KUMATOK sa pinto si Alice saka maingat na pumasok sa opisina nang makitang may kausap si Louie sa cellphone.
Gusto ni Alice i-report ang kasalukuyang ginagawa ni Zia bilang utos nito. Ngunit iyon na pala ang pinag-uusapan ni Louie at Lucia sa linya.“Hanggang kailan mo hahayaan si Zia sa ginagawa niya?” saad ng Ina. “Kung hindi ako nagkakamali ay kaibigan mo itong si Austin, ‘di ba? Kausapin mo siya tungkol kay Zia. At ito namang Lindsay? Ang balita ko ay hindi maganda ang reputasyon niya. Hindi mo dapat hinahayaang mapalapit si Zia sa ganitong klaseng tao,” litanya pa ni Lucia.“’Mmy, hindi ko hawak ang buhay ni Zia. Ni hindi na nga siya umuuwi, kaya anong magagawa ko?” iritado ngunit magalang pa rin na tugon ni Louie.Hindi naman naka-imik si Lucia dahil alam niya ang nangyayari. Magkaganoon man ay inaalala lang niya ang sasabihin ng ibang tao sa oras na may makaalam na nagtatrabaho ang manugang sa isang hotel. Ayaw niyang madungisan ang reputasNANLALABO ang paningin at nahihilo na si Zia dahil sa epekto ng alak. Habang nakaalalay naman si Louie sa oras na mawalan ng malay ang asawa.Pareho nilang nilisan ang hotel at nagtungo sa parking-lot. Mas mainam na iuwi na niya si Zia. Nang maisakay sa kotse ay nagpumiglas ito habang kinakabit ang seat-belt.Bakas ang iritasyon sa mukha habang nakapikit. “Anong ginagawa mo? Ayokong sumama sa’yo! Hindi na ‘ko babalik!” ani Zia.Mataman naman itong tinitigan ni Louie na kahit gulo-gulo na ang buhok at pinagpapawisan ang noo ay hindi maikakailang maganda pa rin lalo na sa suot nitong dress. Naaakit siyang haplusin ang lantad at makinis nitong balikat.Hinapit niya sa may bewang si Zia at saka bumulong sa tenga, “Tingnan mo nga ‘tong ayos mo. Ganito ba ang matinong babaeng may asawa?”Nagmulat ng mata si Zia at sandaling tumitig kahit dumudoble ang paningin. Mayamaya pa ay pilit inaalis ang seatbelt na hindi naman hinayaan ni Louie.
KAKAIBA ang umagang iyon para kay Louie. Nitong mga nakaraang araw ay nasanay na siyang mag-isa sa kwarto. Ngunit sa pagmulat ng mata ay katabi niya sa kama si Zia na mahimbing ang tulog.Tinitigan niya ng ilang sandali ang maganda nitong mukha hanggang sa mapansin na tila may kakaiba. Mapula ang pisngi ni Zia na hindi normal sa natural nitong temperatura. Kaya nang salatin niya ang noo at leeg nito ay saka siya naalarma.Sobrang init ni Zia!Agad lumabas ng kwarto si Louie para utusan ang katulong. “Tawagan mo si doctor Lee, ngayon din!”“Ano pong sasabihin ko, Sir?”“Sabihin mong inaapoy ng lagnat si Zia kaya kumilos ka na’t tawagan siya!”Agad sumunod sa utos ang katulong. Matapos ay bumalik siya sa kwarto para samahan si Zia habang wala pa ang doctor.May ilang katulong ang sumunod para magdala ng kakailanganin habang hindi pa dumarating ang doctor. Pinunasan ng basang towel sa katawan si Zia upang mabawasan ang init
UMILING si Zia at kinuha ang mangkok. Kahit nanghihina ay hindi niya gugustuhing magpaasikaso kay Louie.Pakiramdam niya ay may kapalit sa bawat gawin nitong kabutihan.Inamoy niya muna ang lugaw saka sinimulang kainin. Masarap ang pagkakaluto kaya kahit walang gana ay naubos niya naman.Matapos ay napatingin kay Louie na malapi sa balcony at naninigarilyo. Hinahangin pa nga ang usok na bahagya niyang naamoy.Nalukot ang mukha niya sa baho ng sigarilyo.“T-Tapos na ‘kong kumain,” pahayag ni Zia.Lumingon si Louie. “Tumawag nga pala kanina si Lola at hinahanap ka. Kailan ka may libreng oras ng mabisita naman natin siya.”Hindi nakasagot si Zia. Mabait sa kanya si Esmeralda kaya hangga’t maaari ay ayaw niyang masaktan ito sa oras na malamang maghihiwalay na sila ni Louie…Ngunit hindi niya pwedeng patagalin ang lahat. Mas lalo lang silang mahihirapan.“Nasabi mo na ba kay Lola Esmeralda na magdi-divorce tayo?”“Wala akong balak sabihin. Alam mong kondisyon niya ngayon. At kahit maghiwala
TILA NATAUHAN naman si Zia at bumalik sa kasalukuyang nangyayari. Ipinilig ang ulo upang ialis sa isip ang mga bagay na dapat ay wala na siyang pakialam.Sandaling tumigil ang kotse nang magpula ang traffic light. Doon niya marahas na binawi ang braso sa mahigpit na pagkakahawak ni Louie.“W-Wala, saka ba’t ka ganyan? Lahat na lang ng gawin ko lagi kang may maling-akala.”Nanunuot ang titig ni Louie dahil hindi siya kumbinsido sa sinasabi nito lalo na nang mag-iwas ng tingin.Para sa kanya, habang tumatagal ay unti-unting nagbabago si Zia.Natatandaan niya noong bago pa lamang silang mag-asawa. Twenty years old pa noon si Zia ay grabe na ito magpakita ng pagmamahal sa kanya. Tuwing gabi pagkagaling sa trabaho ay lagi itong nagmamadali para salubungin siya, aasikasuhin ang pagkain at ipaghahanda pa ng pampaligo bago matulog.Act of service. Ito ang definition ni Zia ng love language.Inaalagaan ang taong mahal kahit nasasaktan na at iluluha na lamang ang sakit sa kalagitnaan ng gabi s
NABIGLA si Zia sa alok nito. Sa simula’t sapul ay hindi na maganda ang pakikitungo ni Michael sa kanya ng dahil sa kapatid nito.Kahit nagkaayos na sila noong nakaraan ay ayaw niya pa ring magpakampante kaya umatras siya. “Hindi na kailangan, ayokong makaabala,” tanggi niyaTumagal ang titig ni Michael hanggang sa tumango. “Okay, sige at may pupuntahan pa ako,” matapos makapagpaalam ay pinaandar na ang kotse palayo.Nakahinga naman nang maluwag si Zia matapos nitong umalis. Kahit friendly at maayos na ang pakikitungo nito sa kanya ay hindi niya maiwasang mailang. Para sa kanya ay mas mainam ng mag-ingat kaysa magsisi sa huli.Pero hindi niya inakalang muling magkukrus ang landas nila ni Michael.Kinagabihan kasi sa club ng Lopez hotel ay nakita niya itong nakikipagsiyahan kasama ang mga kaibigan. Puro mga lalake ang nasa grupo kabilang na si Austin. Hindi na lamang niya pinagtuunan ng pansin at tumuloy na sa pagtatrabaho.Samantalang nabaling naman ang tingin ni Michael sa stage nang
ABALA ang mga katulong sa pag-serve ng pagkain para sa mag-asawa. Kasama nila sa dining-table si Esmeralda na masayang pinagmamasdan ang dalawang kumakain.Ang lahat ng pagkaing hinanda sa hapagkainan ay para talaga kina Louie at Zia. Mayroon pa ngang special na inumin para sa dalawa na makakatulong ‘daw’ para sa mag-asawang hindi pa nagkakaroon ng anak. Nagmula pa ang naturang inumin sa ibang bansa na pinabili pa ni Esmeralda. “A-Ano po ito, ‘La?” kuryusong tanong ni Zia nang ilapag ng katulong ang isang basong juice na medyo kulay itim ngunit kakaiba naman ang amoy. “Herbal medicine po ba ito?”Ngumiti muna nang ubod tamis si Esmeralda bago sumagot, “Maganda ‘yan sa kalusugan mo, Zia. Sige lang, inumin mo lang at ‘wag mo ng isipin ang amoy at lasa.”Napakurap si Zia. Nagdududang tinitigan ang naturang inumin.“’Wag mong inumin kung hindi mo gusto,” ani Louie.“Ano ka ba, apo! Sa ibang bansa ko pa ‘yan pinabili para magbuntis na siya!” nadulas na sabi ni Esmeralda.Nabigla naman si
TULUYANG nakalimot si Zia at nagpaubaya. Nang hubaran ni Louie ay agad siyang nakaramdam ng panlalamig. Matapos ay niyakap at muling hinalikan sa labi pababa sa leeg…Ngunit naistorbo nang tumunog ang cellphone. Binalewala ito ni Louie ngunit ayaw talagang tumigil ng kung sino mang tumatawag. Kaya sinagot niya, “Ano ba ‘yun, Alice?!”“Pasensya na po, Sir, pero tungkol po ito kay Bea na papunta na sa bahay niyo ngayon.”Napatingin muna siya kay Zia bago umalis sa kama.Ngunit kahit lumayo ay huli na ang lahat dahil narinig na ni Zia ang sinabi ni Alice. Napaisip siya na baka magsasama na sa iisang bahay ang dalawa.Pagbalik ni Louie sa loob ng kwarto ay nagmamadali itong magbihis. Nang lingunin si Zia ay natigilan. “Ano… may kailangan lang akong puntahan. Matulog ka na lang at ‘wag na ‘kong hintayin,” dahilan niya na lang.Hindi masabi ni Louie na dinumog si Bea ng mga reporter sa labas ng subdivision dahil sa sinabi ng magulang nito na magiging in-laws at parte ng pamilya Rodriguez si
MATAPOS i-park ang sasakyan sa ground floor building ng kompanya ay hindi muna lumabas ng kotse si Louie para tawagan si Zia. Iniisip niyang baka nagalit o nagtampo ito nang iwan niya kagabi para puntahan si Bea. Kutob niya ay narinig nito ang pag-uusap nila ni Alice sa linya. Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit hindi nito sinasagot ang tawag. At hindi na rin niya sinubukan pang tawagan muli si Zia. Nasa punto na nga siyang gusto itong suyuin ngunit nagdadalawang-isip naman dahil hindi siya ang tipo ng taong ginagawa ang ganoong bagay. Para kay Louie, ang panunuyo ay para lang talaga sa totoong mag-asawa, magkabiyak na nagmamahalan at hindi sila ganoon ni Zia. Kaya nag-message na lamang siya at baka sakaling basahin pa nito. Pagkatapos ay saka siya lumabas ng kotse at nagtungo sa elevator na sakto namang kalalabas lang ni Alice. “Good morning, Sir,” bati pa ng secretary na may ngiti sa labi. Kahit magdamag gising dahil sa trabaho ay gustong ipakita ni Alice na hard-working si
NAGPALIPAT-LIPAT ng tingin si Zia at Louie sa dalawang babae. Parehong naguguluhan sa nangyayari. Mabuti na lamang at mabilis nakabawi si Louie at nagtanong, “Miss, pwede bang malaman kung anong kailangan mo?”Si Sheilla ay agad nakaramdam ng hiya, guilt at takot. Wala talaga siyang balak na muling bumalik matapos magpasiya na magpakalayo-layo na kasama ang magulang. Nakokonsensya na siya sa ginagawa pero nang matunton siya ng tauhan ni Mario at sapilitang pinababalik ay wala na rin siyang nagawa sa takot na kantiin nito ang kanyang pamilya.Sa pagbabalik na rin niya nalaman ang nangyari kay Chris kaya napasugod siya, iyon pala ay magkukrus ang landas nila ni Sheila na sa pagkakaalam niya ay nasa ibang bansa na.At ngayong tinatanong siya ng pamilya ni Chris ay bigla siyang nablangko… Ano ang dapat niyang sabihin?“A-Ako ang…” nahihirapan siyang magsalita.Hanggang sa Shiela na ang nagkusang magpatuloy, “Ba’t hindi mo masabi? Ga’no ba kahirap na magpakilala? Nakakahiya ba pero hindi k
Chapter 147BAKAS ang kalituhan sa mkha ni Zia. “Gamit ng sister-in-law ko ang apelyido na Cruz kaya hindi namin alam kung sino ‘yang tinutukoy niyo,” paliwanag niya pa.Tumango naman ang pulis. “Kung gano’n ay iimbestigahan namin ‘to…” Matapos ay tiningnan ang kasamahan at parehong tumango sa isa’t isa. “Maraming salamat po sa inyong kooperasyon. Sa ngayon ay babalik po muna kami sa estasyon upang asikasuhin para mag-imbestiga pa.”“S-Salamat sa inyo,” ani Maricar na mugto ang mata sa kakaiyak.Pagkaalis ng pulis ay naiwan ang dalawa, matiyagang naghihintay hanggang sa mapagtanto ni Maricar na… “Ba’t wala si Shiela? Hindi ba dapat ay nandito siya?”“Hindi kaya ay nag-away silang mag-asawa? Sabi nga kanina ng pulis ay makailang ulit na tinatawagan ni Kuya si Shiela.”“Sinong Shiela ang tinutukoy? Dalawa silang binanggit ng pulis.” Ang lungkot sa mga mata ni Maricar ay nag-iba. “Hindi kaya ay may ginagawa na namang kalokohan si Chris na hindi natin alam?”Biglang sumagi sa isip ni Zia
KUMUNOT ang noo, naguluhan at nalilito si Chris ng mga sandaling iyon. Para siyang nakarinig ng salitang mula sa ibang lengguwahe, hindi makaproseso ng maayos ang utak.“A-Anong sinasabi mo? Pa’nong aalis sila ng bansa? Wala silang sinasabi sa’kin!” biglang taas ng boses dahilan kaya nagsilingunan ang mga empleyadong nasa malapit.“Pakiusap, ‘wag kang sumigaw rito. Nasabi ko na ang kailangan mong malaman kaya maaari ka nang umalis.”Umiling-iling si Chris saka humakbang palapit, tila gusto itong kuwelyuhan. “Gano’n na lang ‘yun?! Basta mo na lang ako paaalisin?!”Nabigla ito sa inakto ni Chris pero nakabawi rin naman. “At anong gusto mong gawin? Pasalamat ka nga’t sinasabi ko ‘to sa’yo kahit ayaw ipaalam ni Senior.”“Sa’ng bansa?”Ngunit hindi na ito nagsalita.“Nasa’n ang amo mo? Gusto ko siyang makausap ngayon.”“Sinabi ko na sa’yong—”Pero hindi na ito pinansin ni Chris at naglakad na palayo. Siya na lamang ang maghahanap kay Mario. Kung kailangan na halughugin niya ang buong build
DAHIL sa pagsigaw ni Shiela ay natakot ang bata at agad itong umiyak. Hinaplos-haplos ni Chris ang likod ng anak upang tumahan ito nang hindi inaalis ang tingin kay Sheilla na nakatungo lang.“Kung hindi kayo aalis dito ay mapipilitan akong tumawag ng security,” banta ng Doctor.Hindi gumalaw si Shiela, tulala siya sa kinatatayuan habang lumuluha. Kaya si Chris na ang humila rito palabas. “Pasensiya na po sa istorbo,” aniya sa Doctor pero nakatingin naman sa dalaga.Pagkasara ng pinto ay marahas na binawi ni Shiela ang braso mula sa asawa. Matapos ay kinuha ang bata at tuloy-tuloy sa paglayo.Sumunod naman agad si Chris pero natigilan saka nilingon ang saradong pinto… Hindi niya kayang balewalain ang gumugulo sa isip. Dahil kung talagang buntis si Sheilla ay gusto niyang alamin kung sino ang ama ng dinadala nito.Mariin niyang naikuyom ang kamay saka sinundan ang asawa’t anak. Sa ngayon ay ang dalawa ang priority niya… Sa susunod na lamang niya aalamin ang totoo.Pagpasok sa opisina a
Chapter 144MATAGAL ang titig ni Mario sa apo saka naupo sa kama habang nakasandal naman ito sa headboard. “Ba’t gusto mong sa abroad? Marami naman maayos na university sa bansa.”Napatingin si Shiela sa magkasalikop na kamay. Hindi niya masabing gusto niyang magpakalayo-layo muna sa problema na kinakaharap.“Dahil ba kay Chris? Kahit hindi mo sabihin ay may tenga ako rito sa bahay. Ang ano man naririnig ng mga katulong dito ay inire-report nila sa’kin kaya hindi mo kailangan na maglihim.”Napabuntong-hininga si Shiela. “Nahihirapan na ‘ko sa sitwasyon namin, ‘Lo. Parang kahit anong gawin ko ay palala nang palala ang hindi namin pagkakaunawaan,” pag-amin pa niya.“Natural lang naman iyon sa mag-asawa pero kung talagang gusto mong sa ibang bansa mag-aral ay hindi kita pipigilan. Dahil kung ako rin naman ang tatanungin ay mas maganda nga ang makapag-aral abroad,” ani Mario. “May naiisip ka na bang bansa?”Umiling si Shiela dahil ang priority lang niya talaga ng mga sandaling iyon ay pan
ISINUGOD sa ospital si Shiela dahil sa taas ng lagnat. Kinaumagahan na ito nagkamalay at tanging private nurse lang ang nabungaran pagmulat ng mata.“S-Sino ka?”Napalingon ang nakaunipormeng babae saka ngumiti. “Ako po si Pia, Miss.”“Kailan pa ‘ko rito?” Gusto niyang bumangon pero nanghihina pa siya nang husto.“Kagabi po, Miss at ngayong umaga lang ako na-hired para magbantay sa inyo.”Pinagmasdan ni Shiela ang putting kisame. “May dumating ba para sa’kin?”“Wala po.”“Ang cellphone ko ba nandito?”Kinuha ni Pia ang bag na binigay sa kanya. “Pinadala ito kanina, mga gamit niyo, Miss pero… Ay, ito, may cellphone.” Pagkatapos ay inilabas sa bag.“Akin na.” Bahagya lang itinaas ni Shiela ang kamay pero hirap na hirap na siya. Matapos makuha ay tiningnan niya kung may missed call ba si Chris pero wala. Maski man lang message ay wala rin siyang natanggap.Mas lalo siyang nadismaya na hindi man lang ito tumawag sa kanya matapos ng nangyari. Naiiyak siya na ewan, hindi niya maintindihan a
HABANG kausap ni Chris ang dalaga sa video call ay nakaramdam siya ng kakaiba mula sa likod kaya lumingon siya at nagtagpo ang tingin nila ni Shiela.Binaba niya ang cellphone saka mabilis na lumapit dito upang magpaliwanag. Hinawakan niya ang kamay nito pero nang mapansin ang nanunuot na tingin ng asawa ay napaiwas siya. “M-Magpapaliwanag—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla nitong binawi ang kamay.“Magpapaliwanag ka na naman? Wala na bang bago, Chris? Ano naman sa pagkakataong ‘to?” halata sa boses ni Katherine ang disappointment.“Si Sheilla kasi—”Bago pa makapagpaliwanag ay tinulak na ito ni Shiela. “Tama na, Chris! Hindi ko kailangan ng walang kwenta mong paliwanag dahil halata naman na siya ang mas matimbang.”“Hindi ‘yan totoo!”“E, ba’t hanggang ngayon may koneksyon pa rin kayong dalawa? Hindi mo pa siya tinatanggal sa trabaho?”“Hindi ko siya pwedeng basta-basta na lamang tanggalin. Wala siyang ginagawang mali sa trabaho.”Pagak na natawa si Shiela. “Sobrang gal
MULI ay nanubig ang mga mata ni Shiela. Parang gusto niya ulit umiyak, hindi niya akalaing sa dami ng ibinuhos na luha kanina ay may mailalabas pa siya.“Sabihin mo na masama ang pakiramdam ko’t bumalik na lang sa susunod.”“Okay po,” anito saka umalis.Nang mapag-isa si Shiela ay pumasok siya sa banyo at nakita sa salamin ang sarili. Mugtong mga mata at namumula ang ilong kaya naghilamos siya upang maibsan ang pamamaga ng mata. Pero sa huli ay napagpasiyahan niyang iligo na lamang ang lahat. Nagbabad siya sa shower habang lumuluha at yakap-yakap ang tuhod.Nang makaramdam ng panlalamig ay saka lang siya nagpasiyang tumayo, kinuha ang tuwalya saka lumabas ng banyo habang tumutulo sa sahig ang ilang butil ng tubig mula sa basang katawan.Naglakad siya papasok sa cloakroom at nagbihis. Habang nasa loob ay narinig niyang tumunog ang cellphone kaya lumabas siya at tiningnan kung sino ang caller.Walang iba kundi si Chris. Mahigit fifty-missed calls ang ginawa nito. Huminga lang siya nang
MATAAS na ang araw nang magising si Shiela. Hindi na masakit ang kanyang tiyan at maaliwalas na rin ang pakiramdam. Pagbangon ay pinagmasdan niya ang kama, wala roon si Chris.Hindi rin niya napansin kung nakatabi niya ba ito kagabi sa pagtulog. Pagbangon ay tiningnan niya kung nasa banyo ba pero wala roon ang asawa. “Maaga ba siyang nagising at lumabas?”Kinuha niya ang cellphone saka ito tinawagan. Sa una ay hindi nito sinagot kaya tumawag siyang muli hanggang sa nakatatlong attempt na at sa pagkakataong iyon ay lumabas na ng hotel room upang tingnan kung nasa labas ba ito.Pero ang sumunod na pangyayari ang nagpawasak ng kanyang mundo. Dahil sa katabing kwarto ay nakita niyang lumabas si Chris habang nagkukumahog na ayusin ang pagkakabutones ng polo. Halatang nagpalipas ito ng gabi sa ibang kwarto.“S-Shiela,” bakas ang kaba sa boses ni Chris ng sambitin ang pangalan ng asawa.“Anong ginagawa mo riyan?”Napalingon si Chris sa bukas na pinto saka muling binalik ang tingin sa asawa.