SA APAT NA TAON nilang pagsasama ay kabisado na ni Louie kung sa paanong paraan hahawakan si Zia. Kung saan ang kiliti nito upang tuluyang bumigay sa kanya.
Naging mas mapangahas pa nga si Louie nang magpatay sindi ang ilaw sa labas ng apartment. Marahan at puno ng init ang bawat haplos niya sa hita ni Zia habang ang isang kamay ay minamasahe ang malulusog nitong dibdib.Nanghina ang tuhod ni Zia at tuluyang napasandal sa katawan ni Louie. Sa malalim at tahimik na gabi ay maririnig ang kinakapos niyang hininga na kahit anong kagat niya sa ibabang labi ay kusa pa ring kumakawala ang ungol.At nang humaplos ang kamay ni Louie sa undergarments ni Zia ay tila natauhan naman ito.“T-Tama na!” Ngunit masiyadong mahina si Zia para itulak ito. Kaya mas idiniin pa siya ni Louie sa pader.Kilabot ang naramdaman ni Zia nang dumampi ang labi nito sa kanyang tenga. “Umamin ka nga. Ipinagpalit mo na ba ang doctor na ‘yun sa’kin?” ani Louie.NaHABANG naglalakad pabalik sa apartment ay hindi maiwasang manginig ng tuhod ni Zia. Sandali siyang tumigil at kinalma ang sarili hanggang sa muling nagpatuloy pauwi. Hindi pa umaalis ang kotse ni Louie at ayaw niyang mapansin nitong kabado siya. Kinikilabutan man dahil sa haplos nitong nanunuot pa rin sa kanyang balat ay nagpakatatag si Zia. Nang makarating sa pinto ay sakto namang may tumawag sa kanyang pangalan. Paglingunin ay nabigla siya nang makita ang kaibigan, si Lindsay. “P-Pa’no mo nalaman ang lugar na ‘to?” ani Zia. “Nagpunta ako sa ospital at nakausap si tita Maricar. Sinabi niya ‘tong address sa apartment.” Tumango-tango si Zia at binuksan ang pinto. Ngunit bago pumasok ay tinanaw niya muna kung naroon pa ba ang kotse ni Louie. Nakahinga siya nang wala na sa puwesto ang sasakyan. “Dumiretso kaagad ako sa ospital pagkagaling ko sa airport. May makakain ka ba riyan, gutom na kasi ako,” ani Lindsay saka sumunod dala ang luggage. Nang tuluyang makapasok ay natigilan si L
KUMATOK sa pinto si Alice saka maingat na pumasok sa opisina nang makitang may kausap si Louie sa cellphone.Gusto ni Alice i-report ang kasalukuyang ginagawa ni Zia bilang utos nito. Ngunit iyon na pala ang pinag-uusapan ni Louie at Lucia sa linya.“Hanggang kailan mo hahayaan si Zia sa ginagawa niya?” saad ng Ina. “Kung hindi ako nagkakamali ay kaibigan mo itong si Austin, ‘di ba? Kausapin mo siya tungkol kay Zia. At ito namang Lindsay? Ang balita ko ay hindi maganda ang reputasyon niya. Hindi mo dapat hinahayaang mapalapit si Zia sa ganitong klaseng tao,” litanya pa ni Lucia.“’Mmy, hindi ko hawak ang buhay ni Zia. Ni hindi na nga siya umuuwi, kaya anong magagawa ko?” iritado ngunit magalang pa rin na tugon ni Louie.Hindi naman naka-imik si Lucia dahil alam niya ang nangyayari. Magkaganoon man ay inaalala lang niya ang sasabihin ng ibang tao sa oras na may makaalam na nagtatrabaho ang manugang sa isang hotel. Ayaw niyang madungisan ang reputas
NANLALABO ang paningin at nahihilo na si Zia dahil sa epekto ng alak. Habang nakaalalay naman si Louie sa oras na mawalan ng malay ang asawa.Pareho nilang nilisan ang hotel at nagtungo sa parking-lot. Mas mainam na iuwi na niya si Zia. Nang maisakay sa kotse ay nagpumiglas ito habang kinakabit ang seat-belt.Bakas ang iritasyon sa mukha habang nakapikit. “Anong ginagawa mo? Ayokong sumama sa’yo! Hindi na ‘ko babalik!” ani Zia.Mataman naman itong tinitigan ni Louie na kahit gulo-gulo na ang buhok at pinagpapawisan ang noo ay hindi maikakailang maganda pa rin lalo na sa suot nitong dress. Naaakit siyang haplusin ang lantad at makinis nitong balikat.Hinapit niya sa may bewang si Zia at saka bumulong sa tenga, “Tingnan mo nga ‘tong ayos mo. Ganito ba ang matinong babaeng may asawa?”Nagmulat ng mata si Zia at sandaling tumitig kahit dumudoble ang paningin. Mayamaya pa ay pilit inaalis ang seatbelt na hindi naman hinayaan ni Louie.
KAKAIBA ang umagang iyon para kay Louie. Nitong mga nakaraang araw ay nasanay na siyang mag-isa sa kwarto. Ngunit sa pagmulat ng mata ay katabi niya sa kama si Zia na mahimbing ang tulog.Tinitigan niya ng ilang sandali ang maganda nitong mukha hanggang sa mapansin na tila may kakaiba. Mapula ang pisngi ni Zia na hindi normal sa natural nitong temperatura. Kaya nang salatin niya ang noo at leeg nito ay saka siya naalarma.Sobrang init ni Zia!Agad lumabas ng kwarto si Louie para utusan ang katulong. “Tawagan mo si doctor Lee, ngayon din!”“Ano pong sasabihin ko, Sir?”“Sabihin mong inaapoy ng lagnat si Zia kaya kumilos ka na’t tawagan siya!”Agad sumunod sa utos ang katulong. Matapos ay bumalik siya sa kwarto para samahan si Zia habang wala pa ang doctor.May ilang katulong ang sumunod para magdala ng kakailanganin habang hindi pa dumarating ang doctor. Pinunasan ng basang towel sa katawan si Zia upang mabawasan ang init
UMILING si Zia at kinuha ang mangkok. Kahit nanghihina ay hindi niya gugustuhing magpaasikaso kay Louie.Pakiramdam niya ay may kapalit sa bawat gawin nitong kabutihan.Inamoy niya muna ang lugaw saka sinimulang kainin. Masarap ang pagkakaluto kaya kahit walang gana ay naubos niya naman.Matapos ay napatingin kay Louie na malapi sa balcony at naninigarilyo. Hinahangin pa nga ang usok na bahagya niyang naamoy.Nalukot ang mukha niya sa baho ng sigarilyo.“T-Tapos na ‘kong kumain,” pahayag ni Zia.Lumingon si Louie. “Tumawag nga pala kanina si Lola at hinahanap ka. Kailan ka may libreng oras ng mabisita naman natin siya.”Hindi nakasagot si Zia. Mabait sa kanya si Esmeralda kaya hangga’t maaari ay ayaw niyang masaktan ito sa oras na malamang maghihiwalay na sila ni Louie…Ngunit hindi niya pwedeng patagalin ang lahat. Mas lalo lang silang mahihirapan.“Nasabi mo na ba kay Lola Esmeralda na magdi-divorce tayo?”“Wala akong balak sabihin. Alam mong kondisyon niya ngayon. At kahit maghiwala
TILA NATAUHAN naman si Zia at bumalik sa kasalukuyang nangyayari. Ipinilig ang ulo upang ialis sa isip ang mga bagay na dapat ay wala na siyang pakialam.Sandaling tumigil ang kotse nang magpula ang traffic light. Doon niya marahas na binawi ang braso sa mahigpit na pagkakahawak ni Louie.“W-Wala, saka ba’t ka ganyan? Lahat na lang ng gawin ko lagi kang may maling-akala.”Nanunuot ang titig ni Louie dahil hindi siya kumbinsido sa sinasabi nito lalo na nang mag-iwas ng tingin.Para sa kanya, habang tumatagal ay unti-unting nagbabago si Zia.Natatandaan niya noong bago pa lamang silang mag-asawa. Twenty years old pa noon si Zia ay grabe na ito magpakita ng pagmamahal sa kanya. Tuwing gabi pagkagaling sa trabaho ay lagi itong nagmamadali para salubungin siya, aasikasuhin ang pagkain at ipaghahanda pa ng pampaligo bago matulog.Act of service. Ito ang definition ni Zia ng love language.Inaalagaan ang taong mahal kahit nasasaktan na at iluluha na lamang ang sakit sa kalagitnaan ng gabi s
NABIGLA si Zia sa alok nito. Sa simula’t sapul ay hindi na maganda ang pakikitungo ni Michael sa kanya ng dahil sa kapatid nito.Kahit nagkaayos na sila noong nakaraan ay ayaw niya pa ring magpakampante kaya umatras siya. “Hindi na kailangan, ayokong makaabala,” tanggi niyaTumagal ang titig ni Michael hanggang sa tumango. “Okay, sige at may pupuntahan pa ako,” matapos makapagpaalam ay pinaandar na ang kotse palayo.Nakahinga naman nang maluwag si Zia matapos nitong umalis. Kahit friendly at maayos na ang pakikitungo nito sa kanya ay hindi niya maiwasang mailang. Para sa kanya ay mas mainam ng mag-ingat kaysa magsisi sa huli.Pero hindi niya inakalang muling magkukrus ang landas nila ni Michael.Kinagabihan kasi sa club ng Lopez hotel ay nakita niya itong nakikipagsiyahan kasama ang mga kaibigan. Puro mga lalake ang nasa grupo kabilang na si Austin. Hindi na lamang niya pinagtuunan ng pansin at tumuloy na sa pagtatrabaho.Samantalang nabaling naman ang tingin ni Michael sa stage nang
ABALA ang mga katulong sa pag-serve ng pagkain para sa mag-asawa. Kasama nila sa dining-table si Esmeralda na masayang pinagmamasdan ang dalawang kumakain.Ang lahat ng pagkaing hinanda sa hapagkainan ay para talaga kina Louie at Zia. Mayroon pa ngang special na inumin para sa dalawa na makakatulong ‘daw’ para sa mag-asawang hindi pa nagkakaroon ng anak. Nagmula pa ang naturang inumin sa ibang bansa na pinabili pa ni Esmeralda. “A-Ano po ito, ‘La?” kuryusong tanong ni Zia nang ilapag ng katulong ang isang basong juice na medyo kulay itim ngunit kakaiba naman ang amoy. “Herbal medicine po ba ito?”Ngumiti muna nang ubod tamis si Esmeralda bago sumagot, “Maganda ‘yan sa kalusugan mo, Zia. Sige lang, inumin mo lang at ‘wag mo ng isipin ang amoy at lasa.”Napakurap si Zia. Nagdududang tinitigan ang naturang inumin.“’Wag mong inumin kung hindi mo gusto,” ani Louie.“Ano ka ba, apo! Sa ibang bansa ko pa ‘yan pinabili para magbuntis na siya!” nadulas na sabi ni Esmeralda.Nabigla naman si
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon."Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag.Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina.Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos.Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan."Sir!"Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer."Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate."Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas.""Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?""Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob.""Si kuya Fernan, nasa'n?""
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha
BIGLANG nagmanhid ang katawan ni Shiela. Sinasabi ng utak niya na wala na ang kapatid na si Tanya pero... hindi niya maramdaman.Parang nawalan siya ng emosyon habang pinapakinggan ang iyak ni Evelyn sa kabilang linya."K-Kailan po siya namatay, Tita?" iyon lang ang lumabas sa bibig niya sa halip na makisimpatya."Kanina lang, mag-iisang oras na ang lumipas," ani Evelyn na halos hindi na makapagsalita dahil sa labis na pag-iyak.Nagbaba lang ng tingin si Shiela. Talagang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang lahat. "Si Papa po?""Nasa morgue, ako lang ang lumabas dahil hindi ko kayang makita si Tanya na wala ng buhay."Kusa na lamang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela kahit hindi naman siya naiiyak. Parang doon lang tuluyang nagsink-in sa kanya ang lahat.Matapos ay isang mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa ibaba na ni Evelyn ang tawag dahil iyak na lamang ito ng iyak.Si Shiela naman sa kabilang dako ay natulala na hanggang sa lumapit si Archie."Mama!" Nagpapap
HINDI naging madali para kay Chris na makausap si Mario. Kahit may tulong ni Louie ay parang binabalewala lang siya ng kampo nito. Constantly siyang nagpapadala ng mensahe mula sa secretary ng matanda pero ang daming dahilan. Kahit naresolba na ang problema sa negosyo dahil na rin sa tulong ng bayaw ay ramdam pa rin niya ang impact sa nangyari. Ngayon, panibagong araw na naman ang dumating. Muli niyang susubukan na makipag-usap sa matanda. "Good morning," bulong ni Shiela. Nasa kama pa si Chris habang yakap ang asawa. Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata. "Good morning, kanina ka pa ba gising?" Umiling si Shiela saka mas lalong siniksik ang katawan sa asawa, gustong-gusto niyang inaamoy ito sa umaga. "Ngayon-ngayon lang." Ilang sandali pa ay lumayo siya para bumangon na sa kama at kailangan niya pang ihanda ang pampaligo nito maging susuotin sa trabaho. Pagkatapos ay sunod niyang aasikasuhin ang anak. Pero hindi siya pinakawalan ni Chris at niyakap nang mahigpit.
NAGKATINGINAN sina Evelyn at Rolan sa isa't isa at pareho rin nagkaintindihan."B-Ba't hindi muna kayo maupo, 'Pa," ani Evelyn sa biyenan at aalalayan pa sana ito patungo sa sofa nang iniwas ni Mario ang kamay."Sa tingin niyo ba ay maloloko niyo 'ko?"Muling nagkatinginan ang mag-asawa. "A-Anong ibig niyong sabihin, 'Pa?" si Rolan na may kabang nararamdaman.Naging matalim ang tingin ni Mario sa anak. "Hindi ako umabot ng ganito katanda sa mundong 'to habang nagpapatakbo ng malaking kompanya para mauto sa pinaggagagawa niyo. Matagal ko nang alam na 'yung babae kanina ang anak mo sa labas."Kinabahan si Rolan sa sinabi nito at maging si Evelyn ay ganoon din."A-Alam niyo? Kung gano'n ay ba't parang wala lang sa--""'Wag kang mag-isip nang kung ano-ano. Hinayaan ko lamang silang umalis dahil ayoko nang eskandalo. Sa oras na magkagulo ay baka maapektuhan pa ang reputasyon ko," ani Mario."Pakiusap, 'Pa, 'wag mo siyang sasaktan. Anak ko siya't apo mo."Mas lalong tumalim ang tingin ni Ma
NAGMULAT ng mata si Shiela. Una niyang nakita ang bukas na bintana. Ang ganda ng panahon, maulap at asul na asul ang kalangitan.Hanggang sa bigla na lamang niyang naalala ang nangyari. Kumirot ang ulo niya at agad nasapo ang noo."Mabuti at gising ka na."Nang marinig ang boses ni Evelyn ay bigla na lamang siyang napalingon at nahintakutan."Huminahon ka lang, Shiela. Hindi ka namin sasaktan."Bagama't nanunuyo ang lalamunan ay nagsalita siya, "Alam ko nang plano niyo sa'kin, sinabi nang lahat ni Tanya."Bakas ang lungkot sa mukha ni Evelyn. Si Claire naman ay lumapit saka nagsalin ng tubig sa baso. Matapos ay ibinigay kay Shiela."Uminom ka muna. 'Wag kang mag-alala, wala kaming nilagay na kahit ano sa inumin mo."Ngunit puno ng pagdududa si Shiela. "S-Si Tanya? Sa'n niyo dinala ang kapatid ko?" Saka nilibot ang paningin sa paligid."Pina-CT scan ni Rolan," ani Evelyn. "Pwede bang makinig ka muna sa sasabihin namin, bago ka humusga?" Matapos ay naiyak na lamang si Evelyn.Lumuluha n