HABANG naghuhugas ng pinagkainan ay biglang tumayo si Louie para yumakap mula sa likod. Idinantay pa nga ang ulo sa balikat ni Zia habang dinadampian ng halik sa tenga.
Nakiliti si Zia at nanghina ang tuhod kaya natigilan sa paghuhugas. “A-Ano ba, ‘wag kang magulo,” saway niya kay Louie. “Akala ko ba’y pagkain lang ang sadya mo rito, kaya anong ginagawa mo ngayon?” Pero sa halip na lumayo ay mas hinigpitan pang lalo ni Louie ang yakap at saka bumulong, “Zia, bumalik ka na,” aniya sa pinakamalambing na tonong magagawa. Biglang natigilan si Zia. Ito kasi ang unang beses na nagsalita si Louie na hindi tunog nag-uutos. Malambing at talagang bibigay ang sino man makakarinig ngunit hindi siya pwedeng maging marupok. Kailangan niyang alalahanin ang mga pinagdaanang sakit sa loob ng apat na taong pagsasama. Matagal natahimik si Zia kaya gumalaw muli si Louie at hinalikan ito sa buhok. “HSIMPLE LANG ang gusto ni Zia. Ang gumaling ang ama, makalaya si Chris at muling makaahon sa hirap ang kanyang pamilya.Pero siyempre hindi ganoon kadali makuha ang mga ninanais. Hindi pa siya pinapaburan ng panahon ngayon.Hindi pa lalo na at ayaw pa rin siyang pakawalan ni Louie. Magkaganoon man ay tuloy pa rin ang buhay at hindi na masiyadong iniisip ang mga problema.Hanggang isang gabi, sa Lopez hotel habang nagtatrabaho ay bigla siyang nilapitan ni Austin. “Tumawag si Lindsay at gusto kang makausap, urgent daw.”Pagkabigay ng cellphone ay nahimigan ni Zia na tila nagmamadali ito. “Hello, Lindsay, ba’t ka napatawag?”“Zia! Nandito ako ngayon sa ospital at nagkakagulo! Nasaktan ni tita Maricar si Bea, pumuntah ka na rito sa canteen, dali!”Maingay ang background at kahit naguguluhan ay agad namang tumakbo si Zia palabas ng hotel. Sumunod si Austin at nag-alok na ihahatid siya.Ilang minuto ang dumaan bago makarating s
SA OSPITAL, kasama ang ama ay inilihim ni Zia ang nangyari kay Maricar. Nagdahilan siya na masama ang pakiramdam nito kaya pinagpahinga niya muna sa apartment at siya na lamang pansamantala ang magbabantay. “’Wag mo na akong alalahanin dito, anak. May mga Nurse naman na tumitingin sa’kin kaya umuwi ka na lang at magpahinga,” ani Arturo. Umiling-iling naman si Zia habang hinahaplos ang kamay nito. Nalulungkot siya sa nangyayari ngayon. Paano niya gagawan ng paraan na mailabas si Maricar gayong sinampahan ito ng physical injury ng magulang ni Bea. Paniguradong magtatagal ito sa kulungan dahil wala silang pampiyansa. Ilang minuto ang lumipas nang tuluyang makatulog si Arturo. Doon lang nagkaroon ng pagkakataon si Zia na hawiin ang buhok na tumatabing sa isang bahagi ng kanyang mukha. Natatakot siyang mapansin ng ama ang pamumula ng kanyang pisngi. Medyo napalakas ang pagkakasampal sa kanya na hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang pagmamanhid. Samantalang sa labas ng kwarto ay pal
NAPASINGHAP si Zia sa mapangahas nitong ginawa. Buong akala nga ay talagang huhubaran siya ngunit hindi nito tinuloy. Hanggang sa bigla na lang siyang niyakap ni Louie mula sa likod at itinulak sa glass-window. Lapat na lapat ang harapan niya sa bintana. Kinabahan siya dahil kitang-kita niya ang ibaba. Baka biglang mabasag at mahulog siya. Ikinatakot niya rin na baka may makakita sa kanya na ganoon ang ayos sa katabing building. “Louie!” hiyaw niya sa sobrang takot. “I just want to clarify na ino-offer mo ‘tong katawan mo sa’kin kapalit ng paglaya ng step-mom mo, right?” bulong ni Louie na nakuha pang halikan sa tenga at leeg si Zia. “Pero ilang beses ko nang natikman at ginamit ang katawan mo. Anong benefits ang makukuha ko sa katawang gamit na gamit na? Gusto mo talagang magpakababa ng ganito pero ayaw mo namang bumalik sa’kin na mas convenient para sa’yo?” Mas dumiin ang yakap ni Louie sa puntong ramdam na ni Zia mula sa likod ang pagkalalake nito. At nilalamukos pa ang isang u
SHE felt helpless. Pakiramdam ni Zia ay isa siyang mababang-uri ng babae. Iyon ang ipinaparamdam ngayon sa kanya ni Louie dahil sa ginagawa nito. Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kayang respetuhin. Walang pinagkaiba sa mga babaeng bayaran. Na kahit anong pakiusap ay naging bingi si Louie na patuloy siyang hinahalikan at hinahawakan sa iba’t ibang parte ng katawan kahit anong tutol niya. Tumigil saglit si Louie dahil sa pagpupumiglas ni Zia. Nairita siya at tuluyang hinawakan ang buhok nito sabay pinaharap ang mukha para mahalikan sa pisngi. Nagpumiglas naman si Zia hanggang sa mahagip ng mata ang fruit-knife na nasa side-table. Pilit niyang inaabot ngunit hindi niya mahawakan nang maayos hanggang sa malaglag sa sahig. Desperada na siya ng mga sandaling iyon. Kapag hinayaan niya si Louie na gawin ang gusto nito ay para na rin niyang sinabing babalik siya sa dating buhay bilang asawa nito. Buhay reyna sa mata ng iba ngunit mas masahol pa sa katulong ang pagtrato. Aya
MARAHANG naupo sa kama si Zia nang isara ni Louie ang pinto matapos makuha ang pagkaing inutos nito sa secretary.Pinanuod niya si Louie habang inaalis ang takip ng round transparent container. Porridge ang binili ni Alice para sa kanya habang morning breakfast naman ang kay Louie. Matapos ay kumuha rin ng inumin at nilagay sa bed tray.“Ayoko,” ani Zia.Natigilan naman si Louie at napatingin sa kanya. “Ayaw mo nitong pagkain?”“Ayoko nitong ginagawa mo, Louie. Hindi ikaw ito at kahit magbago ka pa’y hinding-hindi na maibabalik sa dati ang lahat. Napagod na ang puso kong mahalin ka.”“Ayos lang, hindi na mahalaga kung anong nararamdaman mo sa’kin. Wala akong pakialam dahil sa panahon ngayon, inconvenience ng matatawag ang pagmamahal. Hindi ka bubuhayin at mapapalamon lalong-lalo na sa kinakaharap mong problema.”Iyon ang paniniwala ni Louie. Ang isang gaya niyang businessman ay hindi naniniwala sa pag-ibig. Sa mundong ginagalawan niya ay ito lang ang mahalaga; kasikatan, yaman at kapa
ALAS-SIYETE ng umaga nang matapos si Louie sa pag-handle ng problema sa kompanya at kasalukuyang nililigpit ang ilang dokumento sa long-table.Mabigat na ang talukap ng mata ngunit kailangan niyang manatiling gising kahit pa wala siyang tulog. Kinailangan niya kasing asikasuhin ang lahat para sa magaganap na urgent meeting.Maging si Alice ay wala ring tulog ngunit hindi naman halata sa itsura dahil na rin sa make-up. Gusto ngang mag-retouch ulit kung hindi lang dahil sa ilang executives na hindi pa umaalis sa conference room.Ang iba nga ay tila gustong kausapin si Louie ngunit wala namang nangahas. Napansin iyon ni Alice at gustong magmukhang malapit kay Louie kaya bahagyang lumapit sabay bulong, “Sir, gusto niyo po bang kumain muna? Io-order ko kayo ng pagkain. Gusto niyo ba ang fruit crisp with hibiscus powder, paborito niyo ‘yun, ‘di ba?” ani Alice na sumusulyap-sulyap pa sa mga executive para siguruhing nanunuod ang mga ito.Napakunot-noo naman si Louie. Hindi siya mahilig sa ma
BUMALIK sa bahay si Louie. Nabigla pa nga at aligagang sumalubong ang ilang katulong na hindi inaasahan ang pag-uwi ng amo. Inakala pang galing sa business trip.Paghinto ng kotse sa entrance ay lumapit ang isang katulong para pagbuksan siya ng pinto. “Welcome back po, Sir,” anito.Tumango lang si Louie at nagtanong kung may pagkain na ba sa kusina. Hindi siya nakakain ng almusal dahil sa kagustuhang makabalik sa ospital. Ngunit hindi rin naging maganda ang kinalabasan ng pag-uusap nila ni Zia kaya nagpasiya na lamang siyang umuwi.Nataranta naman ang katulong sa tanong. “N-Naghahanda pa lang po magluto ng tanghalian. Sasabihan ko po kaagad ang cook na magluto kaagad.”“’Yung madalian lang at gutom na ‘ko,” ani Louie. Hindi na nakuhang magreklamo.“Okay po, Sir,” tugon nito saka nagmamadaling pumasok sa loob. Sumunod naman ang natitirang katulong para balikan ang trabaho.Tumuloy na rin sa loob si Louie at pumanhik sa itaas. Pagpasok sa kwarto ay awtomatiko siyang napatingin sa weddin
MAG-ISA sa living area si Louie ng mga oras na iyon. Nakatulala at malalim ang iniisip.Hanggang sa naisipan tawagan si Alice, “Call, Lawyer Ocampo. Papuntahin mo rito sa bahay at sabihing dalhin ang divorce papers,” utos niya.Habang sa kabilang linya naman ay sandaling natigilan si Alice. Nabigla sa narinig at nagtanong, “A-Ano po ulit ‘yun, Sir? Divorce papers?”Ayaw ni Louie na inuulit ang nasabi na kaya binabaan niya ito ng tawag kay sa sumagot.Napakurap ng mata si Alice at ilang sandali pa ay napangiti. Hindi akalaing nagpasiya ng makipag-divorce si Louie.Sa wakas, dumating na ang pagkakataong pinakahihintay. Sa oras na maging opisyal ang paghihiwalay ng dalawa ay madali na lang para sa kanyang alisin sa landas si Bea. Dahil hindi hamak na mas lamang siya sa kahit na anong aspeto kumpara rito.Isa’t kalahating oras ang lumipas ay dumating sina Alice at Lawyer Ocampo. Dumiretso sa study room kung saan ay naghihintay si Louie.Kasunod ang isang katulong na may dalang inumin para
BAGO pa makapag-react si Archie ay may dumaan na babaeng customer patungo sa restroom. Kaya nagpigil siya, mariin kinuyom ang kamay. Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nagawa pa rin huminahon. "Sa bahay na natin 'to pag-usapan." Pagkatapos ay nauna nang umalis.Si Chantal naman ay pumasok sa restroom, naghugas ng kamay kahit hindi naman kailangan. Wala lang, gusto lang niyang mapag-isa kahit sandali."Ayos ka lang?" tanong ng babae kanina na dumaan.Tiningnan ito ni Chantal saka malungkot na nginitian, hindi alintana na naluluha siya ng sandaling iyon."Magkakaayos din kayo ng boyfriend mo," patuloy pa ng babae."Salamat." Pagkatapos ay umalis na siya. Pagbalik sa table ay ang malawak na ngiti agad ni Edward ang sumalubong."Ayos ka lang ba?"Natigilan si Chantal dahil pangalawang beses ng may nagtanong sa kanya, ibig sabihin ay mahahalata talaga sa mukha niya na hindi siya totally fine.Pagkatapos ay nilingon niya ang table kung saan nakaupo ang Ina saka si Archie, na masama ang
NABIGLA at napakunot-noo pa si Chris habang nakatingin sa anak. Nagtataka kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito. "Ba't parang gulat na gulat ka?"Kumurap-kurap ang mata si Archie, biglang natauhan. "W-Wala lang po, nabigla lang. Ito ang unang beses na ginawa niyo 'to. Masiyado pa naman kayong over-protective kay Chantal."Naging relax ang ekspresyon ni Chris sa sinabi ng anak. "Well, ayoko rin sa ideya na 'to. Para sa'kin ay walang sinong lalake ang nababagay para sa anak ko."Napalunok ng laway si Archie sa narinig ngunit pinanatiling walang reaksyon ang mukha. "Totoo, walang sino man ang nararapat kay Chantal--"'Dahil akin lang siya.'Iyon ang isinisigaw ng isip ni Archie. "Pero bakit niyo hinayaan, 'Pa?""Iyong isang kaibigan ng Mama mo, nakiusap dahil 'yung tarant*do-- Well, hindi naman talaga siya gano'n, ang sabi pa nga ay matino naman na binata--" Saka umakto na parang nasusuka. "Ang sabi ay nagustuhan ng anak ng kaibigan ni Shiela si Chantal kaya gustong makipag-date."
TUMANGO-TANGO si Chantal sa hiling ng bata. Hindi niya gustong masira ang wish nito. “Hmm… Oo naman, magiging happy family tayo. Forever.” Pag-angat ng tingin kay Archie ay nakatitig din pala ito sa kanya.Ilang segundo silang ganoon hanggang siya na ang unang umiwas ng tingin. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na sila sa labas ng bahay.Si Shiela agad ang unang nakapansin sa kanila. “Kanina pa kita hindi nakikita, sa’n ka galing?” aniya habang nakahawak sa balikat nito. “Umiyak ka ba?”“Kasalanan ko, ‘Ma,” agap ni Archie.“Nag-away kayo?”“Wala lang po ‘yun, ‘Ma,” si Chantal ang nagsalita para hindi na lumalim ang usapan. “May fireworks po kayong hinanda?” pag-iiba niya pa ng topic.Tumango lang si Shiela at hindi na masiyadong inalam ang pinagtatalunan ng dalawang anak.Hindi nagtagal ay inaabangan na nila ang fireworks hanggang sa nagsimula na nga.Lahat ay nakatingala sa madilim na langit at pinagmamasdan ang makukulay na paputok. Napapahiyaw pa nga si Amber sa tuwa at pagkabigla sa sunod
PIGIL-HININGA si Chantal ng sandaling iyon. Gusto niyang marinig kung anong sasabihin ni Archie. Kulang na nga lang ay sumilip siya ngunit nanatili na lamang siya sa puwesto.“Kailangan mo talagang pakisamahan ang mga kapatid ko kung gusto mong maging parte ng pamilya. Lalo na kay Chantal dahil mas close ako sa kanya.”Tila daan-daan karayom ang tumusok sa puso ni Chantal nang marinig iyon mula sa lalakeng iniibig.Natawa si Heather sa sinabi nito. “Wow, akala ko ba’y hindi ka interested sa gustong mangyari ng mga parents natin? Ba’t ngayon ay parang willing ka ng ma-engaged sa’kin?”Napatiim-bagang si Archie at hinarap ito. “Dahil iyon ang gusto nila Papa.”“What an obedient child, indeed,” komento naman ni Heather. “I think, wala talaga siya rito kaya sa ibang lugar na lang tayo maghanap?” Saka niyakap ang braso nito.“Anong ginagawa mo?” react naman agad ni Archie.“Ano pa ba? Dapat nagsasanay na tayong maging ganito sa isa’t isa. Kasi, sooner or later ay haharap tayo sa mga tao bi
PINAGMASDAN muna ito ni Archie saka marahan hinaplos ang pisngi gamit ang likod ng kamay. Hindi pa siya nakontento at inayos ang ilang takas na hibla ng buhok.“Wala naman kaming pinag-usapan. Tinanong ko lang siya kung saan niya pa gustong pumunta tapos bumalik na kami dahil hindi siya interested,” iyon na lamang ang sinabi niya sa halip na bigyan ng iisipin ang nobya.“Maganda siya… Tingin mo ba, may chance na magkagusto ka sa kanya?” ani Chantal.“No.”“Pero pa’no kung ipag—“ hindi na niya natapos ang sasabihin nang haplusin ni Archie ang kanyang bibig gamit ang daliri.“’Wag na lang natin siyang pag-usapan. Hindi naman siya mahalaga.”Iyon man ang sinabi nito pero hindi talaga maiwasan na mabahala ni Chantal. Kitang-kita niya kung gaano kagusto ng Ina si Heather. Lalo na nang umalis ang dalawa kanina ay wala itong ibang bukang-bibig kundi ang dalaga. Maging si Zia tila gusto rin ang dalaga.Ayaw niya man aminin sa sarili pero naiinggit siya. Dahil kahit kailan ay hindi niya marara
PAREHONG natigilan sa paghinga ang dalawa habang nakatitig sa inosenteng mga mata ni Amber. Nang walang ano-ano ay bigla itong tumakbo palapit sa kanila sabay yakap.“Power hug~!” hiyaw pa ng bata na tuwang-tuwa.Asiwa naman na napangiti si Chantal saka humiwalay ng yakap kay Archie. Pagkatapos ay naupo upang pantayan ang height ng bata sabay yakap. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi sila mahuli ng bata. Buong akala niya ay iyon na ang katapusan ng maliligayang sandali nilang dalawa ng nobyo.Matapos ang yakapan ay binuhat naman ni Archie ang limang taon gulang na kapatid saka hinalik-halikan sa pisngi. “Namiss mo ba si Kuya?”Tumango si Amber saka ito niyakap sa leeg. “Play tayo, Kuya.” Lambing pa niya sabay sandal ng ulo sa balikat nito.“Punta muna ako sa kwarto ko,” saad ni Chantal saka iniwan ang dalawa. Paglabas ay halos makasabay niya ang katulong na dala ang kanyang bagahe.Sa halip na kunin mula rito ang gamit ay sinabayan na lamang niya ang katulong hanggang sa makapasok
ILANG KILOMETRO ang layo mula sa bahay ng mga Cruz ay nakaparada ang isang mamahaling kotse sa madilim na bahagi ng lugar, iyong hindi madalas daanan ng sasakyan at ng kahit sino.Mula sa loob ay maririnig ang dalawang magkaibang boses na kapwa nahihirapan at nasasarapan sa ginagawa habang umu*ngol. Kulang na lamang ay umalulong ang lalakeng nakasandal sa backseat habang hawak sa bewang ang babaeng nakaupo at taas-baba na gumagalaw.“Sige pa, bilisan mo pa,” ung*l na may kasamang daing na sabi ni Archie. Nararamdaman na niyang malapit na siya kaya gusto niyang bilisan nito ang paggalaw.Ang babae naman na nakaupo ay hirap na hirap na sa pwesto, napapagod na rin dahil hindi naman sanay sa ganoong posisyon. “P-Pagod na ‘ko,” hinihingal pang sabi ni Chantal.Umigting ang panga ni Archie, hindi niya gustong doon pa ito tumigil kaya niyakap niya ito sabay ikot para magpalit sila ng puwesto. Ngayong siya na ang nasa itaas kaya malaya na niyang magagawa ang gusto.Inangat niya ang kanan niton
BLURBSa murang edad ay maagang naulila si Chantal Salcedo nang pumanaw ang Ina, si Aileen dahil sa sakit na cancer. Naulila man ay hindi pinabayaan ng pamilya Cruz ang kaawa-awang bata, na kinupkop at tinuring na miyembro ng pamilya.Habang lumalaki ay naging malapit si Chantal sa tatlong anak. Lalo na sa panganay, si Archie Ralph Cruz. Hindi nagkakalayo ang edad ng dalawa kaya madalas na magkasama.Hanggang ang pagkakaibigan ay unti-unting nagbago at natagpuan na lamang ang mga sariling nahuhulog na sa isa’t isa.Ngunit kailangan na itago ng dalawa ang relasyon dahil sa paningin ng lahat, magkapatid sila kahit na hindi naman magkadugo.Sa loob ng limang taon ay matagumpay na naitago ang kanilang relasyon hanggang sa dumating ang ika-dalawampu’t dalawang taon kaarawan ni Archie. Kung saan ay ipinakilala ang binata kay Heather Cortez, ang napupusuan ni Chris para sa anak.Ang matibay na samahan ng dalawang nagmamahalan ay nagkaroon ng lamat. Sa huli ay napagpasiyahan na lamang ni Chant
ESPESIYAL ang araw na iyon dahil ika-tatlong taon kaarawan ni Archie. Ang plano ay sa isang resort sila sa Bohol magsi-celebrate pero hindi naman nila pwedeng iwan si Mario kaya sa mansion na lamang gaganapin. Pagkatapos ay lilipad sila paprobinsya kinabukasan at magsi-stay roon ng isa’t kalahating araw dahil weekend naman.Umaga pa lang ay ready na ang lahat, naka-set na kahapon pa ang canopy tent dahil sa garden ang venue. Mamayang tanghali ang simula ng party para sa mga bata tapos sa hapon hanggang gabi naman ang matatanda.Kasali sa inimbitahan ang mga amigo ni Mario upang hindi naman ito mabagot habang nagaganap ang selebrasyon.Maagang pumunta si Zia kasama ang kaibigan na si Lindsay na siyang kinuha nilang magki-cater para sa pagkain ng mga bata. Sobrang hands-on din ni Shiela dahil madaling araw pa lang ay nagpa-pack na ng gifts para sa mga bisita.Habang si Chris ang siyang nagbabantay sa anak dahil halos tanghali na nang magising matapos umuwi ng madaling araw. Galing kasi i