NAIIYAK sa inis si Zia at sinisisi ang sarili dahil nagpadala sa sariling emosyon kaya muli na namang napaglaruan ni Louie.Kagat-kagat niya ang ibabang labi nang makita ang tuwa sa mukha nito. Kung pwede nga lang niya itong abutin at suntukin ay ginawa na niya. Ngunit mas pinili na lamang niyang pumirmi sa kama at pinanggigilan ang kumot. Nang matigilan dahil sa naramdaman niyang kirot mula sa natamong sugat.Nang ibalik ang atensyon kay Louie ay papasok na ito sa banyo. Wala siyang ideya kung anong ginagawa nito sa loob hanggang sa mapansing tumatagal na ito.Paglabas ay halatang pinagpawisan saka basa ang mukha na tila galing lang sa paghihilamos.Kaduda-duda hanggang sa napatingin siya sa ibabang parte ng katawan nito. Doon ay nakumpirma niya ang ginawa ni Louie.Nagparaos ito sa loob ng banyo.Parang gustong mandiri ni Zia. Nakakapalan siya sa pagmumukha ni Louie. “Talagang sa ospital gumawa ng kababalaghan?” aniya pa.Pero binalewala lang siya nito at kumuha ng damit pamalit. Na
HALOS pairap na umiwas ng tingin si Zia saka bumalik sa kama. Naupo siya at sumandal sa head-board. Kinuha ang libro sa may side-table at nagbasa. Mayamaya pa ay nagsalita, “Kasama ba sa deal ang relasyon ninyo ni Bea? Kailangan ko ba muling magkunwari na walang alam?” Nang walang makuhang sagot kay Louie ay muli siyang nagpatuloy, “Ba’t hindi mo masagot ang tanong ko, nahihirapan ka? Mas mahirap kaysa mambabae? Kung sabagay, hindi nga pala tayo totoong mag-asawa. Hanggang sa papel nga lang pala.” Napakurap si Louie at ilang sandali pa ay natawa. Hindi akalain na may ganito palang ugali si Zia. Tuluyan siyang tumayo at lumapit dito. Una ay hinaplos ang pisngi hanggang sa pinaglaruan ang malambot nitong labi gamit ang daliri. “Hindi ko alam na may pagkapasmado pala ‘tong bibig mo. Kung ano-ano ang lumalabas.” Matalim namang tumingin si Zia bago iniwas ang mukha pero nagpatuloy ito sa paglapit. Sa kagustuhang makalayo ay dumausdos siya pahiga sa kama. Napangisi tuloy si Louie na ma
PASIMPLENG ngumiti si Joshua at sinabayan sa paglalakad si Louie. “Hindi naman masiyado, nakuha ko lang ang impormasyon sa internet. Isa kayong kilalang personalidad kaya hindi mahirap makakuha ng kaunting impormasyon tungkol sa inyo,” pahayag niya pa.“Louie, wait!”Napalingon si Joshua nang marinig ang boses na tumatawag. Ayon sa nakausap na secretary ay may gustong ipakilala si Louie na musician. Ngunit hindi naman niya akalaing may disability pala ang tinutukoy nito.Hindi sa hinahamak niya ang katulad ni Bea pero sa suot nitong damit ay talagang nagtaas-kilay siya.Nang makahabol ang dalawang babae ay agad naglahad ng kamay si Bea. “Nice to meet you po, teacher Samuel.” Sabay-sabay namang nawindang ang tatlo sa sinabi ni Bea. Kulang na nga lang ay tumawa si Alice.Sa paanong paraan nito inakala na ang lalakeng kaharap ay si Samuel?Napaghahalataan tuloy na hindi nito inaalam kung ano ang itsura ni Samuel para pagka
SAMANTALA, habang paalis na rin sila Louie ay biglang nagreklamo si Bea, “Hindi mo na dapat binigyan ng pera ang Samuel na ‘yun. Halata namang hindi niya ako kukunin bilang estudyante.” “Hindi pa nasisiguro kaya ‘wag kang mag-conclude agad,” pampalubag loob ni Louie habang tinitingnan ang oras sa suot na relo. Sa narinig ay nabuhayan naman si Bea. “T-Talaga?” aniyang tinanguan nito. Ilang sandali pa ay may humintong kotse na agad sinakyan ni Louie. Nagtaka si Bea at balak pa ngang sumunod ngunit piniligan ni Alice. “May pupuntahan pa si Sir Louie.” Nadismaya si Bea na hindi na matutuloy ang planong maiuwi ni Louie sa sariling bahay. Nakasimangot niyang pinagmasdan itong nagmaneho paalis sa lugar na hindi siya kasama. “Tara na’t nang makauwi,” ani Alice at tinulak ang wheelchair para magtungo sa sasakyan. Ngunit may panibago na namang kotse ang huminto at pagb
BAGO pa makapagreklamo si Zia ay mabilis na siyang hinila sa braso dahilan kaya napaupo sa kandungan nito. At mapatili sa pag-aakalang naupuan na ang hitang kailangan gamutin. Mabuti na lang at iyong kabila pala. “B-Bitawan mo nga ako,” aniya at nagpumiglas. Ngunit yumakap si Louie sa bewang para lalong mapalapit ang katawan nila sa isa’t isa dahilan kaya hindi na gumalaw si Zia. Mas lalo pa siyang natuwa nang nasisilip na niya ang loob ng maluwag na hospital dress nito. Biglang natuyot ang lalamunan niya habang nakatingin sa malulusog na dibdib ng asawa. “’Wag kang malikot, lagyan mo lang ng gamot ang hita ko,” ani Louie sa namamaos na boses. Hindi na pumalag si Zia at kinuha ang medicine cream para pahiran ang hita nito. Dahan-dahan at maingat na kulang na lang ay huwag idampi ang daliri sa balat. “Nakapagdesisyon ka na ba?” tanong ni Louie. Natigilan sa ginagawa si Zia pero hi
ISINUOT ni Louie ang wedding ring sa daliri ng asawa na nagtangka pang bawiin ang sariling kamay.Kaya nag-angat siya ng tingin sa mukha nito. At mayamaya pa ay hinayaan siyang maisuot sa daliri nito ang singsing.Matapos ay napangiti si Louie ng sabihin ang, “Welcome back, Zia.”Bumigat naman ang pakiramdam ni Zia sa narinig. Ngayong nagbalik na at ibinenta ang sariling kalayaan kay Louie ay sisiguruhin niyang mas magiging matatag. Kailangan niyang maging matapang kahit na anong mangyari. Hindi siya pwedeng maging mahina.Pagkatapos ay hindi rin nagtagal si Louie at nagpaalam na babalik na lamang kinabukasan.Ngunit hindi naman ito nagpakita at sa halip ay si Mia Torres ang bumisita sa ospital na may dalang dokumento.Nagpakilala muna bago sabihin ang pakay, “Inutusan ako rito ni Mr. Rodriguez para sa lawsuits ni Mr. Cruz,” ani Mia. “The other document ay para sa paglilipat ng shares.”Tumango naman si Zia at inanyayaha
NATIGILAN si Zia sa ginawang pagyakap nito. Hindi sanay na tila malambing ito sa kanya kaya bahagyang lumayo. “Oo, hinatid ko siya kanina sa labas ng ospital,” sagot niya at muling nagpatuloy sa pag-aayos ng gamit.Ngunit ayaw siyang tigilan ni Louie na unti-unti ng lumilikot ang kamay. Humahaplos ang kanyang tiyan pataas.Kaya pasimple siyang napabuntong-hininga. Nasanay na sa gawaing ito ni Louie na kung saan-saang parte ng katawan niya humahaplos kapag napag-iisa silang dalawa. Kaya hinayaan na lamang niya at mayamaya pa ay kusa rin itong tumigil.“Ano namang pinag-usapan niyo?” tanong nito.“Iyong paglilipat ng shares under my name saka ‘yung lawsuit ni Kuya,” tugon ni Zia.Tumango-tango naman si Louie pero hindi iyon ang gustong marinig. Ang gusto niyang malaman ay ang tungkol kay Michael at kung ano pa ang pinag-usapan ng mga ito na hindi niya naabutan.Nagtagal nga ang titig niya sa asawa habang iniisip kung sinadya ba nit
KINAGABIHAN ay sinundo si Zia ng driver mula sa apartment. Nasa loob ng kotse si Louie kaya medyo nag-alangan pa siyang tumabi.Tahimik lang silang dalawa hanggang sa marating ang bahay. Matagal pinagmasdan ni Zia ang bahay dahil aminin man o hindi ay namiss niya ang lugar maging ang mga kasambahay na ilang taong nakasama.Paghinto ng kotse sa entrance ay inutusan ni Louie ang driver na lumabas. Pagkaalis ay bigla na lamang siyang sinunggaban nito ng halik sa leeg.Sa gulat ay napatili si Zia, “Louie, ano ba!”Pero hindi ito natinag at mas lalo siyang idiniin sa kinauupuan. “Don’t shout, ayokong isipin ng mga tao sa loob na sinasaktan kita. Okay ba sa’yo ang gano’n o baka gusto mo ‘yung nagpapanggap tayong sweet sa harap ng iba?”“Talaga bang sa’kin mo itatanong 'yan? Ano pa bang gusto mong mangyari?” ani Zia sabay tulak.Napangisi naman si Louie. “Gusto mong malaman? Sasabihin ko sa’yo mamaya,” aniya at saka lumabas ng sasakyan.
BAGO pa makapag-react si Archie ay may dumaan na babaeng customer patungo sa restroom. Kaya nagpigil siya, mariin kinuyom ang kamay. Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nagawa pa rin huminahon. "Sa bahay na natin 'to pag-usapan." Pagkatapos ay nauna nang umalis.Si Chantal naman ay pumasok sa restroom, naghugas ng kamay kahit hindi naman kailangan. Wala lang, gusto lang niyang mapag-isa kahit sandali."Ayos ka lang?" tanong ng babae kanina na dumaan.Tiningnan ito ni Chantal saka malungkot na nginitian, hindi alintana na naluluha siya ng sandaling iyon."Magkakaayos din kayo ng boyfriend mo," patuloy pa ng babae."Salamat." Pagkatapos ay umalis na siya. Pagbalik sa table ay ang malawak na ngiti agad ni Edward ang sumalubong."Ayos ka lang ba?"Natigilan si Chantal dahil pangalawang beses ng may nagtanong sa kanya, ibig sabihin ay mahahalata talaga sa mukha niya na hindi siya totally fine.Pagkatapos ay nilingon niya ang table kung saan nakaupo ang Ina saka si Archie, na masama ang
NABIGLA at napakunot-noo pa si Chris habang nakatingin sa anak. Nagtataka kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito. "Ba't parang gulat na gulat ka?"Kumurap-kurap ang mata si Archie, biglang natauhan. "W-Wala lang po, nabigla lang. Ito ang unang beses na ginawa niyo 'to. Masiyado pa naman kayong over-protective kay Chantal."Naging relax ang ekspresyon ni Chris sa sinabi ng anak. "Well, ayoko rin sa ideya na 'to. Para sa'kin ay walang sinong lalake ang nababagay para sa anak ko."Napalunok ng laway si Archie sa narinig ngunit pinanatiling walang reaksyon ang mukha. "Totoo, walang sino man ang nararapat kay Chantal--"'Dahil akin lang siya.'Iyon ang isinisigaw ng isip ni Archie. "Pero bakit niyo hinayaan, 'Pa?""Iyong isang kaibigan ng Mama mo, nakiusap dahil 'yung tarant*do-- Well, hindi naman talaga siya gano'n, ang sabi pa nga ay matino naman na binata--" Saka umakto na parang nasusuka. "Ang sabi ay nagustuhan ng anak ng kaibigan ni Shiela si Chantal kaya gustong makipag-date."
TUMANGO-TANGO si Chantal sa hiling ng bata. Hindi niya gustong masira ang wish nito. “Hmm… Oo naman, magiging happy family tayo. Forever.” Pag-angat ng tingin kay Archie ay nakatitig din pala ito sa kanya.Ilang segundo silang ganoon hanggang siya na ang unang umiwas ng tingin. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na sila sa labas ng bahay.Si Shiela agad ang unang nakapansin sa kanila. “Kanina pa kita hindi nakikita, sa’n ka galing?” aniya habang nakahawak sa balikat nito. “Umiyak ka ba?”“Kasalanan ko, ‘Ma,” agap ni Archie.“Nag-away kayo?”“Wala lang po ‘yun, ‘Ma,” si Chantal ang nagsalita para hindi na lumalim ang usapan. “May fireworks po kayong hinanda?” pag-iiba niya pa ng topic.Tumango lang si Shiela at hindi na masiyadong inalam ang pinagtatalunan ng dalawang anak.Hindi nagtagal ay inaabangan na nila ang fireworks hanggang sa nagsimula na nga.Lahat ay nakatingala sa madilim na langit at pinagmamasdan ang makukulay na paputok. Napapahiyaw pa nga si Amber sa tuwa at pagkabigla sa sunod
PIGIL-HININGA si Chantal ng sandaling iyon. Gusto niyang marinig kung anong sasabihin ni Archie. Kulang na nga lang ay sumilip siya ngunit nanatili na lamang siya sa puwesto.“Kailangan mo talagang pakisamahan ang mga kapatid ko kung gusto mong maging parte ng pamilya. Lalo na kay Chantal dahil mas close ako sa kanya.”Tila daan-daan karayom ang tumusok sa puso ni Chantal nang marinig iyon mula sa lalakeng iniibig.Natawa si Heather sa sinabi nito. “Wow, akala ko ba’y hindi ka interested sa gustong mangyari ng mga parents natin? Ba’t ngayon ay parang willing ka ng ma-engaged sa’kin?”Napatiim-bagang si Archie at hinarap ito. “Dahil iyon ang gusto nila Papa.”“What an obedient child, indeed,” komento naman ni Heather. “I think, wala talaga siya rito kaya sa ibang lugar na lang tayo maghanap?” Saka niyakap ang braso nito.“Anong ginagawa mo?” react naman agad ni Archie.“Ano pa ba? Dapat nagsasanay na tayong maging ganito sa isa’t isa. Kasi, sooner or later ay haharap tayo sa mga tao bi
PINAGMASDAN muna ito ni Archie saka marahan hinaplos ang pisngi gamit ang likod ng kamay. Hindi pa siya nakontento at inayos ang ilang takas na hibla ng buhok.“Wala naman kaming pinag-usapan. Tinanong ko lang siya kung saan niya pa gustong pumunta tapos bumalik na kami dahil hindi siya interested,” iyon na lamang ang sinabi niya sa halip na bigyan ng iisipin ang nobya.“Maganda siya… Tingin mo ba, may chance na magkagusto ka sa kanya?” ani Chantal.“No.”“Pero pa’no kung ipag—“ hindi na niya natapos ang sasabihin nang haplusin ni Archie ang kanyang bibig gamit ang daliri.“’Wag na lang natin siyang pag-usapan. Hindi naman siya mahalaga.”Iyon man ang sinabi nito pero hindi talaga maiwasan na mabahala ni Chantal. Kitang-kita niya kung gaano kagusto ng Ina si Heather. Lalo na nang umalis ang dalawa kanina ay wala itong ibang bukang-bibig kundi ang dalaga. Maging si Zia tila gusto rin ang dalaga.Ayaw niya man aminin sa sarili pero naiinggit siya. Dahil kahit kailan ay hindi niya marara
PAREHONG natigilan sa paghinga ang dalawa habang nakatitig sa inosenteng mga mata ni Amber. Nang walang ano-ano ay bigla itong tumakbo palapit sa kanila sabay yakap.“Power hug~!” hiyaw pa ng bata na tuwang-tuwa.Asiwa naman na napangiti si Chantal saka humiwalay ng yakap kay Archie. Pagkatapos ay naupo upang pantayan ang height ng bata sabay yakap. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi sila mahuli ng bata. Buong akala niya ay iyon na ang katapusan ng maliligayang sandali nilang dalawa ng nobyo.Matapos ang yakapan ay binuhat naman ni Archie ang limang taon gulang na kapatid saka hinalik-halikan sa pisngi. “Namiss mo ba si Kuya?”Tumango si Amber saka ito niyakap sa leeg. “Play tayo, Kuya.” Lambing pa niya sabay sandal ng ulo sa balikat nito.“Punta muna ako sa kwarto ko,” saad ni Chantal saka iniwan ang dalawa. Paglabas ay halos makasabay niya ang katulong na dala ang kanyang bagahe.Sa halip na kunin mula rito ang gamit ay sinabayan na lamang niya ang katulong hanggang sa makapasok
ILANG KILOMETRO ang layo mula sa bahay ng mga Cruz ay nakaparada ang isang mamahaling kotse sa madilim na bahagi ng lugar, iyong hindi madalas daanan ng sasakyan at ng kahit sino.Mula sa loob ay maririnig ang dalawang magkaibang boses na kapwa nahihirapan at nasasarapan sa ginagawa habang umu*ngol. Kulang na lamang ay umalulong ang lalakeng nakasandal sa backseat habang hawak sa bewang ang babaeng nakaupo at taas-baba na gumagalaw.“Sige pa, bilisan mo pa,” ung*l na may kasamang daing na sabi ni Archie. Nararamdaman na niyang malapit na siya kaya gusto niyang bilisan nito ang paggalaw.Ang babae naman na nakaupo ay hirap na hirap na sa pwesto, napapagod na rin dahil hindi naman sanay sa ganoong posisyon. “P-Pagod na ‘ko,” hinihingal pang sabi ni Chantal.Umigting ang panga ni Archie, hindi niya gustong doon pa ito tumigil kaya niyakap niya ito sabay ikot para magpalit sila ng puwesto. Ngayong siya na ang nasa itaas kaya malaya na niyang magagawa ang gusto.Inangat niya ang kanan niton
BLURBSa murang edad ay maagang naulila si Chantal Salcedo nang pumanaw ang Ina, si Aileen dahil sa sakit na cancer. Naulila man ay hindi pinabayaan ng pamilya Cruz ang kaawa-awang bata, na kinupkop at tinuring na miyembro ng pamilya.Habang lumalaki ay naging malapit si Chantal sa tatlong anak. Lalo na sa panganay, si Archie Ralph Cruz. Hindi nagkakalayo ang edad ng dalawa kaya madalas na magkasama.Hanggang ang pagkakaibigan ay unti-unting nagbago at natagpuan na lamang ang mga sariling nahuhulog na sa isa’t isa.Ngunit kailangan na itago ng dalawa ang relasyon dahil sa paningin ng lahat, magkapatid sila kahit na hindi naman magkadugo.Sa loob ng limang taon ay matagumpay na naitago ang kanilang relasyon hanggang sa dumating ang ika-dalawampu’t dalawang taon kaarawan ni Archie. Kung saan ay ipinakilala ang binata kay Heather Cortez, ang napupusuan ni Chris para sa anak.Ang matibay na samahan ng dalawang nagmamahalan ay nagkaroon ng lamat. Sa huli ay napagpasiyahan na lamang ni Chant
ESPESIYAL ang araw na iyon dahil ika-tatlong taon kaarawan ni Archie. Ang plano ay sa isang resort sila sa Bohol magsi-celebrate pero hindi naman nila pwedeng iwan si Mario kaya sa mansion na lamang gaganapin. Pagkatapos ay lilipad sila paprobinsya kinabukasan at magsi-stay roon ng isa’t kalahating araw dahil weekend naman.Umaga pa lang ay ready na ang lahat, naka-set na kahapon pa ang canopy tent dahil sa garden ang venue. Mamayang tanghali ang simula ng party para sa mga bata tapos sa hapon hanggang gabi naman ang matatanda.Kasali sa inimbitahan ang mga amigo ni Mario upang hindi naman ito mabagot habang nagaganap ang selebrasyon.Maagang pumunta si Zia kasama ang kaibigan na si Lindsay na siyang kinuha nilang magki-cater para sa pagkain ng mga bata. Sobrang hands-on din ni Shiela dahil madaling araw pa lang ay nagpa-pack na ng gifts para sa mga bisita.Habang si Chris ang siyang nagbabantay sa anak dahil halos tanghali na nang magising matapos umuwi ng madaling araw. Galing kasi i