MARAHANG naupo sa kama si Zia nang isara ni Louie ang pinto matapos makuha ang pagkaing inutos nito sa secretary.Pinanuod niya si Louie habang inaalis ang takip ng round transparent container. Porridge ang binili ni Alice para sa kanya habang morning breakfast naman ang kay Louie. Matapos ay kumuha rin ng inumin at nilagay sa bed tray.“Ayoko,” ani Zia.Natigilan naman si Louie at napatingin sa kanya. “Ayaw mo nitong pagkain?”“Ayoko nitong ginagawa mo, Louie. Hindi ikaw ito at kahit magbago ka pa’y hinding-hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Napagod na ang puso kong mahalin ka.”“Ayos lang, hindi na mahalaga kung anong nararamdaman mo sa’kin. Wala akong pakialam dahil sa panahon ngayon, inconvenience ng matatawag ang pagmamahal. Hindi ka bubuhayin at mapapalamon lalong-lalo na sa kinakaharap mong problema.”Iyon ang paniniwala ni Louie. Ang isang gaya niyang businessman ay hindi naniniwala sa pag-ibig. Sa mundong ginagalawan niya ay ito lang ang mahalaga; kasikatan, yaman at kapa
ALAS-SIYETE ng umaga nang matapos si Louie sa pag-handle ng problema sa kompanya at kasalukuyang nililigpit ang ilang dokumento sa long-table.Mabigat na ang talukap ng mata ngunit kailangan niyang manatiling gising kahit pa wala siyang tulog. Kinailangan niya kasing asikasuhin ang lahat para sa magaganap na urgent meeting.Maging si Alice ay wala ring tulog ngunit hindi naman halata sa itsura dahil na rin sa make-up. Gusto ngang mag-retouch ulit kung hindi lang dahil sa ilang executives na hindi pa umaalis sa conference room.Ang iba nga ay tila gustong kausapin si Louie ngunit wala namang nangahas. Napansin iyon ni Alice at gustong magmukhang malapit kay Louie kaya bahagyang lumapit sabay bulong, “Sir, gusto niyo po bang kumain muna? Io-order ko kayo ng pagkain. Gusto niyo ba ang fruit crisp with hibiscus powder, paborito niyo ‘yun, ‘di ba?” ani Alice na sumusulyap-sulyap pa sa mga executive para siguruhing nanunuod ang mga ito.Napakunot-noo naman si Louie. Hindi siya mahilig sa ma
BUMALIK sa bahay si Louie. Nabigla pa nga at aligagang sumalubong ang ilang katulong na hindi inaasahan ang pag-uwi ng amo. Inakala pang galing sa business trip.Paghinto ng kotse sa entrance ay lumapit ang isang katulong para pagbuksan siya ng pinto. “Welcome back po, Sir,” anito.Tumango lang si Louie at nagtanong kung may pagkain na ba sa kusina. Hindi siya nakakain ng almusal dahil sa kagustuhang makabalik sa ospital. Ngunit hindi rin naging maganda ang kinalabasan ng pag-uusap nila ni Zia kaya nagpasiya na lamang siyang umuwi.Nataranta naman ang katulong sa tanong. “N-Naghahanda pa lang po magluto ng tanghalian. Sasabihan ko po kaagad ang cook na magluto kaagad.”“’Yung madalian lang at gutom na ‘ko,” ani Louie. Hindi na nakuhang magreklamo.“Okay po, Sir,” tugon nito saka nagmamadaling pumasok sa loob. Sumunod naman ang natitirang katulong para balikan ang trabaho.Tumuloy na rin sa loob si Louie at pumanhik sa itaas. Pagpasok sa kwarto ay awtomatiko siyang napatingin sa weddin
MAG-ISA sa living area si Louie ng mga oras na iyon. Nakatulala at malalim ang iniisip.Hanggang sa naisipan tawagan si Alice, “Call, Lawyer Ocampo. Papuntahin mo rito sa bahay at sabihing dalhin ang divorce papers,” utos niya.Habang sa kabilang linya naman ay sandaling natigilan si Alice. Nabigla sa narinig at nagtanong, “A-Ano po ulit ‘yun, Sir? Divorce papers?”Ayaw ni Louie na inuulit ang nasabi na kaya binabaan niya ito ng tawag kay sa sumagot.Napakurap ng mata si Alice at ilang sandali pa ay napangiti. Hindi akalaing nagpasiya ng makipag-divorce si Louie.Sa wakas, dumating na ang pagkakataong pinakahihintay. Sa oras na maging opisyal ang paghihiwalay ng dalawa ay madali na lang para sa kanyang alisin sa landas si Bea. Dahil hindi hamak na mas lamang siya sa kahit na anong aspeto kumpara rito.Isa’t kalahating oras ang lumipas ay dumating sina Alice at Lawyer Ocampo. Dumiretso sa study room kung saan ay naghihintay si Louie.Kasunod ang isang katulong na may dalang inumin para
NAIIYAK sa inis si Zia at sinisisi ang sarili dahil nagpadala sa sariling emosyon kaya muli na namang napaglaruan ni Louie.Kagat-kagat niya ang ibabang labi nang makita ang tuwa sa mukha nito. Kung pwede nga lang niya itong abutin at suntukin ay ginawa na niya. Ngunit mas pinili na lamang niyang pumirmi sa kama at pinanggigilan ang kumot. Nang matigilan dahil sa naramdaman niyang kirot mula sa natamong sugat.Nang ibalik ang atensyon kay Louie ay papasok na ito sa banyo. Wala siyang ideya kung anong ginagawa nito sa loob hanggang sa mapansing tumatagal na ito.Paglabas ay halatang pinagpawisan saka basa ang mukha na tila galing lang sa paghihilamos.Kaduda-duda hanggang sa napatingin siya sa ibabang parte ng katawan nito. Doon ay nakumpirma niya ang ginawa ni Louie.Nagparaos ito sa loob ng banyo.Parang gustong mandiri ni Zia. Nakakapalan siya sa pagmumukha ni Louie. “Talagang sa ospital gumawa ng kababalaghan?” aniya pa.Pero binalewala lang siya nito at kumuha ng damit pamalit. Na
HALOS pairap na umiwas ng tingin si Zia saka bumalik sa kama. Naupo siya at sumandal sa head-board. Kinuha ang libro sa may side-table at nagbasa. Mayamaya pa ay nagsalita, “Kasama ba sa deal ang relasyon ninyo ni Bea? Kailangan ko ba muling magkunwari na walang alam?” Nang walang makuhang sagot kay Louie ay muli siyang nagpatuloy, “Ba’t hindi mo masagot ang tanong ko, nahihirapan ka? Mas mahirap kaysa mambabae? Kung sabagay, hindi nga pala tayo totoong mag-asawa. Hanggang sa papel nga lang pala.” Napakurap si Louie at ilang sandali pa ay natawa. Hindi akalain na may ganito palang ugali si Zia. Tuluyan siyang tumayo at lumapit dito. Una ay hinaplos ang pisngi hanggang sa pinaglaruan ang malambot nitong labi gamit ang daliri. “Hindi ko alam na may pagkapasmado pala ‘tong bibig mo. Kung ano-ano ang lumalabas.” Matalim namang tumingin si Zia bago iniwas ang mukha pero nagpatuloy ito sa paglapit. Sa kagustuhang makalayo ay dumausdos siya pahiga sa kama. Napangisi tuloy si Louie na ma
PASIMPLENG ngumiti si Joshua at sinabayan sa paglalakad si Louie. “Hindi naman masiyado, nakuha ko lang ang impormasyon sa internet. Isa kayong kilalang personalidad kaya hindi mahirap makakuha ng kaunting impormasyon tungkol sa inyo,” pahayag niya pa.“Louie, wait!”Napalingon si Joshua nang marinig ang boses na tumatawag. Ayon sa nakausap na secretary ay may gustong ipakilala si Louie na musician. Ngunit hindi naman niya akalaing may disability pala ang tinutukoy nito.Hindi sa hinahamak niya ang katulad ni Bea pero sa suot nitong damit ay talagang nagtaas-kilay siya.Nang makahabol ang dalawang babae ay agad naglahad ng kamay si Bea. “Nice to meet you po, teacher Samuel.” Sabay-sabay namang nawindang ang tatlo sa sinabi ni Bea. Kulang na nga lang ay tumawa si Alice.Sa paanong paraan nito inakala na ang lalakeng kaharap ay si Samuel?Napaghahalataan tuloy na hindi nito inaalam kung ano ang itsura ni Samuel para pagka
SAMANTALA, habang paalis na rin sila Louie ay biglang nagreklamo si Bea, “Hindi mo na dapat binigyan ng pera ang Samuel na ‘yun. Halata namang hindi niya ako kukunin bilang estudyante.” “Hindi pa nasisiguro kaya ‘wag kang mag-conclude agad,” pampalubag loob ni Louie habang tinitingnan ang oras sa suot na relo. Sa narinig ay nabuhayan naman si Bea. “T-Talaga?” aniyang tinanguan nito. Ilang sandali pa ay may humintong kotse na agad sinakyan ni Louie. Nagtaka si Bea at balak pa ngang sumunod ngunit piniligan ni Alice. “May pupuntahan pa si Sir Louie.” Nadismaya si Bea na hindi na matutuloy ang planong maiuwi ni Louie sa sariling bahay. Nakasimangot niyang pinagmasdan itong nagmaneho paalis sa lugar na hindi siya kasama. “Tara na’t nang makauwi,” ani Alice at tinulak ang wheelchair para magtungo sa sasakyan. Ngunit may panibago na namang kotse ang huminto at pagb
HINAYAAN ni Shiela na yakapin siya ni Chris. Ngunit nang may dumaan na motor ay mabilis pa siya sa alas-kuwatro na kumawala."Kailangan ko nang pumasok sa loob para makapagpahinga na," aniya.Humakbang naman si Chris at akma pang susunod nang lingunin niya. "Sorry pero, hindi ko gustong tumanggap ng kahit sinong bisita ngayon. Bumalik ka na lang sa Manila.""Pero, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"Napabuntong-hininga si Shiela. "Matagal ko nang tanggap na darating ang panahon na matutuon sa iba ang atensyon ni Archie. Na balang-araw ay maga-asawa ka ulit at magkakaroon siya ng step-mom."Seryosong nakatitig si Chris, hindi maproseso ng utak ang sinasabi nito. Hindi niya matanggap na susukuan na lamang ni Shiela ang lahat. "Naririnig mo bang sinasabi mo? Gusto mong mag-asawa ako't magkaroon ng ibang Ina si Archie?!""Anong masama ro'n? Basta maaalagaan nang maayos ang anak ko ay walang problema--""Shiela!" biglang taas ng boses ni Chris. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa iba, dahil
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy