MATAPOS i-park ang sasakyan sa ground floor building ng kompanya ay hindi muna lumabas ng kotse si Louie para tawagan si Zia. Iniisip niyang baka nagalit o nagtampo ito nang iwan niya kagabi para puntahan si Bea. Kutob niya ay narinig nito ang pag-uusap nila ni Alice sa linya. Kaya hindi na siya nagtaka kung bakit hindi nito sinasagot ang tawag. At hindi na rin niya sinubukan pang tawagan muli si Zia. Nasa punto na nga siyang gusto itong suyuin ngunit nagdadalawang-isip naman dahil hindi siya ang tipo ng taong ginagawa ang ganoong bagay. Para kay Louie, ang panunuyo ay para lang talaga sa totoong mag-asawa, magkabiyak na nagmamahalan at hindi sila ganoon ni Zia. Kaya nag-message na lamang siya at baka sakaling basahin pa nito. Pagkatapos ay saka siya lumabas ng kotse at nagtungo sa elevator na sakto namang kalalabas lang ni Alice. “Good morning, Sir,” bati pa ng secretary na may ngiti sa labi. Kahit magdamag gising dahil sa trabaho ay gustong ipakita ni Alice na hard-working si
NASA isang coffee shop sina Zia at Lindsay nang matanggap niya ang message mula kay Louie. Ngunit hindi niya pinagtuunan ng pansin dahil abala siya sa kaibigan.May maganda kasing balita si Lindsay para sa kanya. Nahanap na nito si Mia Torres na kasalukuyang nasa ibang bansa.“Kung hindi ako nagkakamali ay Africa ang sinabi ng nakausap ko,” ani Lindsay.“Ang layo naman pala. Anong ginagawa niya ro’n?”“Ang sabi ay nasa isang liblib na lugar ito para magbigay tulong legal sa mga naninirahan doon. Isang taon na ang nakakalipas at walang nakakaalam kung may balak pa nga bang bumalik sa bansa. Kakaibang lawyer at napiling magtrabaho sa lugar na mahirap kumita ng pera kumpara sa siyudad.” Matapos ay iiling-iling na sumimsim ng inumin.Napaisip naman si Zia habang hinahalo-halo ang kapeng in-order. “May iba kayang paraan para makabalik siya rito?”“I don’t know, baka pwedeng sa iba na lang tayo humingi ng tulong? Napakaraming lawyer na malalapitan,” suggestion ni Lindsay.“Pero kailangan ko
HINDI na nabigla si Michael nang makita si Zia. Kung tutuusin ay natutuwa pa nga siyang makita ito.Humagod ang tingin niya sa suot na damit nito na kahit simple ay bagay naman, angat pa rin ang ganda. Pero mas excited siya mamaya sa banquet dahil paniguradong mag-aayos si Zia.Nang tuluyang makababa sa hagdan ay nilapitan niya ang dalawang babae. “Ang ganda ng suot mo, Zia bagay sa’yo,” puri pa ni Michael na hindi maiwasang mabighani sa ganda nito lalo na sa malapitan.Kahit halos gabi-gabi niya itong nakikita sa Lopez hotel ay hindi siya nauumay na pagmasdan si Zia. Hindi na normal itong nararamdaman, ngunit alam niyang hindi magtatagal at mawawalan din siya ng interes.“Naku, Zia ipapakilala sana kita rito sa pamangkin ng asawa ko. Mabuti na lang at magkakilala na pala kayo,” ani Mrs. Lim.“Magkaibigan po sila ni Louie,” wika naman ni Zia.“Kaya naman pala—Teka, sandali lang, Hija. Maiwan ko muna kayong dalawa at mukhang may problema ro’n," biglang paalam ni Mrs. Lim nang mapansin
DALAWANG KATAWAN ang magkadikit sa isa’t isa. Iyon ang nangyayari ngayon sa mag-asawa habang nasa loob ng dressing room.Mas lalo pa ngang nangahas si Louie na ipadama ang pagkalalake nang mapansin ang reaksyon nito.Dahil itanggi man ni Zia ay hindi maikakaila sa ekspresyon na naapektuhan siya sa ginagawa ni Louie. “A-Akala ko ba ay importante sa'yo ang banquet na 'to? Malapit nang mag-umpisa ang celebration, baka ma-late tayo,” ani Zia sa kabila ng init na nararamdaman.Tila natauhan naman si Louie at bahagyang lumayo. “Sayang naman,” aniya saka tuluyang lumabas sa fitting room. Bumalik sa sofa na parang walang nangyari.Nang makapili na si Zia ng dress. Blue one-shoulder na bagay naman sa kanya ay saka siya inayusan sa buhok maging sa make-up. Pagkatapos ay nagbayad si Louie saka sila umalis sa lugar.Sumakay sa kotse at pinaandar papunta sa venue ng banquet party. Eksaktong alas-siyete ng gabi ay dumating sila. Unang lumabas si Louie para pagbuksan ng pinto si Zia. Nakalahad pa ng
PAGBALIK ni Zia ay hindi na maipinta ang ekspresyon na napuna naman ni Louie. Ibinaba niya ang hawak na wine glass at nilapitan ito. “What’s the problem? Masama ba’ng pakiramdam mo? Gusto mong umuwi?” sunod-sunod na tanong ni Louie. Tumango ito kaya saglit siyang umalis para personal na makapagpaalam sa mag-asawang Lim. Matapos ay sabay silang umalis sa venue at nagtungo sa kotse. Pagkasakay sa driver seat ay hinubad niya ang suot na coat para ipantakip sa hita ni Zia habang nakangiti, “Nagustuhan ni CEO Lim ang proposal at gustong makipag-partnership dahil na rin sa influence na ibinigay mo sa asawa niya.” Tumango lang si Zia bilang tugon dahil nararamdaman na niya ang pagod sa maghapong pagtulong sa party. Saglit na nagtagal ang titig ni Louie. Hindi akalain na ng dahil kay Zia ay magiging matagumpay ang plano niya para sa Lim corporation. Ang tingin lang kasi niya dati ay asawang walang kakayahan maliban sa usaping roman
HABANG naghuhugas ng pinagkainan ay biglang tumayo si Louie para yumakap mula sa likod. Idinantay pa nga ang ulo sa balikat ni Zia habang dinadampian ng halik sa tenga. Nakiliti si Zia at nanghina ang tuhod kaya natigilan sa paghuhugas. “A-Ano ba, ‘wag kang magulo,” saway niya kay Louie. “Akala ko ba’y pagkain lang ang sadya mo rito, kaya anong ginagawa mo ngayon?” Pero sa halip na lumayo ay mas hinigpitan pang lalo ni Louie ang yakap at saka bumulong, “Zia, bumalik ka na,” aniya sa pinakamalambing na tonong magagawa. Biglang natigilan si Zia. Ito kasi ang unang beses na nagsalita si Louie na hindi tunog nag-uutos. Malambing at talagang bibigay ang sino man makakarinig ngunit hindi siya pwedeng maging marupok. Kailangan niyang alalahanin ang mga pinagdaanang sakit sa loob ng apat na taong pagsasama. Matagal natahimik si Zia kaya gumalaw muli si Louie at hinalikan ito sa buhok. “H
SIMPLE LANG ang gusto ni Zia. Ang gumaling ang ama, makalaya si Chris at muling makaahon sa hirap ang kanyang pamilya.Pero siyempre hindi ganoon kadali makuha ang mga ninanais. Hindi pa siya pinapaburan ng panahon ngayon.Hindi pa lalo na at ayaw pa rin siyang pakawalan ni Louie. Magkaganoon man ay tuloy pa rin ang buhay at hindi na masiyadong iniisip ang mga problema.Hanggang isang gabi, sa Lopez hotel habang nagtatrabaho ay bigla siyang nilapitan ni Austin. “Tumawag si Lindsay at gusto kang makausap, urgent daw.”Pagkabigay ng cellphone ay nahimigan ni Zia na tila nagmamadali ito. “Hello, Lindsay, ba’t ka napatawag?”“Zia! Nandito ako ngayon sa ospital at nagkakagulo! Nasaktan ni tita Maricar si Bea, pumuntah ka na rito sa canteen, dali!”Maingay ang background at kahit naguguluhan ay agad namang tumakbo si Zia palabas ng hotel. Sumunod si Austin at nag-alok na ihahatid siya.Ilang minuto ang dumaan bago makarating s
SA OSPITAL, kasama ang ama ay inilihim ni Zia ang nangyari kay Maricar. Nagdahilan siya na masama ang pakiramdam nito kaya pinagpahinga niya muna sa apartment at siya na lamang pansamantala ang magbabantay. “’Wag mo na akong alalahanin dito, anak. May mga Nurse naman na tumitingin sa’kin kaya umuwi ka na lang at magpahinga,” ani Arturo. Umiling-iling naman si Zia habang hinahaplos ang kamay nito. Nalulungkot siya sa nangyayari ngayon. Paano niya gagawan ng paraan na mailabas si Maricar gayong sinampahan ito ng physical injury ng magulang ni Bea. Paniguradong magtatagal ito sa kulungan dahil wala silang pampiyansa. Ilang minuto ang lumipas nang tuluyang makatulog si Arturo. Doon lang nagkaroon ng pagkakataon si Zia na hawiin ang buhok na tumatabing sa isang bahagi ng kanyang mukha. Natatakot siyang mapansin ng ama ang pamumula ng kanyang pisngi. Medyo napalakas ang pagkakasampal sa kanya na hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang pagmamanhid. Samantalang sa labas ng kwarto ay pal
THREE HOURS AGO...Habang kumakain sina Shiela at Enzo ay dumating si Rolan."'Pa," anas ni Shiela saka mabilis na tumayo upang yakapin ang ama."Pasensya ka na at ngayon lang ako. Nagmadali talaga akong makabalik agad para sa'yo."Umiling sabay ngiti si Shiela. "Ayos lang po."Napatingin naman si Rolan kay Enzo at napakunot-noo. "Sino itong kasama mo, anak?"Pinakilala naman ni Shiela ang binata at gaya ng inimbento na kasinungalingan ay sinabi niyang magkaibigan silang dalawa.Tumayo si Enzo at saka nakipagkamay habang nagpapakilala. Kaya napakunot-noo si Rolan. "Kung hindi ako nagkakamali ay anak ka ni Michelle?""Tama ka po, Tito."Ang maaliwalas na ekspresyon sa mukha ni Rolan ay biglang naglaho saka tiningnan ang anak. "Ang sabi ni Evelyn ay may gusto ka raw sabihin sa'min?"Natigilan si Shiela at biglang kinabahan. Kung kanina ay medyo malakas pa ang loob niya na sabihin ang totoo ngayon naman na kaharap na niya ang Ama ay bigla siyang naduwag.Pero kung ipagpapaliban niya ang
NAGKATINGINAN sa isa't isa sina Shiela at Enzo matapos marinig ang boses ni Chris sa kabilang linya. Kaya mabilis na hinablot ni Shiela ang phone saka in-end ang call.Hindi niya pwedeng sagutin ang asawa lalo at may kasama siya. Hindi niya pwedeng sabihin kung sino si Enzo dahil hindi naman niya ito kaibigan, paniguradong mabubuko ang pagsisinungaling nila kay Evelyn kapag sinagot niya ang tawag ni Chris.Kaya nagmessage na lang siya sa asawa.Shiela: Lowbatt ang phone kaya in-end ko ang call.Lame excuse pero iyon na lang ang pumasok sa isip niya ng mga oras na iyon. Ilang sandali pa ay nagreply ito.Chris: Sino 'yung sumagot?"Asawa mo?" bulong ni Enzo malapit sa tenga nito.Marahan niya itong tinulak nang maramdaman ang hininga nitong tumatama sa kanyang mukha. "'Wag ka ngang dikit nang dikit," ani Shiela saka nireplyan ang asawa.Shiela: Nahulog ko ang phone, may nakapulot lang."Grabe," komento ni Enzo matapos makita ang reply nito. "Pa'no kung malaman niya?"Naging matalim ang
NANLAKI ang mga mata ni Shiela sa sinabi nito. "B-Ba-Bakit ka naman sasama sa'kin?" nauutal niyang tanong."As you can see, wala akong dalang bag, kahit anong gamit. Ang meron lang ako ay extra cash at ang cellphone. Buti na nga lang at hindi pa bina-block ang card ko kaya nakabili pa ng ticket," paliwanag naman ni Enzo."Pero kahit na, ba't sa'kin ka sasama?""Ikaw lang ang kilala ko.""Kung bumalik ka na lang kaya sa Manila para walang problema?"Umiling si Enzo saka nagpalinga-linga sa paligid, parang may kung anong hinahanap. "Paniguradong may nakaabang na sa'kin sa airport kaya hindi ako pwedeng bumalik agad sa City."Napangiwi si Shiela nang biglang ma-stress sa pinagsasasabi nito. "At ba't ka naman kasi tumakas tapos idadamay mo pa 'ko sa kalokohan mo?"Biglang sumeryoso ang ekspresyon ni Enzo at sumandal sa kinauupuan. "Gusto ni Mommy na i-meet ko 'yung babaeng natitipuhan niya sa'kin.""You mean...?""Hindi naman siguro bago sa'yo ang arrange-marriage, 'di ba? Kayo ba ng asaw
HABANG pinag-iisipan ni Sheilla kung lulusong na lang ba o maghihintay na tumila ang ulan ay napansin niya ang isang taong papalapit habang may hawak na payong.Nang malapit na ay saka lang niya ito nakilala."Shiella, tara, sumabay ka na sa'kin. Ihahatid na kita sa inyo.""Sir? Ba't nandito pa kayo? 'Di po ba'y kanina pa kayo umalis?""Na-flat-an ako, tara, sumabay ka na at pauwi na rin ako. Mukha pa naman na hindi agad titigil 'tong ulan."Ngumiti si Sheilla. "Salamat po, Sir. Buti na lang talaga at nandito pa kayo kung hindi ay baka hindi na 'ko makauwi."Mabilis ang lakad ng dalawa patungo sa sasakyan. Pagsakay ay pinagpagan nila ang sariling damit na bahagyang nabasa."Mag-seatbelt ka at magmamaneho na ko," ani Chris."At iyon naman ang ginawa ni Sheilla. Matapos ay nagmaneho na ito paalis sa lugar ngunit inabot sila ng halos isang oras sa daan makarating lang sa kanila.Hiyang-hiya si Sheilla na nasayang ang oras ni Chris kaya inalok niya itong pumasok muna sa loob ng kainan par
TINAKPAN ni Shiela ang sariling bibig upang mapigilan ang matawa nang husto dahil sa sinabi nito. "Hindi pwede, baka madamay ka na sa galit ni Lolo."Tumango naman si Louie saka makailang beses hinaplos ang buhok nito. "Kung 'yan ang gusto mo--" Tapos ay tumingin sa likod ni Shiela. "Mr. Moreno, ayos lang ba kayo?" aniya kay Mario.Napalingon naman si Shiela sa Abuelo. Sobrang sama na talaga ng tingin nito na nagbigay kaba sa kanya."Alis na 'ko," bulong muli ni Louie saka tumayo sa kinauupuan. "Babalik na 'ko sa table. Sana'y makapag-usap pa tayo sa susunod... Mr. Moreno." Saka bahagyang yumukod at bumalik sa dating puwesto."Napakahambog," inis na saad ni Mario pero si Shiela ang nakarinig dahil sila lang ang magkatabi.Nagawi ang tingin niya sa mga bisitang kasama sa table na iyon. Naroon ang kakaibang tingin at bulungan, halatang siya at si Louie ang pinag-uusapan.Hanggang sa may nagtanong na nga kung anong relasyon meron sila.Bago sumagot ay napansin pa ni Shiela ang tingin ng
PINAGHILA si Shiela ng upuan at pagkatapos ay naupo naman sa kanyang tabi si Enzo saka nagtanong, "Ngayon ka lang ba naka-attend sa ganitong event?" bakas ang sigla sa tono ng boses.Tumango si Shiela bilang sagot at hindi na nagsalita sa pag-aakalang doon na matatapos ang usapan pero makuwento si Enzo. Kung saan-saan na nakakarating hanggang sa..."May boyfriend ka na ba?"Nanlaki ang mga mata ni Shiela sa tanong nito. "B-Ba't mo tinatanong?" aniyang ayaw naman mag-assume ng kung ano-ano.Ngunit hindi rin nakatulong ang tugon ni Enzo. Nagkibit-balikat lang kasi ito saka ngumisi na tila may nakakatuwa sa kanyang sinabi.Walang direktang sagot kaya hindi niya tuloy mahulaan kung anong nasa isip nito."Wala akong boyfriend pero may asawa na ko't anak," pahabol na lamang ni Shiela upang tuluyang matuldukan ang kung ano mang klaseng interes ang nakikita nito sa kanya.Pero sa halip na makitaan ng pagkadismaya ay nagtaka lang ito. "Wow, ang aga mo palang nag-asawa."Nang makita ni Shiela a
NAPATINGIN si Chris sa kamay nitong nasa kanyang braso. Hanggang sa unti-unti niyang inangat ang tingin sa mukha ni Sheilla.Ang ngiti naman ng dalaga ay naglaho at pareho silang nagkatitigan."Ang kamay mo," ani Chris.Sa narinig ay parang napasong inilayo ni Sheilla ang kamay. "S-Sorry po," paghingi pa niya ng paumanhin. "Hindi ko po sinasadya, Sir.""Ayos lang," saad ni Chris saka tumayo sa kinauupuan. "Hindi mo na 'ko kailangan pang ihatid sa labas. Kaya ko na."Umiling si Sheilla. "Sa labas lang naman. Tara na po, ihahatid ko na kayo sa kotse niyo."Wala na rin nagawa si Chris sa pagpupumilit nito at pinauna na niyang maglakad.Pero habang pinapanuod ang likod nito ay napapansin niyang hindi maayos ang paglalakad ng dalaga. Para itong susuray-suray."Ayos ka lang ba, Sheilla?"Lumingon ito na muntik nang ikatumba. Mabilis naman nilapitan ni Chris at inalalayan.Natawa si Sheilla dahil sa kalampahan. "S-Sorry po, Sir.""Ang mas mabuti pa ay bumalik ka na sa loob at lasing ka na pa
PANIBAGONG araw na naman ang dumaan. Naka-ready na si Shiela para muling pumunta sa Cruz mansion.Bumaba siya upang kumain ng almusal nang matigilan matapos makita ang Abuelo na nakaupo sa hapagkainan. Buong akala niya ay umalis na ito dahil iyon naman talaga ang madalas na nangyayari. Napaatras tuloy siya dahil hindi niya ito gustong makasabay sa pagkain."Sa'n ka pupunta?" ani Mario matapos mapansin ang unti-unting pag-atras ng apo habang siya ay nagbabasa ng balita sa hawak na tablet."M-May naiwan lang ako sa taas," pagsisinungaling pa ni Shiela."Maupo ka, saluhan mo 'kong kumain ngayon at may sasabihin ako sa'yo."Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Shiela saka naupo malapit sa puwesto ng matanda."Hindi ko nasabi sa'yo dahil palagi kang wala pero may pupuntahan tayong event sa makalawa. Naka-ready na lahat kaya wala ka ng dapat pang alalahanin sa susuotin.""Ba't ngayon niyo lang po ito sinasabi sa'kin?"Isang seryosong tingin lang ang pinukol ni Mario sa apo. "Dahil biglaa
NANG una ay natigilan si Shiela hanggang sa mapakunot-noo. "Anong pinagsasasabi ninyo? Hindi 'to ang pinag-usapan natin!" kasabay ng pagtaas ng boses ay ang biglaan niyang paglayo."Huminahon ka muna," ani Mario."Pa'no ako hihinahon kung ganito ang ginagawa mo? Iniwan ko ang pamilya ko dahil sa mga banta mo tapos ngayon ay ganito naman?! Sumusobra ka na!"Biglang binagsak ni Mario ang hawak na baston na ikinagulat ni Shiela maging ni Castro."Senior, huminahon po kayo. Ang mas mabuti pa ay sa susunod na lamang natin 'to pag-usapan," saad ng lawyer saka niligpit ang mga dokumento sa center-table. Pagkatapos ay yumukod bilang pamamaalam. "Babalik na lang ako sa susunod, Senior." Saka ito tuluyang umalis.Nang maiwan ang dalawa ay tiningnan nang masama ni Shiela ang Abuelo. "Gusto ko ng paliwanag kung ba't mo 'to ginagawa."Tumayo sa kinauupuan si Mario at mataman itong tinitigan sa mga mata. "Bilang aking apo. Ayokong madungisan ang pangalan natin kaya inaalis ko sa buhay mo ang mga ba