ISINUOT ni Louie ang wedding ring sa daliri ng asawa na nagtangka pang bawiin ang sariling kamay.
Kaya nag-angat siya ng tingin sa mukha nito. At mayamaya pa ay hinayaan siyang maisuot sa daliri nito ang singsing.Matapos ay napangiti si Louie ng sabihin ang, “Welcome back, Zia.”Bumigat naman ang pakiramdam ni Zia sa narinig. Ngayong nagbalik na at ibinenta ang sariling kalayaan kay Louie ay sisiguruhin niyang mas magiging matatag. Kailangan niyang maging matapang kahit na anong mangyari. Hindi siya pwedeng maging mahina.Pagkatapos ay hindi rin nagtagal si Louie at nagpaalam na babalik na lamang kinabukasan.Ngunit hindi naman ito nagpakita at sa halip ay si Mia Torres ang bumisita sa ospital na may dalang dokumento.Nagpakilala muna bago sabihin ang pakay, “Inutusan ako rito ni Mr. Rodriguez para sa lawsuits ni Mr. Cruz,” ani Mia. “The other document ay para sa paglilipat ng shares.”Tumango naman si Zia at inanyayahaNATIGILAN si Zia sa ginawang pagyakap nito. Hindi sanay na tila malambing ito sa kanya kaya bahagyang lumayo. “Oo, hinatid ko siya kanina sa labas ng ospital,” sagot niya at muling nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.Ngunit ayaw siyang tigilan ni Louie na unti-unti ng lumilikot ang kamay. Humahaplos ang kanyang tiyan pataas.Kaya pasimple siyang napabuntong-hininga. Nasanay na sa gawaing ito ni Louie na kung saan-saang parte ng katawan niya humahaplos kapag napag-iisa silang dalawa. Kaya hinayaan na lamang niya at mayamaya pa ay kusa rin itong tumigil.“Ano namang pinag-usapan niyo?” tanong nito.“Iyong paglilipat ng shares under my name saka ‘yung lawsuit ni Kuya,” tugon ni Zia.Tumango-tango naman si Louie pero hindi iyon ang gustong marinig. Ang gusto niyang malaman ay ang tungkol kay Michael at kung ano pa ang pinag-usapan ng mga ito na hindi niya naabutan.Nagtagal nga ang titig niya sa asawa habang iniisip kung sinadya ba nit
KINAGABIHAN ay sinundo si Zia ng driver mula sa apartment. Nasa loob ng kotse si Louie kaya medyo nag-alangan pa siyang tumabi.Tahimik lang silang dalawa hanggang sa marating ang bahay. Matagal pinagmasdan ni Zia ang bahay dahil aminin man o hindi ay namiss niya ang lugar maging ang mga kasambahay na ilang taong nakasama.Paghinto ng kotse sa entrance ay inutusan ni Louie ang driver na lumabas. Pagkaalis ay bigla na lamang siyang sinunggaban nito ng halik sa leeg.Sa gulat ay napatili si Zia, “Louie, ano ba!”Pero hindi ito natinag at mas lalo siyang idiniin sa kinauupuan. “Don’t shout, ayokong isipin ng mga tao sa loob na sinasaktan kita. Okay ba sa’yo ang gano’n o baka gusto mo ‘yung nagpapanggap tayong sweet sa harap ng iba?”“Talaga bang sa’kin mo itatanong 'yan? Ano pa bang gusto mong mangyari?” ani Zia sabay tulak.Napangisi naman si Louie. “Gusto mong malaman? Sasabihin ko sa’yo mamaya,” aniya at saka lumabas ng sasakyan.
PABAGSAK na nahiga sa kama si Louie habang hinihingal at tagaktak ang pawis sa katawan. Nakangiti dahil ngayon na lamang muling napasabak. Ilang linggo siyang walang s*x kaya talagang sinulit niya ang oras at nakatatlo pang sunud-sunod na round.Sa kanyang tabi ay si Zia na hinihingal din at pinagpapawisan. Inabot niya ito at niyakap sa kabila ng pawisan at nanlalagkit nilang katawan.Ganoon sila ng ilang minuto hanggang sa naging normal ang kanilang paghinga. Mayamaya pa ay nagpasiya si Zia na lumayo at bumangon sa kama. Hindi na nag-abalang takpan ang sariling kahubdan.Ngunit hindi siya hinayaan ni Louie na makalayo at nakuha pang yakapin sa bewang. “What’s wrong?” anito.“Kukunin ang pills,” sagot niya. Matapos ay sinuklay sa pamamagitan ng kamay ang magulo at mahabang buhok. “Hindi ka gumamit ng cond*m kaya kailangan kong uminom ngayon.”Bahagya namang natigilan si Louie. Oo, utos niya at laging pinapaalalahanan si Zia sa pag-inom ng
UMUWI si Louie na ipinagtaka pa ng mga katulong sa maaga nitong pagbabalik.“Si Zia nasa’n, umalis?” aniya habang papaakyat ng hagdan.“Nasa kwarto po, Sir pero nagsabi kaninang aalis. Nakahanda na nga po ang kotse sa labas,” tugon nito.Bahagya naman siyang natigilan saka muling nagpatuloy. Pagbukas ng pinto ay nakita niyang nag-aayos ng sarili si Zia suot ang light blue silk shirt at fishtail skirt.Pumasok siya habang hinuhubad ang suot na suit. Naupo sa sofa at mataman itong tinitigan. “May lakad ka? ‘Wag ka na lang tumuloy at mag-dinner tayo.”Napalingon si Zia saka umiling. Makikipagkita siya kay Samuel at Joshua kaya hindi pwedeng i-cancel ang lakad.Pero kung direkta siyang tatanggi ay paniguradong maiirita lang si Louie kaya maingat siyang nagsalita, “Hindi ko alam na uuwi ka ng maaga. Next time, magsabi ka kaagad.”Napakunot-noo si Louie at mas lalong nainis. At dahil halos magkatabi lang naman ang sofa at vici
MULA sa driver-seat ay lumipat si Louie sa likod ng sasakyan para punasan ang luha ng asawa.“Napansin ko kanina si Patrick, siya ba?” tanong niya na ikinagulat nito.Matapos ay umiling-iling. “What do you mean? Pinagdududahan mo ba ako?” ani Zia nang mapansin ang mapaghinala nitong tingin.“Of course not. I believe you… So, pwede na ba tayong umuwi at mag-dinner? Hindi pa ‘ko kumakain.” Matapos ay umakbay na parang yayakap.Kaya medyo naguluhan si Zia sa ikinilos nito. Iyon pala ay hahalikan siya sa labi. Hinayaan naman niya ito hanggang sa unti-unting madala ng init na nararamdaman.Lumilikot na ang kamay ni Louie at naga-attempt ng pumasok sa suot niyang damit. Kaya bago pa ito makalimot ay kusa na siyang umiwas at ipinaling sa ibang direksyon ang mukha. “A-Akala ko ba ay gusto mong mag-dinner? Sabi mo nga, hindi ka pa kumakain.”Malalim at nanunuot pa sa mga mata ni Louie ang pagnanasa nang bumitaw ito. Eksaktong tumunog ang
HALATA ni Zia na sinasadya nitong pahiyain siya sa harap ng ibang tao. Pero sa halip na pumatol ay hinayaan niya ang asawa mismo ang sumagot sa sinabi ni Megan.Gumalaw si Louie at nilapag ang hawak na wine-glass. “Sure, let’s play that game,” aniya kahit walang hilig sa pambatang laro.Pero gaya nga ng sinabi ni Austin ay ‘mag-enjoy’ siya at ito ang paraan niya ng paglilibang. Lalo pa at hindi na maipinta ang itsura ni Michael sa isang tabi.Nanggagalaiti ito sa galit nang marahan niyang hinila si Zia paupo sa kanyang tabi.Ang mga taong naroon ay nagkaroon ng interes sa gagawing laro ng grupo. Lumapit ang ilan para sumali o hindi kaya ay makinuod.Nagsimula ang laro at lahat ay nagkakatuwaan hanggang sa turn na ni Michael at saktong tumapat kay Zia ang pinaikot na bote.“T-Truth,” aniya at baka kung ano pang ipagawa ng binata.Tumango-tango naman ito saka inisang lagok ang hawak na baso ng alak.Ang katabing s
NAUNAWAAN agad ni Zia ang ibig nitong sabihin. Hindi niya man gusto ang mangyayari ay wala siyang magagawa, kailangan niyang magtiis.Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Louie at baka sakaling huminahon ito pero bigo siya. Hinawakan nito nang mahigpit ang braso niya at inilagay sa ulohan.Ngunit nang mapansin ang peklat sa palapulsohan ay natauhan ito at agad naging magaan ang pagkakahawak sa braso niya.Hanggang sa dinampian ng maliliit na halik ni Louie ang peklat na animo ay maiibsan ang sakit na naramdaman noon ni Zia.“Masakit ba?”Umiling siya kahit ang totoo ay nasaktan naman talaga pero ayaw na niyang palalain ang sitwasyon. Ang mahalaga ay kumalma na ito.Niyakap siya ni Louie saka pinakatitigan sa mata. Matapos ay ginawaran ng halik sa labi, marahan at puno ng ingat. Parang takot siyang saktan.Hanggang sa bumaba ang halik nito sa kanyang leeg ngunit hindi nagtagal ay mahinang napamura. Iniinda ang natamong s
DAPAT ay nasa kompanya si Louie nagtatrabaho. Ngunit ito at nasa harap mismo ni Zia.“Galing ka pa sa office?” aniya kahit halata naman sa suot nitong three-piece British suit.Kaya hindi kataka-takang marami ang napapalingon kay Louie. Pero sa halip na sumagot ay pinagmasdan muna nito ang movie poster na nakapaspil.“Gusto mong manuod?”Naikuyom ni Zia ang kamay na may hawak sa ticket sabay iling. “Ano, gusto ko lang bumili ng maiinom,” dahilan niya.Nagtagal muna ang titig ni Louie bago umalis para bilhan siya ng maiinom. Pagbalik ay may dala na itong malamig na inumin. “Manuod tayo ng movie.”Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Zia sa narinig. Ito ang unang beses na nag-aya si Louie na manuod ng pelikula. Kung dati pa siguro ay baka isang buong linggo siyang hindi makakatulog sa sobrang kilig.Pero ngayon ay wala na siyang maramdaman. Parang bawat gawin nitong kakaiba ay pagdududahan niya. Gusto mang tumanggi ni Zia ay
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha
BIGLANG nagmanhid ang katawan ni Shiela. Sinasabi ng utak niya na wala na ang kapatid na si Tanya pero... hindi niya maramdaman.Parang nawalan siya ng emosyon habang pinapakinggan ang iyak ni Evelyn sa kabilang linya."K-Kailan po siya namatay, Tita?" iyon lang ang lumabas sa bibig niya sa halip na makisimpatya."Kanina lang, mag-iisang oras na ang lumipas," ani Evelyn na halos hindi na makapagsalita dahil sa labis na pag-iyak.Nagbaba lang ng tingin si Shiela. Talagang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang lahat. "Si Papa po?""Nasa morgue, ako lang ang lumabas dahil hindi ko kayang makita si Tanya na wala ng buhay."Kusa na lamang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela kahit hindi naman siya naiiyak. Parang doon lang tuluyang nagsink-in sa kanya ang lahat.Matapos ay isang mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa ibaba na ni Evelyn ang tawag dahil iyak na lamang ito ng iyak.Si Shiela naman sa kabilang dako ay natulala na hanggang sa lumapit si Archie."Mama!" Nagpapap
HINDI naging madali para kay Chris na makausap si Mario. Kahit may tulong ni Louie ay parang binabalewala lang siya ng kampo nito. Constantly siyang nagpapadala ng mensahe mula sa secretary ng matanda pero ang daming dahilan. Kahit naresolba na ang problema sa negosyo dahil na rin sa tulong ng bayaw ay ramdam pa rin niya ang impact sa nangyari. Ngayon, panibagong araw na naman ang dumating. Muli niyang susubukan na makipag-usap sa matanda. "Good morning," bulong ni Shiela. Nasa kama pa si Chris habang yakap ang asawa. Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata. "Good morning, kanina ka pa ba gising?" Umiling si Shiela saka mas lalong siniksik ang katawan sa asawa, gustong-gusto niyang inaamoy ito sa umaga. "Ngayon-ngayon lang." Ilang sandali pa ay lumayo siya para bumangon na sa kama at kailangan niya pang ihanda ang pampaligo nito maging susuotin sa trabaho. Pagkatapos ay sunod niyang aasikasuhin ang anak. Pero hindi siya pinakawalan ni Chris at niyakap nang mahigpit.