HALATA ni Zia na sinasadya nitong pahiyain siya sa harap ng ibang tao. Pero sa halip na pumatol ay hinayaan niya ang asawa mismo ang sumagot sa sinabi ni Megan.
Gumalaw si Louie at nilapag ang hawak na wine-glass. “Sure, let’s play that game,” aniya kahit walang hilig sa pambatang laro.Pero gaya nga ng sinabi ni Austin ay ‘mag-enjoy’ siya at ito ang paraan niya ng paglilibang. Lalo pa at hindi na maipinta ang itsura ni Michael sa isang tabi.Nanggagalaiti ito sa galit nang marahan niyang hinila si Zia paupo sa kanyang tabi.Ang mga taong naroon ay nagkaroon ng interes sa gagawing laro ng grupo. Lumapit ang ilan para sumali o hindi kaya ay makinuod.Nagsimula ang laro at lahat ay nagkakatuwaan hanggang sa turn na ni Michael at saktong tumapat kay Zia ang pinaikot na bote.“T-Truth,” aniya at baka kung ano pang ipagawa ng binata.Tumango-tango naman ito saka inisang lagok ang hawak na baso ng alak.Ang katabing sNAUNAWAAN agad ni Zia ang ibig nitong sabihin. Hindi niya man gusto ang mangyayari ay wala siyang magagawa, kailangan niyang magtiis.Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Louie at baka sakaling huminahon ito pero bigo siya. Hinawakan nito nang mahigpit ang braso niya at inilagay sa ulohan.Ngunit nang mapansin ang peklat sa palapulsohan ay natauhan ito at agad naging magaan ang pagkakahawak sa braso niya.Hanggang sa dinampian ng maliliit na halik ni Louie ang peklat na animo ay maiibsan ang sakit na naramdaman noon ni Zia.“Masakit ba?”Umiling siya kahit ang totoo ay nasaktan naman talaga pero ayaw na niyang palalain ang sitwasyon. Ang mahalaga ay kumalma na ito.Niyakap siya ni Louie saka pinakatitigan sa mata. Matapos ay ginawaran ng halik sa labi, marahan at puno ng ingat. Parang takot siyang saktan.Hanggang sa bumaba ang halik nito sa kanyang leeg ngunit hindi nagtagal ay mahinang napamura. Iniinda ang natamong s
DAPAT ay nasa kompanya si Louie nagtatrabaho. Ngunit ito at nasa harap mismo ni Zia.“Galing ka pa sa office?” aniya kahit halata naman sa suot nitong three-piece British suit.Kaya hindi kataka-takang marami ang napapalingon kay Louie. Pero sa halip na sumagot ay pinagmasdan muna nito ang movie poster na nakapaspil.“Gusto mong manuod?”Naikuyom ni Zia ang kamay na may hawak sa ticket sabay iling. “Ano, gusto ko lang bumili ng maiinom,” dahilan niya.Nagtagal muna ang titig ni Louie bago umalis para bilhan siya ng maiinom. Pagbalik ay may dala na itong malamig na inumin. “Manuod tayo ng movie.”Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Zia sa narinig. Ito ang unang beses na nag-aya si Louie na manuod ng pelikula. Kung dati pa siguro ay baka isang buong linggo siyang hindi makakatulog sa sobrang kilig.Pero ngayon ay wala na siyang maramdaman. Parang bawat gawin nitong kakaiba ay pagdududahan niya. Gusto mang tumanggi ni Zia ay
KINAUMAGAHAN ay hinanda ni Zia ang susuotin ng asawa. May importanteng meeting sa kompanya kaya siniguro niyang maayos ang suit nito.Tinulungan pa niyang ayusin ang kurbata ni Louie. Kahit hindi mapirmi ang kamay sa kakahaplos sa bewang at pu*etan niya. Sinaway niya nga at baka ma-late ito.Nang makaalis ito ay sandali siyang nag-practice ng piano at violin. Pagdating ng tanghali ay umalis siya upang makipagkita kay Joshua para pag-usapan ang pagtatrabaho niya sa ilalim ng itinayong grupo ni Samuel.“Next year ay maghe-held ng hindi bababa sa twenty classical concert si Mr. Samuel, mostly sa ibang bansa. At ang gusto niya ay ikaw ang isa sa magiging highlight ng bawat concert,” ani Joshua. “Sa’yo ko pa lang ito sinasabi at baka magtampo ang ibang performer sa ibinibigay na privilege ni Mr. Samuel.” At saka humirit, “Magtatampo na ba ako? Kami laging magkasama pero ikaw laging bukang-bibig, paborito ka talaga.”Natawa si Zia at saka binasa ang kon
NAGTUNGO sa elevator si Zia, hinihintay na bumukas ang pinto. Hanggang sa naabutan ni Louie.“Bakit ka bumili ng panibagong contraceptive pills? Meron ka pa sa bahay at gawa ‘yun sa Rodriguez Pharmaceutical.”“Louie, magkaiba man ang gumawa pareho pa rin ‘yun ng purpose.”Pagbukas ng elevator ay humakbang siya papasok. “Saka, ano bang ginagawa mo rito? Bakit ‘di mo balikan do’n si Bea mukhang kailangan ka niya?”Nanliit ang mga mata ni Louie, binabasa ang ekspresyong pinapakita ng asawa."At ikaw Zia?”“What can I ask for? Enough na sa’kin na kilala akong asawa mo.”Sa narinig ay nainis lang si Louie. “How generous of you,” aniyang may bahid ng sarkasmo.Hindi na siya sumunod sa loob ng elevator at bumalik kung saan niya iniwan ang mag-ina maging si Alice.Madilim na ang ekspresyon na napuna naman ni Alice at hindi nagtangkang dumagdag sa init ng kanyang ulo.Napansin ni Bea na may hindi tama s
HINDI sapat ang pagpupumiglas ni Zia. Kahit may sakit si Louie ay higit pa rin itong mas malakas at nagawa siyang maidiin sa sofa.Kaya sa halip na manlaban ay pinili na lamang niyang sumuko at tanggapin ang mangyayari. Ang mukha niyang nasa ibang direksyon ay pilit nitong pinapaharap.“Ngayon mo ipakita sa’kin ang ngiti mong gaya ng nasa picture,” anito.Kahit nahihirapan ay pilit iniiwas ni Zia ang mukha para hindi makita ang galit nitong ekspresyon. Ngunit hindi talaga siya hinahayaan.Inumpisahan ni Louie na hubarin ang suot niyang pajama sa ibaba kasama ang underwear. Ni hindi na nga nito nagawang makalas ng maayos ang belt at maibaba ang suot na pants.Inilabas lang nito ang alaga at sandaling minasahe. Matapos ay walang ingat na ipinas*k sa hiyas niya nang walang ingat. Naiiyak si Zia at nandidiri sa nangyayari ngunit pinili na lamang niyang kagatin ang ibabang labi kaysa ibigay ang gusto nitong marinig na ung*l mula sa kanya.
PINALIWANAG naman ni Alice ang nangyari at sinabing si Samantha mismo ang sumagot sa tawag ni Zia.Kaya nabaling ang tingin ni Louie sa aktres.Ang ngiting makikita sa mukha ni Samantha ay naglaho nang makita ang lamig ng pagtitig nito. Ang pag-asa niyang magkaroon ng koneksyon sa kilalang businessman ay naglaho.Magkaganoon man ay hindi siya nawalan ng kumpyansa. “May ibinilin siyang inumin mo ang gamot at ‘wag masiyadong magpagod.” At nakuha pang laru-laruin ang buhok.Mas lalong dumilim ang tingin ni Louie dahil halatang-halata niyang may iba itong intensyon.“Alice… pakibago ‘yung nasa kontrata. Babaan mo ‘yung amount ng endorsement fee,” utos ni Louie.Napakurap-kurap naman ng mata si Samantha. Hindi makapaniwala sa narinig.Lumapit naman ang nakangiting si Alice at muling kinausap ang aktres para pag-usapan ang pagbabago sa kontrata.Muntik pa ngang masabi ang ‘buti nga sa’yo’ pero nagawa namang makapagpig
NAGTAGAL ang tingin ni Zia sa asawa saka kalmadong napangiti. “Sure, hihintayin kita sa taas.”Pinigilan siya ni Louie sa braso sabay hila kaya nagkalapit ang kanilang katawan. Dahil doon ay bahagyang tumama ang mukha niya sa dibdib nito.Nakabawi naman siya agad at umatras hindi kinakalimutan na may ibang tao sa paligid. Hindi dapat siya ang hinaharap ni Louie kundi si Bea na sumadya pa rito dahil sa kumakalat na issue.At mas lalo pang lumayo nang mapuna ang masamang tingin ni Bea. Tinalikuran niya ang tatlo at eleganteng naglakad palayo.Nagmula si Zia sa mayamang angkan at itinuring na prinsesa ng pamilya kaya dapat niyang ipamukha kay Bea na magkaiba ang estado nila sa buhay kahit pa ito ang pinapaburan lagi ng asawa.Nang maiwan ang tatlo ay hindi na nagpigil pa si Louie. Galit itong humarap sa mag-ina.Nakaramdam naman agad ng kaba si Bea nang mapuna ang madilim na ekspresyon nito. Nagsimulang manginig ang kamay niya pero
LUMAMLAM ang tingin ni Louie at dahil nakapaling ang ulo ng asawa sa ibang direksyon ay mas natitigan niya nang mabuti ang pawis sa leeg nitong unti-unting dumadaloy pababa.Tila nang-aakit hanggang sa namalayan na lamang niya ang sariling inilapit ang mukha at dinilaan ang leeg nito.Napapiksi si Zia at nagtangkang lumayo ngunit niyakap na niya ito nang mahigpit sa bewang. Saka kinabig sa batok para pumirmi. Sandaling nagpumiglas ngunit kahit noon pa man ay wala nang panama sa lakas ni Louie kaya kusa ring tumigil.Mahigpit ang kapit ni Zia sa sink habang patuloy siyang hinahalikan sa dibdib. Kulang na nga lang ay punitin ang suot niyang damit. Bago pa nito magawa ay pinigilan na niya ito sa kamay kaya tiningnan siya ni Louie nang masama.“’Wag mong sirain ang damit,” aniya at siya na mismo ang kusang naghawi ng suot niyang palda.Bumaba naman ang tingin ni Louie sa lantad niyang underwear. Mas lalong nagbaga ang tingin nito at inilapat
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha
BIGLANG nagmanhid ang katawan ni Shiela. Sinasabi ng utak niya na wala na ang kapatid na si Tanya pero... hindi niya maramdaman.Parang nawalan siya ng emosyon habang pinapakinggan ang iyak ni Evelyn sa kabilang linya."K-Kailan po siya namatay, Tita?" iyon lang ang lumabas sa bibig niya sa halip na makisimpatya."Kanina lang, mag-iisang oras na ang lumipas," ani Evelyn na halos hindi na makapagsalita dahil sa labis na pag-iyak.Nagbaba lang ng tingin si Shiela. Talagang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang lahat. "Si Papa po?""Nasa morgue, ako lang ang lumabas dahil hindi ko kayang makita si Tanya na wala ng buhay."Kusa na lamang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela kahit hindi naman siya naiiyak. Parang doon lang tuluyang nagsink-in sa kanya ang lahat.Matapos ay isang mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa ibaba na ni Evelyn ang tawag dahil iyak na lamang ito ng iyak.Si Shiela naman sa kabilang dako ay natulala na hanggang sa lumapit si Archie."Mama!" Nagpapap