NAPADAING si Zia at pilit itong itinutulak. “Ano ba, nasa ospital tayo!”
“Wala akong pakialam,” saad ni Louie na patuloy pa rin siyang iniipit sa pader at nakuha pang ilapit ang mukha. “Kilala mo ba kung sino ‘yun?” anito. Nang una ay hindi maintindihan ni Zia kung bakit ito nagkakaganito ngunit tuluyan na rin niyang naunawaan na dahil pala sa doctor. “Louie, sa dinami-rami ng kinakaharap kong problema ngayon… iniisip mo pang lalandi ako sa iba? At kung gagawin ko man iyon, sisiguraduhin ko munang tapos na tayo,” matapos iyong sabihin ay tinulak niya nang ubod lakas si Louie para bumalik sa kwarto. Ngunit sumunod pa rin ito at natigilan nang makita na may ibang tao sa loob ng kwarto. Napatayo agad si Maricar nang makita si Louie at nag-alok pa ng mauupuan. “Maupo ka muna. Zia, anak, ipagbalat mo ng prutas ang asawa mo. Pagkatapos ay sabay na kayong umuwi na dalawa at ako nang bahala sa Papa mong magbantay,” saad pa nito. Naupo naman si Louie at nakipag-usap kay Arturo. Malamig man ang pakikitungo kay Zia ay malaki ang respeto nito sa biyenan. Dahil ilang taon ding nasa negosyo si Arturo. Kapwa negosyante lang ang nagkakaintindihan kaya gustong-gusto ni Arturo ang manugang. Ngunit nang banggitin ni Louie ang planong ilipat ang biyenan sa ibang ospital ay tumanggi ito, “’Wag mo na akong alalahanin. Mababait at magagaling ang mga doctor rito,” saad ni Arturo. Hindi naman nagpumilit si Louie at ngumiti na lamang. “Kung sabagay po, nasanay na kayo rito kaya mahirap nang mag-adjust sa iba.” Nang mga sandaling iyon ay tapos nang magbalat ng mansanas si Zia sabay bigay ng platito kay Louie. Tinanggap naman nito ngunit hindi kumain. At ilang sandali pa ay nagpaalam, “Salamat pero kailangan ko na pong umalis. Isasama ko na rin po sa pag-uwi si Zia. Magpagaling po kayo nang husto, Pa.” Tumango naman si Arturo at ilang sandali pa ay tuluyan nang umalis ang dalawa. Nag-umpisa namang magligpit si Maricar nang magtanong si Arturo, “Nag-away ba sila?” Natigilan si Maricar at awkward na ngumiti. “H-Hindi, maayos silang dalawa.” “’Wag ka nang magsinungaling. Sa paraan pa lang ng pagtingin ni Zia ay alam ko na. Hindi siya gano'n tumingin dati kay Louie.” Humarap si Maricar na malungkot. “Arturo, pakiusapan mo naman ang anak mo. Gusto niyang makipaghiwalay kay Louie.” Nabigla naman ito ngunit kalaunan ay napabuntong-hininga. “Hindi ko siya mapipilit sa gusto niya. Ang mas mabuti pa’y kalimutan na lang nating nalaman ko ang totoo, kaya 'wag mong sasabihin ‘to kay Zia. Nasa kulungan si Chris at ayokong pati siya ay makulong sa isang relasyong hindi na siya masaya." Nais pa sanang umapela ni Maricar ngunit pinili na lamang manahimik at ipinagpatuloy ang pagliligpit. *** DINALA si Zia sa parking lot. At kahit ayaw niyang sumakay sa kotse ay pinilit siya ni Louie. Wala siyang magawa dahil hawak nito ang kamay niya. Kahit kalmado ang ekspresyon ay alam ni Zia na nagtitimpi na lamang ito. Kapag gumagamit siya ng lakas ay mas dinodoble lang ni Louie ang puwersa kaya sumuko na rin siya. Hanggang sa kusa siyang binitawan para manigarilyo. Hindi gusto ni Zia ang amoy ngunit kailangan niyang magtiis. Napalingon naman si Louie na kunot pa rin ang noo. Hindi maintindihan kung bakit naiirita kahit wala naman dapat pakialam kung ano ang gawin ni Zia. O, marahil ay ayaw lang ni Louie na may magbago dahil malaking kasiraan din sa reputasyon kung mawawala si Zia. Matapos maupos ang sigarilyo ay nilabas nito sa bulsa ang isang maliit na box at binuksan sa harapan niya. Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Zia nang makita ang wedding ring. Hindi akalaing mahahanap at maibabalik ito ni Louie. “Akin ng kamay mo’t isuot ‘tong singsing,” utos nito. “Pagkatapos ay kakalimutan ko ang mga nangyari.” Pero umiling si Zia at pilit itinatago ang kaliwang kamay. Nainis naman si Louie. “Ano ba talagang gusto mo, Zia?!” “Makipaghiwalay. Gusto ko ng divorce,” sagot niya. Pagod na napasandal sa kinauupuan si Louie dahil sa pagmamatigas niya. Lalo pa nang ayaw sumamang umuwi. Hanggang sa mahagip ng paningin si Patrick na naglalakad sa hindi kalayuan kasama ang isang nurse. Napatiim-bagang si Louie sa inis at eksakto pang tumunog ang cellphone. “Anong problema, Alice?!” Ito ang nabalingan ng inis. “Sir, nahulog po sa hagdan si Miss Bea at masama ang lagay niya, hinahanap kayo. Makakapunta po ba kayo sa Batangas ngayon?” anito. Hindi agad nakasagot si Louie. Malakas ang volume ng cellphone kaya paniguradong narinig ng asawa ang lahat. Ilang sandali pa ay mapait na napangiti si Zia at lumabas sa sasakyan. Agad niyang naramdaman ang lamig ng hangin ngunit wala siyang pakialam. May parte sa kanyang umasa na magkakaayos pa sila… pero hanggang doon na lang pala iyon. Hindi na ito magbabago pa. Nanatili naman sa kotse si Louie at patuloy na kausap si Alice, “Humanap ka ng magaling na doctor para kay Bea.” “Hindi po ba kayo magpupunta?” tanong muli mula sa kabilang linya. Sa halip na sumagot ay binabaan lang ito ni Louie saka d-in-ail ang numero ng asawa ngunit hindi kumukonekta ang tawag. Sa inis ay naihagis ni Louie ang cellphone sabay dampot sa wedding ring na nahulog. Naniniwalang determinado talaga si Zia na makipaghiwalay. *** ILANG ARAW ang lumipas, sa opisina ni Louie ay kasalukuyan niyang kausap ang Ina sa cellphone. Muli na naman kasing hinahanap ni Esmeralda si Zia. Namimiss daw ito ng matanda. Kaya pinakiusapan niya ang Ina na magdahilan muna. Hanggang sa magkakasunod na katok sa pinto ang nagpatigil sa kanya. Si Alice ang pumasok na may dalang dokumento. “May pina-deliver po si Ma’am Zia sa inyo, Sir.” Pagkaalis ng secretary ay saka niya tiningnan ang nilalaman. Divorce papers. Binasa niya ang nakasulat. Walang nais makuha si Zia mula sa kanya sa oras na maghiwalay sila. Talagang pinapahirapan nito ang sariling buhay. Hanggang sa muling bumalik si Alice upang ibalita na, “Ibinibenta ni Ma'am Zia ang mansion nila at marami na ang gustong bumili! Nabalitaan ko rin pong may gustong kumuha sa kanya para magtrabaho at malaki ang offer na matatanggap.” Pabagsak namang naupo si Louie at pinakatitigan nang matagal ang divorce papers. “Tawagan mo isa-isa ang mga gustong bumili para mapigilan. Wala akong pakialam kung anong klaseng pagbabanta ang gawin mo. Pagkatapos ay bilhin ang mansion sa pinakamababang halaga,” utos niya saka napangisi. “Tingnan lang natin kung kayanin niya ang hirap ng wala ako.” Natigilan naman si Alice. Hindi nito inaasahan na hindi hahayaan ni Louie na basta na lamang makawala ang asawa. “Ano pang ginagawa mo? Kumilos ka na!” hiyaw ni Louie. Nagmamadali namang lumabas si Alice habang may tinatawagan sa cellphone…ILANG ARAW ang lumipas ng ibenta ni Zia ang kanilang bahay, ang Cruz mansion.Tinatayang nasa mahigit forty-million ang halaga ng naturang bahay ngunit nakipag-negotiate ang buyer para mapababa ang presyo.Siyempre hindi pumayag si Maricar. Ngunit dahil kailangan na kailangan ni Zia ng malaking halaga ay napilitan siyang tanggapin na lamang ang nais ng buyer.Naibenta ang bahay sa halagang twenty-five million.Tutol man ay hindi na kumontra si Maricar dahil una sa lahat ay karapatan iyon ni Zia bilang anak. May kapatid itong nasa kulungan na hindi maaaring pabayaan na lamang.Pagkatapos ng transaksyon ay agad namang binigay ang perang pinagkasunduan.Nang magkaroon ng pagkakataon ay nagtungo si Zia sa kulungan upang dalawin si Chris. Sa non-visiting booth siya dinala kahit gusto niyang mahawakan at mayakap ang kapatid.Muntik pa nga siyang maiyak nang makita si Chris. Ang laki ng ipinagbago sa itsura at pangangatawan nito. Nang ngumiti ito ay agad napawi ang lungkot na nararamdaman niy
HINDI LANG basta nabastos kundi nakaramdam din ng pandidiri si Zia. Bukod sa natanggal ang butones ng damit ay napunit din ang laylayan dahil sa pagpupumiglas.Ngunit si Louie ay hindi man lang makikitaan ng kahit katiting na pagsisisi.Nanginginig si Zia sa galit. “W-Wala kang kuwentang tao, napakahay*p mo!” aniya saka tuluyang umalis.Nanatiling nakasunod ang tingin ni Louie mula sa glass window ng opisina habang nakangisi. Iiling-iling pa nga niyang inayos ang kurbata bago naupo sa swivel chair.Dahil hindi magtatagal ay matatauhan rin Zia. Nagmamatapang lang ito ngayon pero alam niyang hindi nito kayang mawala siya.***SAMANTALANG kahit nakalabas na sa building ay nanginginig pa rin si Zia sa sobrang kaba.Ramdam pa rin niya sa balat ang pambabastos sa kanya ni Louie. Paulit-ulit ding sumasagi sa isip niya ang sinabi nitong bumalik na siya at kakalimutan nito ang lahat. Lalong-lalo na ang galit nito sa kanya at sa pamilya niya.Nakakapanghina ang nangyari kaya hindi na muna siya u
NABIGLA man ngunit inasahan na rin ni Zia na malalaman ng kanyang biyenan ang totoo.Kilala siya ng karamihan sa alta-siyudad kaya hindi kataka-taka na makarating ang balita kay Lucia na tumutugtog siya sa restaurant, club, party at kung saan-saan pa na kailangan ng kanyang serbisyo.Nang araw na iyon habang nasa isang mall at tumutugtog ay napansin niya si Lucia sa kumpol ng mga taong nanunuod. Hindi man mababakasan ng kahit anong ekspresyon sa mukha ay pansin pa rin ni Zia ang kakaibang tingin nito sa suot niyang mumurahing damit.Nang matapos siyang tumugtog ay lumapit si Lucia. “Kung hindi ka na busy ay sumunod ka sa’kin,” anito.At iyon naman ang ginawa ni Zia. Sinundan niya ito sa malapit na coffee shop matapos na sandaling magpaalam sa kasamahang musician.Nang makuha ang order ay saka lang siya kinausap ni Lucia, “Alam kong magaling ka sa violin, ngunit hindi ko akalaing may talent ka rin pala sa pagtugtog ng piano.”“Substitute lang po ako ngayong araw dahil hindi makakasipot
NAKAUWI naman si Zia nang makahanap ng masasakyan. Bumaba siya sa may kanto at naglakad kung saan ay tanaw na niya si Maricar na may hawak na payong at inaabangan siya.“Bakit po kayo nandito, ‘Ma?”“Umuwi muna ako para makapagpahinga, Zia. Tara sa loob at basa ka.”Pumasok sila sa apartment at agad kumuha si Maricar ng towel para tulungan siyang tuyuin ang basang buhok.“Nahirapan ka bang makasakay ng bus? Nag-taxi ka sana, Zia.""Wala ring taxi sa daan, ‘Ma,” palusot niya na lang.“Mas mabuti pa’y maligo ka na lang at may sabaw pa sa kusina, ipaghahain kita.”“Nilalamig ako, ‘Ma. Gusto ko munang humigop ng mainit-init na sabaw,” ani Zia.Umalis naman si Maricar upang kumuha ng pagkain. Pagbalik ay napatanong, “Zia, kamusta na pala ang tungkol sa inyong dalawa ni Louie. Nagkausap na ba kayo ulit?”Naibaba ni Zia ang hawak na mangkok saka napabungtong-hininga. “Ayaw niya pa ring makipaghiwalay. Saka, wala pa rin akong nahahanap na lawyer para sa divorce namin. Pero ‘wag kayong mag-alal
SA APAT NA TAON nilang pagsasama ay kabisado na ni Louie kung sa paanong paraan hahawakan si Zia. Kung saan ang kiliti nito upang tuluyang bumigay sa kanya.Naging mas mapangahas pa nga si Louie nang magpatay sindi ang ilaw sa labas ng apartment. Marahan at puno ng init ang bawat haplos niya sa hita ni Zia habang ang isang kamay ay minamasahe ang malulusog nitong dibdib.Nanghina ang tuhod ni Zia at tuluyang napasandal sa katawan ni Louie. Sa malalim at tahimik na gabi ay maririnig ang kinakapos niyang hininga na kahit anong kagat niya sa ibabang labi ay kusa pa ring kumakawala ang ungol.At nang humaplos ang kamay ni Louie sa undergarments ni Zia ay tila natauhan naman ito.“T-Tama na!” Ngunit masiyadong mahina si Zia para itulak ito. Kaya mas idiniin pa siya ni Louie sa pader.Kilabot ang naramdaman ni Zia nang dumampi ang labi nito sa kanyang tenga. “Umamin ka nga. Ipinagpalit mo na ba ang doctor na ‘yun sa’kin?” ani Louie.Na
HABANG naglalakad pabalik sa apartment ay hindi maiwasang manginig ng tuhod ni Zia. Sandali siyang tumigil at kinalma ang sarili hanggang sa muling nagpatuloy pauwi. Hindi pa umaalis ang kotse ni Louie at ayaw niyang mapansin nitong kabado siya. Kinikilabutan man dahil sa haplos nitong nanunuot pa rin sa kanyang balat ay nagpakatatag si Zia. Nang makarating sa pinto ay sakto namang may tumawag sa kanyang pangalan. Paglingunin ay nabigla siya nang makita ang kaibigan, si Lindsay. “P-Pa’no mo nalaman ang lugar na ‘to?” ani Zia. “Nagpunta ako sa ospital at nakausap si tita Maricar. Sinabi niya ‘tong address sa apartment.” Tumango-tango si Zia at binuksan ang pinto. Ngunit bago pumasok ay tinanaw niya muna kung naroon pa ba ang kotse ni Louie. Nakahinga siya nang wala na sa puwesto ang sasakyan. “Dumiretso kaagad ako sa ospital pagkagaling ko sa airport. May makakain ka ba riyan, gutom na kasi ako,” ani Lindsay saka sumunod dala ang luggage. Nang tuluyang makapasok ay natigilan si L
KUMATOK sa pinto si Alice saka maingat na pumasok sa opisina nang makitang may kausap si Louie sa cellphone.Gusto ni Alice i-report ang kasalukuyang ginagawa ni Zia bilang utos nito. Ngunit iyon na pala ang pinag-uusapan ni Louie at Lucia sa linya.“Hanggang kailan mo hahayaan si Zia sa ginagawa niya?” saad ng Ina. “Kung hindi ako nagkakamali ay kaibigan mo itong si Austin, ‘di ba? Kausapin mo siya tungkol kay Zia. At ito namang Lindsay? Ang balita ko ay hindi maganda ang reputasyon niya. Hindi mo dapat hinahayaang mapalapit si Zia sa ganitong klaseng tao,” litanya pa ni Lucia.“’Mmy, hindi ko hawak ang buhay ni Zia. Ni hindi na nga siya umuuwi, kaya anong magagawa ko?” iritado ngunit magalang pa rin na tugon ni Louie.Hindi naman naka-imik si Lucia dahil alam niya ang nangyayari. Magkaganoon man ay inaalala lang niya ang sasabihin ng ibang tao sa oras na may makaalam na nagtatrabaho ang manugang sa isang hotel. Ayaw niyang madungisan ang reputas
NANLALABO ang paningin at nahihilo na si Zia dahil sa epekto ng alak. Habang nakaalalay naman si Louie sa oras na mawalan ng malay ang asawa.Pareho nilang nilisan ang hotel at nagtungo sa parking-lot. Mas mainam na iuwi na niya si Zia. Nang maisakay sa kotse ay nagpumiglas ito habang kinakabit ang seat-belt.Bakas ang iritasyon sa mukha habang nakapikit. “Anong ginagawa mo? Ayokong sumama sa’yo! Hindi na ‘ko babalik!” ani Zia.Mataman naman itong tinitigan ni Louie na kahit gulo-gulo na ang buhok at pinagpapawisan ang noo ay hindi maikakailang maganda pa rin lalo na sa suot nitong dress. Naaakit siyang haplusin ang lantad at makinis nitong balikat.Hinapit niya sa may bewang si Zia at saka bumulong sa tenga, “Tingnan mo nga ‘tong ayos mo. Ganito ba ang matinong babaeng may asawa?”Nagmulat ng mata si Zia at sandaling tumitig kahit dumudoble ang paningin. Mayamaya pa ay pilit inaalis ang seatbelt na hindi naman hinayaan ni Louie.
KASALUKUYANG nagmamaneho si Chris habang katabi ang asawa sa passenger seat, kandong nito ang anak nilang si Archie na nakatanaw sa labas ng kotse.Patungo sila ngayon sa mansion dahil doon gustong pumunta ni Shiela at pagkatapos ay mamamasiyal pa sa ibang lugar.“Naroon pa kaya si Cory?” hindi maiwasang itanong ni Shiela. Muling sumagi sa isip niya ang dating katrabaho na naging kaibigan na rin niya.“Alamin natin,” ani Chris.“Ngayong nandito ako ay ang dami kong gustong gawin. Gusto kong pumunta sa cemetery para mabisita si Henry at Diana,” tukoy niya sa kaibigan at asawa nito.“Sige, gawin natin ‘yan. No’ng nasa labas ka pala ng bansa ay dinala namin dito si Lucas para makilala naman niya ang magulang niya.”“Hindi naman ba siya nagtaka?”“Nagtaka siyempre, pero sinabi na lang namin na natutulog sila kaya hindi na ito nangulit. Mabuti na lang at likas na masunurin ang batang iyon kaya paborito ni Zia.”Napangiti si Shiela habang hinahaplos-haplos ang buhok ng anak. “Parang gusto k
TUMATAGOS na sa bintana ang sinag ng araw nang magising si Shiela. Una niyang kinapa ang kama, ngunit wala na siyang nahahawakan at doon lang siya nagmulat ng mata.“Archie?” sambit niya sa pangalan ng anak matapos ay bumangon na kung saan ay ramdam niya ang pamimigat ng talukap ng mata. Kaya tiningnan niya ang sarili sa salamin.Mugto ang mga mata niya at barado ang ilong. Natawa siya ng maalala na nag-iyakan sila ni Chris kagabi pero siya itong mas ngumawa nang husto.Pagkatapos, naghilamos na siya at nagmumog saka bumaba patungo sa dining area kung saan niya naabutan sina Evelyn, Aileen at kanyang mag-ama na kumakain.Unang napansin ni Chris ang asawa kaya agad siyang tumayo at pinaghila ito ng upuan. “Dito ka na maupo sa tabi ko.”Mataman itong tinitigan ni Shiela dahil maayos naman ang itsura nito. Parang hindi siya iniyakan kagabi.Si Archie naman ay gustong bumaba mula sa kandungan ng Nanny. “Mama~”Dumiretso si Shiela sa puwesto ng anak saka ito hinalikan sa noo. “Ba’t hindi m
NAPAKURAP si Shiela, naroon ang pinaghalong kaba at excitement kahit naguguluhan kung anong dapat gawin ng mga sandaling iyon.Naglalaban ang kanyang puso’t isip, ngunit isa lang ang mas matimbang. Hindi niya maiwasang mahipnotismo ng tingin ni Chris, nag-aanyayang gawin ang isang bagay na kahit mali ay hinding-hindi niya pagsisisihan. Kaya tuluyan na siyang nagpadala sa bugso ng damdamin.Pumikit siya at dinama ang labi nitong kay tagal niyang hindi natikman. Mas lalong lumakas ang kabog sa kanyang dibdib sa puntong iyon na lamang ang kanyang naririnig. May kiliti na nararamdaman si Shiela paakyat sa kanyang mukha at walang dudang dahil iyon sa halik nito.Habang si Chris naman ay pigil na pigil ang paghinga. Umiigting ang panga niya sa pagpipigil na sunggaban ito, maging marahas dahil lang sa sabik na sabik siyang muli itong maramdaman, ang halik nito at katawan.Habang lumilipas ang bawat sandali ay mas lalo pang nagnanangis ang init na nararamdaman nila sa isa’t isa kaya—““Hmm…”
SA ISANG IGLAP ay naiharang ni Chris ang kamay sa bibig. Kaya sa halip na lumapat ang labi ng dalaga ay ang palad niya ang nahalikan nito.Pagkatapos ay nagmulat ng mata si Sarah, gulat na gulat sa ginawa nito. Makailang beses kumurap na tila nagtataka hanggang sa matauhan at mabilis na lumayo. “S-Sorry.”Napatiim-bagang lang si Chris saka nagmaneho na paalis sa lugar. Habang nasa daan ay tahimik lang silang dalawa sa loob ng sasakyan, wala ni isang nagtangkang magsalita.Hanggang sa marating nila ang apartment ni Sarah. Mabilis na inalis ni Chris ang seatbelt at lalabas na dapat ng magsalita ito, “S-Sa’n ka pupunta?”“Uuwi na ‘ko,” tipid lang na sagot ni Chris.“Pero… Ba’t hindi ka muna pumasok sa loob at—““Sarah,” putol pa ni Chris. “Iyong nangyari kanina, palalampasin ko ‘yun dahil kaibigan kita at may pinagsamahan tayo pero hinding-hindi na iyon mauulit. Never, kaya mas mabuti sigurong manatili na lang tayong mag-business partner dahil hindi na tama ang nangyayari.”Habang sinasa
PABALIK na sila sa kotse nang mapatingin si Chris sa suot nitong damit. “Dadaan ba muna tayo sa apartment mo bago pumunta sa club?”Medyo pormal kasi ang suot nitong damit, hindi babagay sa pupuntahan nila.“Hindi na,” ani Sarah saka ito nilingon habang may naglalarong ngiti sa labi.Napakunot noo man ay hindi na nagkomento si Chris at sinundan lang ito patungo sa kotse. Pagsakay sa passenger seat ay bigla siyang naubo, mabilis na umiwas ng tingin matapos itong makitang hinuhubad ang suot na palda habang nakaupo sa driver seat.“A-Anong ginagawa mo, Sarah?!” tanong ni Chris habang nakapaling ang tingin sa labas ng kotse.Natawa naman si Sarah at pagkatapos ay kinalabit ito. “Ano ka ba, tingnan mo nga may suot akong shorts, need ko lang magpalit ng skirt para bumagay sa pupuntahan natin.”“Nakapagpalit ka na?”“Yes, pwede ka ng tumingin.”Doon lang kumilos si Chris saka dahan-dahang tiningnan ang dalaga. Nakahinga siya nang maluwag matapos makitang maayos na ang itsura nito. “Hopefully
NAKANGITI si Chris nang palabas na sa restaurant kasama ng dalawang prospect investor na ngayon ay talagang nag-invest na sa negosyo. Dahil naging matagumpay ang proposal nilang dalawa ni Sarah, na ngayon ay parang wala na sa mood.Kanina niya pa kasi napapansin na tila tahimik ito kaysa sa masiyahin at friendly nitong pag-uugali.“I’m glad at excited na akong maging bahagi ng lumalago niyong negosyo,” saad pa ni Mr. Bautista.Habang si Ocampo naman ay tinapik naman sa balikat si Chris. “Masaya rin ako na gaya ni Mr. Bautista ay makakapag-invest na rin ako sa wakas.”Ngumiti naman si Chris. “Maraming salamat talaga, Mr. Ocampo at Mr. Bautista.”Tumango si Bautista habang nakangiti saka tiningnan ang suot na relo. “Oh, hindi ko na namalayan ang oras. Kailangan ko ng umalis at may importante pa akong pupuntahan.”“Aalis na rin ako,” ani Ocampo.Muling nagpasalamat si Chris at ganoon din si Sarah hanggang sa tuluyan ng umalis ang dalawa, sumakay sa kanya-kanyang sasakyan.At ang naiwan na
SA TANONG ay nagtaas lang ng kilay si Chris saka tumayo nang maayos upang maharap ito. “Ano bang dapat kung marinig?”“So, nakikinig ka nga sa pinag-uusapan namin?” balik tanong ni Shiela.Napabuntong-hininga si Chris. “Wala akong narinig. Sa tingin mo ba ay may maririnig ako sa layo kong ‘to sa pinto? Sumandal lang ako rito dahil ang sabi kanina ng katulong ay magkasama raw kayo ni Tita na umakyat. Kaya inisip ko na narito kayo kaya naghintay akong may lumabas,” mahabang paliwanag ni Chris.Hindi man kumbinsido ay hindi na lamang nag-react si Shiela. “At ba’t mo naman kami hinihintay?”“Tulog na tulog na sa kwarto si Archie at kailangan ko na rin umalis.” Saka napakamot sa likod ng ulo, tila nahihiya sa sasabihin. “Ang totoo ay gusto ko lang magpaalam.”“Pwede ka namang umalis na lang o ‘di kaya ay magpasabi sa katulong.”Hindi napigilan ni Chris na magtaas ng kilay. “Ayoko ng gano’n. Iyong bigla na lang aalis ng walang pasabi. Napakawalang-galang ng gano’n, nakakabastos.”Napakurap
NASA labas na sila ng paliparan pero hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si Archie. “Papa, sama ka sa’min~” saad pa ng bata na humihikbi-hikbi habang ang maliit na kamay ay mahigpit na nakahawak sa damit ng Ama.Napabuntong-hininga naman si Chris, na may munting ngiti sa labi saka napasulyap kay Shiela. “Anong gagawin natin?” bulong niya.Nagkibit-balikat si Shiela. “May gagawin ka ba ngayong araw?”“May pupuntahan akong meeting kasama si Sarah pero pwede naman i-postpone dahil mas importante si Archie.”Namewang si Shiela saka nag-isip nang paraan. Kahit pa sabihin nitong ayos lang ay ayaw niya naman makaabala. “Archie, anak. Tumahan ka na, sasama na sa’tin si Papa,” pang-uuto niya pa sa anak.Agad naman naniwala ang bata at unti-unting tumigil sa pag-iyak pero mahigpit pa rin ang hawak sa damit ng Ama.Ilang sandali pa ay nakahabol na rin sina Evelyn, Aileen at Sarah. Ang dalaga ay tuloy-tuloy sa nakaparadang kotse.“Chris, tara na,” tawag pa nito.“Susunod na lang ako,” untag naman
NAINIS si Shiela nang hindi siya nito sinagot. "Narinig mo ba ako? Anong ginagawa mo rito?" balik tanong niya. "Sinusundan mo ba kami?" pang-aakusa niya pa.Si Chris na abala sa pakikipagkulitan sa anak ay biglang napalingon at nagtaas ng kilay. "Anong sinasabi mo? Pa'no ko naman 'yun magagawa? Tingin mo ba'y pinapasundan ko kayo? Pa'no ko naman 'yun gagawin kung bantay-sarado kayo."Napaisip si Shiela at napagtanto niyang tama ito. Paano naman nito magagawa silang sundan kung mahigpit ang security sa subdivision maging sa mansion. Bukod pa roon ay kahapon lang siya pumayag na sumama pabalik sa Cebu.Ngunit sa halip na aminin ang pagkakamali ay umiwas na lamang siya ng tingin.Pero hindi pa tapos si Chris na habang nakikipaglaro sa anak ay nagpatuloy sa pagsasalita, "Alam mo... dapat baguhin mo na ang ganyang ugali. Mabilis kang maghinala at mag-isip ng masama sa ibang tao dahil hindi ka marunong kumilatis ng tao."Napakunot-noo si Shiela saka ito tiningnan nang masama. "At ano naman