To be continued~
“MALAKAS ang kapit ng bata pero hindi ibig sabihin ay pababayan na niya ang sarili niya. Alagaan mong mabuti ang asawa mo.” Hindi maalis sa isipan ni Cloudio ang mga salitang binitawan ng doktor nang dalhin niya si Ilana sa hospital pagkatapos mawalan ng malay. Hindi niya alam kung paano magrereact. Clearly, bago palang nalaman ni Ilana ang pagbubuntis. It was the reason she was crying so hard. Kumuyom ang mga kamao ni Cloudio saka napayuko. Ginulo niya ang sariling buhok at napatingin kay Ilana na walang malay sa hospital bed. Biglang nahawi ang kurtina at tumambad kay Cloudio ang nag-aalalang mukha ng stepsister ni Brian na si Lovella. “Is she alright?” Bago pa makasagot si Cloudio at gumalaw na si Ilana. Mabilis na tumakbo sa tabi ng kaibigan si Lovella samantalang tumayo si Cloudio sa isang tabi at pinagmasdan si Ilana. Ang nag-aalalang mukha ni Lovella ang namulatan ni Ilana. Nakasuot pa ito ng scrub uniform at bakas sa mukha ang takot. Ilana blinked, remembering what
MAINGAT na inaayos ni Ilana ang isang bouquet ng pinakamahal na bulaklak habang nakaupo. Isang malaking bouquet ito ng tulips at gusto niya palagi na perpekto ang arrangements niya. Cloudio’s flowershop is doing great. Four months after nito magbukas ay naging maganda ang reputasyon nito. Bukod sa dinadayo sa ganda ng mga fresh na bulaklak at perpektong arrangement ay malakas rin ang hatak ng guwapong owner. Napalingon si Ilana nang marinig niya ang paggalaw ng wind chime. Natatabunan siya ng kumpol ng mga bulaklak kaya hindi niya makita kung sino ang pumasok. “Good afternoon, sir!” Masiglang bati ng isang staff nila. Napangiti si Ilana. Alam na niya kung sino ang dumating. Kanina pa nga niya ito hinihintay e. “Si buntis?” Mas lalong napangiti si Ilana. He’s been addressing her that way ever since her baby bump showed. Hindi siya nagpalaglag. Tinangka niya pero hindi niya kinaya. Hindi niya kayang parusahan ang isang buhay na wala namang kasalanan sa kaniya. “Nag-aayos po ng flo
PAGOD pa si Ilana nang magising. Madaling araw na at nakita niya na nakaupo sa sofa si Brian habang tulog na tulog at bahagyang nakayuko. Nakaunan naman sa hita nito si Lovella. Nang lumingon si Ilana sa upuan sa gilid ng kama ay nakita niya doon si Cloudio. Gising at nakatitig sa kaniya. “Hi…” Masuyo ang ngiti nito. “Tulog ka pa. Saglit ka palang nakatulog.” Umiling si Ilana. “Si baby?” “She’s fine. Healthy. She looks like you. Napakaganda.” Napangiti si Ilana. “Samahan mo ako. Gusto ko siyang makita.” Tumayo si Cloudio. “Kukuha lang ako ng wheelchair.” “Gusto ko na siyang makita, Cloud. Lalakad nalang ako.” Bahagyang naningkit ang mga mata ni Cloudio. “Tigas ng ulo.” Lumapit ito sa kaniya at nagulat nang pinangko siya nito. He carries her like she’s as light as a paper. Ininguso nito ang dextrose stand. “Itulak mo.” Tumango lang si Ilana at itinulak ang dextrose stand nang magsimulang maglakad palabas si Cloudio. Nang makarating sa kwarto kung nasaan ang baby ay agad na tu
GUMUHIT ang malaking ngiti sa mga labi ni Ilana nang makita kung sino ang pumasok sa silid. Kasama ito ni Lovella na dumalaw ulit matapos ang dalawang araw.“Ate!”“Ma’am!” Agad na yumakap sa kaniya ang dating nurse ng ama. “Wow, ma’am! Ang ganda ganda niyo na lalo. Ang laki ng pinagbago niyo mula noong huli ko kayong makita. Wala ka nang eyebags, ma’am. Maganda na rin ang katawan mo, ma’am, hindi ka na buto’t-balat.”Nginiwian ni Ilana ang babae. “Namamangha ka ba o nilalait mo ako?”Humagikhik ang babae. “Kumusta ka na, ma’am? Tama si Ma’am Lovella, mukha kang halaman na bagong dilig kahit pagod sa pag-aalaga ng baby.”Kinunutan ni Ilana ng noo si Lovella. “Anong pinagsasabi mo? Saka magkakilala ba kayo?”“Ipinasok niya ako sa hospital na pinagtatrabahuhan niya, ma’am.”Humalakhak si Lovella. “Alaga ng tamang tao ang tawag riyan, ate. Kaya ako maghahanap ako ng tamang tao para magmukha akong bulaklak na mayaman sa dilig.”“Anong dilig ang pinagsasabi mo riyan? Tumigil kayo! Baka mama
ILANA was discharged from the hospital a week ago, and she’s starting to feel the weight of motherhood. Thankfully, she could adjust just fine because of Cloudio. Palagi itong nakaalalay. Palaging nakabantay. He barely goes home. He’s sleeping on the couch in her apartment’s living area. Tuwing maririnig nito ang iyak ng sanggol ay walang pag-aalinlangan itong pumapasok sa silid niya para patahanin ang nasa crib na baby. “Puyat ka na naman. Pupunta ka pa sa club bukas.” Hindi napigilang puna ni Ilana habang pinagmamasdan si Cloudio na umiinom ng tubig. Alas dos ng madaling araw at nabulahaw silang dalawa sa iyak ni baby Nayi. The nickname Nayi was given by Lovella. Nagpresinta na rin itong magninang sa binyag. “Okay lang.” Ngumiti ng matamis si Cloudio sa kabila ng puyat. “Masaya naman ako.” Ilana smiled at him. She can clearly feel the changes in their relationship now, and it became stronger. Umungot si baby Nayi sa crib kaya agad na lumapit ang dalawa. Bahagyang ngumuso a
MATAMANG nakatitig sina Ilana at Cloudio sa isa’t-isa. Ang mga mata’y nababalot ng mga emosyong nag-uumapaw. Cloudio couldn’t help but think about what good he did in his previous life that his wish was granted without fail in this lifetime. Ilana was showing the same emotion he feels, and it’s more than a dream come true. Nalulunod sila sa titig ng isa’t-isa nang biglang umiyak si baby Nayi. Agad na tumayo si Cloudio upang isayaw-sayaw ang sanggol pero ayaw nito tumigil sa pag-iyak. “Basa na siya.” Napansin ni Ilana na basa na ang lampin. Agad silang pumasok sa kwarto. Maingat na inilapag ni Cloudio si baby Nayi sa kama. Kumuha naman ng malinis na lampin si Ilana para palitan ang sanggol. Si Cloudio na ang nag-alis ng lampin nito. “She pooped,” deklara ni Cloudio. Agad nitong kinuha ang baby wipes at ilang gamit para malinisan ang baby. Marahan ang dalawa—bawat hawak ay may ibayong pag-iingat. Matapos palitan ng lampin ay natigilan ang dalawa nang makarinig ng ingay mula sa baby.
PINAGMAMASDAN ni Ilana si Cloudio na nagsasampay ng mga ginamit na lampin ni baby Nayi. Hindi kakikitaan ng pagod ang mukha nito na tila ba enjoy na enjoy pa sa ginagawa. Mula sa sala ay tanaw niya ito sa balkonahe. Lumabas sila ni Lovella sa kwarto bago pa nila magising si baby Nayi sa pag-uusap nila. Sa sala nila ipinagpatuloy ang pag-uusap hanggang sa lumabas sa laundry room si Cloudio para isampay sa balkonahe ang mga nilabhang lampin. “May nangyari na ba sa inyo?” Nasamid si Ilana sa sariling laway at namamanghang tiningnan si Lovella na nakangisi. “Kapapanganak ko lang, Lovella.” Humalakhak si Lovella. “So, kapag naghilom na ang sugat, pwede na?” Naramdaman ni Ilana ang pagkalat ng init sa kaniyang mukha. Napailing siya. “Normal naman iyon sa magkarelasyon.” “Yieee! Grabe talaga!” Natawa si Ilana sa reaksyon ng kaibigan. Pumasok naman si Cloudio mula sa balkonahe at lumapit sa kanila. Naupo ito sa kaniyang tabi saka sumubo ng isang piraso ng cookies na kinakain nila ni Lov
ISANG malakas na sampal ang lumagapak sa pisngi ni Gray nang mag-angat siya ng tingin sa babaeng pumasok sa opisina. Michelle’s face was red. Her eyes were bloodshot and full of tears. Punong-puno ng hinanakit ang mga mata nito habang nanginginig ang kamay na lumapat sa kaniyang pisngi. Gray’s expression retained its calmness and coldness. “What do you want?” “Is it true?” Her voice even cracked. Bahagyang tumagilid ang ulo ni Gray. “Seeing you crying like that, I supposed you heard from your father.” Suminghap ang dalaga. “How dare you?!” The corner of Gray’s lips slowly rose in a cold, sinister smirk—predatory, like of a serpent. “You challenged me, I just accepted it.” Marahan ang iling ni Michelle—puno ng galit. “You lied to me! Pinaniwala mo ako na pakakasalan mo ako pero niloko mo lang ako! You’re even planning to bankrupt my family's business! Ang sama sama mo!” “That's what you get for threatening Ilana's life. And you know what? I can be worse than that, Michelle. Try h
NAPATINGIN si Ilana kay Gray. “Wag kang magsinungaling dito, Gray.”Nag-angat ito ng tingin at tinitigan siya sa mga mata. Ang mga mata nito ay nangungusap. “Three months bago matapos ang agreement natin, nasa akin na ang divorce papers na iyon, Ilana. Hindi ko…mapirmahan kasi naguguluhan ako. Hindi ko alam kung…kakayanin ko pa ang buhay na wala ka matapos kong masanay na nasa tabi kita.”Natawa si Ilana. “Hindi ba nga’t bumalik na ang ex mo bago pa matapos ang tatlong taon natin? Nahuli ko pa nga kayong nagtatawanan sa opisina. Masayang-masaya ka noon, Gray. Kaya paano ako maniniwala na hindi mo siya ginustong balikan?”“We were catching up. Nagkukwento siya ng experiences niya abroad.”Natawa muli si Ilana—mas malakas, mas sarkastiko. “You were planning your marriage with her, Gray!”“She was planning it, I wasn’t.”Nagtagis ang bagang ni Ilana. “Tama na, Gray! Kung talagang wala kang planong pakasalan siya, sana sinabi mo na kaagad noon pa pero hindi mo sinabi. Pinagmukha niyo pa n
ILANA set another schedule to meet Gray to talk about the divorce. Tulad ng unang beses ay hindi siya pinigilan ni Cloudio. Ito pa mismo ang nagpresinta ng kotse nito para gamitin niya kahit noong una ay tumanggi siya dahil matagal na siyang hindi nakakapagmaneho. Cloudio supports her in everything, and that’s what she likes about him. “Here, take this.” Inabutan siya ni Cloudio ng water tumbler nang makasakay siya sa kotse. Buhat nito si baby Nayi habang nasa parking lot sila ng apartment. “Ano ‘to?” Tanong ni Ilana habang tinitingnan ang pink na tumbler. “Lemon water. Maganda iyan sa katawan.” Marahang tumango at ngumiti si Ilana. Dumungaw siya sa bintana at marahang hinila palapit ang binata. She planted a kiss on baby Nayi’s lips before she kissed Cloudio’s cheek. “I’ll be home by midnight.” Ngumiti at tumango ang binata. “Opo, Cinderella. Sige na. Sayang ang oras.” “Ang mga bilin ko ha?” Pabiro pang sumaludo si Cloudio saka siya kinindatan. Ilana started the engine and dro
NAKANGANGA si Lovella kay Ilana mula sa screen ng laptop. Hindi na nagsalita si Ilana matapos sagutin ang tanong ni Lovella. It's been a week since she met with Gray, and she hasn't reached out to him since then. Kahapon ay tumawag si Lovella sa kaniya dahil nagtanong daw dito si Gray kung may sinabi na siyang oras, araw, at lugar. Ngayon naman ay tumawag para kumustahim siya. “Hindi mo siya sisiputin?” Hindi makapaniwalang tanong ni Lovella. Nakaupo sa kama si Ilana at patuloy sa ginagawang pagtutupi ng mga damit. Tulog si baby Nayi, samantalang nasa trabaho naman si Cloudio. Tanghali na at tiyak na sa mga oras na ito ay naiinip na sa paghihintay si Gray. “Hayaan mo siya.” Bahagyang naningkit ang mga mata ni Lovella. “So, you gave him the date, time, and location, but you have no plans of showing up today?” Umiling si Ilana. “Hayaan mo siyang mabulok roon nang maramdaman niya kung ano ang pakiramdam ng naghihintay sa wala.” Bumuntong-hininga si Lovella. “Gumaganti ka ba?” Nagk
“KAWAWA naman siya.” Kanina pa paulit–ulit na sinasabi iyon ni Lovella. Nagpapahangin sila sandali dahil talagang tumaas yata ang presyon ni Ilana sa inis kay Gray. “Kawawa naman siya… Para siyang naliligaw na tuta nang iwan mo…” Tiningnan ng matalim ni Ilana ang kaibigan. “Hindi siya naawa sakin nang ako ang saktan at iwan niya, Lovella. Saka akala ko ba gaganti ka sa ginawa niyang pananakit sakin? Balak mo pa ngang pasabugin ang mga Montemayor. Ano? Bumaliktad ka na?” Sumimangot ang dalaga. “Syempre hindi! Naawa lang ako kasi mukhang nagsisisi naman iyong tao.” Umismid si Ilana. “Hindi siya nakakaawa.” “Pero infairness, very good ka don! Pintrakis mo?” Umiling si Ilana at humigop ng iced coffee. Leche! Bakit ba iced coffee ang binili ni Lovella para sa kaniya? Ipinatong ni Ilana ang cup sa bench saka sinagot ang kaibigan. “Impromtu iyon. Nairita lang talaga ako nang manghingi siya ng isa pang chance. Ni hindi nga niya alam ang mga ginawa niyang kasalanan sakin. Ang ak
GRAY was stunned. The sharp contour of her face. Her arched brows emphasizing her deep expressive eyes and long eyelashes. The high bridge of her pointed nose. The natural glow of her pinkish cheeks. Her red, plump—always been kissable lips. Her soft and smooth hair, dancing with the wind. Everything about her changed. The way she carries herself was full of confidence. The heaviness of her stare holds power. Biglang nanliit si Gray. This is what a happy Ilana looks like. “Pinagtataguan mo ba ako?” Ulit nito sa kalmadong boses. Malayong-malayo sa garalgal at nagmamakaawang tono nito noon na malinaw pa sa kaniyang alaala. Malayong-malayo sa babaeng sinaktan niya ng husto. “Ilana…” “Bakit hindi ka sumagot?” “Ilana…” “Kapag hindi ka tumigil sa katatawag sa pangalan ko, ihahampas ko sayo ang bag ko. Sagutin mo ang tanong ko, Gray. Pinagtataguan mo ba ako?” Umiwas ng tingin ang binata at napalunok. “H-Hindi—” “E bakit sinabi ni Grant kay Lovella na hindi ka pa nakakauwi?” “Sinunga
SA LUMIPAS na mga araw at linggo ay napatunayan ni Ilana na handa na siyang harapin ulit ang dating asawa. Habang nakatitig sa salamin at pinagmamasdan ang sariling repleksyon ay hindi na makita ni Ilana ang babaeng dating mahina at baliw na baliw sa pagmamahal sa isang Gray Montemayor. Ang babaeng handang isuko ang lahat para sa pagmamahal na nakakaubos, nakakaupos…Pwede pala iyon… Pwede palang magwork ang isang relasyon kahit hindi ka desperada sa sitwasyon. Pwede palang maging masaya kahit hindi ibuhos ang sarili sa sobrang pagmamahal. Mas magwowork pala kapag may natira pang pagmamahal sa sarili.Isang magaang halik sa pisngi ang nagpabalik kay Ilana sa realidad. She was sitting in front of the vanity, behind her was Cloudio—smiling sweetly, and holding three pieces of tulips.A sweet smile crept on Ilana’s lips. “Mapupuno na ng tulips ang apartment ko.”Mahinang natawa ang binata. “Paalala iyan kung gaano ako kabaliw sayo.”“Bolero.” Inamoy ni Ilana ang bulaklak bago pinatakan n
INALIS ni Gray ang suot na jacket nang makalabas ng terminal. Luminga-linga siya sa paligid para hanapin ang sundo niya nang may sasakyang pumarada sa kaniyang harapan. Bumaba ang bintana sa passenger seat at bumungad sa kaniya ang mukha ng pinsan. Sumilip si Gray sa backseat bago binuksan ang pinto ng passenger seat. “Nasaan ang anak mo?” “Iniwan ko sa sekretarya ko.” “Sekretarya? Akala ko ba ayaw mong malaman ng iba ang tungkol sa kaniya.” Bumuntong-hininga si Grant saka pinaandar ang kotse. “Wala akong choice. Nahuli ako ni Elenita na bumibili ng formula kasama si Gavin.” “Gavin?” “Iyong bata. Last week napansin ko na may nakaburdang pangalan sa panyo na kasama sa mga gamit niya. Gavin ang pangalan niya.” “Napapaternity test mo na ba?” “Oo.” Bumuntong-hininga si Grant. “Ngayong week ko makukuha ang result.” “Anticipating a positive result?” “Hindi ko alam.” Napalunok si Grant. “Sa ilang buwan kasi…parang umiikot na sa batang iyon ang mundo ko.” Pumikit si Gray.
“DON’T think about it.”Napaangat ng mukha si Ilana habang nakaupo sa bench. Inabutan siya ni Cloudio ng ice cream na agad naman niyang tinanggap. Sa ilalim ng lilim ng puno ay tahimik na nag-iisip si Ilana. Hawak niya sa kaliwang kamay ang ice cream na nasa cone at sa kanan ay ang stroller. Naupo kaagad sa tabi niya si Cloudio.“They don’t know about us. They don’t know how happy we are in our lives.” Dugtong ni Cloudio.Bumuntong-hininga si Ilana. “Tama ka pero naisip ko lang rin ang sitwasyon natin. Kasal pa ako, Cloud.”“Then, what do you want to do?”Bumaling si Ilana sa binata. “Kailangan kong bumalik para asikasuhin ang paghihiwalay namin ni Gray.”Hinawakan ni Cloudio ang kamay niyang nasa stroller. “Will you be okay? Hindi kita pipigilan sa mga gusto at kailangan mong gawin, Ilana. Pero nasaksihan ko kung paano ka nasaktan noon kahit nakikita lang siya. Sigurado ka bang kaya mo na siyang makita?”Napatitig siya sa binata. “Bakit hindi ka nagagalit? Dapat magalit ka kasi nagbab
PAULIT-ULIT ang pagbuntong-hininga ni Ilana habang pinagmamasdan si Cloudio na nililinis ang kusina. Matapos magsuntukan ng dalawa ay nagwalk-out si Brian at agad nagpaalam si Lovella para sundan ito matapos magsorry kay Ilana. Pinasadahan ni Ilana ng tingin ang mga nabasag na gamit. Maging ang niluto niyang ulam ay natapon. “Tsk!” Umiling si Cloudio habang nakatingin sa natapon na ulam. Madilim ang ekspresyon sa mukha nito at sa unang pagkakataon ay nakitaan ni Ilana ng galit ang mga mata ng binata—galit na tinabunan ang panghihinayang sa nasayang na pagkain. “Cloud, sa labas nalang tayo kumain. Hayaan mo na muna iyan.” Tumayo si Cloudio at lumapit sa kaniya. Karga niya si baby Nayi kaya maingat ito nang yakapin siya at halikan sa ulo. “I’m sorry. Dapat pinigilan ko ang sarili kong patulan siya. Nasira tuloy ang mga gamit mo.” Umiling si Ilana. “Hayaan mo na iyang mga iyan. Hawakan mo muna si baby. Kukunin ko lang ang stroller.” “Ako na ang kukuha—” “Nope.” Umiling si Ilana. “M