Dahil sa pagod nang nagdaang gabi ay tanghali na nagising si Claire. May ngiti sa labi na ininat niya ang katawan habang binalik-balikan ang alaala nang nagdaang gabi. She couldn’t believe that she had a wild side and Manson even praised her for that. Kung ganito sila lagi ng asawa ay malabong matutuloy ang divorce nila. Hindi na naman niya maiwasan ang mapangiti dahil sa naisip. Mahal niya si Manson at sa totoo lang ay ayaw niyang maghiwalay sila nito. Nang makapasok s’ya sa banyo ay lalong lumawak ang ngiti n’ya nang makita na pati ang toothbrush niya ay may nakalagay nang toothpaste. May tuwa sa puso at mabilis siyang nag-toothbrush saka naghilamos at pagkatapos ay bumaba sa kusina nang maamoy ang masarap na samyo ng pagkain. Ngumiti si Manson nang makita siyang papasok sa kusina habang inihahanda nito ang pagkain. “Gising ka na pala. Halika, kumain na tayo. Naghanda ako ng paborito mong almusal.” Binalik ni Claire ang ngiti ni Manson habang nakatitig sa guwapong mukha ng asawa.
“Huwag kang magsalita nang kung ano-ano, Veena. Ang totoong panakip-butas dito ay ikaw. Kung hindi namatay ang kapatid mo ay wala kang puwang sa buhay ni Manson.” Malupit ang bawat salita na lumalabas sa bibig ni Mosheire.Nang lingunin ito ni Claire ay nakita niya ang ginang na kakapasok lang din ng botique. May alalay na nakasunod dito. Mrs. Mosheire Del Vega wore a sophisticated dress that fitted her curves. Hindi halatang nasa fifties na ito. Kahit ang paglakad nito ay parang modelo. Nginitian ito ni Claire bilang pagbati. “Ma.”Isang eleganteng ngiti ang isinukli ni Mosheire kay Claire at agad siyang lumapit. Habang si Veena ay muntikan nang sigawan kung sino ang nang-insulto pero nang malaman na ina iyon ni Manson ay agad na nagbago ang ekspresyon nito. “Aunty, nakauwi na pala kayo.” Lumapit ito kay Mosheire at akmang yayakap pero pinigilan ito ng ginang. “Na-miss ko po kayo. Sinabi ko kay mommy na malapit na ang kaarawan n’yo kaya nandito ako at naghahanap ng mairegalo. Hindi
“Ano’ng pahirapan ang pinagsasabi mo, Manson? Masaya kaming nag-uusap ni Claire. Hindi ba, iha?” kaagad na kontra ni Morsheire sa anak nito. Nangingiting tumango si Claire at tiningnan ang asawa. “Bakit ka nagmamadaling pumunta rito, Manson? Wala namang problema sa amin ni mama.” Nakaangat ang kilay na tiningnan ni Morsheire ang anak. “Ano’ng tingin mo sa akin, Manson. Isang kontrabidang biyenan?” Inosente ang mukha nito na para bang walang tinatagong dragon sa katawan. Hindi nakasagot si Manson habang si Claire ay napangiwi. Hindi niya makalimutan kung paano nito tinatrato si Veena kanina. Pero hindi niya akalain na maganda ang turing sa kanya ni Morsheire kahit pa malamig ang pakikitungo nito sa ibang tao. “Ma, asawa ko si Claire. Dapat lang na protektahan ko siya sa kung sinuman ang gustong manakit sa kanya.” Naiiling na sumagot si Morsheire. “Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Manson? Alam mo ba talaga kung sino ang gustong manakit sa kanya?” S******p ng tsaa si Morsheire bag
Natigil ang akmang pag-inom ni Claire ng champagne nang marinig ang boses na ‘yon. Inilapag niya sa mesa ang kopita saka dahan-dahang nilingon ang pinagmulan ng boses. Pagkarinig pa lang sa boses na iyon ay agad na siyang dinaluhong ng kaba. The voice was full of contempt, ridicule and disgust. Halata ang pagkadisgusto ng nagmamay-ari ng boses na ‘yon kay Claire pero pilit niyang kinalma ang sarili na ‘wag ito patulan. “Hindi na rin pala masama kapag nabihisan ka. Nagmukha kang si Cinderella na pagkatapos ng party ay bumalik sa pagiging alila.”Napatungo si Claire dahil pinagtitinginan na siya ng mga naroroon. Umugong ang bulung-bulungan at hindi na niya kailangang mag-isip kung ano ang sinasabi ng mga ito. Minamata siya ng mga mayayaman na dumalo sa kaarawan ng kanyang biyenan!Nang makita ni Claire kung sino ang nagsalita ay hindi na siya nagtaka kung bakit. It was Manson’s aunt. Kapatid ng ama ng kanyang asawa. Ang isa sa taong labis ang pagkadisgusto sa kanya. Kahit namumula ang
Hindi alam ni Claire kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling iyon. Natutop niya lang ang bibig upang walang boses na sumingaw dahil baka marinig siya ng dalawang nag-uusap sa loob. Tama ang ama ni Manson. Isa siyang mahirap na walang maipagmalaki sa ama nito. Ano nga ba ang laban ng isang alahera sa bigating negosyante katulad ng ama nito at ama ni Veena?Halos mawalan siya ng lakas dahil sa pagkabigo. Ginawa niya ang lahat para magustuhan siya ni Mr. Pherie pero sa huli ay si Veena pa rin ang gusto nito. Nanginginig ang tuhod na muli siyang bumaba mula sa pangalawang palapag ng mansyon. Nagpapasalamat siya at walang ibang tao sa loob at marahil ay abala sa labas dahil pinatawag ang mga ito ni Morsheire para sa cake cutting. Dumiretso siya sa banyo at doon ay tahimik na nagbuhos ng sama ng loob. Pero labis ang pagpigil niya ng luha dahil ayaw niyang masira ang make-up kahit pa gustong-gusto niyang umiyak. Malaki ang banyo sa mansyon at may dalawa iyong cubicle. Nang lumabas si Cla
Hatinggabi na nang makauwi sa bahay nilang mag-asawa si Manson. Alam niyang tulog na ang asawa kaya ayaw niya itong istorbohin. Marami-rami rin ang nainom niya at upang bahagya siyang mahimasmasan ay dumiretso siya sa kusina upang uminom ng tubig. Matapos uminom ay aakyat na sana siya sa kuwarto pero hindi nakaligtas sa sulok ng kanyang mata ang bahagyang nakabukas na drawer. Ayaw na ayaw ni Manson na mapasukan ng ipis ang kabahayan lalo na ang mga utensils sa kusina kaya nilapitan niya ang drawer at akmang isasara iyon. Pero tila may kung ano'ng pwersa ang nagtulak sa kanya upang buksan iyon nang tuluyan. This drawer consists of paper bags and ziplocs, but what caught Manson's attention was a box of medicine that seemed to be out of the way. Out of curiosity, Manson took the box out and was flabbergasted when he saw what the box was. His eyes bulged out, and his fist clenched tight. Dahil ang pill box na hawak niya ay contraceptives pills. Kaagad na gumapang ang galit sa buong kat
Ilang segundo ang lumipas pero hindi pa rin masagot ni Claire si Manson. Kung aaminin ba niya ang totoong nararamdaman para rito ay mapapanatag na siya na hindi aalis sa tabi niya si Manson at pupunta kay Veena? Bahagya siyang kumilos upang lingunin ito at mabilis na hinalikan ang batok nito. “Let’s go. Tutulungan kitang maligo para hindi mabasa ang sugat mo,” aya niya at tumayo sa mula sa pagkakaupo sa kandungan nito. Inilahad niya ang palad. Sandali iyong tinitigan ni Manson saka lang inalapat ang palad at tumayo. Sabay silang pumasok sa loob ng bahay at magkahawak-kamay na dumiretso sa itaas. Naunang pumasok sa banyo si Manson dahil inihanda ni Claire ang damit na susuotin nito at inilapag iyon sa kama saka niya sinundan ito sa banyo. Nakabukas ang pinto kaya kitang-kita niya ang kahubdan ng asawa habang nakatayo ito sa gilid ng bathtub habang pinupuno iyon ng tubig. Napako sa kinatatayuan si Claire habang nakatitig sa matikas na katawan nito. Kahit ilang taon na silang mag-asaw
“Alam mo na siguro kung bakit ka pinakasalan ni Manson. Magkamukha kayo ni Veena at ang batang iyon lang ang nababagay sa anak ko. Pareho ang estado ng buhay namin samantalang ikaw,” tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Nanliit ang paningin ni Claire at napayuko. Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Ano ba ang maitutulong mo sa negosyo ni Manson? Wala kang yaman at koneksyon, iha. Hiwalayan mo na si Manson. Malaki na rin naman ang naitulong niya sa ‘yo at sa pamilya mo, hindi ba? Isa pa, bumalik na si Veena. Panahon na para sila ni Manson ang magpakasal.”Ito ang mga salitang paulit-ulit na nagre-replay sa isip ni Claire habang nakaupo sa bench sa ilalim ng isang malagong punong-kahoy sa harap ng hospital kung nasaan ang kanyang lola. Umalis siya sa opisina ng biyenan niyang lalaki na pigil-pigil ang luha. Ang sakit na dulot ng sinabi ni Mr. Pherie ay malakas na sumuntok sa kanyang puso at nahihirapan siyang huminga. Pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi siya makaiyak. Tila manhid na
Habang lumilipas ang minuto na kasama ng kanyang ina ang kanyang ama y hindi mapakali si Claire. Pabalik-balik ang kanyang lakad sa salas upang pakalmahin ang sarili pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi siya mapakali. Mahigpit na habilin ng kanyang ina na ‘wag siyang sumunod rito dahil kaya na nito ang sarili pero hindi siya basta magpapaniwala sa sinabi nito. Kahit ilang beses pa lang niyang naka-engkwentro ang ama ay alam na niya ang likaw ng bituka nito. Sigurado siyang may masama itong tangka sa kanyang ina. “Claire, relax. Walang mangyayaring masama sa iyong ina. Kasama niya ang tatlong bodyguards na itinalaga ko sa kanya.”Nilingon ni Claire si Manson na nakaupo sa sofa at kanina pa nababahala dahil sa labis niyang pag-aalala. “Hindi mo kilala si Rolando, Manson. Kahit siya man ang asawa ni mama, ay hindi niya kailanman itinuring na asawa ang aking ina. At kahit may bodyguards siyang kasama alam kong kung gagawa nang masama si Rolando ay hindi sila magiging sapat.”Tumayo si
Nagsisimula na ang selebrasyon nang makapasok ang dalawa sa loob. Veena and Bruce walked table by table to toast to the guests. At dahil ayaw iwanan ni Manson si Claire na mag-isa ay umupo siya sa table nito upang samahan ito kagit pa ang table na dapat para sa kanya ay nasa harapan banda. Nang lumapit sa mesa nila sina Veena ay imposibleng hindi mag-iwan ng salita ang babae kahit pa tahimik lang si Claire.“Claire, mukhang ikaw ang star ng selebrasyon dahil mas lumilitaw ang awra mo kaysa sa akin. Are you trying to steal my limelight?” Veena said. Sinadya nitong palakasin ang boses para marami ang makarinig. Hahayaan na lang sana niya na si Manson ang bumati sa dalawa pero nang marinig ang sinabi ni Veena ay mahina siyang napatawa. This girl, even in her fabulous day, acted pathetic. “Veena, this is a happy occasion. Dapat ay magsaya ka at ‘wag gumawa ng negatibo. Isa pa, kapag kasal na kayo ni Bruce magiging magkapamilya na tayo.” Kinindatan niya si Veena saka kumapit ang kamay
“Manson…” mahinang tawag ni Claire sa asawa. Nakatayo ito sa veranda ng bahay niya habang naninigarilyo. Hindi niya alam kung pang-ilang stick na nito iyon pero hindi pa rin ito tumigil. Isang linggo na ang makalipas magmula ang komprontahan nila ni Marriotte. Nakalabas na rin sa ospital si Lucas at nakauwi na ang mga ito sa America. Labis ang lungkot ni Claire dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanya pero alam niyang umiiwas lang ito marahil ay sinabi rito ng ina na ang tungkol sa kondisyon na hinihingi nito kay Mr. Perie, sa ama nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na magkapatid nga ang asawa at kababata niya. “Gusto kong pumunta tayo sa probinsya n’yo at imbestigahan ang nangyaring sunog. Kung totoo man ang sinabi ni Marriotte na may kinalaman ang aking ama’t ina sa nangyari sa inyo ni Lucas ay kailangan ko silang panagutin. Pero gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na walang kinalaman dito si mama. I don’t care if it was my father’s doing to cover his crim
Hindi agad nakasagot si Claire dahil sa sinabi ni Mosheire. Nakamata lang siya rito habang naglalakad ito papalapit sa kanila ni Manson. Kasunod nito sa likuran si Mr. Perie na katulad ni Manson ay madilim ang mukha na nakatingin kay Marriotte. Ngunit kahit mag-isa lang ang babae habang pinagtutulungan ito ng tatlo ay hindi ito nagpakita ng takot.Claire was different. Hindi siya agad naniwala sa sinabi ni Mosheire at ni Manson hangga’t hindi niya naririnig ang side nito. Tulad nga ng sabi nila, may dalawang panig ang istorya. Nang lumapit sa tabi niya si Mosheirre at hinawakan siya sa braso ay isang tipid na ngiti lang ang iginawad niya rito bago tumingin kay Marriotte na naninibugho pa rin ang tingin pero ngayon, lahat ng galit nito ay ibinunton kay Mr. Perie. “At iyan ang ipinagkakalat niyo? Na isa akong kabet?” Itinuro nito ang sarili. Wala itong pakialam kahit pinagtitinginan ito ng ibang dumadaang tao dahil sa bulgar na sinabi nito. Malakas itong napaismid saka idinuro si Mr. P
Nagpatuloy si Marriotte sa mahigpit na paghawak sa kuwelyo ni Manson. Habang si Claire na nakikinig at nakatingin sa tabi nito ay hindi halos makakilos dahil sa nangyayari. Magkakilala ba sina Marriotte at Manson? Bakit galit na galit ito sa dati niyang asawa niya?“Dalawa kayo ng ina mo ang may dugong demonyo. Mga masasama ang loob! Hindi na kayo nakuntento noon na ipapatay si Lucas, at ngayong nalaman niyong buhay pa rin siya ay gusto niyo siyang patayin ulit? Kapag may nangyari masama sa anak ko ay siguraduhin kong lalabas ang baho ng pamilya ninyo!”Hinawakan ni Manson si Marriotte sa braso nito at pilit na tinanggal ang kamay nito sa pagkakahawak sa braso niya. “Huwag kang basta-basta mambintang at baka makasuhan kita,” malamig na banta ni Manson. “Wala akong ginawang masama sa anak mo.”Hinawakan ni Claire sa braso si Manson at pinisil iyon upang pakalmahin ito. Bagama’t sumunod ay nagpatuloy pa rin ito sa pagsasalita. “Pardon me for being blunt, but I have nothing to do with yo
Next:Limang araw na ang nakalipas pero wala pang balita si Claire tungkol kay Lucas. Ang eroplanong sinasakyan nga nito ang nabalitang nag-crash kaya’t agad silang dumayo sa Batanes dahil doon napabalitang nakita ang debris ng eroplanong bumagsak. Tumuloy sila sa isang hotel doon. Kasama niya si Manson at ang ilang tauhan nito.Bukod sa mga search and rescue team ng gobyerno ay nagdala rin si Manson ng sarili nitong rescuer team para maabilis ang paghahanap. Sa loob ng limang araw na wala siyang balita kay Lucas ay halos hindi rin makakain si Claire nang maayos dahil labis ang kanyang pag-aalala. Hindi niya kayang tanggapin kung may mangyaring masama kay Lucas. Hindi pa sila nito nagkakasama nang matagal.“Claire,” tawag sa kanya ni Manson. Kagagaling na nila sa karagatan upang suyurin ang lugar kung saan nag-crash ang eroplano. “Kumain ka muna. Ilang araw ka ng walang ayos na kain. Alagaan mo ang sarili mo, puwede ba? Sa tingin mo ba magugustuhan ni Lucas kung malaman niya na pinaba
Ang halik na nasimulan sa salas ay dumiretso hanggang sa kuwarto. At kahit hindi pa lumulubog ang araw ay gumagawa na ang dalawa ng gawain na kadalasan ay sa gabi lamang ginagawa. Ramdam na ni Claire ang pagod dahil ilang oras na silang nag-e-ehersisyo sa kama ni Manson pero wala pa ring balak tumigil ang lalaki. Naiintindihan niya ito. Matagal na simula nang huling may mangyari sa kanila ni Manson at inaamin ni Claire na kahit siya ay sabik na sabik sa katawan ng asawa. Kung hindi lamang siya nakaramdam ng gutom ay hindi pa tumigil si Manson. Alas-diyes na ng gabi at halos hindi na niya kayang igalaw ang katawan kaya hinayaan niya si Manson na asikasuhin siya. Mula sa pagpapaligo sa kanya at pagpalit ng damit ay inasikaso siya nito. Sa sobrang pagod at antok ay halos ipikit na niya ang mga mata kaya naman sinubuan na lang siya ni Manson para lang magkalaman ang sikmura niya. Nagpautos ito sa tauhan na bumili ng pagkain sa pinakamalapit na restaurant at agad ring pinauwi ang mga
Matapos lisanin ang opisina ng kanyang ina ay dumiretso siya sa bahay ni Claire. Naghihintay na ito sa kanya nang makarating siya habang hindi maipinta ang mukha dahil sa pag-aalala. Gustong tumawa ni Manson nang malakas pero kailangan niyang panindigan ang pagkukunwari kaya habang pababa ng kotse ay paika-ika siya ta gad naman siyang inalalayan ni Claire. “Ang tigas talaga ng ulo mo, Manson. Bakit kailangang dito ka pa dumiretso keysa sa ospital?” pangaral ni Claire habang inalalayan siya nitong maglakad papasok sa loob. Nakatanga lamang ang assistant at driver niyang kasama dahil sa inakto niya pero kinawayan niya ang mga ito na maghintay sa kotse at ‘wag siyang istorbohin.Pinaupo siya ni Claire sa sofa at agad na inirolyo pataas ang suot niyang pantalon at yumuko upang makita kung saan ang sumasakit. “Saang banda ang sumasakit? Ito ba?” Hinawakan nito ang kaliwa niyang tuhod at bahagyang pinisil.Umiling si Manson. “No.”Hinawakan nito ang kanan niyang tuhod at marahan uling pin
Hinaplos ni Manson ang buhok ni Claire saka masuyo iyong hinalikan. “Masiyado akong marahas at pabigla-bigla sa mga kilos ko nitong nakaraan, Claire. I’m sorry.”Tumingala si Claire at tiningnan ito nang malamlam saka umiling. “No. Ako ang masiyadong padalos-dalos sa kilos ko at hindi ko kinonsidera ang nararamdaman mo.”Hindi agad makasagot si Manson. Patuloy siya sa marahang paghaplos ng buhok nito. “Let’s continue being calm down for a while. Kapag hindi ko pa rin matanggap si Lucas ay hindi kita pipilitin. Siguro ay tama si mama. Kayo siguro talaga ang nakatakda.”Nakagat ni Claire ang labi at hindi makasagot. Ibinaba niya ang tingin sa kanyang kamay na nakapatong sa kanyang hita. Siguro nga kung hindi nangyari ang sunog ay sila ni Lucas ang magkasama ngayon at hindi sana niya nakilala si Manson. Pero kahit ganoon ay hindi niya pinagsisihan na pinakasalan niya ito. Naging magulo man ang pagsasama nila, sa loob ng tatlong taon na iyon ay naging masaya siya. Tunay na masaya. Dahil