NATIGILAN si Zia sa ginawang pagyakap nito. Hindi sanay na tila malambing ito sa kanya kaya bahagyang lumayo. “Oo, hinatid ko siya kanina sa labas ng ospital,” sagot niya at muling nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.
Ngunit ayaw siyang tigilan ni Louie na unti-unti ng lumilikot ang kamay. Humahaplos ang kanyang tiyan pataas.Kaya pasimple siyang napabuntong-hininga. Nasanay na sa gawaing ito ni Louie na kung saan-saang parte ng katawan niya humahaplos kapag napag-iisa silang dalawa. Kaya hinayaan na lamang niya at mayamaya pa ay kusa rin itong tumigil.“Ano namang pinag-usapan niyo?” tanong nito.“Iyong paglilipat ng shares under my name saka ‘yung lawsuit ni Kuya,” tugon ni Zia.Tumango-tango naman si Louie pero hindi iyon ang gustong marinig. Ang gusto niyang malaman ay ang tungkol kay Michael at kung ano pa ang pinag-usapan ng mga ito na hindi niya naabutan.Nagtagal nga ang titig niya sa asawa habang iniisip kung sinadya ba nitKINAGABIHAN ay sinundo si Zia ng driver mula sa apartment. Nasa loob ng kotse si Louie kaya medyo nag-alangan pa siyang tumabi.Tahimik lang silang dalawa hanggang sa marating ang bahay. Matagal pinagmasdan ni Zia ang bahay dahil aminin man o hindi ay namiss niya ang lugar maging ang mga kasambahay na ilang taong nakasama.Paghinto ng kotse sa entrance ay inutusan ni Louie ang driver na lumabas. Pagkaalis ay bigla na lamang siyang sinunggaban nito ng halik sa leeg.Sa gulat ay napatili si Zia, “Louie, ano ba!”Pero hindi ito natinag at mas lalo siyang idiniin sa kinauupuan. “Don’t shout, ayokong isipin ng mga tao sa loob na sinasaktan kita. Okay ba sa’yo ang gano’n o baka gusto mo ‘yung nagpapanggap tayong sweet sa harap ng iba?”“Talaga bang sa’kin mo itatanong 'yan? Ano pa bang gusto mong mangyari?” ani Zia sabay tulak.Napangisi naman si Louie. “Gusto mong malaman? Sasabihin ko sa’yo mamaya,” aniya at saka lumabas ng sasakyan.
PABAGSAK na nahiga sa kama si Louie habang hinihingal at tagaktak ang pawis sa katawan. Nakangiti dahil ngayon na lamang muling napasabak. Ilang linggo siyang walang s*x kaya talagang sinulit niya ang oras at nakatatlo pang sunud-sunod na round.Sa kanyang tabi ay si Zia na hinihingal din at pinagpapawisan. Inabot niya ito at niyakap sa kabila ng pawisan at nanlalagkit nilang katawan.Ganoon sila ng ilang minuto hanggang sa naging normal ang kanilang paghinga. Mayamaya pa ay nagpasiya si Zia na lumayo at bumangon sa kama. Hindi na nag-abalang takpan ang sariling kahubdan.Ngunit hindi siya hinayaan ni Louie na makalayo at nakuha pang yakapin sa bewang. “What’s wrong?” anito.“Kukunin ang pills,” sagot niya. Matapos ay sinuklay sa pamamagitan ng kamay ang magulo at mahabang buhok. “Hindi ka gumamit ng cond*m kaya kailangan kong uminom ngayon.”Bahagya namang natigilan si Louie. Oo, utos niya at laging pinapaalalahanan si Zia sa pag-inom ng
UMUWI si Louie na ipinagtaka pa ng mga katulong sa maaga nitong pagbabalik.“Si Zia nasa’n, umalis?” aniya habang papaakyat ng hagdan.“Nasa kwarto po, Sir pero nagsabi kaninang aalis. Nakahanda na nga po ang kotse sa labas,” tugon nito.Bahagya naman siyang natigilan saka muling nagpatuloy. Pagbukas ng pinto ay nakita niyang nag-aayos ng sarili si Zia suot ang light blue silk shirt at fishtail skirt.Pumasok siya habang hinuhubad ang suot na suit. Naupo sa sofa at mataman itong tinitigan. “May lakad ka? ‘Wag ka na lang tumuloy at mag-dinner tayo.”Napalingon si Zia saka umiling. Makikipagkita siya kay Samuel at Joshua kaya hindi pwedeng i-cancel ang lakad.Pero kung direkta siyang tatanggi ay paniguradong maiirita lang si Louie kaya maingat siyang nagsalita, “Hindi ko alam na uuwi ka ng maaga. Next time, magsabi ka kaagad.”Napakunot-noo si Louie at mas lalong nainis. At dahil halos magkatabi lang naman ang sofa at vici
MULA sa driver-seat ay lumipat si Louie sa likod ng sasakyan para punasan ang luha ng asawa.“Napansin ko kanina si Patrick, siya ba?” tanong niya na ikinagulat nito.Matapos ay umiling-iling. “What do you mean? Pinagdududahan mo ba ako?” ani Zia nang mapansin ang mapaghinala nitong tingin.“Of course not. I believe you… So, pwede na ba tayong umuwi at mag-dinner? Hindi pa ‘ko kumakain.” Matapos ay umakbay na parang yayakap.Kaya medyo naguluhan si Zia sa ikinilos nito. Iyon pala ay hahalikan siya sa labi. Hinayaan naman niya ito hanggang sa unti-unting madala ng init na nararamdaman.Lumilikot na ang kamay ni Louie at naga-attempt ng pumasok sa suot niyang damit. Kaya bago pa ito makalimot ay kusa na siyang umiwas at ipinaling sa ibang direksyon ang mukha. “A-Akala ko ba ay gusto mong mag-dinner? Sabi mo nga, hindi ka pa kumakain.”Malalim at nanunuot pa sa mga mata ni Louie ang pagnanasa nang bumitaw ito. Eksaktong tumunog ang
HALATA ni Zia na sinasadya nitong pahiyain siya sa harap ng ibang tao. Pero sa halip na pumatol ay hinayaan niya ang asawa mismo ang sumagot sa sinabi ni Megan.Gumalaw si Louie at nilapag ang hawak na wine-glass. “Sure, let’s play that game,” aniya kahit walang hilig sa pambatang laro.Pero gaya nga ng sinabi ni Austin ay ‘mag-enjoy’ siya at ito ang paraan niya ng paglilibang. Lalo pa at hindi na maipinta ang itsura ni Michael sa isang tabi.Nanggagalaiti ito sa galit nang marahan niyang hinila si Zia paupo sa kanyang tabi.Ang mga taong naroon ay nagkaroon ng interes sa gagawing laro ng grupo. Lumapit ang ilan para sumali o hindi kaya ay makinuod.Nagsimula ang laro at lahat ay nagkakatuwaan hanggang sa turn na ni Michael at saktong tumapat kay Zia ang pinaikot na bote.“T-Truth,” aniya at baka kung ano pang ipagawa ng binata.Tumango-tango naman ito saka inisang lagok ang hawak na baso ng alak.Ang katabing s
NAUNAWAAN agad ni Zia ang ibig nitong sabihin. Hindi niya man gusto ang mangyayari ay wala siyang magagawa, kailangan niyang magtiis.Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Louie at baka sakaling huminahon ito pero bigo siya. Hinawakan nito nang mahigpit ang braso niya at inilagay sa ulohan.Ngunit nang mapansin ang peklat sa palapulsohan ay natauhan ito at agad naging magaan ang pagkakahawak sa braso niya.Hanggang sa dinampian ng maliliit na halik ni Louie ang peklat na animo ay maiibsan ang sakit na naramdaman noon ni Zia.“Masakit ba?”Umiling siya kahit ang totoo ay nasaktan naman talaga pero ayaw na niyang palalain ang sitwasyon. Ang mahalaga ay kumalma na ito.Niyakap siya ni Louie saka pinakatitigan sa mata. Matapos ay ginawaran ng halik sa labi, marahan at puno ng ingat. Parang takot siyang saktan.Hanggang sa bumaba ang halik nito sa kanyang leeg ngunit hindi nagtagal ay mahinang napamura. Iniinda ang natamong s
DAPAT ay nasa kompanya si Louie nagtatrabaho. Ngunit ito at nasa harap mismo ni Zia.“Galing ka pa sa office?” aniya kahit halata naman sa suot nitong three-piece British suit.Kaya hindi kataka-takang marami ang napapalingon kay Louie. Pero sa halip na sumagot ay pinagmasdan muna nito ang movie poster na nakapaspil.“Gusto mong manuod?”Naikuyom ni Zia ang kamay na may hawak sa ticket sabay iling. “Ano, gusto ko lang bumili ng maiinom,” dahilan niya.Nagtagal muna ang titig ni Louie bago umalis para bilhan siya ng maiinom. Pagbalik ay may dala na itong malamig na inumin. “Manuod tayo ng movie.”Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Zia sa narinig. Ito ang unang beses na nag-aya si Louie na manuod ng pelikula. Kung dati pa siguro ay baka isang buong linggo siyang hindi makakatulog sa sobrang kilig.Pero ngayon ay wala na siyang maramdaman. Parang bawat gawin nitong kakaiba ay pagdududahan niya. Gusto mang tumanggi ni Zia ay
KINAUMAGAHAN ay hinanda ni Zia ang susuotin ng asawa. May importanteng meeting sa kompanya kaya siniguro niyang maayos ang suit nito.Tinulungan pa niyang ayusin ang kurbata ni Louie. Kahit hindi mapirmi ang kamay sa kakahaplos sa bewang at pu*etan niya. Sinaway niya nga at baka ma-late ito.Nang makaalis ito ay sandali siyang nag-practice ng piano at violin. Pagdating ng tanghali ay umalis siya upang makipagkita kay Joshua para pag-usapan ang pagtatrabaho niya sa ilalim ng itinayong grupo ni Samuel.“Next year ay maghe-held ng hindi bababa sa twenty classical concert si Mr. Samuel, mostly sa ibang bansa. At ang gusto niya ay ikaw ang isa sa magiging highlight ng bawat concert,” ani Joshua. “Sa’yo ko pa lang ito sinasabi at baka magtampo ang ibang performer sa ibinibigay na privilege ni Mr. Samuel.” At saka humirit, “Magtatampo na ba ako? Kami laging magkasama pero ikaw laging bukang-bibig, paborito ka talaga.”Natawa si Zia at saka binasa ang kon
PUMASOK si Chris sa cloakroom upang mabilisang magpalit ng damit habang ang cellphone ay inipit sa pagitan ng leeg at tenga. “Nasa’n ka at pupuntahan kita ngayon.”Sinabi ni Sheilla ang lugar kaya agad siyang lumabas ng kwarto.Paakyat na nang mga sandaling iyon si Maricar upang magpahinga nang mabilis na dumaang ang anak. “Sa’n ka pupunta?”“May importante lang akong gagawin, ‘wag niyo na ‘kong hintayin,” tugon ni Chris na lakad-takbo ang ginagawa. “Buksan niyo ang gate!” utos niya pa sa isang tauhan na nakabantay sa gate ng mansion bago pumasok sa sasakyan.Matapos buhayin ang makina ay agad niyang pinaharurot ang kotse. Mabuti na lamang at hindi traffic kaya agad rin siyang nakarating sa sinasabi nitong lugar.Pero nang makita ang signage sa itaas ay napakunot-noo siya. “Anong ginagawa niya sa motel?”Kahit kahina-hinala ang lugar kung saan binabalak ni Sheilla na wakasan ay sariling buhay ay pumasok pa rin siya sa loob. May sumita naman na staff at sinabi niyang may hinahanap lang
MAHIGPIT ang kapit ni Shiela sa damit ng asawa habang umiiyak. “Sorry talaga,” pagngawa niya pa.Natawa naman si Chris dahil ang pangit ng iyak nito. “’Wag ka nang umiyak, baka isipin pa nila inaaway kita.” Matapos ay pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. “Tara sa kotse at marami-rami pa tayong dapat pag-usapan. Kailangan nating ilabas lahat ng sama ng loob sa isa’t isa para maayos natin kung ano man ang hindi pagkakaunawaan.”Tumango naman si Shiela saka nagpahila rito patungo sa kotse. Una siyang pinasakay at ito na rin mismo ang kusang nagkabit ng seat-belt. Natawa nga siya dahil sa extra effort nito. “Kaya ko na—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang sunggaban ng halik.Nabigla man sa ginawa ng asawa pero agad ring tumugon si Shiela. Awtomatikong nilingkis ang dalawang braso sa batok nito. Bahagya lang nilaliman ni Chris ang halik saka humiwalay. Isang matamis na ngiti ang iginawad, lumabas ng kotse at sinara ang pinto saka lumipat sa driver seat. Matapos ay nagmaneho
NAPATIIM-BAGANG si Chris nang mayabangan sa sinabi nito. Hindi rin niya gusto ang kakaiba nitong ngiti, halatang nang-iinis. “Anong kailangan mo sa asawa ko?”Napakunot-noo si Enzo na animo ay walang kaalam-alam sa tinutukoy nito. “What do you mean?”“Asawa ko ang sadya mo sa loob, si Shiela.”Nagtaas ng kilay si Enzo. “Really? Then, ba’t ko naman sasabihin sa’yo kung anong kailangan ko sa kanya.”“Kasi ako ang—”“Oh, come on! Wag na tayong maglokohan dito,” putol ni Enzo. “Matapos nang nakita namin sa ospital, nasasabi mo pa talaga ‘yan?”Naguluhan naman si Chris. “A-Anong ibig mong sabihin? N-Nasa ospital kayo ni Shiela kahapon?!”“Ano pa ba sa tingin mo?”Ang Guard na palipat-lipat ang tingin sa mga ito ay hindi malaman kung ano ang dapat gawin. Kung pipigilan ba ang dalawa bago pa magkagulo o tatawag sa Moreno mansion upang kunin ang permiso upang makapasok si Enzo.“Mawalang-galang na mga, Sir. Sa oras na magkagulo kayo rito ay tatawag ako nang pulis. Maba-ban din kayo at hindi n
Chapter 134NALUHA si Shiela nang masaksihan ang tagpong iyon saka humakbang palapit upang sugurin ang dalawa nang pigilan ni Enzo kaya tiningnan niya ito nang masama. “Bitawan mo ‘ko.”“At ano, susugurin mo sila? Ospital ‘to, Shiela, paniguradong magkakagulo kung gagawin mo ‘yan.”“Wala akong pakialam, kaya bitawan mo na ‘ko.” Saka nagpumiglas pero ayaw talaga siyang bitawan ng binata. “Bitaw sabi!”Umiling lang si Enzo. Sa inis ni Shiela ay tinulak niya ito saka umalis sa lugar.“Sandali lang!” Habol pa ng binata.Samantalang si Chris naman na walang kaalam-alam na naroon ang asawa ay hinawakan ang magkabilang balikat ng dalaga. “A-Anong ginagawa mo?!”Rumehistro ang pagkabigla at hiya ni Sheilla sa nagawa. “H-Hindi ko sinasadya!” Saka tumakbo palayo.Nasapo na lamang ni Chris ang sariling noo. Hindi niya akalaing ang pagmamagandang-loob sa empleyado ay ganoon ang maidudulot. Kailangan niyang linawin ang lahat bago pa lumala kaya sinundan niya ito.Sa labas ng ospital ay nahabol ni
THREE HOURS AGO...Habang kumakain sina Shiela at Enzo ay dumating si Rolan."'Pa," anas ni Shiela saka mabilis na tumayo upang yakapin ang ama."Pasensya ka na at ngayon lang ako. Nagmadali talaga akong makabalik agad para sa'yo."Umiling sabay ngiti si Shiela. "Ayos lang po."Napatingin naman si Rolan kay Enzo at napakunot-noo. "Sino itong kasama mo, anak?"Pinakilala naman ni Shiela ang binata at gaya ng inimbento na kasinungalingan ay sinabi niyang magkaibigan silang dalawa.Tumayo si Enzo at saka nakipagkamay habang nagpapakilala. Kaya napakunot-noo si Rolan. "Kung hindi ako nagkakamali ay anak ka ni Michelle?""Tama ka po, Tito."Ang maaliwalas na ekspresyon sa mukha ni Rolan ay biglang naglaho saka tiningnan ang anak. "Ang sabi ni Evelyn ay may gusto ka raw sabihin sa'min?"Natigilan si Shiela at biglang kinabahan. Kung kanina ay medyo malakas pa ang loob niya na sabihin ang totoo ngayon naman na kaharap na niya ang Ama ay bigla siyang naduwag.Pero kung ipagpapaliban niya ang
NAGKATINGINAN sa isa't isa sina Shiela at Enzo matapos marinig ang boses ni Chris sa kabilang linya. Kaya mabilis na hinablot ni Shiela ang phone saka in-end ang call.Hindi niya pwedeng sagutin ang asawa lalo at may kasama siya. Hindi niya pwedeng sabihin kung sino si Enzo dahil hindi naman niya ito kaibigan, paniguradong mabubuko ang pagsisinungaling nila kay Evelyn kapag sinagot niya ang tawag ni Chris.Kaya nagmessage na lang siya sa asawa.Shiela: Lowbatt ang phone kaya in-end ko ang call.Lame excuse pero iyon na lang ang pumasok sa isip niya ng mga oras na iyon. Ilang sandali pa ay nagreply ito.Chris: Sino 'yung sumagot?"Asawa mo?" bulong ni Enzo malapit sa tenga nito.Marahan niya itong tinulak nang maramdaman ang hininga nitong tumatama sa kanyang mukha. "'Wag ka ngang dikit nang dikit," ani Shiela saka nireplyan ang asawa.Shiela: Nahulog ko ang phone, may nakapulot lang."Grabe," komento ni Enzo matapos makita ang reply nito. "Pa'no kung malaman niya?"Naging matalim ang
NANLAKI ang mga mata ni Shiela sa sinabi nito. "B-Ba-Bakit ka naman sasama sa'kin?" nauutal niyang tanong."As you can see, wala akong dalang bag, kahit anong gamit. Ang meron lang ako ay extra cash at ang cellphone. Buti na nga lang at hindi pa bina-block ang card ko kaya nakabili pa ng ticket," paliwanag naman ni Enzo."Pero kahit na, ba't sa'kin ka sasama?""Ikaw lang ang kilala ko.""Kung bumalik ka na lang kaya sa Manila para walang problema?"Umiling si Enzo saka nagpalinga-linga sa paligid, parang may kung anong hinahanap. "Paniguradong may nakaabang na sa'kin sa airport kaya hindi ako pwedeng bumalik agad sa City."Napangiwi si Shiela nang biglang ma-stress sa pinagsasasabi nito. "At ba't ka naman kasi tumakas tapos idadamay mo pa 'ko sa kalokohan mo?"Biglang sumeryoso ang ekspresyon ni Enzo at sumandal sa kinauupuan. "Gusto ni Mommy na i-meet ko 'yung babaeng natitipuhan niya sa'kin.""You mean...?""Hindi naman siguro bago sa'yo ang arrange-marriage, 'di ba? Kayo ba ng asaw
HABANG pinag-iisipan ni Sheilla kung lulusong na lang ba o maghihintay na tumila ang ulan ay napansin niya ang isang taong papalapit habang may hawak na payong.Nang malapit na ay saka lang niya ito nakilala."Shiella, tara, sumabay ka na sa'kin. Ihahatid na kita sa inyo.""Sir? Ba't nandito pa kayo? 'Di po ba'y kanina pa kayo umalis?""Na-flat-an ako, tara, sumabay ka na at pauwi na rin ako. Mukha pa naman na hindi agad titigil 'tong ulan."Ngumiti si Sheilla. "Salamat po, Sir. Buti na lang talaga at nandito pa kayo kung hindi ay baka hindi na 'ko makauwi."Mabilis ang lakad ng dalawa patungo sa sasakyan. Pagsakay ay pinagpagan nila ang sariling damit na bahagyang nabasa."Mag-seatbelt ka at magmamaneho na ko," ani Chris."At iyon naman ang ginawa ni Sheilla. Matapos ay nagmaneho na ito paalis sa lugar ngunit inabot sila ng halos isang oras sa daan makarating lang sa kanila.Hiyang-hiya si Sheilla na nasayang ang oras ni Chris kaya inalok niya itong pumasok muna sa loob ng kainan par
TINAKPAN ni Shiela ang sariling bibig upang mapigilan ang matawa nang husto dahil sa sinabi nito. "Hindi pwede, baka madamay ka na sa galit ni Lolo."Tumango naman si Louie saka makailang beses hinaplos ang buhok nito. "Kung 'yan ang gusto mo--" Tapos ay tumingin sa likod ni Shiela. "Mr. Moreno, ayos lang ba kayo?" aniya kay Mario.Napalingon naman si Shiela sa Abuelo. Sobrang sama na talaga ng tingin nito na nagbigay kaba sa kanya."Alis na 'ko," bulong muli ni Louie saka tumayo sa kinauupuan. "Babalik na 'ko sa table. Sana'y makapag-usap pa tayo sa susunod... Mr. Moreno." Saka bahagyang yumukod at bumalik sa dating puwesto."Napakahambog," inis na saad ni Mario pero si Shiela ang nakarinig dahil sila lang ang magkatabi.Nagawi ang tingin niya sa mga bisitang kasama sa table na iyon. Naroon ang kakaibang tingin at bulungan, halatang siya at si Louie ang pinag-uusapan.Hanggang sa may nagtanong na nga kung anong relasyon meron sila.Bago sumagot ay napansin pa ni Shiela ang tingin ng