Bahagyang nakita niya ang isang pamilyar na pigura sa pagitan ng mga tao, parang iyon ang babaeng iyon.Natigilan si Celestine saglit, at dali-daling lumapit, at narinig ang isang tao na nagsabi, “Tama na nga iyang pananakit mo, asawa mo siya, hindi ba? Gusto mo ba siyang patayin?”Nakakagulat ang tanawin sa harapan niya. Nakapatong ang lalaki sa babae, hawak ang buhok nito sa kaliwang kamay, habang sunod-sunod ang suntok mula sa kanang kamay.“Pumunta ka palang palihim sa doktor, hindi mo man lang sinabi sa akin. May pera ka ba pampagamot ha? ‘Di ba, wala? Palibhasa, malandi kang babae! Wala kang kwenta!”“Sabi ko na ngang hindi kita ipapagamot, hindi mo ba naiintindihan? Babae lang kita! Ni hindi mo ako nabigyan ng anak, tapos gusto mong gumastos ako ng daan-daang libo para sa sakit mo? Ano ang tingin mo sa akin? Siraulo?"Umuugong ang galit na may halong pagmumura ng lalaki sa paligid, at lahat ng tao sa paligid ay hindi natuwa. Nagbulung-bulungan tuloy ang mga tao roon.“Anong ibi
Napangiting mapait si Celestine. Tanging mga inutil lang ang gustong kontrolin ang buhay at kamatayan ng iba!“Kung gano’n lang din, subukan mong gawin ‘yang sinasabi mo.” Malamig ang mukha ni Celestine, malinaw ang pag-iisip at kalmado.“Tinatakot mo ba ako? Para sabihin ko lang sa iyo, hindi ako natatakot,” Tinitigan siya ng lalaki, mabilis ang paghinga.Unti-unting bumangon ang babaeng nasa sahig, niyakap niya ang binti ng lalaki at umiling.“Doctor Yllana, salamat… Hindi ko na kaya, hindi na talaga…” Umiiyak siya, at puno na ng ugat ang kanyang namumulang mga mata.Hindi na makita ni Celestine ang bakas ng panahon sa mukha ng babae.“Hindi ko na kaya, uuwi na lang ako kasama ka, susunod na ako sa’yo, kahit anong ipagawa mo, gagawin ko. Basta, huwag ka nang manggulo dito,” Niyakap ng babae ang binti ng lalaki, nagmamakaawa ang kanyang tinig, “Uwi na tayo. Sige na. Tigilan na natin ang gulong ito.”Pinagtatawanan sila ng mga tao sa paligid dahil sa nakikita nilang eksena.Hindi napi
Tiningnan ni Celestine ang lalaking nasa sahig nang malamig ang mga mata. Marahan niyang pinunasan ang gilid ng kanyang bibig gamit ang kanyang mga daliri, pagkatapos ay kinawayan niya ito ng daliri, walang emosyon sa mukha, astig at matapang ang kanyang boses, “Bumangon ka na parang tunay na lalaki! Bilisan mo!”Nang makita ng babaeng nasa tabi niya ang lalaking nakahandusay, umiiyak itong gumapang palapit at nakiusap kay Celestine, “Huwag, huwag mo na siyang saktan. Parang awa mo na.”Nagulat si Celestine. Pinagtatanggol pa talaga niya ang lalaking iyon? Ang lalaking kaya siyang patayin at hindi ipagamot? “Huwag mo siyang saktan, kapag sinaktan mo pa siya, tuluyan nang mabubuwag ang pamilya namin. Ayaw ko noon. Nagmamakaawa ako sa iyo.”Nagimbal si Celestine nang marinig iyon. Sa mga sandaling ito, nabanggit pa rin niya ang “pamilya namin.” Ibig sabihin, mahal na mahal niya pa rin ang lalaki kahit ganoon na ang ginawa sa kan
Pabalik sa ospital, tumawag si Celestine kay Vernard at sinabi, “I-suppress mo lahat ng balita tungkol sa akin sa ospital ngayong araw ha? Naiintindihan mo ba?”Agad na nagtaka si Vernard sa kabilang linya.“Ha? Anong kinasangkutan mo sa Macabuhay Medical Hospital, Boss? May naging problema ba?”Napailing si Celestine, hanggang ngayon pala ay tsismoso pa rin si Vernard. Sa huli ay hindi niya pa rin sinabi kung anong nangyari sa kanya.“Vernard, basta! Huwag nang maraming tanong. Ayaw kong may makakita sina Mommy at Daddy ng kahit anong opinyon tungkol sa akin sa internet.”Sumagot na lang si Vernard kahit hindi niya naiintindihan kung bakit inutos iyon ni Celestine sa kanya.“Opo, boss. Masusunod po.”Pagbalik ni Celestine sa clinic, normal na ulit ang lahat. Kahit paano tuloy ay nakahinga siya nang maluwag.Laging palipat-lipat ang mga pasyente kaya hindi na kataka-taka k
Kinausap niya pa ng maigi ang kanyang sarili. Kinumbinsi niya ang sarili na hindi siya ang may gawa noon.‘Oo, hindi ako ang may gawa noon. Di ba, si Diana ang lagi niyang kasama? Malamang, siya ang may gawa noon. Oo, tama. Siguradong siya ang may gawa noon.’“Baka kung sinong babaeng ligaw ang may gawa niyan! Hindi ba’t si Diana Valdez ang babae niya ngayon?” Patuloy ang pagalit ni Axl. “Ang kapal talaga ng mukha niya!”Tumango si Celestine habang nagmumura rin, “Walanghiya talaga siya! Kahit kailan ay hindi niya ako minahal!”“Ayos lang ‘yan, pamangkin. Mahirap mahalin ang isang taong walang paninindigan, pero sigurado akong may ibang lalaki para sa iyo, makikilala mo rin iyon soon! Hintayin mong makipag-divorce siya sa iyo, tutulungan talaga kita para makahanap mo na ang lalaking para sa iyo lang!” Pinalo ni Axl sa balikat si Celestine.Tumango si Celestine nang mariin, “Salamat, Tito Axl! Noon pa man,suportado mo na ako sa mga bagay na gusto kong gawin. Kaya, mahal na mahal kita e
"Tito Axl, nabasa mo na ba ang balita? Wala na ang kumpanya ni Mr. Robert De Jesus." Uminom si Celestine ng kaunting red tea at tumingala kay Axl.Tinitingnan naman ni Axl ang isang kontrata sa kanyang cellphone. Naka-kunot ang kanyang noo at walang interes na tumugon, "Ganun ba?""Dahil ba sa inyo Tito kaya nawala ang kumpanya niya?" hindi mapigilang tanungin ni Celestine si Axl.Muling tumingin si Axl kay Celestine, "Ano? Bakit mo naman naisip iyan?""Ikaw ba ang dahilan kung bakit nawala ang kumpanya niya?" muling tanong ni Celestine.Tinapos ni Axl basahin ang kontrata pagkatapos ay pinatay ang kanyang cellphone,ngumiti kay Celestine, "Siyempre, may paraan si Tito Axl sa mga bagay-bagay ‘no!”Itinuro niya ang kontrata sa kanyang cellphone, na halatang iba sa sinasabi ni Celestine, "Hindi naman nakakagulat kung bakit ako nakarating sa kinalalagyan ko ngayon, hindi ba? Hindi ako tatagal sa industry kung hindi ako isang maparaan na tao.”Ngumiti si Celestine noong marinig iyon, "Tala
Ibinaba ni Celestine ang kanyang boses, “Magbabayad ako ng sampung beses ng bayad ng taong nagpagawa sa inyo nito, pakawalan n’yo lang ako!”Natigilan ang lalaki, sampung beses? Hindi nila alam kung seryoso ba si Celestine sa sinasabi niya.“Alam mo ba kung gaano kalaki ang perang makukuha namin kung ita-times ten mo ang bayad sa amin?” tanong ng lalaki kay Celestine.“Kahit gaano pa ‘yan kalaki, hindi kapos sa pera ang pamilya Yllana! Mayaman kami. Sigurado akong kaya nila kayong bayaran, basta pakawalan niyo lang ako,” seryosong sagot ni Celestine, hindi nagpakita ng ano mang takot.Lumingon ang lalaking nasa passenger seat, tumitig kay Celestine, at malamig ang boses na sinabi, “Huwag kang mag-alala. Hindi kami interesado sa pera… pero interesado kami sa iyo.”“Nabubuhay ang tao sa mundo para sa pera, tapos, ako lang ang gusto n’yo? Ano ba namang kahibangan iyan?” ngumiti si Celestine.Walang saysay ang gustuhin ang isang tao.Gusto niya noon si Benjamin, pero ano ang napala niya s
Bigla na lang naramdaman ni Celestine na parang mahuhulog siya.May bakas ng gulat sa mata ng lalaki. Talagang naglakas-loob si Celestine na tumalon palabas ng kotse nang nakatalikod sa bintana! Hindi ba’t tuluyang madudurog ang katawan niya kung mahulog siya? Puwede pa siyang masagasaan ng mga dumaraang sasakyan! Iyon na ang ikamamatay niya nang tuluyan!Agad lumapit ang lalaki para pigilan si Celestine. Napamura siya, “Ano bang gusto mo?! Mamatay sa ganyang paraan? Baliw ka yata!”“Hindi ba’t mas komportableng lumubog sa dagat kaysa masagasaan ng kotse?” Gusto sanang matawa ni Celestine nang marinig ang sinabi ng lalaki sa kanya.Napaka-bait naman niya, iniisip pa kung alin ang mas komportableng paraan para mamatay si Celestine. Halatang may care siya para sa babae.Sinamantala ni Celestine ang sandaling hindi siya binabantayan at malakas na sinipa sa tiyan ang lalaki.Napaatras ang lalaki at napilitan siyang bitawan si Celestine. Malambot ang katawan ni Celestine kaya’t mabilis siy
Tiningnan ni Benjamin si Diana noon. Napakunot-noo naman si Philip, halatang hindi natuwa sa pagdating ni Diana.“Ano'ng meron? Bakit ganun makatingin sa akin ang ama mo?” tanong ni Diana kay Benjamin.Ipinasa ni Benjamin sa kanyang ina ang mga gamit para kay Lola Belen pagkatapos ay hinila si Diana at sinabing, “Sa labas na lang tayo mag-usap.”Tumango si Diana, hindi niya nakalimutang silipin si Celestine. Nakita niyang kino-comfort ni Celestine si Zsa Zsa na noon ay naluluha na.Sa isang bench sa likod ng garden ng inpatient department sila nag-usap na dalawa, tinanong ni Benjamin si Diana, “Nabasa mo o nakita mo na ba sa TV ang balita?”Umupo si Diana sa bench at lumapit kay Benjamin, sandaling natigilan, saka tumango, “Oo. Alam ko na ang tungkol sa balita na sinasabi mo.”“Maraming masamang komento tungkol sa iyo, sana ay huwag mong dibdibin masyado. Hindi 'yun mahalaga para sa ating dalawa, naiintindihan mo ba?” Nakakunot-noo si Benjamin noon habang kinakalma si Diana. Natatako
Sabay na tumingin sina Zsa Zsa at Lola Belen kay Benjamin, hinihintay ang kanyang sagot.Yumuko si Benjamin pero nanatiling tuwid ang pagkakaluhod niya.Gumalaw na ang kanyang labi at handa na sanang magsalita nang bigla niyang narinig ang reporter sa TV na nagsabi, "Gumastos din ng malaking pera si Benjamin Peters para bilhin ang lupa malapit sa airport para kay Diana Valdez at nagtayo siya roon ng isang hacienda para sa nasabing dalaga.”Halos sumabog sa galit si Philip dahil sa narinig, "Hindi mo inalintana na masasaktan mo ang pamilya Villaroman makuha lang ang lupa, para lang mapasaya si Diana? Benjamin, nababaliw ka na ba talaga dahil sa babaeng iyan?""Hindi po, Dad." Agad na paliwanag ni Benjamin sa kanyang ama, "May sarili akong plano sa lupang iyon, hindi iyon para kay Diana."Napasinghap si Lola Belen, "Ang bilis mong linawin ang bagay na ‘yan. Pero kanina, hindi mo sinagot ang tanong ng ama mo."Masyadong agresibo si Lola Belen sa mga salita niya. Halata na galit na galit
Ilang minuto pa ay tinawag ulit ni Benjamin si Veronica bago pa ito makaalis.“Veronica!”Agad na huminto si Veronica nang marinig iyon at tumingin kay Benjamin.Marahil dahil masyadong mabilis at biglaan ang balita, siya’y nag-aalala. Ang guwapong mukha niya ay puno ng takot at pangamba.Itinuro ni Benjamin si Veronica, binuka ang bibig, tila may gustong sabihin, pero nag-alinlangan ito.Dati-rati, si Veronica ang pinakabihasa sa pag-unawa kay Benjamin, ngunit sa sandaling ito, hindi niya ito mawari.Biglang tumunog ang cellphone sa mesa. Si Mrs. Belen Peters ang tumatawag.Namutla ang mukha ni Benjamin nang malaman na si Lola Belen ang tumatawag sa kanya. Napakunot-noo siya at mahina niyang sinabi kay Veronica, "Sige na, hanapin mo muna ang taong nagpakalat ng balita."Tumango si Veronica.Kinuha ni Benjamin ang kanyang cellphone, inihanda ang sarili, at pinindot ang answer button.Sabi agad ni Lola Belen, "Benjamin, umuwi ka agad! Kailangan nating mag-usap!”Sa isang utos pa lamang
Isang malaking pulang title na ang nakalagay ay, "Divorce of Benjamin Peters and Celestine Peters” ang nakalagay sa itaas ng listahan ng mga trending na balita sa internet.Pagkatapos pindutin ito, kitang-kita ang isang marketing account na naglabas ng balita: "Isang hindi nagpakilalang tao ang nagsubmit ng ulat na si Benjamin Peters, ang presidente ng D’Belinda, ay pumirma na sa divorce papers kasama ang kanyang asawang si Celestine Yllana Peters at kasalukuyang pinag-uusapan ang mga detalye ng kanilang paghihiwalay."Habang nagpapatuloy ang pag-scroll, puno ng balita tungkol kay Benjamin at Celestine ang nasa screen, at ilan dito ay hindi kanais-nais na mabasa."Dahil sa hindi pagkakasunduan sa kanilang emosyon, nagpasya na mag-divorce sina Benjamin at Celestine. May kumuha pa ng litrato nito noong pumunta sila sa Civil Affairs Bureau. Ilang beses ding sinamahan ni Benjamin si Diana habang kasal pa sila kaya kumpirmadong wala na talaga silang mag-asawa.”"Sinamahan ni Benjamin si Di
Ngumiti si Lola Belen at bahagyang yumuko, na itinuturing na niyang isang pagbati sa lahat ng nasa party na iyon.Makalipas ang ilang sandali, sumunod si Lola Belen sa loob.Hindi niya alam na may isang itim na sasakyan na nakaparada hindi kalayuan, dahan-dahang ibinaba ang bintana. Matarik ang labi ng driver habang nagsalita, "Miss, pumasok na kayo."Paglitaw ni Lola Belen, agad siyang naging sentro ng atensyon ng buong lugar. Grabe kung pag-usapan siya ng mga tao roon.Alam ng lahat na ang pamilya Peters ang may pinakamalaking kapangyarihan sa buong Nueva Ecija.Matapos pumanaw ang asawa niya nq si Gaustavo Peters, si Lola Belen, isang babae, ang siyang nagtaguyod na sa buong pamilya. Bagaman parehong mahusay sina Benjamin at ang kanyang ama, nanatili pa rin sa kamay ni Lola Belen ang kapangyarihan ng pamilya Peters."Mrs. Belen Peters!" may lumapit sa matanda at magalang siyang binati.Bahagyang tumango si Lola Belen nang may napakalamig na anyo.Sa isang mundong puno ng katanyagan
Kumakain si Celestine ng kanyang dinner nang bigla siyang makatanggap siya ng tawag mula kay Lola Belen."Celestine, makikipag-afternoon tea ako sa isang matagal ko ng kaibigan bukas ng gabi. Gusto mo bang sumama sa akin? Huwag kang mag-alala sa susuotin mo, ako na ang bahala roon." Malambing ang boses ni Lola Belen noong mga oras na iyon kaya mahirap tumanggi.Nakita ni Wendell na may kausap sa cellphone si Celestine kaya agad siyang nagtanong sa kanyang anak, "Sino 'yan?"Tumingala si Celestine sa kanyang ama at mahinahong tumanggi agad sa kanyang kausap, "Lola Belen, may gagawin po akong importante bukas kaya baka hindi po ako makasama sa inyo."Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas sa kabilang linya bago napabuntong-hininga si Lola Belen, "Sige na nga. Wag ka nang sumama sa akin. Kung anuman ang gagawin mo bukas ay gawin mo na."Ibinaling ni Celestine ang tingin at mahina niyang sinabi, "Lola Belen, may kailangan po talaga kasi akong tapusin sa ospital. Ilang araw po akong hin
Iniisip ni Celestine na siguradong nakita ni Nancy si Benjamin na isinama si Diana roon sa press conference.Nakaramdam siya ng awa para sa pamilya Yllana dahil kahit hindi man nila sabihin, alam ni Celestine na napahiya sila.Talagang sumobra si Benjamin sa pagkakataong ito at hindi na niya pinahalagahan ang pamilya Yllana bilang pamilya ng kanyang asawa.Napangiwi si Celestine noon at hindi napigilang tumingin kay Nancy. Naglilinis si Nancy habang pinapagalitan si Celestine, "Hindi mo man lang malinis nang maayos ang bahay na ito!"Nagdilim ang mga mata ni Celestine pagkarinig noon, alam niyang may iba pang ibig sabihin ang mga salita nito. Kaya ngumiti siya at nagbiro, "Nagpa-kalkula na naman ba si Lolo Manuel sa mga nabasa niya tungkol sa general cleaning?"Kumaway si Nancy bilang tugon sw anak, "Ay hindi ‘no! Hindi na tayo maniniwala sa Lolo Manuel mo. Maghugas ka na ng kamay, sabay tayong kakain, nandito na rin naman ang Tito Axl mo ngayon.”Kumurap si Celestine nang marinig ang
Napunta tuloy kay Diana ang atensyon ng media. Siya na ang tinatanong ng mga ito ng kung anu-ano."Miss Valdez! Ano ang masasabi mo sa sinabi ni Mrs. Belen Peters kanina? May katotohanan ba ito?"Hindi pa man nasasagot ni Diana ang tanong ay may isa na namang reporter ang kanyang narinig."Miss Valdez, ano ang relasyon mo kay Mr. Peters? Kayo ba ay palihim na nagde-date at niloloko niyo si Mrs. Peters?"Hindi pa roon nagtatapos, may nagtanong pang ibang reporter kay Diana."Bakit namutla ka Miss Valdez nang marinig mo na gusto kang ampunin ni Mrs. Belen Peters bilang anak-anakan ng pamilya Peters?”Sa reception area, dinala si Benjamin ni Lola Belen at nakaramdam ng awa si Diana para sa kanya.Pinalibutan si Diana ng mga reporter na sunod-sunod ang tanong, at hindi siya makaalis."Miss Valdez, totoo bang magdi-divorce na sina Mr. and Mrs. Peters? Dahil ba ito sa'yo? Tuluyan na ba kayong nagkaroon ng relasyon?""Miss Valdez, pakiusap, sagutin mo ang mga tanong namin! Kanina pa namin gu
Malamig na napasinghal si Lola Belen at sinermonan si Benjamin, "Mukha talagang nalilito ka na! Wala ka na sa sarili mo, ‘no?" Kumunot ang noo ni Benjamin, halatang medyo galit na siya sa sitwasyon, "Grandma, pwede ba huwag ka nang makialam sa mga bagay na inaayos namin? Hayaan niyo na lang po kami. Kaya naman po namin iyon." "Ito ay tungkol sa reputasyon ng pamilya Peters, kaya kailangan kong makialam! Naiintindihan mo ba iyon?" Hindi umurong si Lola Belen kahit na nakiusap na si Benjamin sa kanya. Nagkatensyon sila sa gitna ng stage.At ang masaklap pa, si Lola Belen mismo ang nakaharang sa harap ni Benjamin, dahilan para lalo siyang mabuwisit. Tumingin si Lola Belen sa lahat ng mga tao at seryosong sinabi, "Maraming salamat sa inyong pag-aalala sa mga usapin ng apo kong si Benjamin at asawa niyang si Celestine. Sana ay maintindihan niyo kami.""Aaminin ko sa inyo ngayon, sa inyong lahat na hindi pa annulled o divorced sina Benjamin at Ce