SAMANTALA, habang paalis na rin sila Louie ay biglang nagreklamo si Bea, “Hindi mo na dapat binigyan ng pera ang Samuel na ‘yun. Halata namang hindi niya ako kukunin bilang estudyante.”
“Hindi pa nasisiguro kaya ‘wag kang mag-conclude agad,” pampalubag loob ni Louie habang tinitingnan ang oras sa suot na relo. Sa narinig ay nabuhayan naman si Bea. “T-Talaga?” aniyang tinanguan nito. Ilang sandali pa ay may humintong kotse na agad sinakyan ni Louie. Nagtaka si Bea at balak pa ngang sumunod ngunit piniligan ni Alice. “May pupuntahan pa si Sir Louie.” Nadismaya si Bea na hindi na matutuloy ang planong maiuwi ni Louie sa sariling bahay. Nakasimangot niyang pinagmasdan itong nagmaneho paalis sa lugar na hindi siya kasama. “Tara na’t nang makauwi,” ani Alice at tinulak ang wheelchair para magtungo sa sasakyan. Ngunit may panibago na namang kotse ang huminto at pagbBAGO pa makapagreklamo si Zia ay mabilis na siyang hinila sa braso dahilan kaya napaupo sa kandungan nito. At mapatili sa pag-aakalang naupuan na ang hitang kailangan gamutin. Mabuti na lang at iyong kabila pala. “B-Bitawan mo nga ako,” aniya at nagpumiglas. Ngunit yumakap si Louie sa bewang para lalong mapalapit ang katawan nila sa isa’t isa dahilan kaya hindi na gumalaw si Zia. Mas lalo pa siyang natuwa nang nasisilip na niya ang loob ng maluwag na hospital dress nito. Biglang natuyot ang lalamunan niya habang nakatingin sa malulusog na dibdib ng asawa. “’Wag kang malikot, lagyan mo lang ng gamot ang hita ko,” ani Louie sa namamaos na boses. Hindi na pumalag si Zia at kinuha ang medicine cream para pahiran ang hita nito. Dahan-dahan at maingat na kulang na lang ay huwag idampi ang daliri sa balat. “Nakapagdesisyon ka na ba?” tanong ni Louie. Natigilan sa ginagawa si Zia pero hi
ISINUOT ni Louie ang wedding ring sa daliri ng asawa na nagtangka pang bawiin ang sariling kamay.Kaya nag-angat siya ng tingin sa mukha nito. At mayamaya pa ay hinayaan siyang maisuot sa daliri nito ang singsing.Matapos ay napangiti si Louie ng sabihin ang, “Welcome back, Zia.”Bumigat naman ang pakiramdam ni Zia sa narinig. Ngayong nagbalik na at ibinenta ang sariling kalayaan kay Louie ay sisiguruhin niyang mas magiging matatag. Kailangan niyang maging matapang kahit na anong mangyari. Hindi siya pwedeng maging mahina.Pagkatapos ay hindi rin nagtagal si Louie at nagpaalam na babalik na lamang kinabukasan.Ngunit hindi naman ito nagpakita at sa halip ay si Mia Torres ang bumisita sa ospital na may dalang dokumento.Nagpakilala muna bago sabihin ang pakay, “Inutusan ako rito ni Mr. Rodriguez para sa lawsuits ni Mr. Cruz,” ani Mia. “The other document ay para sa paglilipat ng shares.”Tumango naman si Zia at inanyayaha
NATIGILAN si Zia sa ginawang pagyakap nito. Hindi sanay na tila malambing ito sa kanya kaya bahagyang lumayo. “Oo, hinatid ko siya kanina sa labas ng ospital,” sagot niya at muling nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.Ngunit ayaw siyang tigilan ni Louie na unti-unti ng lumilikot ang kamay. Humahaplos ang kanyang tiyan pataas.Kaya pasimple siyang napabuntong-hininga. Nasanay na sa gawaing ito ni Louie na kung saan-saang parte ng katawan niya humahaplos kapag napag-iisa silang dalawa. Kaya hinayaan na lamang niya at mayamaya pa ay kusa rin itong tumigil.“Ano namang pinag-usapan niyo?” tanong nito.“Iyong paglilipat ng shares under my name saka ‘yung lawsuit ni Kuya,” tugon ni Zia.Tumango-tango naman si Louie pero hindi iyon ang gustong marinig. Ang gusto niyang malaman ay ang tungkol kay Michael at kung ano pa ang pinag-usapan ng mga ito na hindi niya naabutan.Nagtagal nga ang titig niya sa asawa habang iniisip kung sinadya ba nit
KINAGABIHAN ay sinundo si Zia ng driver mula sa apartment. Nasa loob ng kotse si Louie kaya medyo nag-alangan pa siyang tumabi.Tahimik lang silang dalawa hanggang sa marating ang bahay. Matagal pinagmasdan ni Zia ang bahay dahil aminin man o hindi ay namiss niya ang lugar maging ang mga kasambahay na ilang taong nakasama.Paghinto ng kotse sa entrance ay inutusan ni Louie ang driver na lumabas. Pagkaalis ay bigla na lamang siyang sinunggaban nito ng halik sa leeg.Sa gulat ay napatili si Zia, “Louie, ano ba!”Pero hindi ito natinag at mas lalo siyang idiniin sa kinauupuan. “Don’t shout, ayokong isipin ng mga tao sa loob na sinasaktan kita. Okay ba sa’yo ang gano’n o baka gusto mo ‘yung nagpapanggap tayong sweet sa harap ng iba?”“Talaga bang sa’kin mo itatanong 'yan? Ano pa bang gusto mong mangyari?” ani Zia sabay tulak.Napangisi naman si Louie. “Gusto mong malaman? Sasabihin ko sa’yo mamaya,” aniya at saka lumabas ng sasakyan.
PABAGSAK na nahiga sa kama si Louie habang hinihingal at tagaktak ang pawis sa katawan. Nakangiti dahil ngayon na lamang muling napasabak. Ilang linggo siyang walang s*x kaya talagang sinulit niya ang oras at nakatatlo pang sunud-sunod na round.Sa kanyang tabi ay si Zia na hinihingal din at pinagpapawisan. Inabot niya ito at niyakap sa kabila ng pawisan at nanlalagkit nilang katawan.Ganoon sila ng ilang minuto hanggang sa naging normal ang kanilang paghinga. Mayamaya pa ay nagpasiya si Zia na lumayo at bumangon sa kama. Hindi na nag-abalang takpan ang sariling kahubdan.Ngunit hindi siya hinayaan ni Louie na makalayo at nakuha pang yakapin sa bewang. “What’s wrong?” anito.“Kukunin ang pills,” sagot niya. Matapos ay sinuklay sa pamamagitan ng kamay ang magulo at mahabang buhok. “Hindi ka gumamit ng cond*m kaya kailangan kong uminom ngayon.”Bahagya namang natigilan si Louie. Oo, utos niya at laging pinapaalalahanan si Zia sa pag-inom ng
UMUWI si Louie na ipinagtaka pa ng mga katulong sa maaga nitong pagbabalik.“Si Zia nasa’n, umalis?” aniya habang papaakyat ng hagdan.“Nasa kwarto po, Sir pero nagsabi kaninang aalis. Nakahanda na nga po ang kotse sa labas,” tugon nito.Bahagya naman siyang natigilan saka muling nagpatuloy. Pagbukas ng pinto ay nakita niyang nag-aayos ng sarili si Zia suot ang light blue silk shirt at fishtail skirt.Pumasok siya habang hinuhubad ang suot na suit. Naupo sa sofa at mataman itong tinitigan. “May lakad ka? ‘Wag ka na lang tumuloy at mag-dinner tayo.”Napalingon si Zia saka umiling. Makikipagkita siya kay Samuel at Joshua kaya hindi pwedeng i-cancel ang lakad.Pero kung direkta siyang tatanggi ay paniguradong maiirita lang si Louie kaya maingat siyang nagsalita, “Hindi ko alam na uuwi ka ng maaga. Next time, magsabi ka kaagad.”Napakunot-noo si Louie at mas lalong nainis. At dahil halos magkatabi lang naman ang sofa at vici
MULA sa driver-seat ay lumipat si Louie sa likod ng sasakyan para punasan ang luha ng asawa.“Napansin ko kanina si Patrick, siya ba?” tanong niya na ikinagulat nito.Matapos ay umiling-iling. “What do you mean? Pinagdududahan mo ba ako?” ani Zia nang mapansin ang mapaghinala nitong tingin.“Of course not. I believe you… So, pwede na ba tayong umuwi at mag-dinner? Hindi pa ‘ko kumakain.” Matapos ay umakbay na parang yayakap.Kaya medyo naguluhan si Zia sa ikinilos nito. Iyon pala ay hahalikan siya sa labi. Hinayaan naman niya ito hanggang sa unti-unting madala ng init na nararamdaman.Lumilikot na ang kamay ni Louie at naga-attempt ng pumasok sa suot niyang damit. Kaya bago pa ito makalimot ay kusa na siyang umiwas at ipinaling sa ibang direksyon ang mukha. “A-Akala ko ba ay gusto mong mag-dinner? Sabi mo nga, hindi ka pa kumakain.”Malalim at nanunuot pa sa mga mata ni Louie ang pagnanasa nang bumitaw ito. Eksaktong tumunog ang
HALATA ni Zia na sinasadya nitong pahiyain siya sa harap ng ibang tao. Pero sa halip na pumatol ay hinayaan niya ang asawa mismo ang sumagot sa sinabi ni Megan.Gumalaw si Louie at nilapag ang hawak na wine-glass. “Sure, let’s play that game,” aniya kahit walang hilig sa pambatang laro.Pero gaya nga ng sinabi ni Austin ay ‘mag-enjoy’ siya at ito ang paraan niya ng paglilibang. Lalo pa at hindi na maipinta ang itsura ni Michael sa isang tabi.Nanggagalaiti ito sa galit nang marahan niyang hinila si Zia paupo sa kanyang tabi.Ang mga taong naroon ay nagkaroon ng interes sa gagawing laro ng grupo. Lumapit ang ilan para sumali o hindi kaya ay makinuod.Nagsimula ang laro at lahat ay nagkakatuwaan hanggang sa turn na ni Michael at saktong tumapat kay Zia ang pinaikot na bote.“T-Truth,” aniya at baka kung ano pang ipagawa ng binata.Tumango-tango naman ito saka inisang lagok ang hawak na baso ng alak.Ang katabing s
HINAYAAN ni Shiela na yakapin siya ni Chris. Ngunit nang may dumaan na motor ay mabilis pa siya sa alas-kuwatro na kumawala."Kailangan ko nang pumasok sa loob para makapagpahinga na," aniya.Humakbang naman si Chris at akma pang susunod nang lingunin niya. "Sorry pero, hindi ko gustong tumanggap ng kahit sinong bisita ngayon. Bumalik ka na lang sa Manila.""Pero, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"Napabuntong-hininga si Shiela. "Matagal ko nang tanggap na darating ang panahon na matutuon sa iba ang atensyon ni Archie. Na balang-araw ay maga-asawa ka ulit at magkakaroon siya ng step-mom."Seryosong nakatitig si Chris, hindi maproseso ng utak ang sinasabi nito. Hindi niya matanggap na susukuan na lamang ni Shiela ang lahat. "Naririnig mo bang sinasabi mo? Gusto mong mag-asawa ako't magkaroon ng ibang Ina si Archie?!""Anong masama ro'n? Basta maaalagaan nang maayos ang anak ko ay walang problema--""Shiela!" biglang taas ng boses ni Chris. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa iba, dahil
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy