Share

Chapter 200

Penulis: Athengstersxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-03 09:22:52

Pero noong lumapit siya, agad hinila ni Celestine ang kanyang kurbata.

Sandaling natigilan si Benjamin, at sa kanyang paningin ay lumitaw ang kakaibang mukha ni Celestine. Hindi niya alam kung hindi niya na lang iyon papansinin o matatawa siya.

Si Celestine? Maganda? Paanong nangyari iyon? Mayroon siyang dalawang itim sa mata na parang mata ng panda. Nagkalat na kasi ang eyeliner sa mata niya.

Kapag sinabi mo namang pangit siya, parang hindi naman. Ang kanyang pares ng mapupulang mata ay napakapayak at kaawa-awa.

Pinagdikit ni Benjamin ang kanyang mga labi at narinig niyang mahina niyang tanong, "Talaga bang hindi ka naaakit sa akin? Hindi ba ko maganda sa paningin mo?"

‘Talaga bang hindi ka naaakit sa akin? Hindi ba ko maganda sa paningin mo?’ Ilang beses umulit sa isipan ni Benjamin iyon.

Dahan-dahang bumaba ang tingin ni Benjamin mula sa kanyang mga kilay at huminto sa kanyang mapulang labi. Natigilan siya, hindi niya alam kung bakit sumagi sa isip niyang masarap halikan ang mga la
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 201

    Ang atmosphere sa loob ng kotse ay hindi malinaw. Hindi nila alam kung tama ba ang kanilang ginagawa o hindi.Ang mga dulo ng daliri ni Celestine ay hindi sinasadyang dumaplis sa leeg ni Benjamin, at ang mga bakas ng kuko niya ay kitang-kita.Nang halos mapunit na ang kanyang damit, biglang tumunog ang cellphone ni Benjamin sa gitna ng katahimikan.Sandaling natigilan ang kilos ng lalaki, at nanatili ang kanyang mga daliri sa hook ng bra ni Celestine.Napakalinaw ng ringtone kaya't sinumang makarinig nito ay agad na matatauhan.Tumingala si Celestine, at nagtagpo ang kanyang namumulang mga mata sa mga matang puno ng pagpipigil at pagkalito ni Benjamin.Pumikit si Celestine at may bahagyang dugo sa sulok ng kanyang labi dahil nakagat niya ito. Nakita niya ang pangalan na naka-display sa screen ng cellphone, si Diana.Si Diana ang tumatawag kay Benjamin.Kumunot ang noo ni Celestine, at unti-unting luminaw ang kanyang isipan. Hindi niya napigilan ang sarili na asarin si Benjamin, "Tayo

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-03
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 202

    "Nasa tamang edad na siya, may asawa at malapit na ngang makipag-divorce, at bata pa rin daw siya? Sa tingin ko, nasanay lang siya sa layaw at wala siyang alam kung ano ang ginagawa niya!”Naka-nguso noon si Celestine. Kahit hindi niya narinig ang naunang sinabi, alam niyang siya ang pinapagalitan ng mga magulang niya.Lasing siyang umuwi kagabi, at siguradong abala na naman ang kanyang mga magulang sa pag-aalaga sa kanya kaya nila nasabi iyon.Pumunta si Celestine sa sala. Agad siyang napansin ni Wendell.Napasinghal ito nang malamig, at pagkatapos makasigurong maayos na si Celestine, kinuha niya ang kanyang briefcase at umalis papuntang trabaho.“Daddy, mag-ingat ka sa daan!” pa-halong pa-puri na paalala ni Celestine dahil alam niyang may kasalanan siya rito.Hindi man lang lumingon si Wendell kahit na narinig niya ang boses ng kanyang anak, tuluyan na siyang umalis.Napangiwi si Celestine at tumingin sa kanyang ina.Nakangunot ang noo ni Nancy habang nakatingin sa kanyang anak. “Ce

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-03
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 203

    Ginugol ni Celestine ang buong umaga sa pag-aaral mula sa kanyang experience.Tulad ng sinabi ni Georgia, may iba’t ibang klase ng mga pasyente sa isang ospital.May ilang pasyenteng may luha sa kanilang mga mata, nagmamakaawang iligtas sila ni Georgia; may iba namang nakakunot lagi ang noo, may matigas na ekspresyong nagpapahiwatig ng “Hindi ako naniniwala sa’yo dahil ang mga doktor ay pumapatay lang ng tao.”Pero ang mas nakakagalit ay hindi ang mga pasyente mismo, kundi ang kanilang mga pamilya.Katulad na lang ng isang pasyente na kokonsulta ngayon."Anong sakit meron ang asawa kong ito at bakit ang mahal ng pagpapagamot niya?""Wala akong pera para ipagamot siya ngayon! Gusto ko lang itanong sa’yo, magagamot mo ba siya o nakakamatay ang sakit niya?"Sa harapan niya ay isang gusgusing lalaking nasa kalagitnaang edad. Tinatayang nasa singkwenta anyos na ito, at may hindi maipaliwanag na kabastusan sa kanyang hitsura.Katabi niya ang isang batang babae na nasa tatlumpung taong gulan

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-04
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 204

    Nang unang dumating siya sa clinic, nakilala niya ang mag-asawang iyon. Mahina ang kanyang puso at tinulungan niya ang babae. Nang malaman ito ng lalaki, agad siyang sinisi.Pinilit pa siyang bilhan sila ng kotse at bahay at alagaan habambuhay! Ganoon ang ugali ng lalaking iyon.Sinabi pa niya na nangangatwiran, "Hindi ba mayaman ka? Dapat maging mabuti kang tao at tulungan mo ang lahat ng mga nangangailangan sa iyo!"Mula noon, natakot si Georgia sa ganitong klaseng masasamang tao! Hindi na niya ninais pang tulungan ang kahit na sino!"Alam ko na, Dok. Pasensya na po sa inasal ko, naiintindihan niyo naman po siguro kung bakit ko nagawa iyon." Sagot ni Celestine nang seryoso."Sige, magpahinga tayo sandali. Pagod din ako. Alam kong na-stress ka sa nakita mo kanina," Tinanggal ni Georgia ang kanyang salamin at minasahe ang kanyang sentido. Pagod na pagod siya.Lumapit si Cestine at nagsabing, "Miss Georgia, hayaan mo akong imasahe ka. Na-stress ka rin kasi sa paghabol ko roon sa mag-as

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-04
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 205

    Pagkatapos ng tanghalian, pamilyar na si Celestine sa paligid ng outpatient clinic nang bigla siyang makatanggap ng text message mula kay Axl Yllana.Tito Axl: "Pamangkin, lumabas ka muna dyan sa bahay niyo. Sasamahan kita, lumabas tayo. Treat ko! Promise!”Celestine: Naku, Tito Axl. Pasensya na po kayo pero nagtatrabaho po ako ngayon at busy na busy ako. Kailangan ko pong magtrabaho.Tito Axl: "Anong trabaho ang sinasabi mo? Hindi ba kaya ng pamilya Yllana na buhayin ka? Ang yaman-yaman ng pamilya niyo, tapos nagtatrabaho ka? Aba, dapat nga ay iturin ka nila bilang isang prinsesa!”Napabuntong-hininga si Celestine noong mga oras na iyon. Kaya naman nilang buhayin siya, pero hindi siya pwedeng umasa sa pamilya Yllana habambuhay at magbuhay prinsesa. Kailangan niyang matutong mag-isa para hindi siya mukhang tanga pagdating sa napakaraming bagay.Tito Axl: "Mamayang gabi, ililibre kita ng masarap na dinner sa kahit saan mo gustong restaurant. Sabihin mo lang sa akin kung saan at pupunta

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-05
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 206

    Bahagyang nakita niya ang isang pamilyar na pigura sa pagitan ng mga tao, parang iyon ang babaeng iyon.Natigilan si Celestine saglit, at dali-daling lumapit, at narinig ang isang tao na nagsabi, “Tama na nga iyang pananakit mo, asawa mo siya, hindi ba? Gusto mo ba siyang patayin?”Nakakagulat ang tanawin sa harapan niya. Nakapatong ang lalaki sa babae, hawak ang buhok nito sa kaliwang kamay, habang sunod-sunod ang suntok mula sa kanang kamay.“Pumunta ka palang palihim sa doktor, hindi mo man lang sinabi sa akin. May pera ka ba pampagamot ha? ‘Di ba, wala? Palibhasa, malandi kang babae! Wala kang kwenta!”“Sabi ko na ngang hindi kita ipapagamot, hindi mo ba naiintindihan? Babae lang kita! Ni hindi mo ako nabigyan ng anak, tapos gusto mong gumastos ako ng daan-daang libo para sa sakit mo? Ano ang tingin mo sa akin? Siraulo?"Umuugong ang galit na may halong pagmumura ng lalaki sa paligid, at lahat ng tao sa paligid ay hindi natuwa. Nagbulung-bulungan tuloy ang mga tao roon.“Anong ibi

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-05
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 207

    Napangiting mapait si Celestine. Tanging mga inutil lang ang gustong kontrolin ang buhay at kamatayan ng iba!“Kung gano’n lang din, subukan mong gawin ‘yang sinasabi mo.” Malamig ang mukha ni Celestine, malinaw ang pag-iisip at kalmado.“Tinatakot mo ba ako? Para sabihin ko lang sa iyo, hindi ako natatakot,” Tinitigan siya ng lalaki, mabilis ang paghinga.Unti-unting bumangon ang babaeng nasa sahig, niyakap niya ang binti ng lalaki at umiling.“Doctor Yllana, salamat… Hindi ko na kaya, hindi na talaga…” Umiiyak siya, at puno na ng ugat ang kanyang namumulang mga mata.Hindi na makita ni Celestine ang bakas ng panahon sa mukha ng babae.“Hindi ko na kaya, uuwi na lang ako kasama ka, susunod na ako sa’yo, kahit anong ipagawa mo, gagawin ko. Basta, huwag ka nang manggulo dito,” Niyakap ng babae ang binti ng lalaki, nagmamakaawa ang kanyang tinig, “Uwi na tayo. Sige na. Tigilan na natin ang gulong ito.”Pinagtatawanan sila ng mga tao sa paligid dahil sa nakikita nilang eksena.Hindi napi

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-05
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 208

    Tiningnan ni Celestine ang lalaking nasa sahig nang malamig ang mga mata. Marahan niyang pinunasan ang gilid ng kanyang bibig gamit ang kanyang mga daliri, pagkatapos ay kinawayan niya ito ng daliri, walang emosyon sa mukha, astig at matapang ang kanyang boses, “Bumangon ka na parang tunay na lalaki! Bilisan mo!”Nang makita ng babaeng nasa tabi niya ang lalaking nakahandusay, umiiyak itong gumapang palapit at nakiusap kay Celestine, “Huwag, huwag mo na siyang saktan. Parang awa mo na.”Nagulat si Celestine. Pinagtatanggol pa talaga niya ang lalaking iyon? Ang lalaking kaya siyang patayin at hindi ipagamot? “Huwag mo siyang saktan, kapag sinaktan mo pa siya, tuluyan nang mabubuwag ang pamilya namin. Ayaw ko noon. Nagmamakaawa ako sa iyo.”Nagimbal si Celestine nang marinig iyon. Sa mga sandaling ito, nabanggit pa rin niya ang “pamilya namin.” Ibig sabihin, mahal na mahal niya pa rin ang lalaki kahit ganoon na ang ginawa sa kan

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-06

Bab terbaru

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 217

    Huminto si Celestine at nagtama ang kanilang mga mata ni Louie.Narinig ni Celestine na bumulong si Diana, "Papasukin mo si Celestine, Louie.”Malamig na sinabi ni Louie kay Celestine, "Magpakita ka ng respeto sa kapatid ko. Kung hindi, ako ang hindi rerespeto sa iyo.”Ngumiti si Celestine, "Mr. Valdez, kailan ba ako naging bastos sa kapatid mo? Sa pagkakaalala ko kasi, never naman akong naging ganoon sa kanya.”Bukod pa rito, alam ng lahat na si Diana ang pinakamamahal na anak ng pamilya Valdez, at mahal na mahal siya ng kanyang dalawang kapatid. Kung aawayin niya si Diana sa harap ng kapatid nito, hindi ba’t para na rin siyang humihingi ng gulo mula sa pamilya Valdez?Hindi ganoon kamangmang si Celestine para gawin iyon.Hindi na tuloy pinansin ni Louie si Celestine at dinala siya papasok sa kwarto ng ospital.Sa loob, nagpapahinga ng maigi si Diana. Mahina siya at maputla ang mukha.Pagkapasok ni Celestine, biglang lumaki ang mga mata ni Diana.Suot ni Celestine ang isang puting co

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 216

    Hinila ni Celestine si Diana at inihiga ito sa kama.Inalis ni Vernard ang lahat ng bakas ng kanilang pagbisita ngayong gabi.Lumabas si Celestine sa may pasilyo, tumingin siya sa monitor, bahagyang ngumiti, at gumawa ng "ok" na senyas kay Vernard.Kasabay nito, may isang tao sa monitoring room na nag-delete ng video. Sa labas ng ospital, binuksan ni Celestine ang pinto ng itim na business car.May binatilyong naghihintay na sa loob ng sasakyan."Na-delete mo na ba ang video?" tanong ni Chu Mian.Tumango naman si Ralph, "Oo, boss. Burado na po.”Si Ralph, lalaki, 20 taong gulang, ang ace hacker ng base. May pambihirang utak, sobrang talas na memorya, at siya ang isa sa mga pangunahing tao sa base. Dalubhasa pagdating sa lahat ng tungkol sa computer machines.Sumakay si Vernard sa sasakyan at umalis na ito."Sapat na 'yon para mahirapan si Diana," nakangiting sabi ni Vernard."Medyo nakakatakot pero kinaya naman nating gawin. Oo, tama ka, okay na nga iyon," tango naman ni Ralph.Haban

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 215

    Gabi na noon.Wala nang tao sa ospital pagsapit ng alas-dose ng gabi. Puro pasyente na lang at ilang doktor na busySabi ng iba, kung wala kang ginagawang masama, wala kang dapat ikatakot sa mga multong sa paligid. Pero si Diana ay nakaramdam ng matinding lamig habang natutulog, kaya’t napatayo siya mula sa kanyang kinauupuan.Tiningnan niya ang bakanteng kuwarto, saka tumingin sa bintana. Napasinghap siya at dali-daling kinuha ang kanyang cellphone. Eksaktong alas-dose ng hatinggabi.Nanaginip siya ng masama. Napanaginipan niyang dumating si Celestine para kunin ang pabalik ang kanyang buhay.Lumunok si Diana ng ilang beses, kinusot ang kanyang mga kilay, saka binuksan ang chat box nila ni Benjamin para magpadala ng message.“Benj, gising ka pa ba? Natatakot kasi ako, parang may multo dito sa ospital. Busy pa naman ang ibang doktor, wala akong kasama. Pwede mo ba akong puntahan dito ngayon?”Walang sagot mula kay Benjamin. Nakaramdam si Diana ng hindi maipaliwanag na kaba. Feeling ni

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 214

    "Alam ko. Siya lang ang may galit sa akin na pwedeng umabot na sa pagpatay." Pinagdikit ni Celestine ang kanyang mga labi, malamig ang kanyang tinig.Sobrang nerbyos ang lalaki. "Pakawalan mo ako rito. Nalaman mo na ang gusto mong malaman, hindi ba?”Umismid si Celestine. "Huh? Hindi ba’t ikaw ang dumukot sa akin? Hindi ba’t ako ang dapat na nagmamakaawa sa’yo na pakawalan ako?"Napangiwi ang lalaki, hindi ba’t pinapahiya siya ni Celestine sa way nang pagsasabi niya noon?Si Celestine ang biktima pero parang siya pa ang kumidnap roon sa mga lalaki.Pero para mabuhay, nagmakaawa ang lalaki habang pinagdikit ang mga palad. "Miss Yllana, pakiusap, pakawalan mo na ako. Hindi ko rin naman talaga ginusto ito. Kailangan ko lang ng pera para sa pamilya ko kaya ako pumayag na gawin sa iyo ito.”Tumango si Celestine. "Talaga? Hindi mo ito ginustong gawin? Naku, kawawa ka naman pala. Pwes, may good news ako para sa iyo.”Kumunot ang noo ng lalaki pero agad na lumiwanag ang kanyang mga mata nang

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 213

    Bigla na lang naramdaman ni Celestine na parang mahuhulog siya.May bakas ng gulat sa mata ng lalaki. Talagang naglakas-loob si Celestine na tumalon palabas ng kotse nang nakatalikod sa bintana! Hindi ba’t tuluyang madudurog ang katawan niya kung mahulog siya? Puwede pa siyang masagasaan ng mga dumaraang sasakyan! Iyon na ang ikamamatay niya nang tuluyan!Agad lumapit ang lalaki para pigilan si Celestine. Napamura siya, “Ano bang gusto mo?! Mamatay sa ganyang paraan? Baliw ka yata!”“Hindi ba’t mas komportableng lumubog sa dagat kaysa masagasaan ng kotse?” Gusto sanang matawa ni Celestine nang marinig ang sinabi ng lalaki sa kanya.Napaka-bait naman niya, iniisip pa kung alin ang mas komportableng paraan para mamatay si Celestine. Halatang may care siya para sa babae.Sinamantala ni Celestine ang sandaling hindi siya binabantayan at malakas na sinipa sa tiyan ang lalaki.Napaatras ang lalaki at napilitan siyang bitawan si Celestine. Malambot ang katawan ni Celestine kaya’t mabilis siy

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 212

    Ibinaba ni Celestine ang kanyang boses, “Magbabayad ako ng sampung beses ng bayad ng taong nagpagawa sa inyo nito, pakawalan n’yo lang ako!”Natigilan ang lalaki, sampung beses? Hindi nila alam kung seryoso ba si Celestine sa sinasabi niya.“Alam mo ba kung gaano kalaki ang perang makukuha namin kung ita-times ten mo ang bayad sa amin?” tanong ng lalaki kay Celestine.“Kahit gaano pa ‘yan kalaki, hindi kapos sa pera ang pamilya Yllana! Mayaman kami. Sigurado akong kaya nila kayong bayaran, basta pakawalan niyo lang ako,” seryosong sagot ni Celestine, hindi nagpakita ng ano mang takot.Lumingon ang lalaking nasa passenger seat, tumitig kay Celestine, at malamig ang boses na sinabi, “Huwag kang mag-alala. Hindi kami interesado sa pera… pero interesado kami sa iyo.”“Nabubuhay ang tao sa mundo para sa pera, tapos, ako lang ang gusto n’yo? Ano ba namang kahibangan iyan?” ngumiti si Celestine.Walang saysay ang gustuhin ang isang tao.Gusto niya noon si Benjamin, pero ano ang napala niya s

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 211

    "Tito Axl, nabasa mo na ba ang balita? Wala na ang kumpanya ni Mr. Robert De Jesus." Uminom si Celestine ng kaunting red tea at tumingala kay Axl.Tinitingnan naman ni Axl ang isang kontrata sa kanyang cellphone. Naka-kunot ang kanyang noo at walang interes na tumugon, "Ganun ba?""Dahil ba sa inyo Tito kaya nawala ang kumpanya niya?" hindi mapigilang tanungin ni Celestine si Axl.Muling tumingin si Axl kay Celestine, "Ano? Bakit mo naman naisip iyan?""Ikaw ba ang dahilan kung bakit nawala ang kumpanya niya?" muling tanong ni Celestine.Tinapos ni Axl basahin ang kontrata pagkatapos ay pinatay ang kanyang cellphone,ngumiti kay Celestine, "Siyempre, may paraan si Tito Axl sa mga bagay-bagay ‘no!”Itinuro niya ang kontrata sa kanyang cellphone, na halatang iba sa sinasabi ni Celestine, "Hindi naman nakakagulat kung bakit ako nakarating sa kinalalagyan ko ngayon, hindi ba? Hindi ako tatagal sa industry kung hindi ako isang maparaan na tao.”Ngumiti si Celestine noong marinig iyon, "Tala

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 210

    Kinausap niya pa ng maigi ang kanyang sarili. Kinumbinsi niya ang sarili na hindi siya ang may gawa noon.‘Oo, hindi ako ang may gawa noon. Di ba, si Diana ang lagi niyang kasama? Malamang, siya ang may gawa noon. Oo, tama. Siguradong siya ang may gawa noon.’“Baka kung sinong babaeng ligaw ang may gawa niyan! Hindi ba’t si Diana Valdez ang babae niya ngayon?” Patuloy ang pagalit ni Axl. “Ang kapal talaga ng mukha niya!”Tumango si Celestine habang nagmumura rin, “Walanghiya talaga siya! Kahit kailan ay hindi niya ako minahal!”“Ayos lang ‘yan, pamangkin. Mahirap mahalin ang isang taong walang paninindigan, pero sigurado akong may ibang lalaki para sa iyo, makikilala mo rin iyon soon! Hintayin mong makipag-divorce siya sa iyo, tutulungan talaga kita para makahanap mo na ang lalaking para sa iyo lang!” Pinalo ni Axl sa balikat si Celestine.Tumango si Celestine nang mariin, “Salamat, Tito Axl! Noon pa man,suportado mo na ako sa mga bagay na gusto kong gawin. Kaya, mahal na mahal kita e

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 209

    Pabalik sa ospital, tumawag si Celestine kay Vernard at sinabi, “I-suppress mo lahat ng balita tungkol sa akin sa ospital ngayong araw ha? Naiintindihan mo ba?”Agad na nagtaka si Vernard sa kabilang linya.“Ha? Anong kinasangkutan mo sa Macabuhay Medical Hospital, Boss? May naging problema ba?”Napailing si Celestine, hanggang ngayon pala ay tsismoso pa rin si Vernard. Sa huli ay hindi niya pa rin sinabi kung anong nangyari sa kanya.“Vernard, basta! Huwag nang maraming tanong. Ayaw kong may makakita sina Mommy at Daddy ng kahit anong opinyon tungkol sa akin sa internet.”Sumagot na lang si Vernard kahit hindi niya naiintindihan kung bakit inutos iyon ni Celestine sa kanya.“Opo, boss. Masusunod po.”Pagbalik ni Celestine sa clinic, normal na ulit ang lahat. Kahit paano tuloy ay nakahinga siya nang maluwag.Laging palipat-lipat ang mga pasyente kaya hindi na kataka-taka k

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status