Home / Romance / Divorce Me If You Can / Chapter 33: Fear

Share

Chapter 33: Fear

Author: NJ
last update Huling Na-update: 2025-02-23 08:48:42
HINDI alam ni Ilana kung bakit apektado siya sa mga binitawang salita ni Gray. Nang banggitin nito ang pagkakaroon ng anak ay tila niyanig ang buo niyang pagkatao. Pakiramdam niya ay may ginawa si Gray na hindi niya alam kaya naman nang makabalik sa apartment ni Lovella ay agad niyang hinalungkat ang mga gamit hanggang sa matagpuan niya ang maliit na bote ng contraceptive pills na iniinom niya.

Dumagundong sa kaba ang dibdib niya habang nakatingin sa hawak. Mabilis ang bawat paghinga niya at nagdadalawang isip siya kung bubuksan niya ba ang bote o hindi na.

May hinala siya. Nang banggitin ni Gray ang pagpapalaglag sa bata ay tila ba siguradong-sigurado ito na buntis na siya pero hindi…hindi siya nagkakaligta na uminom. Lalo na noong may nangyari sa kanila.

Binuksan niya ang bote at napahinga siya ng maluwag nang makompirmang pareho naman ang hitsura ng pills sa unang ininom niya.

Hindi… Siguro ay tinatakot lang siya ni Gray. Minamanipula.

Naupo sa kama si Ilana at napabuga ng han
NJ

To be continued~ Continue rating the book, please! Have a nice day 💕

| 2
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
josephsabas94
hmmm author bekee men plsss more update po ...
goodnovel comment avatar
josephsabas94
Sana naman Dagdagan ni Authooor ang updateeeee kalungkot ehhh
goodnovel comment avatar
josephsabas94
Pano naman nag umpisa ang away ni Brian at gray hahaha lintek yan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Divorce Me If You Can   Chapter 34: Rights

    UMUWI si Gray na may pasa sa panga at putok ang labi. Magulo ang buhok nito at may mantsa ng dugo sa suot na puting button down shirt. Sa mansyon ng pamilya niya siya dumiretso matapos siyang ipatawag ng senyora dahil sa napabayaan niyang meeting kanina. Hindi siya nakadalo dahil nakita niya si Ilana na palabas ng isang club kasama si Brian Alonzo. Ang stepbrother ni Lovella na kaibigan ni Ilana. Kilala niya ang lalaki. Nakalaban niya ito noong college sa basketball at noon pa man ay mainit na ang dugo niya dito. “What happened to you?” Halos himatayin sa gulat ang kaniyang ina nang makita ang kaniyang hitsura. Nagtagis ang bagang ni Gray. Naalala niya ang pinagtalunan nila ni Brian. He walked out earlier at sumunod ito sa kaniya. He was so arrogant when he told him he would make Ilana fall for him. Alam naman niyang gusto lang siya nitong matalo dahil kahit kailan ay hindi ito nanalo sa basketball kapag sila ang magkalaban. Ngayon ay balak nitong gamitin si Ilana para may mapatuna

    Huling Na-update : 2025-02-24
  • Divorce Me If You Can   Chapter 1: Marry My Boyfriend

    “THIS is not the end of my love story with him, Ilana. I’m just doing this for me and Gray. Our family doesn't approve of us but that doesn't mean we’ll give up.”Tumango si Ilana sa babaeng kaharap. Malinaw sa kaniya ang kontratang pinirmahan niya noong nakaraang linggo. Kapalit ng malaking halaga na gagamitin niya para sa hospital bills ng kaniyang nakaratay na ama ay magpapanggap siyang kasintahan ni Gray Montemayor at magpapakasal dito. Desperasyon ang nagdala sa kaniya sa ganitong sitwasyon pero kung para sa natitira niyang pamilya ay hindi siya magdadalawang-isip.“Naiintindihan ko, Michelle. ‘Wag kang mag-alala, mananatiling lihim ang tungkol dito.”Tumango ang babae saka kalmado nang humigop ng kape. “I just wanna make sure that you won't fall in love with my boyfriend, Ilana. I don't want to risk my father's candidacy and my boyfriend's inheritance just because of a petty attraction that might arise.”Umiling si Ilana. “Hindi ako magkakagusto kay Gray. Pera niya lang ang kail

    Huling Na-update : 2024-12-18
  • Divorce Me If You Can   Chapter 2: Sign the Divorce Papers

    Three years later…MABIGAT ang bawat hiningang pinakakawalan ni Ilana habang nakatitig sa kalendaryo sa harap ng lamesa. Panaka-naka rin ang pagsulyap niya sa nakasabit na orasan sa dingding at kulang nalang ay hilahin niya pabalik ang oras.Halos mapatalon si Ilana nang bumukas ang pinto at pumasok ang taong kaniyang hinihintay.Tulad ng palagi niyang nararamdaman kapag nakikita ito, pakiramdam niya ay lumulutang na naman siya at hindi na maabot ng kaniyang mga paa ang lupa. He's bringing her into a dreamy fantasy and she's afraid of falling painfully once he lets go of her completely.“Kumain ka na?” Ang baritonong boses na hindi pumapalya sa pagpapatibok sa kaniyang puso ay nanuot sa kaniyang tainga at nanatili sa kaniyang utak.Dahan-dahang lumalapit sa kaniya si Gray. Ipinatong nito ang jacket sa sofa saka kinalas ang dalawang butones ng suot nitong polo. Inililis ang mahabang manggas ng puting damit saka hinagod pabalik ang buhok. Kitang-kita ni Ilana ang bahagyang pag-awang ng

    Huling Na-update : 2024-12-18
  • Divorce Me If You Can   Chapter 3: His Real Love

    ALAM ni Ilana na wala nang patutunguhan pa ang nararamdaman niya para kay Gray at kailangan niya na itong ibaon sa limot. She has been in a one-sided love for three years, and it's tiring.“Konti nalang iisipin ko nang imahinasyon lang kita. Hello? May kasama ba talaga ako? Nakakaloka ha! Para akong nagshoshopping mag-isa.”Nabalik sa realidad si Ilana dahil sa pagpitik ng daliri ni Lovella kasabay ng pagsasalita. Nakasimangot ang matalik niyang kaibigan habang nakatingin sa kaniya. “Sorry,” mahina niyang bulong.Umikot ang mga mata ni Lovella. “Iyong si Gray na naman ba?”Ngumiti si Ilana at umiling. “Wala ‘to. ‘Wag mo ‘kong pansinin.”“Anong ‘wag? Hindi pwede! Tara sa coffee shop at pag-usapan iyang problema mo. Tatlong taon na tayong magkaibigan, Ilana. Kabisado ko na ang ugali mo. Alam kong ayaw mong magshare pero hindi ako papayag kasi iba na ang nakikita ko sa mukha mo. Your eyes aren't shining anymore.”Bumuntong-hininga si Ilana at tumingin sa labas ng glass wall habang nasa

    Huling Na-update : 2024-12-18
  • Divorce Me If You Can   Chapter 4: I Can't Sign It

    HALOS manginig ang kalamnan ni Ilana. Nagbuhol ang kaniyang hininga at hindi siya makapagsalita. Planning her ex-husband’s wedding? That would be more than torturous. That would be a nightmare.“So, Ilana? Are you still a wedding planner or have you changed your line of work?”Ilana suddenly felt so uneasy. Pakiramdam niya ay bibigay ang tuhod niya sa nararamdamang sakit, panghihinayang, at sama ng loob.“H-Hindi ko alam, Michelle. Medyo…marami kasing client. Kailan niyo ba…balak magpakasal?” Sinulyapan ni Ilana si Gray. Nakita niya ang bahagyang pag-iiba ng ekspresyon nito pero agad ring naging blanko.“As soon as possible sana. I want it secret because you know about our family's situation. I wanna invite some close friends and of course you. And I can only trust you since you're a friend.”A friend. Kaibigan nga ba? Ayaw niya. Ayaw ni Ilana na maging kaibigan ng dalawa.“Sige,” napipilitan siyang tumango at ngumiti. “Sabihin mo lang kung kailan.”Sa bigat na nararamdaman ni Ilana a

    Huling Na-update : 2024-12-18
  • Divorce Me If You Can   Chapter 5: Threatened

    MARIING nakakuyom ang mga kamao ni Gray habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Kumikirot ang sugat niya sa palad pero hindi niya iyon iniinda dahil sa tindi ng galit na nararamdaman. Hindi niya maintindihan ang sarili. He's not in love with Ilana, so why does the idea of his cousin pursuing her bothers him?Nagkita sila ni Grant bago siya umuwi. Nang ihatid niya si Michelle sa condo nito ay hindi inaasahang nagkita sila ng pinsan. At hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa kaniyang isipan ang mga salitang ibinato nito sa kaniya.“So, you're seeing your ex-lover while still married to Ilana? I know you're an ass, but not this much.”Gulat na napatingin si Gray sa taong nakasandal sa kaniyang kotse. It was Grant, his cousin. He just came back from another country at hindi niya inaasahang dito pa sila magkikita.Tumayo ng tuwid si Grant ang sinulyapan ang matayog na condominium tower. “Still so head over heels with her?”Nagtagis ang bagang ni Gray. “What are you doing here?”Tum

    Huling Na-update : 2024-12-18
  • Divorce Me If You Can   Chapter 6: First Time

    “LEAVE my wife alone,” matigas na banta ni Gray sa pinsan. Bumuhos ang matinding galit sa kaniya nang dumating siya sa restaurant at nadatnan ang dalawa. He was about to have a lunch meeting with an investor, but he cancelled it immediately after seeing the two. Hindi niya gusto ang paraan ng pagtitig ni Grant sa kaniyang asawa at hindi rin niya gusto ang nakita niyang sakit sa mga mata ni Ilana nang tingnan ang pinsan niya. Why does it bother him anyway? He should be happy that Ilana will finally be happy with the man she loves, and he’s finally going to be with the woman he’s been waiting for. But why does it bother him? Pakiramdam niya ay mamamatay siya kapag napunta si Ilana kay Grant. Wala siyang pakialam sa ibang lalaking nagkakagusto dito pero ibang usapan si Grant. They were once in love at mukhang hanggang ngayon ay ganoon pa rin. “Sinasaktan mo siya, Gray!” “How did you know? Did you watch us all these years? Did you see us fighting? Did you see her crying because of me

    Huling Na-update : 2024-12-20
  • Divorce Me If You Can   Chapter 7: Protection

    “WHERE are you going?” Sumunod si Gray kay Ilana nang mabilis siyang tumakbo palabas. Nagpalinga-linga siya para humanap ng taxi na masasakyan samantalang hinablot naman ni Gray ang kaniyang braso nang hindi niya ito pinansin. “Ano ba, Gray!” His eyes bore at her like a sharp knife. “Where are you going? I’ll take you there.” Lumunok si Ilana at hindi na nagdalawang isip na tumango at pumasok sa kotse ni Gray na agad pumasok sa driver seat. “Sa hospital,” mahinang sambit ni Ilana habang mabilis ang pintig ng kaniyang puso. Gising na ang papa niya. Sa wakas! Pagkatapos ng mahabang panahon ay nagbunga na ang mga panalangin at desperadong desisyon niya. Gising na ang kaniyang ama. “What happened?” Tanong ni Gray sa gitna ng maingat pero mabilis na pagmamaneho. Paulit-ulit na nagtatagis ang bagang nito. Humugot ng malalim na hininga si Ilana at tumingin sa labas ng bintana. “Gising na siya.” Nakabibinging katahimikan ang bumalot sa kanila pagkatapos niyon. Hindi naman mapakali si Il

    Huling Na-update : 2024-12-21

Pinakabagong kabanata

  • Divorce Me If You Can   Chapter 34: Rights

    UMUWI si Gray na may pasa sa panga at putok ang labi. Magulo ang buhok nito at may mantsa ng dugo sa suot na puting button down shirt. Sa mansyon ng pamilya niya siya dumiretso matapos siyang ipatawag ng senyora dahil sa napabayaan niyang meeting kanina. Hindi siya nakadalo dahil nakita niya si Ilana na palabas ng isang club kasama si Brian Alonzo. Ang stepbrother ni Lovella na kaibigan ni Ilana. Kilala niya ang lalaki. Nakalaban niya ito noong college sa basketball at noon pa man ay mainit na ang dugo niya dito. “What happened to you?” Halos himatayin sa gulat ang kaniyang ina nang makita ang kaniyang hitsura. Nagtagis ang bagang ni Gray. Naalala niya ang pinagtalunan nila ni Brian. He walked out earlier at sumunod ito sa kaniya. He was so arrogant when he told him he would make Ilana fall for him. Alam naman niyang gusto lang siya nitong matalo dahil kahit kailan ay hindi ito nanalo sa basketball kapag sila ang magkalaban. Ngayon ay balak nitong gamitin si Ilana para may mapatuna

  • Divorce Me If You Can   Chapter 33: Fear

    HINDI alam ni Ilana kung bakit apektado siya sa mga binitawang salita ni Gray. Nang banggitin nito ang pagkakaroon ng anak ay tila niyanig ang buo niyang pagkatao. Pakiramdam niya ay may ginawa si Gray na hindi niya alam kaya naman nang makabalik sa apartment ni Lovella ay agad niyang hinalungkat ang mga gamit hanggang sa matagpuan niya ang maliit na bote ng contraceptive pills na iniinom niya. Dumagundong sa kaba ang dibdib niya habang nakatingin sa hawak. Mabilis ang bawat paghinga niya at nagdadalawang isip siya kung bubuksan niya ba ang bote o hindi na. May hinala siya. Nang banggitin ni Gray ang pagpapalaglag sa bata ay tila ba siguradong-sigurado ito na buntis na siya pero hindi…hindi siya nagkakaligta na uminom. Lalo na noong may nangyari sa kanila. Binuksan niya ang bote at napahinga siya ng maluwag nang makompirmang pareho naman ang hitsura ng pills sa unang ininom niya. Hindi… Siguro ay tinatakot lang siya ni Gray. Minamanipula. Naupo sa kama si Ilana at napabuga ng han

  • Divorce Me If You Can   Chapter 32: Cunning

    NATIGILAN si Ilana nang makita ang pangalan ng club na papasukan nila ni Brian. Natigilan rin naman ang huli nang makita ang reaksyon niya. “I’m not gonna sell you as an escort. This is not a strip club.” Umiling si Ilana. “Hindi ko iniisip iyon.” Pumasok na sila sa loob. Alas tres palang ng hapon at ayon kay Brian ay gabi nagbubukas ang club kapag sabado. Sa weekdays naman ay bukas na ito ng umaga. “Good afternoon, sir.” Bati ng isang janitor kay Brian. Wala pang tao bukod sa mga trabahador at sa isang lalaking nakaupo sa bar stool habang may hawak na cellphone at humahalakhak na tila may pinapanuod na katawa-tawa. “Ampotek!” Nagmura pa ang lalaki habang pailing-iling bago napatingin sa kanila ni Brian na papalapit. Cloudio Guevarra. Sinong mag-iisip na ganito kaliit ang mundo? Noon ay customer lang siya ngayon ay mag-aapply na. “Brian, pre!” Nagbatian ang dalawa bago siya binalingan ng mga ito. “Siya ang mag-aapply, Cloud.” Tumango si Cloudio at ngumiti sa kaniya. “

  • Divorce Me If You Can   Chapter 31: Exhausted

    INIWAN ni Ilana si Grant sa gilid ng kalsada at akala niya ay napakiusapan na niya ito pero nagulat siya nang kinabukasan ay naramdaman niya itong parang aso na buntot ng buntot sa kaniya. Ginawa naman nito ang sinabi niya na huwag siyang lapitan. May halos tatlong dipa sa pagitan nilang dalawa habang nakasunod ito na parang anino niya. Mukha itong nawawalang tuta. Noong una ay hindi ito pinapansin ni Ilana kahit naiirita siya pero ngayon ay hindi na niya matiis dahil naaalibadbaran siya tuwing may nakakapansin sa ginagawa ng lalaki. “Miss, sinusundan ka ng lalaking iyon. Mag-ingat ka. Ireport mo kaagad sa pulis.” Bumuntong-hininga si Ilana at tiningnan ang babae. Tumango nalang sya sa babae saka hinarap ang katatayuan ni Grant. Nagkamot ng batok ang lalaki at agad na tumalikod. Umismid si Ilana at napailing nalang. Paanong hindi mapagkakamalang masamang tao e naka facemask at cap pa. Mukha tuloy hindi gagawa ng mabuti. Nagtuloy-tuloy sa paglalakad si Ilana hanggang sa mapatigil siy

  • Divorce Me If You Can   Chapter 30: Getting Over You

    WALANG choice si Ilana kundi pumunta sa apartment ng kaibigan niyang si Lovella. Gulat na gulat ito nang maabala niya ito sa trabaho nang tumawag siya at sabihing naroon siya sa harap ng bahay nito. “Anong nangyari, Ilana?” Iyon ang bungad nito nang makababa ng taxi. Tinitigan ni Ilana ang kaibigan kasabay ng matinding paglunok. “U-Umalis na kami sa mga Montemayor.” Lovella’s eyes widened. She even cupped her face in shock. “Oh my God! Pasok! Pasok kayo.” Mangiyak-ngiyak pa si Ilana habang pumapasok sa loob ng apartment. Natigilan siya nang makitang naroon ang stepbrother ni Lovella na nakaupo sa sofa at naninigarilyo. Tumingin ito sa kaniya agad na umalis nang senyasan ni Lovella. Nilingon niya ang kaibigan. “Sorry, Lovella. Hindi naman kami magtatagal. Maghahanap lang ako ng mauupahan—” “Para namang hindi tayo magkaibigan niyan,” nakasimangot na sansala ng kaibigan. “Kahit pa mukhang bahay ng daga ang apartment ko, hindi ko ito ipagdadamot sa ‘yo, Ilana.” Umiling si Ila

  • Divorce Me If You Can   Chapter 29: Gold Digger

    BUONG lakas na itinulak ni Ilana ang asawa saka binalot ng kumot ang kaniyang katawan. Malakas ang kabog ng kaniyang dibdib at hindi niya mapigilan ang pagbugso ng galit sa damdamin. Bumangon siya at sinampal ito ng napakalakas. “Alam mo ang nararamdaman ko pero pinaglalaruan mo ako? Anong klase kang tao?” Punong-puno ng galit at hinanakit si Ilana. Itinulak niya si Gray bago kumuha ng damit sa closet at lumabas. Mabigat ang bawat paghakbang at paghinga ni Ilana nang pumasok sa common bathroom. Doon siya nagbihis habang nanginginig ang mga kamay sa galit at sakit. Aalis siya! Ngayong araw din ay aalis siya! Lumabas siya at hinanap ang nurse ng kaniyang ama. Nahanap niya ito sa kusina na nag aayos ng pagkain ng kaniyang ama. “Ma’am…” “Igayak mo ng mga gamit ang papa ko. Kaunti lang at sumunod ka sa amin sa labas.” “S-Sige po, ma’am.” May pagtataka sa mukha nito pero agad ring umalis sa harapan niya para gawin ang kaniyang utos. Sumunod naman si Ilana para kunin ang kaniyang

  • Divorce Me If You Can   Chapter 28: Haunted

    WALANG patutunguhan ang lahat. Iyon ang tanging nasa isip ni Ilana. Sayang ang lahat ng pagtatakip niya sa mga kasalanan ng kaniyang asawa. Sayang ang pagtitiis niya at pag-asa. Bakit ba kasi siya nagtiis? Oo nga pala, para sa kaniyang ama. Kailangan niya ng pera para sa tuloy-tuloy na pagpapagamot ng kaniyang ama. Kailangan niya ang pera ng mga Montemayor. “Sa akin ka na sumakay.” Napalingon si Ilana kay Gray na tumabi sa kaniya. Nasa harap siya ng sasakyan ni Gray at nagdadalawang isip siya kung sasakay siya at sasabay pauwi. Kung siya lang ay magcocommute nalang siya pero naroon sa sasakyan ang kaniyang ama. “Hindi ka magiging komportable kung sasabay ka sa kanila—” “At sa tingin mo magiging komportable siya na kasama ka?” Si Gray iyon na biglang sumingit sa pagitan nila. Bumuntong-hininga si Ilana at hindi na nag-abalang pansinin pa ang dalawa. Lumapit siya sa ama ni Gray na agad na tumigil sa paglalagay ng mga travel bag sa kotse nang makita siya. “Dad—Tito…” Bumuntong-hini

  • Divorce Me If You Can   Chapter 27: Sacrifice

    HALOS takasan ng kaluluwa si Ilana habang nakatingin sa mga mata ng ama ni Gray. Bakas ang galit sa mukha nito at tiyak niyang wala siyang lusot. Narinig na nito ang lahat at wala nang dahilan pa pagtakpan niya ang katotohanan. Gray has been hurting her. He was so blind with his love for Michelle that he could no longer see that she's in pain. Tama si Grant. Wala nang saysay kung mananatili pa siya sa kalokohang ito. “I-I’m sorry…” Iyon ang tanging nasabi ni Ilana sa kabila ng matinding kagustuhan niyang aminin ang buong katotohanan. “You and my son are divorcing? Tama ba ako ng rinig?” Tanong ng ama ni Gray na tila na hindi nito matanggap ang narinig. Lumunok ni Ilana. “H-Hindi na po kami masaya—” “I saw how happy you are with him, Ilana. Anong hindi masaya?” “Tito, she's not at fault—” “At sino ang may kasalanan?” Mabangis na ang boses ng ama ni Gray nang bumaling kay Grant. Natigilan silang tatlo, binalot ng mahabang katahimikan hanggang sa bigla nalang umungol sa galit ang a

  • Divorce Me If You Can   Chapter 26: Truth Revealed

    “ILANA, isuot mo ito.” “Ilana, naroon si Gray, lapitan mo.” “Ilana, tawagin mo si Gray.” “Gabi na, Ilana, ayain mo na si Gray na matulog.” Hindi alam ni Ilana kung paano pa pagagaanin ang bigat ng kaniyang dibdib. Nang dumating si Michelle kanina ay mataas na ang dugo ng mga babaeng Montemayor at pilit na ipinagtutulakan siya ng mga ito na magdidikit kay Gray. Ilana felt miserable. Gusto niyang umalis sa resort para makalayo sa mga Montemayor dahil pakiramdam niya ay sakal na sakal na siya. Patuloy siyang naiipit sa gulo ng mga Herrera at Montemayor at kahit ramdam niya ang pagmamalasakit ng mga Montemayor sa kaniya ay hindi niya maiwasang masakal at maramdaman na ginagamit nalang siya ng mga ito. Nakahiga siya sa kama at tulala sa kisame ng kwartong nirent para sa kanila ni Gray nang bumukas ang pinto. Gray entered with a darkened expression on his face. Nang magtama ang kanilang paningin ay nagulaat siya nang lapitan siya nito at basta nalang dinaganan sa kama. His lips claimed

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status