KINAGABIHAN ay sinundo si Zia ng driver mula sa apartment. Nasa loob ng kotse si Louie kaya medyo nag-alangan pa siyang tumabi.
Tahimik lang silang dalawa hanggang sa marating ang bahay. Matagal pinagmasdan ni Zia ang bahay dahil aminin man o hindi ay namiss niya ang lugar maging ang mga kasambahay na ilang taong nakasama.Paghinto ng kotse sa entrance ay inutusan ni Louie ang driver na lumabas. Pagkaalis ay bigla na lamang siyang sinunggaban nito ng halik sa leeg.Sa gulat ay napatili si Zia, “Louie, ano ba!”Pero hindi ito natinag at mas lalo siyang idiniin sa kinauupuan. “Don’t shout, ayokong isipin ng mga tao sa loob na sinasaktan kita. Okay ba sa’yo ang gano’n o baka gusto mo ‘yung nagpapanggap tayong sweet sa harap ng iba?”“Talaga bang sa’kin mo itatanong 'yan? Ano pa bang gusto mong mangyari?” ani Zia sabay tulak.Napangisi naman si Louie. “Gusto mong malaman? Sasabihin ko sa’yo mamaya,” aniya at saka lumabas ng sasakyan.PABAGSAK na nahiga sa kama si Louie habang hinihingal at tagaktak ang pawis sa katawan. Nakangiti dahil ngayon na lamang muling napasabak. Ilang linggo siyang walang s*x kaya talagang sinulit niya ang oras at nakatatlo pang sunud-sunod na round.Sa kanyang tabi ay si Zia na hinihingal din at pinagpapawisan. Inabot niya ito at niyakap sa kabila ng pawisan at nanlalagkit nilang katawan.Ganoon sila ng ilang minuto hanggang sa naging normal ang kanilang paghinga. Mayamaya pa ay nagpasiya si Zia na lumayo at bumangon sa kama. Hindi na nag-abalang takpan ang sariling kahubdan.Ngunit hindi siya hinayaan ni Louie na makalayo at nakuha pang yakapin sa bewang. “What’s wrong?” anito.“Kukunin ang pills,” sagot niya. Matapos ay sinuklay sa pamamagitan ng kamay ang magulo at mahabang buhok. “Hindi ka gumamit ng cond*m kaya kailangan kong uminom ngayon.”Bahagya namang natigilan si Louie. Oo, utos niya at laging pinapaalalahanan si Zia sa pag-inom ng
UMUWI si Louie na ipinagtaka pa ng mga katulong sa maaga nitong pagbabalik.“Si Zia nasa’n, umalis?” aniya habang papaakyat ng hagdan.“Nasa kwarto po, Sir pero nagsabi kaninang aalis. Nakahanda na nga po ang kotse sa labas,” tugon nito.Bahagya naman siyang natigilan saka muling nagpatuloy. Pagbukas ng pinto ay nakita niyang nag-aayos ng sarili si Zia suot ang light blue silk shirt at fishtail skirt.Pumasok siya habang hinuhubad ang suot na suit. Naupo sa sofa at mataman itong tinitigan. “May lakad ka? ‘Wag ka na lang tumuloy at mag-dinner tayo.”Napalingon si Zia saka umiling. Makikipagkita siya kay Samuel at Joshua kaya hindi pwedeng i-cancel ang lakad.Pero kung direkta siyang tatanggi ay paniguradong maiirita lang si Louie kaya maingat siyang nagsalita, “Hindi ko alam na uuwi ka ng maaga. Next time, magsabi ka kaagad.”Napakunot-noo si Louie at mas lalong nainis. At dahil halos magkatabi lang naman ang sofa at vici
MULA sa driver-seat ay lumipat si Louie sa likod ng sasakyan para punasan ang luha ng asawa.“Napansin ko kanina si Patrick, siya ba?” tanong niya na ikinagulat nito.Matapos ay umiling-iling. “What do you mean? Pinagdududahan mo ba ako?” ani Zia nang mapansin ang mapaghinala nitong tingin.“Of course not. I believe you… So, pwede na ba tayong umuwi at mag-dinner? Hindi pa ‘ko kumakain.” Matapos ay umakbay na parang yayakap.Kaya medyo naguluhan si Zia sa ikinilos nito. Iyon pala ay hahalikan siya sa labi. Hinayaan naman niya ito hanggang sa unti-unting madala ng init na nararamdaman.Lumilikot na ang kamay ni Louie at naga-attempt ng pumasok sa suot niyang damit. Kaya bago pa ito makalimot ay kusa na siyang umiwas at ipinaling sa ibang direksyon ang mukha. “A-Akala ko ba ay gusto mong mag-dinner? Sabi mo nga, hindi ka pa kumakain.”Malalim at nanunuot pa sa mga mata ni Louie ang pagnanasa nang bumitaw ito. Eksaktong tumunog ang
HALATA ni Zia na sinasadya nitong pahiyain siya sa harap ng ibang tao. Pero sa halip na pumatol ay hinayaan niya ang asawa mismo ang sumagot sa sinabi ni Megan.Gumalaw si Louie at nilapag ang hawak na wine-glass. “Sure, let’s play that game,” aniya kahit walang hilig sa pambatang laro.Pero gaya nga ng sinabi ni Austin ay ‘mag-enjoy’ siya at ito ang paraan niya ng paglilibang. Lalo pa at hindi na maipinta ang itsura ni Michael sa isang tabi.Nanggagalaiti ito sa galit nang marahan niyang hinila si Zia paupo sa kanyang tabi.Ang mga taong naroon ay nagkaroon ng interes sa gagawing laro ng grupo. Lumapit ang ilan para sumali o hindi kaya ay makinuod.Nagsimula ang laro at lahat ay nagkakatuwaan hanggang sa turn na ni Michael at saktong tumapat kay Zia ang pinaikot na bote.“T-Truth,” aniya at baka kung ano pang ipagawa ng binata.Tumango-tango naman ito saka inisang lagok ang hawak na baso ng alak.Ang katabing s
NAUNAWAAN agad ni Zia ang ibig nitong sabihin. Hindi niya man gusto ang mangyayari ay wala siyang magagawa, kailangan niyang magtiis.Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Louie at baka sakaling huminahon ito pero bigo siya. Hinawakan nito nang mahigpit ang braso niya at inilagay sa ulohan.Ngunit nang mapansin ang peklat sa palapulsohan ay natauhan ito at agad naging magaan ang pagkakahawak sa braso niya.Hanggang sa dinampian ng maliliit na halik ni Louie ang peklat na animo ay maiibsan ang sakit na naramdaman noon ni Zia.“Masakit ba?”Umiling siya kahit ang totoo ay nasaktan naman talaga pero ayaw na niyang palalain ang sitwasyon. Ang mahalaga ay kumalma na ito.Niyakap siya ni Louie saka pinakatitigan sa mata. Matapos ay ginawaran ng halik sa labi, marahan at puno ng ingat. Parang takot siyang saktan.Hanggang sa bumaba ang halik nito sa kanyang leeg ngunit hindi nagtagal ay mahinang napamura. Iniinda ang natamong s
DAPAT ay nasa kompanya si Louie nagtatrabaho. Ngunit ito at nasa harap mismo ni Zia.“Galing ka pa sa office?” aniya kahit halata naman sa suot nitong three-piece British suit.Kaya hindi kataka-takang marami ang napapalingon kay Louie. Pero sa halip na sumagot ay pinagmasdan muna nito ang movie poster na nakapaspil.“Gusto mong manuod?”Naikuyom ni Zia ang kamay na may hawak sa ticket sabay iling. “Ano, gusto ko lang bumili ng maiinom,” dahilan niya.Nagtagal muna ang titig ni Louie bago umalis para bilhan siya ng maiinom. Pagbalik ay may dala na itong malamig na inumin. “Manuod tayo ng movie.”Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Zia sa narinig. Ito ang unang beses na nag-aya si Louie na manuod ng pelikula. Kung dati pa siguro ay baka isang buong linggo siyang hindi makakatulog sa sobrang kilig.Pero ngayon ay wala na siyang maramdaman. Parang bawat gawin nitong kakaiba ay pagdududahan niya. Gusto mang tumanggi ni Zia ay
KINAUMAGAHAN ay hinanda ni Zia ang susuotin ng asawa. May importanteng meeting sa kompanya kaya siniguro niyang maayos ang suit nito.Tinulungan pa niyang ayusin ang kurbata ni Louie. Kahit hindi mapirmi ang kamay sa kakahaplos sa bewang at pu*etan niya. Sinaway niya nga at baka ma-late ito.Nang makaalis ito ay sandali siyang nag-practice ng piano at violin. Pagdating ng tanghali ay umalis siya upang makipagkita kay Joshua para pag-usapan ang pagtatrabaho niya sa ilalim ng itinayong grupo ni Samuel.“Next year ay maghe-held ng hindi bababa sa twenty classical concert si Mr. Samuel, mostly sa ibang bansa. At ang gusto niya ay ikaw ang isa sa magiging highlight ng bawat concert,” ani Joshua. “Sa’yo ko pa lang ito sinasabi at baka magtampo ang ibang performer sa ibinibigay na privilege ni Mr. Samuel.” At saka humirit, “Magtatampo na ba ako? Kami laging magkasama pero ikaw laging bukang-bibig, paborito ka talaga.”Natawa si Zia at saka binasa ang kon
NAGTUNGO sa elevator si Zia, hinihintay na bumukas ang pinto. Hanggang sa naabutan ni Louie.“Bakit ka bumili ng panibagong contraceptive pills? Meron ka pa sa bahay at gawa ‘yun sa Rodriguez Pharmaceutical.”“Louie, magkaiba man ang gumawa pareho pa rin ‘yun ng purpose.”Pagbukas ng elevator ay humakbang siya papasok. “Saka, ano bang ginagawa mo rito? Bakit ‘di mo balikan do’n si Bea mukhang kailangan ka niya?”Nanliit ang mga mata ni Louie, binabasa ang ekspresyong pinapakita ng asawa."At ikaw Zia?”“What can I ask for? Enough na sa’kin na kilala akong asawa mo.”Sa narinig ay nainis lang si Louie. “How generous of you,” aniyang may bahid ng sarkasmo.Hindi na siya sumunod sa loob ng elevator at bumalik kung saan niya iniwan ang mag-ina maging si Alice.Madilim na ang ekspresyon na napuna naman ni Alice at hindi nagtangkang dumagdag sa init ng kanyang ulo.Napansin ni Bea na may hindi tama s
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy
MAGKASAMA na dumating si Chris at Louie sa bar kung saan ang napiling venue ng pa-welcome party ni Michael. Marami ng bisita pagdating nila, halos puno.Pawang mga pamilyar na mukha ang nakikita nila sa pagpasok. May ibang agad na napansin si Chris pero tinatanguan lang niya habang si Louie ay nakikipag-usap din sa ibang kakilala.Agad na napalibutan ang dalawa ng mga bisita, isang kilala dahil sa criminal record nito habang ang isa ay dahil sa namamayagpag na pangalan sa mundo ng business."Louie, Chris!" boses ni Austin na sumisingit sa kumpulan makalapit lang. "Tara sa table, nando'n na ang iba." Tinapik niya ang dalawa sa balikat sabay akbay. Iginigiya ang dalawa papunta sa table.Pagkaupo ni Chris ay pansin niya ang kakaibang tingin ng dating mga kaibigan. May ibang asiwa habang ang ilan naman ay tila pinagkakatuwaan pa siya."Ito, uminom muna kayo," ani Austin na agad binigyan ng tag-iisang baso ng alak ang dalawa."Tinanggap ni Chris pero hindi niya ininom at siya pa naman ang