HINDI na nabigla si Michael nang makita si Zia. Kung tutuusin ay natutuwa pa nga siyang makita ito.Humagod ang tingin niya sa suot na damit nito na kahit simple ay bagay naman, angat pa rin ang ganda. Pero mas excited siya mamaya sa banquet dahil paniguradong mag-aayos si Zia.Nang tuluyang makababa sa hagdan ay nilapitan niya ang dalawang babae. “Ang ganda ng suot mo, Zia bagay sa’yo,” puri pa ni Michael na hindi maiwasang mabighani sa ganda nito lalo na sa malapitan.Kahit halos gabi-gabi niya itong nakikita sa Lopez hotel ay hindi siya nauumay na pagmasdan si Zia. Hindi na normal itong nararamdaman, ngunit alam niyang hindi magtatagal at mawawalan din siya ng interes.“Naku, Zia ipapakilala sana kita rito sa pamangkin ng asawa ko. Mabuti na lang at magkakilala na pala kayo,” ani Mrs. Lim.“Magkaibigan po sila ni Louie,” wika naman ni Zia.“Kaya naman pala—Teka, sandali lang, Hija. Maiwan ko muna kayong dalawa at mukhang may problema ro’n," biglang paalam ni Mrs. Lim nang mapansin
DALAWANG KATAWAN ang magkadikit sa isa’t isa. Iyon ang nangyayari ngayon sa mag-asawa habang nasa loob ng dressing room.Mas lalo pa ngang nangahas si Louie na ipadama ang pagkalalake nang mapansin ang reaksyon nito.Dahil itanggi man ni Zia ay hindi maikakaila sa ekspresyon na naapektuhan siya sa ginagawa ni Louie. “A-Akala ko ba ay importante sa'yo ang banquet na 'to? Malapit nang mag-umpisa ang celebration, baka ma-late tayo,” ani Zia sa kabila ng init na nararamdaman.Tila natauhan naman si Louie at bahagyang lumayo. “Sayang naman,” aniya saka tuluyang lumabas sa fitting room. Bumalik sa sofa na parang walang nangyari.Nang makapili na si Zia ng dress. Blue one-shoulder na bagay naman sa kanya ay saka siya inayusan sa buhok maging sa make-up. Pagkatapos ay nagbayad si Louie saka sila umalis sa lugar.Sumakay sa kotse at pinaandar papunta sa venue ng banquet party. Eksaktong alas-siyete ng gabi ay dumating sila. Unang lumabas si Louie para pagbuksan ng pinto si Zia. Nakalahad pa ng
PAGBALIK ni Zia ay hindi na maipinta ang ekspresyon na napuna naman ni Louie. Ibinaba niya ang hawak na wine glass at nilapitan ito. “What’s the problem? Masama ba’ng pakiramdam mo? Gusto mong umuwi?” sunod-sunod na tanong ni Louie. Tumango ito kaya saglit siyang umalis para personal na makapagpaalam sa mag-asawang Lim. Matapos ay sabay silang umalis sa venue at nagtungo sa kotse. Pagkasakay sa driver seat ay hinubad niya ang suot na coat para ipantakip sa hita ni Zia habang nakangiti, “Nagustuhan ni CEO Lim ang proposal at gustong makipag-partnership dahil na rin sa influence na ibinigay mo sa asawa niya.” Tumango lang si Zia bilang tugon dahil nararamdaman na niya ang pagod sa maghapong pagtulong sa party. Saglit na nagtagal ang titig ni Louie. Hindi akalain na ng dahil kay Zia ay magiging matagumpay ang plano niya para sa Lim corporation. Ang tingin lang kasi niya dati ay asawang walang kakayahan maliban sa usaping roman
HABANG naghuhugas ng pinagkainan ay biglang tumayo si Louie para yumakap mula sa likod. Idinantay pa nga ang ulo sa balikat ni Zia habang dinadampian ng halik sa tenga. Nakiliti si Zia at nanghina ang tuhod kaya natigilan sa paghuhugas. “A-Ano ba, ‘wag kang magulo,” saway niya kay Louie. “Akala ko ba’y pagkain lang ang sadya mo rito, kaya anong ginagawa mo ngayon?” Pero sa halip na lumayo ay mas hinigpitan pang lalo ni Louie ang yakap at saka bumulong, “Zia, bumalik ka na,” aniya sa pinakamalambing na tonong magagawa. Biglang natigilan si Zia. Ito kasi ang unang beses na nagsalita si Louie na hindi tunog nag-uutos. Malambing at talagang bibigay ang sino man makakarinig ngunit hindi siya pwedeng maging marupok. Kailangan niyang alalahanin ang mga pinagdaanang sakit sa loob ng apat na taong pagsasama. Matagal natahimik si Zia kaya gumalaw muli si Louie at hinalikan ito sa buhok. “H
SIMPLE LANG ang gusto ni Zia. Ang gumaling ang ama, makalaya si Chris at muling makaahon sa hirap ang kanyang pamilya.Pero siyempre hindi ganoon kadali makuha ang mga ninanais. Hindi pa siya pinapaburan ng panahon ngayon.Hindi pa lalo na at ayaw pa rin siyang pakawalan ni Louie. Magkaganoon man ay tuloy pa rin ang buhay at hindi na masiyadong iniisip ang mga problema.Hanggang isang gabi, sa Lopez hotel habang nagtatrabaho ay bigla siyang nilapitan ni Austin. “Tumawag si Lindsay at gusto kang makausap, urgent daw.”Pagkabigay ng cellphone ay nahimigan ni Zia na tila nagmamadali ito. “Hello, Lindsay, ba’t ka napatawag?”“Zia! Nandito ako ngayon sa ospital at nagkakagulo! Nasaktan ni tita Maricar si Bea, pumuntah ka na rito sa canteen, dali!”Maingay ang background at kahit naguguluhan ay agad namang tumakbo si Zia palabas ng hotel. Sumunod si Austin at nag-alok na ihahatid siya.Ilang minuto ang dumaan bago makarating s
SA OSPITAL, kasama ang ama ay inilihim ni Zia ang nangyari kay Maricar. Nagdahilan siya na masama ang pakiramdam nito kaya pinagpahinga niya muna sa apartment at siya na lamang pansamantala ang magbabantay. “’Wag mo na akong alalahanin dito, anak. May mga Nurse naman na tumitingin sa’kin kaya umuwi ka na lang at magpahinga,” ani Arturo. Umiling-iling naman si Zia habang hinahaplos ang kamay nito. Nalulungkot siya sa nangyayari ngayon. Paano niya gagawan ng paraan na mailabas si Maricar gayong sinampahan ito ng physical injury ng magulang ni Bea. Paniguradong magtatagal ito sa kulungan dahil wala silang pampiyansa. Ilang minuto ang lumipas nang tuluyang makatulog si Arturo. Doon lang nagkaroon ng pagkakataon si Zia na hawiin ang buhok na tumatabing sa isang bahagi ng kanyang mukha. Natatakot siyang mapansin ng ama ang pamumula ng kanyang pisngi. Medyo napalakas ang pagkakasampal sa kanya na hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang pagmamanhid. Samantalang sa labas ng kwarto ay pal
NAPASINGHAP si Zia sa mapangahas nitong ginawa. Buong akala nga ay talagang huhubaran siya ngunit hindi nito tinuloy. Hanggang sa bigla na lang siyang niyakap ni Louie mula sa likod at itinulak sa glass-window. Lapat na lapat ang harapan niya sa bintana. Kinabahan siya dahil kitang-kita niya ang ibaba. Baka biglang mabasag at mahulog siya. Ikinatakot niya rin na baka may makakita sa kanya na ganoon ang ayos sa katabing building. “Louie!” hiyaw niya sa sobrang takot. “I just want to clarify na ino-offer mo ‘tong katawan mo sa’kin kapalit ng paglaya ng step-mom mo, right?” bulong ni Louie na nakuha pang halikan sa tenga at leeg si Zia. “Pero ilang beses ko nang natikman at ginamit ang katawan mo. Anong benefits ang makukuha ko sa katawang gamit na gamit na? Gusto mo talagang magpakababa ng ganito pero ayaw mo namang bumalik sa’kin na mas convenient para sa’yo?” Mas dumiin ang yakap ni Louie sa puntong ramdam na ni Zia mula sa likod ang pagkalalake nito. At nilalamukos pa ang isang u
SHE felt helpless. Pakiramdam ni Zia ay isa siyang mababang-uri ng babae. Iyon ang ipinaparamdam ngayon sa kanya ni Louie dahil sa ginagawa nito. Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kayang respetuhin. Walang pinagkaiba sa mga babaeng bayaran. Na kahit anong pakiusap ay naging bingi si Louie na patuloy siyang hinahalikan at hinahawakan sa iba’t ibang parte ng katawan kahit anong tutol niya. Tumigil saglit si Louie dahil sa pagpupumiglas ni Zia. Nairita siya at tuluyang hinawakan ang buhok nito sabay pinaharap ang mukha para mahalikan sa pisngi. Nagpumiglas naman si Zia hanggang sa mahagip ng mata ang fruit-knife na nasa side-table. Pilit niyang inaabot ngunit hindi niya mahawakan nang maayos hanggang sa malaglag sa sahig. Desperada na siya ng mga sandaling iyon. Kapag hinayaan niya si Louie na gawin ang gusto nito ay para na rin niyang sinabing babalik siya sa dating buhay bilang asawa nito. Buhay reyna sa mata ng iba ngunit mas masahol pa sa katulong ang pagtrato. Aya
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha
BIGLANG nagmanhid ang katawan ni Shiela. Sinasabi ng utak niya na wala na ang kapatid na si Tanya pero... hindi niya maramdaman.Parang nawalan siya ng emosyon habang pinapakinggan ang iyak ni Evelyn sa kabilang linya."K-Kailan po siya namatay, Tita?" iyon lang ang lumabas sa bibig niya sa halip na makisimpatya."Kanina lang, mag-iisang oras na ang lumipas," ani Evelyn na halos hindi na makapagsalita dahil sa labis na pag-iyak.Nagbaba lang ng tingin si Shiela. Talagang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang lahat. "Si Papa po?""Nasa morgue, ako lang ang lumabas dahil hindi ko kayang makita si Tanya na wala ng buhay."Kusa na lamang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela kahit hindi naman siya naiiyak. Parang doon lang tuluyang nagsink-in sa kanya ang lahat.Matapos ay isang mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa ibaba na ni Evelyn ang tawag dahil iyak na lamang ito ng iyak.Si Shiela naman sa kabilang dako ay natulala na hanggang sa lumapit si Archie."Mama!" Nagpapap
HINDI naging madali para kay Chris na makausap si Mario. Kahit may tulong ni Louie ay parang binabalewala lang siya ng kampo nito. Constantly siyang nagpapadala ng mensahe mula sa secretary ng matanda pero ang daming dahilan. Kahit naresolba na ang problema sa negosyo dahil na rin sa tulong ng bayaw ay ramdam pa rin niya ang impact sa nangyari. Ngayon, panibagong araw na naman ang dumating. Muli niyang susubukan na makipag-usap sa matanda. "Good morning," bulong ni Shiela. Nasa kama pa si Chris habang yakap ang asawa. Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata. "Good morning, kanina ka pa ba gising?" Umiling si Shiela saka mas lalong siniksik ang katawan sa asawa, gustong-gusto niyang inaamoy ito sa umaga. "Ngayon-ngayon lang." Ilang sandali pa ay lumayo siya para bumangon na sa kama at kailangan niya pang ihanda ang pampaligo nito maging susuotin sa trabaho. Pagkatapos ay sunod niyang aasikasuhin ang anak. Pero hindi siya pinakawalan ni Chris at niyakap nang mahigpit.
NAGKATINGINAN sina Evelyn at Rolan sa isa't isa at pareho rin nagkaintindihan."B-Ba't hindi muna kayo maupo, 'Pa," ani Evelyn sa biyenan at aalalayan pa sana ito patungo sa sofa nang iniwas ni Mario ang kamay."Sa tingin niyo ba ay maloloko niyo 'ko?"Muling nagkatinginan ang mag-asawa. "A-Anong ibig niyong sabihin, 'Pa?" si Rolan na may kabang nararamdaman.Naging matalim ang tingin ni Mario sa anak. "Hindi ako umabot ng ganito katanda sa mundong 'to habang nagpapatakbo ng malaking kompanya para mauto sa pinaggagagawa niyo. Matagal ko nang alam na 'yung babae kanina ang anak mo sa labas."Kinabahan si Rolan sa sinabi nito at maging si Evelyn ay ganoon din."A-Alam niyo? Kung gano'n ay ba't parang wala lang sa--""'Wag kang mag-isip nang kung ano-ano. Hinayaan ko lamang silang umalis dahil ayoko nang eskandalo. Sa oras na magkagulo ay baka maapektuhan pa ang reputasyon ko," ani Mario."Pakiusap, 'Pa, 'wag mo siyang sasaktan. Anak ko siya't apo mo."Mas lalong tumalim ang tingin ni Ma
NAGMULAT ng mata si Shiela. Una niyang nakita ang bukas na bintana. Ang ganda ng panahon, maulap at asul na asul ang kalangitan.Hanggang sa bigla na lamang niyang naalala ang nangyari. Kumirot ang ulo niya at agad nasapo ang noo."Mabuti at gising ka na."Nang marinig ang boses ni Evelyn ay bigla na lamang siyang napalingon at nahintakutan."Huminahon ka lang, Shiela. Hindi ka namin sasaktan."Bagama't nanunuyo ang lalamunan ay nagsalita siya, "Alam ko nang plano niyo sa'kin, sinabi nang lahat ni Tanya."Bakas ang lungkot sa mukha ni Evelyn. Si Claire naman ay lumapit saka nagsalin ng tubig sa baso. Matapos ay ibinigay kay Shiela."Uminom ka muna. 'Wag kang mag-alala, wala kaming nilagay na kahit ano sa inumin mo."Ngunit puno ng pagdududa si Shiela. "S-Si Tanya? Sa'n niyo dinala ang kapatid ko?" Saka nilibot ang paningin sa paligid."Pina-CT scan ni Rolan," ani Evelyn. "Pwede bang makinig ka muna sa sasabihin namin, bago ka humusga?" Matapos ay naiyak na lamang si Evelyn.Lumuluha n