To be continued~
INALIS ni Gray ang suot na jacket nang makalabas ng terminal. Luminga-linga siya sa paligid para hanapin ang sundo niya nang may sasakyang pumarada sa kaniyang harapan. Bumaba ang bintana sa passenger seat at bumungad sa kaniya ang mukha ng pinsan. Sumilip si Gray sa backseat bago binuksan ang pinto ng passenger seat. “Nasaan ang anak mo?” “Iniwan ko sa sekretarya ko.” “Sekretarya? Akala ko ba ayaw mong malaman ng iba ang tungkol sa kaniya.” Bumuntong-hininga si Grant saka pinaandar ang kotse. “Wala akong choice. Nahuli ako ni Elenita na bumibili ng formula kasama si Gavin.” “Gavin?” “Iyong bata. Last week napansin ko na may nakaburdang pangalan sa panyo na kasama sa mga gamit niya. Gavin ang pangalan niya.” “Napapaternity test mo na ba?” “Oo.” Bumuntong-hininga si Grant. “Ngayong week ko makukuha ang result.” “Anticipating a positive result?” “Hindi ko alam.” Napalunok si Grant. “Sa ilang buwan kasi…parang umiikot na sa batang iyon ang mundo ko.” Pumikit si Gray.
SA LUMIPAS na mga araw at linggo ay napatunayan ni Ilana na handa na siyang harapin ulit ang dating asawa. Habang nakatitig sa salamin at pinagmamasdan ang sariling repleksyon ay hindi na makita ni Ilana ang babaeng dating mahina at baliw na baliw sa pagmamahal sa isang Gray Montemayor. Ang babaeng handang isuko ang lahat para sa pagmamahal na nakakaubos, nakakaupos…Pwede pala iyon… Pwede palang magwork ang isang relasyon kahit hindi ka desperada sa sitwasyon. Pwede palang maging masaya kahit hindi ibuhos ang sarili sa sobrang pagmamahal. Mas magwowork pala kapag may natira pang pagmamahal sa sarili.Isang magaang halik sa pisngi ang nagpabalik kay Ilana sa realidad. She was sitting in front of the vanity, behind her was Cloudio—smiling sweetly, and holding three pieces of tulips.A sweet smile crept on Ilana’s lips. “Mapupuno na ng tulips ang apartment ko.”Mahinang natawa ang binata. “Paalala iyan kung gaano ako kabaliw sayo.”“Bolero.” Inamoy ni Ilana ang bulaklak bago pinatakan n
GRAY was stunned. The sharp contour of her face. Her arched brows emphasizing her deep expressive eyes and long eyelashes. The high bridge of her pointed nose. The natural glow of her pinkish cheeks. Her red, plump—always been kissable lips. Her soft and smooth hair, dancing with the wind. Everything about her changed. The way she carries herself was full of confidence. The heaviness of her stare holds power. Biglang nanliit si Gray. This is what a happy Ilana looks like. “Pinagtataguan mo ba ako?” Ulit nito sa kalmadong boses. Malayong-malayo sa garalgal at nagmamakaawang tono nito noon na malinaw pa sa kaniyang alaala. Malayong-malayo sa babaeng sinaktan niya ng husto. “Ilana…” “Bakit hindi ka sumagot?” “Ilana…” “Kapag hindi ka tumigil sa katatawag sa pangalan ko, ihahampas ko sayo ang bag ko. Sagutin mo ang tanong ko, Gray. Pinagtataguan mo ba ako?” Umiwas ng tingin ang binata at napalunok. “H-Hindi—” “E bakit sinabi ni Grant kay Lovella na hindi ka pa nakakauwi?” “Sinunga
“KAWAWA naman siya.” Kanina pa paulit–ulit na sinasabi iyon ni Lovella. Nagpapahangin sila sandali dahil talagang tumaas yata ang presyon ni Ilana sa inis kay Gray. “Kawawa naman siya… Para siyang naliligaw na tuta nang iwan mo…” Tiningnan ng matalim ni Ilana ang kaibigan. “Hindi siya naawa sakin nang ako ang saktan at iwan niya, Lovella. Saka akala ko ba gaganti ka sa ginawa niyang pananakit sakin? Balak mo pa ngang pasabugin ang mga Montemayor. Ano? Bumaliktad ka na?” Sumimangot ang dalaga. “Syempre hindi! Naawa lang ako kasi mukhang nagsisisi naman iyong tao.” Umismid si Ilana. “Hindi siya nakakaawa.” “Pero infairness, very good ka don! Pintrakis mo?” Umiling si Ilana at humigop ng iced coffee. Leche! Bakit ba iced coffee ang binili ni Lovella para sa kaniya? Ipinatong ni Ilana ang cup sa bench saka sinagot ang kaibigan. “Impromtu iyon. Nairita lang talaga ako nang manghingi siya ng isa pang chance. Ni hindi nga niya alam ang mga ginawa niyang kasalanan sakin. Ang ak
NAKANGANGA si Lovella kay Ilana mula sa screen ng laptop. Hindi na nagsalita si Ilana matapos sagutin ang tanong ni Lovella. It's been a week since she met with Gray, and she hasn't reached out to him since then. Kahapon ay tumawag si Lovella sa kaniya dahil nagtanong daw dito si Gray kung may sinabi na siyang oras, araw, at lugar. Ngayon naman ay tumawag para kumustahim siya. “Hindi mo siya sisiputin?” Hindi makapaniwalang tanong ni Lovella. Nakaupo sa kama si Ilana at patuloy sa ginagawang pagtutupi ng mga damit. Tulog si baby Nayi, samantalang nasa trabaho naman si Cloudio. Tanghali na at tiyak na sa mga oras na ito ay naiinip na sa paghihintay si Gray. “Hayaan mo siya.” Bahagyang naningkit ang mga mata ni Lovella. “So, you gave him the date, time, and location, but you have no plans of showing up today?” Umiling si Ilana. “Hayaan mo siyang mabulok roon nang maramdaman niya kung ano ang pakiramdam ng naghihintay sa wala.” Bumuntong-hininga si Lovella. “Gumaganti ka ba?” Nagk
ILANA set another schedule to meet Gray to talk about the divorce. Tulad ng unang beses ay hindi siya pinigilan ni Cloudio. Ito pa mismo ang nagpresinta ng kotse nito para gamitin niya kahit noong una ay tumanggi siya dahil matagal na siyang hindi nakakapagmaneho. Cloudio supports her in everything, and that’s what she likes about him. “Here, take this.” Inabutan siya ni Cloudio ng water tumbler nang makasakay siya sa kotse. Buhat nito si baby Nayi habang nasa parking lot sila ng apartment. “Ano ‘to?” Tanong ni Ilana habang tinitingnan ang pink na tumbler. “Lemon water. Maganda iyan sa katawan.” Marahang tumango at ngumiti si Ilana. Dumungaw siya sa bintana at marahang hinila palapit ang binata. She planted a kiss on baby Nayi’s lips before she kissed Cloudio’s cheek. “I’ll be home by midnight.” Ngumiti at tumango ang binata. “Opo, Cinderella. Sige na. Sayang ang oras.” “Ang mga bilin ko ha?” Pabiro pang sumaludo si Cloudio saka siya kinindatan. Ilana started the engine and dro
NAPATINGIN si Ilana kay Gray. “Wag kang magsinungaling dito, Gray.” Nag-angat ito ng tingin at tinitigan siya sa mga mata. Ang mga mata nito ay nangungusap. “Three months bago matapos ang agreement natin, nasa akin na ang divorce papers na iyon, Ilana. Hindi ko…mapirmahan kasi naguguluhan ako. Hindi ko alam kung…kakayanin ko pa ang buhay na wala ka matapos kong masanay na nasa tabi kita.” Natawa si Ilana. “Hindi ba nga’t bumalik na ang ex mo bago pa matapos ang tatlong taon natin? Nahuli ko pa nga kayong nagtatawanan sa opisina. Masayang-masaya ka noon, Gray. Kaya paano ako maniniwala na hindi mo siya ginustong balikan?” “We were catching up. Nagkukwento siya ng experiences niya abroad.” Natawa muli si Ilana—mas malakas, mas sarkastiko. “You were planning your marriage with her, Gray!” “She was planning it, I wasn’t.” Nagtagis ang bagang ni Ilana. “Tama na, Gray! Kung talagang wala kang planong pakasalan siya, sana sinabi mo na kaagad noon pa pero hindi mo sinabi. Pinagmukha niyo
PAGOD na umuwi si Ilana at inabot na siya ng madaling araw sa daan. Tahimik siya nang buksan ang pinto at sa tingin niya ay tulog na rin si Cloudio sa kwarto. Dumiretso si Ilana sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Pakiramdam niya ay tuyong-tuyo ang lalamunan niya at wala siyang lakas. An argument with Gray literally took her strength away. Para siyang kandila na naupos. Lumabas si Ilana matapos uminom ng tubig. Ayaw niyang magising si Cloudio at makita ang hitsura niya kaya tumambay siya sa harap ng pinto ng unit. Nakahawak siya sa railing habang tulala sa kawalan nang may magsalita. “You look exhausted.” Agad na napalingon si Ilana sa kaliwa niya. Nasakandal ang likod ni Tres sa railing habang ang kaliwang kamay ay may hawak na beer. Nasa tapat ito ng unit ni Cloudio. “You’re here…” Tumingin sa kaniya ang binata. “Nalipat ako ng station kaya magiging madalas ako dito. Nag-offer rin si Cloud na dumito na ako sa unit niya.” Tumango si Ilana at hindi na nagsalita. Tumitig si
HINDI maalis sa isipan ni Ilana ang pagtatalo nila ni Lovella. Paulit-ulit niyang naririnig ang boses nito at ang pangongonsensya. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang kinakampihan ng kaibigan niya si Gray. Imposible namang nasuhulan ito ng lalaki dahil kilala niya si Lovella. May nalaman ba ito?Ipinilig ni Ilana ang ulo. Hindi na dapat niya problemahin kung may nalaman man si Lovella. Ang gusto niya lang ngayon ay tahimik na buhay kasama ang binubuo niyang pamilya. Wala naman sigurong batas na nagbabawal na hindi makipagbalikan sa asawa.“May problema ba?” Naupo si Cloudio sa tabi ng kaibigan. Nagtatrabaho ito kanina sa laptop pero nang mapansin ang paulit-ulit niyang buntong-hininga ay nilapitan na siya.Tulog sa crib si baby Nayi kaya tahimik silang dalawa sa sala. Tiningnan ni Ilana ang kasintahan. “Cloud, nagtalo kami ni Lovella.”“Dahil ba sa akin?” Nag-aalala ang tono ng kasintahan.Umiling si Ilana. “Hindi. Gusto niya kasi na kalimutan ko na ang galit ko kay Gray. Ipina
SINALUBONG ni Cloudio si Ilana na may malaking ngiti sa mga labi. Alas diez na siya ng gabi nakauwi at naghihintay sa kaniya si Cloudio sa loob ng kaniyang apartment. Kaharap nito ang laptop nang pumasok siya pero agad siya nitong sinalubong. “Mabuti naman napaaga ka. Tulog na si baby.” Si Cloudio na humalik sa kaniyang pisngi. Tiningala ni Ilana ang kasintahan. “May hindi ka ba sinasabi sa akin, Cloud?” Natigilan ang binata. Ang ngiti sa mga labi nito ay unti-unting nabura. “A-Anong ibig mong sabihin?” “I’m giving you a chance to explain to me, Cloud.” Diretso lamang ang tingin ni Ilana sa kasintahan. Ni halos ayaw niyang kumurap dahil hindi niya lang gustong marinig ang katotohanan—gusto niya ring makita ito sa mga mata ng lalaki. “Ilana…” “What did my father do to your sister?” Mariing pumikit si Cloudio at humugot ng malalim na hininga. Hinawakan nito ang kamay ni Ilana at marahang iginiya ang kasintahan paupo sa sofa. Lumuhod ito sa kaniyang harapan—hawak pa rin ang
NILAGPASAN ni Ilana ang kaibigan nang mapansin niya ang disappointment sa mga mata nito. Hindi alam ni Ilana kung bakit parang biglang kumakampi si Lovella kay Gray. “Ilana, mag-usap tayo.” Umiling si Ilana. “Kailangan kong umuwi, Lovella. Saka na tayo mag-usap.” “Mag-usap tayo ngayon!” Hinablot ni Lovella ang braso niya nang makarating sila sa parking lot. Iritadong tiningnan ni Ilana ang kaibigan. “What? ‘Wag mong sabihing kakampihan mo na naman siya.” “Hindi ko siya kinakampihan pero sumusobra ka na!” Humalakhak si Ilana. “Saan ako sumobra, Lovella? Dapat ba patawarin ko siya dahil nasaksak siya? Dapat ba kalimutan ko nalang ang lahat dahil miserable siya? Paano naman ako? Paano ang sarili ko?” Umiling si Lovella. “Pinagsalitaan mo siya ng masama, Ilana. Pinag-isipan mo at sinaktan ng sobra sa masasakit mong salita.” “He deserves it.” Nagtiim-bagang si Ilana. “Ginagawa ko lang sa kaniya ang mga ginawa niya noon.” “Masaya ka ba? Ha? Masaya ka bang nakakaganti ka sa
“AKO nalang ang papasok.” Nakatayo si Ilana sa harap ng hospital room ni Gray habang nasa likuran niya si Lovella. Hindi naka uniporme ang dalaga dahil hindi nito duty pero sinamahan niya pa rin si Ilana. Sinadya nilang hintayin na umalis ang pamilya ni Gray. “Basta nandito lang ako sa labas.” Tinanguan lamang ni Ilana ang kaibigan bago binuksan ang pinto. Nadatnan niya si Gray na nakahiga sa hospital bed. Nakapatong sa noo nito ang braso pero alam niyang hindi ito tulog dahil hindi pantay ang ritmo ng paghinga nito. Gray immediately opened his eyes and forced himself to sit on the bed when he smelled a familiar perfume. Hindi ang amoy ng perfume na ginagamit noon ni Ilana—kundi ang bagong perfume nito na nagpapasabik sa kaniya mula nang magkita silang muli. “How did you know it was me?” Kaswal na tanong ni Ilana habang malamig ang tingin na ibinabato sa lalaki. Gray swallowed hard, staring into her eyes—shooting icy stares. “Iyong…perfume mo.” Ilana sighed, and shooked her head.
MALALALIM ang hiningang binibitawan ni Gray habang nakahiga sa hospital bed. Tulala siya sa kama at hindi kumikibo. Hindi maalis sa isip niya ang huling pagkikita nila ni Ilana. Lumuhod na siya at nagmakaawa pero wala pa rin. Nawawalan na siya ng pag-asa. Isa nalang…Isang subok nalang at pagkabigo ay bibigay na siya.Biglang bumukas ang pinto kaya agad na ikinalma ni Gray ang sarili. “Ma, sabi ko sayo ‘wag ka na munang bumalik. Magpahinga nalang kayo.” Dismayadong sabi ni Gray sa ina nang pumasok ito kasunod ang kaniyang ama.Umiling ang ginang. “Mas gusto kong nakikita kita.”“Mom, I can take care of myself—”“Naririnig mo ba ang sarili mo?” Hindi napigilan ng ginang na magtaas ng boses. “Noong una nabundol ka. Ngayon naman nasaksak ka. Ganiyan ba ang kaya ang sarili, Gray?”Pumikit si Gray at hinilot ang bridge ng ilong. “Ma…”“Ayokong pagkatapos nito ay sa morgue na ang diretso ko, Gray. Ingatan mo naman ang sarili mo!”Bumuntong-hininga si Gray at tiningnan ang ama. “Ma, hindi ko
SA hospital na dumiretso sina Cloudio at Ilana at kahit sinigurado ng doktor sa kanila na okay na si baby Nayi ay nag-aalala pa rin si Ilana. “Salamat, Lovella. Kami na ang bahala dito.”Hinaplos ni Lovella ang kaniyang braso. “Sigurado ka? Pagod at puyat rin kayo e.”Umiling si Ilana. “Kaya ko. Bumalik ka na muna sa apartment ko para makapagpahinga ka bago umuwi.”“Sige. Basta kung magkaproblema, tawagan mo ako, ha?”Tinanguan lang ni Ilana ang kaibigan at niyakap bago ito umalis. Nang nakalabas si Lovella ay naupo si Ilana sa gilid ng kama at habang nakatingin siya sa natutulog na anak ay inabutan siya ni Cloudio ng tubig na kapapasok lang ulit ng kwarto.“Salamat…”“Pag-usapan natin ang nangyari, Ilana.”Tiningnan niya ang kasintahan. “I gave myself to you because I want to.”Umiling si Cloudio. “Hindi iyon, Ilana… Iyong…ginawa mo.”“Ginawa ko?”He sighed. “You pushed him. You wished for him to die. Hindi ikaw iyon.”Nakaramdam ng inis si Ilana. “Pwede ba, Cloud? Hindi ka ba masaya
MAGULO ang kama. Nasa sahig na ang mga unan at kumot. Nagkalat ang mga damit nila sa sahig at maging ang kumot ay nasa sahig na rin. Halos paos na si Ilana at pawis na pawis na silang dalawa pero patuloy sila sa pag subok na mapunan ang init at pagkauhaw. “Illana… Ilana…” Cloudio was chanting her name deliriously while owning every inch of her. Walang parte ng katawan niya na hindi nadaanan ng mga labi nito. Sinasamba siya ng kasintahan at ramdam niya sa bawat malakas na pintig ng puso nito ang labis na pagmamahal. “Cloud!” Ilana called his name desperately as she reached the zenith. A few more thrusts and Cloudio groaned like a wolf as he found his release. Napalunok si Ilana nang bumagsak ang kasintahan sa ibabaw niya. Ang mga labi nito ay agad humalik sa gilid ng kaniyang leeg habang pares silang hinihingal. “Grabe naman ang pagkasabik mo…” Natatawang biro ni Ilana habang dahan-dahang bumaba sa mataas na uri ng tagumpay na nakamit. Hinaplos niya ang malambot na buhok ng kasi
HINDI umiwas ng tingin si Ilana nang magtama ang paningin nilang dalawa ni Gray. He was standing a few meters away from them with a visible pain in his eyes. He didn’t look away either as if he wants to punish himself, and Ilana’s rage drove her to torture him more.Habang hindi inaalis ang tingin kay Gray ay bahagyang inangat ni Ilana ang sarili at walang pag-aalinlangan na hinalikan si Cloudio sa mga labi. The pain in Gray’s eyes intensified. His lips even part, and he lost balance.Ilana didn’t budge. She continued kissing Cloudio who’s now answering her passionate kisses. She didn’t look away. She didn’t back down. She wants to see pain in Gray’s eyes. She wants to see him suffer. Took him long enough to apologize, huh? Hindi niya hahayaang hindi madurog ang lalaki.Nang tumalikod si Gray ay saka lamang bumitaw ang mga labi ni Ilana sa kasintahan. She looked at Cloudio with satisfaction written on her face, and smiled. “Saan tayo magdedate?”Cloudio gently caressed her reddish and
TULALANG nagbibreastfead si Ilana nang pumasok sa kwarto si Cloudio. Agad itong tumalikod matapos makita ang dibdib niya at napailing nalang si Ilana nang makita ang pamumula ng leeg at tainga nito.Tinakpan ni Ilana ang dibdib. “Pinanggigilan mo na ako’t lahat, nahihiya ka pa rin.”Cloudio groaned. “Hangga’t walang nangyayari sa atin, hindi ako magiging komportableng makita ang maselang parte ng katawan mo, Ilana.”Natawa si Ilana. Nang humarap si Cloudio at napahinga ito ng maluwag bago lumapit sa kaniya. Naupo ito sa tabi niya. “Ready na ang breakfast. Nauuna nang kumain si Tres, sumabay ka na.”Umiling si Ilana. “Maya-maya na.”“Kumusta pala ang…pagpunta niyo sa therapist kahapon?”Bumuntong-hininga si Ilana. “Hindi naging maganda e. Nagmamatigas si Gray.”“Gusto mo bang kausapin ko siya? Baka mapakiusapan ko siya na pakawalan ka na kapag sinigurado ko sa kaniya na hindi kita sasaktan.”Tinitigan ni Ilana ang binata. “Cloud, hindi siya nakikinig sa akin. Mas lalo na sayo. Mas magi