinisigaw ng isip ni Archie. "Pero bakit niyo hinayaan, 'Pa?""Iyong isang kaibigan ng Mama mo, nakiusap dahil 'yung tarant*do-- Well, hindi naman talaga siya gano'n, ang sabi pa nga ay matino naman na binata--" Saka umakto na parang nasusuka. "Ang sabi ay nagustuhan ng anak ng kaibigan ni Shiela si Chantal kaya gustong makipag-date."
TUMANGO-TANGO si Chantal sa hiling ng bata. Hindi niya gustong masira ang wish nito. “Hmm… Oo naman, magiging happy family tayo. Forever.” Pag-angat ng tingin kay Archie ay nakatitig din pala ito sa kanya.Ilang segundo silang ganoon hanggang siya na ang unang umiwas ng tingin. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na sila sa labas ng bahay.Si Shiela agad ang unang nakapansin sa kanila. “Kanina pa kita hindi nakikita, sa’n ka galing?” aniya habang nakahawak sa balikat nito. “Umiyak ka ba?”“Kasalanan ko, ‘Ma,” agap ni Archie.“Nag-away kayo?”“Wala lang po ‘yun, ‘Ma,” si Chantal ang nagsalita para hindi na lumalim ang usapan. “May fireworks po kayong hinanda?” pag-iiba niya pa ng topic.Tumango lang si Shiela at hindi na masiyadong inalam ang pinagtatalunan ng dalawang anak.Hindi nagtagal ay inaabangan na nila ang fireworks hanggang sa nagsimula na nga.Lahat ay nakatingala sa madilim na langit at pinagmamasdan ang makukulay na paputok. Napapahiyaw pa nga si Amber sa tuwa at pagkabigla sa sunod