HALOS pairap na umiwas ng tingin si Zia saka bumalik sa kama. Naupo siya at sumandal sa head-board. Kinuha ang libro sa may side-table at nagbasa. Mayamaya pa ay nagsalita, “Kasama ba sa deal ang relasyon ninyo ni Bea? Kailangan ko ba muling magkunwari na walang alam?” Nang walang makuhang sagot kay Louie ay muli siyang nagpatuloy, “Ba’t hindi mo masagot ang tanong ko, nahihirapan ka? Mas mahirap kaysa mambabae? Kung sabagay, hindi nga pala tayo totoong mag-asawa. Hanggang sa papel nga lang pala.” Napakurap si Louie at ilang sandali pa ay natawa. Hindi akalain na may ganito palang ugali si Zia. Tuluyan siyang tumayo at lumapit dito. Una ay hinaplos ang pisngi hanggang sa pinaglaruan ang malambot nitong labi gamit ang daliri. “Hindi ko alam na may pagkapasmado pala ‘tong bibig mo. Kung ano-ano ang lumalabas.” Matalim namang tumingin si Zia bago iniwas ang mukha pero nagpatuloy ito sa paglapit. Sa kagustuhang makalayo ay dumausdos siya pahiga sa kama. Napangisi tuloy si Louie na ma
PASIMPLENG ngumiti si Joshua at sinabayan sa paglalakad si Louie. “Hindi naman masiyado, nakuha ko lang ang impormasyon sa internet. Isa kayong kilalang personalidad kaya hindi mahirap makakuha ng kaunting impormasyon tungkol sa inyo,” pahayag niya pa.“Louie, wait!”Napalingon si Joshua nang marinig ang boses na tumatawag. Ayon sa nakausap na secretary ay may gustong ipakilala si Louie na musician. Ngunit hindi naman niya akalaing may disability pala ang tinutukoy nito.Hindi sa hinahamak niya ang katulad ni Bea pero sa suot nitong damit ay talagang nagtaas-kilay siya.Nang makahabol ang dalawang babae ay agad naglahad ng kamay si Bea. “Nice to meet you po, teacher Samuel.” Sabay-sabay namang nawindang ang tatlo sa sinabi ni Bea. Kulang na nga lang ay tumawa si Alice.Sa paanong paraan nito inakala na ang lalakeng kaharap ay si Samuel?Napaghahalataan tuloy na hindi nito inaalam kung ano ang itsura ni Samuel para pagka
SAMANTALA, habang paalis na rin sila Louie ay biglang nagreklamo si Bea, “Hindi mo na dapat binigyan ng pera ang Samuel na ‘yun. Halata namang hindi niya ako kukunin bilang estudyante.” “Hindi pa nasisiguro kaya ‘wag kang mag-conclude agad,” pampalubag loob ni Louie habang tinitingnan ang oras sa suot na relo. Sa narinig ay nabuhayan naman si Bea. “T-Talaga?” aniyang tinanguan nito. Ilang sandali pa ay may humintong kotse na agad sinakyan ni Louie. Nagtaka si Bea at balak pa ngang sumunod ngunit piniligan ni Alice. “May pupuntahan pa si Sir Louie.” Nadismaya si Bea na hindi na matutuloy ang planong maiuwi ni Louie sa sariling bahay. Nakasimangot niyang pinagmasdan itong nagmaneho paalis sa lugar na hindi siya kasama. “Tara na’t nang makauwi,” ani Alice at tinulak ang wheelchair para magtungo sa sasakyan. Ngunit may panibago na namang kotse ang huminto at pagb
BAGO pa makapagreklamo si Zia ay mabilis na siyang hinila sa braso dahilan kaya napaupo sa kandungan nito. At mapatili sa pag-aakalang naupuan na ang hitang kailangan gamutin. Mabuti na lang at iyong kabila pala. “B-Bitawan mo nga ako,” aniya at nagpumiglas. Ngunit yumakap si Louie sa bewang para lalong mapalapit ang katawan nila sa isa’t isa dahilan kaya hindi na gumalaw si Zia. Mas lalo pa siyang natuwa nang nasisilip na niya ang loob ng maluwag na hospital dress nito. Biglang natuyot ang lalamunan niya habang nakatingin sa malulusog na dibdib ng asawa. “’Wag kang malikot, lagyan mo lang ng gamot ang hita ko,” ani Louie sa namamaos na boses. Hindi na pumalag si Zia at kinuha ang medicine cream para pahiran ang hita nito. Dahan-dahan at maingat na kulang na lang ay huwag idampi ang daliri sa balat. “Nakapagdesisyon ka na ba?” tanong ni Louie. Natigilan sa ginagawa si Zia pero hi
ISINUOT ni Louie ang wedding ring sa daliri ng asawa na nagtangka pang bawiin ang sariling kamay.Kaya nag-angat siya ng tingin sa mukha nito. At mayamaya pa ay hinayaan siyang maisuot sa daliri nito ang singsing.Matapos ay napangiti si Louie ng sabihin ang, “Welcome back, Zia.”Bumigat naman ang pakiramdam ni Zia sa narinig. Ngayong nagbalik na at ibinenta ang sariling kalayaan kay Louie ay sisiguruhin niyang mas magiging matatag. Kailangan niyang maging matapang kahit na anong mangyari. Hindi siya pwedeng maging mahina.Pagkatapos ay hindi rin nagtagal si Louie at nagpaalam na babalik na lamang kinabukasan.Ngunit hindi naman ito nagpakita at sa halip ay si Mia Torres ang bumisita sa ospital na may dalang dokumento.Nagpakilala muna bago sabihin ang pakay, “Inutusan ako rito ni Mr. Rodriguez para sa lawsuits ni Mr. Cruz,” ani Mia. “The other document ay para sa paglilipat ng shares.”Tumango naman si Zia at inanyayaha
NATIGILAN si Zia sa ginawang pagyakap nito. Hindi sanay na tila malambing ito sa kanya kaya bahagyang lumayo. “Oo, hinatid ko siya kanina sa labas ng ospital,” sagot niya at muling nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.Ngunit ayaw siyang tigilan ni Louie na unti-unti ng lumilikot ang kamay. Humahaplos ang kanyang tiyan pataas.Kaya pasimple siyang napabuntong-hininga. Nasanay na sa gawaing ito ni Louie na kung saan-saang parte ng katawan niya humahaplos kapag napag-iisa silang dalawa. Kaya hinayaan na lamang niya at mayamaya pa ay kusa rin itong tumigil.“Ano namang pinag-usapan niyo?” tanong nito.“Iyong paglilipat ng shares under my name saka ‘yung lawsuit ni Kuya,” tugon ni Zia.Tumango-tango naman si Louie pero hindi iyon ang gustong marinig. Ang gusto niyang malaman ay ang tungkol kay Michael at kung ano pa ang pinag-usapan ng mga ito na hindi niya naabutan.Nagtagal nga ang titig niya sa asawa habang iniisip kung sinadya ba nit
KINAGABIHAN ay sinundo si Zia ng driver mula sa apartment. Nasa loob ng kotse si Louie kaya medyo nag-alangan pa siyang tumabi.Tahimik lang silang dalawa hanggang sa marating ang bahay. Matagal pinagmasdan ni Zia ang bahay dahil aminin man o hindi ay namiss niya ang lugar maging ang mga kasambahay na ilang taong nakasama.Paghinto ng kotse sa entrance ay inutusan ni Louie ang driver na lumabas. Pagkaalis ay bigla na lamang siyang sinunggaban nito ng halik sa leeg.Sa gulat ay napatili si Zia, “Louie, ano ba!”Pero hindi ito natinag at mas lalo siyang idiniin sa kinauupuan. “Don’t shout, ayokong isipin ng mga tao sa loob na sinasaktan kita. Okay ba sa’yo ang gano’n o baka gusto mo ‘yung nagpapanggap tayong sweet sa harap ng iba?”“Talaga bang sa’kin mo itatanong 'yan? Ano pa bang gusto mong mangyari?” ani Zia sabay tulak.Napangisi naman si Louie. “Gusto mong malaman? Sasabihin ko sa’yo mamaya,” aniya at saka lumabas ng sasakyan.
PABAGSAK na nahiga sa kama si Louie habang hinihingal at tagaktak ang pawis sa katawan. Nakangiti dahil ngayon na lamang muling napasabak. Ilang linggo siyang walang s*x kaya talagang sinulit niya ang oras at nakatatlo pang sunud-sunod na round.Sa kanyang tabi ay si Zia na hinihingal din at pinagpapawisan. Inabot niya ito at niyakap sa kabila ng pawisan at nanlalagkit nilang katawan.Ganoon sila ng ilang minuto hanggang sa naging normal ang kanilang paghinga. Mayamaya pa ay nagpasiya si Zia na lumayo at bumangon sa kama. Hindi na nag-abalang takpan ang sariling kahubdan.Ngunit hindi siya hinayaan ni Louie na makalayo at nakuha pang yakapin sa bewang. “What’s wrong?” anito.“Kukunin ang pills,” sagot niya. Matapos ay sinuklay sa pamamagitan ng kamay ang magulo at mahabang buhok. “Hindi ka gumamit ng cond*m kaya kailangan kong uminom ngayon.”Bahagya namang natigilan si Louie. Oo, utos niya at laging pinapaalalahanan si Zia sa pag-inom ng
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha
BIGLANG nagmanhid ang katawan ni Shiela. Sinasabi ng utak niya na wala na ang kapatid na si Tanya pero... hindi niya maramdaman.Parang nawalan siya ng emosyon habang pinapakinggan ang iyak ni Evelyn sa kabilang linya."K-Kailan po siya namatay, Tita?" iyon lang ang lumabas sa bibig niya sa halip na makisimpatya."Kanina lang, mag-iisang oras na ang lumipas," ani Evelyn na halos hindi na makapagsalita dahil sa labis na pag-iyak.Nagbaba lang ng tingin si Shiela. Talagang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang lahat. "Si Papa po?""Nasa morgue, ako lang ang lumabas dahil hindi ko kayang makita si Tanya na wala ng buhay."Kusa na lamang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela kahit hindi naman siya naiiyak. Parang doon lang tuluyang nagsink-in sa kanya ang lahat.Matapos ay isang mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa ibaba na ni Evelyn ang tawag dahil iyak na lamang ito ng iyak.Si Shiela naman sa kabilang dako ay natulala na hanggang sa lumapit si Archie."Mama!" Nagpapap
HINDI naging madali para kay Chris na makausap si Mario. Kahit may tulong ni Louie ay parang binabalewala lang siya ng kampo nito. Constantly siyang nagpapadala ng mensahe mula sa secretary ng matanda pero ang daming dahilan. Kahit naresolba na ang problema sa negosyo dahil na rin sa tulong ng bayaw ay ramdam pa rin niya ang impact sa nangyari. Ngayon, panibagong araw na naman ang dumating. Muli niyang susubukan na makipag-usap sa matanda. "Good morning," bulong ni Shiela. Nasa kama pa si Chris habang yakap ang asawa. Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata. "Good morning, kanina ka pa ba gising?" Umiling si Shiela saka mas lalong siniksik ang katawan sa asawa, gustong-gusto niyang inaamoy ito sa umaga. "Ngayon-ngayon lang." Ilang sandali pa ay lumayo siya para bumangon na sa kama at kailangan niya pang ihanda ang pampaligo nito maging susuotin sa trabaho. Pagkatapos ay sunod niyang aasikasuhin ang anak. Pero hindi siya pinakawalan ni Chris at niyakap nang mahigpit.